Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ISANG TIYAK NA PATUNAY NG KALIGTASAN

AN INFALLIBLE PROOF OF SALVATION

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-22 ng Hulyo taon 2012

“Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan” I Ni Juan 3:14).


Habang ako’y pasimulang gawin ang isang sermon halos hindi nagbabago na ako’y nagsisimula sa paghahanap ng tamang teksto, at pangalawa paghahanap ng isang himno para kay Gg. Griffith, ang aming solowista, upang kantahin bago ng sermon. Sa kaso ng tekstong ito ako’y na puwersa ipakanta sa kanya ang “Pagpalain Ang Tali na Nag-iisa.” Gusto kong gumamit ng iba pang himno, ngunit hindi ako makahanap ng isa pa. Sa lahat ng mga daan-daang mga kanta sa makabagong hymnal, hindi ako makahanap ng isa pa na naghahayag ng sapat ng kaisipan ng mga Kristiyanong nagmamahal sa isa’t-isa! Tinapos ko ang paghahanap na may malalim na kalungkutan at kirot sa aking puso. Naisip ko, “Paano ito na napaka kaunting ang nakanta tungkol sa pagmamahl ng Kristiyano at pakikisama sa ating mga simbahan ngayon?” Habang aking iniisip iyan, mukhang dinala ng Espiritu ng Diyo sa akin ang mga propetikong salita ng ni Hesus,

“Dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig”
       (Mateo 24:12).

Ibinigay ito ni Kristo bilang isa sa mga tanda ng “katapusan ng sanglibutan” (Mateo 24:3). Tayo ba ay nasa panahon iyan na sa kasaysayan ngayon? Tayo ba ay nabubuhay malapit sa katapusan ng panahon na ito – na ang poot ng Diyos ay malapit ng bumagsak sa masamang henerasyon na ito. Tinanong ng mga Disipolo, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito?” (Mateo 24:3). Isa sa mga tanda na ibinigay ni Kristo sa kanila sa tanong na iyon ay ito,

“Dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig”
       (Mateo 24:12)

Huwag kang magkakamali rito, ang salitang isinalin na “pagibig” sa Mateo 24L12 at ang salitang isinaling “pagibig” sa pareho ng ating mga teksto ay nanggaling mula sa Griyegong salitang “agape.” Tinutuukoy ito ni George Ricker Berry na “pagibig ng mga pakiramdam, mainit na likas na apeksyon” (isinalin mula sa Greek-English New Testament Lexicon). Ang salitang agape ay ginamit sa Bagong Tipan upang ipakita ang pagibig ng Diyos sa tao, at upang ipakita ang pagibig ng mga Kristyano sa isa’t-isa. Ang Agape ay tumutukoy sa Kristiyanong pagibig at Kristiyanong pakikisama.

Ang dati kong pastor, na si Dr. Timothy Lin, isang bihasa sa mga wikang Biblikal, isang propesor sa seminary, at maya-maya ang pangulo ng isang seminary sa Taiwan. Nagsasalita tungkol sa agape, sinabi ni Dr. Lin, “Ang pagmamahal sa isa’t-isa at paniniwala sa ating Panginoong Hesus ay magkapantay ang kahalagahan. Ang pananampalataya sa ating Panginoon ay isang lubos na kinakailangan, at ang pagmamahal sa isa’t-isa ay isa ring lubos na kinakailangan…Naway ang simbahan ng mga huling mga araw ay pag-isipan ito ng maraming beses” (isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., The Secret of Church Growth, First Chinese Baptist Church of Los Angeles, 1992, pp. 28, 29).

Ang sinabi ni Dr. Lin ay lubos na totoo! Ang nakaliligtas na pananampalataya kay Kristo, at pagibig patungo sa ibang mga tunay na Kristiyano, ay magkapantay ang kahalagahan, dahili sila’y nakatali sa isa’t-isa sa ating teksto,

“Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan” (I Ni Juan 3:14).

Sa tekstong it mayroong dalawang pangunahing kaisipan. Ang paglilipat mula sa kamatayan sa buhay ay napapatunayan ng pagibig para sa mga kapatid, at young hindi nagmamahal sa mga kapatid ay nagpapakita ng sila pa rin ay nananahan sa kamatayan. Tapos aking idadagdag ang isang pangatlong punto sa kung anong dapat mangyari para sa iyong magkaroon ng buhay. Tignan natin ito ng mas masinsinan pa.

