Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MGA BAGAY NA NATUTUNAN KO MULA KAY
DR. JOHN R. RICE

THINGS I LEARNED FROM DR. JOHN R. RICE
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-2 ng Setyembre taon 2012

“Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas” (Mga Awit 126:6).


Noong ako’y isang binatilyo pa lamang nabasa ko ang kwento ng buhay ni James Hudson Taylor, at naramdaman ko na tinatawag ako ng Diyos maging isang misyonaryo sa mga Tsino. Sumapi ako sa Unang Bautistang Simabahan ng Los Angeles [First Baptist Church of Los Angeles]. Noong tagsibol na iyon nagpunta ako sa Kolehiyo ng Biola (ngayon isa nang Unibersidad). Ako doon ay sa wakas naligtas kung saan narinig ko si Dr. Charles J. Woodbridge na mangaral mula sa ikatlong kapitulo ng II Ni Pedro. Bumagsak ako sa mga klase ko roon, maliban na lang sa klase sa pagtatagumpay ng mga kaluluwa. Nakakuha ako ng trabaho at nagtrabaho sa Tsinong simbahan tuwing Biyernes at Sabado ng gabi, at buong araw ng Linggo. Halos sa oras na iyon na aking nabasa ang Pahayagan ni John Wesley [Journal of John Wesley], at aking natutunan kung ano ang isang muling pagkabuhay. Nananalangin ako palagi upang dumating ang muling pagkabuhay sa Tsinong simbahan. Nagsimula ako magpunta sa kolehiyo noong gabing iyon, habang nagtratrabaho ng apat na pung oras bawat lingo sa umaga, at nagtratrabaho buong katapusan ng lingo sa Tsinong simbahan. Nagtapos ako mula sa Cal State L. A. noong tagsibol ng taon 1970. Ilang buan nang mas maaga ang muling pagkabuhay ay nagsimulang dumating sa Tsinong simbahan. Daan daan ang dumating sa simbahan at napagbagong loob. Mula 1969 hanggang sa 1973 ang simbahan ay nasa gitna ng isang makapangyarihang sunod-sunod na mga muling pagkabuhay, pinangunahan ng pastor na si Dr. Timonthy Lin.

Noong Taglagas ng taon 1970 nagpunta ako sa Bautistang Teyolohikal na Seminaryo ng Golden Gate malapit sa San Francisco. Sa loob ng pangalawang taon at Golden Gate nagsimula ako ng isang simbahan doon sa tulong ng dalawang kaibigan mula sa seminaryo. Kaming tatlo ay nagluluksa sa mga pagsalakay sa Bibliya ng paaralan, ngunit kakaunti lang ang sinasabi ko patungkol rito sa loob ng dalawang taon. Sa loob ng pangatlong taon at pangwakas na taon ko sa seminary ako’y nahalal na tagapatnugot ng peryodiko ng paaralan. Doon gayon na aking sinimulang depensahin ang Bibliya, parehong sa papel at sa klase. Sinabihan ako ng pangulo ng seminary na nagkakaroon ako ng masamang reputasyon na pipigilan ako mula sa pagbibigay sa akin ng trabaho ng Katimugang Bautistang simbahan. Pagkatapos ng isang matinding pakikipaglaban nagpasiya ako na hindi talaga iyon mahalaga at nagpatuloy akong depensahin ang Bibilya. Ang mga propesor ay nagsalita ng malakas laban sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield, at laban kay Dr. J. Frank Norris at Dr. John R. Rice. Naisip ko na ang Scofield na Bibliya ay marahil mahusay o hindi ito mapupuna ng lubos, kaya bumili ako ng isa at nangaral mula rito simula noon. Ngunit naisip ko na si Dr. Norris at Dr. Rice ay kakaiba. Hindi pa ako nakabasa ng kahit ano mula sa kanila. Hinusgahan ko sila na hindi talaga nalalaman ang kahit ano tungkol sa kanila.

