Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG GAMOT NG DIYOS PARA SA PAGIGING MAG-ISA GOD’S CURE FOR MAN’S LONELINESS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Ako’y naging miyembro ng Unang Tsinong Bautistang Simbahan ng Los Angeles sa loob ng dalawam pu’t tatlong taon. Ang aking pastor sa Tsinong simbahan ay si Dr. Timothy Lin. Nagpunta siya sa simbahan mula sa pagtuturo ng Biblikal na mga wika at teyilohiya sa Unibersidad ng Bob Jones. Maraming mga bagay na alam ko ngayon ay itinuro sa akin ni Dr. Lin sa Tsinong simbahan, kung papaano pa ito noon. Tinuruan ako ni Dr. Lin ng maraming mga bagay tungkol sa pangangaral. Sinabi niya,
Sa lahat ng mga tungkuling ng pastor, ang pinaka mahirap at pinaka importanteng gawain na malalaman, ay walang duda, ang mensahe na inu-ukol ng Diyos na kanyang ipangaral sa Araw ng Panginoon…Minsan kahit pagdating ng Huwebes, ang mensahe na dapat ipangaral ay di pa rin malinaw. Kung [iyan] ang kaso, gayon dapat ang pastor ay mag-ayuno at manalangin ng maalab…ang ating espirituwal na pagbatid ay madalas di na nahaharangan agad-agad pagkasimula nating mag-ayuno at manalangin, at ang mensahe na inu-ukol ng Diyos ay magiging lubos na malinaw. Ito’y pagsasalita mula sa aking personal na karanasan (Isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., Ang Sekreto ng Paglago ng Simabahan [The Secret of Church Growth], First Chinese Baptist Church, 1992, p. 23).
Kamaikailan lang ang Diyos ay naging napaka buti sa atin. Kanya akong binigyan ng mga sermon na walang kahirapan. Mukhang napaka dali para sa aking malaman kung anong ipangaral ng umaga ng Linggo at gabi ng Linggo, at pati gabi ng Sabado! May-ilang mga pastor ang nagsabi sa akin, “Paano ka nakapangangaral ng tatlong magkakaibang sermon kada linggo, at napapanatili pa rin ang atensyon ng mga tao?” Masasabi ko lamang na ito’y sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos! Naiisip ko rin na napaka daling malaman kung anong ipangangaral dahil tayo ay nag-aayuno at nananalangin tuwing Sabado. Ang pag-aayuno at pananalangin kada Sabado ay nagdala ng pagpapala ng Diyos, at ginawa itong madali para sa aking malaman kung anong ipangangaral!
Iyan ang nangyari noong huling linggo. Gumugol ako ng mahabang panahon na ginagawa ang panggabing Linggong pangaral. Gayon man wala akong ideya kung anong ipangangaral ng umaga ng Linggo. Ngunit mukhang sinasabi sa akin ng Diyos, “Huwag kang mag-alala. Agad-agad pagkatapos mong maisulat ang panggabing sermon, ipapakita ko sa iyo kung anong ipangangaral sa umaga ng Linggo.” Papuri sa Panginoon! Iyan sakto ang nangyari!
Agad-agad pagkatapos kong naisulat ang panggabing sermon sa Linggo, ipinakita ng Diyos s akin kung anong pag-uusapan nitong umaga. Ganito ito nangyari. Natapos ko nang isulat ang panggabing sermon at nagpunta sa aking harapang silid upang kumain ng tanghalian. Madalas kong pinapanood ang Fox News kapag kumakain ako ng tanghalian. Kaya binuksan ko ang telebisyon. Kataka-taka, na ito’y nasa ibang tsanel na hindi ko kailan man pinapanood. Ngunit noong binuksan ko ito, si George Beverly Shea ay kumakanta,
Ang mga kampana ng panahon ay tinunog an balita,
Isa na inamang araw ay tapos na,
Mayroong isang nadulas at nahulog,
Ang isang iyon ba’y ikaw?
Maaring naghangad ka para sa dagdag na lakas
Ang iyong lakas upang ipanumbalik,
Huwag kang mapanghinaan ng loob,
Mayroon akong balita para sa iyo.
Hindi ito isang sekreto kung anong kayang magawa ng Diyos sa iyo,
Kung anong nagawa Niya para sa iba, gagawin Niya para sa iyo;
Na may mga brasong bukas, patatawarin ka Niya,
Hindi ito isang sekreto kung anong magagawa ng Diyos.