I. Una, anong hindi nagpapatunay na mayroon kang buhay.

Pagpupunta sa simbahan ay hindi nagpapatunay na mayroong kang buhay. Libo-libong mga tao ay nagpupunta sa simbahan kada Linggo na walang buhay. Paglipat mula sa kamatayan sa buhay ay tumutukoy sa bagong pagkapanganak. Tamang-tamang sinabi ni Dr. Gill na ang paglilipat mula sa kamatayan sa buhay ay tumutukoy sa bagong pagkapanganak, “alin ay isang paggising ng mga makasalanan sa kamatayan sa kasalanan, isang muling pagkabuhay nila mula sa kamatayan sa kasalanan [pagkakaroon] ng biyaya at buhay na nakapunla sa kanila…at ang paglilipat na ito mula sa isa patungo sa isa pa ay hindi patungkol sa kanilang sarili, hindi ito kanilang sariling gawain; walang tao ang makagigising ng kanilang sarili, o mababangon ang kanilang sarili mula sa kamatayan…tayo ay binabago ng Diyos Ama, na nagliligtas ng iba mula sa kapangyarihan ng kadiliman, at kamatayan, at binabago sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, alin ay isang katayuan ng ilaw at buhay…samantalang siya ay namatay sa kasalanan, siya na ngayon ay buhay; at isa sa maraming mga bagay maaring malaman ito sa pamamagitan nito, dahil iniibig natin ang mga kapatid: hindi ito ang sanhi ng paglilipat mula sa kamatayan sa buhay, kundi ang epekto nito, at kaya isang patunay nito…at ang nagpapakita ng sarili nito agad-agad tulad ng ibang mga bagay sa isang nabagong buhay na tao; o kaya na ang kahit sino ay makapag-iibig sa mga santo, bilang kapatid kay Kristo, hangga’t siya’y naipanganak muli…na ibigin siya bilang anak ng Diyos…walang tao ang makagagawa nito hangga’t kanyang tanggapin ang biyaya ng Diyos [sa bagong pagkapanganak]” (isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Pagpapaliwanag ng Bagong Tipan, Ang Tagadalang Bautistang Pamantayan [An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer], 1989 inilimbag muli, kabuuan III, p. 640; sulat sa I Ni Juan 3:14).

Kaya inuulit ko, ang pagsasapi sa isang simbahan at pagpupunta sa isang simbahan ay hindi nagpapatunay na mayroong kang buhay, hindi nagpapatunay na ika’y muling naipanganak. Dahil rito libo-libong mga miyembro ng simbahan sa huling mga araw ay kinamumuhian ang isa’t-isa, at nagsisiaway sa isa’t-isa. At marami sa kanila ay kinamumuhian ang kanilang pastor. Ang ugat ng mga problemang ito ay nakasalalay sa katunayan na hindi pa sila naipanganak muli!

“Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan” (I Ni Juan 3:14).

Sa katunayan, young mga namumuhi sa isa’t-isa sa kanilang mga simbahan ay binibilang na kapantay ng mga mamamatay tao sa paningin ng Diyos, dahil sinabi ng Apostol,

“Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan” (I Ni Juan 3:15).

Tapos, ang pagkakaalam at pananampalataya rin sa Bibliya ay hindi nagpapatunay na ika’y naipanganak muli, ang paglilipat mula sa kamatayan sa buhay. Alam ng Diablo ang “plano ng kaligtasan” at alam niya ito ng maigi. Wala nang mas malinas pa kaysa sa mga ulat ng mga demonyo na ibinigay sa apat na mga Ebanghelyo. Alam nila si kung sino si Hesus. Alam nila ang tungkol sa Huling Paghahatol. Kaya pa ngang isipi ni Satanas ang mga Kasulatan na nasaulo, gaya ng ginawa niya noong tinukso niya si Kristo sa kaparangan. Sa katunayan ang mga demonyo ay mas matalino pa kaysa sa maraming mga miyembro ng simbahan. “Ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig” (Santiago 2:19). Ilang mga miyembro ng simabahan ang “nagsisipanginig”? Gayon, ang mga demonyo ay may mas higit pang espiritwal na kabatiran kaysa maraming mga tinatawag na mga Kristiyano! Gayon, ang pagkakaalam at pananampalataya sa Bibliya at sa plano ng kaligtasan ay hindi gumagarantiya na ika’y ligtas.