Pagkatapos kong magtapos nagpatuloy akong malakas na inilantad ang liberalismo sa seminary. Nagpadala ako ng mga sulat at mga videyo na naglalantad ng mga pagsalakay sa Bibliya sa seminary sa tagapangulo ng mga diakono ng lahat ng Katimugang Bautistang mga simbahan sa California. Isa sa mga liberal na propesor ay kinailangan magbitiwa, at isa sa mga nagkokompromisong pangulo ay kinailangang magbitiwa sa gitna ng semestro, bilang direktang resulta. Ang ating simbahan ay nagpadala ng $600 kada buan upang tulungan si Dr. Bill Powell na magpadala ng mga kopya ng kanyang Katimugang Bautistang Pahayagan [Southern Baptist Journal], na naglantad ng teyolohikal na liberalism, sa lahat ng mga Katimugang Bautistang simbahan sa Amerika. Ang aking asawa at ako kada taon ay nagpupunta sa Katimugang Bautistang Kombensyon upang ipamigay ang Pahayagan. Mga tao’y nagsisigaw sa amin, at binalaan kami. Sa panghuling kumbensyon ang aking asawa ay lampas sa anim na buan nang nagdadalang tao. Dumura sila sa kanyang mukha at nagtapon ng mga bagay sa kanya, kahit na siya’y nagdadalang tao. Noong nakabalik na kami sa aming silid sinabi niya, “Robert, paano na mga taong iyon ay mga Kristiyano?” Yinuko ko ang aking ulo sa hiya.

Gaya ng pagkababala sa akin ako’y na “blackball” ng seminaryo. Nagpadala sila ng mga sulat laban sa akin, at tinalikuran ako ng mga kaibigan ko na nang buong buhay na mga Katimugang Bautista. Lubos akong napahinaang loob at nabiyak ang puso. Ito’y nasa gitna ng panahon ng lubos na pagkalungkot na isang kaibigan ang nagbigay sa akin ng kopya ng aklat ni Dr. Robert L. Sumner sa biograpiya ni Dr. John R. Rice, na pinamagatang Taong Pinadala ng Diyos. Umupo ako upang basahin ang ilang pahina nito isang gabi, ngunit hindi ko ito maibaba. Nagbasa ako ng buong gabi, natapos ito ng mga 9:00 ng umaga, Nagulat ako sa pagkakapareho ng mga karanasan ni Dr. Rice sa liberal na Katimugang Bautista at ako. Sa loob ng ilang buwan binili ko ang lahat ng maraming aklat ni Dr. Rice, at atat na binasa ang lahat ng ito. Si John R. Rice ay naging isa sa mga gabay ko at guro, kasama na aking pastor na ng 23 na taon, si Dr. Timothy Lin.

Sa loob ng taglagas ng 1980 nagpunta ako sa Murfreesboro, Tennessee, sa opisina ni Dr. Rice, at nagvideyo teyp ng isang panayam kasama niya. Lumisan siya ilang linggo lang pagkatapos, ngunit nagpatuloy kong binasa ang marami niyang mga aklat at mga sermon sa nang halos lingo-lingo. Natutunan ko ang maraming mapakikinabangang bagay mula kay Dr. Rice, at ibabahagi ko ang ilan sa mga ito sa iyo ngayong gabi.

Sa simula ng sermon ay binasa ko ang berso ng buhay ni Dr. Rice,

“Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas” (Mga Awit 126:6).

Iyan ang tema ng pambuhay na ministro ni Dr. John R. Rice. Siya’y isang dakilang eskolar at mag-aaral ng Bibliya, ngunit hindi kailan man nawala sa kanyang paningin ang pangunahing pagtawag niya na maging isang ebanghelista, nanagumpay ng mga kaluluwa, at tagataguyod ng ipinadala ng langit na muling pagkabuhay. Dito, gayon, ay apat na mga bagay na aking natutunan mula sa kanya. Hindi ako sumang-ayon sa kanya sa bahay impukang pamimigay ng bahagi ng kita sa simbahan, ang mga tanda ng pagdating ni Kristo, at ibang mga bagay, ngunit lubos niya akong naimpluwensya sa apat na mga puntong ito.

I. Una, marami akong natutunan tungkol sa pangangaral mula kay Dr. Rice.

Noong una akong nagsimulang mangaral noong mga taon ng 1950 kinopya ko ang ebanghelistikong istilo at konstruksyon ng sermon ni Billy Graham. Siya noon ay isang dakilang mangangaral. Ang aking kaibigang si Moishe Rosen, ng mga Hudayo para kay Hesus, ay nagsabi na ang kanyang pangangaral ay “nakapangaalab ng damdamin” sa mga araw na iyon. Ngunit maya-maya sinabihan akong mangaral ng mga tinatawag na “ekspositoryong” mga sermon. Nakibaglaban akong sinusubukang gawin iyan ng maraming taon. Ngunit nadama kong napipilitan at napipigilang sa pagsusubok na mangaral mula sa komplikado, mahirap intindihang mga balangkas na maraming mga berso ng Kasulatan, na mayroong maraming punto, at maliliit na punto, at mas maliliit na mga maliit nap unto. Naramdaman kong nasasakal at alila, nahawakang alila at napipigilan, ng kung anong naituro sa akin tungkol sa mga tinatawag ng mga “ekspositoryong” pangangaral. Tapos nabasa ko ang sinabi ni Dr. Rice sa paksang ito. Sinabi ni Dr. Rice,

