Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




APAT NA SIGAW MULA SA IMPIYERNO

FOUR CRIES FROM HELL
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Bapatist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-5 ng Agosto taon 2012

“At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. At siya'y sumigaw...” (Lucas 16:23, 24).


Ang sermon ay hinango at iniayos mula sa “Isang Paglalakbay sa Pasilyo ng Impiyerno” [“A Journey Through the Halls of Hell”] ni Dr. W. Hesschel Ford, sa Mga Payak na Sermon sa Kaligtasan at Paglilingkod [Simple Sermons on Salvation and Service], Zondervan Publishing House, 1971 edisiyon.

Narito ay isang lalake sa Impiyerno. Siya na ngayon ay nasa pagdurusa na mas higit sa kanyang maisip. Tayo ay sinabihan na “siya’y sumigaw.” Ibig sabihin nito na siya’y “sumigaw ng malakas.”

Kung tayo’y makakapunta sa Impyerno ngayong gabi, makadidinig tayo ng libo-libong mga pagsigaw, “pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin [nila]” (Mateo 13:42). Tayo na’t magpunta sa ibaba ng Impiyerno sa ating mga isipan at tignan ang ilan sa mga taong nagsisiungol at nagsisisigaw na malakas sa mga apoy.

I. Una, naririnig natin si Cain na sumisigaw, “Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.”

Sumisigaw siya muli’t muli, “Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko” (Genesis 4:13). Bakit naroon si Cain doon sa mga apoy ng Impiyerno? Ito’y hindi dahil siya ay isang mamamatay tao. Si Moses ay isang mamamatay tao, ngunit ngayon nasa Langit na. Si David ay isang mamamatay tao, ngunit ngayon ay nasa Langit na. Ang Apostol Pablo ay isang mamamatay tao, ngunit ngayon ay nasa Langit na. Bakit gayon, si Cain ay nasa walang hanggang apoy sumisigaw ng malakas magpakailan man, “Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko”? Bakit si Cain ay nasa Impiyerno, habang ang mga mamamatay tao ay nasa Langit?

Si Cain ay nasa Impiyerno dahil tumanggi siyang maligtas sa Dugo. Walang dugo sa kanyang alay. Sinubukan niyang maligtas sa pamamagitan ng pagrereporma ng kanyang buhay at magsimulang maging mabuti. Ngunit tinanggihan ng Diyos ang walang halagang alay niya. Sinabi ng Diyos,

“Maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran”
       (Mga Taga Hebreo 9:22).

Ibinuhos ni Kristo ang Kanyang mahal na Dugo sa Krus upang magbayad para sa kasalanan, at malinisan ang makasalanan mula sa lahat ng kawalang katuwiran. Ang nag-iisang paraan upang makatas mula sa Impiyerno ay sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo. Ngunit si Cain ay masyadong mapagmalaki upang paniwalaan ang Dugo. Iyan ang dahilan na siya’y nasa Impiyerno. Iyan ang dahilan kung bakit isya sumisigaw ng malakas sa buong kawalang hanggan, “Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.”

Ang mangangaral ay nagsalita patungkol sa panglimang utos, “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” (Exodo 20:12). Ang mangangaral ay nagsalita patungkol sa kasalanan ng pagkakamuhi sa iyong ama. Tatlong mga kalalakihan ay nagkasala ng kasalanan iyan. Dalawa sa kanila ay nagpunta sa kanilang mga ama upang humingi ng kapatawaran, at nangakong bumuhay ng mas maiging buhay. Ngunit ang pangatlo ay nagpunta kay Hesus at nahugasang malinis sa pamamagitan ng Kanyang Dugo bago siya nangumpisal sa kanyang ama. Ang pangatlong batang lalake ay naligtas. Ngunit ang dalawang natira ay nanatiling nawawala, pinatigas ng rebelyon. Bakit? Dahil, “Maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.”

Anong makahuhugas ng aking kasalanan?
   Wala kundi ang dugo ni Hesus.
Anong makagagawang buo sa akin muli?
   Wala kundi ang dugo ni Hesus.
(“Wala kundi ang dugo ni Hesus.” Isinalin mula sa
      “Nothing But the Blood” ni Robert Lowry, 1826-1899).

