Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAGHINGI NG TINAPAY PARA SA MGA MAKASALANAN

ASKING BREAD FOR SINNERS
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-14 ng Oktubre taon 2012


Magsilipat kasama ko sa Bibliya sa Lucas 11:5. Ito’y nasa pahina 1090 sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield. Masitayo para sa pagbabasa ng Salita ng Diyos.

“At sinabi niya sa kanila, Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan, at paroroon sa kaniya sa hating gabi, at sa kaniya'y sasabihin, Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay; Sapagka't dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniyaAt siya na mula sa loob ay sasagot at sasabihin, Huwag mo akong bagabagin: nalalapat na ang pinto, at kasama ko sa hihigan ang aking mga anak; hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo? Sinasabi ko sa inyo, Kahit siya'y hindi bumangon, at magbigay sa kaniya, dahil sa siya'y kaibigan niya, gayon ma'y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niyaAt sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan. Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. At aling ama sa inyo, na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay, ay bibigyan niya siya ng isang bato? o ng isang isda kaya, at hindi isda ang ibibigay, kundi isang ahas? O kung siya'y humingi ng itlog, kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan? Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:5-13).

Maari nang magsi-upo.

Noong huling linggo nakabasa ako ng isang pag-aaral ng Pew Forum sa Relihiyon at Publikong Buhay na nagsabi na ang bilang ng mga Protestanteng mga Amerikano ay bumaaba ng 14% sa huling apat na pung taon. Noong 1972 62% ng mga Amerikano ay Protestante. Ngayon ang bilang ay bumaba sa 48%, isang pagbagsak ng 14% sa haba ng panahong iyon. Ang Simbahan ng Nagkakaisang mga Metodista [United Methodist] ay lumiit ng halos 800 libong nitong huling sampung taon lamang (isinalin mula sa Los Angeles Times, Ika-10 ng Oktubre taon 2012, p. AA1). Sinasabi ng ulat na young mga humintong magpunta sa simbahan ay “puspusang inihayag ang kabiguan sa mga relihiyosong mga organisasyon dahil sa pagiging masyadong nag-aalala sa pera, kapangyarihan, mga panuntunan at politiko.” Ipinahiwatig ng ulat na maraming mga tao ay hindi nakararamdam ng hindi natutugunana ang kanilang espiritwal na mga pangangailangan sa mga Protestanteng mga simbahan ngayon. Ito ang partikular na katotohanan ng mga kabataan, na nililisanan ang mga simbahan sa mga kawan.

Ang talata sa Kasulatan na atin lamang nabasa ay nagbibigay ng dahilan kung bakit napaka raming mga kabataan ang nagsisi-alis sa mga simbahan. Sa berso anim ibinigay ni Hesus ang dahilan,

“Sapagka't dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:6).

Anong uri ng kumpisal! “Wala akong maihain sa kaniya.” Iyan ang nararamdaman ng maraming mga kabataan kapag sila’y bumibisita sa isang simbahan ngayon. Kanilang simpleng nararamadaman na ang mga simbahan ay hindi nag-aalay sa kanila ng kahit anong kanilang kailangan! Ang lahat na kanilang naririnig ay usapan tungkol sa pera, mga batas, at politiko! Ang mga simbahan ay walang kahit anong bagay upang pasiyahin sila, walang mailagay sa harap nila kundi political na mga bagay, o isang walang buhay na berso-kada-bersong pagtuturo ng Bibliya! Walang maihain sa harap nila! Walang kapangyarihan! Walang katotohanan! Walang buhay! Walang maihain sa harap nila!