      Walang sermon na ipinangaral ni Hesus…na Kanyang kailan man ipinangaral ang ngayon tinatawag na isang ekspositoryong sermon. At gayon din sa mga sermon sa aklat ng Mga Gawa ni Pedro, ni Stephen at ni Pablo – wala sa mga ito ay ekspositoryong sermon. Sa bawat kaso ang isang mangangaral ay tumatayong upang mangaral upang makakuha ng isang tiyak na resulta, at nangaral siya patungo sa isang tiyak na katapusan, hindi lamang upang palawakin ang Bibliya mismo para sa sarili nitong kapakanan (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Bakit Ang Ating mga Simbahan ay Hindi Nagwawagi ng mga Kaluluwa [Why Our Churches Do Not Win Souls], Sword of the Lord, 1966, pp. 74, 75).

Natutunan ko mula kay Dr. Rice ang tinatawag na “ekspositoryong” pangangaral ay hindi nagmula sa mga ating mga Bautista o Protestanteng mga ninuno, na lahat ay nangaral mula sa isang o dalawang mga berso ng Kasulatan. Sinabi ni Dr. Rice na ang makabagong “ekspositoryong” sermon ay nanggagaling mula sa Plymouth Brethren at pinatanyag ni Dr. Harry Ironside, isang Plymouth Brethren na mangangaral. Sinabi ni Dr. Rice na si Wesley, Whitefield, Spurgeon, at Dr. Torrey ay nangaral na, “Matapang, di nangungumpromiso, kontrobersyal na mga [pangangaral] na nagkondena ng kasalanan.” Sinabi niya kailangan natin ng “pangangaral na nagkokondena ng kasalanan, na lumalaban sa erehya, na nagpapakita ng daan palabas ng gulo, na nagbibigay babala sa mga tao ng poot ng Diyos” (isinalin mula sa ibid., pp. 77, 78). Sinabi ni Dr. Rice,

       Saan nanggaling itong teribleng pagkasira ng mga pamantayan sa Amerika? Bakit na ang pagtatalik ay sa lahat ng paligid napipilit sa mga tao, at mga pelikula at mga magasin at mas mahalay, at ang mga kababaihan ay mas kaunting biurtoso, at mga kalalakihan mas lapastangan kay sa noon? Dahil ang Amerika sa milyon-milyon nitong mga miyembro ng simbahan, ay mayroong kakaunting malalakas na mangangaral. Walang maraming mga mangangaral na nangagnaral sa kasalanan, sa padating na paghahatol, sa teribleng Impiyerno para sa mga tumatanggi kay Kristong makasalanan…Ang pulpit ay nabigo sa mga simabahn, at ang mga simabahn ay nabigo sa Amerika (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Mga Doktrina sa Bibliya na Iyaayon ang Buhay [Bible Doctrines to Live By], Sword of the Lord, 1968, p. 311).

Sinasabi ng Bibliya,

“Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan” (Isaias 58:1).

Sinabi ni Dr. Rice,

       Ang unang layunin ng bawat mangagnaral na tinawag ng Diyos ay ang magwagi ng mga kaluluwa. Maaring sabihin ng isang minister, bilang isang dahilan, “ako’y tinawag upang maging isang nagtuturong pastor. Ang aking ministro ay sa simbahan. Dapat kong pakainin ang kawan ng Diyos.” Ngunit iyan, aking pinipilit, ay isang pagdadahilan para sa tahas na di pagsunod sa simpleng utos ng Diyos. Ang Dakilang Komisyon ay umiiral pa rin sa mga mangangaral. Ang Ebanghelyo ay dapat ipangaral sa bawat nilalang… si Charles Spurgeon ay isang pastor sa lahat ng kanyang mga araw at hindi kailan man tinawag ang kanyang sarili na isang ebanghelista. Gayon man napakaraming mga libo-libo ang naligtas sa ilalim ng kanyang ministro, at [ang simbahan ni Spurgeon] ay tinawag na isang “bitag ng kaluluwa.” Ang pangangaral sa mga paglilingkod sa simbahan ay dapat malakas na ebanghelistiko, gayon din sa ibang mga lugar (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Bakit Ang Ating mga Simbahan ay Hindi Nagwawagi ng mga Kaluluwa [Why Our Churches Do Not Win Souls], ibid., pp. 67-69).

