Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




TITANIC

TITANIC

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-13 ng Mayo taon 2012

“Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa”
(Lucas 12:20).


Minarka nitong nakalipas na buwan ang ika-100 anibersaryo ng paglubog ng Titanic. Ito ang pinaka dakilang barko na kailan ma’y nagawa. Tinawag nila itong “ang di malulubog na barko.” Gayon man ito’y lumubog sa una nitong paglayag, pumapatay ng higit sa 1,500 na mga pasahero na nalunod sa nagyeyelong mga tubig. Isang daan taon na ang nakalipas at ang mga tao pa rin ay nabibighani sa kwento nito. Apat na pangunahing mga pelikula ang nagawa, di mabilang nga mga dokumentaryo at mga aklat na gumagawa sa ating pamilyar sa trahedya. Ang paglubod ng Titanic ay dumakip ng mga atensyon ng milyon-milyong mga kabataan habang ang 1997 na pelikula ay muling naipalabas na 3D noong huling buwan.

Ang sermon ito ay naglalaman ng material napulot mula sa isang sermon ni Dr. Greg Dixon (“Paglubog ng Titanic” [“Sinking of the Titanic”] sa Prize-Winning Evangelistic Sermons, ipinagsama-sama at isinaayos ni Dr. John R. Rice, Sword of the Lord Publishers, 1976, pp. 11-23). Sinabi ni Dr. Dixon,

Habang aking sinisimulang aralin ang mga pangyayari sa paglubog ng di malulubog na barko, napunta ako sa konklusyon na ito ang halos para bang sinasabi ng tao sa Diyos, “Kami na ngayon ay naging mga panginoon ng sarili naming tadhana, mga kapitan ng sarili naming kapalaran. Hindi na takot sa mga elemento; hindi masisindak ng mga karagatan at ng madilim na malalim na dagat; ngunit sa pamamagitan n gaming kaalaman at talino at intindi kaya na naming sakupin ang sarili naming daigdig”…ang mga nagmamay-ari, ang mga tagapagtayo, mga tagapagdisenyo, mga kapitan, kawan, ang balitang mediya, ay lahat nagproklama sa buong mundo na ang barkong ito ay di malulubog. Para bang sinasabi ng tao sa Diyos, “Diyos, hindi ka naming kailangan. Nakagawa na kami ng isang barko na di malulubog! Kaya hindi naming kailangan ng iyong proteksyon. Hindi naming kailangan ng iyong tulong.” Gayon man, isang di pangkaraniwang bagay ang nangyari. Ang barkong iyon ay lumubog sa unang paglalayag nito, at ito’y naging isang palabas sa buong mundo na siguro kailangan pa rin natin ang Diyos (isinalin mula sa ibid., p. 11).

“Tulungan mo kami laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao” (Mga Awit 60:11).

Ito’y para bang sinasabi ng Diyos,

“Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa” (Lucas 12:20).

Ang Amerika ay isang dakilang bansaa, ngunit siya ay lumulubog na Titanic. Kapag aking nakikita ang nangyayari sa ating bansa para bang isinasaayos natin ang mga palapag ng mga upuan ng Titanic. Ang sermon ito ay batay sa paglubog ng Titanic, at ang mga pangyayaring nakapalibot rito.

Sa gabi ng ika-14 ng Abril, taon 1912, mga 11:40 ng gabi, ang pinakadakilang tagatabig dagat na sakuna sa kasaysayan ay naganap. Ang dakilang Titanic [ang pinaka malaking pang-karagatang sasakyan na kailan man ay nagawa sa panahong iyon] ay bumangga sa isang malaking bato ng yelo mahuhulang mga 800 na milya mula sa baybayin ng Newfoundland. Mayrong 2,340 na mga kaluluwa [sa barkong iyon]. 705 na mga tao ang naligtas at 1,635 ang namatay kasama ng barko.       Iyon ang pinaka unang paglalayag at nagkaroon ng malawakang paglalantad, hindi lamang ang pinaka malaki at pinakamaluho, kundi bilang ang pinaka ligtas sa lahat ng mga sasakyang pangkaragatan. Hindi pa kailan man nagkaroon ng isang kawan at mga pasaherong napaka ligtas sa isang sasakyang pandagat (isinalin mula sa ibid., p. 12).

Gayon man para sa maraming mga tao sa Titanic, ito’y para bang sinabi ng Diyos,

“Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa” (Lucas 12:20).

Nabilang mo na ba ang halaga kung ang iyong kaluluwa ay mawawala,
   Kahit na makamit mo man ang buong mundo?
Kahit na ngayon ay maaring natawid mo na ang linya,
   Nabilang mo na ba, nabilang mo nab a ang halaga?
(“Nabilang Mo na ba ang Halaga.” Isinalin mula sa
    “Have You Counted the Cost?” ni A. J. Hodge, 1923).

