Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA DOKTRINA AT LALANG NG DEMONYO DEMONIC DOCTRINES AND DEVICES ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12). |
Alam ko na ang pangyayaring ito ay naganap sa hinaharap, at ibinigay sa atin bilang isang propesiya. At gayon man ang katotohanan nito ay kasing tanda ng panahon. Ang pinaka matandang aklat sa Bibliya ay nagbibigay sa atin ng parehong paliwanaga. Ang Aklat ng Genesis ay ibinigay kay Moises sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Ngunit ang Aklat ng Job ay naisulat muna. Itinakda ni Ussher ang petsa nito sa 1520 B.C. Sa Aklat ng Job si Satanas ay bumaba na may matinding poot at ginulo ang patriarkang iyon na may masamang poot. Kaya makahanap tayo ng walang katapusang katotohanan sa ating teksto. Gayon man ito’y isang katotohanan na mas ma-aaplika ng mas higit kaysa kailan pa man sa mga sumasarang mga araw ng kasaysayan.
Habang papalapit tayo sa katapusan ng panahong ito ang Diablo ay nagiging mas higit na naiinis at nagagalit. Mayroon siyang sapat na pagkaalam ng propesiya upang malaman ang hindi alam ng mga nabulag ng kasalanang tao – na ang panahon ay nauubos na para sa kanya at para sa lahi ng tao. Sinabi ni Spurgeon, “Makikita ito, kahit sa panghuling oras ng kasaysayan, na ang Diablo ay mapopoot ng higit kapag ang kanyang emperyo ay papalapit na sa katapusan…ang kadakilaan ng poot ng dragon ay tiyak na propesiya ng katapusan ng kanyang paghahari” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Si Satanas sa isang Poot” [“Satan in a Rage,”] The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1972 inilimbag muli, kabuuan XXV, p. 616). Gayon, ang mga salita ni Apostol Pedro ay maisasambuhay na ngayon higit pa kaysa kailan man,
“Ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8).
Ang Griyegong salitang isinaling “masisila” [“devour”] ay nangangahulugang “lunok.” Ang Diablo ay magpopoot ng higit higit habang tayo’y papalapit papunta sa katapusan ng kasalukuyang mundo, “sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.” Nagagalit siya sa lahat ng mundo, tulad ng isang leon sa mga kalye, naghahanap ng mapipipi at sisilain ang kahit sinong kaya niyang masila! “Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”
Kung tayo ay nabuhay sa isang Muslim na bansa maari tayong mabilanggo at mapahirapan ng mga miyembro ng relihiyon ng demonyo. Ngunit karamihan roon sa mga nakaririnig ng sermon ito ay nabubuhay sa mga lupa na nagamot ng mga ganoong krimen matagal nang panahon sa pamamagitan ng Ebanghelyo ni Kristo. Ang inyong mga secular na propesor sa kolehiyo ay walang dudang ipakakaila iyan. Masasaman mga tao tulad niya ay maluwag sa kanilang kaloobang ignorante patungkol sa sosyal na nakakapaggamot na medisina ng Ebanghelyo, na alin ay nagdala sa atin mahabang panahon na ang nakalipas sa isang mas matass na antas ng sibilisasyon kaysa mas kilala sa mga lupaing Muslim (isinalin mula sa tignan ang Nasa Ilalim ng Impluwensya; Paano Nabago ng Kristiyanismo ang Sibilisasyon [Under the Influence; How Christianity Transformed Civilization], by Dr. Alvin J. Schmidt, Zondervan, 2001).
Gayon man si Satanas ay nagalit at sinira ang sarili nating kultura, hanggang sa ang Ebanghelyong pundasyon ay ngayon nabulok na at nabibiyak sa ilalim ng kanyang mga pagsalakay. At masasmang mga kalalakihan sa pinakamataas na posisyon sa ating gobyerno ay ngayon mukhang nahihikayat ng demonyo upang hatakin pababa at sirain ang anomang natira ng Krisitiyanong moralidad sa ating bansa. Mas higit pa kaysa kailan man sa aking buhay, nararamdaman ko ngayon na “Ang diablo'y bumaba… na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”
Sa pangaral na ito ipapakita ko kung paano na ang poot ni Satanas ay bumaba sa atin (1) ang mga doktrina ng demonyo, at (2) sa mga lalang ng Satanas. Hindi ako magpopokus sa Islam, Budismo o Hinduismo, na mga tiyak na mga sa diablo. Ngunit sa sermon ito aking tatalakayin ang pangunahing mga doktrina at lalang na ginagamit ni Satanas sa Kanlurang mundo, at kaunting labi sa mga tinatawag na “bumabangong”mga bansa ng pangatlong mundo.