Sumasang-ayon ako kay Dr. Rice sa mga puntong iyon ng pangangaral. Pinalakas niya ang aking loob na sundan ang lumang istilong, nakagigising ng kaluluwang paraan ng pagpapakita ng Ebanghelyo. Pinaniwalaan ni Dr. Rice na ang Ebanghelyo ay dapat ipangaral sa bawat paglilingkod, nagsasabi sa mga nawawalang mga makasalanan na minamahal sila ni Hesus, at na sila’y Kanyang ililigtas. Sinabi ni Dr. Rice,

O anong bukal ng awa ay umaagos,
   Pababa mula sa napako sa krus na Tagapagligtas ng tao.
Mahal ang dugo na ibinuhos Niya upang iligtas tayo,
   Biyaya at kapatawaran para sa lahat ng ating kasalanan.
(“O Anong isang Bukal.” Isinalin mula kay “Oh, What a Fountain!”
     ni John R. Rice, 1965).

Nagmamahal Siyang napaka tagal, Nagmamahal Siyang napakahusay,
   Minamahal ka Niya higit pa sa masasabi ng dila;
Nagmamahal Siyang napaka tagal, Nagmamahal Siyang napakahusay,
   Namatay Siya upang iligtas ang iyong kaluluwa mula sa Impiyerno.
(“Minamahal Ka Pa Rin Niya.” Isinali mula sa “He Loves You Still”
     ni John R. Rice, 1960).

II. Pangalawa, marami akong natutunan tungkol sa pagdedepensa
ng pananampalataya mula kay Dr. Rice.

Sinasabi ng Bibliya, “Kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya” (Judas 3). Si Dr. Rice ay masikap na nakipaglaban para sa pananampalatay sa loob ng kanyang buong paglilingkod. Sinabi ni Dr. Rice,

       Ang mangangaral na hindi umaasang magwawagi ng mga makasalanan ay makapangangaral ng mga magagandang maliliit na mga sermon sa…pag-ibig na kapatid. Ngunit ang taong umaasang magising ang konsensya, gisingin ang emosyon at dalhin ang kagustuhan sa banal na pagsisisi…ay dapat mangaral sa dakilang katotohanan ng Bibliya…Ang dakilang mga tema ng pagkasia ng puso ng tao, ang nagbabayad na kamatayan ni Kristo, ang pangangailangan ng bagong pagkapanganak, kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya sa pananampalataya, isang literal na Langit at isang literal na Impiyerno ay lahat ebanghelistikong tema. At kanilang kinakailangang kasama ang pagkadiyos ni Kristo, ang birheng pagkapanganak, ang pisikal na pagkabuhay muli, at ang mga ito ay ang pundamental ng Kristiyanong pananampalataya.
       Hindi aksidente na ang mga dakilang mga nagtatagumpay ng mga kaluluwa ay mga tagadepensa ng pananampalataya. Si Spurgeon ay nagsagawa ng isang marangal na kampanya laban sa “Pababang Kilusan” [“Downgrade Movement”], ngayon ay tinatawag na modernism, at kaliwang Bautistang Unyon ng Dakilang Britanya at Ireland sa isang halaga ng dakilang pagsisisi, at nagdala sa dakilang simabahang iyong papalabas, dahil sa kasalanan. At si Spurgeon ay nangaral ng kamangha-mangaha, pinatitibay ang inspirasyon at awtoridad ng Bibliya, ang pagkadiyos ni Kristo at ibang mga pundamental ng pananampalataya (isinalin mula kay John R. Rice., D.D., Bakit Ang Ating mga Simbahan ay Hindi Nagwawagi ng mga Kaluluwa [Why Our Churches Do Not Win Souls], ibid., pp. 71-71).

Sinabi ni Dr. Rice,

       Hangga’t mayroong pagdududa sa isipan ng mangangaral o sa isipan ng tagapadinig sa lubos ng awtoridad ng Bibliya bilang walang pagkakamaling Salita ng Diyos, ang kanyang mensahe ay napahina, ang impluwensiya ng komunidad ay napalalabnaw, ang dahilan para sa pagtatagumpay ng mga kaluluwa ay napahihina (isinalin mula sa ibid., p.73).

Bakit ako uungol, magpipigil mula sa pagdurusa,
   Ikakatakot na mawalan ng pera o kaibigan sa Kanyang ngalan?
O, dapat ko bang anyayahin mga panganib o papaparusa
   Kung ako’y magkakaroon ng ilang bahagi ng Kanyang hiya!
Lahat ng iniibig ng aking puso, lahat ng minamahal kong mga panaginip,
   Gawin ang mga ito Panginoong Hesus, para lang sa Iyo.
Ang lahat ng ako, lahat ng maari akong maging,
   Kunin ako, Panginoong Hesus, Iyo lamang magpakilan man.
(“Lahat ng Iniibig ng Aking Puso.” Isinalin mula sa
      “All My Heart’s Love” ni Dr. John R. Rice).