(“Ito’y Hindi Isang Sekreto” Isinalin mula sa “It Is No Secret”
ni Stuart Hamblen, 1908-1989).
Ang asawa ko ay nagpunta sa silid upang pakinggan si Gg. Shea kumanta. Tapos si Billy Graham ay dumating at nagsimulang mangaral. Ito’y isang lumang bidyo, na ginawa sa Denver, Colorado noong 1988. Hindi ko pa nga alam ang tungkol rito noong binuksan ko ang TV. Sinimulang ipangaral ni Gg. Graham ang kanyang dakilang sermon sa pagiging mag-isa. Agad-agad sinabi sa akin ng Diyos na magpangaral patungkol sa parehong paksa ngayong umaga! Nakumpirma ito noong sinabi ng aking asawa sa akin, “Robert, kailangan mong magpangaral patungkol sa paksang iyan sa sunod na Linggo ng umaga.” Napaka bihirang sabihin sa akin ni Gng. Hymers ang gagawin sa simbahan – napaka bihira. Ngunit kung gagawin niya, palagi akong nakikinig sa kanya. Natagpuan ko na palagi siyang tama kapag ginawa niya ito. Kaya, narito ang bersyon ko ng tanyag na sermon ni Gg. Graham sa pagiging nag-iisa.
Magsitayo at lumipat kasama ko sa Mga Awit 102:6-7.
“Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:6-7).
Maari nang magsi-upo. Nagbigay si Dr. John Gill (1697-1771) ng isang napakaiging kumento sa mga bersong iyan. Sinabi ni Dr. Gill,
Ang mga Hudyo ay mayoorng mga patag na mga bubong sa kanilang mga tahanan, at ditto ang mga ibon ng kapanglawan ay nagpupunta upang umupong mag-isa sa panahon ng gabi, kung saan [ikinukumpara] ng Salmista ang kanyang sarili; na naiiwanan ng mga kaibagan at kanyang mga kasama; o sa pagiging isang [malungkot at nag-iisang] kalagayan, pinili niyang maging mag-isa, nagluluksa dahil sa kanyang nagdurusang kalagayan (Isinalin mula kay John Gill, D. D., Isang Eksposisyon sa Lumang Tipan [An Exposition of the Old Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 muling inilimbag na kabuuan IV, p. 127; sulat sa Mga Awit 102:6-7).
“Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:6-7).
Maraming mga kabataan ang ganyan ang nararamdaman – nag-iisa tuladn ng isang pelikano sa ilang, o isang kuwago sa kaparangan. Karaniwan ngayon na makahanap ng mga kabataang pang kolehiyo ang edad na nararamdaman na kasing nag-iisa ng isang maya sa tuktok ng isang tahanan. Nag-miminitor na ako sa mga kabataan ng edad ng mataas na paaralan at edad ng kolehiyo sa loob ng limam pu’t apat na taon na. Natagpuan ko na maraming mga kabataan ang nararamdaman ang makirot na pagkamag-isa sa loob. Isang kabataan ang nagsabi,
Gusto kong maging espesyal sa isang tao, ngunit walang nag-aalala sa akin. Hindi ko matandaan ang kahit sinong humhawak sa akin, o ngumingiti sa akin, o gusting makasama ko…Ako’y nag-iisang lubos hindi ko na ito matiis (Isinalin mula sa isinipi ni Josh McDowell, Ang Nahiwalay na Henerasyon [The Disconnected Generation], Word, 2000, p. 11).
Libo-libong mga kabataan ang ganyan ang nararamdaman ngayon. Si Dr. Leonard Zunin, isang prominenteng psikayatrist, ay nagsabing, “Ang pinaka malubhang problema ng tao ay pagiging mag-isa.” Sinabi ng psikoanalistang si Erich Fromm, “Ang pinaka malalim na pangangailangan ng tao ay ang pangagailan upang malampasan ang kanyang pagiging nahiwalaya, upang iwanan ang bilangguan ng kanyang pagkamag-isa.”
