Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TETELESTAI! TETELESTAI! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sinabi niya, Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga” (Juan 19:30). |
Ipinako si Hesus sa krus ng 9:00 ng umaga. Yoong mga nanood sa Kanyang namamatay ay sumigaw para sa Kanyang patunayan Niya na Siya ang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagbaba mula sa krus.
Ang madla na dumaan ay sumigaw kay Hesus, “Ikaw na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus” (Mateo 27:40).
Tapos ang punong saserdote, mga eskribe at mga matatanda mula sa templo ay dumaan sa krus, at nagsabi ng parehong bagay,
“Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi; Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya” (Mateo 27:41-42).
Ang mga Romanong mga kawal, na bumugbog sa Kanya ng mas maaga ng araw ng iyon, ay pinutungan Siya ng mga tinik, at binatakan ng mga piraso ng Kanyang balbas, ay nagsabi rin sa Kanya na bumaba mula sa krus at iligtas ang Kanyang sarili.
“Nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka, At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili” (Lucas 23:36-37).
Ang dalawang magnanakaw na napako sa krus sa parehong tabi ni Hesus ay sumigaw rin para sa Kanyang bumaba mula sa Krus at gayon ipatunay na Siya ang Anak ng Diyos.
“Nananalig siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios. At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus” (Mateo 27:43-44).
Maya maya nang araw na iyon ang pangalawang magnanakaw ay sumisigaw pa rin sa Kanya. “Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami” (Lucas 23:39).
Bakit ang lahat ng mga taong ito sumigaw nang, “Bumaba mula sa krus”? Bakit sila lahat sumang-ayon? Ang mga saserdote, ang mga eskribe, ang mga matatanda, ang buong madla, ang mga Romanong kawal, at pati ang mga magnanakaw na napako sa krus, lahat ay sumang-ayon, “Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus” (Mateo 27:40). Wala akong pagdududa na si Satanas ang humikayat sa lahat sa kanilang kutyain si Hesus, at tawagin Siya upang iligtas ang sarili Niya mula sa krus. Mas maaga kanina, noong sinabi ni Hesus na Siya’y ipapako sa krus, sinuwat Siya ni Pedro at nagsabing, “Kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo” (Mateo 16:22). Tumingin sa kanya si Hesus at sinabing, “Lumagay ka sa likuran ko, Satanas” (Mateo 16:23). Inusig ng Diablo si Pedrong payuhan si Hesus na huwag magpunta sa krus. Kung gayon alam natin na hindi gusto ng Diablo na maipako sa krus si Hesus. Kinamumuhian ng Diablo ang pagpapako sa krus at ang Dugo ni Kristo. Alam ni Satanas na ang mga tao ay hindi maliligtas mula sa kasalanan na wala ang kamatayan ni Kristo sa lugar ng makasalanan. Kaya naniniwala ako na si Satanas mimso ang humikayat sa malulupit na mga salita ito upang kutyain si Hesus at sabihin, “Iyong iligtas ang sarili mo, at bumaba ka sa krus” (Marcos 15:30).
Ngunit salamat sa Diyos hindi naniwala si Hesus sa kanila! Madali sanang nagawa ni Hesus ang sinabi nila. Madali Siya sanang bumaba mula sa krus. Ngunit kung ginawa Niya ito, walang maaring maligtas mula sa multa ng kasalanan, at walang hanggang kaparusahan sa Impiyerno!
Sa itaas ng bundok ng Kalbaryo, isang kasindaksindak na pagluluksa,
Naglakad si Kristo aking Tagapagligtas; pagod at gutay gutay na;
Humaharap para sa makasalanan kamatayan sa krus,
Na sila’y Kanyang maligtas mula sa walang katapusang pagkawala.
Pinagpalang Tagapagligtas! Mahal na Tagapagligtas!
Mukhang nakikita ko na Siya sa puno ng Kalbaryo;
Nasugatan at nagdurugo, para sa mga makasalanan nagmamakawa,
Bulag at hindi pinapansin – namamatay para sa akin!
(“Pinagpalang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa “Blessed Redeemer”
ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Ngayon tayo’y napunta sa katapusan ng alay ni Hesus sa krus. Tinanggap Niya ang suka mula sa mga kawala. Gumawa na Siya ng punong pagkakapatawaran para sa ating mga kasalanan. At ngayon sumisigaw Siya,
“Naganap na” (Juan 19:30).