Tapos, rin, ang pagkakaroon ng abilidad na magbigay ng mga salita ng isang “testimonyo” ay hindi patunay ng kaligtasan. Si Simon Magus ay tusong sapat upang maloko si Felipe ang ebanghelista gamit ng kanyang testimonyo (Mga Gawa 8:13). Ngunit ang Apostol na si Pedro ay mas matalino kaysa kay Felipe. Noong nagpunta siya sa Samaria, sinabi ni Pedro kay Simon, “Ang puso mo'y hindi matuwid sa harap ng Dios” (Mga Gawa 8:21). Kahit na nabigay ni Simon ang mga salita ng isang testimonyo na napaka nakakukumbinsi na bininyagan siya ni Felipe, gayon man mayroon siyang di napagbagong loob na puso. Ang kanyang di ligtas na puso ay gustong magkaroon ng “kapangyarihan” upang hawakan at kontrolin ang mga tao (Mga Gawa 8:19). Maraming mga di ligtas na mga mangangaral ay tulad niyan ngayon. Wala silang agapeng pag-ibig para sa kanilang mga tao. Gusto lamang nilang panghawakan sila at gamitin sila para sa sarili nilang pakinabang. Kaya nilang magbigay ng mga salita ng isang “testimonyo,” gaya ng ginawa ni Simon ang salamangkero, ngunit walang magagawang mabuti ang mga ito sa Paghahatol. Kahit na sinasabi nila, “Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan?” – gayon man sasabihin sa kanila ni Kristo, “Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22-23). Gayon, nakikita natin na isang testimonyo ng kaligtasan ay hindi tiyak na patunay na ang kahit sino ay ligtas.

At, ang pag-iisip na ika’y ligtas ay hindi patunay na ika’y nakalipat mula sa kamatayan sa buhay sa isang tunay na karanasan ng bagong pagkapanganak. Maglakad-lakad sa mga kalye ng lungsod na ito at magtanong sa mga tao kung sila’y ligtas, o kung magpupunta sila sa Langit kapag sila’y mamatay. Halos lahat noong mga taong hindi ateyistiko (iyan ay halos lahat ng tao) ay magsasabi sa iyo na sila’y ligtas. Halos lahat ng itim ay magsasabi na sila’y ligtas. Halos lahat ng mga Hispanikong ebanghelikal na tao ay ihahayag ang kanilang kaligtasan. Ito’y totoo rin sa maraming mga Asyanong ebanghelikal. At napaka madalang na puti ang mag-iisip na siya’y ligtas! Ayon sa isang pagsisiyasat Gallup na pagboboto 74% ng mga Amerikano ay nagbabansag na sila’y gumawa ng isang pangako kay Kristo. Anong pinapatunay nito? Pinapatunay nito na isang dakilang karamihan sa kanila ay nalilinlang – iyan ang pinapatunay nito! Sinasabi ng Bibliya,

“Ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya”
       (II Ni Timoteo 3:13).

Paano ikaw? Ikaw rin ba’y nadadaya? Wala sa mga bagay na aking binaggit ay nagpapatunay na mayroon kang buhay, na ika’y nakalipat mula sa kamatayan sa buhay sa bagong pagkapanganak.

II. Pangalawa, anong nagpapatunay na mayroon kang buhay.

Kapag tinatanong mo ang iyoong sarili, “Mayroon ka bang buhay?” paano mo ito sinasagot? Ang ilan ay tuturo sa isang nasagot na dasal, iniisip na ang sinagot na dasal ay patunay na sila’y naipanganak muli. Ngunit hindi ito ganito. Ako rin ay nagkaroon ng mga dasal na nasagot bago ako naligtas. Ang taong nagsabing, “Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan” (Juan 9:31) ay nawawala rin. Inuulit lamang niya ang isang paniniwala ng mga Fariseo. Hindi siya ligtas hanggang sa siya’y nagtiwala kay Kristo at “siya'y sinamba niya” (Juan 9:39). Kung hindi kailan man naririnig ng Diyos ang mga panalangin ng isang nawawalang tao, gayon walang maaring maging ligtas sa pamamagitan ng pagtawag sa Panginoon para sa awa.

“Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas” (Mga Taga Roma 10:13).

Ngunit mayroong ibang mga patunay ng buhay, at ang isang ibinigay sa ating teksto ay napaka lakas na patunay,

“Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan” (I Juan 3:14).

Maari mong mahalin ang isang Kristiyano dahil mayroon siyang ginawang mabuti para sa iyo, kahit na hindi ka ligtas. Ngunit ang umibig sa isang tao simple dahil siya ay isang anak ng Diyos at isang miyembro ni Kristo walang makagagawa sa isang kalagayan ng espirituwal na kamatayan.

