Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DIYOS NA DI KILALA (ISANG PANGARAL NA IBINIGAY SA TSINONG GITNANG-TAGLAGAS NA PISTA) THE UNKNOWN GOD ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Tayo at magsitayo lahat. Ngayong gabi gusto kong lumipat kayo sa ika-17 na kapitulo ng Aklat ng Mga Gawa, simula sa berso dalawam-pu’t dalawa. Ito’y nasa pahina 1173 ng Pang-aral na Bibliya ng Scofield.
“At tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago, at sinabi, Kayong mga lalaking taga Atenas, sa lahat ng mga bagay ay napapansin kong kayo'y lubhang relihioso. Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko. Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay; Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay; At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan; Upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila siya at siya'y masumpungan, bagaman hindi siya malayo sa bawa't isa sa atin: Sapagka't sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula, Sapagka't tayo nama'y sa kaniyang lahi. Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao. Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa't ngayo'y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako: Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay. At nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay na maguli, ay nanglibak ang ilan; datapuwa't sinabi ng mga iba, Pakikinggan ka naming muli tungkol dito. Sa gayo'y umalis si Pablo sa gitna nila. Datapuwa't nakisama sa kanya ang ilang mga tao, at nagsisampalataya: na sa mga yao'y isa si Dionisio na Areopagita, at ang isang babaing nagngangalang Damaris, at mga iba pang kasama nila.” (Mga Gawa 17:22-34).
Maari nang magsi-upo.
Si Apostol Pablo ay nagpunta sa Atenas sa Gresya. Ang Atenas ay isang sentral na intelektwal na lumang mundo. Ito ang lungsod ni Aristotle, Plato, at Socrates. Si Pablo ay nalakad sa gitna ng Atenas. Napunta siya sa Burol ng Mars. Ang aking asawa at aming mga anak na lalake ay naroon dalawang taon na ang nakalipas, sa isang maliit na paglalakbay mula sa Isarael. Ang Burol ng Mars ay puno ng daan-daang mga idolo. Ang mga pilosipo ng araw ng iyon ay nagpulong doon. Sa gitna ng lahat ng mga idolo, si Pablo ay nakahanap ng isang altar na mayroong nakasulat na mababasana, “SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA” [“TO THE UNKNOWN GOD”]. Mayroon silang maraming mga idolo at maraming mga diyos, ngunit kahit papaano alam nila sa kanilang mga puso na mayroong isang Diyos na hindi nila kilala. Isang pulong ng mga tao ang nagsama-sama at si Pablo ay nagsimulang mangaral. Sinabi niya, “nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA…siya ang sa inyo'y ibinabalita ko” (Mga Gawa 17:23).
Narito tayo ngayong gabi para sa isang piging na pinagdiriwang ang Tsinong Gitnang-Taglagas na Pista. Ang ilang mga Amerikano ay tinatawag itong Pista ng Moon Keyk. Ang Gitnang-Tagalagas na Pista ay isang mahalagang pista sa Tsinong kalendaryo. Ito’y isang pista na inoobserbahan sa ilang hangganan sa buong mundo ng Asya – sa Korea, sa Japan (hanggang sa ang kanilang kalendaryo ay napalitan noong 1883), sa Indonesia, sa Pilipinas, Laos, Thailand, Cambodia, Vietnam, Myanmar, Taiwan, Singapore, at maraming iba pang bahagi ng Asya. Nagaganap ito sa isang panahon ng taglagas na panahon kapag ang araw at gabi ay magkasinghaba [equinox] ng solar na kalendaryo, kapag ang buwan ay nasa pinaka buo at pinaka kabilugan nito.
