Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BAKIT SI NOE AY NALIGTAS AT ANG NATIRA’Y NAWAWALA WHY NOAH WAS SAVED AND THE REST WERE LOST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37). |
Si Dr. Gleason L. Archer ay humahawak ng mga antas mula sa Teyolohikal na Seminaryo ng Princeton at mula sa Pagtatapos na Paaralan ng Harvard. Tinapos niya ang kanyang karir bilang isang Propesor ng Lumang Tipan sa Trinidad Ebanghelikal na Kabanalang Paaralan [Trinity Evangelical Divinity School] sa Deerfield Illinois. Si Dr. Archer ay ang kaibigan ng aking mahabang panahon nang Tsinong pastor na si Dr. Timothy Lin, na siya rin ay isang eskolar ng Lumang Tipan at Biblikal na lingguwista. Kilala ko si Dr. Archer at nagsalita siya sa ating simbahan. Patungkol kay Noe at ang Matinding Baha, sinabi ni Dr. Archer na ang paniniwala ni Kristo kay Noe at ang Baha sa Mateo 24:37-39 ay nagsasanhi sa tunay na mga Kristiyanong tanggapin ang mga ulat sa Genesis. Sinabi niya, “Hinuhulaan ni Hesus na ang isang hinaharap na makasaysayang pangyayari ay magaganap bilang isang antitipo sa isang pangyayari na naganap sa Lumang Tipan. Itinuring Niya siguro ang Baha bilang isang literal na kasaysayan, gaya ng pagkatala nito sa Genesis” (isinalin mula kay Gleason L. Archer, Ph.D., Encyclopedia of Bible Difficulties, Zondervan Publishing House, 1982, p. 21). Patungkol sa Baha mismo, sinabi ni Dr. Archer, “Heyolohikal na ebidensya ay may hindi mapag-aalinlangang kahalagahan, kahit na ito’y bihirang binabanggit ng mga siyentipiko na tinatanggihan ang ganap na kawastuan ng Kasulatan. Ito ay isang tiyak na uri ng ebidensiya ng isang mabilis ngunit biyolenteng episodyo ng uring ito [sa Baha] ay maaasahan na magpakita sa loob ng maikling haba ng isang taon…na napakatiyak na tumetestigo sa tipo ng Pagkagunaw na inilarawan sa Genesis 7” (isinalin mula sa ibid., p. 83). Sinabi niya, “Ang ilang mga Kristiyanong heyolohista ay nararamdaman na ang ilan sa mga pangunahing panlindol mga pangingistorbo sa iba’t-ibang bahagi ng globo sa Cenozoic na mga antas ay maipapaliwanag ng pinakamahusay bilang kinalabit ng Baha” (isinalin mula sa ibid., p. 82). Kung gayon sinabi ni Dr. Archer na isang pangdaigdigang Baha ay umaalinsunod sa heyolohikal na ebidensya (isinalin mula sa ibid.). Naniniwala ako na tamang-tama si Dr. Archer, at na nagkaroong ng pangdaigdigang Baha sa mga araw ni Noe.
At saka ang laki ng arka ni Noe ay katakut-takot. Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Pinapalagay na ang lumang panahong kubit ay 17.5 na mga pulgada lamang (ang pinakamaliit na iminumungkahi ng kahit anong awtoridad), ang arka ay maaring kumarga ng kasing rami ng 125,000 na mg mga hayop na kasing laki ng tupa. Dahil mayroong higit sa 25,000 na mga nilalang ng mga panlupaing mga hayop…nabubuhay o hindi na nabubuhay, at dahil ang karaniwang laki ng mga ganoong uri ng mga hayop ay tiyak na mas kaunti kaysa sa isang tupa, ito’y kapansin-pansin na lahat ng mga hayop ay madaling maitatago sa mas kaunting kapasidad ng arka ni Noe, bawat magkapares sa mga nararapat ng ‘silid’” (isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Pang-aral na Bibliya ng Manananggol [ The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995, p. 21; sulat Genesis 6:15).
Ngunit para sa akin ang pinaka kaakit-akit tungkol kay Noe ay ang mga pangyayari patungkol sa kanya at sa Baha ay, gaya ng ipinunto ni Dr. Archer, isang uri ng “isang hinaharap ng makasaysayang pangyayari,” na inilarawan ng Panginoong Hesu-Kristo noong sinabi Niyang,
“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).