I. Una, ang Diablo ay nagpadala ng mga doktrina ng mga demonyo sa atin.
Binigyan tayo ng babala ni Apostol Pablo patungkol rito noong isinulat niya ang mga salitang ito ng propesiya,
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (I Ni Timoteo 4:1).
“Hayag na sinasabi ng Espiritu,” iyan ay, Siya’y nagsasalita ng “tiyak” (Isinalin mula kay Strong). Ang Banal na Espiritu ay malinaw at tiyak na nagsasabi sa ain na mangyayari ito “sa mga huling oras,” sa isang panahon sa hinaharap. Mayroon pa nga itong mas matinding aplikasyon sa huling mga araw, bago ng pagdating ni Kristo at sa katapusan ng kasalukuyang mundong ito. “Sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya.” Ito’y mas lalong totoong sa masasamang mga araw na ito na mayroong pag-lisan mula sa “pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal” (Judas 3). Sa “huling mga panahon” magkakaroon ng apostasiya mula sa pananampalataya na ibinigay sa Bibliya. Sila’y tatalikod mula sa malinaw pagtuturo ng Bagong Tipan. “Mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio.” Ibig niyang sabihin sila’y tumatalikod mula sa pananampalataya ng Kasulatan dahil sila’y nakikinig sa mga mapanghikayat na mga espiritu, na nagbibigay sa kanila ng mga aral ng demonyo. “Sa mga huling panahon” sinusundan nila ang mga huwad na mga aral na napupunta sa kanila mula sa mga demonyo. Bilang resulta “ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Ni Timoteo 4:4).
Ang Apostol gayon ay nagbibigay noong dalawang huwad na aral. Gayon man, “mga aral ng demonio” ay maisasabuhay sa kahit anong pagtuturo na lumalabas mula sa Bagong Tipan. Ngayon sinasalakay ni Satanas ang simpleng mga aral ng Bibliya “ng lahat ng kanyang lakas, “ gaya ng paglagay nito ni Martin Luther. Sinabi ni Luther (1483-1546),
Kapag ang banal na Salita ng Diyos ay babangon, ito’y inklinasyon ni Satanas na lumabag rito ng lahat ng kanyang kapanyarihan…sinasalakay niya ito gamit ng mga huwad na mga pananalita at mga maling espiritu at mga guro. Ang hindi niya mapipi gamit ng kanyang puwersa kanya gayon hahanaping sirain gamit ng pagkalinlang at mga kasinungalingan (isinalin mula sa Anong Sinasabi ni Luther [What Luther Says], Concordia Publishing House, 1994 edisiyon, p. 395).
Sa pagitan ng mga “aral ng demonio” na naibigay ni Satanas ay ang mga matitinding panahon ng katapusang erehya,
1. Rasyonalismo ay direktang inaatake ang mga salita ng Bibliya. Si Johann Semler (1725-1791) ay ang ama ng Biblikal na kritisismo. Itinuro niya na mayroong higit sa Bibliya na hindi naibigay ng inspirasyon mula sa Diyos. Siya ang orihinator ng Makasaysayang Kritikal na Paraan. Itinuro ni Semler na ang tao ay makakapagpagsya kung aling mga bahagi ng Bibliya ang paniniwalaan, at anong mga bahagi ang tatanggihan. Itinanggi niya ang verbong insipirasyon ng Bibliya. Ang bunga ng kanyang paraan ay ang liberal na mga pananaw ng mga Kasulatan na ating nakikita ngayon. Ang Teyolohikal na liberalism ay nagtuturo na hindi natin maaring paniwalaan ang lahat na sinasabi ng Bibliya. Ito mismo ang sinabi ni Satanas sa ating unang ina sa Hardin ng Eden, Tunay bang sinabi ng Dios...?” (Genesis 3:1). Gayon, tayo’y tiyak na lahat ng mga pagsalakay sa Bibliya bilang ang pinaka Salita ng Diyos ay nanggaling sa demonyo. Ako’y naharap ng maraming pagsalakay ng demonyo sa Bibliya ng paulit-ulit sa dalawang teyolohikal na liberal na seminaryong aking pinuntahan. Gumawa ako ng sinadyang puwersang tanggihan ang lahat ng naituro na wala sa Bibliya. Gayon ako’y naligtas mula sa mga pagsalakay ng demonyo sa Banal na Kasulatan, at patuloy kong pinaniniwalaan hanggang sa araw na ito na “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” (II Ni Timoteo 3:16). Isang liberal, kritikal na paglapit sa Bibliya ay tiyak na isang “aral ng mga demonio.”
