Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG BAGBAG NA PUSO

THE BROKEN HEART

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-29 ng Hulyo taon 2012

“Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan” (Mga Awit 51:17).


Hinango ko ang sermon ito mula sa isa sa mga ibinigay ni Robert Murray McCheyne (1813-1843). Kahit na namatay siya maikling panahon lang bago ng kanyang ika-tatlumpung kaarawan, si McCheyne ay ginamit ng lubos sa mga muling pagkabuhay sa kanyang katutubong Scotland. Siya ay isang premilenyalista na naniwala sa ang mga Hudyong mga tao ay maibabalik sa kanilang lupain at mapagbabagong loob sa katapusan ng panahon na ito. Sinabi niya, “ang nabuhay na muling Israel ay tulad ng isang hamog mula sa Panginoon.” Sinabi ni Duncan Matheson patungkol ng binatang pastor na ito, “Nangaral siya na may kawalang hangganan na nakatatak sa kanyang noo.” Inaalay ko ngayon sa iyo isa sa mga walang katapusang sermon ni McCheyene, at umaasa ako na gagabayin nito ang isa sa inyo upang maranasan ang pag-ibig at kapayapaan na inaalay ni Hesus doon sa mayroong mga “bagbag na puso.”

“Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan” (Mga Awit 51:17).

Ang Hebreong salitang isinalin na “bagbag” ay nangangahulugang “nadurog.” Si David ay tumutukoy sa isang “bagbag at nadurog na puso.” Sinabi ni McCheyne: Walang awit ang naghahayag ng mas higit pa ng karanasan ng isang nagsisising nananampalatayang kaluluwa: ang kanyang nakapagkukumbabang pagngungumpisal ng kasalanan (mga bersong 3, 4, 5); ang kanyang masidhing paghangad para sa kapatawaran sa pamamagitan ng dugo ni Kristo (b. 7); ang kanyang paghahangad para sa isang malinis na puso (b. 10); ang kanyang hangad upang magbigay ng isang bagay sa Diyos para sa lahat ng Kanyang benpisyo…bibigyan niya ang [Diyos] ng isang bagbag na puso (mga berso 16, 17). Mahabang panahon noon nag-aalay sila ng mga pinatay na tupa bilang paalala ng kanilang pagbibigay pasasalamat, kaya sinasabi niya kanyang iaalay sa Diyos ang isang pinatay at bagbag na puso. Panalangin ko na ika’y mapupunta sa parehong resolusyon, at ialay sa Diyos ngayong gabi ang isang bagbag na puso.

Sa ilalim ng Bagong Tipan tayo ay sinabihan, “nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan” (I Ni Juan 3:15). Si David ay pumatay ng tao. Kung gayon opinyon ko na, sa kasalukuyang dispensasyon, mas mahusay tignan ang nangyari kay David sa Awit na ito sa pananaw ng Bagong Tipang pagbabagong loob. Titignan natin ang ating teksto sa ganitong paraan.

“Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan” (Mga Awit 51:17).

I. Una, ang natural na puso ay di bagbag.

Walang makababagbag ng natural na puso ng tao. Maari niyang maranasan ang mga awa, mga hirap, at pati kamatayan na hindi nagkakaroon ng bagbag na puso, isang puso na malambot at nababaluktot sa paningin ng Diyos. Ang dakilang Biblikal na paglalarawan nito ay ang pinatigas na puso ng Paros a Aklat ng Exodo. Kahit na sunod-sunod na mga paghahatol ang dumating sa kanya, paulit-ulit niyang tinanggihan ang pangangaral ni Moses at Aaron, “pinapagmatigas ang kaniyang puso, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon” (Exodo 8:15). Kahit na noong ang kanyang unang pinanganak na anak na lalake ay namatay sa ilalim ng paghahatol ng Diyos ang puso nh Paro ay pinatigas. Makikita natin na ang mayamang tao sa Impiyerno mismo ay mayroon pa ring pinatigas na puso, napakatigas na nakipagtalo pa siya kay Abraham! (Lucas 16:30). Ang Kamatayan at Impiyerno mismo ay hindi gumawa sa kanyang pusong malambot at matuturuan! Wala siyang ipinakitang mataos na pagsisisi sa anomang paraan para sa makasalanan, walang diyos na buhay na kanyang binuhay! Noong pinagaling ni Kristo ang lalake na may nalantang kamay, “ikinalungkot niya ang katigasan ng kanilang puso” (Marcos 3:5). Ang kanilang mga puso ay hindi bagbag at nagsisisi kahit na nakita nila ang himalang ito. Ang Apostol Pablo ay nagsalita patungkol sa doon sa mga kinamumuhian ang kabutihan ng Diyos dahil mayroon silang matigas at di nagsisising mga puso (Mga Taga Roma 2:5). Ang batas, ang ebanghelyo, ang mga awa, ang mga hirap, ang kamatayan at pati Impiyerno ay hindi bumabagbag sa natural na puso ng di napagbagong loob na mga tao! Ang kanilang mga puso ay mas matigas kay sa isang bato. Wala nang mas matigas pa sa daigdig kay sa mga puso ng mga di napagbagong loob na mga kalalakihan. Sinabi ni Jeremias, “kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato” (Jeremias 5:3).