Ang mga kabataan sa simbahan ay alam na ito’y totoo. Kapag ang ilan sa inyo ay napagbagong loob at naging tunay na mga Kristiyano, alam nila sa pamamagitan ng karanasan na ang ibang, hindi ligtas, ay lumalayo sa kanila, at tinitignan silang kakaiba. Ang isang napagbagong loob ay hindi na pinagkakatiwalaan noong mga nawawala. Hindi na sila naghahabilin sa kanya. Hindi na siya malapit sa kaibigan sa mga nawawalang kabataan sa simbahan.

Hindi ito bago. Noong isang araw lang nagbabasa ako tungkol sa isang grupo ng mga kabataan noong Pangalawang Dakilang Paggigising, maaga noong ika-labin siyam na siglo. Ang mga ligtas ay iniiwasan ng mga dati nilang mga kaibigan na hindi nahawakan ng muling pagkabuhay. Yoong mga nakalipat mula sa kamatayan sa buhay ay pinag-isipang di pangkaraniwan noong mga dati nilang mga kasama sa simbahan. Ngunit kung sapat na mga kabataan ang napagbagong loob sa isang kongregasyon, sa wakas ay makikita mo na ang mga kaunting walang buhay ay nag-uumpukan sa isang maliit na grupo, iniiwasan young mga ligtas hangga’t maari.

Noong ang isang binata ay unang naligtas, pinili niyang ihiwalay ang kanyang sarili mula doon sa mga kabataan sa simbahan. Imbes iginugol niya ang panahon ng pakikisama sa mga mas matatandang kalalakihan na napagbagong loob. Hindi niya ito ginawa dahil mayroong nagsabi sa kanya na gawin ito. Ginawa niya ito dahil naliwanagan siya ng Espiritu ng Diyos. Alam niya likas na dapat ay ganito. Ang mga kabataang tulad niyan ay di kailangang sabihan na humiwalay mula doon sa mga nawawala at makamundo. Ihihiwalay nila ang kanilang sarili mula sa mga nawawala, at ang nawawala ay ihihiwalay ang kanilang sarili mula sa kanila nang likas. Ang paghihiwalay ay magiging kasing linaw gaya nito sa pagitan ni Kain at Abel.

“Sapagka't ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula, na mangagibigan tayo sa isa't isa. Hindi gaya ni Cain na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid. Huwag kayong mangagtaka, mga kapatid, kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan” (I Ni Juan 3:11-13).

Ito’y isang tanda na ika’y lumipat mula sa kamatayan sa buhay kung iniibig mo ang pinaka mahusay na Kristiyano sa simbahan, hindi dahil marami silang magagawa para sa iyo, kundi iniibig mo sila para sa sarili nilang kapakanan. Ito’y isang tiyak na tanda na ika’y isang tunay na Kristiyano kapag iyong iniibig ang mga tao ng Diyos kahit na kapagn ang mundo ay namumuhi sa iyo – kapag ika’y malugod sa iyong kalooban na tumayo kasama nila at mapahiya kasama nila kapag sila’y sinisiraan o inuusig. Kapag sinasabi mong, “Iyong sinasalakay ang Kristiyanong ito ha? Ako’y isa ng parehong pamilya, kaya kung sisiraan mo siya, sinisiraan mo rin ako. Tatayo ako sa tabi niya at paghahtian ang pagdudustang iyong itatapon sa anak na ito ng Diyos.” Kung iniibig mo ang ibang mga Kristiyano tulad niyan, hindi mo kailangang maging matakaot. Malinaw na ika’y lumipat mula sa kamatayan sa buhay! (Pinapanguhulugan sa ibang salita mula sa “Buhay na Pinatunayan ng Pagibig” [“Life Proved by Love”] ni C. H. Spurgeon, Ang Pulpito ng Metropolitanong Tabernakulo [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1976, kabuuan XLIV, pp. 81-83).

Sa loob ng isang paghihiwalay ng simabahan ang mga bagay na ito ay madalas nagiging mas malinaw. Yoong mga namumuhi sa mga mabubuting Kristiyano ay mapupunta sa isang tabi. At young mga iniibig ang mga Kristiyano ay mapupunta sa isa kabilang tabi. Iyang ang dahilan na ang mga lumang panahong mga tao ay tinawag ang ganoong uri ng paghihiwalay na isang “likurang pintong muling pagkabuhay.” Kahit na ito’y napaka sakit, young mga lumalabas mula sa likurang pinto ay madalas nag-aalis ng mga di ligtas na mga miyembro ng simabahn. Inilalantad ng paghihiwalay ng simbahan ang katunayan na marami sa kanila ay hindi kailan man naligtas, ano mang propesyon ng pananampalataya ang ginawa nila. Ito’y mas higit na totoo na mga di ligtas ang umaalis. Gaya ng paglagay ni Apostol Juan,

“Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin”
       (I Ni Juan 2:19).