Ang mga tao sa Titanic ay isang larawan ng mundo ngayon sa apat na mga paraan.

I. Una, nagkaroon sila ng isang huwad na kasiguruhan.

Inakala nila na ang Titanic ay isang “di nalulubog na barko.” Sa bagay, ito’y 882 ½ ang taas, at halos tatlo at kalahating bloke ng lungsod ang haba. Ang mga angkora ay 15 ½ na tonelada ang bigat. Mayroon itong dobleng ilalim 5 hanggang 6 na talampakan ang kapal upang matiyak ang kaligtasan. Ang pinakasalitang “titanic” ay nangangahulugang “higante,” “malaki,” “kakilakilabot” at “makapangyarihan.” Ang Titanic ay malaki at makapangyarihan. Tinawag itong “ang barko na hindi malulubog.” Mayroong 15 na mahigpit sa tubig na mga kompartamento. Sila’y lubos na malakas ang loob na ang barko ay hindi maaring lumubog na mayroon lamang 20 mga barkong pagsagip na naroon. Bawat barkong pangsagip ay makaaangkas ng 58 na mga tao. Ibig nitong sabihin na 1,160 na tao lamang ang maliligtas, mula sa 2,340 na mga nakasakay kung ang bawat barkong pangsagip ay lahat puno. Hindi sapat ang barkong pangsagip upang magligtas ng 1,180 na nakasakay. Bakit napakakaunti ng mga barkong pangsagip? Dahil inakala nila na hindi nila ito kailan man kakailanganin! Inakala nila na 50,000 na toneladang Titanic ay di kailan man posibleng lumubog!

Anong larawan ng huwad na seguridad ng karamihang mga tao ngayon! Paano ka? Handa ka na ba para sa paghahatol ng Diyos? Handa ka na ba para sa kamatayan kung bigla na lang itong dumating? O mukha ka bang ang lalaking mayroong pa siyang maraming taon para mabuhay? Sinabi niya sa sarili niya, “magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka” (Lucas 12:19).

“Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa” (Lucas 12:20).

Nakasakay sa Titanic ay si John Jacob Astor IV, isa sa mga pinakamayamang lalaki sa mundo, na 150,000,000 ang halaga, na sampunsa beses ang higit sa pera ngayon. Wala siyang pakialam sa mundo habang pabalik siya mula sa isang paglalakbay sa Ehipto kasama ng kanyang 19 ang gulang na asawa – sa Titanic! Naroon si Benjamin Guggenheim, puno ng $95,000,000 ang halaga. Naroon si Isadore Straus, ang nagmamay-ari ng kompanya ng Levis. Siya’y $50,000,000 ang halaga. Naroon si Jay Bruce Ismay, ang puno ng Internasyonal na Kompanya ng Pang-marinong Pangangalakal [International Mercantile Marine Company]. Siya ay $40,000,000 ang halaga. Isang kwentas ng kanyang asawa ay ng mga perlas ng naghahalagang $250,000. Ang kwentas na iyon ng perlas ay isa sa mga pinaka maganda sa mundo.

Ang mga kalalakihang ito ay naglakad ng napakakalmado sa palapag ng Titanic, nag-iisip ng patungkol sa paggawa ng mga milyon, na walang ideya na sila’y malapit na lumubog sa nagyeyelong mga tubig ng Karagatan ng Atlantiko.

Ang multi-milyonaryong si John Jacob Astor IV ay ang pinakamayamang taong nakasakay. Noong tumama ang Titanic sa malaking bato ng yelo na nagsanhi ritong lumubog, sinabi ni Astor sa kanyang asawa na ang sira ay hindi malubha. Habang ang barko ay papalubog tumayo siya sa isang palapag at kalmadong nanigarilyo. Kalahating oras maya maya ang barko ay naglaho sa ilalim ng tubig, tangay siya sa isang matubig na libingan. Dalawang linggo maya maya ang kanyang manas na katawan ay natagpuan sa pamamagitan ng mga letrang nakita sa tatak ng kanyang diyaket. Hindi mapigil matandaan ang sinabi ng Bibliya,

“Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot” (Mga Kawikain 11:4).

“Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa” (Lucas 12:20).

II. Pangalawa, sila’y di handa.

Walang barko sa panahong iyon ang ganoong karangya gaya ng Titanic. Mayroon itong mga korteng pangtenis, mga silid pangsayawan at mga elebeytor, na di pa kilala noon sa mga barko sa panahong iyon. Ang pinaka maiinam na mga silid ay naghahalagang $4,300, na maraming pera noong 1912. Ito ang mga pinaka mamahaling mga akomodasyon kailan man ay naialay. Ngunit hindi sapat ang mga barkong pangsagip! Si John Jacob Astor IV at ang kanyang asawa ay naglalaro ng mga mekanikal na mga kabayo sa marangyang gimnasyo pagkatapos tamaan ng barko ang malaking bato ng yelo. Ngunit habang sila’y naglaro ang barko ay papalubog. At walang sapat na mga barkong pangsagip!

