Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG SUMASABOG NG SIMBAHAN! AN EXPLODING CHURCH! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa; Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin” (Mateo 9:37, 38). |
Madalas iniisip ng mga mangangaral na sinasabi sa atin ni Kristo, sa mga bersong ito, na magdasal na pakilusin ng Diyos ang mga miyembro ng simbahan upang maging mananagumpay ng mga kaluluwa. Hindi iyan lubos na mali, ngunit mas higit pa ito na isang aplikasyon kaysa isang interpretasyon. Oo, maari nating sabihin na maaplika ito sa mga Krisitiyanong nananalangin upang magising at managumpay ng mga kaluluwa. Ngunit hindi iyan sakto ang sinasabi ni Kristo sa Kanyang mga Disipolo.
Sinasabi ni Hesus sa Kanyang mga Disipolo na manalangin upang magpadala ang Diyos ng mga bagong tao sa pag-aani, kaagad-agad, dagli, bago pa sila lubos na nasanay, bago pa na marami sa kanila ay maligtas! Sabagay, halos wala pang Kristiyano noong sinabi iyan ni Hesus! Ang mga Disipoli mismo ay hindi pa nasanay at ang ilan sa kanila, ay hindi pa napagbabagong loob. Sinabi ni Dr. McGee na wala pa sa kanila ay napagbagong loob hanggang sa si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay. Malinaw na si Hudas ay hindi ligtas. Si Tomas ay hindi pa naniwala sa Ebanghelyo, dahil alam natin na hindi niya pinaniwalaan na si Hesus ay babangon mula sa pagkamatay. Itinanggi ni Pedro ang pagpapako sa kurs, at nasumbatan ni Hesus dahil sa pagkatigas ng kanyang ulong hindi maniwala. Gayon man ang mga kalalakihang ito ay ipinadala upang magwagi ng mga kaluluwa sa sunod na kapitulo, sa Mateo 10. At sinabi sa kanila ni Kristo na manalangin upang ang ibang mga bagong mga tao ay maipadala upang magdala ng ani ng mga kaluluwa!
Anong ibig nitong sabihin para sa atin ngayon? Ibig nitong sabihin na dapat tayong magpadala ng mga tao na bago sa ating simbahan upang magtagumpay ng mga kaluluwa agad-agad! Ano pang maari nitong ibig sabihin? Tignan natin ito na may mga “bagong” mata at tignan kung anong gusto ni Hesus nating gawin ngayon, sa ating simbahan. Kung ika’y narito na unang beses ngayong umaga, nananalangin kami para sa iyo na sumama sa amin agad-agad upang maging mga manggagawa sa pag-aani, nagdadala ng mga nawawalang mga tao upang marinig ang Ebanghelyo sa ating simbahan. Pakinggan ang teksto muli, sa pananaw na ito,
“Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa; Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin” (Mateo 9:37, 38).
Sinasabi namin ang parehong bagay sa iyo. Nananalangin kami upang ika’y magsipasok at tulungan kaming magdala ng iba papasok sa simbahan upang marinig ang Ebanghelyo at maligtas. Malalaman natin na ito’y totoo sa dalawang magkaibang paraan.
I. Una, tinawag ni Hesus ang mga orihinal na mga Disipolo upang magtagumpay ng mga kaluluwa agad-agad.
Tumingin pabalik sa Mateo 4:18-20. Magsitayo at basahin ang mga bersong ito ng malakas.
“At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya. At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya” (Mateo 4:18-20).
Iyan ang pinaka unang bagay na sinabi ni Hesus sa mga kalalakihang ito, “Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao” (Mateo 4:19). Mayroong isang koro na ginagawa itong malinaw,
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao,
Mamamalakaya ng tao, mga mamamalakaya ng tao,
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako;
Kung susundan mo ako, kung susundan mo ako;
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako.
(“Gagawin Ko Kayong Mga Mamamalakaya Ng Tao.”
Isinalin mula sa “I Will Make You Fishers of Men”
ni Harry D. Clarke, 1888-1957).
Maari nang magsi-upo.