Bakit ang mga puso ng mga di ligtas napaka tigas? Sinasabi ng Bibliya sa atin na mayroong isang talukbong sa kanilang mga puso. Sinasabi ng Bibliya, “may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso” (II Mga Taga Corinto 3:15). Ang natural na puso ay hindi naniniwala sa Biliya, hindi naniniwala sa kahigpitan ng batas, hindi naniniwala sa poot na darating. Isang takip, o talukbong, ay nasa kanilang mga mata upang hindi nila makita ang katotohanan.

Pangalawa, si Satanas ay may hawak sa kanilang mga puso. Siya ang “espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2). “Dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso” (Lucas 8:12).

Pangatlo,, sila’y “mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1). Ang mga patay na mga kaluluwa ay hindi nakaririnig ng kung anong ipinapangaral. Ang mga patay na kaluluwa ay hindi nararamdamang nakuminsi ng kanilang pagkasala. Ang patay na kaluluwa ay may “[kabulagan] ng kanilang puso” [KJV] (Mga Taga Efeso 4:18), sila’y “[lampas sa pagkakaramdam]” [KJV] (Mga Taga Efeso 4:19).

Pang-apat, sila’y umaasa sa kaligtasan sa isang pagkakulbli ng mga kasinungalingan. Sinasabi ng propeta Isaias, “ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan” (Isaias 28:15). Umaasa sila para sa kaligtasan sa pananamapalataya ng isang doktrina sa Bibliya, sa katunayan na sila’y nananalangin, nagbibigay ng pera sa simbahan, biniyagan, o isang uri ng kabulaanan.

Manalangin na ilayo ka ng Diyos mula sa sumpa ng kamatayan, di bagbag ng puso, dahil ika’y nakatayo sa isang madulas na lupa. Ito’y di magtatagal makukuha papalayo. At gayun din, dahil wala kang tunay na pag-asa hangga’t ika’y magpunta kay Hesus.

II. Pangalawa, ang nagising na puso ay nasugatan, ngunit hindi nabagbag.

“Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan” (Mga Awit 51:17).

Mabuting magkaroon ng nagising na puso, isang puso na nasugatan, ngunit hindi iyan sapat. Dapat kang mabagbag. At ang mga kumbiksyon ng isang nagising na puso ay naghahanda para mabagbag ito. Paano na ganoong uri ng paggigising ng kumbiksyon ay nagaganap?

Ang batas ang gumagawa ng unang sugat. Kapag ang Diyos ay magliligtas ng isang tao, sinasanhi Niya na ang taong iyon na isipin ang mga kasalanang kanyang nakamait sa pamamagitan ng paglalabag ng Kanyang batas. Sinasabi ng Bibliya,

“Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila”
       (Mga Taga Galacias 3:10).

Ang mga kasalanan ng iyong buhay, at ng iyong puso, ay magmumukang napaka lubha kapag ang Espiritu ng Diyos ay susugat sa iyong puso.

Ang makasalanan gayon ay gagawing nagkakamalay na siya ay isang makasalanan laban sa isang dakila at banal na Diyos. Sasabihin mo, “Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin” (Mga Awit 51:4).

