Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MASASAMANG MIYEMBRO NG SIMBAHAN
SA HULING MGA ARAW

EVIL CHURCH MEMBERS IN THE LAST DAYS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-27 ng Mayo taon 2012

“Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya” (II Ni Timoteo 3:13).


Si Harold Lindsell ay ang dating tagapatnugot ng “Kristiyanismo Ngayon” [“Christiyanity Today”] na magasin mula 1968 hanggang 1978. Siya ang may-akda ng nagtatandang aklat na Ang Pakikibaka para sa Bibliya [The Battle for the Bible,] at ang dating tagapatnugot ng dalawang pang-aral na Bibliya. Isa siya sa mga nakatagpo ng Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller, kung paano ito noon bago ito bumaba sa liberalism. Siya rin ay isang personal na kaibigan na madalas nagsalita sa aming simbahan, at nagbigay ng isang sermon sa kasal ko at ng aking asawa noong 1982.

Nagsulat si Dr. Lindsell ng isang aklat na pinamagatang Ang Nagtitipong Bagyo: Mga Pangyayari sa Mundo at ang Pagbalik ni Kristo [The Gathering Storm: World Events and the Return of Christ (isinalin mula sa Tyndale House Publishers, 1980). Sa aklat na iyan sinabi niya,

Ang mga kalagayan kung saan namamalagi sa mga nagproproklamang mga simbahan ay nagtuturo sa pangalawang pagdating ni Hesus, dahlia ang Simbahan sa mundo ay naging secular ng lubusan…wala nang isang Kritiyanong pag-iisip. Ang mga Kristiyano ay naging napaka kondisyon ng secularism na hindi na sila nag-iisip na tulad ng mga Kristiyano. Ang pananaw nila ng mundo at buhay ay nag-uugat hindi masyado sa Bibliya gaya ng ahendang isinaad ng mundo (Isinalin mula sa ibid., p. 70).

Isinipi rin niya ang II Ni Timoteo 3:1-7 at ibinigay ang mga sumusunod na mga kumento,

Nagbunga ang Amerika ng isang henerasyon ng mga sarili ang sentro, malayo, walang awa, walang relihiyon, walang pagkabayan, at walang karakter na mga kabataan…Ang mga tao’y humihintong maging mga tao, nawawala ang kanilang mga makataong katangian at tinatalikuran ang kahit anong disenteng mundo at pananaw ng buhay na minsan ay nagbubukod sa mga tao mula sa mga baboy at mga kabayo (isinalin mula sa ibid., pp. 66-67).

Ibinigay ni Dr. Lindsell ang mga kumentong ito agad pagkatapos lang ng pagsisipi ng II Ni Timoteo 3:1-7.

Ang talata sa II Ni Timoteo tatlo ay nagsisimula sa mga salitang “Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib” (II Ni Timoteo 3:1). Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee ang Apostol ay nagsasabi sa atin na sa II Ni Timoteo 3 “ang sinasabing ang hinaharap ng simbahan – ay hindi isang napaka maliwanag na hinaharap para sa mga naorganisang simbahan. ‘Sa mga huling mga araw’ ay isang teknikal na salita…tumutukoy ito sa mga huling mga arw ng simbahan” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, p. 469; sulat sa II Ni Timoteo 3:1). Si Dr. McGee ay nagpatuloy magsabi,