Hindi sila pinapasok ni Hesus at itinuro ang Bibliya sa kanila ng ilang mga taon bago Niya sila sinabihan lumabas at magdala ng iba, bilang mga mamamalakaya ng tao. Hindi niya sinagot ang lahat ng kanilang mga tanong at itinuro sa kanila ang teyolohiya at mga apolohetiko, at ang kasaysayan ng Kristiyano. Hindi niya sila dinala sa Linggo Paaralang klase ng ilang mga buwan bago Niya sinabihn silang kumuha ng iba at dalhin sila sa papasok. Hindi pa nga Niya sila tinuruan kung papaano ipaliwanag ang Ebanghelyo. Hindi! Ipinadala Niya lamang sila upang magdala ng iba, upang “mamalakaya” ng iba! Ang pinaka unang bagay na sinabi Niya sa kanila ay “Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.”
Hindi ko naiisip na lubos na makatotohanan na sabihin sa inyo ang ibang bagay. Naiisip ko na dapat nating sundan ang halimbawa ni Kristo. Naiisip ko na dapat namin sabihin sa iyo, ngayon na, sa pinaka unang beses na ika’y magpunta sa simbahan kung anong gusto ni Kristong gawin mo. Gusto ni Kristo na ika’y magpunta at kumuha ng iba at dalhin sila papasok. Gusto ni Kristo na ika’y kumuha ng isang tao, at dalhin sila papasok, ngayon na, agad-agad – marahil ngayong gabi! Magpunta at kumuha ng isang tao at dalhin sila kasama mo! Tumayo at kantahin ito muli!
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao,
Mamamalakaya ng tao, mga mamamalakaya ng tao,
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako;
Kung susundan mo ako, kung susundan mo ako;
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako.
Oo, tinawag ni Kristo ang unang mga Disipolo, agad-agad, sa pinaka umpisa, upang mamalakaya ng mga tao – upang maging mga manggagawa sa pag-aani – upang magdala ng iba agad-agad – dagli! Amen! at Amen!
II. Pangalawa, nagpagdala si Hesus ng ibang mga bagong tao
upang managumpay ng mga kaluluwa dagli.
Makikita natin iyan sa unang kapitulo ng Ebanghelyo ni Juan. Dalawa sa mga disipolo ni Juan Bautista ay sumunod kay Hesus sa Kanyang pinaninirahan. Isa sa dalawa ay ang kapatid ni Pedro si Andrew. Si Andrew ay lumabas dagli at sinabi kay Pedro, “Nasumpungan namin ang [Mesias]… Siya'y kaniyang dinala kay Jesus” (Juan 1:41, 42). Sa sunod na araw sinabi ni Hesus kay Felipe, “Sumunod ka sa akin” (Juan 1:43). Agad-agad na pumunta si Felipe kay Nataniel at sinabi sa kanya na nahanap na niya ang Mesias. Pinagdudahan ni Nataniel na totoo ito. “Sinabi sa kaniya ni Felipe, Pumarito ka at tingnan mo” (Juan 1:46). Tapos dinala ni Felipe si Nataniel kay Hesus at si Nataniel ay naging isang Disipolo rin dagli. Dinala ni Anderw si Pedro kay Hesus dagli. Dinala ni Felipe si Nataniel dagli. Ang mga baguhang mga Disipolong mga ito ay naging mananagumpay ng mga kaluluwa agad-agad at dinala ang iba kay Hesus, na walang pag-aantala! Sinabi nila, “Pumarito ka at tignan mo.”
Isa pang halimbawa ay ibinigay sa ikapat na kapitulo ni Juan. Sinabi ni Dr. John R. Rice,
Sa [Juan] kapitulo 4, nalalaman natin na noong nalaman ng Samaritanong babae na si Hesus ang Mesias, iniwan niya ang kanyang mga palayok pangtubig at tumakbo sa bayan upang sabihin sa mga tao, “Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?” [Juan 4:29]. Ang ilan ay naligtas doon sa kanyang testimony, habang ang iba ay nagpunta upang tignana sarili nila at naligtas. Oo, ang mga bagong napagbagong loob ay dapat magtagumpay ng gma kaluluwa (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Ang Anak ng Diyos: Isang Berso-kada-Bersong Kumentaryo sa Ebanghelyo Ayon kay Juan [The Son of God: A Verse-by-Verse Commentary on the Gospel According to John], Sword of the Lord Publishers, 1976, p. 40).