Yinuyuko Niya ang Kanyang ulo at namatay.
Sinasabi sa atin nina Mateo, Marcos at Lucas na si Hesus ay sumigaw na may malakas na tinig bago Siya namatay. Ngunit hindi nila sinasabi kung anong sinabi Niya noong sumigaw Siya. Si Juan lamang ang nagsabi sa atin na sumigaw Siya ng, “Naganap na.” “Tetelestai” ang Griyegong salita sa Bagong Tipan. Ito’y isinalin sa tatlong mga salita sa Ingles, [dalawa sa Tagalog] “Naganap na.”s
Maraming mga bagay ang natapos noong namatay si Hesus. Ngunit babanggitin ko lamang ang tatlo sa mga ito – 1. Ang Kanyang pagdurusa ay naganao na. 2. Ang poot ng Diyos laban sa ating mga kasalanan ay nagapan na. 3. Ang ating kaligtasan ay naganap na.
I. Una, ang pagdurusa ni Hesus ay naganap na.
Nagdusa Siya sa buong buhay Niya. Noong Siya ay isang sanggol sinubukan Siyang patayin ni Haring Herodes. Kinailangan dalhin ni Jose si Maria at ang sanggol na si Hesus at tumakas sa Ehipto upang ilayo Siya mula sa pagkakamatay ng mamamatay taong Hari.
Siya’y di naintindihan sa buong buhay Niya. Pati ang Kanyang ina at mga kapatid ay Siya’y “ibang tao maliban sa kung sino talaga Siya.” Noong ipinangaral Niya ang una Niyang sermon sinubukan Siyang itapon mula sa tuktok ng isang burol at patayin Siya. Maraming beses tayo ay sinabihan na sinubukan Siyang patayin ng mga eskribe at mga Fariseo. Siubukan pa nga Siyang batuhin hanggang sa mamatay Siya. Noong karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay tumalikod sa Kanya, sinabi Niya sa Kanyang mga Disipolo, “Ibig baga ninyong magsialis din naman?” (Juan 6:67). Binuhay Niya ang buhay sa lupa sa kahirapan at kahihiyan. Kahit na gumawa Siya ng napaka raming mga himala, at nagpagaling ng napakaraming mga may sakit na mga tao, sinabi nila na Siya’y isang sinapian ng demonyong baliw.
Sa Hardin ng Gethsemani, ang gabi bago Siya ipinako sa krus, natulog ang mga Disipolo at iniwanan Siyang mag-isa. Doon sa Gethsermani, habang Siya’y nanalangin, “ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). Noong Siya’y dinakip ilang minuto maya maya, “iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).
Kinaladkad Siya ng mga alagad sa harap ng Romanong gobernador, na si Pontiu Pilato. Ipinahampas Siya ni Pilato na halos hanggang sa kamatayan. Hinatak nila ang Kanyang balbas, at pinagpapalo sa Kanyang mukha. Nagdiin sila ng malupit na korona ng tinik pababa sa Kanyang dumudugong Ulo. Sinabi ni Hesus, sa pamamagitan ng propetang si Isaias,
“Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6).
Tapos ipinabuhat nila sa Kanya ang Kanyang krus papunta sa lugar ng pagbibitay. Nagpukpok sila ng mga pako sa Kanyang mga kamaya at paa, at bumitin Siyang hubad sa krus. Mga Panaghoy 1:12 ay naglalarawan ng teribleng pagdurusa at paghihirap na pinagdaanan ni Hesus,
“Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin” (Mga Panaghoy 1:12).
Noong sumigaw si Hesus, “Naganap na,” ibig nitong sabihin ay ang Kanyang buhay ay ng paghihirap sa lupa ay naganap na. Ibig nitong sabihin na ang paghihirap na Kanyang naranasan sa isang di palakaibigang mundo, sa gitna ng mga makasalanang mga tao, ay naganap na sa wakas. Walang pagtataka na Kanyang naramdaman ang galak habang Siya’y papunta sa krus!
“Na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan”
(Mga Taga Hebreo 12:2a).