Ang pangatlong sugat ay dumarating kapag ika’y ginagawang nagkamalay ng iyong sariling pagkawalang kakayahang gawin ang iyong sariling mas mabuti. Ang iyong puso pa rin ay hindi bagbag. Ang iyong puso ay bumabangon laban sa Diyos dahil sa kahigpitan ng Kanyang batas, at dahil hindi mo malikha ang pananampalataya kay Kristo. Nagagalit ka sa Diyos dahil sa pag-iwan sa iyo sa miserableng kondisyon na ito. Ipinapakita nito na ang iyong puso ay hindi pa rin bagbag. Naaawa ka sa iyong sarili at nagagalit na hindi ka tinulungan ng Diyos.

Alamin na isang bagay ang maging nakumbinsing tulad nito, at isa pang bagay ang maging naligtas. Huwag kang huminto sa kumbiksyon ng kasalanan! Hindi ka pa napagbabagong loob.

III. Pangatlo, sa pagbabagong loob ang puso ay nababagbag sa dalawang paraan.

Una, ang iyong puso ay mababagbag papalayo mula sa iyong sariling katuwiran. Kapag ang Banal na Espiritu ay magdadala sa iyo sa nakapakong si Hesus, ang iyong puso ay mababagbag papalayo mula sa paghahanap ng kaligtasan sa pamamagitan ng isang bagay na nagagawa mo. Makikita mo gayon na maliligtas ka lamang sa pamamagitan ni Hesus. Sasabihin mo kasama ni David Brainerd, “nagtataka ako kung bakit aking kailan man naisip ang kahit anong paraan ng kaligtasan.” Tapos ang biyaya ni Hesus ay makikitang napaka kamangha-mangha. Mayroon ka ba nitong bagbag na pusong ito – bagbag sa pag-iisip ng namamatay na si Hesus sa krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan, at ibigay sa Iyo ang Kanyang katuwiran? Hindi ka na kailan man hahanap ng kasiguraduhan ng kaligtasan. Ngayon titinggin ka kay Hesus lamang. Ito’y isang tinggin sa umiibig na puso ni Hesus na bumabagbag sa puso mula sa sarili nitong katuwiran. O, manalangin para sa ganoong uri ng bagbag na puso! Ang pagyayabang ay hindi kasama. Sasabihin mo, “Karapatdapat ang Cordero na pinatay” para sa akin! (Apocalipsis 5:12).

Tumatawag ang Diyos gayon! hindi ako makapanatili;
   Isinusuko ko ang aking puso na walang paanlintala;
Mapalalong mundo, paalam! mula sa iyo ako’y lalayo;
   Ang tinig ng Diyos ay umabot sa aking puso!
(“Tumatawag Ang Diyos Gayon.” Isinalin mula sa
   “God Calling Yet” ni Gerhard Tersteegen, 1697-1769;
     isinalin ni Jane L. Borthwick, 1813-1897).

Kapag iyong tunay na pinagkakatiwalaan si Kristo, iyon gayon kamumuhian ang kasalanan. Iyo gayon kamumuhian ang kasalanan dahil hinihiwalay ka nito mula sa Diyos. Kamumuhian mo gayon ang kasalanan dahil ipinako nito sa krus si Hesus, pinabigat ang Kanyang kaluluwa, ginawa Siyang magpawis ng Dugo, at dumugo, at mamatay. Kamumuhian mo ang kasalanan, maiisip na wala nang dinala ito kundi kalungkutan. Magluluksa ka dahil sa iyong kasalanan dahil ginawa ito laban sa pag-ibig ni Hesus.

IV. Pang-apat, ang benepisyo ng nabagbag na puso.

“Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan” (Mga Awit 51:17).

Ang isang nabagbag na puso ay pipigilan ka mula sa pagkakasama ng damdamin sa pangangaral ng krus. Ang isang di napagbagong loob na puso ay sasama ang loob sa ganoong uri ng pangangaral. Maraming mga tao ay namumuhi rito. Maraming iba ang nag-iisip na wala ito kundi kahangalan. Ang ilang mga tao ay maaring umalis pa nga mula sa simbahan dahil sumasama ang loob nila sa pangangaral ng kaligtasan sa pamamagitan ng krus lamang. Sinasabi ng Bibliya,

“Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak” (I Mga Taga Corinto 1:18).

