Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




NILAPA AT NAPAGALING

TORN AND HEALED

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-15 ng Hulyo taon 2012

“Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo. Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya” (Hosea 6:1-2).


Ang propetang si Hosea ay nagbigay ng isang malungkot na larawan ng relihyosong kalagayan ng Israel. Sinabi niya, “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman” (Hosea 4:6). Ephraim ang pinakamalaking tribo ng Israel, at ang pangalang iyan ay madalas gamiting ng propeta upang ipahiwatig ang buong bansa. Sinabi ni Hosea, “Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya” (Hosea 4:17). Sinabi ng Diyos na ang Israel ay napakabighani sa pagsasamba ng mga diosdiosan na sila’y Kanyang iiwanang mag-isa sa kanilang mga kasalanan. Sinabi ni Hosea na ang Diyos “umurong sa kanila” (Hosea 5:6). Sinabi ng Diyos, “Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha…” (Hosea 5:15).

Maari nating maaplika ito sa sarili nating bansa, at sa buong Makanlurang mundo, at ito’y magiging tamang gawin. Ang ating mga tao ay nasisira rin dahil sa pagkakulang ng kaalaman ng Diyos. Ang ating mga tao ay nalalakip sa mga diosdiosan, iniibig nga lubos ang kasalanan na iniurong nga Diyos ang kamay ng awa mula sa atin, at iniwanan ang ating mga simbahan sa pagkalito, na walang malaking muling pagkabuhay sa ating mga bansa simula noong 1859. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,

      Atin bang natatanto na ang sama ng loob ng Diyos sa Simbahan? Bakit mayroong ganoon na lamang kahabang pagitan mula noong ang Diyos ay huling bumaba sa pagitan natin Kanyang mga tao sa muling pagkabuhay? Bakit mayroong nitong mahabang panahon ng pagpanlulumo? Bakit ang mga bagay ay kung paano sila? Bakit ang mga Simbahan ay nagbibilang para sa napakakauti? Bakit siya napaka walang bisa? Bakit na ang ma kalalakihan at kababaihan ay nabubuhay sa kasalanan, kung paano sila, at ang mga bagay ay nagiging mula sa masama sa malubha?...Ang mga kalalakihan at kababaihan, kapag sila’y tunay na nagigising, ay nagsisimulang matanto na wala nang mas seryoso pa kaysa sa pagkawala ng presensya ng Diyos…na walang panlabas na prosperidad, at walang uri ng tagumpay, ang makapapalit sa pagkawala ng Diyos (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Revival, Crossway Books, 1987 edisyon, pp. 155, 157, 159).

Ngunit ngayong gabi hindi ko gagamitin ang tesktong ito sa espirituwal na kalagayan ng mga simbahan sa Makanlurang mundo. Imbes, akin itong gagamitin doon sa inyo na hindi pa napagbabagong loob kay Kristo.

“Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo. Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya” (Hosea 6:1-2).

Ito’y magiging mainam kung lahat tayo ay makabubuhay sa pakikisama ng Diyos. Mayroong panahon noong ang Diyos at tao ay nabuhay na magkasama sa kapayapaan at pagkakaisa. Sa kanilang panahon ng pagkainosente ang ating unang mga magulang ay nabuhay sa isang ganap na relasyon kasama ng Diyos. Ngunit sila’y nagrebele laban sa Kanya, at nagkasala. Agad-agad sila’y naputol mula sa Diyos at “nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan” (Genesis 3:8). Ngayon sila’y takot sa Panginoon, at ang kanilang mga nagrerebeldeng mga puso ay “pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). Ang mga anak na kanilang ipinanganak ay lumabas na mayroong parehong pakikipagalit at pagrerebelde sa kanilang loob na nasa mga puso ng kanilang mga magulang,

“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao...” (Mga Taga Roma 5:12).