“Darating ang mga panahong mapanganib,” na nangangahulugang terible o desperadong mga panahon ay darating. Hindi ito mukhang pagbabagong loob ng mundo, di ba?...Hindi itinuro ng Bibliya na ito nga. Iyan ang hangad na mukhang nasa tubo ng…maraming tao na nabubuhay sa kanilang mga isipan na tulad ng mga isang abestrus na nakalubog ang ulo sa buhangin at hindi pa nakahaharap ang katotohanan. Imbes, ay pansinin ang darating sa mga huling mga araw. Mayroon tayong labin siyam na iba’t-ibang mga paglalarawan na ibinigay sa kaunting mga berso [Sa II Ni Timoteo 3]. Ito’y pangit na kalat, ngunit gusto nating tignan ang mga ito dahil ipinapakita nito ang pinakamahusay na makasulatang larawan ng anong nangyayari ngayon. Naniniwala ako na tayo ay nabubuhay sa huling mga araw ng simbahan…hindi ko maisip na makahahanap pa kayo ng isang panahon na mahahanap mo ang lahat ng mga itong nagpapakita gaya ng pagpapakita nito ngayon. Naniniwala ako na tayo na ngayon ay nasa mga “mapanganib” na mga araw na aking inilarawan sa bahaging ito. Hindi ko alam kung gaano pa ito katagal na magpapatuloy, ngunit tiyak ako na ito’y magiging mas malubha, hindi mas mabuti (isinalin mula sa ibid., pp. 469-470).

Magsitayo habang aking binabasa ang mga berso 1 hanggang 4.

“Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios” (II Ni Timoteo 3:1-4).

Maari nang magsi-upo. Bakit napakaraming mga tao sa ating mga simbahan ngayon ay tulad niyan? Dahil sa loob ng maraming mga taon ang mga pastor ay nagbinyag ng mga nawawalang mga tao na hindi kinikilatis ng mabuti ang kanilang mga testimonyo. Iyan ang dahilan kung bakit ang mga simbahan ngayon ay puno ng mga nawawalang mga tao. Sila’y puno ng mga di ligtas na mga tao bilang isang bunga ng pagtatanggap ng lahat bilang isang Kristiyano na gumawa lamang ng isang panlabas na “desisyon.”

Sa II Ni Timoteo 3:1-4 tayo ay binigyan ng 19 na mga salita o mga parirala na naglalarawan ng mga taong ito sa ating mga simbahan sa “huling mga araw.”

1.  “Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili.” Ang mga nawawala sa simbahan ay lumalarawan sa mundo sa pagmamahal ng kanilang sarili ng mas higit kaysa kay Kristo. Ang pag-ibig sa sarili ay napaka prominente na karamihan sa mga miyembro ng simbahan ay hindi na magpupunta sa isang panggabing paglilingkod. Iniibig nila ang kanilang sarili ng matindi na hindi sila magpupunta sa pagbibisita o sa pagkakamit ng mga kaluluwa ngayon. Ito’y dahil ating pinuno ang mga simbahan ng mga di ligtas na mga tao.

2.  “Maibigin sa salapi.” Sa katunayan ay nangangahulugang mahilig sap era.” Iniibig ng kalikasang naayon sa lamang na tao na maraming pera ang ginagasta rito, dahil iniibig nito ang kanyang sarili higit kay Kristo. Sinasabi ng Bibliya, “Ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan” (I Ni Timoteo 6:10). Maraming mga nawawalang mga kabataan ay nananatili sa simbahan hangga’t ang kanilang mga magulang ang nagbabayad para sa lahat. Ngunit hindi magtatagal pagkatapos nila makakuha ng sarili nilang trabaho, sila’y aalis. Iyan ang ibig sabihin ng “maibigin sa salapi”!

3.   “Mayayabang.” Ang Griyegong salita ay mahahanap lamang rito sa Mga Taga Roma 1:30, kung saan ito’y ginamit upang ilarawan ang kondisyon ng paganong mundo. Kapag ating naririnig ang mga kung tawagi’y mga “testimonyo” ngayon, sila’y madalas na ang mga ito’y mga serye ng mga “pagyayabang” tungkol sa kung gaano sila kasama noon, at kung paano sila kabuti ngayon – na napakakaunti ng pagbabanggit kay Kristo. Ito’y para bang iniligtas nila ang kanilang sarili sa pamamgitan ng gawain ng repormasyon ng sarili! Hindi nila pinaluluwalhati o pinalalaki si Kristo dahil hindi sila kailan man naligtas. Nagbibigay sila ng mahabang kwento kung gaano sila kasama noon, at sinasabi nila, “Ako’y naligtas.” Nasaan si Hesus riyan? Ito’y pagyayabang lamang!