Nakakilala ako na maraming dakilang mga kalalakihan na brutal na sinalakay para sa pagtatanggol ng Bibliya laban sa mga pagsalakay ni Satanas. Kahit na hindi ko siya nakilala, si Dr. J. Gresham Machen inalisan ng titulong pansimbahan ng Presbiteryanong Simbahan dahil sa pagtatanggol ng mga Kasulatan. Ang aking mga kaibigang sina Dr. Harold Lindsell at Dr. Bill Powell ay trinatong kahiya-hiya ng mga Kanlaurangang Bautista at ng iba dahil sa kanilang pagtatanggol sa Kasulatan. Si Herman Otten, isang pastor ng Missouri Synod at may-akda, ay nabuhay ng lampas sa limping taon sa ilalim ng tuloy-tuloy na pagsalakay mula sa mundo ng mga demonyo dahil sa kanyang pagtayo para sa pagkawalang pagkakamali ng Salita ng Diyos. Ang Diyos lamang ang maaring nakapagbigay sa kanya ng lakas na gawin ito! Mga makabagong ministor, sa kanilang pagkabulag, ay madalas na naisipan na ang mga kalalakihang mga ito ay “kakaiba ng kaunti.” Ngunit ang mga ministor na mga ito ang tunay na “kakaiba.” Hindi nila naiintindihan na ang mga kalalakihang mga ito ay nasa matinding pagsalakay mula sa mundo na nasa demonyo dahil sa pananatili ng berbal na insipirasyon ng Salita ng Diyos. Mga ministor na bulag kay Satanas ay walang magagawang kabutihan sa kahit sino sa masasamang mga araw na ito. Ang rasyonalismo ng Biblikal na kritisismo ay lubos na tiyak na isang “doktrina ng mga demonyo.”
Maari mong tanungin paano nito tayo naapektuhan. Ito ang sagot. Dalawang daang maikling taon ang nakalipas ang karaniwang tao sa Kanlurang mundo ay naniwala na ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos. Kakaunting mga “intelektwal” ang nag-isip na mayroong mga pagkakamali sa Bibliya noon. Gayon man ngayon ang tao sa mga kalye ay nag-iisip na ang Bibliya ay puno ng magkakamali. Gayo inalis ng Diablo ang pananampalataya sa Salita ng Diyos. Kapag ipapakita ko sa iyo kung anong sinasabi ng Bibliya, halos agad-agad mo itong pagdududahan kung totoo man ito o hindi. Ito’y napakahirap na ngayong usigin ang mga di napagbagong loob na mga taong paniwalaan ang Salita ng Diyos. Ngayon ang karaniwang tao ay kasing higit na isang kritiko ng Bibliya katulad ni Semler. Biblikal na kritisismo ay isang doktrina ng mga demonyo na na ninakawan ang ating kultura ng pananampalataya sa Salita ng Diyos.