Marami sa kanila ay lumisan mula sa simbahan dahil hindi sila kailan man lumipat mula sa kamatayan sa buhay – at kaya hindi nila maibig ang mga kapatid! Wala silang buhay sa loob nila! Nasaksihan ko na ito sa maraming mga paghihiwalay ng simbahan, simula pa noong 1959.

III. Pangatlo, anong dapat mangyari para sa iyong lumipat mula sa kamatayan sa buhay.

“Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan” (I Juan 3:14).

Ang paglipat mula sa kamatayan sa buhay ay kabaligtaran ng ating inaasahan. Hindi ito pamamatay. Kabaligtaran nito iyan – ito’y pagkakagising, ginagawang buhay mula sa kamatayan. Nagsalita ang apostol Pablo patungkol nito noong sinabi niyang,

“At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1).

Paano nangyayari ang “[pagbubuhay]” mula sa pagkamatay? Ang mga sumusunod na mga punti ay madalas mangyari kapag ang isang tao ay binubuhay ng Espiritu ng Diyos. Ang mga puntong ito ay hinango mula kay Robert Murray McCheyne, isang tanyag na taga Scotland na muling pagkabuhay na mangangaral ng ika-labin siyam na siglo (sa Andrew A. Bonar, Mga Gunita ni McCheyene [Memoirs of McCheyne], Moody Press, 1978 edisyon, pp. 251-253).

Una, ginagawa ng Espiritu ng Diyos ang patay sa espirituwal na makasalanan na makita at maramdaman ang mga kasalanan na kanyang nakamit. Noon ay madali mong nalimutan ang iyong mga kasalanan. Araw araw nagdadagadag ka ng mas marami pang kasalanan na naitala sa mga aklat ng Diyos laban sa iyo (Apocalipsis 20:12). Ngunit hindi mo natandaan ang mga ito. Gayon kapag ang Espiritu ng Diyos ay magsisimulang dumating sa iyo magsisimula mo silang matandaan. Yoong mga matagal mo nang nalimutang mga kasalanan ay babangon sa iyong isipan, at iyong sasabihin kasama ni David,

“Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan. Ang mga kasamaan ko ay umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin; sila'y higit kay sa mga buhok ng aking ulo, at ang aking puso ay nagpalata sa akin” (Mga Awit 40:12).

Pangalawa, ang ginagawa ng Banal na Espiritu na maramdaman mo ang kadakilaan ng iyong kasalanan. Noon mukhang ang iyong mga kasalanan ay maliit, ngunit ngayon tumataas sila na tulad ng isang baha sa iyong isipan. Nararamadaman mo ang poot ng Diyos gaya ng isang teribleng karga sa iyong kaluluwa. Ika’y nagdurusa dahil sa takot. Nakikita mo ang iyong kasalanan na nagawa laban sa isang banal na Diyos, nagawa laban sa pag-ibig ng Diyos, nagawa laban kay Hesus at Kanyang pag-ibig.

Pangatlo, nagsisimula mong maramdaman ang katiwalian ng iyong puso. Yoong mga nasa ilalim ng kumbiksyon ay madalas nagagawang maramdaman ang teribleng mga gawain ng kasalanan sa kanilang mga puso. Madalas mga tukso at kumbiksyon ng kasalanan ay nagtatampo, at pinahihirapan ang kaluluwa. Tinutusok ng kumbiksyon ng kasalanan ang puso, dinadala kang tumakas mula sa poot na darating. Gayon, sa parehong beses, isang napopoot na kasakiman, o kainggitan, o galit ay kumukulo sa iyong puso, dinadala ka papunta sa Impiyerno. Tapos iyong mararamdaman ang Impiyerno sa loob mo. Sa Impiyerno magkakaroon nitong teribleng paghahalo ng isang nakalalamon na takot ng poot ng Diyos, at gayon ay ang katiwalian, na kumukulo sa loob, ay magdadala sa kaluluwa mas higit higit pa sa mga apoy. Ito’y madalas maramdaman sa lupa noong mga nadala sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan.