Ganyan ang aking naramdaman noong una akong nagpunta sa simbahan na isang binata. Ang mga tao sa katabing bahay ay dinala ako sa isang Bautistang simbahan noong ako’y labin tatlong taong gulang. Patuloy akong nagpunta sa simbahan ng sa loob ng ilang taon dahil sa mga gawain na mayroong sila para sa mga kabataan. Ngunit napakakaunti ang pag-iisip ko tungkol sa Diyos. Wala talagang kahit anong espiritwal na nakaakit sa akin. Sa wakas handa na akong humintong magpunta sa simbahan. Ngunit bigla kong nabasa ang biyograpiya ni James Hudson Taylor, isang tagabunsod na misyonaryo sa Tsina, at isang pinaikling bersyon ng Pahayagan ni John Wesley. Nabighani ako sa nabubuhay na Kristiyanismo na nabasa ko doon sa dalawang aklat na iyon. Naramdaman ko na para bang ako’y tulad noong binata sa Ang Progreso ng Manlalakabay [Pilgrim’s Progress] na sumigaw na, “Buhay! Buhay!” habang siya’y paalis mula sa Lungsod ng Kasiraan, hinahanap si Kristo. Naghahanap ng espiritwal na buhay, sumapi ako sa isang Tsinong Bautistang simbahan. Hindi nagtagal pagkatapos ko sinapian ang simbahan, si Dr. Timothy Lin ang naging pastor. Idiniin ni Dr. Lin ang panalangin, ang Pangalawang Pagdating ni Kristo, muling pagkabuhay, at iba pang mga espiritwal na mga paksa. Sa mga panahong iyon na ako’y napagbagong loob sa isang kapilyang paglilingkod sa Kolehiyo ng Biola, noong narinig ko ang makapangyarihang pangaral sa Pangalawang Pagdating ni Kristo ni Dr. Charles J. Woodbridge. Sa paglilingkod na iyon, sa Tsinong simbahan, sa wakas ay nahanap ko ang espiritwal na pagkain. Bago niyan, kapag nagpupunta ako sa ibang mga Bautistang simbahan, wala silang maihain sa akin! Ang simbahan ay isa lamang ritwal, at ang mga sermon at mga pag-aaral sa Bibliya ay walang buhay sa kanila, walang makapapakain sa aking kaluluwa! Mukhang ang lahat ay dinesenyo upang pasiyahin ang mga gitnang edad na mga kababaihan at kanilang mga asawa. Hindi ito isang dinamikang, na nanghahamong relihyon. Pagpupunta sa simbahan doon ay tuyo, at patay na karanasan. Walang bagay roon na nakapela sa isang kabataan tulad ko. Dinadala tayo nito sa ating talata ng Kasulatan, na tinatawag ng Pag-aaral na Bibliya ng Scofield, “Ang Parabula ng Masigaisg na Kaibigan.”

Sa parabulang ito isang kabigan ng isang lalake ay nagpunta upang bisitahin siya isang hating gabi. Wala siyang maihain sa kanya, walang tinapay na maibigay sa kanyang bisita noong gabing iyon. Kaya nagpunta siya sa malapit na kaibigan at kumatok sa pintuan, na nagsasabing, “Kaibigan pahiramin mo ako ng tatlong tinapay.” Mula sa likuran ng nakakandadong pintuan ng bahay ng lalake, narinig niya ang kabit bahay na nagsabi na siya’y nasa kama na at ayaw tumayo. Ngunit hindi tatanggapin ng lalake ang hindi bilang sagot! Nagpatuloy siya sa pagkatok sa pintuan hanggang sa ang kanyang kapit bahay ay tumayo at binigyan siya ng tinapay na kailangan niya para sa kanyang bisita. Ginamit ni Hesus ang parabola sa pagsasabing,s

“At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.” (Lucas 11:9-10).

At tinapos ni Hesus ang parabola sa pamamagitan ng pagsasabi sa atin kung anong ikinatawan ng tinapay – “gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13). Kinakatawan ng tinapay ang Banal na Espitiru.

Marami sa inyo ay narito sa unang beses ngayong umaga. Mas marami pa sa inyo ay nagpupunta lamang rito ng ilang linggo pa lang. Kailangan naming ikumpisal sa iyo na kami rin, ay walang maihahain sa inyo na makakapasiya sa iyong kaluluwa, at maging inspirasyon sa iyong mga disipolo ni Kristo. Tulad ng lalake sa parabula, wala kaming maihahain sa inyo na makapapalugod ng espiritwal na pagkagutom! Kung kami/y magsasalalay sa aming sarili, wala kaming kahit ano para sa iyo, kundi ilang mga himno, isang sermon, at isang karawaang pagdiriwang! Iyan lang ang mayroong kami para sa mga kaibigang tulad mo! Wala kaming kapangyarihan at pagbabago ng buhay na maibibigay sa iyo. Kaya aming ikinumpisal sa Diyos,

“Sapagka't dumarating sa akin …ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:6).

