Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PANGANGARAL NA KAILANGAN NATIN

THE PREACHING WE NEED
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-23 ng Setyembre taon 2012

“Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral”
(I Mga Taga Corinto 1:21).


Sa simula ng tekstong ito sinasabi, “hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.” Ang mundo ay mayroong ideya sa kung ano ang karunungan. Iniisip ng mundo na tama si Benjamin Spock noong sinabi niya sa kanyang mga magulang na huwag disiplinahin ang kanilang mga anak. Iyan ang karunungan ng sanglibutan! Iniisip ng mundo na ang capital na kaparusahan para sa pagpapatay ay mali, na ang mga mamamatay tao ay dapat papanibaguhin imbes na bitayin. Iyan ang karunungan ng mundo! Iniisip ng ang bawat babae ay mayroong karapatan upang patayin ang sanggol sa kanilang sinapupunana, kahit na sa ika-siyam na buwan. Iyan ang karunungan ng mundo! Iniisip ng mundo na dapat tayong yumuko sa mga Muslim na mga pinuno na sumunog ng mga simbahan at pumatay ng mga kapatid sa buong mundo. Iyan ang karunungan ng mundo! Iniisip ng mundo na ang dalawang babae ay dapat mag-asawa. Iyan ang karunungan ng mundo! Ngunit wala sa mga ito ay nagpapalakas sa ating kultura, o nagbibigay sa ating mga kabataan ng kahit anong karunugan ng Diyos!

“Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” (I Mga Taga Corinto 1:21).

Oo, alam ko na ang pangangaral ay wala sa istilo ngayon. Alam ko na sinasabi ng lahat ng mga tao na ito ang panahon ng telebisyon at Internet – kung gayon hindi na tayo makapangangaral – hindi na natin “maipapahayag ang Ebanghelyo na tulad ng tagasigaw ng bayan,” alin ay ang Griyegong salitang isinalin na ibig sabihin ng “pangagnaral.” Wala nang pangangaral ang sinasabi ng mundo! Iyan ang karunungan ng mundo! “Ituro lang ang Bibliya ng berso-kada-berso” ang sabi nila. “Huwag mo palakasin ang iyong tinig. Hayaan ang mga taong magsulat.” Isang tusong panlilinlang iyan upang mapaisip ang mga tao na sila’y may natututunana. Sa katunayan pinananatili ng mga ito sila sa espiritwal na pagka-musmos, ngunit karamihan sa mga tao ay hindi ito matutuklasan. Karamihan sa mga tao ay hihinto at iisipin na wala sa mga higante ng pananampalataya sa panahon ng Bibliya ay kailan man nagsulat ng mga tala! “Huwag kang sisigaw sa kanila. Maging matamis sa lahat ng pagkakataon.” Iyan ang karunungan ng mundong ito! Ngunit hindi ito ang karunugan ng Diyos!

“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” (I Mga Taga Corinto 1:21).

Ang pangangaral ay maaring magmukhang kahangalan sa mga nawawala at mga makamundong tao. Ang pangangaral ay maaring isang gawain ng isang baliw na hangal. Iyan ang iniisip ng mundo! Ngunit iba ang iniisip ng Diyos. Iniisip ng Diyos na ang pangangaral ng tao na nagpapataas sa Bibliya at nagsasalita na may maapoy na pasiyon ay ang pinaka-mahalagang bagay sa mundo! Wala nang kukuha ng lugar ng pangangaral. Ang ating mga simbahan ay nabibigo dahil sa pagkakulang nga pangangaral! Ang Kristiyanismo ay nabubuhay kapag ang pangangaral ay nabubuhay. Ang mga panalangin ng mga santo ay mayroong buhay sa mga ito, at ang mga makasalanan ay dumadaan mula sa pagkamatay patungo sa pakabuhay! Ngunit kung mga mahiyaing mga kalalakihan na, na takot sa ilang mga kababaihan sa kanilang simbahan, ay nagbibigay ng maselang maliit na “ekspositoryong sermon” ang mga ilaw ay namamatay, at ang mga simbahan ay bumabagsak sa kadiliman. Bakit? Dahil –

“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” (I Mga Taga Corinto 1:21).