Kantahin ang koro kasama ko.

Lahat ng iniibig ng aking puso, lahat ng minamahal kong mga panaginip,
   Gawin ang mga ito Panginoong Hesus, para lang sa Iyo.
Ang lahat ng ako, lahat ng maari akong maging,
   Kunin ako, Panginoong Hesus, Iyo lamang magpakilan man.

III. Pangatlo, marami akong natutunan mula kay Dr. Rice
sa paksa ng muling pagkabuhay.

Nagbibigay ang Bibliya sa atin ng isang panalangin para sa muling pagkabuhay kapag sinasabi nitong,

“Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?” (Mga Awit 85:6).

Si Dr. Rice ay naniwala sa isang higit sa natural na ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay. Sinabi niya, “Hayaan itong maisaayos sa lahat ng panahon na ang mga muling pagkabuhay ay mga banal na manipestasyon. Ang isang muling pagkabuhay ay isang himala ng Diyos. Hindi ito natural, kundi higit sa natural. Hindi ito ordinary, kung higit sa karaniwan. Hindi ito tao, kundi banal. Ang Diyos lamang ang makabibigay ng isang muling pagbuhay” (isinalin mula kay John R. Rice, D.D.,Ang Apoy ng Mananagumpay ng Kaluluwa [The Soul Winner’s Fire], Sword of the Lord, 1969, p. 79).

Sa kanyang aklat, Maari Na Tayong Magkaroong Ng Muling Pagkabuhay [We Can Have Revival Now] Sword of the Lord, 1950), sinabi ni Dr. Rice, “Ang pinakadakilang muling pagkabuhay sa mundo ay makikita pa lamang natin sa hinaharap. Mas matitinding muling pagkabuhay ay parating palang higit sa naransan kailan pa man ng mundo. Iyan ay simpleng itinuturo sa Salita ng Diyos, at anong kaginhawaan ito sa ating mga puso! Kapag ating matagpuan na ang Diyos ay simpleng nangako ng mas matinding muling pagkabuhay kay sa nakita ng kahit anong mundo, iyan ay tiyak na magpapatunay na ang araw ng munling pagbuhay ay hindi pa lumilipas” (p. 29).

Sinabi iyan ni Dr. Rice noong 1950. Ang mga Komunista ay nagpapalayas ng lahat ng mga banyagang mga misyonaryo palabas ng Tsina noong sinabi niya iyan. Lampas sa 25 na mga taon ng pagpapahirap at pagkabilanggo ang nakalatag sa harap ng mga Kristiyano sa Tsina noong sinabi niya iyan. Ngunit simula ng taon 1980, ang taon na namatay si Dr. Rice, isa sa mga pinaka dakilang muling pagbuhay na nakita ng mundo ay sumabog sa Republika ng mga Tao ng Tsina! Ngayon mahuhulaan na mayroong lampas sa 120 milyong mga Kristiyano sa Tsina. Mas maraming mga tao na ngayon ay nasa simabahan ng umaga ng Linggo sa Tsina kay sa sa Amerika, Canada at sa Tsina kay sa sa Amerika, Canada at United Kingdom na pinagsama-sama! Hinuhulaan ni Dr. Cagan na mayroong higit sa 700 na mga pagbabagong loob sa kay Kristo sa Tsina kada oras, gabi at araw, dalawam pu’t apat na oras kada araw, pitong araw kada linggo! Isipin ito – 700 na mga pagbabagong loob kada oras! Si Dr. Rice ay lubos na tama noong sinabi niyang noong 1950, “Ang pinakadakilang muling pagkabuhay sa mundo ay makikita pa lamang natin sa hinaharap” (ibid., p. 29).