Si Dr. James Legge (1815-1897) ay isang propesor ng Tsinong wika at literature sa Unibersidad ng Oxford. Ayon kay Dr. Legge, ang mga sinunang mga Tisno ay hindi sinamba ng Buwan. Sinabi niya na orihinal na ang mga Tsino ay sumamba ng isang Diyos, na kanilang tinawag na Shang Ti (Hari ng Langit). Isinipi ni Dr. Legge mula sa “Cannon” ng Emperor Shun, na natapos ang paghahari noong 2207 BC. Sinabi ng “Canon ng Shun”, “Sinakripisyo siya lalong lalo, ngunit na may ordinaryong anyo, kay Shang Ti, iyan ay…sa Diyos” (Isinalin mula kay Jame Legge, Ph.D., Ang Mga Relihiyon ng Tsina [The Religions of China], Hodder and Stoughton, 1880, pp. 24-25). Sa mga pinaka-unang mga panahon ang mga Tsino at ibang mga Asiyano ay nagsamba lamang ng isang Diyos, Shang Ti, ang Hari ng Langit. Iyan ay higit sa 1,500 ng taon bago ni Confucius (551-479 BC) at Buddha (563-483 BC) ay naipanganak. Mga siglo bago dumating ang Buddhismo sa Tsina, ang mga tao ay monoteyita. Naniwala sila sa isang Diyos lamang. Sa loob ng mga siglong dumaan mga nadagdag na mga espiritu ay naidag-dag at isinamba. Ngunit kahit si Shang Ti ay nanatiling kataas-taasang Diyos ng sinaunang Tsinang kultura. Ngunit unti-unti nalimutan ng mga Asiyano ang tungkol kay Shang Ti, ang Hari ng Langit. Nagsimula silang magsamba ng ibang mga diyos, at pati mga espiritu ng sarili nilang mga ninuno. Tumingin sila sa Buddhismo at sa ibang mga relihiyon.
Ang Estados Unidos ay dumadaan sa parahong pag-lingon mula sa Diyos ngayon. Sa kanyang inagurasyong talumpati, sinabi ni Pangulong Obama, “Ang Amerika ay hindi isang Kristiyanong bansa.” Ito’y minsan,ngunit sinabi ni Gg. Obama na hindi na ito totoo. At sa taong ito si Gg. Obama ay nagpatuloy na wala nang Pamabansang Araw ng Panalangin, na inobserbahan ng mga Amerikano ng maraming dekada. Maraming mga Amerikano ay hindi na naniniwala sa Diyos ng ating mga ninuno. Ang mga sinaunang mga Tsino ay dumaan sa parehong proseso. Tulad ng maraming mga makabagong Amerikano, unti-unti silang tumalikod mula kay Shang Ti, ang Hari ng Langit. Ngayon maraming mga Amerikano, gayon din mga Asiyano, ay hindi kilala ang Diyos.
Ganoon din sa Atenas. Tumalikod sila mula sa nabubuhay na Diyos. Sinasabi ng Kasulatan,
“Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim” (Mga Taga Roma 1:21).
Hindi na nila kilala ang Diyos na orihinal nilang sinamba. Sinabi ni Pablo sa kanila, “nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA…siya ang sa inyo'y ibinabalita ko” (Mga Gawa 17:23). Mayroong silang daan-daang mga idolo at huwad na mga diyos. Ngunit hindi kilala ang tunay na Diyos. Siya ay naging “ISANG DIOS NA HINDI KILALA” sa kanila.
Tapos sinabi ni Pablo sa kanila na ang di kilalang Diyos ay gumawa ng mundo, at lahat ng mga bagay rito. Sinabi niya na ang Diyos na hindi nila kilala ay ang “Panginoon ng langit at lupa” at hindi naninirahan sa mga templo na gawa ng mga kamay ng tao. Sinabi niya sa kanila na ang di kilalang Diyos ay si Shang Ti, ang Hari ng Langit, “Panginoong ng langit at lupa” (Mga Gawa 17:24).
Hindi namin sinasabi sa inyo na maniwala sa isang bagong relihiyon. Walang bago sa Kristiyanismo. Ito ang pinaka lumang relihiyon ng mundo. Ang Kristiyanismo ay bumabalik sa pinaka umpisa ng panahon, sa Hardin ng Eden. Narito ito ng maraming mga siglo bago ng Buddhismo, Taoismo, Hinduismo, Islam, o kahit anong ibang relihiyon. Si Kristo ay dumating upang ipanumbalik tayo sa Diyos ang Makalangit na Ama, Shang Ti, ang Hari ng Langit. Sinabi ni Apostol Pablo,
“Na kayo... at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan: Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo” (Mga Taga Efeso 2:12-13).