Ang layunin ng isang pangaral? Ang layunin ng isang pangaral ay ibinigay sa ating teksto:

“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” (I Mga Taga Corinto 1:21).

Iyan ang layunin ng pangangaral – “iligtas ang mga nagsisisampalataya.” Bawat pangaral ay dapat nakatutok sa pagliligtas sa “mga nagsisisampalataya.” Bawat pangaral sa panalangin, bawat sermon sa pangangasiwa, bawat doctrinal na pangaral, bawat pagpupulong ng pananalanging pangaral – bawat pangaral ay dapat naka pokus sa ilang aspeto ng pagliligtas noong mga nagsisisampalatya! Hindi ko kailan man halos nangangaral ng isang pangaral kahit kanino, kahit saan, na hindi ito ipinangangaral upang “iligtas ang mga nagsisisampalataya.” Maari itong isang pangaral upang iligtas ka. Maari itong isang pangaral na nagsasabi sa iyo kung paano makatutulong ng isang taong maligtas. Maari itong isang pangaral sa iba pang paksa, ngunit ang puso ng bawat pangaral na aking ipinangangaral ay ang “iligtas ang mga nagsisisampalataya.”

“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” (I Mga Taga Corinto 1:21).

Dahil ang pangangaral ay napaka- halaga dapat nating malman kung anong uri ng pangangaral ang kinakailangan ng mga tao. Dapat nating malaman kung anong sinasabi ng Bibliya patungkol sa pangangaral. Anong sinasabi ng Bibliya ang gma tao ay dapat mangaral?

I. Una, sinasabi ng Bibliya na kailangan natin ng mga mangangaral laban sa kasalanan.

Sinasabi ng Apostol Pablo, “Ipangaral mo ang salita…sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo” (II Ni Timoteo 4:2). Dapat ay mayroong ayon sa Kasulatang pagsusumuwata at pagsusuway ng kasalanan kung ito’y totoong pangangaral tulad nang ginawa ng mga nangangaral na mga kalalakihan sa Bibliya.

Bumalik kay Enoch bago ng Matinding Baha. Anong ipinangaral ni Enoch? Tayo ay sinabihan na ipinangaral niya ang Sulat ni Hudas. Ito ang ipinangaral ni Enoch.

“Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal, Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama” (Judas14-15).

Nangaral si Enoch sa Pangalawang Pagdating ni Kristo, sa Huling Paghahatol ng di ligtas na mga makasalanan. Nangaral Siya laban sa mga kasalanan ng di makadiyos, nakanilang nakamit. Nangaral siya laban sa maruming pagsasalita ng mga makasalanan. Nangaral siya laban sa makasalanang mga bagay na sinasabi ng malulupit na mga tao laban sa Diyos. Si Enoch ang pampito mula kay Adam, ay nangaral ng malakas, at matigas na pangaral, isinusumawata at isinusuway ang mga kasalanan ng kanyang henerasyon, binabalaan sila na magsisi bago bumagsak ang paghahatol sa kanila. Iyan ang uri ng pangangaral na kailangan natin ngayon!

Tapos isipin ang pangangaral ng propetang si Isaias. Sinabi niya,

“Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan” (Isaias 58:1).

Basahin ang mga unang mga kapitulo ng Isaias minsan. Nangaral siya laban sa pagkukunwari. Sinabi niya ang kanilang mga kamay ay puno ng dugo. Itinuligsa nila ang kanilang rebelyon laban sa Diyos. Ipinangaral niya na ang kanilang mga pinuno ay hindi nagprotekta ng mga balo at mga ulila. Sinabi niya na ang kanilang mga lungsod ay masusunog sa apoy, at ang kanilang mga lupa ay lalamunin ng mga estranghero. Iyan ang uri ng pangangaral na kailangan nating ngayon!

“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” (I Mga Taga Corinto 1:21).

Paano naman si Juan Bautista? Paano siya nangarap? Ipinangaral niya,

“Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating? Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi” (Mateo3:7-8).