Nagkukumento sa mga halimbawang ito sinabi ni Dr. Rice, “Ah, ang pangunahing bagay tungkol sa pagtatagumpay ng mga kaluluwa ay ang magpunta ay kunin sila. At personal na impluwensya ay napaka halaga na maaring hindi na kakailanganin ng isang malalim na mensahe o mahabang paliwanag, kung hahayaan mong maintindihan ng mga tao na narito ay isang Tagapaglitas para sa mga makasalanan at maari nila Siyang makuha. Kaya dinala ni Andrew si Pedro kay Hesus” (isinalin ibid.). Kaya ang babae sa balon ay nagdala ng maraming mga Samaritan kay Hesus – agad-agad. Siya’y naging isang mananagumpay ng kaluluwa sa parehong araw na nagtiwala siya kay Hesus!
At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniya'y nagsisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo, Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa. Kaya nang sa kaniya'y magsidating ang mga Samaritano, ay sa kaniya'y ipinamanhik nila na matira sa kanila: at siya'y natira roong dalawang araw. At lalo pang marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya dahil sa kaniyang salita” (Juan 4:39-41).
Si Hesus ay nagpunta patawid ng Dagat ng Galilee papunta sa Gadara. Doon nasalubong Niya ang isang lalake na sinapian ng demonyo. Pinalabas ni Hesus ang mga demonyo palabas niya, at ang lalake ay napagling. Gusto ng lalakeng itong bumalik kasama ni Hesus, ngunit sinabi sa kanya ng Tagapagligtas.
“Umuwi ka sa iyong bahay, at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa ng Dios sa iyo. At siya'y yumaon ng kaniyang lakad, na ibinabalita sa buong bayan, kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya'y ginawa ni Jesus” (Lucas 8:39).
Ang lalakeng ito ay naging mananagumpay ng mga kaluluwa agad-agad, nagsasabi sa iba kung paano siya iniligtas ni Hesus agad-agad!
Habang si Hesus ay papuntang Jerusalem nakasalubong Niya ang sampung mga leproso. Sumigaw sila, “At sila'y nagsisigaw na nagsisipagsabi, Jesus, Guro, maawa ka sa amin” (Lucas 17:13). Sinabihan sila ni Hesus na magpunta at ipakita ang kanilang mga sarili sa mga saserdote ng Templo, “At nangyari, na samantalang sila'y nagsisiparoon, ay nangalinis sila” (Lucas 17:14). Ang isa sa kanila ay bumalik upang pasalamatan si Hesus. Ngunit lahat sila ay ipinadala agad-agad upang sumaksi sa mga saserdote sa Templo. Maya-maya, sa parehong taong iyon, sinabihan tayo na “…nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7). Ang mga saserdoteng ito ay walang dudang napagbagong loob, kahit bahagya sa kanila, sa pamamagitan ng testimony noong mga leproso na pinagaling ni Hesus. Ang mga leprosong iyon gayon ay naging mga tagapagwagi ng mga kaluluwa agad-agad noong sila’y pinagalin ng Hesus!
Sa Araw ng Pentekostes tatlong libong mga tao ay naligtas noong narinig nila si Pedrong nangaral ng Ebanghelyo. Tayo ay sinabihan na ang mga bagong mga Kristiyanong ito ay “Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47). Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Ang simbahan sa Jerusalem na may libo-libong mga miyembro ay nakakita ng mga bagong mga napagbagong loob na naidagdag sa simbahan araw-araw! Ang pagtatagumpay ng mga kaluluwa ay hindi lamang mahalaga: ito ang pinaka natatanging layunin at katapusan ng simbahan ng Jerusalem at ng Bagong Tipang mga Kristiyano!” (isinalin mula kay John R. Rice D. D., Napuno Ng Espiritu: Isang Berso-kada-Bersong Kumentaryo sa Mga Gawa ng mga Apostol [Filled With the Spirit: A Verse-by-Verse Commentary on the Acts of the Apostles], Sword of the Lord Publishers, 1980 edisiyon, pahina 104)
Noong ang mga tao ay naligtas sa simbahan ng Jerusalem, agad-agag silang nagpunta sa kanilang mga kaibigan at mga kapit bahay at dinala sila papasok, kaya “At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47).
