Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG ISA’Y KUKUNIN AT ANG ISA’Y IIWAN

ONE TAKEN AND ONE LEFT

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-20 ng Mayo taon 2012


Ang sermon na ito ay inihahandog sa aking ina. She ay ipinanganak sa Oklahoma 99 na taon na ang nakalipas ngayon. Isa sa mga pinakadakilang kasayahan ng aking buhay ang makita ang aking Inang napagbagong loob, at tunay na napagbagong loob, sa edad ng 80. Bininyagan ko siya noong ika-4 ng Hulyo taon 1993. Kasama ko sa siya sa simbahan halos araw araw para sa natitirang panahon ng kanyang buhay, sa sunod na apat at kalahating mga taon. Dahil sa mga pangakong ginawa ni Hesus, alam ko na makikita ko ang aking ina muli. Anong ligaya! Anong pag-asa! Paki panatili iyan sa inyong isipan habang si Gg. Griffith ay magpupunta upang kumanta. (Kinanta ni Gg. Griffith ang “Si Kristo’y Babalik”)

Ngayon gusto kong lumipat kayo kasama ko sa inyong Bibliya sa Mateo 24:40. Magsitayo tayo para sa pagbasa ng teksto.

“Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan” (Mateo 24:40).

Isang tanyag na guro ng Bibliya sa radyo ang nagsabi, “Ito’y malinaw na hindi isang pagtutukoy sa pagkakawit ng mga mananamapalataya na inilarawan sa I Mga Taga Teslonica 4:16-17.” Hindi iyan sinabi ng kanyang ama, ngunit iniisip niya na mas higit ang nalalaman niya kaysa kanyang ama. Gayon man ang lalakeng ito ay nagkukumento sa mga berso 43 at 44 sinasabi niya ang mga ito’y tumutukoy sa “pagbalik ng Panginoon.” Para sa akin iyan ay mukhang dobleng pananalita! Malinaw na ang talatang ito ay tumutukoy sa pagdating ni Kristo. Ginagawa itong malinaw ng berso 42,

“Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon” (Mateo 24:42).

Walang tao ang saktong nakakaalam kung kailan darating muli sa Hesus. Alam ko na si Harold Camping ay nagsaad ng petsa isang taon ang nakalipas. Ngunit mali siya, gaya ng lahat ng mga nagsasaad ng petsa. Alam ko na ang Mayan na kalendaryo ay nagtatapos sa Disyembre ng taong ito, napaka rami ang nag-iisip na ang mundo ay matatapos sa araw na iyon. Ngunit mali sila. Sinabi ni Hesus, “Hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” Gayon man napakaraming mga tanda na mukhang nagpapakita na ito’y malapit na, na hindi na matagal bago “Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.”

Malungkot na panoorin ang mga mangangaral na isinusuko ang mga maiinam na mga propetikong punto ng Dispensasiyonalismo, sa panahon na napaka raming mga panahon ng katapusang propesiya ay natutupad. Sa pinaka panahon na kinakailangan nating marinig ang dakilang katotohanan ng propesiya, ang mga mangangaral na mga ito ay nasipsip sa preterismo, ang doktrina na lahat ng mga propesiya ay natutupad sa unang siglo. Nakalulungkot! Mangangaral, kailangan nating bumalik sa Lumang Scofield na Pang-aral na Bibliya, na binabasa ng iyong lola, sa mga bagay na ito ng propesiya. Kailangan nating mangaral ng mga sermon tulad nito, sa propesiya ng Bibliya, sa mga kabataan na napaka nalilito sa isang mundo mali! Kailangan nating ipangaral ang mga tanda, ang pagkadagit, at ang Pangalawang Pagdating ni Kristo upang bigyan sila ng pag-asa!

Sinasabi ng ating teksto, “Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.” Hindi ito maaring tumukoy sa pagbalik ni Kristo upang magtayo ng Kanyang Kaharian, o kaya tumukoy sa paghihiwalay ni Kristo sa nawawala mula sa naligtas sa Huling Paghahatol, dahil si Kristo ay hindi tumutukoy sa Paghahatol na iyon, kundi patungkol sa “ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).