Siya’y nagpunta na nagaglak sa krus dahil alam Niya na ito ang katapusan ng Kanyang paghihirap sa lupa, at na Siya’y malapit nang bumalik sa Langit, “sa kanan ng luklukan ng Dios” (Mga Taga Hebreo 12:2b). Walang pagtataka na Siya’y sumigaw nang,
“Naganap na.”
“Anak ng Pagdurusa,” anong ngalan
Para sa Anak ng Diyos na dumating
Nasirang mga makasalanan upang mukuha muli!
Aleluya! Anong Tagapagligtas!
(“Aleluya, Anong Tagapagligtas.” Isinalin mula sa
“Hallelujah, What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
II. Pangalawa, ang poot ng Diyos laban sa ating
mga kasalanan ay naganap na.
Ang pinaka teribleng bagay tungkol sa pagpapako sa krus ay na kinuha ni Hesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan. Siyang “hindi nakakilala ng kasalanan” ay ginawang “may sala dahil sa atin” (II Mga Taga Corinto 5:21). Hindi lamang dinala ni Hesus ang kabayaran para sa ating mga kasalanan, kundi dinala ang mga kasalanan mismo sa Kanyang sariling banal na katawan sa krus. Sinabi ng Apostol Pedro,
“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Ni Pedro 2:24).
Ang pinaka malubhang bagay patungkol sa pagpapako sa krus ay hindi ang pisikal na sakit. Ibang mga tao ay pinahirapan, sinunog sa kahoy na poste, at ipinako sa krus. Ngunit pinagdusahan ni Hesus ang walang ibang tao ang makapagdurusa.
Sa kanyang aklat, Pinahirapn para kayKristo [Tortured for Christ], sinabi ni Richard Wurmbrand ang isang saserdogte na pinahirapan kasama niya sa Komunistang bilangguan, at nadurog sa ilalim ng paghihirap. Sinabi ng saserdote kay Wurmbran, “Patawarin mo ako kapatid, nagdusa ako mas higit kay Kristo.” Naiintindihan ko kung bakit nasabi ng kaawa-awang tao ito sa kanyang paghihirap, ngunit mali siya. Wala kailan man ang nagdusa mas higit sa pagdurusa ni Hesus – dahil wala pang iba kailan man ay nagkaroon ng lahat ng kasalanan ng mundong naipatong sa kanyang sariling katawan. Aktwal na dinala niya ang ating mga kasalanan, gayun din ang kabayaran para sa ating mga kasalanan.
Gayun din, dinala ni Hesus ang poot ng Diyos sa krus. Alam ko na ito’y napaka hirap maintindihan, ngunit totoo ito gayunman. Sinasbai ng Bibliya,
“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).
Muli sinasabi nito,
“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan...” (Isaias 53:10).
Noong namatay si Hesus sa krus, namatay Siya na ang ating mga kasalanan ay nakapatong sa Kanya, at na ang poot ng Diyos sa Kanya dahil sa ating mga kasalanan. Walang pagtataka na sumigaw si Hesus,
“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).
Ang Diyos Ama ay tumalikod mula sa Kanyang nag-iisang Anak, habang si Hesus ay ginawang pag-aalay para sa kasalanan sa krus. Ang poot ng Diyos laban sa mga kasalanan ay nahupa noong sumigaw si Hesus ng,
“Naganap na.”
Kapag iyong pagkakatiwalaan si Hesus, walang poot o paghahatol mula sa Diyos ang babagsak sa iyo. Bakit? Dahil ang paghahatol ng Diyos dahil sa kasalanan ay bumagsak na kay Hesus habang Siya’y namatay sa krus. Ngunit kung tatanggihan mo si Hesus, dapat kang magbayad para sa iyong sariling mga kasalanan sa Impiyerno.
III. Pangatlo, ang ating kaligtasan ay naganap na.
Hindi katagalan lang tatlong binata ang lumapit sa akin, naghahangad na maligtas. Silang tatlo ay namumuhi sa kanilang mga ama, gayon sinisira ang Ika-limang Utos (Exodo 20:12). Sinabi ko sa kanilang tatlo magtiwala kay Hesus, at gayon mahugasan ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Ginawa ito ng isa sa kanila. Nagtiwala siya kay Kristo at naligtas. Tapos nagpunta siya sa kanyang ama at humingi ng kapatawaran. Ngunit ang natirang dalawa ay hindi nagtiwala kay Hesus. Imbes sila’y nagsi-uwi at humingi ng patawad mula sa kanilang mga ama. Anong kahihiyan! Hindi nila pinakatiwalaan si Hesus, imbes ay kanilang pinagkatiwalaan ang sarili nilang mabuting gawain ng paghingi sa kanilang mga amang patawarin sila. Ngunit sinasabi ng Bibliya,
“Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo…” (Titus 3:5).