Si Kristo ay dumating upang ipanumbalik tayo sa Diyos ng ating mga sinaunang mga ninuno. Si Kristo ay dumating upang was akin ang ating mga pamahiin, at alisin ang ating mga idolo. Si Kristo ay dumating upang gawing kilala natin ang “ANG DIYOS NA HINDI KILALA”!
At tapos sinabi ng Apostol Pablo sa kanila na “Ginawa [ng Diyos] sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa” (Mga Gawa 17:26). Mayroong mga tension ayon sa lahi, at mga digmaan na ayon sa lahi, na nagaganap sa buong mundo ngayong gabi. Mayroong mga tension sa pigtan ng Tsina at Japan. Mayroong tension ayon sa lahi sa pagitan ng mga taga Iran at mga Hudyo sa Israel. Ang problema ay hindi talaga sa lahi, gayon man. Ang problem ay espiritwal. Ang diskriminasyon ng lahi ay ang resulta ng kasalanan.
Sinabi ni Pablo na ginawa ng Diyos ang lahat ng mga bansa sa “isang dugo.” Paano niya nalaman iyan? Alam niya ito sa pamamagitan ng paglalantad sa Bibliya! Hindi hanggang sa makabagong panahon na nalaman ng mga tao ang inilantad ng Diyos kay Pablo dalawang libong taon ang nakalipas! Makakukuha ka ng dugo mula sa isang Apirkano at ibigay ito sa isang putting tao sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo [transfusion]. Makakukuha ka ng dugo ng isang Tsino at ibigay ito sa isang Autralianong Aborigne. Bakit iyan posible? Dahil “Ginawa [ng Diyos] sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa” (Mga Gawa 17:26). Iyan ay maaring makagugulat sa mga tao ng Atenas, na nakarinig kay Pablong magsalita noong araw na iyon. Dahil sa kasalanan, sila’y mga rasista. Akala nila sila’y mas maigi kay sa sa iba. Ngunit mali sila. Nilikha ng di kilalang Diyos ang buong lahi ng sangkatauhan mula sa isang tao at isang babae. Isang pagsisipi ng DNA na kamakailan lang ay nagpapakita na ang buong lahi ng sangkatauhan ay bumababa mula sa isang babae sa Gitnang Silangan. Ang Time Magasin ay nagkaroon ng isang takip na estorya patungkol riyan ilang taon lamang ang nakalipas. Anomang lahi ang iyong pinanggalingan, tayong lahat ay magkaugnay. Tayong lahat ay mga magkakapatid sa dugo! At dinadala tayo ni Kristo pabalik sa isang pamilya, sa simbahan. At gusto kong sabihin sa ating mga kabataan ngayong gabi – huwag hayaan na ang diskriminasyon sa lahi ay pumigil sa iyo mula sa pagkakaroon ng pakikisama sa isang tao ng ibang kultura. Lumaban laban sa diskriminasyon ng lahi sa ating gma simabahn! Ito’y isang karnal at makasalanan na matakot na magkaroon ng isang kaibigan mula sa ibang lahi! Noong isang gabi sinabi ng anak kong lalake “isang himala” na ako at aking asawa ay nagkakasundong lubos pagkatapos ng 30 taon ng pagiging mag-asawa dahil siya ay Hispanik at ako ay puti. Aming ipinagdiwang ang aming ika-tatlom pung taong anibersaryo noong huling Huwebes. Ipinapalagay ko, na tama ang aking anak. Mukha itong isang himala, ngunit mukha itong ang pinaka natural na bagay sa mundo para sa akin! Hindi ko maisip ang buhay na wala siya! Siya ay isang aginaldo ng Diyos sa akin, at pinasasalamatan ko Siya para sa kanya araw-araw!