At wala nang mas malungkot pang lugar para sa isang kabataan kaysa isang malaking lungsod tulad ng Los Angeles. Sinabi ng isang may-akda si Herbert Prochnow, “Ang isang lungsod ay isang malaking komunidad kung saan ang mga tao ay malungkot na magkakasama.” Isang Tsinong mag-aaral minsan ay nagsabi sa akin, “Walang nakakaintindi sa akin. Mula sa sandaling ako’y nagising sa umaga, hanggang sa makatulog ako sa gabi, nalulungkot ako.” Naramdaman mo nab a iyan? Naramdaman mo nab a kailan man na wala talagang nag-aalala sa iyo? Naramdaman mo na ba na walang naka-iintindi sa iyo, o nakasisimpatiya sa iyo? Naramdaman mo na bang nag-iisa kapag ika’y nasa isang pulong ng mga tao? Nakarinig na ako ng mga kabataang nagsasabi na sila’y nagpupunta at nagkakalakad sa mga mall, para lang mapaligiran ng mga tao. Ngunit hindi ito nakatutulong! Nararamdaman pa rin nilang sila’y nag-iisa sa isang pulong ng mga masasayang tao. Ang iba ay maaring nagsisitawa at nagbibiruan, ngunit hindi sila makatakas mula sa bilanggo ng kanilang pagkalungkot.
Si Dr. Lin ay madalas nagsalita patungkol sa “pagkamag-isa ng mga kabtaan.” Naintindihan niya ito ng lubos, at nagsalita patungkol rito madalas, na alam ko na ito’y isang bagay na minsan ay kanya ring naramdaman. Naramdaman niya sigurong lubos na nag-iisa noong malayo siya mula sa tahanan, nag-aaral sa isang kolehiyo sa Tsina, noong bata siya. Paano ikaw? Naramdaman mo na ba iyan kailan man? Naramdaman mo na bang nag-iisa at hindi gusto?
Ang nobelistang nagwagi ng isang Nobel-Prize na si Ernest Hemingway (1899-1961) ay mayroon lahat na mabibili ng pera. Inimbita siya ni John Kennedy upang magsalita sa kanyang inagurasyon bilang Presidente ng Estados Unidos. Ngunit hindi nakapunta sa Hemingway dahil siya’y nalulungkot ng lubos. Siya’y nalulungkot ng lubos na naramdaman niyang parang “isang gamit na gamit na tubo sa loob na isang radyo.” Maikling panahon maya maya piñata niya ang kanyang sarili. Noong ang aking pamilya at ako ay nasa Key West, Florida, pinasyal namin ang bahay kung saan isinulat niya ang 75% ng kanyang mga nobela at maiikling mga kwento. Habang si Ileana at ang mga anak namin ay nagpunta sa ibang lugar, gumala ako pabalik sa bahay ni Hemingway. Mga tanghaling tapat na iyon. Ito’y naka panginginig na karanasan. Mukhang ang tahanan ay nalubog sa pagkalungkot at pagkamag-isa. Damang ito’y lubos na impluwensiyahan ng demonyo, isang lugar kung saan pag-asa at kaligayahan ay wala, at isang tao ay maaring mabaliw sa pagkalungkot. Ilang taon maya maya, sa Ketchum, Idaho, kumuha si Hemingway ng isang shotgun at pinasabog ang tuktok ng kanyang ulo, mula sa kanyang kilay pataas. Naroon kami sa Ketchum din, isang taon sa aming bakasyon. At muli naramdaman ko ang mga demonyo ng kalungkutan na namalagi sa kanya, at sa wakas pumatay sa kanya. Sinabi ng isa sa kanyang mga nag-aaral ng kanyang biyograpo, “Ang kanyang pagkamatay sa lahat ng pagkadugo at pagkalagim ay nananatiling di nalilimutan” (Isinalin mula kay Kenneth S. Lynn, Hemingway, Harvard University Press, 1987, p. 593). Ako rin mismo ay hindi ito malimutan.
Alam mo ba pagpatay sa sarili ang pangalawang sanhi ng pagkamatay ng isang kabataan sa ilalim ng edad na dalawampu’t lima? Nagkaroon ako ng kaibigan sa mataas na paaralan na pumatay sa kanyang sarili gaya ni Ernest Hemingway. Binaril niya ang kanyang sarili sa ulo. Maya maya sinabi sa akin ng kanyang ina na ako lamang ang nag-iisa niyang kaibigan. Ginulo iyan ang aking konsensya ng ilang taon, dahil hindi sapat ang nagawa ko para tulungan siya. Naramdaman ko na parang piñata ko siya dahil hindi ko siya kailan man dinala sa simbahan. Huwag mong gawin ang parehong pagkakamaling ito. Dalhin ang bawat isa ng iyong mga kaibigan upang pakinggan ang Ebanghelyo! Inuulit ko – dalhin ang bawat isa ng iyong kaibigan sa simbahan upang marinig ang Ebanghleyo! Gayon ay hindi ka kailan man magkakaroon ng mga pagsisisi! “Tulungan Ang Isang Tao Ngayon.” Kantahin ito!