Muli, sinasabi ng Bibliya,

“Sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo”
       (Mga Taga Filipo 3:18).

Ngunit ang isang bagbag na puso ay hindi sasama ang loob sa pangangaral ng krus. Ang isang bagbag na puso ay makauupo sa pagdinig ng katuwiran na walang gawa, sa pamamagitan ng pakikipagpalit na kamatayan sa krus ni Kristo! Ang bagbag na puso ay iniibig marinig ang gawa ng taong katuwirang tinatapakan at binubugbog hanggang sa ito’y maging alikabok!

Gayon din, ang isang bagbag na puso ay namamalagi kay Hesus. Ang di napagbagong loob na puso ay hindi kailan man namamahinga, dahil

“Ang masama ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi” (Isaias 57:20).

Ang nagising na puso ay hindi namamahinga. Mga pagdurusa at sakit ay nasa mga puso noong mga nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan, ngunit tumatangging magtiwala kay Hesus. Ngunit ang tunay na mga nabiyak na puso ay itinatapon ang kanilang mga sarili kay Hesus. At ang katuwiran ni Hesus ay inilalagay sa kanila upang alisin lahat ng kanilang mga takot. Ang pag-ibig ni Hesus ay “nagpapalayas ng takot” (I Ni Juan 4:18). Ang isang bagbag na puso ay puspos na nalulugod kay Hesus. Siya ay sapat na para sa kanila. Ikaw ba’y puspos na nalulugod kay Hesus? Ang iyong puso ba ay bagbag ng sapat upang simpleng magpunta sa Kanya at magtiwala sa Kanya? O nagpupunyagi ka pa ring matutunan, o nagpupunyagi ka pa rin upang mahanap ang kasiguraduhan? Panalangin ko na iyong isusuko young mga legal na pagpupunyaging mga iyon, at magtiwala kay Hesus, at kay Hesus lamang! Magsitayo at kantahin ang himno bilang walo sa inyong kantahing papel.

Magsitayo at kantahin ang himno na iyon. Kung hindi ka ligtas, at gusto mong makausap si Dr. Cagan at ako tungkol rito, naway magpunta sa likuran ng silid habang kaming kumakanta. Mapupunta kami kasama ninyo sa isang silid para sa pagpapayo at panalangin.

Magsiparito, kayong mga pagod, at nabibigatan sa karga,
   Nabugbog at nabalian dahil sa pagbagsak;
Kung maghihintay ka hanggang sa ika’y maging mabuti,
   Hindi ka kailan man magpupunta sa anomang paraan
Hindi ang mga makatuwiran, hindi ang mga makatuwiran;
   Na mga Makasalanan ang dumating si Hesus upang tawagin!
Hindi ang mga makatuwiran, hindi ang mga makatuwiran;
   Na mga Makasalanan ang dumating si Hesus upang tawagin!
(“Magsiparito, Kayong Mga Pagod.” Isinalin mula sa “Come, Ye Sinners”
     ni Joseph Hart, 1712-1768).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Awit 34:15-18.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tumatawag ang Diyos Gayon.” Isinalin mula sa
“God Calling Yet” (ni Gerhard Tersteegen, 1697-1769).


ANG BALANGKAS NG

ANG BAGBAG NA PUSO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan” (Mga Awit 51:17).

(I Ni Juan 3:15)

I.   Una, ang natural na puso ay di bagbag, Exodo 8:15; Lucas 16:30;
Marcos 3:5; Mga Taga Roma 2:5; Jeremias 5:3;
II Mga Taga Corinto 3:15; Mga Taga Efeso 2:1; Lucas 8:12;
Mga Taga Efeso 2:1; 4:18, 19; Isaias 28:15.

II.  Pangalawa, ang nagising na puso ay nasugatan, ngunit hindi nabagbag,
Mga Taga Galacias 3:10; Mga Awit 51:4.

III. Pangatlo, sa pagbabagong loob ang puso ay nababagbag sa
dalawang paraan, Apocalipsis 5:12.

IV. Pang-apat, ang benepisyo ng nabagbag na puso, I Mga Taga
Corinto 1:18; Mga Taga Filipo 3:18; Isaias 57:20;
I Ni Juan 4:18.