Sinabi sa ating ng Panginoong Hesu-Kristo na ang mga pangyayari sa mundo sa panahon ng Kanyang Pangalawang Pagdating ay magiging pareho doon sa mga araw bago ng Matinding Baha. Gayon, ang mga kalagayan sa araw ni Noe ay mauulit bago ng Pangalawang Pagdating ni Kristo at sa katapusan ng mundo gaya ng pagkaalam natin nito.s Ang bawat tanda ay mukhang nagpapakita ng tayo na ngayon ay nabubuhay sa panahong iyon, sa wakas ng mga araw ng panahong ito.
Sa loob ng kanyang pinaka huling krusadang sermon, sa Lungsod ng New York noong 2005, tamang-tamang sinabi ni Billy Graham, “Sa Bagong Tipan, ang ‘bagong pagkapanganak’ ay binanggit ng siyam na beses. Ang pagsisisi ay binanggit ng mga pitompung beses. Ang Bautismo ay nabanggit ng dalawampung beses. Ngunit ang pagdating ni Kristo muli ay nabanggit ng daan-daang beses” (isinalin mula sa Nabubuhay sa Pag-ibig ng Diyos: Ang Krusadang New York [Living in God’s Love: The New York Crusade], G. P. Putnam’s Sons, 2005, p. 109).
Sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo na ang mga araw na binuhay ni Noe ay pareho sa panahon na Siya’y babalik muli,
“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).
Sa pangaral na ito ako’y sesentro (1) sa mga kalagayan sa panahon ni Noe, at (2) ang paraan na si Noe ay naligtas.
I. Una, ang mga kalagayan sa panahon ni Noe.
Paano ito sa mga araw ni Noe? Sinasabi ng Bibliya,
“Nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).
Ang mga tao sa araw na iyon ay nakapirmi ang kanilang mga isipan sa masama “parati.” Kapag sila’y natutulog, ang kanilang mga isipan ay napuno ng mga masasamang mga isipan. Kapag sila’y nagigising sa umaga, ang mga kaisipan sa kanilang mga puso ay agad-agad ng napupuno ng mga masasamang mga imahinasyon.
Sa pangaral na ito ang “Orihinal na Kasalanan” si John Wesley, ang nakahanap ng Metodistang Simbahan kung paano pa ito noon, ay nagsabi, tumutukoy sa Genesis 6:5,
Wala tayong dahilan upang maniwala na mayroong kahit anong tigil ng masama. Para sa Diyos, na ‘nakita na ang buong imahinasyon ng mga isipan ng puso na maging masama lamang,’ ay nakita rin, na ito’y kahit noon pa ay pareho, na ito’y masama lamang ng patuloy-tuloy;’ bawat taon, bawat araw, bawat oras, bawat sandal. Hindi kailan man lumihis [ang tao] sa kabutihan…Ganoon rin ang lahat ng mga kalalakihan bago pinadala ng Diyos ang baha sa lupa. Tayo’y pumapangalawa ay magsiyasat kung sila ay pareho ngayon (isinalin mula kay John Wesley, M.A., “Original Sin,” Ang Mga Gawain ni John Wesley [The Works of John Wesley], Baker Book House, 1979, kabuuan VI, p. 59).
Si Gg. Wesley ay nagpatuloy upang ipunto na ang mga tao ngayon ay nasa parehong kalagayan gaya noong mga bago ng Baha dahil sinira ng orihinal na kasalanan ang buong lahi ng tao. Sinabi niya na ang tao ay puno ng pagmamalaki, na “Itinatak ni Satanas ang sarili niyang imahen sa ating mga puso sa sariling kagustuhan,” na iniibig natin ang mundo kaysa Diyos, na tayo ay puno ng karnal na kasakiman at “ng paghahangad ng mga kasiyahan ng imahinasiyon.” Sinabi niya na ang tao ay puno ng pag-ibig para sa mundo. Tinukoy niya ang “ateyismo at idolatrya, ng pamamalaki, ng pansariling kagustuhan, at pag-ibig sa mundo.” Sinabi niya,
Ang tao ba sa kalikasan ay puno ng lahat ng pamamaraan ng masama? Siya ba ay naalisan ng lahat ng kabutihan? Siya ba ay buong-buong bumagsak? Ang kanyang kaluluwa ba ay lubusang nasira? O, bumabalik sa teksto, ang ‘bawat imahinasyon ng mga kaisipan ng kanyang puso ba ay masama lamang ng patuloy?’ Hayaan ito, at ika’y napakalayo ng isang Kristiyano…Itanggi ito, at ika’y isang hetano pa rin (isinalin mula sa ibid., p. 63).