Hindi lamang ito pisikal na kamatayan na naipasa sa kanila mula kay Adam, kundi espiritwal na kamatayan rin – kaya lahat ng kanilang mga magiging anak ay naipanganak “mga patay dahil sa […] mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1). Sa kalagayang ito ng kamatayan, hindi na nila nakilala ang Diyos ng personal. Tumingin sila sa pagsasamba ng mga diosdiosan, “At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang” (Mga Taga Roma 1:23). Sila’y naputol mula sa tunay na Diyos sa pamamagitan ng kanilang kasalanan. Gaya ng sinabi ni Isaias,

“Pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo” (Isaias 59:2).

Gayon ang Diyos ay naawa sa sanglibutan, at ipinadala ang Kanyang Espiritu upang gisingin sila mula sa kanilang kasalanan upang sila’y mapagaling, at mabuhay muli sa kaligayahan at pagkakaugnay sa kanilang Tagapaglikha. Ngunit upang maibalik sila sa maligayang kondisyon, kailangang tratuhin ng Diyos ang makasalanan ng mahigptit. Ito ang tunay na Diyos ng Bibliya. Siya ay dakila at terible. Hindi Niya tayo trinatrato ng kasing gaspang na kung paano tayo dapat tratuhin nararapat. Ang Kanyang paghahatol sa atin ay nanggagaling mula sa Kanyang puso ng pag-ibig para sa atin. Nilalapa at binabanatan Niya tayo upang dalhin tayo sa ating pag-iisip, upang buhayin tayo na tayo’y mabuhay muli sa pamamagitan ni Kristo, sa pakiksama na nawala ng una nating mga magulang dahil sa kanilang kasalanan sa Hardin. Atin gayong tignan, ang ating teksto na nasa isipan na matitinding mga katotohanang ito sa ating isipan.

I. Una, ang Espiritu ng Diyos ay lalapa at bumabanat ng mga puso ng makasalanan.

“Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo” (Hosea 6:1).

Iniisip ng mga masasamang mga tao na ang kanilang mga kaguluhan ay dumarating sa kanila ng simpleng pagkakataon lamang. Hindi nila nakikita ang kamay ng Diyos na kumikilos kapag matitinding mga pagsubok ay dumarating sa kanila. Hindi nila nakikita na ang mga kaguluhang ito ay ipinadala sa kanila sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, upang ituwid sila at gisingin sila mula sa pagkatulog ng kamatayan. Minsan iniisip pa nga nila na ang kanilang mga problema ay ay nanggagaling sa Diablo, hindi naiisip na ang masamang nilalang na ito ay walang magagawa hangga’t papayagan ito ng Diyos, gaya ng pagkasabi sa atin sa unang kapitulo ng Job. O, maari nilang isipin na ang kanilang mga pagsubok ay nanggagaling mula sa ibang mga tao, at kaya nagiging galit sila sa mga taong gumagawa sa kanila ng masama.

Kinakailangan ng biyaya ng Diyos para sa iyo na makita na bawat pagsubok at paghihirap ay nanggagaling mula sa Diyos, at na ginagamit Niya ang mga problemang ito upang palalimin ang iyong tiwala sa Kanya, o kaya, sa kaso noong mga nawawala, upang gisingin sila at dalhin ka sa iyong pag-iisip! Sinasabi ng Bibliya,

“Sasapit baga ang kasamaan sa bayan, at hindi ginawa ng Panginoon?”
      (Amos 3:6).

Anomang paraan dumating ang pagsubok, ito’y dumating mula sa Diyos. Kung ang kaguluhan ay nanggaling mula sa kalaban o sa isang mapaglinlang na kaibigan, ito’y totoong nanggaling mula sa Diyos. Kung ito’y isang nawalang negosyo o karamdaman, sa kahit ano sa dalawang kasong ito ito’y nanggaling mula sa Panginoon. Pinayagan Niya itong mangyari para sa isang dahilan.