At kapag kami’y magsimulang manalangin para sa iyo, mukhang sinasabi ng Diyos sa min, “Huwag mo akong bagabagin: nalalapat na ang pinto…hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo” (Lucas 11:7). Hindi tayo sinasagot ng Diyos, kahit na tayo ay nag-aayuno at nananalangin para sa iyo tuwing Sabado. Kailangan kong aminin sa iyo na naramdaman na naming sumuko paminsan. Nagtapon ang Diablo ng sunod sunod na mga hadlang sa harapan namin habang kami’y nag-ayuno at nanalangin upang bigyan kami ng tinapay ng Diyos. Mukhang naglagay si Satanas ng isang bagong sagabal kada katapusan ng linggo, upang pagilan na masagot ang aming mga panalangin. Noong huling katapusan ng linggo literal na sinubukan niyang patauin ako sa isang aksidente, upang pigilan ako mula sa pangangaral patungkol sa masugid na pananalangin sa panggabing paglilingkod. Nahanap naming mahirap na “magsitibay laban sa mga lalang ng diablo” (Mga Taga Efeso 6:11). At mukhang hindi pa sinasagot ng Diyos an gang mga panalangin namin para sa iyo. Mukhang sinasabi ng diyos, “Huwag mo akong bagabagin: nalalapat na ang pinto…hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo” (Lucas 11:7).

Ngunit ang aming mga Kristiyanong mga kapatid ay kailangang matandaan ang sinabi sa atin ni Hesus sa parabola,

“Kahit siya'y hindi bumangon, at magbigay sa kaniya, dahil sa siya'y kaibigan niya, gayon ma'y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya” (Lucas 11:8).

Ang salitang “importunidad” sa Griyegong teksto ay nangangahulugang “walang hiyang pagpupursigi.” Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski,

      Ang manlilimos na ito ay walang hiya na mangistorbo ng isang kaibigan sa ganoong paraan; masyado niyang binabanat ang pagkakaibigan na masyadong malayo; gayon man nagtagumpay siya dahil sa kanyang pinaka pagka walang hiya. Ang paglalarawan na ito ay isang pamapalakas ng loob sa panalangin, hindi hinahayaan ang kahit ano mula sa paghahadlang sa atin mula sa pananalangin; at ang pagpapalakas ng loob na nakasalalay sa inihihiwatig na pangako na tatanggapin ng ating pananalangin ay tatanggap ng sagot pati gaya ng malinaw na pagtukoy ni Hesus sa b. 9 (Isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Ph.D., Ang Interpretasyon ng Ebanghelyo ni Santo Lucas [The Interpretation of St. Luke’s Gospel], Augsburg Publishing House, 1961 edition, pp. 625-626).

“Dahil sa kanyang [walang hiyang pagpupursigi] siya’y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya.” Amen! Dapat tayong magpatuloy na walang hiya. Oo! Sa mga berso 9 at 10 malinaw na sinabi ni Hesus,

“At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan. Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan” (Lucas 11:9-10).

Ang “walang hiyang pagpupursigi” ng kapangyarihan ng panalangin ay makukuhang sakto ang hinihingi! Sinabi sa atin ni Kristo, humingi, maghanap, at kumatok sa panalangin. Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Dapat nating isalin ang mga bersong ito, ‘Sinasabi ko sa iyo, magpatuloy humingi, at ito’y maibibigay sa iyo, magpatuloy magsituktok at ito’y mabubuksan sa iyo. Dahil ang kahit sinong nagpapatuloy humingi ay tatanggap; at sa kanyang nagpapatuloy magsituktok ito’y mabubuksan.’ Ang anyo ng wika sa Griyego ay nangangailangan ng patuloy na paghingi, paghahanap, pagsisituktok. Pinagpalang kasiguraduhan ang ibinibigay ng Diyos rito na ang lahat na talagang nagpapatuloy na humingi ay tatanggap, at lahat ng tunay na nagpapatuloy na maghanap ay makahahanap, at lahat ng nagpapatuloy na magsituktok sa pintuan ng Diyos para sa tinapay para sa mga makasalanan ay mabubuksan ang pintuan para sa kanila ang mabibigyan ng tinapay. Oo, kasing dami ng tinapay na kailangan niya para sa makasalanan ang ipapadala ng Diyos sa kanya!” (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Panalangin: Paghingi at Pagtatanggap [Prayer: Asking and Receiving], Sword of the Lord Publishers, 1970 edition, pp. 94, 95).