2. Darwinismo, direktang sinasalakay ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pinanggalingan ng tao. Itinuro ni Charles Darwin (1809-1882) na ang tao ay nagbago mula sa mas mababang anyo ng buhay. Itinuturo ng Bibliya na ang tao ay direktang nilikha ng Diyos. Sinasabi ng Bibliya, “nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa” sa isang espesyal na gawain ng paglilikha (Genesis 2:7). Tinatanggihan ng Darwinismo ang Bibliya at sinasabi na ang tao ay nagbago mula sa”mas mababang” anyo ng buhay. Ang Darwinismo ay tiyak na isang “aral ng demonio.” Pinahihna nito ang buong pagtuturo ng Bibliya patungkol sa tao, kasalanan at kaligtasan, “Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa [ni Kristo] ang marami ay magiging mga matuwid” (Mga Taga Roma 5:19). Dahil sinasalakay ng Darwinismo ang mga dakilang mga katotohanan ng Kasulatang ito, ito’y napaka tiyak na Sataniko, isang “aral ng mga demonio.”
Dalawang daang maiikling taon noon halos lahat ay naniwala na ang tao ay isang espesyal na likha ng Diyos. Ngunit ngayon ang karaniwang tao ay naniniwala na tayo lamang ay mga hayop. Ito’y maryoong matinding epekto sa ating kultura. Kung naniniwala ka na ika’y isang hayop lamang, gayon ang mensahe ng kaligtasan sa Bibliya ay hindi tumutugma. Gayon ang Darwinismo ay isang aral ng mga demonio na ginagamit ni Satanas upang baguhin ang sangkatauhan sa isang kumpol ng mga hayop, na walang mas mataas na layunin kaysa sa mabuhay para sa pagkain at pagtatalik. Ang biyaya lamang ng Diyos ang makagagawa sa mga nawawalang mga lalake at babae na makita na sila’y nilikha ng Diyos para sa isang mas mataas na layunin sa buhay kaysa sa “pagsisikain, pagsisiinom at nagsisingasawa.”
3. Desisyonismo ay direktang sinasalakay ang doktrina ng Bibliya ng orihinal na kasalanan at ang resulta nito: lubusang pagkasira. Pinatanyag ni Charles G. Finney (1792-1875) ang kaisipang iyan na “Ang makataong kagustuhan ay malaya, kung gayon ang tao ay may kapangyarihang ng abilidad na gawin lahat ang kanilang obligasyon” (isinalin mula kay Finney’s Lectures on Systematic Theology, Eerdmans, 1969 edisyon, p. 325). Gayon hinikayat niya ang lumang ereheya ni Pelagius (c. 354-418 AD), na itinanggi ang makataong kagustuhan ay nasira ng orihinal na kasalanan, at nagturo na ang kalikasan ng tao ay malaya upang mapaganap ang sarili niyang kaligtasan na wala ang biyaya ng Diyos. Ngunit itinuturo ng Bibliya, “Ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas)” (Mga Taga Efeso 2:4-5). “Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.” (Mga Taga Efeso 2:8-9). Dahil malinaw na itinatanggi ng “desisyonismo” kung aong itinuturo ng Bibliya sa mga bersong iyon, ito’y tiyak na isang “aral ng mga demonio.” Bilang resulta ng Finneyismo, karamihan ng mga pastor ngayon ay tinatanggap ang kahit anong “desisyon” bilang tunay na pagbabagong loob na walang mga tanong. Sinabi ni Dr. Asahel Nettleton, ang kumontra kay Finney, ay sinabi ito patungkol sa kanyang “desisyonismo,” “walang narinig [sa pangangasiwa ni Finney] ng mapanganib na huwad na pagbabagong loob. Ang kaisipan ay mukhang di kailan man natitignan na mayroong ganoong ngang uri ng Satanikong impluwensya…Ito’y isang mahalagang bahagi ng obligasyon ng isang mangangaral na ipaghiwalang ang tunay sa huwad na pagbabagong loob” (isinalin mula sa Bennet Tyler at Andrew Bonar, Ang Buhay at mga Gawin ni Asahel Nettleton] [The Life and Labours of Asahel Nettleton, Banner of Truth, 1975, pp. 367-368). Milyon-milyon ang nagabay sa huwad na pagbabagong loob ng “aral ng mga demonio” ni Finney.
Ang resulta ng “desisyonismo” ay nakagugulat. Ngayon ang karaniwang taong iyong makatatagpo ay iniisip na siya ay isang Kristiyano dahil mayroon siyang isang paniniwala sa kanyang isipan, ay sinabi ang mga salita ng isang panalangin, o itinaas ang kanyang kamay sa isang paglilingkod sa simbahan. Kung naitanong mo kay John Bunyan (1628-1688) kung ang mga taong gawaing mga ito ay gumawa sa iyong isang Kristiyano sasabihin niya sa iyo, “Nagloloko ka ba!” o mga salita sa ganoong epekto.