4.  “Magpagmalaki” – puno ng pagmamalaki, hindi mapagkumbaba. Anong larawan ng mga nawawalang miyembro ng simbahan sa “huling mga araw.”

5.  “Mapagtungayaw,” sa literal nito ay “mapagpanumbat.” Kapag ang mga tao’y nagpupunta sa isang simbahan sila’y madalas na namumuhi kapag kanilang nakikita ang mga kung tawagin ay Kristiyano nanunumbat laban sa isang tao sa kongregasyon. Ipinapakita nito ang nanunumbat na mga akusasyon na dinadala ng mundo laban sa mga makadiyos na mga Kristiyano. Ang Hipi na henerasyon ay palaging nanunumbat. Ito ang isa sa kanilang pinaka karaniwang katangian. Tignan ang “Occupy ng Wall Street.” At kapag sila’y nagpupunta sa isang simbahan sila’y nagpapatuloy sa panumnumbat!

6.  “Masuwayin sa mga magulang.” Paano na ang mga taong tulad niyan maisusuko ang kanilang sarili sa Diyos? Hindi nila kaya! Yoong mga mapagsuway sa mga magulang ay magrerebelde sa may kapangyarihan sa simbahan, gaya ng ginagawa nila sa mundo. Anong larawan ng Hipi na henerasyon at ang kanilang mga anak! Sa tinggin ko ang mga ito ang tinutukoy sa bersong ito. Walang pagtataka na nagsasanhi sila ng isang paghihiwalay ng simbahan na magkakasunod!

7.  “Mga walang turing.” Ang Griyegong salita ay mahahanap lamang rito sa Lucas 6:35, kung saan si Hesus ay nagsalita tungkol sa “sa mga walang turing at sa masasama.” Ano mang kabutihan ang ipinapakita sa kanila, hindi ito kailan man pumapasok sa kanilang isipan na magpasalamt! Nakakita na tayo ng mga taong dinadala sa simbahan sa ating mga sasakyan, pinapakain sa ating gastos, at dinadala pati sa ating mga tahanan at pinangangalagaan na para bang sila’y ating sariling mga kapamilya, para lamang iwanan nila ang simbahan na walang isang salita ng pasasalamat. Sila’y napatigas na ng lubos na hindi na sila nakararamdam ng pasasalamat! Ang aking ina ay nagkupkop ng isang batang lalake sa kanyang tahanan at tinuring na parang sarili niyang anak. Hinatid niya pa siya sa paaralan at binigyan ng perang baon. Noong nilisan niya ang simbahan ninakaw niya ang isang set ng purong pilak na mga kutsilyo at mga tinidor, na ibinigay sa kanya bilang regalo sa kanyang kasal. Napaiyak niya ang aking ina, at hindi nagbigay ni isang salita ng pasasalamat sa kanya. Hindi man lang niya siya iniwanan ng isang sulat noong siya’y umalis. “Walang turing.” Nakita natin ito sa bawat panahon sa masamang henerasyong ito.

8.  “Walang kabanalan.” Ang salita ay nangangahulugang “malapastangan.” Binubuhay nila ang kanilang mga buhay na magpagrebelde laban sa Diyos, at gayon may iniisip nila na sila’y mga Kristiyano! Sila’y mapagrebelde laban sa lahat ng awtoridad.

9.  “Walang katutubong pagibig.” Ibig sabihin nito wala silang natural na pagibig, sa sarili man nilang laman, gaya ng nakikita natin sa aborsyon, o sa di natural na mga sekswal na mga relasyon. Pinapatay nila ang kanilang mga sanggol at inilalagay ang sarili nilang mga magulang sa isang nakakatakot na “bahay pahingahan,” at bihira silang binibisita, at gayon man tinatawag ang kanilang mga sariling mga “Kristiyano.” Gaya ng sinabi ni Dr. Lindsell, “matigas” ang kanilang “mga puso.” Anong nakatatakot na larawan iyan!