      Inihahabilin ko sa iyo ang pagbabasa ng mga biyograpiya ng mga kalalakihan na ginamit ng Diyos sa Simbahan sa lahat ng mga siglo, lalo na sa mga muling pagkabuhay. At iyong mahahanap ang parehong banal na, katapangan…O, iyan ang buong sekreto ng panalangin, minsan ko naiisip. [Ang Puritano] si Thomas Goodwin sa kanyang eksposisyon ng pagseselyo ng Espiritu sa Mga Taga Efeso 1:13 ay gumagamit ng isang nakamamanghang salita. Sinasabi niya, “Idemanda Siya para rito, idemanda Siya para rito.” Huwag mong iwanan ang [Diyos] na mag-isa. Guluhin Siya, gaya ng sarili Niyang pangako. Sabihin mo sa Kanya ang sinabi Niya na gagawin Niya. Isipi ang Kasulatan sa Kanya…Ikatutuwa Niya ito. Ang bata ay maaring makulit, hindi ito problema, gusto ito ng ama sa kabila nito. At ang Diyos ay ating Ama, at iniibig Niya tayo, at gusto Niyang marinig tayong ipinagmamakaawa ang sarili Niyang mga pangako, isinisipi ang sarili Niyang mga salita sa Kanya, at sinasabing, ayon rito, maiiwasan mo bang [sagutin ako]? Ikinasasaya ng puso ng Diyos ito. Idemanda Siya! [Iyan ay, hingin na sagutin ka Niya dahil ipinangako Niyang gagawin Niya ito!] (Isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, p. 197).

At isang maiging lugar upang magsimula ay sa pamamagitan ng pagsisipi ng mga berso 9 at 10,

“At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan” (Lucas 11:9-10).

Tapos, sabihin, “Diyos ipinangako ninyo na kung patuloy akong humingi na iyong ibibigay ang ipinalangin ko. Ipinangako Ninyo na kung patuloy akong kakatok sa panalangin iyong bubuksan ang pintuan ang ibibigay sa akin ang hinihingi ko. Ngayon, Diyos, tinatawag ko kayong panatilihin ang iyong salita. Humihingi ako. Kumakatok ako. O, Diyos, inaasahan kong bubuksan ninyo ang pintuan at ibibigay sa akin sakto ang hinihingi ko. O Diyos, sinabi ninyo na ang bawat isang magpapatuloy humingi ay tatanggap. Ngayon ginagawa ko ang sinabi ninyo, Diyos. Nagpapatuloy akong humingi sa iyo. Ipinangako Ninyo sa Lucas 11:10 na aking matatanggap ang hihingin ko. O Diyo, inaaasahan kong pananatilihin ninyo ang inyong pangako sa Lucas 11:10! Kinakailangan kong ibigay ninyo ang aking hiling! Dinedemanda ko kayo para rito – base sa inyong pangako! Dinedemanda ko kayo para rito! Dinedemanda ko kayo para rito! At ako’y magpapatuloy sa paggugulo sa iyo hanggang sa ibigay ninyo ang hinihingi ko!” Iyan ang paraan na ang mga kalalakihan at kababaihan ng mga lumang panahon ay nanalangin, noong binuksan ng Diyos ang mga tarangkahan ng Langit at nagbuhos ng muling pagkabuhay. At iyan ang paraan ng pananalangin ng mga kalalakihan at kababaihan ngayon sa Republika ng mga Tao ng Tsina. Hindi nakakapagtaka na libo-libo ng mga tao ay napagbabagong loob sa Tsina kada linggo! Ang mga Kristiyano doon ay walang hiyang kumakatok sa pintuan ng Langit hanggang sa ibibigay sa kanila ng Diyos ang hinihingi nila!

At ano ang “tinapay” na hiningi ng makulit na lalake para sa hating gabing iyon, kumakatok sa pintuan ng kaibigan niya? Bakit, ang tinapay na kanyang patuloy na hiningi, hinanap, at ikinatok ay ang Banal na Espiritu! Ano pa ba ito na kailangan ng mga makasalanan? Sa katapusan ng berso 13, sinabi ni Kristo, “gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13). Nakaligtaan ng sulat sa Scofield ang punto rito. Ang mandirigma ng panalangin ay hindi humihingi para sa Banal na Espiritu para sa sarili niya. Siya’y nananalangin para sa Banal na Espiritu para sa nawawala niyang kaibigan sa berso 6, kung kanino sinabi niya,

“Dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya.”

Tiyak na, kung hindi ibibigay ng Diyos ang Banal na Espiritu, na sagot sa iyong mga panalangin, wala kang maihahain sa mga nawawalang makasalanan! Sinabi ni Dr. John R. Rice,

      Hindi inilagay ni Hesus sa saktong mga salita hanggang sa pinaka huli ng kanyang aral sa…panalangin, na Kanayang tinuturuan ang mga disipolong manalangin para sa Banal na Espiritu…na tunay na nagdadala ng muling pagkabuhay, nagpapakilalang nagkasala ng kasalanan sa mga maksalanan at nagpapabagong loob sa kanila, na nagbibigay sa kanila ng karunungan at kapangyarihan at pamumuno sa tao ng Diyos! Kapag tayo’y nananalangin para sa tinapay para sa mga makasalanan, ibig talaga nating sabihin na kailangan natin…ang Banal na Espiritu ng Diyos (isinalin mula kay Rice, ibid., p.96).

