Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BAKIT TAYO NAG-AAYUNO WHY WE FAST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Paki lipat kasama ko sa inyong Bibliya sa Isaias 58:6. Magsitayo tayo lahat para sa pagbabasa ng Salita ng Diyos.
“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?” (Isaias 58:6).
Maari nang magsi-upo.
Ang mga tao ng araw na iyon ay nag-ayuno sa pamamagitan ng di pagkain ng mahabang panahon. Mas maaga sa talatang ito ng Kasulatan sinabi ng Diyos kay Isaias kung bakit Niya tinanggihan ang pag-aayuno ng mga tao. Ang pag-aayuno mismo ay hindi tinanggihan ng Diyos. Nagbibigay ang Bibliya sa atin ng maraming maiinam na halimbawa ng mga taong nag-aayuno. Ngunit sa panahong ito sila’y nag-aayuno para sa maling mga dahilan. Panlabas lamang itong anyo ng relihiyon para sa kanila. Sila’y nagsisiaway at naglalabanan habang sila’y nag-ayuno. Tinanggihan nila ang kabutihan at pag-ibig sa iba. Ang kanilang relihiyon ay malamig at walang puso. Sila’y nag-aayuno, ngunit ginagawa lamang nila ito bilang isang ritwal. Hindi nila iniisip na mapapaglubag loob ang Diyos noong sila’y nag-aayuno.
Ikinondena ng Panginoong Hesu-Kristo ang ganitong uri ng pag-aayuno. Sinabi ni Kristo,
“Pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti” (Mateo 6:16).
Ang kanilang “ganti” ay dapat makita ng iba, upang makita kung gaano sila kabuti. Wala silang naasahan mula sa Diyos kapag sila’y nag-aayuno. Ginawa lamang nila ito upang magpalabas, upang mapaisip ang mga tao na sila’y relihiyoso.
Ngunit pansinin na hindi kinondena ni Kristo ang lahat ng pag-aayuno. Sinabi Niya sa Kanyang mga Disipolo, “Pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw…” Muli sinabi ni Hesus,
“Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha; Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka” (Mateo 6:17-18).
Hindi kinondena ni Kristo ang lahat ng pag-aayuno. Ngunit sinabi Niya sa atin kung paano ito gawin, “pagka kayo’y nangagaayuno,” “sa pagaayuno mo.” Tunay na Kristiyanismo ay naglalaman ng isang personal na pagkaka-ugnay kay Kristo. At tunay na pag-aayuno ay dapat maging personal at pribado. Walang dapat mag-ikot na nagyayabang na sila’y nag-aayuno!
Sa kasamaang palad, karamihan sa mga miyembro ng simabahn sa Amerika ay kakaunti ang nalalaman, kung mayroon mang nalalaman patungkol sa pag-aayuno. Ako’y naging isang miyembro ng isang Katimugang Bautistang simabahan sa loob ng anim na taon na walang naririnig tungkol sa pag-aayuno. Dumating ito sa akin na isang bagong paglalantad noong sumapi ako sa isang Tsinong Bautistang simbahan at narinig ang tungkol sa pag-aayuno sa unang pagkakataon sa aking buhay. Ang aking pastor sa Tsinong simbahan, si Dr. Timothy Lin, ay madalas nagsalita tungkol sa pag-aayuno. At ang ilang mga tao ay nag-aayuno at nananalangin noon gang Diyos ay nagpadala ng isang makapangyarihang muling pagkabuhay sa simbahang iyon. Maya-maya natutunana ko na ang pag-aayuno at panalangin ay napaka karaniwang bagay sa mga bahay simbahan sa Tsina. Naniniwala ako na ito ang pangunahing dahilan na nagpadala ang Diyos ng ganoong uri ng makapangyarihang muling pagkabuhay sa mga bahay simbahan sa Republika ng mga Tao ng Tsina. Literal na milyon ng mga tao ay nagiging mga Kristiyano sa Tsina ngayon. Ako’y kumbinsido na ang matinding muling pagkbuhay na kanilang nararanasan ay nanggaling mula sa Diyos na sagot sa kanilang panalangin at mga panahon ng pag-aayuno. Si James Hudson Taylor, ang dakilang tagabunsod ng misyonaryo sa Tsina, ay nagsabing,
Sa Shansi nakahanap ako ng mga Tsinong Kristiyano na sanay sa paggugugol ng panahon sa pag-aayuno at pananalangin. Napansin nila na ang pag-aayunong ito , na napakaraming ang may ayaw, na nangangailangan ng pananampalataya sa Diyos, dahil ginagawa nito ang isang madamang mahina at mahirap, ay talagang isang hinirang banal na paraan ng biyaya.