Ang Apostol Pablo ay nagpunta sa bayan ng Tesalonica noong 53 A.D.. Tayo ay sinabihan na ilang mga Hudyo ay naniwala kay Hesus, at isang matiding karamihan ng mga Griyego ay naglitas (Mga Gawa 17:4). Isinaayos ni Pablo ang mga bagong mga Kristiyanong ito sa isang simbahan. Isang taon ay lumipas. Ngayon ito’y 54 A.D. na. Si Pablo na ngayon ay nasa bayan ng Corinth. Isinulat niya sa isang liham pabalik sa simbahan ng Tesalonica, na tinawag na “Unang Mga Tesaloniyano” sa Bagong Tipan. Lahat ng mga tao sa simbahan ay naging mga Kristiyano lamang ng isang taon o mas kaunti pa. Gayon sinabi ni Pablo,
“Mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman” (I Mga Taga Tesalonica 1:8).
Ang mga tao sa bagong simbahan ay nagkaroon ng pambansang pag-abot sa Macedonia at Achaia. Sila’y nananagumpay ng mga kaluluwa ng daan-daan, kahit na wala sa kanila ay naging mga Kristiyano ng higit sa labin dalawang mga buwan!
Ito ay ang simpleng paraan na kanilang ginamit. Sinabi lamang nila sa kanilang mga kaibigan at mga kapit bahay, “Mapunta at tignan.” At tapos dinala nila sila sa mga pagpupulong. Ito ang paraan na ginamit ng Komunistang Tsina, kung saan ang mga simbahan ay sumasabog. Ito ang paraan na ginamit nila sa mga lupain ng mga Muslim, kung saan libo-libo ay napagbabagong loob. Umubra ito roon, at ito’y uubra rin rito. Magpunta at sabihan ang isang tao, “Magpunta at tignan.” Ito’y simple at ito’y umuubra!
Ito, gayon, ay malinaw na ang modelo ng Bagong Tipang mga Kristiyano. Nababasa natin ng paulit-ulit na young mga nagiging mga Kristiyano ay agad-agad nagiging mananagumpay ng mga kaluluwa, dinadala ang kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak sa mga simbahan sa dakilang mga bilang! Bawat simabahan ay sumasabog na simbahan! Naway ang Diyos ay magsalita sa iyong puso! Naway pumasok ka sa aming simbahan at tapos dalhin ang iyong mga kaibigan at mga kapamilya upang marinig ang Ebanghelyo at maghapunan kasama namin! Tara at tulungan kaming gawin itong isang sumasabog na simbahan! “Mamamalakaya ng tao.” Tumayo at kantahin ito!
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao,
Mamamalakaya ng tao, mga mamamalakaya ng tao,
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako;
Kung susundan mo ako, kung susundan mo ako;
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako.
Magpunta at kumuha ng isang tao kasama mo rito sa simbahan! Mayroon kami laging tanghalian o hapunana para sa kanila! Mayroon kami laging isang pagdiriwang ng kaarawan para sa kanila! Mayroong kami laging mas marami kasiyahan kaysa kahit anong lugar sa Los Angeles! Ang simbahang ito ang pinaka masayang lugar sa Los Angeles. Magdala ng isang tao sa susunod na ika’y magpunta! Walang mahirap patungkol rito. Sabihin mo lang sa kanila “Magpunta ka sa simbahan kasama ko. Ito’y isang masaya at nakamamanghang lugar na puntahan. Makasasama ka ba sa akin nitong Linggo?” Iyon lang! Madali ito! Gawin ito! Magdala kasama mo sa sunod na araw na ika’y magpupunta! Maari nang magsi-upo.
Ang pinaka unang bagay na itinuro ni Hesus sa mga unang mga Disipolo ay ang pinaka unang bagay na dapat naming ituro sa iyo. Sinasabi sa iyo ni Hesus ngayong umaga,
“Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao” (Mateo 4:19).
Ang ilan sa inyo ay narito ngayong umaga nang pinaka unang beses. Sinasabi ni Hesus sa iyo, “Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.” Kung mayroong nagdala sa inyo rito ngayong umaga, ang pinaka unang bagay na gusto ni Hesus na gawin mo ay maging “mamamalakaya ng tao.” Magdala ng isang tao kasama mo sa sunod na Linggo! Madali lang ito! Gawin ito! Kantahin ang koro muli.