Iyong matutunan ang aral na iyan. Binanatan ka ng Diyos. Nilapa ka Niya. At ginawa Niya ito para sa isang dahilan. Maaring magmukha itong “masamang kapalaran” – ngunit hindi ito ganoon. Naway ipakita ng Espiritu ng Diyos sa iyo na ang iyong mga pagkawala at pagdurusa at kaguluhan ay dumating sa iyo mula sa kamay ng Diyos – para sa isang dahilan! Hindi ako magugulat kung ika’y nalapa at binanatan at hindi dumaan sa lahat ng iyon dahil ang Diyos ay mayroong matinding layunin para sa paggawa nito, dahil mahal ka Niya! Tignan ang mapaglustang anak sa malayong bansa. Mayroon siyang maraming pera. Mayroon siya ng lahat ng bagay! Ngunit masasamang mga bagay na sunod-sunod ang dumating sa kanya. Bakit? Upang gisingin siya upang siya’y maligtas! “Siya'y [nakapagisip]” (Lucas 15:17). Ngunit hindi siya kailan man siguro makapupunta sa kanyang sarili, kung hindi siya nagising, kung ang kamay ng Diyos ay hindi bumagsak ng matigas sa kanya, nilalapa siya at binabanatan siya hanggang sa sinabi niya, “Magtitindig ako at paroroon sa aking ama” (Lucas 15:18).

Kung makakita ka ng isang batang lalakeng nanghihimasok sa isang bahaym mas gugustuhin mo pang magpatuloy nalang at huwag nang madamay pa. Ngunit kung nakita mo ang sarili mong anak na ginagawa ito, tiyak ako na siya’y iyong hahatakin at papaluin ng mabuti. Mamahalin mo ba siya ng mas kaunti kaysa noong isang batang lalake? Hindi, iyong didisiplinahin ang iyong anak dahil mas mahal mo siya! Gayon, sinasabi ng Diyos,

“Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan”
       (Apocalipsis 3:19).

Paano ang kumbiksyon ng kasalanan? Ang ilan sa inyo ay sumigaw sa Diyos para sa awa, ngunit nahanap na hindi Niya kayo sinagot. Imbes Kanyang inialis ang Kanyang sarili mula sa iyo ng mas malayo pa, at iniwanan kang miserable. Bakit hindi Niya sinagot ang iyong hiywa para sa awa? Dahil mahal ka Niya! Sinasabi Niya,s

“Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan.”

sIniwanan ka Niya na nadaramang terible at nawawala dahil gusto Niyang makita mo ng malinaw na wala sa mundong ito ang makadadala ng payapa sa iyong kaluluwa kundi ang Anak ng Diyos! Sa Kanyang matinding pag-ibig para sa iyo, nagsasanhi ang Diyos sa iyong makita mo, sa pamamagitan ng pagpaparusa, na si Hesus ay “totoong kaibigibig” (Awit ni Solomon 5:16). Ikaw sa kalikasa’y, “hahamakin at itinakwil” si Hesus, at hindi siya “hinahalagahan” (Isaias 53:3), hanggang sa lalapain ka at babanatan ka ng Diyos sa puntong ika’y titingin kay Hesus dahil wala nang ibang lugar na pupuntahan pa! Hindi ba iyan ang dahilan na sinabi ni Pedrong,

“Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan” (Juan 6:68).

Pinuputol ka ng Diyos mula sa lahat ng ibang pag-asa. Kanyang kang nilalapa at binabanatan ng nakapuputol na kumbiksyon, at lahat ng pagkawala ng makataong pag-asa, upang iyong itapon ang iyong sarili sa paa ni Hesus at humiyaw, “Panginoon, iligtas mo ako” (Mateo 14:30).

Ang Iyong Banal na Espiritu lamang, Panginoon,
   Ang makapa-iikot sa aming mga puso mula sa kasalanan;
Ang Kanyang kapangyarihan lamang ang makapalalaya sa amin
   At bigyan kami ng kapayapaan sa loob.
(“Ang Iyong Banal na Espiritu Lamang.” Isinalin mula sa
   “Thy Holy Spirit, Lord, Alone” ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).

Kapag nilapa ka at binanatan ka ng Banal na Espiritu, pagagalingin ka ni Hesus. Kanyang ibubuhos ang langis at alak, gaya ng ginawa ng Mabuting Samaritano. Tapos lilinisin ni Hesus ang leproso ng kasalanan sa iyong puso gamit ng Kanyang banal na Dugo. Ika’y Kanyang babalutin at pagagalingin, huhugasan ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang Dugo, at bigyan ka ng kapayapaan sa loob.

“Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo” (Hosea 6:1).

Ang Iyong Banal na Espiritu lamang, Panginoon,
   Ang makapa-iikot sa aming mga puso mula sa kasalanan;
Ang Kanyang kapangyarihan lamang ang makapalalaya sa amin
   At bigyan kami ng kapayapaan sa loob.

Kapag Kanyang nalapa ang iyong puso at nabanatan ang iyong konsensya, at iyong maramdaman na ang iyong kasalanan ay di na katiis-tiis, tapos maari mo nang tignan si Hesus, at makakakanta,

Akin Siyang pupurihin! Akin Siyang pupurihin!
   Papuri sa Kordero para sa makasalanang pinatay;
Bigyan Siya ng luwalhati, kayong lahat mga tao,
   Dahil mahuhugasan ng Kanyang Dugo ang bawat isang mansta.
(“Akin Siyang Pupurihin.” Isinalin mula sa “I Will Praise Him”
     ni Margaret J. Harris, 1865-1919).

II. Pangalawa, ang Espiritu ng Diyos ay nakabubuhay ng puso, at ika’y mabubuhay sa Kanyang paningin.

“Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya” (Hosea 6:2).

Ang Espiritu ng Diyos ay nanlalapa at nambabanat ng makasalanan hanggang sa makita niya na siya patay sa mga kasalanan. “Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo.” Siyempre huwag dapat natin itong kunin na literal. Rinerepresenta nito ang isang panahon kung saan ang iyong mga huwad na mga pag-asa ay nabibigo, at nararamdaman mong ika’y patay sa kasalanan. Siya’y maghihintay, gaano man katagal ito, hanggang sa iyong maramdaman na ika’y napaka patay na wala ka nang magawa upang maligtas ang iyong sarili. Para sa ilan kakaunting oras lamang ang kinakailangan, marahil ilang minute lamang. Ngunit inabot ng dalawang taon bago naramdaman ni Dr. Cagan na siya’y walang pag-asang nawawala. Inabot ng pitong taon para sa akin na mapunta sa ilalim ng sentensya ng kamtayan. May kilala akong isang babae na nilapa at binanatan ng labing pitong taon bago siya namatay sa sarili niyang kapangyarihan. Ngunit ibinangon siya ng Espiritu ng Diyos kay Hesus, at nabuhay siya sa kanyang paningin! “Dalawang araw” ay nirerepresenta ang haba ng oras, gaano man kaikli o kahaba, kung saan ang kaluluwa ay lumulubog sa kawalan ng pag-asa, at nararamdamang patay sa Diyos, at walang magawa sa lahat ng mga gawain ng pansariling-kaligtasan.

Kapag ika’y lubos na patay na at nararamdaman ito, kapag ang lahat ng makalupain pag-asa ay wala na, gayon darating ang Espiritu ng Diyos at ibabangon ka kay Hesus – sa kanang kamay ng Diyos – sa pamamagitan ng pananampalataya na wala ka kailan man noon!

“Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas) At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus” (Mga Taga Efeso 2:4-6).

Ibinangayon mula sa pagkamatay ng Espiritu ng Diyo, gayon ika’y “mabubuhay sa kanyang paningin”!

Ang taon hindi pa nalalapa at nababantan sa kamatyan ay magtatanong, “Paano ako makapupunta kay Hesus?” Ngunit kapag lahat ng kanyang huwad na pag-asa ay wala na, at nararamdaman niyang patay na sa kasalanan, ibabangon siya ng Diyos kay Hesus! Ito’y mukhang magiging natural at madali kapag gagawin niya ito! Lahat ng iyong pagsisikap at mga luha ay malilimutan kapag ika’y maibabangon ng Diyos, “at magawang maupo…sa mga kalangitang lugar kay Hesu-Kristo”!!!

Ang Iyong Banal na Espiritu lamang, Panginoon
   Ang makadadala sa atin sa Iyong Anak;
Ang Kanyang kapangyarihan lamang ang makaaalis ng belo,
   Upang tayo kay Kristo ay makapunta.