Ang panalanging mandirigmang si Andrew Murray ay nagsabing,
Tumtulong maipahiwatig, mapalalim, at makumpirma ng pag-aayuno ang resolusyon na tayo ay handang ialay ang kahit ano, kahit ang ating mga sarili, upang makuha ang ano mang hinahangad natin para sa kaharian ng Diyos.
Ang mga Tagarepormang si Luther, Calvin at Knox ay madalas nag-ayuno. Lahat mga naunang mga Metodistang mangangaral ay kinakailangan upang mag-ayuno dalawang araw kada linggo. Ang ating Bautistang ninunong si John Bunyan ay madalas mag-ayuno bago siya nangaral. Si David Brainerd, isang maagang misyonaryo sa mga Amerikanong-Indiyan, ay nagsabi,
Ihinihiwalay ko ang araw na ito para sa sekretong pag-aayuno at pananalangin…sa layunin ng pangangaral ng ebanghelyo.
Nakita ni Brainerd ang isang napaka makapangyarihang muling pagkabuhay sa mga Indiyan noong nangaral siya.
Nagkaroon ako ng di pangkaraniwang pribileheyo na maging saksi sa tatlong napaka di pangkaraniwang pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos sa muling pagkabuhay. Dalawa sa mga nakamamanghang mga muling pagkabuhay na iyon ay dumating sa loob ng panahon ng pag-aayuno at panalangin. Ang unang Dakilang Pagkagising ay dumating din sa ganitong paraan.s Si John Wesley, isa sa mga dakilang pinuno sa muling pagkabuhay na iyon ay nagsabing,
Naghirang ka na ba ng kahit anong mga araw ng pag-aayuno at panalangin? Bagyuhin ang trono ng biyaya, at magsigasig rito, at awa ay bababa.
Si Wesley mismo ay nag-ayuno ng dalawang araw kada linggo ng maraming mga taon sa loob ng panahon ng muling pagkabuhay na iyon.
Tayo na ngayon ay nabubuhay sa isang lubos na tuyong panahon sa mga simbahan ng Amerika at sa Kanlurang mundo. Ang ating mga simbahan ay nagsusumikap. Literal na milyon na mga tao ay nagsasaalis sa mga simbahan. Marami ay tumitingin sa Budismo, Silangang meditasyon, at ibang mga huwad ng mga ideya. Sa pampasinayang talumpati tatlong at kalahating taon noon, sinabi ni Pangulong Obama na ang Amerika ay hindi na isang Kristiyanong nasyon. Bawat tanda ay mukhang nagpapakita na tama siya.
Bakit ito nangyari? Nangyari ito higit dahil sa pakamakamundo ng napakaraming mga Amerikanong pastor. Nagdala sila ng mga basurang musika sa mga simbahan. Nagbigay sila ng palibot-libot na berso-kada-bersong “mga eksposisyon,” kaysa mga tunay na mga sermon, tulad ng mga dakilang mangangaral ng nakaraan. Marami sa kanila ay nagsara ng kanilang mga Linggong panggabing paglilingkod. At marami pa ang nagsuko ng kanilang mga panalanging pagpupulong, ginagawa ang kanilang mga gitnang linggong paglilingkod sa marami pang mga “eksposisyon” ng Bibliya.” Ang lumang-istilong pagpupulong ng panalangin ay halos wala na. Hinahayaan nila ang mga tao nilang magpunta sa simbahan na parang sila’y magpupunta sa baybaying dagat. Mga tumbol, tumitibok na musika, at pati pagsasayaw ay itinatampok sa napakarami sa mga tinatawag na “paglilingkod na mga pagsasamba.” At masyadong maraming mga mangangaral ay hindi alam kung paano magabay ang mga tao sa isang tunay na pagbabagong loob. Ang nag-iisang paraan na sila’y makadaragdag ng kahit sino sa kanilang mga simbahan ay sa pamamagitan ng pag-aakit ng mga taong iwanan ang kanilang simbahan at sumapi sa kanila. Ang nag-iisang paraan na alam nila kung paano magdagdag ng mga tao sa kanilang mga simbahan ay sa pamamagitan ng “pagnanakaw ng tupa” mula sa kanilang mga simbahan.