“Ang isa’y kukunin” ay nakapaliliwanag. Ang Griyegong salita na isinaling “kukunin” ay nangangahulugang “pagkuha para sarili” (isinalin mula kay George Ricker Berry). Ang pinaka parehong Griyegong salitang (paralambanō) ay nagpapakita rin sa Juan 14:3, kung saan ito’y isinaling “tumanggap.” Sa bersong iyon sinabi ni Hesus, “Muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili.” Dahil ang parehong Griyegong salitang ito ay nasa Mateo 24:40 rin, ako’y kumbinsido na “muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili” ay tumutukoy rito – “Kukunin ang isa, at isa’y iiwan.” Gaya ng pagpunto ni George Ricker Berry, parehong “tatanggapin” sa Juan 14:3 at “kukunin” sa Mateo 24:40 ay mga pagsasalin ng parehong Griyegong salita, na nangangahulugang “pagkuha para sa sarili.” Gumawa ng salaysay si Dr. James O. Combs tungkol sa pangako sa Juan 14:3 (“muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili”). Sinabi ni Dr. Combs, “Ito ang unang pagtuturo ng Pagdadagit sa Kasulatan” (isinalin mula sa Prophecy Study Bible, p. 1151; sulat sa Juan 14:3). Kaya malinaw na naipakita. Si Hesus ay babalik at tatangapin tayo. Kukunin niya tayo “sa [Kanyang] sarili” sa mga ulap, sa himpapawid.

“Muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili”
       (Juan 14:3).

“Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan” (Mateo 24:40).

Ang mga Griyegong mga salita ay parehas, at sa konteksto ng “ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37), parehong mga berso ay tumutukoy sa parehong pangyayari, ang pangyayari na tinukoy sa Mga Taga Teslonica 4:16-17,

“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli: Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (Mga Taga Tesalonica 4:16-17).

“Muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili”
       (Juan 14:3).

“Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan” (Mateo 24:40).

“Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nilaupang salubungin ang Panginoon sa hangin” (Mga Taga Tesalonica 4:17).

“Tatanggapin,” “kukunin,” “aagawin” – lahat na mga ito ay tumutukoy sa parehong kaganapan – ang pag-aagaw ng mga tunay na mga Kristiyano upang salubungin si Kristo “sa hanggin” sa panahon ng pag-aagaw. Hindi kami makasasang-ayon sa isang iskolar na idespatsa ang pangako ng I Mga Taga Tesalonica bilang simpleng “pastoral, upang magpaginhawa ng pakiramdam noong mga nagluluksa.” Hindi, lahat ng Kasulatan ay doktrinal. “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo…”(II Ni Timoteo 3:16). Ang pagpapangkat ng ilang Kasulatan bilang “doktrinal” at ang iba bilang simpleng “pastoral” ay pagpapababa sa kapanyarihan ng Kasulatan. Ito ay huwag nating dapat kailan man gawin! Lahat ng Kasulatan ay walang pagkakamali, at lubos na awtoratibo. Bawat salita ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirayon at lubos na maasahan.

Pagkatapos ng pag-aaral ng mga bersong ito, ako’y lubos na kumbinsido na ang tatlong mga bersong ito ay tumutukoy sa pag-aagaw,

“Muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili”
       (Juan 14:3).

“Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan” (Mateo 24:40).

“Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nilaupang salubungin ang Panginoon sa hangin” (Mga Taga Tesalonica 4:17).

Ang lahat ng mga pagpapaliwanag ng Mateo 24:40 na aking nabasa ay mukhang baluktot, nabaluktot sa isang di natural na paraan, upang maipagkasya sa ilang isipan ng guro, at eskatolohikal na presuposisyon. Gaya ng sinabi madalas ng aking Tsinong pastor na si Dr. Timothy Lin, isang dakilang iskolar ng Bibliya, “Baluktutin ang iyong isipan upang maipagkasya ang Bibliya. Huwag baluktutin ang Bibliya upang maipagkasya sa iyong isipan.” Kaya iyan naibigay na ito sa iyo,

“Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan” (Mateo 24:40).

Ang isa’y kukunin sa pag-aagaw, at ang iba ay maiiwan sa lupa. Gaya ni Enoc “ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan” (Hebreo 11:5), habang si Elijah ay “sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo” (II Mga Hari 2:11), gayon din ang bawat tunay na mga Kristiyano ay “aagawing kasama nila…upang salubungin ang Panginoon sa hangin” (I Mga Taga Teslonica 4:17). Si Enoc ay kinuha, si Elijah ay kinuha, at lahat kayong ligtas ay kukunin “upang salubungin ang Panginoon sa hangin.” Aleluya!