Ang parehong kapangyarihan na bumangon kay Kristo mula sa pagkamatay sa pangatlong araw ay babangon sa iyo sa Kanya at bibigyan ka ng buhay!

“Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay. Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli... Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni't mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus” (Mga Taga Roma 6:4, 5, 11).

Ang Iyong Banal na Espiritu lamang, Panginoon
   Ang makadadala sa atin sa Iyong Anak;
Ang Kanyang kapangyarihan lamang ang makaaalis ng belo,
   Upang tayo kay Kristo ay makapunta.

Si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay sa pangatlong araw!

“Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya” (Hosea 6:2).

Kapag ika’y maibabangon, aming kakantahin patungkol sa iyo, gaya ng pagkanta namin kay Hesus,

Siyang namatay ay nabuhay muli,
   Siyang namatay ay nabuhay muli;
Nasira ang matibay, nagyeyelong gapos ng kamatayan,
   Siyang namatay ay nabuhay muli.
(“Nabuhay Muli.” Isinalin mula sa “Alive Again”
     ni Paul Rader, 1878-1938).

Kantahin ito kasama ko!

Siyang namatay ay nabuhay muli,
   Siyang namatay ay nabuhay muli;
Nasira ang matibay, nagyeyelong gapos ng kamatayan,
   Siyang namatay ay nabuhay muli.

Sinabi ng ama ng Mapaglustay na Anak,

“Ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa”
       (Lucas 15:24).

Ito ang Ebanghelyo ng Panginoon! Ito ang buhay mula sa pagkamatay! Ito’y mabuting balita para sa iyo ngayong gabi! Patay na mga makasalanan ay nagawang mabuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ating Diyos!

“Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya” (Hosea 6:2).

Sa nag-iibig na kabutihan si Hesus ay dumating
   Aking kaluluwa upang tubusin,
At mula sa lalim ng kasalanan at hiya
   Sa pamamagitan ng biyaya itinaas Niya ako.
Mula sa lumulubog na buhangin itinaas Niya ako,
   Na may malambot na kamay itinaas Niya ako,
Mula sa lilim ng gabi sa mga patag ng ilaw,
   O, purihin ang Kanyang pangalan, itinaas Niya ako!

Tinawag Niya ako matagal pa bago ko narinig,
   Bago ang aking makasalanang puso ay mapukas,
Ngunit noong akin Siyang kinuha sa Kanyang salita,
   Pinatawad itinaas Niya ako.

Kantahin ang koro kasama ko!

Mula sa lumulubog na buhangin itinaas Niya ako,
   Na may malambot na kamay itinaas Niya ako,
Mula sa lilim ng gabi sa mga patag ng ilaw,
   O, purihin ang Kanyang pangalan, itinaas Niya ako!
(“Itinaas Niya Ako.” Isinalin mula sa “He Lifted Me”
     ni Charles H. Gabriel, 1856-1932).

Dito dapat akong magdagdag ng isang salita ng babala. Kapag ika’y magpunta kay Hesus sa pananampalataya maari mong maramdaman ang pagbabago ng biglaan. Maari kang magpunta sa simbahan ngayong gabi na may puspos na kasiguraduhan na ililigtas ka ni Hesus. Maari ka pa ngang umalis rito na may galak na naghahari sa iyong puso, na may puspos na kaalaman na ika’y itinaas ni Hesus, at nabubuhay sa Kanyang paningin. At kung gagawin mo ito, papuri sa Diyos para rito! Ngunit ang iba ay maaring magawang mabuhay sa Kanyang paningin at hindi pa maging masyadong tiyak patungkol rito. Aking malinaw na naaalala ang araw na iniligtas ako ni Hesus. Ngunit hindi ko alam na ako’y naligtas noong oras na iyon. Pagkatpos lamang ng ilang araw na dumaan na aking natanto na Kanyang pinatawad ang aking mga kasalanan, at binigyan ako ng buhay mula sa pagkamatay. Si Dr. Ebenezer Porter ay isang madunong na muling pagkabuhay na mangangaral mula sa Pangalawang Dakilang Pagkagising. Sinabi ni Dr. Porter, “Ang ilan, na mayroong kaig-igayang pananaw ng luwalhati ng Diyos, ay hindi nagtagal na ‘nanagana sa pag-asa;’ ngunit ang mas dakilang bahagi ay nadala ng lubos na unti-unti upang aliwin ang isang pag-asa na sila’y nakipagkasundo sa Diyos” (isinalin mula kay Dr. Ebenezer Porter, Letters on Revival, Linde Publications, 1992 inilimbag muli, p. 82).