Ako’y kumbinsido na ang tatlong mga doktrinang iyon, bumabangon gaya ng nangyara noong mga huling dalawang siglo, ay bahagi ng digmaan na isinasagawa ni Satanas laban sa Diyos sa mga “huling panahon.” Ang rasyonalismo patungkol sa Bibliya, Darwinismo patungkol sa pagkalikha ng tao, at desisyonismo patungkol sa kaligtasan sa pamamagitan ng gawain ng tao ay dapat lahat ilagay sa kategorya bilang mga doktrina ng demonyo. Gaya ng madalas na sabihin ng dating matagal ko nang Tsinong pastor na si Dr. Timothy Lin, “mayroong tatlong matalim na dulo ang tinidor ng Diablo.” Ang mga ito ay: Kritisismo ng Bibliya, ebolusyon, at desisyonismo.
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (I Ni Timoteo 4:1).
“Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).
II. Pangalawa, ginagamit ng diablo ang mga doktrinang ito bilang mga “lalang” upang sirain ka.
Sinabi ng Apostol Pablo kay Satanas, “Kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang” (II Mga Taga Corinto 2:11). Sinabi ni Hesus na gagamitin ni Satanas ang kanyang mga “lalang” upang sirain ka sa kasalanan, at tapos sa Impiyerno. Sinabi niya sa mga Fariseo,
“Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una…” (Juan 8:44).
Hindi kayang salakayin ni Satanas ang Diyos Mismo, kaya itinutok niya ang kanyang poot sa pinaka mataas na nilikha ng Diyos, tao. “Buhat pa nang una” ang motibo ng Diablo ay ang patayin ang tao, ang sirain ang kasing rami nila na kanyang makakaya. Gaya ng paglagay nito ni Apostol Pablo, “diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8). Ang hangad ni Satanas na sirain ang sangkatauhan ay lalong titindi habang papalapit tayo sa katapusan ng panahong ito.
“Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).
At ang mga “lalang” na ginagamit ng diablo upang sirain ka ay nakaugat sa mga “aral ng diablo.” Oo, ang mga aral ng demnio na aking ibinigay ay ilan sa mga pinaka dakilang lalang ng Diablo, na kanyang ginagamit upang sirain ka at ipadala ka sa Impiyerno.
1. Gusto ng Diablo na ika’y maging isang rasyonalista, tulad ni Semler. Gusto niyang pagdudahan mo “ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15). Hindi gusto ni Satanas na maniwala ka sa sinasabi ng Bibliya. Hindi niya gusto na maniwala ka na mahal ka ng Diyos. Hindi niya gusting maniwala ka na “a si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15). Hindi niya gusto na magtiwala ka kay Hesus, ang Anak ng Diyos. Hindi niya gusto na ika’y maligtas.
2. Gusto ng Diablo na ika’y maging isang Darwinista. Hindi niya gusto na maniwala ka na ang iyong makasalanan kalikasan ay nagmula kay Adam. Hindi niya gustong maniwala ka na “ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin” (Mga Taga Roma 5:8).
3. Gusto ng Diablo na ika’y maging isang “desisyonista,” upang maniwala tulad ni Finney, na kaya mong iligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng “paggawa ng lahat ng iyong mga obligasyon.” Marumi, Sataniko, Pelagiyanong erehya! Ikinamumuhi ko ang aral ng mga demonyong ito! Hindi gusto ni Satanas na maniwala ka “sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:8-9). Ikinamumuhi ni Satanas ang kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya na walang gawain at mga “desisyon.”
Sinasabi ng Bibliya,
“Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo” (Santiago 4:7).
Sumalangsang sa mga kasinungalingan ng Diablo at magtiwala kay Hesus. Minamahal ka Niya. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan. Nabubuhay Siya sa Langit.
“Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila” (Mga Taga Hebreo 7:25).