Hindi tayo naliligtas sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay, kahit na ang gagawin natin ay mabuti! Tayo ay nalilitas sa pamamagitan ng awa ni Kristo lamang, dahil sa Kanyang natapos nang gawain sa krus! Ang tagapagbilanggo sa Filipo ay nagsabi, “Ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?” (Mga Gawa 16:30). Sinabi ng Apostol Pablo sa kanya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” ( Mga Gawa 16:31). Ang lahat na kailangan mong gawin upang maligtas ay ang mananampalataya kay Hesus!
Ginawa ni Hesus ang lahat para sa iyo sa krus. Noong sinabi Niya, “Naganap na,” ibig nitong sabihn na lahat ng kinakailangan mo ay naganap na. Ngayon wala ka nang kailiangang gawin kundi ang magtiwala sa Kanya. Sa sandaling magtiwala ka kay Hesus ika’y agad-agad na maliligtas sa pamamagitan Niya – sa lahat ng panahon at lahat ng walang hanggan!
Si James Hudson Taylor ang nakahanap na Panloob na Lupaing Misyon sa Tsina [China Inland Mission]. Bago siya nagpunta sa Tsina, noong siya’y labin limang taong gulang, binasa ni Hudson Tayloy ang isang maliit na aklat na pinamagatang, “Ang Natapos na Gawain ni Kristo” [“The Finished Work of Christ]. Habang binabasa niya ang aklat naisip niya na lahat ng kailangan niya upang maligtas ay nagawa na ni Hesus sa krus! Si Hudson Tayloy ay bumagsak sa kanyang mga tuhod at nagtiwala kay Hesus. Siya ay naligtas agad-agad – at nagpatuloy upang maging isang dakilang misyonaryo sa Tsina. Hinihingi kong gawin mo ang parehong bagay na ginawa ni Hudson Taylor. Magsisi at magtiwala kay Hesus sa simleng pananamapaltaya. Kanyang patatawarin ang iyong mga kasalanan at ililigtas ang iyong kaluluwa, dahil
“Naganap na.” (Juan 19:30).
Ang lahat na kailangan mong gawin upang maligtas ay naganap na ni Hesus sa krus. Magpunta sa Kanya at magtiwala sa Kanya, at ika’y maliligtas nitong pinaka umagang ito!
Kakanta ako ng isang kanta. Kung gusto mong makaalam pa ng patungkol sa pagiging isang Kristiyano, magpunta sa likuran at awditoryum habang ako’y kumanta. Dadalhin kayo ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar para sa panalangin at pagpapayo. Mapunta habang ako’y kumanta.
Naririnig ko ang Iyong maligayang tumatanggap na tinig,
Na tumatawag sa akin, Panginoong sa tungo sa Iyo
Para sa paglilinis sa Iyong mahal na dugo Na umagos sa Kalbaryo.
Ako’y papunta na Panginoon! Papunta na ngayon sa Iyo!
Linisin mo ako, hugasan mo ako sa dugo Na umagos sa Kalbaryo.
(“Ako’y Papunta Na, Panginoon.” Isinalin mula sa “I Am Coming, Lord”
ni Lewis Hartsough, 1828-1919).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Marcos 15:29-37.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pinagpalang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa
“Blessed Redeemer” (ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
BALANGKAS NG TETELESTAI! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sinabi niya, Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga” (Juan 19:30). (Mateo 27:40, 41-42; Lucas 23:36-37; Mateo 27:43-44; I. Una, ang pagdurusa ni Hesus ay naganap na, Juan 6:67; Lucas 22:44; II. Pangalawa, ang poot ng Diyos laban sa ating mga kasalanan ay III. Pangatlo, ang ating kaligtasan ay naganap na, Exodo 20:12;
|