Tinawag niya silang mga lahi ng ahas, na itatapon sa apoy ng Impiyerno. Tinawag niya sila upang magsisi!

Tapos isipin kung paano nangaral si Hesus laban sa kasalanan! Nangaral Siya laban sa di paniniwala. Nangaral Siya laban sa pangangalunya. Nangaral Siya laban sa pagkapit sa sama ng loob, at sinabi niya na kung hindi sila nagpatawada ng iba ni ang kanilang Ama sa Langit ay hindi magpapatawad sa kanila. Nangaral Siya sa mga Fariseo at mga eskribe, “Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin” (Juan 8:44). Kinamuhian ng mga tao si Hesus dahil nangaral Siya laban sa kanilang mga kasalanan. Ipinako nila Siya sa krus dahil sa pangangaral laban sa kanilang kasalanan! Ang bawat mangangaral na totoong mga halimbawa ni Hesus ay dapat minsan gawing magalit ang mga tao sa pamamagitan ng pangangaral laban sa kanilang mga kasalanan, gaya ng ginawa ni Hesus! Sinabi ng Apostol Pedro na iniwanan tayo ni Kristo “ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). Tiyak na ibig nitong sabihin na bawat mangangaral na tulad ni Kristo ay dapat tuligsain ang kasalanan mula sa pulpit, gaya ng ginawa ni Hesus! Sinabi ni Dr. John R. Rice sa mga batang mangangaral,

      Huwag maimpluwensyahan [noong] mga natatakot ay magssasanhi ng kaguluhan sa inyong simbahan. Huwag masyadong mapakilos ng pagmamakaawa ng iyong asawa na takot na ibababa ang iyong sweldo o na ika’y mawawalan ng trabaho na walang lugar na pupuntahan. Maging tapat kay Kristo, at si Kristo ay magiging tapat sa iyo…totoo na ang mga mangangaral ay dapat mangaral na may pag-ibig at pagkahabag at mga luha. Ngunit hindi iyan nagbabago sa katunayan na tayo ay malinaw na inutuasan na magsuway at magsumawata, at na dapat mangaral ng Salita laban sa mga partikular na mga kasalanan (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Dakilang mga Katotohanang para sa Nagwawagi ng Kaluluwa [Great Truths for Soul Winners], Sword of the Lord, 1964, pahina137).

Noong ako’y nangangaral sa isang partikular na Katimugang Bautistang simbahan sa Hilagang California, binanggit ko ang mga kasalanan noong mga kabataan doon – paghahalikan, pagtingin ng pornograpiya, at pagkakaligtang magpunta ng simbahan. Sinabi ko na huwag sila dapat makinig sa mga tumalikod sa dating pananampalatayang mga guro tulad ni Obispo Pike, na puno ng Episkopal na Simbahan sa San Franciso sa panahong iyon. Pagkatapos ng pangaral, dinala ako ng pastor sa kanyang opisina at sinabi sa akin na huwag mangaral ng tulad ng ginawa ko o na ako’y masasangkot sa gulo. Nakapagtataka na ang pastor na ito ay maya mayang napatalsik ng kanyang simbahan, at napunta sa isang simbahan na aking sinimulan at doon naging pastor!

Ako’y binalaan na huwag mangaral laban sa mga teyolohikal na mga pagkakamali sa seminary na aking pinuntahan. Ngunit young mga nagbabala sa akin ay maya maya pinatalsik sa seminaryong iyon. Pagkatapos na sila’y wala na, nangaral ako sa awditoryum ng parehong seminaryong iyon! Hindi ako kailan man tumigil sa pangangaral laban sa kasalanan, at narito ako ngayong gabi, na mayroong nakamamanghang simbahan puno ng mga atat na mga kabataan! Tama si Dr. Rice, “Maging tapat kay Kristo, at si Kristo ay magiging tapat sa iyo.” Amen.

“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” (I Mga Taga Corinto 1:21).