Ako mismo ay naging saksi sa tatlong “higit sa natural,” na pinadala ng Diyos na muling pagkabuhay. Sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan ng Los Angeles, sa pigitan ng 1969 at 1973, nakita ko ang milagrosong kapangyarihan ng Diyos na nagdala ng 2,000 na mga tao sa aming maliit na simbahan na halos 125 na mga tao, na gumawa ritong maging isa sa pinaka malaking Katimugang Bautistang simbahan sa California. Nakita ko ang mga paglilingkod na nagpatuloy ng buong Linggo, na may mga luha ng pagsisisi at milagrong mga pagbabagongloob. Ako rin ay nangaral sa isa sa mga paglilingkod na iyon kung saan 46 na mga kabataan ay napagbagong loob, at isa lamang iyon sa mga paglilingkod na nagpatuloy gabi kada gabi! Tinignan ko kamakailan lang at natagpuan ko na halos bawat kabataang Tsinong naligtas ng gabing iyon ay naroon pa rin sa simbahan pagkatapos ng apat na pung taon! Noon gang asawa ko at ako ay nagpunta doon noong Mayo, para sa ika-60 na anibersayo ng simbahan, isa isang nagsilapit sa akin na mga Tsinong kabataan upang sabihin sa akin na sila’y naligtas noong mga panahon na ako’y nangaral sa dakilang muling pagkabuhay!

Sa Probinsya ng Marin, hilaga ng San Francisco, sa isang simbahan na aking sinimulan doon noong 1972, nakakita kami ng 600 na mga Hiping naligtas sa loob ng ilang buwan, hinihinto ang kanilang makasalanang pamumuhay at droga, at nagiging mga matibay na mga Kristiyano. Ito ang pangalawang muling pagbuhay na aking nakita sa sarili kong mga mata.

Noong 1992, ang aking asawa at aming mga batang lalakeng anak ay nagpunta sa isang pagpupulong ng Pundamentalismo sa simbahan ni Dr. Rob Bell sa Virginia Beach, Virginia. Sa katapusan ng pagpupulong, sa huling Linggong gabi, ako’y nakaplanong mangaral. Isang miyembro ng simbahan ay nagsabi sa akin, “Anomang gawin mo, huwag kang mangaral ng isang ebanghelistikong sermon. Lahat sa simbahan ay ligtas na.” Ako’y naging napaka kinabhan dahil inilagay ng Diyos sa aking puso na mangaral ng isang simpleng ebanghelistikong sermon. Dakila at kilalang mga tao ng Diyos ay naroon sa kongregasyon. Anong iisipin nila kung walang magpupunta sa harap? Pinapawisan ako. Tinanong ko ang aking asawa na dalhin ang aming mga anak palabas ng silid sa motel ng ilang oras noong hapon ng Linggong iyon. Nag-ayuno ako at nanalangin at tinawag ang Diyos buong hapon. Nananalangin pa rin ako at nagpapawis noong nakarating na kami sa simbahan. Kumanta sila at pinakilala ako ng pastor. Biglang naramdaman ko ang pagbabasbas ng Banal na Espiritu na umilaw sa akin.

Ipinangaral ko ang simpleng sermon na iyon na may matinding hindi nahirapan. Tatlong may edad nang mga kalalakihan ay nagpunta sa harap. Isa sa kanila ay ang katulong na pastor, ang sariling anak ng pastor! Nagpunta siya sa harap upang maligtas na may mga luhang umaagos pababa sa kanyang mga pisngi! Tapos ang Banal ang Espiritu ay bumaba na parang isang ulap. Isang matandang lalake na naroon na simbahan ng maraming taon ay gumapang sa kanyang mga kamay at tuhod pababa sa gitna na sumisigaw ng, “Nawawala ako! Nawawala ako!” Isang grupo ng mga kababaihan ay nagpunta sa plataporama upang magtanghal, ngunit hindi sila makakanta. Mga luha ay umagos mula sa kanilang mga mata habang sila’y tumawag kay Hesus upang iligtas sila. Ang paglilingkod ay nagpatuloy hanggang hating gabi. Pitom-pu’t limang mga tao ay inaasahang naligtas noong gabing iyon sa simabahan kung saan akala nila na “Lahat ay ligtas na.” Sinabi ng anak ni Ian Paisley sa aking asawa, “Hindi pa ako nakakakita ng tulad nito kailan man.” Tapos ang muling pagkabuhay ay talagang naganap. Lumipad ako pabalik sa Los Angeles upang magsalita para sa pastor na iyon ilang araw pagkatapos. Sa sunod na tatlong buwan lampas sa 500 na mga tao ay insaasahang naligtas at nabinyagan sa simbahang iyon!

