Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAG-AAYUNO UPANG MADAIG SI SATANAS FASTING TO OVERCOME SATAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28, 29) [KJV]. |
Sinasabi ng Bibliya, “…sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (Ni Timoteo 4:1). Ginagawa ng berso itong malinaw na ang gawaing demonyo ay lalago “sa mga huling panahon,” bago palang ng katapusan ng mundo gaya ng pagkaalam natin. Pakakawalan ni Satanas ang kanyang mga demonyo sa isang mabangis na pagsalakay laban sa mga simbahan. Ang bawat tanda ay mukhang nagtuturo na tayo na ngayon ay nabubuhay sa panahong iyan. Gayon ang mga simbahan sa Kanlurang mundo ay bihirang iniisip ang Diablo at mga demonyo ngayon. Sinabi ni Dr. Merrill F. Unger ng Teyolohikal na Seminaryo ng Dallas, “…ang gumaganap na simbahan ng ika-dalawampu’t isang siglo sa isang nakakaalarmang hangganan ay tumatangging kilalanin ang pagkabuhay ng masamang higit sa natural na mga puwersa. Ang kalagayang ito ng di paniniwala ay maipapalagay sa mababang antas ng espiritwal na buhay at kapangyarihan ng simbahan lamang.” Tapos sinabi ni Dr. Unger, “ang di paniniwala ng Kristiyanong mga tao ay lahat mas kalunos-lunos gaya ng pagdurusa maraming mga naniniwala ng malademonyong paglilinlang at paninira dahil sa lubos na kamang-mangan ni Satanas at kanyang mga pamamaraan. Kahit maraming mga espiritwal na mga naniniwala ay hindi nakakataguyod ng matagumpay na pakikipaglaban laban sa kawal ng masasamang mga espiritu, sa pamamagitan ng pagkakulang na kaalaman kung ano ang kabilang rito.” Sinabi niya na marming mga minister ngayon ay, “nabubulag sa pamamagitan ng prinsipe ng kapangyarihan ng hangin sa apocalipsis na ibinigay sa Mga Kasulatan patungkol sa mga Satanikong mga kapanyarihan” (isinalin mula kay Merrill F. Unger, Th.D., Ph.D., Biblical Demonology, Kregel Publications, 1994 edisiyon, p. 201).
Hindi panatiko si Dr. Unger. Mayroon siyang digri mula sa Teyolohikal na Seminaryo ng Dallas at isang Ph.D. mula sa Unibersidad ng John Hopkins. Patungkol sa aklat ni Unger na isinipi ko, sinabi ni Dr. Wilbur M. Smith, “Mananatili ito ng maraming mga taon na darating ang pamantayang pagtrato ng Biblikal na demonolohiyo” (salaysay sa dyaket). Si Dr. Smith ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang mga guro ng Bibliya ng ika-20 siglo, at ang kanyang pag-endorso sa aklat ni Dr. Unger ay nagpapakita ng pagka-maasahan.
Tama ba si Dr. Unger? Marami bang mga minister at mga simbahan ngayon “ay nagdurusa ng demonikong paglinlinlang…dahil sa lubos na pagka-ignorante kay Satanas at kanyang mga pamamaraan”? Sila ba ay “ay hindi nakakataguyod ng matagumpay na pakikipaglaban laban sa kawal ng masasamang mga espiritu, sa pamamagitan ng pagkakulang na kaalaman kung ano ang kabilang rito”? Siyempre tama siya! Alam ng lahat na ang mga simbahan ay nawawalan ng 85% ng kanilang mga kabataan sa edad na 25! Alam ng lahat na ang mga simbahan ay masyadong walang kapangyarihan at mahina upang makapagpabagong loob ng maraming mga kabataan mula sa mundo ngayon! Sa malawakang saklaw ito ay dahil sa kamang-mangan kay Satanas at kanyang mga pamamaraan.