Napaka karaniwan para doon sa mga nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan upang subukang makahanap ng ginhawa sa pamamagitan ng pagrereporma ng kanilang mga buhay. Ngunit iyan ang relihiyon ni Cain – isang walang dugong pag-aalay ng gawain ng tao. Ang taong nagbabago ng kanyang buhay, na walang pananampalataya sa Dugo ni Hesus, ay sisigaw kasama ni Cain sa Impiyerno, “Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.”

Wala para sa kasalanan ay makapapatawad –
   Wala kundi ang dugo ni Hesus;
Hindi dahil sa kabutihang aking nagawa—
   Wala kundi ang dugo ni Hesus.
O! mahal ang agos
   Na gumagawa sa aking kasing puti ng niyebe;
Walang ibang balon na alam ko,
   Wala kundi ang dugo ni Hesus.

“At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata... At siya'y sumigaw...” (Lucas 16:23, 24).

II. Pangalawa, ating naririnig ang mga tao sa araw ni Noe na sumisigaw, “Papasukin niyo kami! Papasukin niyo kami!”

Ang mga tao sa araw ni Noe ay nawawalang mga makasalanan. Si Noe ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya at gumawa ng isang arko upang preserbahin ang kanyang sarili at kanyang pamilya mula sa matinding Baha. Nangaral si Noe sa mga tao habang kanyang inihanda ang arko. Tinawag ng Apostol Pedro si Noe, “na tagapangaral ng katuwiran” (II Ni Pedro 2:5). Ngunit tinawanan siya ng mga tao. Hindi pa sila nakakikita ng ganoong karaming ulan, higit pa sa isang baha. Tapos ang Baha ay dumating, at ang tubig ay nagsimulang tumaas. Ang tubig ay tumaas ng tumaas. Yoong mga di naniniwalang mga makasalanan ay walang dudang tumakbo sa arko, at pinalo ang pintuan, sumisigaw ng, “Papasukin niyo kami! Papasukin niyo kami!” Ngunit masyado nang huli para sa kanilang pumasok! Sinasabi ng Bibliya tungkol kay Noe, “Kinulong siya ng Panginoon” (Genesis 7:16). Isinarado ng Diyos ang pintuan sa arko, at sinelyohan itong isinara. Masyado nang huli para sa kanilang maligtas. Lahat sila ay nalunod sa matinding Baha...

Ang mga taong ito ay tinanggihan ang tawag ng Diyos na masyado nang matagal. Sila’y nagsilaro at nagpabukas-buka. Isinantabi nila ang kanilang kaligtasan ng masyado nang matagal. Ikaw ba’y tulad niyan ngayong gabi?

Hindi matagal noon ako’y nangaral sa isang grupo ng mga halos 200 na mga tao. Apat or lima sa kanila ay naligtas. Ngunit ang lahat ng iba ay masyadong nakapokus sa kanilang mga kalakaran, mga laro, at libangan. Iyan ang larawan ng mundo ngayong gabi. Nangangaral tayo sa kanila. Binabalaan natin sila. Sinasabihan natin sila tungkol sa kaligtasan kay Kristo. Ngunit ang karamihan sa kanila ay nagpapatuloy sa kanilang mga buhay, at hindi nagtitiwala sa Tagapagligtas. Nalilimutan nila na “itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Hebreo 9:27)s Kung mamatay ka na hindi naliligtas ni Kristo, ika’y di magtatagal mapupunta sa Impiyerno, sumisigaw ng malakas kasama noong mga tao sa araw ni Noe, “Papasukin niyo kami! Papasukin niyo kiami! Papasukin niyo kami!” Ngunit masyado nang huli para sa iyo sa Impiyerno. Ang pintuan sa kaligtasan ay sarado na magpakailan man.

“At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata...At siya’y sumigaw.”

III. Pangatlo, ating narinig si Hudas na sumisigaw, “Nagkasala ako sa aking
pagkakanulo sa dugong walang kasalanan.”

Habang ang ating mga isipan ay bumaba sa Impiyerno, naririnig natin si Hudas na sumisigaw ng paulit-ulit, “Aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan” (Mateo 27:4).