Mayroong nagreklamo na hinahayaan ko kayong magpalakpakan. Ano ngayon? Sinasabi ng Bibliya, “Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay” (Mga Awit 47:1). Anong mali riyan? Ito’y nasa Bibliya hindi ba? Kapag ang mga kabataan ay nagpupunta sa isang laro ng football o isang rock konsert sila’y sumisigaw at nagpapalakpakan hanggang sa ang estadiyum ay umuuga! Ngunit ang mga pagbabalala na aking ibinibigay sa iyo ngayong gabi ay libo-libong beses na mas importante kaysa ang laro ng football – sampung milyong beses na mas importante kaysa sa isang rock konsert ni Justin Bieber o Lady Gaga! Magsisi, dahil ang kaharian ng langit ay padating!

“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” (I Mga Taga Corinto 1:21).

II. Pangalawa, sinasabi ng Bibliya na kailangan natin ng pangangaral tungkol sa Impiyerno.

Lahat ng mga mangangaral sa Bibliya ay nangaral sa paghahatol at Impiyerno, at ang poot ng Diyos laban sa kasalanan. Ang Panginoong Hesu-Kristo ay nangaral ng madalas sa Impiyerno, binabalaan ang mga makasalanan na tumakas mula sa poot ng Diyos!

Sinabi ni Kristo, “sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy” (Mateo 5:22).

Sinabi ni Kristo, “Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 13:49-50).

Sinabi ni Kristo na isang araw Kanyang sasabihin “sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan” (Mateo 25:41).

Sinabi ni Kristo, “ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay” (Mateo 25:46).

Ang mangangaral na hindi nangangaral sa Impiyerno ay hindi sumusunod sa halimbawa ni Hesus, na nag-iwan sa atin ng “ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Palayuin ang mga magaganda, madaling mga pangaral na hindi nagpapakilos ng takot ng kahit sino, hindi nagdadala ng mga luha, hindi nagdadala sa mga taong magsisi! Palayuin ang pangangaral na ito na nag-iiwan sa mga makasalanan na nagtutulog sa kanilang mga kasalnana, di nagagambala, at nasisiyahan sa kanilang sarili! O, Diyos bigyan kami ng uri ng pangangaral na gagawang magnginig sa mga tao kapag maisip nila ang Impiyerno at paghahatol na darating!” (Iisinalin mula sa ibid., p. 140).

“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” (I Mga Taga Corinto 1:21).

III. Pangatlo, sinasabi ng Bibliye na kailangan natin ng pangangaral sa kaligtasan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo.

Itinuturo ng Bibliya na lahat ng mga kalalakihan at kababaihan ay makasalanan. Sinasabi nito, “Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios” (Mga Taga Roma 3:23). Sinasabi ng Bibliya, “Walang tao na di nagkakasal” (I Mga Hari 8:46). Sinasabi ng Bibliya, “Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala” (Ecclesiastes 7:20).

“Ngunit” sinasabi mo, “Hindi alam ng Diyos ang tungkol sa aking mga kasalanan. Kahit ang aking ina ay hindi alam ang aking mga kasalanan. Ang mga ito’y sekreto.” Maaring hindi alam ng iyong ina ang tungkol sa iyong mga kasalanan, ngunit alam ng Diyos ang tungkol sa mga ito. Sinasabi ng Bibliya, “Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti” (Mga Kawikain 15:3). Ang iyong mga kasalanan ay hindi sekreto sa Diyos! Sinasabi ng Bibliya, “Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama” (Ecclesiastes 12:14). Itinuturo ng Bibliya na bawat kasalanan na iyong nagawa ay nakatala sa mga aklat ng paghahatol ng Diyos (Apocalipsis 20:12). Sa Huling Paghahatol ika’y tatayo sa harap ng Makapangyarihang Diyos. Babasahin Niya ang listahan ng iyong mga kasalanan mula sa Kanyang mga aklat ng paghahatol, at ika’y “ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:15).