Ang mga ito ay mga paghayag bilang isang saksi sa kung anong nakita kong ginawa ng Diyos sa tatlong muling pagkabuhay – na tinawag ni Dr. Rice na, “isang himala ng Diyos.” Alam ko na hindi mo ito “magagawang mangyari” ang isang muling pagkabuhay sa pamamgitan ng paraan nga tao. Ngunit alam ko rin na tama si Dr. Rice noong sinabi niya, “Maari tayong magkaroon ng muling pagkabuhay ngayon.” Nananalangin kami para sa Diyos na magpadala ng muling pagbuhay sa simbahang ito sa aming panahon ng pag-aayuno at panananlangin. Isa sa mga kanta ni Dr. Rice ay nagsasabi,

Ngayon kami’y mag-aani, o mawawala ang gintong pag-aani!
   Ngayon ay ibinigay para sa mga nawawalang mga kaluluwang mawagi.
O upang makaligtas ng ilang minamahal mula sa pagkasunog,
   Ngayon ay magpupunta tayo upang magdala ng ilang makasalanan papasok.
(“Napaka Kaunting Panahon.” Isinalin mula sa “So Little Time”
     ni Dr. John R. Rice).

Sana ay makapaggugugol ako ng oraw upang pag-usapan ang tungkol sa paniniwala ni Dr. Rice sa pangangailangan ng mga mangangaral at kanyang mga tao upang mapuno ng Banal na Espiritu. Sana ay makagugol ako ng oras upang magsalita tungkol sa paniniwala ni Dr. Rice na ang isang Kristiyano ay dapat maging isang pundamentalista ngunit, gaya ng sinabi nia, “hindi isang sira ulo.” Sumasang-ayon ako kay Dr. Rice na huwag dapat nating depensahin ang huwad na ideya na ang Haring Santiagong Bibliya mismo ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon, at iniaasyos ang Hebreo at Griyego mula sa kung saan ito isinalin. Sana ay makagugol ako ng oras na sabihin sa iyo kung anong sinabi ni Dr. Rice tungkol sa paggawa sa lokal na simbahan na isang lugar ng ligaya at matinding kaligayahan. Sana ay makagugol ako ng oras upang sabihin sa iyo kung bakit sinabi ni Dr. Rice na, “Iniibig ko ang Pasko.” At sana ay mayroon akong oras upang pag-usapan ang kanyang dakilang aklat sa “Ang Tahanan, Pagliligaw, Pag-aasawa at Mga Anak.” Sumasang-ayon ako kay Dr. Rice sa mga dakilang mga tema ng Bibilyang iyon! Sana ay mga pastor sa lahat ng lugar ay bumalik at basahin ang isinulat ni Dr. Rice sa mga paksang iyon. Ngunit magtatapos ako sa isang wakas na punto.

IV. Pang-apat, marami akong natutunan mula kay Dr. Rice
sa paksa ng panalangin at pag-aayuno.

Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng propetang si Isaias,

“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?” (Isaias 58:6).

Sa kanyang dakilang aklat na, Panalangin: Paghingi at Pagtanggap, [Prayer: Asking and Receiving], sinabi ni Dr. Rice,

       Alam ko na tunay na pag-aayuno at pananalangin at pamamahiya ng isipan habang tayo’y nag-aantay sa Diyos ay makukuha ang pag-papala na gustong ibigay sa atin ng Diyos! Nasubukan mo na bang mag-ayuno at manalangin at nag-aantay sa Diyos hanggag sa dumating ang tagumpay?...Minamahal kong anak ng Diyos, nararamdaman mo bang dinadala kang subukan ito? Gayon ay mag-ayuno at manalangin hanggang sa salubungin ka ng Diyos sa pagpapala (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Panalangin: Paghingi at Pagtanggap [Prayer: Asking and Receiving], Sword of the Lord, 1970 edisiyon, pp. 230, 231).

Tayo ay mag-aayuno at mananalangin bilang isang simabahn sa sunod na Sabado. Kung mayroon kang medikal na problema, magtanong sa iyong doktro bago ka mag-ayuno kasama namin. Yoong mga matatanda o may sakita na gustong sumali sa isang bahagyang pag-aayuno sa pag-inom ng katas ng kamatis lamang, o isang uri ng inumin o sopas, sa loob ng ating pag-aayuno at sunod na Sabado. Tiyaking uminom ng maraming tubig buong araw. At tiyaking magkaroon ng espesyal na oras para manalangin sa araw na iyon na magdadala ang Diyos ng maraming mga bagong tao sa ating simbahan sa Taglagas na ito. Manalangin sa pangalan, kung posible, para sa mga bagong mga tao na nagpunta na noong mga lumipas na linggo, at para doon sa ibang ating dadalhin sa sunod na katapusan ng linggo, at sa mga linggo darating. Manalangin na sila’y mananatili sa ating simabahn at maligtas. At tandaan ang berso ng buhay ni Dr. R. Rice,

“Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas” (Mga Awit 126:6).