Kung gayon huwag manghihina ang loob kung aalis ka rito ngayong gabi na walang punong kasiguraduhan na ika’y ligtas. Kahit na, “kasiguraduhan” ang hindi mo kailangang higit. Kasiguraduhan ay darating mamaya. Ang kailangan mo ngayong gabi ay ang mapatawad ang iyong mga kasalanan, at ang iyong mga kasalanan na malinis sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus. Ngayong gabi sinasabi ng ating teskto, “tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.”

Magpunta kay Hesus ngayong gabi. Iwanan ang lahat ng ibang mga bagay. Magpunta kay Hesus at Kanyang pagagalingin ang iyong mga kasalanan at lilinisin ang mga ito gamit ng Kanyang mahal na Dugo.

Aking kakantahin ang kantang kinanta kanina ni Gg. Griffith sa simula ng sermon ito. Habang aking kinakanta ito, umalis mula sa inyong upuan at magpunta sa likuran ng sangtuwaryo. Dadalhin kayo ni Dr. Cagan sa isang tahimik na silid para sa pagpapayo at pananalangin. Kung hindi ka pa ligtas naway magpunta sa likuran ng silid habang ako’y kumakanta.

Ang Iyong Banal na Espiritu lamang, Panginoon,
   Ang makapa-iikot sa aming mga puso mula sa kasalanan;
Ang Kanyang kapangyarihan lamang ang makapalalaya sa amin
   At bigyan kami ng kapayapaan sa loob.

Ang Iyong Banal na Espiritu lamang, Panginoon,
   Can love for Christ inspire; Ang makaiibig dahil sai Kristo ay nakapupukaw;
Ang Kanyang kapangyarihan lamang sa loob ng ating mga kaluluwa
   Ang makaiilaw ng sagradong apoy.

Ang Iyong Banal na Espiritu lamang, Panginoon
   Ang makadadala sa atin sa Iyong Anak;
Ang Kanyang kapangyarihan lamang ang makaaalis ng belo,
   Upang tayo kay Kristo ay makapunta.
(Ang Iyong Banal na Espiritu Lamang, Panginoon.”
      Isinalin mula sa “Thy Holy Spirit, Lord, Alone”
      ni Fanny J. Crosby, 1820-1915;
      binago ang pangatlong taludtod ni Dr. Hymers).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Hosea 6:1-2.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Iyong Banal na Espiritu Lamang, Panginoon.” Isinalin mula sa
“Thy Holy Spirit, Lord, Alone” (ni Fanny J. Crosby, 1820-1915);
binago ang pangatlong taludtod ni Dr. Hymers.


ANG BALANGKAS NG

NILAPA AT NAPAGALING

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo. Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya” (Hosea 6:1-2).

(Hosea 4:6, 17; 5:6, 15; Genesis 3:8; Mga Taga Roma 8:7; 5:12;
Mga Taga Efeso 2:1; Mga Taga Roma 1:23; Isaias 59:2)

I.   Una, ang Espiritu ng Diyos ay lalapa at bumabanat ng mga puso ng
makasalanan, Hosea 6:1; Amos 3:6; Lucas 15:17, 18; Apocalipsis 3:19;
Awit ng Solomon 5:16; Isaias 53:3; Juan 6:68; Mateo 14:30.

II.  Pangalawa, ang Espiritu ng Diyos ay nakabubuhay ng puso, at ika’y
mabubuhay sa Kanyang paningin, Hosea 6:2; Mga Taga Efeso 2:4-6;
Mga Taga Roma 6:4, 5, 11; Lucas 15:24.