Tulungan ang isang tao ngayon, Isang tao daan ng buhay,
Na pakikipagkaibigan na inaabot, Lahat ng kalungkutan ay natatapos,
O, tulungan ang isang tao ngayon!
(“Tulungan Ang Isang Tao Ngayon.” Isinalin mula sa
“Help Somebody Today” ni Carrie E. Breck, 1855-1934; Binago ng Pastor).
Ang aking kaibigang si Dr. John S. Waldrip ay isang pastor. Noong siya’y binata sinabi niya,
Ako’y nasa isang lugar puntahan tuwing gabi na punong-puno ng mga kabataan kalalakihan at kababaihan. Doon ako nakatayo, sa isang masikip na silid, lubos na nag-iisa at nakahiwalay mula sa lahat ng tao…Pinu-puno natin ang aking mga iskedyul ng maraming mga kaganapan…Ngunit sa kabila ng lahat ng gawain, bihira tayong kumukunekta ng lubos sa kahit kanino. Tayo ay naging isang lipunan ng mga kakilala, higit sa lipunan ng mga kaibigan (Isinali mula kay John S. Waldrip, Th.D., “Ang Gamot para sa Pagkamag-isa” “Cure for the Lonely Heart,” ika-2 ng Mayo 2004).
Hindi nakakapagtaka na napaka raming mga kabataan ay nararamdaman ang tulad ng nararamdaman ng Salmista!
“Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:6-7).
“Tulungan ang Isang Tao Ngayon.” Kantahin ito!
Tulungan ang isang tao ngayon, Isang tao daan ng buhay,
Na pakikipagkaibigan na inaabot, Lahat ng kalungkutan ay natatapos,
O, tulungan ang isang tao ngayon!
Ngunit hindi ka gustong maging nag-iisa ng Diyos. Sa Hardin ng Eden sinabi ng Diyos, “Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” (Genesis 2:18). Sinabi ng Kristiyanong makata na si John Milton (1608-1674), “Pagkamag-isa ay ang unang bagay na tinawag ng Diyos na hindi mabuti.” Iyan ay kasing totoo ngayon gaya nito noon. Hindi ka gustong maging mag-isa ng Diyos. Sinabi Niya, “Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” – o ang babae rin! Iyan ang dahilan na ang Diyos ay naglaan ng dalawang gamot para sa pagkamag-isa.
I. Una, ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak upang mamatay sa Krus, upang gamutin ang iyong espiritwal na pagkalungkot at pagkahiwalay.
Noong ang ating unang mga magulang ay unang nagkasala, agad-agad silanag nahiwalay mula sa Diyos, naputol mula sa Diyos. Itinago ni Adam ang kanyang sarili mula sa Diyos (Genesis 3:10). Si Adam at kanyang asawa ay parehong pinalayas mula sa Hardin ng Eden dahil sa kanilang mga kasalanan. Sila’y naputol mula sa pakikisama ng Diyos. Itinuturo ng Bibliya na ang kanilang makasalanang kalikasan ay naipasa sa buong lahi ng tao. Iyan ang dahilan na mukhang di tunay ang Diyos sa iyo. Hinihiwalay ka ng kasalanan mula sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya,
“Pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo” (Isaias 59:2).
Kahit ngayon, ang mga tao ay gumagala sa sa mundo na wala ang Diyos, at walang pag-asa. Ang ateyistang si H. G. Wells (1866-1946) ay nagsabi, “Ako’y anim na pu’t lima, at ako’y nag-iisa at hindi kailan man nakahanap ng kapayapaan.” Ngunit hindi gusto ng Diyos na ika’y nasa ganoong kondisyon. Gusto ng Diyos na ika’y mapanumbalik sa pakikisama. Iyan ang dahilan na ipinadala Niya si Hesus upang mamatay sa Krus, upang ang iyong mga kasalanan ay mapatawad at ika’y mapanunumbalik sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya,
“Pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay” (Mga Taga Roma 5:10).