Si Dr. Timothy Lin ang aking pastor ng dalawamput tatlong taon. Bago ko siya nakilala nagturo siya sa pagtatapos na departamento ng Unibersidad ng Bob Jones. Maya maya siya ay naging propesor sa Teyolohikal na Seminaryo ng Talbot at Trinidad Ebanghelikal Kabanalang Paaralan ng Deerfield, Illinois [Trinity Evangelical Divinity School in Deerfield, Illinois]. Si Dr. Lin ay nagpatuloy na maging pangulo ng Ebanghelikal na Seminaryo sa China, sa Taiwan, sinusundan ang pagkapangulo ni Dr. James Hudson Taylor III. Sinabi ni Dr. Lin, “Maraming mga pastor, ebanghelista at pati mga propesor sa seminary ay bumabagsak sa puwersa ni Satanas kaya hindi sila kailan man nananalangin pagkatapos nilang gumising sa umaga! Ang kalagayan ay magpapatuloy na lulubha habang ang panahon ay papalapit sa pagdating ng ating Panginoon. Di nagkakamalay sa hawak ni Satanas sa kanila…ang resulta ay parehong nakaluluksa at naka-aawa” (isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., Ang Lihim ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], Unang Tsinong Bautistang Simbahan ng Los Angeles [First Chinese Baptist Church of Los Angeles], 1992 edisiyon, p. 96).
Maraming mga simbahan ngayon ay napahihina at walang kapangyarihan, lubos na “walang pagkamalay sa hawak ni Satanas sa kanila,” gaya ng sinabi ni Dr. Lin. Ang mga simbahan na tulad niyan ay hindi pa nga alam na sila’y “aba at maralita at dukha at bulag at hubad” (Apocalipsis 3:17).
Dinadala tayo nito sa ating teksto sa Marcos 9:28, 29. Ito’y isang napaka mahalagang teksto, na nakatala rin sa Mateo 17:19, 21. Magsitayo at basahin ang Marcos 9:28 at 29 ng malakas,
“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28, 29) [KJV].
Maari nang magsi-upo.
Bago ko gagamitin ang mga bersong ito, kailangan kong gumawa ng ilang kumento sa dalawang salita sa teksto, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman maliban sa pamamagitan ng pananalangin [at pag-aayuno].” Ang mga salitang “at pag-aayuno” ay inalis mula sa halos lahat ng makabagong pagsasalin, maliban sa NKJV at ilang ibang mga pagsasalin. Naniniwala sa kaisipan sa likod ng pag-aalis ng “at pag-aayuno,” sinabi ni John MacArthur, “Ang mga pinakamaagang mga manuskrito ay inaalis salitang ito” (isinalin mula sa Ang Pag-aaral na Bibliya ni MacArthur [The MacArthur Study Bible]; sulat sa Marcos 9:29).
Ang hindi niya sinasabi sa iyo ay ang katunayan na tunay na tiyak na ang dalawang manuskritong ito ay may lamat. Ang isang kanilang pinagsasalalayan ay halos eklusibong ang Sinaitikus na manuskrito, na nahanap ni Tischendorf sa isang basurahan sa Monastaryo ni Santa Katerina sa paanan ng Bundok ng Sinai. Ito’y isang manuskrito na kinopya ng mga monghe sa Alexandria na lubhang naimpluwensiya ng mga Gnostikong erehiya, ginawang kaunti ang kahalagahan ng demonolohiya at kahalagahan ng katawan ng tao. Iyan ang dahilan na inaalis ng Sinaitikus manuskrito ang mga salitang “at pag-aayuno.” Ang paggamit ng sinirang tekstong ito ay di nagsimulang impluwensiyahin ang mga simbahan hanggang sa publikasyon ng Isinaayong na Bersyong ng Bagong Tipan noong 1881, alin ay ang unang pagsasalin upang mag-alis ng mga salitang “at pag-aayuno.” Simula noon lahat ng mga makabagong pagsasalin maliban doon sa kay J. N. Darby (1871), James Moffat (1913) at ang Bagong Haring Santiagong Bersyon ay inaalis ang gma salita. Ang Kumentayo ng IVP ay di isinasaalang-alang ang ebidensya na depenetibo sa pag-aalis ng mga salitang iyon.