At ganyan dapat sa ating simabahan, dahil “Ginawa [ng Diyos] sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa” (Mga Gawa 17:26). Mukha itong ang pinaka natural na bagay sa mundo na ako’y nabinyagan sa isang Tsinong simabahn, na ang aking pastor, sa loob ng dalawang dekada, ay isang Tsinong eskolar. Iyan ay mukhang di pangkarinawan sa nawawalang mundo. Sila’y laging nag-aaway, isang lahi laban sa isa. Ngunit ang Panginoong Hesu-Kristo ay dumating, hindi lamang upang ipanumbalik tayo sa Diyos, kundi upang ipag-sama-sama tayo, lahat ng mga lahi, sa isang katawan, sa simbahan! Isang simbahan tulad ng sa amin, na maraming magkakaibang mga grupong etniko, ay dapat maging ang pinaka natural na bagay sa lupa, dahil ipinagsasama tayo ng Diyos! Ipinaghihiwalay tayo ng kasalanan. Ngunit ipinagsasama tayo ng Diyos. Sa isang paraan, kinakailangan ng isang himala para iyan ay mangyari – ang himala ng bagong pagkapanganak! Kung tayo ay tunay na naipanganak muli, maari itong mangyari! Noong ang pinakabatang anak ni Dr. John R. Rice ay narito ilang linggo lamang ang nakalipas, siya at ang aking asawa ay nakabilang ng 20 mga kultura at grupong etniko sa aming simbahan. Sinabi niya ito’y nakamamangha. Kumayod upang panatilihin itong ganoon! Hayaang makita ng mundo na tayong lahat ay magkakapatid kay Kristo! Hayaan na ang simabahang ito ay maging isang testimonyo ng pagkakaisa at pag-ibig sa isang hiwalay na mundo! “Tumulong ng Isang Tao Ngayon.” Kantahin ito!
Tumulong ng isang tao ngayon, Isang tao sa daan ng buhay,
Na may pakaka-ibigan na iniaabot, lahat ng kalungkutan ay natatapos,
O, tmulong ng isang taon ngayon!
(“Tumulong ng Isang Tao Ngayon.” Isinalin mula sa
“Help Somebody Today” ni Carrie E. Breck, 1855-1934;
binago ng Pastor).
At sinabi ng Apostol Pablo doon sa mga kalalakihan ng Atenas,
“Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa't ngayo'y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako” (Mga Gawa 17:30).
Hindi nakita ng Diyos ang kanilang kahangalan at pamahiis sa nakaraan. Ngunit ngayon iniutos Niya sa ating lahat, anoman ang ating lahi o pinanggalingan, na magsisi. Ngayon “ipinaguutos [Niya] sa mga tao na mangagsisi.” Hindi iyan pagpapayo o isang piraso ng rekomendasyon. Iniiuutos ng diyos sa lahat na magsisi! Iyan ang Salita ng Diyos! Sinasabi ng Diyos, “Ipinaguutos Ko na magsisi ka.” Ibig nitong sabihin ay palitan ang iyong isipan patungkol sa kasalanan. Ibig nitong sabihin ay lumingon mula sa kasalanan at tumingin kay Kristo. Ibig nitong sabihin ay huminto sa pagtitiwala sa iyong sarili, at magtiwala kay Kristo. Kapag ika’y tunay na magsisisi, ika’y maipapanganak muli sa pamamagitan ng kapanyarihan ng Diyos.
Si Kristo ay dumating sa mundong ito upang iligtas tayo mula sa kasalanan, at kamatayan, at Impiyerno. Dumating Siyang, sadya, upang mamatay sa Krus, upang bayaran ang multa ng ating kasalanan. Dumating Siya upang ibuhos ang Kanyang mahal na Dugo sa Krus upang ang ating mga kasalanan ay mahugasang malinis sa paningin ng Diyos. At si Kristo ay bumangong pisikal, laman at buto, mula sa pagkamatay. Siya ay buhay ngayon, sa itaas sa Langit, sa ibang dimensiyon, nananalangin para sa atin. Kapag magpupunta ka kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya ika’y agad-agad na maipapanganak muli. Papasok ka sa isang bagong buhay kasama ni Kristo. Sinasabi ng Bibliya, “ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago” (II Mga Taga Corinto 5:17).
Isa sa aming mga kababaihan, ay isang putting batang babae, ay tinutulungan ang isang batang Tsinong babae nab ago sa aming simbahan. Ang batang puting babaeng ito ay nagbigay sa akin ng isang panalanging hiling na tarheta. Ang sinabi niya sa tarheta ay hindi napaka naayon sa gramatika, ngunit ito’y isang napaka gandang panalanging hiling. Hiningi niyang ipanalangin ko ang Tsinang batang babaeng ito, “Na kanyang maramdaman ang pag-ibig ng buhay na Hesus, hindi lang ‘simbahan’.” Oo! Amen! Nananalangin kami para iyo na tumungin ka lampas sa mga tao sa aming simabahan. Gusto namin na maramdaman mo at malaman ang pag-ibig ng nabubuhay na Kristo! Gusto naming ika’y maligtas, upang maipanganak muli, upang malampasan ang kamatayan papunta sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananamapalataya sa nabubuhay na Kristo!