Mayroon lamang isang paraan para sa iyong matakasan ang teribleng paghahatol. Ang iyong mga kasalanan ay dapat mawala sa mga aklat ng Diyos. Iyan ang dahilan na nag Panginoong Hesu-Kristo ay nagpunta sa Krus. Namatay si Kristo sa Krus upang bayaran ang buong multa ng iyong mga kasalanan. Sinasabi ng Bilbiya,

“Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga Roma 5:8-9).

Sinasabi ng Mga Taga Roma 5:9 ika’y “inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo.” Ang Dugo ni Hesu-Kristo ay makalilinis ng bawat kasalanang iyong nagawa, dahil atin mababasa sa I Ni Juan 1:7, “nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.” Kailangan natin ng pangangaral sa Dugo ni Kristo. Ito ang nag-iisang bagay na makalilinis sa atin mula sa kasalanan!

“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” (I Mga Taga Corinto 1:21).

Ang ilang mga mangangaral ngayon ay nagsasabi na walang Dugo. Hindi ko alam kung paano nila masasabi na ginagawang malinaw ng Bibliya na si Hesus ay “umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5). Huwag kailan man maniwala sa isang mangangaral o guro ng Bibliya na nagpapababa sa Dugo ni Hesus! Sinasabi ng Bibliya, “Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain” (Judas 11). Tulad ni Cain, kanilang tinanggihan ang Dugo. Huwag kailan man makinig sa kanila! Mag-ingat sa paguturo kay Cain! Na wala ang Dugo ni Kristo walang kaligtasan! Walang kahit ano pa man! Palaging tandaan ang maiging, lumang himno ng ating mga ninuno,

Anong makahuhugas ng aking kasalanan?
   Wala kundi ang dugo ni Hesus;
Anong makagagawang buo sa akin muli?
   Wala kundi ang dugo ni Hesus.
O! mahal ang umaagos
   Na gumagawa sa aking kasing puti ng niybe;
Walang ibang bukal ang alam ko,
   Wala kundi ang dugo ni Hesus.
(“Wala Kundi Ang Dugo Ni Hesus.” Isinalin mula sa
     “Nothing But the Blood” ni Robert Lowry, 1826-1899).

Gusto mo bang maligtas ngayong gabi? Gusto mo bang ang bawat isa ng iyong mga kasalanan na mahugasan, paalis mula sa mga aklat ng paghahatol ng Diyos, sa pamamgitan ng Dugo ni Hesus? Tapos, habang ating kantahin ang himno muli, umalis mula sa inyong gma upuan at magpunta sa likuran ng silid. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan ika’y papayuhan namin at magdadasal kasama mo. Magpunta ngayon na habang kami’y kumanta.

Anong makahuhugas ng aking kasalanan?
   Wala kundi ang dugo ni Hesus;
Anong makagagawang buo sa akin muli?
   Wala kundi ang dugo ni Hesus.
O! mahal ang umaagos
   Na gumagawa sa aking kasing puti ng niybe;
Walang ibang bukal ang alam ko,
   Wala kundi ang dugo ni Hesus.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Mga Taga Corinto 1:18-21.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O, Anong Bukal.” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
(ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

ANG PANGANGARAL NA KAILANGAN NATIN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral”
(I Mga Taga Corinto 1:21).

I.   Una, sinasabi ng Bibliya na kailangan natin ng mga mangangaral
laban sa kasalanan, II Ni Timoteo 4:2; Judas 14-15;
Isaias 58:1; Mateo 3:7-8; Juan 8:44; I Ni Pedro 2:21;
Mga Awit 47:1.

II.  Pangalawa, sinasabi ng Bibliya na kailangan natin ng pangangaral
tungkol sa Impiyerno, Mateo 5:22; 13:49-50; 25:41, 46;
I Ni Pedro 2:21.

III. Pangatlo, sinasabi ng Bibliye na kailangan natin ng pangangaral
sa kaligtasan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo,
Mga Taga Roma 3:23; I Mga Hari 8:46; Ecclesiastes 7:20;
Mga Kawikain 15:3; Ecclesiastes 12:14; Apocalipsis 20:12,15;
Mga Taga Roma 5:8-9; I Ni Juan 1:7; Apocalipsis 1:5; Judas 11.