Mayroong limang mga dahilan kung bakit ko ipinipilit ang mga salitang “at pag-aayuno” at tunay na mga salita na isinalita ni Kristo, at na dapat iwan sa lahat ng mga pagsasalin: (1) dahil malinaw na ang Gnostikong erehiya ang nag-impluwensya sa mga mangungopya noong dalawang maagang manuskrito, (2) dahil daan-daan sa ibang mga manuskrito mula sa mas halos parehong panahon ay mayroon ang mga salita “at pag-aayuno,” (3) dahil mga pastor sa Tsina, tulad ni Dr. Lin ay palaging nalalaman noon pa lang na mga karaniwang mga demonyo ay di matatalo na walang pag-aayuno. Narinig ko si Dr. Lin na nagsabi nito ng maraming beses. Gayon, maraming mga pastor sa Tsina, tulad ni Dr. Lin, na gumawa ng mga ministro sa mga sinapian ng demonyong mga tao, alam ng lubos na mga tiyak na mga makapangyarihang mga demonyo at di matatalo na walang pag-aayuno at pananalangin. Gayon praktikal na karanasan ay nagpapatibay ng mga salitang “at pag-aayuno.” Ngunit (4) ang mga simbahan ng Kanlurang mundo na nag-alis ng “at pag-aayuno” ay naging mas mahina, bahagya dahil sa bunga ng pagsusuko ng pagsasagawa ng “panalangin at pag-aayuno.” Wala ng pangunahing muling pagkabuhay sa Kanlurang mundo simula nang ang mga salitang “at pag-aayuno” ay inalis. Gaya ng paglagay nito ni Dr. Merrill F. Unger, “Ang kondisyong ito ng di paniniwala ay maipapalagay labang sa mababang antas ng espirituwal na buhay at kapangyarihan ng simbahan” (Isinalin mula kay Unger ibid.). Iniisip ko na ang pagkakamalay kay Satanas ay isa sa mga dahilan na ang mga simabahan sa Tsina at lumalago ng napakabilis, habang ang Kanlurang mga simbahan ay nagsisilubog,
Isa pang punto: – (5) Ako’y kumbinsido na si Satanas mismo ang nagpreserba noong mga Gnostikal na sinirang teksto hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, at tapos dinala ito sa atensyon ng mga makabagong eskolar, upang lituhin at pahinain ang kapangyarihan ng mga simabahan sa mga huling mga araw. Naniniwala ako na ang mga makabagong mga eskolar mismo ay naimpluwensyahan ni Satanas. Gaya ng sinabi ni Dr. Lin, “Di pagkamalay sa hawak ni Satanas sa kanila…ang bunga ay parehong pagluluksa at pagka-awa” (Isinalin mula kay Lin, ibid.).
Ibinabalik tayo nito sa ating teksto mismo,
“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28, 29) [KJV]
May dalawang bagay tayong makukuha mula sa tekstong ito.
I. Una, ang mga demonyo ay may iba’t-ibang mga antas ng kapangyarihan.
Ang mga bersong ito ay dumarating sa katapusan ng salaysay ng pagkawalang abilidad ng mga Disipolong matulungan ang isang nademonyong batang lalake. Dinala ng ama ng batang lalake ang kanyang anak sa mga Disipolo. Ang bata ay sinapian ng demonyo, ngunit hindi ito mapatalsik ng mga Disipolo. Nabigyan sila ng kapangyarihang upang “mangagpalabas kayo ng mga demonio” mas maaga pa (Mateo 10:8), kaya nangagpapalabas na sila ng mga demonyo ng ilang panahon nab ago pa nitong pangyayaring ito sa ating teksto. Ngunit hindi nila mapalabas ang demonyong ito mula sa batang ito. Sinabi ng ama kay Hesus, “sinabi ko sa iyong mga alagad na siya'y palabasin; at hindi nila magawa’’ (Marcos 9:18). Sinabihan ni Hesus ang Disipolo dahil sa pagkakulang ng kanilang pananampalataya. Tapos dinala ang bata kay Hesus, at winasak ng demonyo ang bata at bumagsak sa sahig bumubula ang bibig. Sinabi ni Hesus, “Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya” (Marcos 9:25).
Tumili ang demonyo, itnapon ang bata sa isang teribleng kombulsyon, at tapos lumabas mula sa kanya. Ang bata ay humiga roon, napaka tuwid na akala ng mga tao siya’y patay na. Kinuha siya ni Hesus sa kamay, ipinatayo sa kanyang mga paa, at siya’y napagaling. Mayamaya kaunti, noong bumalik si Hesus sa bahay, tinanong Siya ng mga Disipolo kung bakit hindi nila mapalabas ang demonyo. Sinabi ni Hesus,
“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28, 29) [KJV].