Sinabi ni Pablo sa mga kalalakihang iyon ng Atenas na ibinangon ng Diyos si Kristo mula sa pagkamatay. Sinabi niya sa kanila na dapat silang magtiwala kay Kristo o sila’y Kanyang hahatulan sa Huling paghahatol. Sin Kristo ay buhay. Siya ay babalik upang hatulan ang mundo. Handa ka nab a? Ang iyong mga kasalanan ba ay nahugasang malinis sa Dugo ni Kristo?
Ano ang resulta ng sermon ni Pablo sa Burol ng Mars? Mayroong tatlong reaksyon sa kanyang sermon,
“At nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay na maguli, ay nanglibak ang ilan; datapuwa't sinabi ng mga iba, Pakikinggan ka naming muli tungkol dito. Sa gayo'y umalis si Pablo sa gitna nila. Datapuwa't nakisama sa kanya ang ilang mga tao, at nagsisampalataya: na sa mga yao'y isa si Dionisio na Areopagita, at ang isang babaing nagngangalang Damaris, at mga iba pang kasama nila” (Mga Gawa 17:32-34).
Ang ilan sa kanila ay nagsitawa at nagsikutya. Ang ilan sa kanila ay nagsabi, “Pakikinggan ka naming muli tungkol dito.” Kailangan nating marinig ang marami pa patungkol rito, at pag-isipan ito. Ngunit ang ilan sa kanila ay naniwala kay Kristo agad-agad noon, at naligtas. Panalangin namin na ang ilan sa inyo rito ngayong gabi ay tatalikod mula sa isang makasalanang-istilo ng buhay, at magtiwala kay Hesu-Kristo, at maligtas Niya, mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Tapos ika’y mapanunumbalik sa Diyos. Tapos makikilala mo sa iyong sarili ang tunay na Diyos ng sinaunang Tsina, si Shang Ti – ang Hari ng Langit! Hinihikayat namin kayong magtiwala kay Kristo. Mabibigyan ka Niya ng payapa at ligaya at pag-asa na hindi mo pa kailan man nalalaman noon. At hinihikayat namin kayong bumalik rito sa simbahan bukas. Magkakaroon na naman kami ng isang piging bukas ng umaga ng 10:30 – at isang pangatlong piging bukas ng gabi ng 6:30. Bumalik at makasama namin para sa saya at pakikisama!
Ako’y maaring makausap sino man sa inyo ngayong gabi sinumang gusting magtiwala kay Hesus at maligtas. Naway tulungan kayo ng Diyos na gawin ito! Amen.
I-KLIK ITO UPANG BASAHIN ANG “ANG PISTA NG
MOON KEYK AT ANG DIYOS NA GUMAWA NG BUWAN.”
I-KLIK ITO UPANG BASAHIN ANG “BAKIT
PINAGPAPALA NG DIYOS ANG TSINA –
NGUNIT HINAHATULAN ANG AMERIKA!
I-KLIK ITO UPANG BASAHIN ANG “ANG SEKRETO NG
TAGUMPAY NG TSINA.”
I-KLIK ITO UPANG BASAHIN ANG “TSINA – ANG PINTUAN
AY BUKAS!”
I-KLIK ITO UPANG BASAHIN ANG “TSINA – NATATAKAN NG
ESPIRITU NG DIYOS!”
I-KLIK ITO UPANG BASAHIN ANG “TSINA – SILA AY
DARATING MULA SA SILANGAN!”
I-KLIK ITO UPANG BASAHIN ANG “PAGBIBIGAY
PASASALAMAT SA TSINA.”
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Panalangin Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Papuri, Aking Kaluluwa, ang Hari ng Langit” Isinalin mula sa
“Praise, My Soul, the King of Heaven” (ni Henry F. Lyte, 1793-1847).