10. “Walang paglulubag.” Ang mga taong ito ay di naiwawasto. Tumatanggi silang makasama sa iyo. Hindi mo sila mapapaligaya gaano man kahirap mo itong subukan! Hindi ka makakapagpayapa sa kanila.

11. “Mga palabintangin.” Hilig nilang magkalat ng mga tsismis at sinasalakat ang iba! Nakalulungkot, ito na ngayon ay pagparehas na totoo sa simbahan gayun din sa mundo! Mga nawawalang mga miyembro ng simbahan ay natutuwa sa pagsasalita ng masama sa lukaran ng iba sa kongregasyon.

12. “Walang pagpipigil sa sarili.” Nakikita nating ito palagi sa ating lumulubhang lipunan. Nagpupunta sila sa isang simbahan, ngunit hindi sila nanantili ng matagal, dahil wala silang pagpipigil sa kanilang sarili. Sila’y kasing bangis ng isang mailap na hayop. Napaka terible! Sila’y nagpupunta mula sa isang simbahan papunta sa isa. Gaya ng sabi ni Spurgeon, “Sila’y mga ibon na dumadaan lamang, na hindi pumupugad kung saan man.”

13. “Mabangis” ibig sabihin nito’y “hindi sibilisado” (Isinalin mula kay Dr. McGee). Sa ating panahon ang mga kalye ay madalas di ligtas kahit sa araw. At maraming mga simbahan hindi ligtas na silungan para sa mga bagong Kristiyano! Mga kung tawagin ay “Kristiyano” ay madalas kasing salbahe ng mundo sa paligid natin! Ito’y tiyak na mga “mapanganib na mga panahon!” Isang dalaga ang sinubukang patayin ang kanyang ina para sa pagpapataw ng isang kurpyo sa kanya! Tama iyan! Nabasa ko ito sa peryodiko ng umaga ng Huwebes. Ang mga kabataan ngayon ay gumagawa ng mga bagay na hindi pa nga natin nadirinig noong mga taon ng 1940 o 1950!

14. “Hindi maibigin sa mabuti.” Literal nitong ibig sabihin ay “mga namumuhi sa mabuti.” Ito ang kabaligtaran ng “maibigin sa mabuti” sa Tito 1:8. Ang isang mabuti, disenteng tao ay kinamumuhian, habang ang isang masamang tao na “kool” ay iniibig. Nakikita natin iyan sa ating mga eleksyon, gayon din sa ating mga simbahan. Iyan ang isa sa mga pangunahing katangian ng heneresayong ito. Sila’y mga “hindi maibigin sa mabuti.”

15. “Mga lilo.” Literal nitong ibig sabihin ay mga “taksil.” Ito’y mga taong hindi mo lang mapagkatiwalaan. Pagtataksilan ka nila sa bawat pagkakataon, dahil nasa kanilang kalikasan na gawin ito. Sa kalikasan sila’y mga “taksil.”

16.  “Matitigas ang ulo” ibig sabihin ay “walang taros, matigas ang ulo sa paghahabol ng isang masamang katapusan sa ilalim ng impluwensiya ng pasyon” (isinalin mula kay Dr. Marvin R. Vincent). Inilalarawan nito yoong mga kumikilos ng padali dali at walang pagbabahala. Hindi magtatagal na kanilang sapian ang isang simbahan ay kanila itong iiwan! Hindi mo mapagkakatiwalaan ang mga walang taros na mga tao! Masyado “matitigas ang kanilang mga ulo” at “walag ng mga taros.”

17. “Mga palalo” ibig sabihin ay mga nabubulag ng pagmamalaki. Ito’y ang parehong Griyegong salita na ginamit sa I Ni Timoteo 6:4, “Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala.” Ayon sa isang pagsisiyasat 89% ng mga pastor ay nangailangang makitungo sa mga kung tawagin ay “Kristiyanong” tulad nito, mga taong nagsasanhi ng paghihiwalay ng simbahan. Pag-isipan ito, 9 mula 10 mga pastor ay nakaranas ng paghihiwalay ng simbahan dahil sa mga taong tulad nito! Sila’y “napadiliman [o nabulag] ng pagmamalaki” (isinalin mula kay Dr. Vincent).