Pinili ni Kristo ang taong ito upang maging isa sa Kanyang labin dalawang mga Disipolo. Si Hudas kasama Niya ng tatlong taon. Narinig niya si Kristong mangaral. Nakita niya si Kristong gumawa ng matitinding mga himala. Naglingkod siya bilang ingat-yaman ng mga Disipolo. Ngunit siya’y nagpunta sa Impiyerno dahil nanatili siyang di ligtas.

Maari kang magpunta sa simbahan kada Linggo, magpunta sa pagngangamit ng mga kaluluwa, at magbigay ng lubos at maging nawawala pa rin. Ika’y nawawala dahil hindi ka kailan man nagtiwala kay Kristo, at hindi kailan man napagbagong loob. Dapat ay magkaroon ng panloob na pagbabago na ang Diyos lamang ang makabibigay. Dapat kang maipanganak muli.

Ngunit iniibig ni Huda sang pera ng lubos na kanyang isinanla ang kanyang kaluluwa para rito.. Gayon man ang pera na kanyang nakuhay ay hindi nagpaligaya sa kanya. Itinapon niya ang pera na kanilang ibinigay sa kanya para sa pagtatakwil kay Kristo. Ngunit huli na. Sumuko na ang Diyos sa kanya. Nagpunta siya at ibinitay ang kanyang sarili, at nagpunta sa Impiyerno. Naririnig ko siyang sumisigaw doon sa mga apoy, “aking [ipinagkanulo ang] dugong walang kasalanan! Aking [ipinagkanulo ang] dugong walang kasalanan!” Si Hudas ay maaring naligtas, ngunit masyado nang huli magpakailan man.

“At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata...At siya’y sumigaw.”

IV. Pang-apat, naririnig natin si Haring Agripa na sumisigaw, “[Muntik nang nahikayat] mo akong maging Cristiano” [KJV].

Sumigaw siyang, “Muntik na! Muntik na! Muntik na!” Hindi na siya hari ngayon. Ang Apostol Pablo ay sumaksi sa kanya. Ngunit kanyang tinanggihan si Kristo. Sinabi niya kay Pablo, “[Muntik nang nahikayat] mo akong maging Cristiano” (Mga Gawa 26:28). Siya’y kamuntikan nang napagbagong loob, ngunit masyadong matagal siyang naghintay.

Hindi sapat na marinig ang Ebanghelyong maipangaral. Hindi sapat na maniwala sa Ebanghelyo sa iyong isipan. Dapat kang sumuko kay Hesus, at magtiwala sa Kanya, upang maligtas. Si Haring Agripa ay halos nakumbinsing magtiwala kay Hesus. Ngunit isinantabi niya ito at masyado nang huli. Nakakita na ako ng mga taong tulad niyan sa maraming mga taon. Nakinig silang masinsinan sa pangangaral. Ang ilan sa kanila ay mayroong mga luha sa kanilang mga mata. Ngunit kanilang iwinagwag ang mga kumbiksyon, at kinalimutan ang lahat patungkol sa kaligtasan. Si Agripa ay maaring naligtas. Ngunit masyado nang huling magpakailan man. Mukhang naririnig ko siyang sumisigaw sa Impiyerno, “Muntik na! Muntik na! Muntik na!” habang siya’y namilipit sa mga apoy magpakailan man.

“Muntik nang nahikayat” ngayon maniniwala;”
    “Muntik nang nahikayat” Si Kristo upang tanggapin;
Mukhang ngayon isang kaluluwa ay magsasabi,
    “Humayo, Kaluluwa, humayo sa Iyong patutunguhan,
Sa isang mas maiging araw
   Sa Iyo Ako tatawag.”