Hindi ba tama sa Gg. Wesley? Eh ikaw? Hindi ba totoo na ang Diyos ay wala sa iyong isipan sa karamihan ng oras? Hindi ba ito totoo na iniibig mo ang mga bagay sa mundo kaysa iniibig ang Diyos – iyan sa katunayan ay hindi talaga umiibig sa Diyos sa anomang paraan? Hindi ba ito totoo na ikaw rin ay masyadong mapagmalaki upang aminin ang lahat ng mga ito? Hindi ba totoo na ang iyong isipan ay puno ng kasakiman? Hindi ba totoo na “Itinatak ni Satanas ang kanyang sariling imahen sa [iyong] puso sa pansariling kagustuhan?”
Ngunit, maari mong sabihin, “Hindi ba iyan palaging ang kalagayan ng tao simula ng Pabagsak?” Tiyak ito nga. Ngunit ang pagkakaiba ay nakasalalay rito – ang sangkatauhan sa pagsasara ng mga araw nitong dispensasyon ay mas higit na malakas na tinatanggihan ang gawain ng Banal na Espiritu sa pagngungumbinsi sa kanila ng kasalanan. Iyan sakto ang nangyari sa mga araw ni Noe. Sinasabi ng Bibliya sa atin na sinabi ng Diyos, “Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man” (Genesis 6:3). Ang mga tao ng mga araw ni Noe ay nilabanan ang Banal na Espiritu sa katapusan! At hindi ba iyan ang kaso ngayon sa ilang paran, na may kasidhian, na hindi pakailan man naging totoo sa mahabang kasaysayan ng Krisityanismo?
Tumingin pabalik. Sa mga maagang mga taon nitong dispensasyon libo-libong mga tao ay literal na tumakbo sa mga simbahan, iniiwan ang kanilang paganong pamumuhay sa kanilang likuran. Sa mga maaagang mga araw ng Kristiyanismo maari itong literal na masasabi na sampung libo “nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay” (I Mga Taga Tesalonica 1:9). Kahit sa kadiliman ng mga araw ng Gitnang mga Panahon milyon-milyon ay napaka seryoso tungkol sa kanilang Kristiyanismo, na mayisang kasidhian na hindi natin kailan man nakikita ngayon sa Kanlurang mundo. At sa mga araw ng Repormasyon ang mga tao ay napaka-nagugutom para sa Diyos na madalas silang napunta sa bilangguan, at pati sa isang nag-aapoy na poste, kaysa ipagkait si Kristo. Saan natin nakikita ang ganoong debosyon sa karamihan ng mundo ngayong gabi? At sa mga araw ng tatlong Dakilang Paggigising ito’y karaniwan na libo-libong mga tao na magpunta sa ilalim ng kombiksayon ng kasalanan bago sila magtiwala kay Hesus at napagbagong loob. Saan sa Kanlurang mundo ngayon natin nakikita ang muling pagkabuhay na tulad niyan, na karaniwan sa Pangalawang Dakilang Paggigising? Saan natin nakikita ang mga ganoong mga bagay gaya ng pagkalarawan nito sa paggigising noong taon 1814 sa Cornwall?
Daan-daan ang nagsisiiyak para sa awa ng sabay-sabay. Ang ilan ay nanatili sa matinding pagdurusa ng kaluluwa ng isang oras, ang ilan dalawa, ang ilang anim, ang ilang siyam, labin dalawa, at ilan ng labing-apat ng mga oras bago nagsalita ang Panginoon tungkol sa kapayapaan sa kanilang kaluluwa – tapos sila’y babangon, at iaabot ang kanilang kamay, at iproproklama ang nakamamanghang mga gawain ng Diyos, na may ganoon na lamang na enerhiya, na ang mga nagsisidaan ay magugulat ng isang sandali, at babagsak sa lupa at uungol dahil sa pagkabalisa ng kanilang mga kaluluwa (isinipi sa Apoy Mula sa Langit [Fire From Heaven] Paul E. G. Cook, Evangelical Press, 2009, p. 80).