Kapag ika’y magpupunta kay Hesu-Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya, ang iyong mga kasalanan ay mapapatawad sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa iyong lugar sa Krus – at ika’y pinagkakasundo sa Diyos! At si Hesus ay bumangong pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Magpunta kay Hesus sa pananampalataya at ililigtas ka Niya mula sa kasalanan at paghiwalay mula sa Diyos. Maari ninyo akong kausapin ang sino sa inyong gusting magtiwala kay Hesus at maligtas. “Tulungan ang Isang Tao Ngayon.” Kantahin ito!
Tulungan ang isang tao ngayon, Isang tao daan ng buhay,
Na pakikipagkaibigan na inaabot, Lahat ng kalungkutan ay natatapos,
O, tulungan ang isang tao ngayon!
II. Pangalawa, ibinigay ng Diyos sa atin ang lokal na simbahan upang
magamot ang ating emosyonal na pagkamag-isa.
Hindi ako naniniwala na gusto kang iligtas ng Diyos, at tapos ay iwanan kang mag-isa sa lamig na ito, isang mailap na mundo. Gusto kong bahagyang ang sermon ni Billy Graham. Ngunit hindi ko naiisip na sapat ang sinabi niya. Sinabi niyang magtiwala kay Kristo at maligtas mula sa espiritwal na pagkahiwalay at pagkamag-isa mula sa Diyos. Ngunit kinailangan niyang nagsabi ng higit pa. Kinailangan niyang sabihin na si Kristo rin ay dumating upang itayo ang Kanyang simbahan, upang iligtas ka mula sa emosyonal pagkamag-isa. Sinabi ni Kristo,
“Itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya” (Mateo 16:18).
Inilaan ng Diyos ang lokal na simbahan na isang lugar ng pakikisama at ligaya – kung saan ang iyong emosyonal na pagkamag-isa ay magagamot. “Tulungan ng Isang Tao Ngayon.” Kantahin ito!
Tulungan ang isang tao ngayon, Isang tao daan ng buhay,
Na pakikipagkaibigan na inaabot, Lahat ng kalungkutan ay natatapos,
O, tulungan ang isang tao ngayon!
Kapag ika’y magtapos mula sa mataas na paaralan o kolehiyo, sinasabi ng lahat, “Kita-kita tayo ulit.” Ngunit hindi talaga ito nangyayari. Kung makita mo man sila uli ito’y 40 o 50 taon mas matagal pa – at hindi mo sila halos makilala! Ngunit hindi ka kailan man magtatapos mula sa iyong lokal na simbahan. Kahit kapag ika’y mamatay makakasama ninyo ang isa’t isa sa paraiso! Iyan ang dahilan na isinulat ko ang maliit na kanta na kinant ni Gg. Griffith ilang sandal lang kanina,
Ang mga tao sa malaking lungsod ay hindi wala lang talagang pakialam;
Napakakunti ang maibibigay nila at walang pag-ibig na maibibigay.
Ngunit umuwi kay Hesus at malalaman mo,
Mayroong pagkain sa mesa at pakikipagkaibigang mapaghahatian!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa matamis na pagkakasama;
Ito’y magiging isang handog, Kapag tayo’y maupo at kumain!
(“Umuwi sa Hapunan.” Isinalin mula sa “Come Home to Dinner”
ni Dr. R. L. Hymers, Jr.; sa tono ng “On the Wings of a Dove”).
Kantahin ang koro kasama ko!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa matamis na pagkakasama;
Ito’y magiging isang handog, Kapag tayo’y maupo at kumain!
Ngunit hindi nito magagamot ang iyong pagkalungkot kung magpupunta ka lang ng ilang oras ng umaga ng Linggo! O hindi! Iyan ang dahilan na maraming mga simbahan ay hindi makawagi ng mga kabataan mula sa mundo dahil sinasara nila ang kanilang panggabing Linggong paglilingkod! Hindi ako makaisip ng kahit ano pang mas hangal! Hindi ba nila nakikita na iyan ang pumatay sa popular na denominasyonal na mga simbahan? Pinatay nito ang mga Metodista at Presbiteryano. At papatayin nito iyong mga hangal na independenteng mga Bautistang simbahan na nagsara ng kanilang panggabing Linggong paglilingkod! Hindi nito papatayin ang iyong simabahan agad-agad, ngunit papatayinnito ito sa loob ng ilang dekada. Ang mga kabataan ay dapat bumalik ng gabi ng Linggo o ang kanilang pagkamag-isa ay hindi magagamot. At kailangan nilang makasama ng mga tao sa simbahan ng Sabado ng gabi rin. Madalas sabihin ni Dr. Lin, “Gawin ang simbahan na iyong pangalawang tahanan.” Tama siya. Iyan ang dahilan na maraming daang mga Tsinong kabataan ang nagsibuhos sa kanyang simabahan noong siya ang pastor ng simabahang iyon. Muling pagkabuhay ay dumating at ang kanyang Tsinong simbahan ay naging tulad ng simbahan sa Jerusalem. Sila’y “na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47).