O ligaya! O tuwa! na magpunta tayo na hindi namamatay,
   Walang karamdaman, walang kalungkutan, walang takot at walang pag-iiyak,
Naagaw sa mga ulap kasama ng Panginoon sa luwalhati,
   “Kapag tatanggapin ni Hesus ang “Kanyang sarili.”
O Panginoong Hesus, gaano katagal, gaano katagal
   Bago naming isisigaw ang masayang kanta,
Si Kristo’y bumalik! Aleluya! Aleluya!
   Amen, Aleluya! Amen.
(“Si Kristo’y Bumalik” Isinalin mula sa “Christ Returneth”
     ni H. L. Turner, 1878).

“Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan” (Mateo 24:40).

Anong mangyayari kung mga tunay na mga Kristiyano ay kukunin, tatanggapin sa Langit, “aagawin…upang salubungin ang Panginoon sa hangin”?

I. Una, ang mga tunay na mga Kristiyano ay mawawala na.

“Ang isa'y kukunin...” (Mateo 24:40).

Alin? Ang isang tunay na Kristiyano – iyan ang isa! Hindi iyan sa kahit anong paraan makagugulo ng mga makasalanan. Matutuwa pa silang maalis tayo! Lagi naman nila tayo tinutungis ngayon. Magiging Masaya sila kapg tayo ay wala na. Sila’y magiging tulad ng mga tao sa Jerusalem sa loob ng Tribulasyon, na magsisisayaw na may galak kapag dalawa sa mga propeta ng Diyos ay pinatay,

“At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; sapagka't ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa” (Apocalipsis 11:10).

Matutuwa sula kapag wala na tayo dahil, kahit ngayon, nararamdaman ng mga makasalanan na atin silang pinagdurusa. Sila’y masisiyahan kapag wala na tayo dahil ating “[pinahihirapan ang mga] nangananahan sa ibabaw ng lupa.” Paano natin sila pinahihirapan? Parehong paraan na ginagawa ng mga saksi ng Diyos, sa pamamagitan ng pangangaral sa kanila (tignan ang Apocalipsis 11:3). Kinamumuhian nilang marinig tayong sabihan silang kailangan nilang maligtas. Kinamumuhian nila tayo sabihan silang kailangan nilang maligtas. Kinamumuhian nilang tayo para lamang sa pag-iisip na sila’y mapupunta sa Impiyerno.

Sa pinaka araw na ito, sa pinaka Linggong ito, ang ginagawa ng mga makasalanan ang lahat ng kanilang makakaya upang piglin ang mga Kristiyano sa Los Angeles mula sa pagpupunta sa simbahan. Hindi nila maari maganap ang kanilang mga laro ng Sabado. Kailangan maganap ito ng Linggo – upang mapigil ang mga tao mula sa pagpupunta sa simbahan – dahil kinamumuhian nila ang Diyos! Sasabihin mo, “Hindi nila talaga kinamumuhian ang Diyos?” Tiyak na kinamumuhian nila Siya. Sinasabi ng Bibliya, “Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). Kinamumuhian nila ang Diyos ng lubos na sadyang ginaganap nila ang kanilang mga kahayupan at mga laro tuwing Linggo ng paglilingkod sa simbahan – upang pigilan ang mga taong magpunta sa simbahan para sambahin ang Diyos – dahil kinamumuhian nila ang Diyos, dahil mayroon silang “pakikipagalit laban sa Dios.”

Hindi mo ba alam na kinamumuhian ni Mayor Villaraigosa ang Diyos? Siyempre! Siya ang pangulo ng lokal na sector ng ACLU. Pinigil niya ang mga simbahan mula sa pangangampana ng kanilang mga kampana. Winasak niya ang bawat krus na kanyang mahawakan. At ngayon itinatalakda niya ang bawat marathon na kaya niya tuwing Linggo – upang sirain ang bilang ng mga nagpupunta sa simbahan at tatakang alisin ang Kristiyanismo kung kaya niya. Nagtalakda siya ng isang karera ng mga bisikleta sa gintang lungsod ng L.A. ngayong umaga, sa loob ng tradisyonal na oras ng pagsasamba. Pinayagan niya ang isang laro ng hockey ng 12:00 ng hapon ngayon sa Staples Center, isang bloke ang layo mula rito. At ang Dodgers ay mayroong laro rin ng 5:00 PM, upang harangin ang mga Kristiyano mula sa kanilang panggabing paglilingkod. At magkakaroon ng isang laro ng basketbol ng mga Clippers ngayong gabi ng 7:30. Isang laro ng basketbol, isang laro ng hockey, isang karera ng bisikleta, at isang Dodgers na larong beysbol – lahat nakalakda habang naggaganap ang mga paglilingkod ng simbahan – lahat nangyayari ilang bloke mula sa ating simbahan. Ang mga kalye ay barado na tulad ng isang loteng pagparkingan, ang mga paligid na lakaran ay puno ng mga mukhang Neyandertal na mga tunggak, na nakasuot ng mga kamiseta, na may mga malalaking tiyan na nakalawit sa kanilang mga pantaloon, lahat ng mga makasalanan, mga namumuhi sa Diyos, na parang isang tao.