Si Dr. A. W. Tozer ay tinawag na “isang ika-dalawam pung siglong propeta” sa sarili niyang buhay. Ang sinabi ni Dr. Tozer ay mas totoo pa ngayon. Sinabi niya na,
Isang relihiyosong mentalidad nilalarawan ng pagkamahinang loob at pagkakulang ng moral na kalakasan ng loob ay nagbigay sa atin ngayon ng isang malambot na Kristiyanismo, naghihirap sa intelektwal, mapurol, paulit-ulit at sa isang dakilang maraming tao na simpleng nakayayamot. Ito’y inilalaku bilang ang pinaka pananampalataya ng ating mga ninuno… Ating isinusubo ang [walang lasang pagkain ng bata] itong matabang na pagkain ng bata sa ating nag-uusisang mga kabataan at, upang gawin itong malasa, ay pinalalasa ito ng malamang libangan inumit mula sa di naniniwalang mundo. Mas madaling pasiyahin kaysa magturo, mas madaling sundan ang masamang kagustuhan ng publiko kaysa mag-isip para sa sarili, kaya masyadong marami sa ating mga ebanghelikal na mga pinuno ay hinahayaan ang kanilang mga isipang maaksaya habang pinanatili nila ang kanilang mga daliring palistohin ang operasyon ng relihiyosong mga gimik upang magdala ng mga mausisang masa (isinalin mula sa kay A. W. Tozer, D.D., “Kailangan Natin ng Banal na Tagapag-isip” [“We Need Sanctified Thinkers”], Ang Paglalayag ng Layag [The Set of the Sai]l, Christian Publications, 1986, pp. 67, 68).
Upang dumating ang muling pagkabuhay sa mga simbahan, kailangan natin ng isang bagay na mas mainam kaysa sa kung anong maiaalay ng mga mangangaral na ito, sa kanilang kasing tuyo ng alikabok na “ekspositoryong pangangaral,” na may mga kalat na mga ideya pinili mula sa makabagong kumentaryo ng ilang kaunting mababaw na kontemporaryong may-akda. Mas may kailangan tayo kaysa kanilang “malambot na Kristiyanismo” na hindi nakakaakit ng mga kabataan sa mundo upang maging mga disipolo ni Hesu-Kristo!
Gayon man, kapag tayo’y mapunta sa tanong na iyan sa ating sarili, madalas tayong magtaka kung paano natin epektibong mappananalunan ang mga nawawalang kabataan mula sa mundo. Pagkatapos ng isang matinding paghahanap ng kaluluwa at panalangin, ako’y nakumbinsi na wala sa mga ginagawa natin ay makatatagumpay ng mga kabataan mula sa mundo na walang pakikialam ng Diyos Mismo. Sinabi ng Diyos kay propetang Zakarias,
“Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo” (Zakarias 4:6).
Ang nag-iisang posibleng paraan na tayo’y makatatagumpay ng mga kabataan kay Kristo at sa ating simbahan ay “sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”
Nakita ng mga Disipolo ang Mayamang Batang Pinuno lumakad papalayo mula kay Kristo, pabalik sa isang buhay ng pagkamakasarili at kasalanan. Tinanong ng mga Disipolo si Kristo, “Sino nga kaya ang makaliligtas?”
“Pagtingin ni Jesus sa kanila'y nagsabi, Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwa't hindi gayon sa Dios: sapagka't ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios” (Marcos 10:26, 27).
Sa makataong pananalita imposibleng mapagbagong loob ang Mayamang Batang Pinuno, o kahit sinong kabataan! “Hindi maaari ito sa mga tao.” Walang programa ang makagagawa nito! Walang matusong sermon ang makagagawa nito! Walang uri ng pang-aalis ang makagagawa nito! “Sino nga kaya ang makaliligtas?” “Hindi maari ito sa mga tao.” Hindi niya sinabi, “Ito’y maari.” O, hindi! Sinabi niya, “Hindi maari ito.” DIYOS LAMANG ANG MAKAGAGAWA NITO! “Hindi maari ito sa mga tao, datapuwa't hindi gayon sa Dios.”
“Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo” (Zakarias 4:6).
Ang Diyos lamang ang makagagawa ng isang kabataan upang makita ang kawalan ng laman ng buhay – at ang pagkawalang pag-asa ng mundong ito! Ang Diyos lamang ang makagagawa sa isang kabataan na maramdaman ang pangangailangan na maging nasa simbahan bawat Linggo! Ang Diyos lamang ang maka-aalis ng kanilang lakas ng loob sa kanilang sarili! Ang Diyos lamang ang madadala sa kanila sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan! Ang Diyos lamang ang makadadalas sa kanila kay Kristo para sa pagpapatunay sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Ang kapangyarihan ng Diyos lamang ang makadadala sa kanila sa Kanyang Anak, at gawin silang mabuhay sa Kanyang paningin!