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao,
Mamamalakaya ng tao, mga mamamalakaya ng tao,
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako;
Kung susundan mo ako, kung susundan mo ako;
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako.
Isang batang babae ay nagpunta rito sa simbahan ng ilang linggo lamang. Siya’y naging “mamamalakaya ng tao.” Nakapagdala na siya ng tatlong mga batang babae sa simbahan kasama niya! Kayang mong gawin ang parehong bagay! Magpunta at kumuha ng isang tao at dalhin sila rito sa simbahan kasama mo! Gawin ito! Gawin ito! Magdala ng isang tao kasama mo! Magkakaroon tayo ng tanghalian o hapunan ng sabay-sabay. Manonood tayo ng isang lumang nakakatawang pelikula. Magkakaroon tayo ng pagdiriwang ng kaarawan. Magkakaroon tayo ng mas higit na kasiyahan kaysa isang bariles ng unggoy! Iyan ang madalas sabihin ng aking ina, “Magkakaroon tayo ng mas higit na kasiyahan kaysa isang bariles ng unggoy!” Magpunt at magdala ng isang tao sa pagdiriwang ng kaarawan rito sa simbahan! Magdala ng isang tao kasama mo sa pagdiriwang! Kantahin ang koro muli!
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao,
Mamamalakaya ng tao, mga mamamalakaya ng tao,
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako;
Kung susundan mo ako, kung susundan mo ako;
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako.
Ilan sa inyo ang magsasabing, “Gagawin ko ito! Magdadala ako ng isang tao sa simbahan upang marinig ang Ebanghelyo at makisaya kasama natin!” Itaas ang iyong kamay. Si Dr. Chan ay magpupunta at mananalangin para tulungan ka ng Diyos na gawin ito (panalangin).
Kung ika’y narito ngayong umaga at hindi ka pa naipapanganak muling Kristiyano, makinig ng mabuti. Ang Panginoong Hesu-Kristo ay bumaba mula sa Langit at naipako sa isang krus, kung saan Siya’y namatay upang magbayad para sa ating mga kasalanan. Inilagay nila ang Kanyang katawan sa isang puntod, at sinelyuhan ito, at naglagay ng mga Romanong mga kawal upang protektahan ito. Ngunit ang Panginoong Hesu-Kristo ay bumangong pisikal, laman at buto. Sa pangatlong araw Siya’y bumangon mula sa pagkamatay at lumabas mula sa puntod na buhay! Ang bumangong si Kristo ay nagkaroon ng pakikisama kasama ng Kanyang mga tagasunod ng apat na pung araw. Hinawakan nila Siya, at nakita na hindi Siya isang espiritu. Sa wakas pumaitaas si Hesus pabalik sa Langit, sa ibang dimensiyon, kung saan Siya’y nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama.
Kapag ika’y tatalikod mula sa iyong makasalanang buhay at magtiwala kay Hesus, ang Kanyang mahal na Dugo ay lilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan, at bibigyan ka Niya ng walang hanggang buhay. Nananalangin kami na ika’y magpupunta kay Hesus at magtitiwala sa Kanya, at malapit nang maligtas. At anomang gawin mo, tiyaking bumalik rito sa simbahan sa sunod na Linggo! At magpunta at kumuha ng isang tao na magpunta kasama mo sa simbahan sa sunod na Linggo! Magpunta at gawin ito!
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao,
Mamamalakaya ng tao, mga mamamalakaya ng tao,
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako;
Kung susundan mo ako, kung susundan mo ako;
Gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng tao
Kung susundan mo ako.
O, Diyos, tulungan silang gawin ito! Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 4:18-20.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Napaka Kaunting Oras.” Isinalin mula sa
“So Little Time” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980)/
“Gagawin Ko Kayong Mamamalakaya ng Tao.” Isinalin mula sa
“I Will Make You Fishers of Men” (ni Harry D. Clarke, 1888-1957).
ANG BALANGKAS NG ISANG SUMASABOG NG SIMBAHAN! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa; Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin” (Mateo 9:37, 38). I. Una, tinawag ni Hesus ang mga orihinal na mga Disipolo upang II. Pangalawa, nagpagdala si Hesus ng ibang mga bagong tao |