Pang-apat, ang Espiritu ng Diyos ay nagngungumbinsi sa iyo ng iyong pagkawalang abilidad na iligtas ang iyong sarili. Noon akala mo na madali mong maalis ang teribleng pagdurusang iyong nararamadaman. Sinusubukan mong baguhin ang iyong buhay, magsisi, manalangin. Ngunit ika’y agad-agad matuturuan na ang iyong mga pagtatangkang mahanap ang kapayapaan ay lahat mga gawain upang takpan ang iyong mga kasalanan ng maruming mga basahan, na ang iyong “lahat [ng] katuwiran ay naging parang basahang marumi” (Isaias 64:4). Magsisimula mong maramdaman na hindi ka kailan man magiging malinis. Ang iyong puso ay lumulubog sa desperadong kalungkutan. Ika’y pinahihirapan araw araw ng mga malulungkot na mga isipang ito.

Panlima, nagsisimula mong katakutan na hindi ka kailan man makapupunta kay Kristo. Narinig mo na si Kristo ay totoong kaibigibig, na tinatawag ka Niyang magpunta sa Kanya, na hindi Niya kailan man pinalalyas young mga nagpupunta sa Kanya. Ngunit wala sa mga iyan ay nagbibigay sa iyo ng gaan ng loob or kapayapaan. Natatakot ka na ika’y nagkasala ng napaka tagal nang masyado. Natatakot ka na ika’y nagkasala papalayo sa araw ng biyaya, na iyong nakamit ang di napapatawad na kasalanan, na ika’y patay na.

Pang-anim, sa wakas ika’y gibing giba na at takot na ika’y malugod na gawin ang kahit anong bagay upang makahanap ng kapayapaan. At tapos, para bang isang himala (dahil ito’y isang himala) ika’y magagawang makita si Kristo ang Tagapagligtas noong mga walang pag-asa at hindi gaya ibigay ang sarili nila sa Kanya. Tapos mahahanp mo na ang iyong kalagayan ay hindi masyadong desperado para kay Hesus. Tapos titingin ka sa Kanya at magpupunta sa ilalim ng Kanyang ganap na pag-ibig, pag-ibig na walang takot, pag-ibig na walang paghihirap, ang pag-ibig ni Hesus na nag-aalis ng lahat ng takot. O, naway tumingin ka kay Hesus ngayong gabi! Ang iyong mga takot ay mawawala, at ang iyong mga kasalanan ay malilinisan magpakailan man ng Kanyang mahal na Dugo! Tapos sasabihin mo, “Ito’y talagang ang Ebanghelyo! Ito’y talagang ang mabuting balita sa aking nagkakasakit ng kasalanang kaluluwa!” Naway ika’y magawang tumingin kay Hesus ngayon, dahil ililigtas ka Niya agad-agad kapag tumingin ka sa Kanyang umiibig sa iyo! Tapos malalaman mo kung anong ibig sabihin ng paglipat mula sa kamatayan sa buhay! Tapos iibigin mo si ang Kristiyanong mga kapatid sa isang paraan na hindi mo pa nagagawa noon; at ika’y magagawang makanta mula sa iyong puso,

Pagpalain ang tali na nag-iisa
   Sa ating mga puso sa Kristiyanong pag-ibig
Ang ating pagsasama-sama ng mga nag-uugnay na mga isipan,
   Ay tulad noong sa itaas.
(“Pagpalin ang Tali ng Nag-iisa.” Isinalin mula sa
   “Blest Be the Tie that Binds” ni John Fawcett, 1740-1817).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Ni Juan 3:11-14.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pagpalin ang Tali ng Nag-iisa.” Isinalin mula sa
“Blest Be the Tie that Binds” (ni John Fawcett, 1740-1817).


BALANGKAS NG

ISANG TIYAK NA PATUNAY NG KALIGTASAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan” (I Ni Juan 3:14).

(Mateo 24:12, 3)

I.   Una, anong hindi nagpapatunay na mayroon kang buhay,
I Ni Juan 3:15; Santiago 2:19; Mga Gawa 8:13, 21, 19;
Mateo 7:22-23; II Ni Timoteo 3:13.

II.  Pangalawa, anong nagpapatunay na mayroon kang buhay,
Juan 9:31, 38; Mga Taga Roma 10:13; I Ni Juan 3:11-13; 2:19.

III. Pangatlo, anong dapat mangyari para sa iyong lumipat mula sa
kamatayan sa buhay, Mga Taga Efeso 2:1; Apocalipsis 20:12;
Mga Awit 40:12; Isaias 64:6.