“Ang ganito” ay mapalalabas lamang sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno. Sinab ni Dr. William Hendriksen, “[Si Kristo] ay nagsasabi, gayon, na sa mundo ng mga demonyo mayroong mga pagkakaiba: ang ilan ay mas makapangyarihan at ang iba ay mapagpahamak kaysa sa iba” (isinalin mula kay William Hendriksen, Th.D.,Ang Bagong Tipang Kumentaryo:Eksposisyon ng Ebanghelyo Ayon kay Marcos [New Testament Commentary: Exposition of the Gospel According to Mark, Baker Book House, 1973, p. 352; kumentaryo sa on Marcos 9:29).
Noong ako’y nagpupunta sa Bautistang Teyolohikal na Seminaryo sa sakop ng San Francisco noong mga maagang mga taon ng 1970, nagsimula ako ng isang simbahan, kasama ng dalawa sa aking mga kaibigan, na umabot sa maraming mga kabataan mula sa Hiping kilusan. Ito na ngayon ay isang Katimugang Bautistang simbahan. Marami doon sa mga kabataan ay lubhang kasangkot sa mga psikodelikong mga droga at mga ang okulto. Kinailangan naming gumugol ng isang kahit isang araw kada lingo na nag-aayuno at nananalangin o hindi kami makakikita ng maraming mga kabataang napagbagong loob.
Natatandaan ko ang isang batang babae na nagpunta sa aming simbahan sa Mill Valley. Katulad ng maraming iba noong panahong iyon, siya’y gumagamit ng mga droga at nabubuhay ng isang pakawalang buhay. Narinig niya akong mangaral ng Ebanghelyo at siya’y napagbagong loob, at naligtas mula sa Satanikong panghahawak. Ngunit noong siya’y naging isang Kristiyano pinatalsik siya ng kanyang ina mula sa kanilang tahanan, at kinailangan niyang manirahan kasama ng ibang mga kababaihan sa simbahan. Naisip ko na mas mabuti para sa kanyang umuwi, kaya nagpunta ko upang bisitahin ang kanyang ina. Isinuot ko ang aking Amerikana at kurbata at nagpunta sa bahay, sa isang mayamang lugar ng Probinsya ng Marin. Kumatok ako sa pintuan at pinapasok ako ng ina. Naamoy ko ang alcohol mula sa kanyang hininga. Sinabi ko sa babae na naramdaman ko na mas mabuti kung ang kanyang anak na babae ay umuwi. Hindi ko kailan man malilimutan ang masamang tingin sa kanyang mukha noong sinabi niya iyan. Siya’y umismid sa akin at nagsabi, “Nakayanan ko ito noong nagsitakbo siya kasama ng mga lalake. Nakayanan ko noong uminom siya ng droga. Ngunit ngayon na siya’y naging isang KRISTIYANO” (dinura niya ang salitang KRISTIYANO, na mukha bang ito ang pinaka teribleng bagay na maiisip) – “Ngunit ngayon siya’y naging isang KRISTIYANO, at hindi ko ito kaya, at hindi ako papaya na pagtiisan ito!” Nagulat ako dahil ang babae ay isang Anglo Saxon mula sa isang Protestanteng pinanggalingan. Ang kahit sino’y maiisip na siya’y sa pinaka kaunti’y maging walang pinagkikilingan patungkol sa kanyang anak na babaeng pagiging isang Kristiyano. Umalis ako noong bagay na iyon na hindi nakumbinsi na makipag-ayos sa kanyang anak na babae. Ang kawawang babae ay hindi na kailan man nakatira sa bahay na iyon muli. Mayamaya nadinig ko na ang babeng iyon ay nag-asawa ng isang Kristiyanong lalake at naging misyonaryo sa Republika ng Czech sa Europa. Umalis ako mula sa sakop ng San Francisco at hindi na nakita muli ang babaing iyon ng halos lampas ng tatlompu’t taon.