Saan natin makikita ang ganoong pagkilos ng Banal ng Espiritu sa ating mga simbahan ngayon? Saan natin makikita ang mga pagbabagong loob tulad nito?
Narito ay isang lalaki na nabuhay na walang tunay na pag-unawa ng Diyos o ng pagkaseryoso ng kanyang kasalanan, at isang araw magsisimula kapag siya’y magkakamalay ng Diyos. Kanyang nararanasan ang malalim na kumbiksyon ng kasalanan at nagsisimulang hanapin ang Diyos, madalas na may isang pagkamalay ng desperasyon. Ginagawa niya ito hanggang sa siya’y madadala sa pag-sisisi at titingin papalayo sa Panginoong Hesu-Kristo para sa pagpapatawad at kaligtasan. Tapos siya’y binibigyan ng kasiguraduhan ng awa ng Diyos at kapatawaran ng kanyang kasalanan. At ito’y sinusundan ng matinding kasiyahan at kagalakan (isinalin mula kay Cook ibid., p. 119).
Saan tayo makakikita ng mga pagbabagong loob na tulad niyan sa ating Kanlurang mga simbahan ngayon? Hindi natin ito nakikita dahil nilalabanan ng mga tao ang Banal na Espiritu gaya ng ginawa nila sa mga araw ni Noe!
“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).
II. Pangalawa, ang paraan na si Noe mismo ay naligtas.
Ang buong mundo ay naging materyalistiko. Sa “materyalistiko” ang ibig kong sabihin ay ang sangkatauhan ay nakasentro sa materyal na mundo, na may kakaunting pag-iisip ng higit sa natural. Ang Diyos ay hindi sentral sa kanilang pag-iisip. Sila ay abala lamang patungkol sa mga bagay ng buhay na ito. Iniisip lamang nilang ang kanilang sariling buhay sa kasalukuyang mundo. Ginawa ni Hesus iyang napaka linaw noong sinabi Niyang,
“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37-39).
Ito’y nakakamangha ng hindi binanggit ni Kristo ang katunayan na ang kanilang pag-iisip ay “pawang masama lamang” (Genesis 6:5), kahit na sila nga’y ganoon. Hindi binanggit ni Kristo “sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan” (Genesis 6:13), kahit na ganoon nga ito. Binanggit lamang ni Kristo na sila’y “nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong” (Mateo 24:38). Ngunit sa pagbabanggit lamang ng pag-kakain at pag-iinom, nangagaasawa at pinapapagaasawa itinuturo ni Kristo ang ugat ng kanilang kasalanan. Sila’y napaka pokus sa mga bagay na iyon na, gaya ng sinabi ni Dr. McGee, “Nabuhay sila na para bang ang Diyos ay hindi nabubuhay. Hindi sila naniwala na sila’y Kanyang huhusgahan at pinagtawanan ang babala na ang baha ay padating” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Pamamagitan ng Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV, p. 132; sulat sa Mateo 24:38, 39). Inilalarawan nito ang mga tao sa ating araw rin. Sinabi ni Mark Dever, ang maimpluwensyang pastor ng Capitol Hill Baustitanga Simbahan sa Washington, D. C., kamakailan lang na, “Libo-libong, kung hindi milyon-milyon, ng mga miyembro ng simbahan ay hindi talaga naipanganak muling mga Kristiyano.”
Sinabi ni Hesus na kanilang “hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat” (Mateo 24:39). O, kanilang nadinig na ang Baha ay padating. Nakita nila ang arka. Kanilang narinig ang babala ni Noe, na tinawag ng Apostol Pedro na, “tagapangaral ng katuwiran” (II Ni Pedro 2:5). Nagkaroon sila ng maraming babala na ang paghahatol ay padating. Gayon man kanilang “hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw.” Ang Griyegong salitang isinaling “knew” ay nangangahulugang “nagkakamalay,” “upang makakilala” (isinalin mula kay Strong). Sinabi ni Dr. Rienecker na ito ay “Isang paglalarawan ng buhay na walang pag-aalala at walang paghuhula ng isang padating ng kalamidad” (isinalin mula kay Fritz Rienecker, Ph.D., Isang Linghuistikong Susi sa Bagong Tipan [A Linguistic Key to the New Testament], Zondervan Publishing House, 1980 edition, p. 72; sulat sa Mateo 24:39). Anong larawan ng ating mga panahon rin!