18. “Mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios.” Literal na ibig sabihin ay “mas maibigin sa kasiyahan kaysa sa maibigin ng Diyos” (isinalin mula kay Dr. Vincent). Sinabi ni Dr. McGee, “Wala pang panahon kailan man na naparaming pera ang ginagastos upang magpagbigay ng kasiyahan…bilyon-bilyong mga dolyares ang ginagastos para sa libangan dahil ang mga tao ay maibigin ng kasiyahan kaysa maibigin ng Diyos” (isinalin mula sa ibid., p. 471). Ipinapaliwanag din nito kung bakit mga di ligtas na mga kabataan ay gumugugol ng napakaraming oras kada araw sa paglalaro ng mga laro sa videyo at sa computer, ngunit sinasabi na wala silang oras para sa pang-araw-araw na pagbabasa ng Bibliya at panalangin! Hindi nakakapagtaka hindi nila nararanasan ang tunay na pagbabagong loob! Iniibig nila ang mga kasiyahan kaysa ang Diyos.

19. “Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito.” Mayroon silang “simpleng panlabas na anyo, gaya ng pagkabukod nito mula sa mahalagang katotohanan” ng kabanalan (isinalin mula kay Dr. Vincent). “Sila’y dumadaan sa mga ritwal ng relihiyon ngunit nagkukulang ng buhay at katotohanan” (isinalin mula kay Dr. McGee). Ang mga taong nakokontento sa pagpupunta lamang sa simbahan na hindi nakikilala si Kristo ay “Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:7). Maaring mong ipangaral ang Ebanghelyo sa kanila hanggang sa asul na ang mukha mo at sila’y magpapatuloy sa pagiging kontento sa pagkakaroon ng “anyo ng kabanalan” na hindi kailan man nararanasan “ang kapangyarihan nito.” Nakalulungkot, na mayroong maraming mga ganoong uri ng mga tao sa ating mga simbahan kada Linggo!


Anong larawan ng “Henerasyon ng mga Hipi,” yoong mga halos 45 hanggang 65 na taon ang gulang ngayon – at kaunti sa mas kaunting sukat ng kanilang mga anak at mga apo! Gaya ng paglalarawan ni Dr. Lindsell, sila’y “nakasentro sa kanilang sarili, malayo, walang pakikiramay, di relihiyoso, hindi makabayan at walang karakter.” Sila’y inilarawan sa II Ni Timoteo 3:1-8.

Ngayon, kung kahit ano sa 19 na mga paglalarawan na iyan ay umaangkop sa iyo, anong mali sa iyo? Pansinin ang salitng “tao.” Nagpapakita ito ng tatlong bese sa talata. “Ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili” (berso 2). “Ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip” (berso 8). “Datapuwa't ang masasamang tao… ay lalong sasama ng sasama” (berso 13). Ang mga pagsisiping ito ay tumutukoy sa mga nawawalang mga tao sa isang simbahan, parehong mga lalake at mga babae.


1.  Iniibig nila ang kanilang mga sarili, hindi ang Diyos.

2.  Tinututulan nila ang katotohanan.

3.  Sila’y lalong sasama ng sasama.

“Ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya”
       (II Ni Timoteo 3:13).

Kapag maabot ng mga tao ang puntong iyan bihira sila kung kailan man na napagbabagong loob dahil sila’y sinusuko na ng Diyos. Kapag sinusuko ka ng Diyos, magpakailan man na itong huli na upang maligtas pa. Ngunit huwag mong pasayahin ang iyong sarili masyado. Maari kang manatili sa simbahan at maging naisuko na ng Diyos. Nakita ko na iyang mangyari ng maraming beses. Gayon man, kung ang iyong konsensya ay gumugulo sa iyo tungkol sa iyong kasalanan mayroon pa ring pag-asa para sa iyo.