“Muntik nang nahikayat,” ang ani ay lumipas na!
    “Muntik nang nahikayat,” sa wakas ang kamatayan ay dumarating!
“Ang muntik” ay hindi makatutulong; “Ang muntik” ay wala kundi mabibigo!
   Malungkot, malungkot, iyang mapait na panaghoy,
“Muntik na” – ngunit nawawala.
    (“Muntik Nang Nahikayat.” Isinalin mula sa
      “Almost Persuaded” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

Ika’y kamuntik nang nahikayat. Sinasabi mo sa iyong puso, “Balang araw ako’y magtitiwala kay Hesus. Balang araw ako’y magpupunta sa Kanya at mahuhugasang malinis sa Kanyang Dugo.” Ngunit mayroong matinding panganib sa pagsasabing, “Balang araw.” Sinabi sa iyo ni Satans na maghintay ng kaunting panahon pa. Alam ng Diablo na makukuha ka niya kung ika’y mananatiling nag-aantay at nagsasantabi ng iyong kaligtasan. Ngunit isa sa mga araw na ito ang kamatayan ay darating sa iyo. At hindi ka magiging handa, at magiging huli na magpakailan man. Mukhang naririnig na kitang sumisigaw sa Impiyerno kasama ni Agripa, “Muntik na! Muntik na! Muntik na!”

Naway ang Diyos ay maawa sa iyo ngayon, habang may oras pa. Nananalangin ako na ika’y magtiwala kay Hesus sa simpleng pananampalataya. Nananalangin ako na ang iyong mga kasalanan ay mahugasang malinis sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo ngayon, bago ka isuko ng Diyos, at masasabi patungkol sa iyo,

“...sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata...At siya’y sumigaw,”

“Muntik na! Muntik na! Muntik na!”

Tapos nakalulungkot na hinaharap ang paghahatol
       na iyong matatandaan na walang awa,
Na ika’y nagbaalam at naghintay hanggang sa
       ang Espiritu’y wala na;
Anong pagsisisi at pagluluksa, kung mahanap ka ng
       kamatayang walang pag-asa,
Ika’y nagbaalam at naghintay at nag-antalang
        masyadong matagal.
(“Kung Ika’y Mag-aantay Nang Masyadong Matagal. ”
   Isinalin mula sa “If You Linger Too Long” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Panalangin namin na ika’y magtitiwala kay Hesus ngayong gabi, upang ang iyong mga kasalanan ay malilinisan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo! Ako’y kakanta noong kanta ni Dr. Rice muli. Kung ika’y handa nang magpunta kay Kristo at maligtas, magpunta sa likuran ng silid habang ako’y kumanta. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na silid kung saan ika’y aming papayuhan at at magdadasal kasama mo. Magpunta ka habang ako’y kumanta.

Walang galang kang nag-antay,
       tinanggihan Siyang napakadali,
Matagal kang nagkasala at terible,
        ang iyong puso ay napaka mali;
O, kung ang Diyos ay mawalan na pasensya,
       ang matamis na Espiritu ay mayayamot,
Kung hindi ka na Niya tinatawag, kamatayan ay
       sa iyo kapag wala na Siya.
Tapos nakalulungkot na hinaharap ang paghahatol
       na iyong matatandaan na walang awa,
Na ika’y nagbaalam at naghintay hanggang sa
       ang Espiritu’y wala na;
Anong pagsisisi at pagluluksa, kung mahanap ka ng
        kamatayang walang pag-asa,
Ika’y nagbaalam at naghintay at nag-antalang
       masyadong matagal.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 13:47-50.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kung Ika’y Mag-aantay Nang Masyadong Matagal.” Isinalin mula sa
“If You Linger Too Long” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

APAT NA SIGAW MULA SA IMPIYERNO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. At siya'y sumigaw...” (Lucas 16:23, 24).

(Mateo 13:42)

I.   Una, naririnig natin si Cain na sumisigaw, “Ang aking kaparusahan ay higit
kaysa mababata ko,” Genesis 4:13; Mga Hebreo 9:22; Exodo 20:12.

II.  Pangalawa, ating naririnig ang mga tao sa araw ni Noe na sumisigaw,
“Papasukin niyo kami! Papasukin niyo kami!” II Ni Pedro 2:5;
Genesis 7:16; Mga Hebreo 9:27.

III. Pangatlo, ating narinig si Hudas na sumisigaw, “Nagkasala ako
sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan,” Mateo 27:4.

IV. Pang-apat, naririnig natin si Haring Agripa na sumisigaw,
“[Muntik nang nahikayat] mo akong maging Cristiano” [KJV],”
Mga Gawa 26:28.