Ang mga tao sa araw ni Noe ay ibinigay ni Kristo bilang isang larawan ng paraan na karamihan ng mga tao ay mabubuhay sa katapusan ng kasalukuyang mundong ito. Naniniwala ako na ang ilan sa inyo rito ngayong gabi ay nabubuhay katulad noong mga nasa araw ni Noe! Maaring narinig mo na ang paghahatol ay darating. Ngunit hindi ka nito nahahawakan. Narinig mo na ang tungkol sa padating na paghahatol, ngunit hindi mo ito “mauunawaan.” Hindi ka nagaalala tungkol rito. Maaring mukha itong nakawiwili, ngunit hindi ito nagsasanhi sa iyong makaramdam ng kahit anong aprehensyon o takot. Narinig mo ang patungkol sa padating na paghahatol, ngunit hindi pa nito nakakapitan ang iyong puso, o nababago ang iyong buhay. Kanilang “hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat” (Mateo 24:39). Ang lahi ng tao ay nagpatuloy na sumentro sa mga materyal na mga bagay ng buhay, katulad ng pagkain at pagsisiya, na walang takot ng Diyos. Eh ikaw?
Ngayon pansiini kung paano naligtas si Noe. Simpleng sinasabi ng Aklat ng Genesis na,
“Datapuwa't si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon” (Genesis 6:8).
Ikinumpara ni Luther ang mga salitang iyon sa kung anong sinabi ng anghel kay Maria, “Nakasumpong ka ng biyaya sa Dios” (Lucas 1:30). Sinabi ni Luther, “Ang paraan ng pagsasalitang ito ay inaalis ang lahat ng katangian at pinalalaki ang pananampalataya alin ay sa pamamagitan lamang nito tayo ay napatutunayan sa harap ng Diyos at nakahahanap ng pabor sa Kanyang mata” (isinalin mula sa Mga Kumentaryo ni Luther sa Genesis [Luther’s Commentary on Genesis], Zondervan Publishing House, 1958 edisiyon, kabuuan I, p. 138).
Kaya ang unang bagay na ating matututunan tungkol kay Noe ay na siya ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya. Ang sunod na bagay na ating matututunana ay ito:
“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot,...” (Mga Taga Hebreo 11:7).
Ang biyaya ng Diyos nagsanhi kay Noe na mapakilos na may takot. Gaya ng paglagay nito ni John Newton (1725-1807), “Ito’y biyaya na nagturo sa aking pusong matakot” (Isinalin mula sa Nakamamanghang Biyaya,” pangalawang taludtod). Ang biyaya lamang ng Diyos ang makapaglagay ng takot sa puso ng isang di ligtas na makasalanan. Bago dumating ang biyaya ng Diyos sa isang tao wala siyang takot. Ang Apostol Pablo ay nagsalita patungkol doon sa mga hindi pa nahahawakan ng biyaya noong sinabi niya, “Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata” (Mga Taga Roma 3:18).
Minsan mayroong nagsabi sa akin, “Hindi ako takot sa Diyos” – na para bang akala niya ang kanyang karanasan ay di pangkaraniwan! Ngunit hindi ito sa anomang paraan di pangkaraniwan. Ibig nitong sabihin ay simpleng hindi ka pa kailan man nahahawakan ng biyaya ng Diyos – dahil ang unang bagay na ginagawa ng biyaya ay ang turuan ang iyong “pusong matakot” gaya ng paglagay nito ni Newton. Na wala ang biyaya ng Diyos bubuhayin mo ang iyong buhay na “walang takot sa Diyos sa [iyong] mga mata.” Ngunit ang biyaya ng Diyos ay darating sa iyo, sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu gagawin ka Niyang namamalayan ang iyong kasalanan. Lalagyan niya ng takot ang iyong puso dahil sa iyong mga kasalanan. Kung hindi ka gagawing matatakutin ng kasalanan hindi ka maliligtas mula sa kasalanan! Sinabi ni Dr. J. Gresham Machen, “Kapag ang tao ay mapupunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan, ang kanyang buong ugali tungo sa buhay ay mababago” (isinalin mula kay J. Gresham Machen, D.D., Kristiyanismo at Liberalismo [Christianity and Liberalism], Eerdmans Publishing Company, 1990 edition, p. 67).