Dalawang linggo na ang nakalipas ang aking asawa, at aking anak na si Leslie ay nagpunta sa Probinsiya ng Marin upang tumulong na ipagdiwang ang ika-40 anibersaryo ng simbahan simiulan nina Mike Riley, Roger Hoffman at ako doon. Sa katapusan ng anibersaryong paglilingkod bumaba ako ula sa palataporma at nakita ko ang isang babae na papalapit sa akin na may mga luha sa kanyang mga mata. Yinakap niya ako at pinakilal ako sa kanyang asawa. Naroong sila sa isang pamamahinga mula sa simbahan na kanyang ipinapastor sa Prague, sa Republika ng Czech. Nagalak kaming parehas na may mag luha ng kagalakan. Tapos tinanong ko kung anong nangyari sa kanyang ina. Sinabi niya sa akin na namatay na siya dahil sa alkoholismo sa edad na limapu. Napaka lungkot! Ngunit ang kaibig-ibig na babaeng iyon ay naligtas ni Hesus mula sa teribleng buhay ng Satanikong kalungkutan. Hindi ito maaring nangyari kung hindi para sa pananalangin at pag-aayuno!
“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28, 29) [KJV].
II. Pangalawa, ang pag-aayuno ay ginamot ng Diyos upang palayain
ang mga makasalanan mula sa kapangyarihan ni Satanas.
Magsitayo at lumipat kasama ko sa Isaias 58:6. Ito’y nasa pahina 763 ng Pag-aaral na Bibliya ng Scofield. Tumayo at basahin ang berso ng malakas.
“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang? (Isaias 58:6).
Maari nang magsi-upo.
Isa sa mga paraan upang masabi kung ang doktrina ay totoo ay ang analohiya ng Kasulatan. Kung ang paksa ay nagpapakita sa isang lugar sa Bibliya, mapanganib na magtayo ng isang doktrina rito. Ngunit ang pag-aayuno upang maligtas ang mga tao mula sa Satanikong kapangyarihan ay mahahanap hindi lamang sa Marcos 9:29, kundi sa Mateo 17:21 rin. Alam ko na ang tekstwal na mga kritiko rin ay sinusubukang alisin ang Mateo 17:21 sa pamamagitan ng pag-aapila doon sa dalawang sinirang Gnostikong teksto. Ngunit walang makakukuha mula sa atin ng malinaw na mga salita ng Isaias 58:6. Iyan ang berso na tumutugon sa Marcos 9:29. Iyan ang analohiya ng Kasulatan na nagpapatunay na tama si Hesus noong sinabi Niya, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28, 29) [KJV].
“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang? (Isaias 58:6).
Iyan ang pag-aayuno na napili ng Diyos! Ang ganoong pag-aayuno ay magagamit ng Diyos upang pakawalan ang mga kadena ng kasamaan, upang mapawalang bisa ang mabibigat na pasan, upang palayain young mga nahihirapan dahil kay Satanas, at sirain ang bawat demonikong atang! Ang dakilang ebanghelistang si John Wesley ay ginamit ng Diyos upang magpabagong loob ng libo-libong mga tao sa ika-labin walong siglo. Sinabi ni John Wesley,
“Nagtakda ka na ba ng kahit anong mga araw para sa pag-aayuno at pananalangin? Pabagyuhin ang trono ng biyaya, at preserbahin ito, at awa ay bababa.”
“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang? (Isaias 58:6).
Ang kapatid ni John, si Charles Wesley, ay nagsabi nito ng mahusay sa isa sa kanyang mga himno,
Sinisira niya ang kapangyarihan ng pinawalang bisang kasalanan,
Pinalalaya niya ang bilanggo;
Kaya ng Kanyang dugong gawin ang pinaka maruming malinis,
Ang Kanyang dugo ay makatutulong para sa akin
(“O Para sa isang Libong Dila upang Kumanta.” Isinalin mula sa
“O For a Thousand Tongues to Sing” ni Charles Wesley, 1707-1788).
Kung mayroon ka ng mga kadena ng kasamaang sinira ni Hesus sa iyong buhay, tumayo at kantahin kasama ito ko!
Sinisira niya ang kapangyarihan ng pinawalang bisang kasalanan,
Pinalalaya niya ang bilanggo;
Kaya ng Kanyang dugong gawin ang pinaka maruming malinis,
Ang Kanyang dugo ay makatutulong para sa akin .
Amen at amen! Maari nang magsiupo.
“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang? (Isaias 58:6).
Pag-aayuno at pananalangin ay magagamit ng Diyos upang sirain ang kapangyarihan ng nawalang bisang kasalanan, at mapalaya ang bilanggo! Papuri sa Diyos! Aleluya!