Hindi nga nila halos matiis ang kahit isa lang na tunay na Kristiyano sa isang silid sa kolehiyo. Pagkamuhi ng mga Kristiyano sa kolehiyong mga silid-aralan ay hindi nangyari ng magdamag isang gabi. Nabubuo na ang tindi nito ng maraming taon. Isang daang taon noon, 1912, sinabi ni Dr. I. M. Haldeman, pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng New York, “Kada tatlong daang libong mag-aaral sa ating mga kolehiyo at mga institusyon ng pag-aaral ay tinuturuan ng pagkawalang kabanalan ng mga banal na mga bagay” (isinalin mula sa Ang mga Tanda ng Panahon, [The Signs of the Times,] Charles C. Cook, 1912, p. 14).

Isang propesor ng isa sa mga kolehiyo rito sa sukat ng L. A. ay natagpuan na isa sa ating mga dalaga ay isang Kristiyano. Ang babae ay mahiyain at tahimik, at hindi kailan man binubuksan ang kanyang bibig sa klase. Ngunit natagpuan ng propesor na siya ay isang Kristiyano mula sa ibang mga tao sa klase. Agad-agad sinimulang salakayin ng propesor na iyon ang dalagang ito. Na walang awa, kinutya niya siya, tinukso sa bawat paraan na kanyang maisip – at pinababa pati ang kanyang grado ng isang punong letrang grado dahil sa walang anomang dahilan. Sinasabihan ko ang aming mga kabataan na manahimik sa klase. Hindi ito tulad noong ako’y nag-aaral pa sa Cal State L.A. Masama ng sapat noon, ngunit ngayon halos handa na silang magtapon ng isang Kristiyanong mag-aaral sa mga leyon – at siguro’y gagawin nga nila kung hindi lang ito labag sa batas!

Kinamumuhian rin nila ako! Sinasabi mo, “O, pastor, hindi ka ba nila minamahal?” Nagloloko ka ba! Kinamumuhian nila ako ng kasing tindi gaya ng pagkamuhi ng mga noong mga makasalanan sa propetang si Micaiah. Ang malupit na haring si Ahab ay nagsabi, “May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon, si Micheas na anak ni Imla: nguni't kinapopootan ko siya” (I Mga Hari 22:8). Hinahampas nila siya sa mukha, at inilalagay sa bilangguan dahil sa pangangaral ng katotohanan (I Mga Hari 22:24, 26). “Kinamymuhian ko siya!” “Kinamumuhian ko siya!” Iyan ang sinasabi ng mga makasalanan sa kanilang mga puso sa isang mabuting Kristiyano sa masasamang mga araw. Sinabi ni Hesus sa mundo na ang mundo ay “Kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo” (Juan 15:18). Sinabi ni Hesus, “kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan” (Juan 15:19).

Nagpunta ako at ng aking asawa sa Pittsburgh, Pennsylvania noong Hunyo ng 1983 upang dumalo sa Katimugang Bautistang Kumbensyon [Southern Baptist Convention]. Naroon kami para mamigay ng mga libreng kopya ng Katimugang Bautistang Peryodiko [Southern Baptist Journal] na isinaaayos ni Dr. Bill Powell. Naglaman ito ng tinatawag ni Dr. Powell na “matigas na data” patungkol sa liberalism sa mga SBC na mga paaralan. Tama siyang tawagin ang impormasyon na ibinigay sa kanyang papel ng isang pamagat na ganon. Ito’y “data.” Walang pagdududa na kanyang idinokumentado ang papel na ito ng mabuti. At ito’y “matigas.” Tinamaan nito ang mga liberal isang pagtumba pagkatapos ng isa. Gaya ng maari ninyong asahan, napagalit nito ang mga liberal na mga propesor.