Ngunit paano natin makukuha ang kapangyarihan ng Diyos sa atin? Dinadala tayo nito sa ating teksto,
“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?” (Isaias 58:6).
Dito sinabi sa atin ng Diyos bakit tayo mag-ayuno:
1. Kalagin ang mga tali ng kasamaan.
2. Pagaanin ang mga pasan.
3. Papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang.
Kung narito kayo kasama namin ngayong umaga at hindi ka pa muling naipanganak na Kristiyano, gusto kong malaman mo na maraming mga kabataang narito ngayon na nag-ayuno para sa iyo kahapon. Hindi kami nagpapahayag mga pangalan. Ngunit marami sa kanila ay nag-ayuno at nanalangin para sa iyong sekreto. Hindi sila kumain buong araw, hindi hanggang sa nagpunta kami sa simbahan kagabi at nagkaroon ng kapunan magkakasama. Bakit sila nag-ayuno at nanalangin para sa iyo? Ginawa nila ito dahil sila’y lubos na nag-aalala para sa iyo. Gusto nila kayong ika’y mapalaya mula sa mga tali ng kasalanan. Gusto nila ikaw na mapalaya mula sa mabigat mga pasan at mapalaya sa pagpipighati ni Satanas. Nag-ayuno sila at nanalangin buong araw kahapon para bumaba ang Diyos at palayain ka mula sa buong pakikisama ng aming simbahan, at dalhin ka kay Kristo para sa paglilinis ng Kanyang mahal na Dugo. Sinabi ni Dr. Elmer Towns ng Unibersidad ng Liberty,
Kapag ika’y mag-ayuno at manalangin, maari mong hingin sa Diyos na buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos ang mga pagpapala sa iba…Maari kang kumalabog ng mga tarangkahan ng langit upang magawa ng Diyos na mapatunayang nagkasala ang nawawalang tao ng kasalanan at dalhin siya kay Hesu-Kristo (isinalin mula kay Elmer L. Towns, D.Min., Ang Nagsisimulang Gabay sa Pag-aayuno [The Beginner’s Guide to Fasting], Regal, 2001, p. 124).
Karamihan sa ating mga tao ay nag-ayuno at nanalangin para sa iyo kahapon. Hiningi nila sa Diyos na buksan ang kanilang mga mata upang makita ang kawalan na laman ng buhay na wala si Kristo. Nanalangin sila para sa Diyos na dalahin ka sa kasiglahan at pakikipagkaibig ng simbahan. Hiningi nila ang Diyos na paliwanagin ang iyong puso, upang maramdaman mo ang iyong kasalanan, at makita ang iyong pangangailangan para kay Kristo. Hiningi nila sa Diyos na ipakita sa iyo na namatay si Hesus sa Krus upang bayaran ang multa para sa iyong kasalanan, at ibuhos ang Kanyang mahal na Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Nanalangin sila para sa iyo, na maipakita sa iyo si Hesus, sa lahat ng Kanyang kagandahan, sa itaas sa Langit, sa ibang dimension. Nag-ayuno sila at nanalangin para sa Diyos upang dalhin ka sa aming simbahan, at dalhin ka kay Kristo, upang ika’y mapagbagong loob at magkaroon ng walang hanggang buhay sa Kanya. Iyang lumang kanta na kinanta ni Gg. Griffith bago ng sermon, ay nagpapahayag ng kanilang mga panalangin para sa iyo.
Mayroon akong Tagapagligtas, Nagmamakaawa Siya sa luwalhati,
Isang mahal na nagmamahal na Tagapagligtas,
Kahit na mga kaibigan sa lupa ay kaunti;
At ngayon pinapanood ako sa kalambutan;
Ngunit o, na ang aking Tagapagligtas ay iyong Tagapagligtas din!
Para sa iyo ako’y nananalangin, Para sa iyo ako’y, nananalangin,
Para sa iyo ako’y nananalanging, Ako’y nananalangin para sa iyo.
Kung ika’y nananalangin para sa ating mga kaibigan na hindi pa ligtas, kantahin ang koro sa kanila!
Para sa iyo ako’y nananalangin, Para sa iyo ako’y, nananalangin,
Para sa iyo ako’y nananalanging, Ako’y nananalangin para sa iyo.
(“Nananalangin Ako Para sa Iyo.” Isinalin mula sa
“I Am Praying for You” ni S. O’Malley Clough, 1837-1910).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 6:16-18.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nananalangin Ako Para sa Iyo.” Isinalin mula sa
“I Am Praying for You” (ni S. O’Malley Clough, 1837-1910).