Kung gayon hinihingi kong samahan mo ako sa pag-aayuno at pananalangin sa sunod na Biyernes – habang tayo manalangin para ang Diyos ay magligtas ng maraming mga kabataan mula sa mga kadena ni Satanas, doon sa mga dinadala natin sa simbahan nitong Tagsibol. Hinihingi ko sa iyong mag-ayuno, hindi pagkakain, tubig lamang kung posible, buong araw ng Biyernes – hanggang tayo’y magpupunta sa simbahan. Bibigyan namin kayo ng maliit na hapunan sa gabi ng Biyernes. Kung mayroon kang medical na problema, tanungin ang inyong doctor bago ka makisali sa amin sa araw na iyong ng pag-aayuno. Siguraduhing uminom ng maraming tubig. Kung sanay kang umiinom ng kape o tsaa, dapat mo sigurong itong ipagpatuloy, dahil baka makaranas ka ng sakit ng ulo kung bigla mo itong ititigil.
At siguraduhing gumugol ng oras sa pananalangin para sa mga bagong tao, sa kanilang pangalan kung posible, habang ika’y nag-aayuno sa Biyernes. Kung ika’y matanda na o may sakit, o kung ika’y nagtratrabaho sa Biyernes, marahil maari kang mag-ayuno sa pag-inom ng katas ng kamatis bilang bahagyang pag-aayuno. At paki tandaan ang mga salita ni Dr. Jerry Falwell, ang nakahanap ng Unibersidad ng Kalayaan [Liberty University],
Karamihan sa mga tao ay dapat mag-ayuno lamang ng isang araw, lalo na kung ang pag-aayuno ay bago sa kanila. Yoon lamang mga magulang na kay Hesu-Kristo at nagkaroon na ng maraming taon ng karanasan sa pag-aayuno at dapat umiwas mula sa pagkain…ng mahabang panahon (Isinalin mula kay Jerry Falwell, D.D., Pag-aayuno: Anong Itinuturo ng Bibliya [Fasting: What the Bible Teaches], Tyndale House Publishers, 1984 edisiyon, p. 29).
Kung nagpaplano kang gumugol ng panahon sa sunod na Biyernes ng pag-aayuno para doon sa mga nawawala na magpunta sa ating simbahan at maligtas, mapunta rito sa harapan sa pulpito ngayon, at si Gg. Winston Song ay mananalangin para sa Diyos na tulungan kang mag-ayuno at manalangin sa sunod na Biyernes (ang panalangin). Maari nang magsi-upo. “Sinisira niya ang kapangyarihan ng pinawalang bisang kasalanan.” Kantahin ito.
Sinisira niya ang kapangyarihan ng pinawalang bisang kasalanan,
Pinalalaya niya ang bilanggo;
Kaya ng Kanyang dugong gawin ang pinaka maruming malinis,
Ang Kanyang dugo ay makatutulong para sa akin.
Isa pang bagay – kung hindi ka pa muling naipanganak na Kristiyano makinig ng mabuti. Ang Panginoong Hesu-Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. At ibinuhos ni Kristo ang Kanyang mahal na Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Si Kristo ay bumangong pisikal, laman at buto, mula sa pagkamatay sa pangatlong araw. Pumaitaas Siya pabalik sa Langit, at umupo Siya sa kanang kamay ng Diyos Ama, kung saan Siya’y nananalangin para sa iyo. Magpunta kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya at ika’y maipapanganak muli, at ika’y makatatanggap ng kapatawaran para sa iyong kasalanan at walang hanggang buhay. Naway malapit ka nang magpunta ka kay Kristo! At tiyaking bumalik rito sa simbahan sa sunod na Linggo. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Kyu Dong Lee: Marcos 9:20-29.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tapos Si Hesus ay Dumating.” Isinalin mula sa
“Then Jesus Came” (ni Homer Rodeheaver, 1880-1955).
ANG BALANGKAS NG PAG-AAYUNO UPANG MADAIG SI SATANAS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28, 29) [KJV]. (I Ni Timoteo 4:1; Apocalipsis 3:17) I. Una, ang mga demonyo ay may iba’t-ibang mga antas ng II. Pangalawa, ang pag-aayuno ay ginamot ng Diyos upang palayain |