Ang nakagulo sa aking lubos, gayon man, ay ang reaksyon ng mga delegado (mensahero) sa kumbensyon. Ang aking asawa ay buntis sa aming kambal na mga anak na lalake sa panahong iyon. Siya’y isang maliit na babae at halatang napakabigat na nagdadalang tao. Habang ako’y nabubuhay hindi ko kailan man malilimutan ang reaksyon ng bawat isang delegado habang ang aking maganda’t maliit na asawa ay namimigay sa kanila ng libreng kopya ng Katimugang Bautistang Peryodiko. Marami sa kanila ay tumahol, “Hindi ka isang Katimugang Bautista!” suminghal sila sa kanya, hinuhulaan naming dahil siya’y Espanyol. Marami sa kanila ang sumigay sa kanya, “Ito’y basuro ni Powell at ni Hymers!” Ang iba’y dinaklot ang papel mula sa kanyang kamya, ginusot ito, at tapos ay itinapon ito sa kanyang mukha. Maraming matatanda nang mga lalake ang dumura sa kanya. Ang alaala ng kanilang nasusuklam at mahalay na asal ay nagpapaluha sa akin hanggang ngayon, halos tatlong taon ang nakalipas.

Noong kami’y nasa aming silid maya maya noong gabing iyon sinabi sa akin ng aking asawa, “Robert paano na ang mga taong iyon ay mga Kristiyano? Napaka rami sa kanila ay masasama. Kahit ang aming mga kaibigan ay malalamig. Mas mukha pa silang mga politico kaysa mga mangangaral. Ang mga kababaihan ay mas masahol pa. Paano sila naging mga Kristiyano?” Anong masasabi ko sa kanya? Maiyuyuko lamang ang aking ulo sa hiya

.

Kung wala kailan man ang magagalit sa iyo, tignan kung ika’y isang tunay na Kristiyano! Sinabi ni Hesus,

“Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan” (Juan 15:19).

Kung ika’y isang nawawalang tao, mamahalin ka ng mundo. Ngunit kung ika’y tunay na maligtas, marami sa kanila ang mamumuhi sa iyo gaya ng pagkamuhi nila kay Hesus. Sinabi ni Hesus, “Ako'y kinapootan nila na walang kadahilanan” (Juan 15:25). At ika’y kanilang kamumuhian na walang dahilan rin, kung ika’y maging isang tunay na Kristiyano. O, hindi ka nila kamumuhian kung sasabihin mo lang na ika’y isang Kristiyano. Hindi ka nila kamumuhian kung magpupunta ka sa simbahan ng paminsan lang. Hindi ka nila kamumuhian kung ika’y maging tunay na Kristiyano. Kamumuhian ka lamang nila kung ika’y magsisimulan magpunta sa simbahan bawat Linggo na hindi kailan man nakaliligta. Kamumuhian lamang nila kayo kung maranasan mo ang tunay na pagbabagong loob. Isang binata ang nagtanong kay Moody, “Paano ko maaalis ang mundo?” Sinabi ni Moody, “Magkaroong ng kumakampanang testimonyo para kay Kristo at ikaw ang paalisin ng mundo!”

Sinasabi mo, “Bakit ako gayon dapat maging isang tunay na Kristiyano, kung ako’y kamumuhian dahil rito?” Ito ang dahilan –

kung hindi ka maging seryoso at maging isang tunay na Kristiyano, at magpunta sa simbahan tuwing ang mga pintuan nito’y bukas – mabubuhay ka ng isang walang pag-asang buhay, at mamamatay ng isang walang pag-asang kamatayan, at mapunta sa isang walang pag-asang walang hanggan, sa “ng pusikit ng kadiliman magpakailan man” (Judas 13). Hindi ko alam sa iyo, ngunit mas gusto ko pang kinaiinisan ng mundo kaysa mawalan ng pabor sa Diyos. Mas gusto ko pang maitapon sa isang yunggib ng mga leyon kaysa manirahan sa mga tolda ng kasamaan. Mas gusto ko pang kunin ang lugar kasama ng mga itinaboy na mga Kristiyano kaysa sundan yoong mga walang diyos na mananakbo ng marathon papunta sa bunganga ng umaapoy na Impiyerno!