Kaya kang iligtas ni Hesus “na lubos.” Kaya ka Niyang iligtas magpakailan man mula sa kasalanan at Impiyerno. Magtiwala lamang sa Kanya, magtiwala lamang sa Kanya, magtiwala lamang sa Kanya ngayon; Ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya, ililigta ka Niya ngayon,” gaya ng paglagay nito ng lumang himno. Ililigtas ka ni Hesus “makawala sa silo ng diablo” (II Ni Timoteo 2:26). Magtiwala kay Hesus at Kanyang patatawarin ang iyong mga kasalanan, at palalayain ka mula sa pagkalipin kay Satanas at kanyang mga demonyo!
Mula sa tahanan at mga kaibigan itinangay
Siya ng masamang espiritu,
Sa gitna ng mga puntod siya’y nanatili sa kalungkutan;
Kanyang hinihiwa ang kanyang sarili habang mga
Kapangyarihan ng demonyo ay pinaghaharian siya,
Tapos si Hesus ay dumating at pinalaya ang bilango.
Kapag si Hesus ay dumating ang kapangyarihan ng
Manunukso ay mapuputol;
Kapag si Hesus ay dumating ang mga luha ay mapupunasan.
Kinukuha Niya ang lungkot at pinupuno ito ng luwalhati,
Dahil ang lahat ay nababgo kapag si Hesus ay darating upang manatili.
Kaya ang mga tao ngayon ay nahahanap na
Makakaya ni Hesus,
Hindi nila masakop ang pasyon, luho at kasalanan;
Ang kanilang mga nabiyak na mga puso ay
Naiwan ilang malungkot at nag-iisa,
Tapos si Hesus ay dumating at [pinalaya sila] sa loob.
Kapag si Hesus ay dumating ang kapangyarihan ng
Manunukso ay mapuputol;
Kapag si Hesus ay dumating ang mga luha ay mapupunasan.
Kinukuha Niya ang lungkot at pinupuno ito ng luwalhati,
Dahil ang lahat ay nababgo kapag si Hesus ay darating upang manatili.
(“Tapos si Hesus ay Dumating” Isinalin mula sa “Then Jesus Came”
ni Homer Rodeheaver, 1880-1955; binago Pastor).
Kung ika’y hindi pa rin ligtas, kailangan mong magtiwala kay Hesus. Magpunta sa likuran ng silid at dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar para sa pagdadasal at pagpapayo (sila’y aalis).
Ngayon isang salita doon sa inyo na ligtas na. Paki lipat sa Mga Taga Efeso 6:11-12.
“Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:11-12).
Ang ating pakikidigma ay laban kay Satanas at kanyang mga demonyo. Sinabi ni Dr. McGee, “Sa tinggin ko ang sa karamihan ay nawala na ng Simbahan ang paningin nila para sa espiritwal na pakikidigma” (isinalin mula sa Sa Loob ng Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson, 1983, kabuuan V, p. 280; sulat sa Mga Taga Efeso 6:12).
Paano na ang pakikipaglaban laban kay Satanas ay magagawa? Ito’y magagawa sa panalangin! Basahin ang berso 18,
“Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal”
(Mga Taga Efeso 6:18).
Sinabi ni Dr. Timothy Lin, ang aking matagal na panahon nang Tsinong pastor,
Mas mapalapit ito patungo sa bisperas ng pangalawang pagdating ng ating Panginoon, mas matindi ang puwersa ni Satanas laban sa panalangin (isinalin mula sa Ang Lihim ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], First Chinese Baptist Church, 1992, p. 96)
Upang magtagumpay laban sa mga Satanikong puwersa, dapat kang manalangin na nakadetalye araw-araw. Gayun din, huwag makakaligtaan ang mga pananalanging pagpupulong sa ating mga simbahan. Ang magkakaisang pananalangin ay isang makapangyarihang armas sa ating pakikipagdigmaan laban sa Diablo! Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Ni Pedro 5:6-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tapos si Hesus ay Dumating.” Isinalin mula sa
“Then Jesus Came” (ni Homer Rodeheaver, 1880-1955).
ANG BALANGKAS NG MGA DOKTRINA AT LALANG NG DEMONYO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12). (I Ni Pedro 5:8) I. Una, ang Diablo ay nagpadala ng mga doktrina ng mga demonyo II. Pangalawa, ginagamit ng diablo ang mga doktrinang ito bilang mga |