Kinakausap ko na ngayon young mga nawawala. Ang Banal na Espiritu ay kinakatawan ng tinapay sa parabola. Ang Banal na Espiritu ay ang kailangan mo higit sa ano pang ibang bagay! Hangga’t ang Banal na Espiritu ay bumaba sa iyo sa aming mga paglilingkod sa simbahan hindi ka kailan man mapaniniwalang nagkasala ng iyong mga kasalanan. Sinabi ni Hesus,s

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8).

Nananalangin kami para sa Banal na Espiritu na bumaba at gawin ang isang nawawalang maksalanan na iyong nararamadaman ang teribleng kasalanan sa iyong puso, upang magawang maramdaman mong sira at lubos na makasalanan. Kung magawa ng Banal na Espiritu na maramdaman mo iyan hindi mo kailan man mararamdaman ang pangangailangan kay Kristo.

Tapos rin, nananlangin kami para sa Espiritu ng Diyos na dalhin ka kay Kristo para sa punong kaligtasan. Sinabi ni Hesus,

“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin” (Juan 6:44).

Kaya, nananalangin kami para sa Diyos na ipadala ang Kanyang Espiritu upang dalhin ka kay Hesus, dahil si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa kasalanan at Impiyerno.

Hanggang ngayon narinig mo lamang ang mga katunayan ng Ebanghelyo. Narinig mo lamang na namatay si Hesus sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Narinig mo lamang na ang Dugo ni Hesus ay makahuhugas ng lahat ng iyong mga kasalanan at mapapatunay ka sa paningin ng Diyos. Narinig mo lamang na bumangon si Hesus mula sa pagkamatay, at nabubuhay sa itaas sa Langit, sa ibang dimension, nananlangin para sa iyo. Narinig mo lamang ang mga katunayang ito, ngunit hindi mo kailan man naranasan ang mga ito sa iyong sariling buhay. At hindi kailan man maranasan ang mga nakamamanghang mga katunayang ito kung simpleng uupo ka lamang sa simbahan Linggo kada Linggo at naririnig lamang ang mga tungkol rito. Isang bagay na higit sa pagrinig lamang tungkol sa mga katunayan na ito ang dapat mangyari sa iyo o ika’y di kailan man maliligtas!

Ang Banal na Espiritu ay dapat bumaba at gawin kang maramdaman na makasalanan. Ang Banal na Espiritu ay dapat bumaba at dalhin ka kay Hesus. Ang Banal na Espiritu ay dapat bigyan ka ng isang banal na makataong pagkakatagpo sa nabubuhay na Kristo. Kinakailangan ng isang milagro para ika’y madala kay Kristo. Kinakailangan ng isang milagro na mangyari sa iyong buhay. Kung ang Banal na Espiritu ay hindi naririto upang matugunana ang iyong espiritwal na mga pangangailangan sa sa ating mga paglilingkod masasabi lamang namin,

“Dumarating sa akin,,,ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:16).

Iyan ang dahilan na kami ay nag-ayuno at nanalangin para sa iyong kaligtasan kahapon. Patuloy kaming humingi. Patuloy kaming naghahanap. Patuloy kaming kumakatok – hanggang sa buksan ng Diyos ang Langit at ipadala ang Kanyang Espritu upang ipagbagong loob ka. Sinabi ni Hesus na “Ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya” (Lucas 11:13). At kami ay nananalangin para sa iyo. Kami ay humihingi sa Diyos na ipadala ang Kanyang Espiritu upang piniwalain ka ng iyong pagkakasala ng kasalanan, at dalhin ka kay Kristo sa isang milagrosng pagbabagong loob na karanasana!

Magsitayo habang si Gg. Lee ay magppupunta upang manalangin para ipadala ng Diyos ang Kanyang Espiritu na papaniwalain ka ng iyong pagkakasala ng kasalanan, at dalhin ka kay Hesus, para sa paglilinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. (Nananalangin si Gg. Lee). “Para sa Iyo ako nananalangin.” Kantahin ang koro!

Para sa iyo ako’y nananalangin, Para sa iyo ako nananalangin,
   Para sa iyo ako’y nananalangin,
Nananalangin ako para sa iyo.
   (“Nananalangin Ako Para sa Iyo.” Isinalin mula sa
      “I Am Praying For You” ni S. O’Malley Clough, 1837-1910).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Panalangin Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nanalangin Ako Para sa Iyo.” Isinalin mula kay
“I Am Praying for You” (ni S. O’Malley Clough, 1837-1910).