Kung nawawala ka hindi ba oras na na ika’y maging lubos na seryoso tungkol sa paghahanap kay Kristo? Paano mo matitiis na nagpapatuloy na nalalaman mo na maari kang bumaba sa Impiyerno ng ano mang oras? Paano ka nabubuhay ng ganyan araw kada araw? Sinabi ni Hesus, “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot” (Lucas 13:24).

Natatanadaan kong nagmamaneho papuntang San Jose mula San Francisco noong 1972 o 1973. Isang batang Hipi ang nasa sasakyan kasama ko. Nagsalita siya sa buong daan papunta doon at buong daan pabalik. Hindi pa matagal na siya’y wala na sa droga, at ang kanyang isipan ay mukhang nakukulimliman pa rin. Nagsalita siya ng patuloy tuloy hanggang sa hindi ko na ito matiis! Natatandaan kong iniisip, “Wala nang pag-asa para sa taong ito.” Ngunit mali ako. Siya’y napagbagong loob pagkatapos ng lahat! Ngayon siya’y kasal na at mayroong mga malalaki nang mga anak, at siya ang pastor ng isang simbahan sa Phoenix, Arizona! Maari niyang kantahin “Nakamamanghang biyaya, napakatamis ng tunog ng nagligtas sa isang sirang tulad ko!”

Kung ika’y nawawala mayroong pag-asa para sa iyo! Ngunit mayroon lamang isang pag-asa para sa iyo – at ang pangalan Niya ay Hesus! Magtiwala kay Hesus at ika’y maliligtas!

Palabas ng aking pagkaalipin, pagdurusa, at gabi,
   Hesus, Ako’y papunta, Hesus Ako’y papunta;
Papunta sa Iyong kalayaan, katuwan, at ilaw,
   Hesus, ako’y papunta sa Iyo!
(“Hesus Ako’y Papunta.” Isinalin mula sa
     “Jesus, I Come” ni William T. Sleeper, 1819-1904).

Kung hindi ka pa rin ligtas magpunta sa likuran ng silid ngayon, at dadalhin kayo ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar upang magdasal.

Ngayon ilang salita para sa inyong ligtas. Alam ko na ang II Ni Timoteo 3:1-8 ay isang madilim at nakapanghihinang loob na talata ng Kasulatan. Kapag ating titignan ang makasalanang tao ito’y tiyak na makagpagpapahinang loob sa atin. Gayon man ako rin ay nakahanap ng matinding pampalubag loob mula sa talatang ito ng maraming taon. Pinapalakas nito ang aking loob na magbasa tungkol sa kondisyon ng lahi ng tao sa propesiya sa Bibliya. Napapaisip ako nito, “Iyan ang sinasabi ng Bibliya patungkol rito. Ang mga bagay ay masama, ngunit ito’y hindi nawawala sa pamamahala. Hinulaan ito ng Bibliya – at ang Diyos na nagbigay sa atin ng mga salitang ito ng Kasulatan ay nasa trono pa rin!” At saka, ang sunod na kapitulo sa II Ni Timoteo ay nagsasabi na si “Cristo Jesus… huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita…” (II Ni Timoteo 4:1). Ano mang sama maging ang mga tao, si Hesus ay darating muli! Isipin ang mga dakilang salita ng kanta –

Madilim ang gabi, ang kasalanan ay nakipagdigma laban sa atin;
   Mabigat ang karga ng pagdurusang ating binubuhat;
Ngunit ngayon ating nakikita mga tanda ng Kanyang pagbalik;
   Ang ating mga puso ay lumiliwanag sa loob natin, ang tasa ng ligaya ay umaapaw!

Itaas ang inyong mga ulo, ang mga manlalakbay ay pagod;
   Tignan ang paglapit ng araw ngayon pula ang langit;
Ang anino ng gabi ay tumatanan, at si Hesus ay darating,
   Inaantabay na may pananabik sa wakas palapit na.

Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Na may kapangyarihan at dakilang luwalhati, Siya’y darating muli!
(“Siya’y Darating Muli.” Isinalin mula sa “He is Coming Again”
     ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).

Walang makapagtataas ng puso ng isang Kristiyano tulad ng Pangalawang Pagdating ni Kristo! Palagi ko ito nakikita ganito! Habang aking inihahanda ang pangaral na ito aking kinunsulta ang aklat sa propesiya na isinaayos ni Dr. Charles L. Feinberg. Nalimutan ko na kung saan ko ito nakuha, ngunit sa harapan aking nabasa ang isinulat ng Tsinong nagsulat nito noong ibinigay niya sa akin ang aklat bilang regalo noong 1971. Ang kanyang pangalan ay Ken Yee at siya na ngayon ay isang pastor. Kilala ko siya dahil ginugol ko ang bawat katapusan ng linggo sa Tsinong misyon sa Sacramento sa loob ng unang taon ko sa Gintong Tarangkahan Bautistang Teyolohikal na Seminaryo [Golden Gate Baptist Theological Seminary]. Isinulat ni Ken ang mga salitang ito,

“Minamahal kong Bob, dahil sa iyong halimbawa sa umiibig na sakripisyo, dahil sa iyong pag-ibig para sa simbahan [ang Unang Tsinong Bautistang Simbahan ng Los Angeles], dahil sa iyong pag-ibig sa misyon [ng simbahan ng Los Angeles], dahil sa iyong pangitain na iyo ring masigasig na ibinabahagi, at sa wakas, dahil ika’y ikaw at wala nang iba – ito’y higit pa sa nakatutuwa! Pagpalain ang aking kaluluwa! Maranatha – ang Panginoon ay padating! Pag-ibig kay Kristo, Ken.”

Amen! Amen! Kapag ang isang tao tulad ni Ken ay natutulungan ng ating ministro, ginagawa nitong makabuluhan ang lahat ng ating ginagawa! Isang binata sa aming simbahan ang nagsabi sa akin na siya’y naghihinaan ng loob dahil lahat ng sinubukan niyang tulungan ay nagsialis. Sinabi ko, “Oo, ngunit ang susunod ay maaring manatili, at bibigyan ka nito ng galak na hindi pa kailan man nakikilala ng mundo!” Iyong mga iyong ginabay kay Kristo ay magagalak kasama mo kapag si Hesus ay darating! Bawat Kristiyanong iyong natulungan ay magagalak kasama mo kapag si Hesus ay darating! Amen! Maranatha – si Hesus ay darating!

Ang langit ay bubukas, hinahanda ang Kanyang pagpasok;
   Ang mga bituin ay magsisipalakpakan sa Kanya na may
Mga kulog ng papuri. Ang matamis na ilaw sa
   Kanyang mga mata ay magpapakali doon sa mga nag-aantay,
At ating makikita Siyang harap harapan.
   At ating makikita Siya, ating makikita siya,
Harap harapan sa lahat ng Kanyang luwalhati!
   At ating makikita Siya, Oo, ating makikita Siya,
Harap harapan, ang ating Tagapagligtas at Panginoon!

Ang mga anghel ay magtutunog ng sigaw ng Kanyang pagdating,
   Ang pagtulog ay babangon mula sa kanilang natutulog na lugar;
At iyong mga nananatili ay mababago sa isang sandali,
   At ating makikita Siya harap harapan.
At ating makikita Siya, ating makikita siya,
   Harap harapan sa lahat ng Kanyang luwalhati!
At ating makikita Siya, Oo, ating makikita Siya,
   Harap harapan, ang ating Tagapagligtas at Panginoon!
(“Ating Makikita Siya.” Isinalin mula sa “We Shall Behold Him”
     ni Dottie Rambo, 1934-2008).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: II Ni Timoteo 3:1-8.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Kristo’y Bumalik.” Isinalin mula sa
“Christ Returneth” (ni H. L. Turner, 1878).