Magsitayo at kantahin ang huling kanta sa iyong papel, “Ang Halaga ng Muling Pagkabuhay,”

Ang halaga ng muling pagkabuhay
       ang halaga ng pagtatagumpay ng mga kaluluwa,
Ang mahabang mga oras ng panalangin,
       ang bigat, ang mga luha;
Ang pagmamakawa sa mga kalulua
       kahit na nag-iisa, isang estranghero,
Ay nababayaran muli sa pag-aani sa itaas.
       Pag-aani, makalangit na pag-aani!
Para sa mga kaluluwang natagaumpay ditto sa ibaba.

Ang mga kayamanan ng lupa, o, gaanong
       kawalang kabuluhan at gaanong padaan-daan lang,
Naawawala silang tulad ng isang katas ng
       hangin at nalalanta silang tulad ng mga dahon;
Ngunit mga kaluluwang natatagumpayan
       sa pamamagitan ng ating mga luha at pagmamakawa
Ay mananatili para sa ating pag-aani doon sa itaas.
       Pag-aani kalangitang pag-aani!
Para sa mga kaluluwa natagumpay dito sa ibaba.

Ang pagpunta sa pag-aaning iyan na may kahoy,
       dayami at natirang bahagi ng damong pinutol,
Nakalulungkot na humarap sa luklukan
       ng paghahatol ng Panginoon
Na walang natagumpayan upang magtiwala
       kay Hesus ating Tagapagligtas
Upang ihandog sa pag-aani sa itaas,
       Pag-aani kalangitang pag-aani!
Para sa mga kaluluwang natagumpay rito sa ibaba.

Magsipunta rito sa plataporma, at tumayo sa harapan ng pulpit, habang ating kinakanta ang huling taludtod, at pangungunahan tayo ni Dr. Kreighton Chan sa panalangin para sa pahaon ng ating pag-aayuno at panalangin sa sunod na Sabado, at para sa tagumpay ng ating mga puwersa ng pagtatagumpay ng mga kaluluwa nitong Taglagas na ito.

Ang mga madunong, sila’y kumikinang
       na tulad ng luwalhati ng papawirin
Kapag ang pagbabayad ay darating para sa
       nagtagumpay ng mga kaluluwa!
Gayon silang nagligtas ng marami sa pamamagitan
       ng kwento ng kaligtasan
Tulad ng mga bituin, pagpalain,
       magpakailan man, silang kikinang.
       Pag-aani, kalangitang pag-aani!
Para sa mga kaluluwang natagumpay rito sa ibaba.

Maari nang magsi-upo.

Kung narito ka ngayong gabi at ika’y di ba napagbagong loob na Kristiyano, makinig ng mabuti. Ang Panginoong Hesu-Kristo ay bumaba mula sa Langit at napako sa isang krus, kung saan namatay siya upang bayaran ang ating mga kasalanan. Inilagay nila ang Kanyang katawan sa isang puntod, at sinelyuhan ito, at naglagay ng mga Romanong mga kawal upang protektahan ito. Ngunit ang Panginoong Hesu-Kristo ay bumangong pisikal, laman at buto, sa pangatlong araw. Ang bumangong Kristo ay nakisama sa Kanyang mga tagasunod ng apat na pung araw. Nahawakan nila Siya, at nakita na Siya’y hindi isang espiritu. Sa wakas pumaitaas si Hesus pabalik sa Langit, kung saan Siya’y nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama. Kapag ika’y tatalikod mula sa iyong makasalanang istilo ng buhay at magtiwala kay Hesus, ang Kanyang mahal na Dugo ay maglilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan, at bibigyan ka Niya ng walang hanggang buhay. Nananalangin kami na ika’y magpupunta kay Hesus at magtiwala sa Kanya, at malapit nang maligtas. At anomang gawin mo, tiyaking bumalik rito sa simbahan sa sunod na Linggo! Pagpalain ka ng Diyos! Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Awit 126:1-6.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Halaga ng Muling Pagkabuhay.” Isinalin mula sa
“The Price of Revival” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

ANG MGA BAGAY NA NATUTUNAN KO MULA KAY
DR. JOHN R. RICE

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas” (Mga Awit 126:6).

I.   Una, marami akong natutunan tungkol sa pangangaral mula
kay Dr. Rice, Isaias 58:1.

II.  Pangalawa, marami akong natutunan tungkol sa pagdedepensa
ng pananampalataya mula kay Dr. Rice, Judas 3.

III. Pangatlo, marami akong natutunan mula kay Dr. Rice sa paksa ng
muling pagkabuhay, Mga Awit 85:6.

IV. Pang-apat, marami akong natutunan mula kay Dr. Rice sa paksa
ng panalangin at pag-aayuno, Isaias 58:6.