Bago mo maranasan ang kumbiksyon ng kasalanan, maiisip mo lamang ang tungkol sa kung paano magkaroon ng tunay na pagbabagong loob. Isang binata ang nagsabi, “Natatakot akong magkaroon ng huwad ng pagbabagong loob.” Siya’y takot sa maling bagay! Walang takot sa Diyos. Walang takot sa kasalanan. Hindi siya nagigising sa kanyang teribleng kalagayan! “Walang takot sa Diyos sa [kanyang] mga mata”! Ngunit kapag ang Banal na Espiritu ay darating Kanyang susumbatan ka ng iyong kasalanan (Juan 16:8). Kapag ang kasalanan ay maging terible sa iyong isipan ang iyong “buong ugali tungo sa buhay [ay] magbabago,” gaya ng sinabi ni Dr. Machen.
At iyan ang naging paraan kay Noe. Noong kinumbinsi siya ng Banal ng Espiritu ng kanyang kasalanan, siya’y “dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan” (Mga Taga Hebreo 11:7). Ang kumbiksyon ng kasalanan lamang, at ang banal na takot sa Diyos, ang magpapakilos sa iyo sa kaligtasan ni Krisot, na simbolo ng araka! Tao mag-isip! Isipin ang iyong kasalanan. Isipin ang iyong mga nakaraang mga kasalanan ng iyong buhay! Isipin ang mga padating na paghahatol na iyong mararanasan dahil sa iyong kasalanan! Tumawag sa Diyos upang ika’y makumbinsing lubos na masasabi mong, “Ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko” (Mga Awit 51:3).
Sinasabi naming sa iyong pumasok sa arka, magpunta kay Hesus para sa kapatawaran mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay sa Krus. Sinasabi namin sa iyong magtiwala kay Hesus at malinisan mula sa iyong kasalanan sa pamamagitang ng Kanyang mahal na Dugo. Ngunit ang lahat ng iyong naiisip ang patungkol sa kung paano magtiwala sa Kanya! Kapag ang iyong kasalanan ay sumisindak sa iyo, hindi mo maiisip kung “paano” magtiwala kay Kristo! O, hindi! Ika’y “kikilos sa takot” at magpupunta sa arka para sa kaligtasan, alin ay ang Tagapagligtas, si Hesu-Kristo! Gaya ng sinabi ni Dr. Machen,
Kapag ang tao ay mapupunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan, ang kanyang buong ugali tungo sa buhay ay mababgo; magtataka siya sa kanyng dating pagkabulag, at ang mensahe ng ebanghelyo, na dati ay mukhang isang kwento lamang, ay ngayon magiging [buhay sa kanya]. Ngunit ang Diyos lamang ang makapagbubunga ng pagbabago (Isinalin mula kay Machen, ibid.).
Manalangin sa Diyos upang kumbinsihin ka ng iyong kasalanan! Dahil maliban nalang na gisingin ka ng Diyos sa pamamagitan ng pangungumbinsi sa iyo ng kasalanan ika’y nasumpa gaya noong mga sa panahon ni Noe na “hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat” (Mateo 24:39).
Kung hindi ka pa rin isang tunay na Kristiyano at gusto naming bigyan ka ng oras upang manalangin at maghanap ng paggabay. Magpunta sa likod ng sangtuwaryo ngayon at dadalhin kayo ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar upang magdasal. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 24:36-42.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Mga Panahong Tulad Nito.” Isinalin mula sa
“In Times Like These” (ni Ruth Caye Jones, 1902-1972).
ANG BALANGKAS NG BAKIT SI NOE AY NALIGTAS AT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37). I. Una, ang mga kalagayan sa panahon ni Noe, Genesis 6:5, 3; II. Pangalawa, ang paraan na si Noe mismo ay naligtas, Mateo 24:37-39; |