At isa pang bagay. Kung gusto mo talaga na magamot ng simbahang ito ang iyong pagkamag-isa, magdala ng isang tao rito sa sunod na ika’y dumating! Oo! Dalhin ang iyong kaibigan o kamag-anak kasama mo sa sunod na ika’y dumating – marahil kahit ngayong gabi! Isang Tsinong lalake na narito lamang ng ilang linggo, ay narinig akong sabihin iyan noong huling umaga ng Linggo. Dinala niya ang kanyang kaibigan kasama niya noong bumalik siya noong gabi ng Linggo! Iyan ang paraan upang gamutin ang iyong pagkamag-isa. Magsimulang pag-isipang matulungan ang isang tao! Ang pinaka-unang bagay na sinabi ni Hesus sa Kanyang mga Disipolo ay, “Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao” (Mateo 4:19). Magpunta at mamalakaya ngayong hapon! Magpunta sa kumuha ng kaibigan o kamag-anak at dalhin sila kasama ninyo ngayong gabi – o sa sunod na Linggo! “Gagawin ko kayong Mamamalakaya ng Tao.” Kantahin ito!
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao,
Mamamalakaya ng tao, mga mamamalakaya ng tao,
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako;
Kung susundan mo ako, kung susundan mo ako;
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako.
(“Gagawin Ko Kayong Mga Mamamalakaya Ng Tao.”
Isinalin mula sa “I Will Make You Fishers of Men”
ni Harry D. Clarke, 1888-1957).
Kapag ika’y abala sa pagdadala ng iba sa simbahan hindi ka pa nga magkakaroon ng oras na maging malungkot!
Ilan ang magsasabi, “Gagawin ko ito pastor. Susubukan kong magdala ng isang tao kasama ko sa sunod na pagkakataon na magpunta ako sa simbahan.” Itaas ang iyong kamay. Magpupunta si Dr. Chan at magdadasal para sa kanila (panalangin). Kantahin ang koro muli!
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao,
Mamamalakaya ng tao, mga mamamalakaya ng tao,
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako;
Kung susundan mo ako, kung susundan mo ako;
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako.
Magdala ng kasama mo na makasalo sa siyahan sa pagdiriwang ng kaarawan – upang kumain ng tanghalian o hapunana kasama natin, at marinig ang Ebanghelyo! “Umuwi sa Simbahan.” Kantahin ang koro isa pang bese!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa matamis na pagkakasama;
Ito’y magiging isang handog, Kapag tayo’y maupo at kumain!
Diyos tulungan silang gawin ito! Sa ngalan ni Hesus, Amen. “Tulungan ang Isang Tao Ngayon.” Kantahin ito!
Tulungan ang isang tao ngayon, Isang tao daan ng buhay,
Na pakikipagkaibigan na inaabot, Lahat ng kalungkutan ay natatapos,
O, tulungan ang isang tao ngayon!
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Awit 102:1-7.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Umuwi sa Hapunan.” Isinalin mula sa “Come Home to Dinner”
(ni Dr. R. L. Hymers, Jr.; sa tono ng “On the Wings of a Dove”)/
“Gagawin Ko Kayong Mamamalakaya ng Tao.” Isinalin mula sa
“I Will Make You Fishers of Men” (ni Harry D. Clarke, 1888-1957)/
“Tulungan ang Isang Tao Ngayon.” Isinalin mula sa
“Help Somebody Today” (ni Carrie E. Breck, 1855-1934;
binago ng Pastor).
ANG BALANGKAS NG ANG GAMOT NG DIYOS PARA SA PAGIGING MAG-ISA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:6-7). (Genesis 2:18) I. Una, ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak upang mamatay sa Krus, II. Pangalawa, ibinigay ng Diyos sa atin ang lokal na simbahan upang |