“Ang isa'y kukunin...” (Mateo 24:40).

Salamat sa Diyos, kami’y kukunin! Sila’y matutuwang paalisin tayo – at tayo’y matutuwang mapaalis sila! Amen at amen! Hayaan na ang paghihiwalay ay makumpleto. Hayaang masabi, “may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin” (Lucas 16:26). Iyan ang paghihiwalay! Magpunta, Panginoong Hesus! “Ang isa’y kukunin.” Hayaan na maging ako ang isang yoon! Amen!

Habang ang karamihan nito’y sumisigaw ng Hosana,
   Mula sa langit nagbababaan,
Na ma’y naluwalhating mga santo at mga anghel na dumadalao,
   Na may biyaya sa Kanyang noo, tulad ng isang sinag sa ulo ng luwalhati,
Na tatanggapin ni Hesus ang “Kanyang sarili.”
   O Panginoong Hesus, gaano katagal, gaano katagal,
Bago naming isisigaw ang masayang kanta,
   Si Kristo’y bumalik! Aleluya! Aleluya!
Amen, Aleluya! Amen.

Oo, ang mga Kristiyano ay mawawala!

Ipagpatawad ninyo, ako’y nadala sa pagsusulat ng sermon ito! Ngunit hindi ko puputulin ni isang salita nito! Kailangan natin itong marinig sa masamang panahon na ito! “Ang isa'y kukunin.” Siguraduhin na ikaw ang isang iyon! Ngunit ang berso ay nagpapatuloy,

“Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan” (Mateo 24:40).”

II. Pangalawa, ang mga di ligtas ay maiiwan.

Kung hindi ka maliligtas, ika’y maiiwan sa sinumpang-ng-kasalanang lupang ito. Anong mangyayari sa iyo. Ayaw mo itong malaman! Ngunit sasabihin ko pa rin sa iyo. Hindi ito magiging mabuti! Wala akong oras upang sabihin sa iyo ang lahat ng mga teribleng mga bagay na mangyayari sa iyo kung ika’y maiiwan, ngunit narito ang ilan sa kanila,

“At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa.

Ang unang mangkok.

At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa; at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon, at nangagsisamba sa kaniyang larawan.

Ang pangalawang mangkok.

At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.

Ang pangatlong mangkok.

At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at nangaging dugo. At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, Matuwid ka, na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon. Sapagka't ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta, at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila. At narinig ko ang dambana na nagsasabi, Oo, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.

Ang pang-apat ng mangkok.

At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao. At nangasunog ang mga tao sa matinding init: at sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nangagsisi upang siya'y luwalhatiin.

Ang panglimang mangkok.

At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon; at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap, At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.

Ang pang-anim na mangkok.

At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo ang tubig nito, upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.

(Mga Parentetikal na mga berso, 13-16.)

At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka. Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat. (Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.). At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.

Ang pangpitong mangkok.

At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na. At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot. At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan. At tumakas ang bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan. At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki” (Apocalipsis 16:1-21).

Mayroong magsaabi, “Tinatakot mo ang mga kabataang iyan!” Oo, tama kayo, tinatakot ko sila. Tapos sasabihin ninyo, “Hindi iyan tama! Hindi dapat tinatakot ang mga kabataan sa simbahan!” Ngayon pansinin, hindi sila kailan man nag-aalala tungkol riyan kapag sila’y nagpupunta sa mga pelikula! Sinasabi lamang nila ito tungkol sa isang lumang panahong mangangaral. Makapupunta ka sa mga pelikula at manood ng mga bampira na may dugong tumutulo mula sa kanilang mga bibig. Mapanonood mo silang pumutol ng mga braso ng mga tao at mga paa at ulo ng dose-dosena. Mapanonood mo ang mga seryeng mamamatay tao, mga mamamatay tao ng maramihan, sadism, pagkakatay, sekswal na mga gawain, at lahat ng basura na inilalagay nila sa mga pelikula ngayon – at sasabihin nila, “O mabuti iyan! Ang mga kabtaan ay kailangang malibang!” Ang dugo at danak ng dugo at sindak sa mga pelikulang iyon ay matitinding katuwan para sa kanila. Pinakakawalan lamang nila ang kanilang mga galit at pagkamuhi sa isang mangangaral na nagsasabi sa kanilang kung anong nasa Bibliya! Sinong makaiisip nito! Hindi sila naabala sa pantasiya – ngunit kinamumuhian nila ang katotohanan! “May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon: nguni't kinapopootan ko siya” (I Mga Hari 22:8). Masasabi mo, “Anong uri ng sermon ito?” Ang tawag rito ay isang lumang-panahong ebanghelistikong sermon. Ito’y tulad ng isang lumang panahong sodang sorbets – ang uri na hindi mo na makukuha ngayon! Ang lahat na makukuha mo na lamang ay walang lasang pag-aaral ng Bibliya na nakatutok sa mga “kababaihan ng simbahan” (halimbawa Saturday Night Live). Ngunit ito ang uri ng sermon na nakapagbabagong loob ng mga kabataan! Magpunta sa simbahan! Maging ligtas! Gawin na ito ngayon bago pang mahuli ang lahat! Iyan ang kailangang marinig ng mga kabataan!

“Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan” (Mateo 24:40). Dapat kang bumalik sa simbahan! Walang pag-asa para sa iyo kung hindi ka babalik! Dapat kang magpunta kay Kristo! Walang pag-asa para sa iyo kung hindi ka magpupunta sa Kanya!

Ang mga tao ay hindi nagiging mga Kristiyano sa pamamagitan lamang ng isang silakbo ng takot. Ngunit umuwi at pag-isipan ito. Hindi ba ito totoo na ang mundo ay nagkagulo na? Hindi ba totoo na karamihan sa mga tao’y inalis na ang Diyos sa kanilang mga buhay? Hindi ba ito totoo na sinasabi ng Bibliya sa atin na ang paghahatol ay darating na? Hindi ba nararapat sa mundong mahatulan? Hindi ba nararapat sa iyong mahatulan dahil sa iyong mga kasalanan? At ano ngayon kung iyan ay totoo, hindi kailangan mo si Hesus upang iligtas ka mula sa paghahatol na iyon?

Oo, si Hesus ay namatay sa Krus upang iligtas ka mula sa kasalanan. Oo, siya ay buhay ngayon sa Langit. Oo, patatawarin Niya ang iyong kasalanan kapag magtitiwala ka sa Kanya! Ngunit huwag ka dapat mag-aantala! Ang panahon ay maikli.

“Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan” (Mateo 24:40).

sSiguraduhin na hindi ka isa sa maiiwanana. Naway gisingin ka ng Diyos mula sa iyong pagkatuloy bago ito maging huli na. Amen. Kung hindi ka pa ligtas, magpunta sa likuran ng silid habang aming kantahin ang himno bilang 7 sa inyong kantang papel. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik sa lugar upang manalangin. Mapunta habang kami’y kumakanta.

Bilang ako lamang, na walang paghingi ng tawad,
   Ngunit ang Iyong dugo ay ibinuhos para sa akin,
At ako’y Iyong tinatawag na lumapit sa Iyo,
   O Cordero ng Diyos, Akoy pupunta sa Iyo, Ako’y pupunta sa Iyo!

Bilang ako lamang, at di naghihintay
   Upang maalisan ang aking kaluluwa ng isang maitim na mantsa,
Sa Iyo na kung kanino’y ang dugo’y makalilinis ng bawat mantsa,
   O Kordero ng Diyos, Ako’y pupunta! Ako’y pupunta!
(“Bilang Ako Lamang.”  Isinalin mula sa “Just As I Am”
   ni Charlotte Elliott, 1789-1871).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 24:37-42.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Krito’y Bumalik.” Isinalin mula sa
“Christ Returneth” (ni H. L. Turner, 1878).


ANG BALANGKAS NG

ANG ISA’Y KUKUNIN AT ANG ISA’Y IIWAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan” (Mateo 24:40).

(Mateo 24:42, 37; Juan 14:3; I Mga Taga Tesalonica 4:16-17;
II Ni Timoteo 3:16; Mga Hebreo 11:5; II Mga Hari 2:11)

I.   Una, ang mga tunay na mga Kristiyano ay mawawala na,
Apocalipsis 11:10; Mga Taga Roma 8:7; I Mga Hari 22:8;
Juan 15:18, 19, 25; Judas 13; Lucas 16:26.

II.  Pangalawa, ang mga di ligtas ay maiiwan, Apocalipsis 16:1-21;
I Mga Hari 22:8.