Wala pang barko kailan man ang naglayag na nagbigay sa mga pasahero nito ng higit na lakas ng loob o seguridad ng gabing iyon habang ang Titanic ay kalmadong naglayag sa mga nagyeyelong mga tubig ng Hilagang Atlantiko. Ngunit walang sapat ng barkong pang-sagip! At lahat ng mga barkong pangsagip ay walang mga probisyon. Ang ilan sa kanila ay walang tubig na nakatago sa kanila. Ang ilan ay walang layag o kumpas. Ang ilan sa kanila ay naalisan ng mga plag sa ilalim nito. Sa wakas, ang mga barkong pangsagip na mga ito ay hindi naman kinakailangan – ang kanilang naisip! Iyan ang dahilan na mayroon lang silang 20 ng mga ito.

Kahit na, karamihan sa mga barkong pangsagip na mga ito ay humiwalay mula sa barko na mayroon lamang 10, 12 o 15 na mga tao, kahit na kaya nitong magsakay ng halos 60 na mga tao. Bakit napaka kaunti ng mga tao sa mga barkong pangsagip na mga ito? Ito’y dahil hindi naniwala ang mga tao na ang barko ay lulubog! Tumanggi silang magpunta sa mga barkong pangsagip.

Tapos mayrong magkakasunod ng mga pagsabog. Ang mga tao ay natakot at sa wakas nagsitakbo sa ilang natitirang mga barkong pangsagip. Sa oras na ito mayroon ng pagpapanakbuhan. Ngunit masyado nang huli para sa karamihan sa kanila. Marami sa mga kalalakihan na namatay ay kayang mabili ang Titanic, ngunit wala silang sapat na pera upang bumili ng isang upuan sa mga barkong pangsagip! Sila’y di handa!s

Doon sa mga palapag ay mga kalalakihan at mga kababaihan na nakadamit sa pinakamagagandang mga damit na mabibili ng pera. Ngunit ang ilan sa kanila ay mayroong mga gintong mga singsing sa kanilang mga daliri, at mga perlas sa kanilang mga leeg, mga diyamanteng hikaw sa kanilang mga tainga. Ngunit ngayon hindi na sila mas higit kay sa sa pinaka mahirap na pasahero, nakikipag-away na parang mga hayop upang makasakay sa isang barkong pangsagip. Ngunit puno na ang mga barko. Masyado nang huli. Sila’y di handa! Anong isang larawan ng henerasyon na ito!

“At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat” (Lucas 17:26-27).

Tinawanan nila si Noe noong sinabihan niya silang maghanda. Inakala nila na ang paghahatol ay di kailan man darating. Tapos ang ulan ay dumating pababa nang padagsa. Habang ang tubig ay tumaas kinalabog nila ang mga gilid ng arko at tumili para sa kanilang mga buhay. Ngunit huli na. Masyadong matagal na silang nag-antay. Ang pintuan sa arko ay sinelyuhan ng Diyos. Umungol at nagsihiyaw sila sa takot na sila’y malamon ng Baha, at malubog sa matubig na libingan. “At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:39).

Mayroong nagtanong kay John Jacob Aster, “Lalake, nasaan ang iyong diyaket na pangsagip?” Sinabi ni Astor, “Hindi ko naisip na kakailanganin ko ito.”

Balang araw ika’y tatayo sa harap ng Paghahatol na trono ng Diyos. Ika’y tatanungin, “Anong ginawa mo kay Hesus na tinawag na Kristo?” Sasabihin mo bang, “Hindi ko naisip na kakailanganin ko Siya”?

Kakailanganin mo si Hesus sa oras na iyon. Maaring hindi mo isipin na kakailangin mo Siya, ngunit iyong maiisip ito. Dapat mong tanggapin si Kristo ngayon. Tapos ito’y magiging huli na magpakailan man.

“At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy”
       (Apocalipsis 20:15).

“At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).

Maari mong [isuko] ang iyong pag-asa
   Ng walang hanggang bukas
Para sa isang sandali ng ligaya sa kahigitan nito,
   Para sa kislap ng kasalanan at
Ang mga bagay na nawawagi nito,
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
Nabilang mo na ba ang halaga ng iyong
   Kaluluwa kung ang iyong kaluluwa ay nawawala,
Kahit na makamit mo ang buong mundo para sa iyo?
   Kahit ngayon maaring natawid mo na ang linya,
Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?

Balang araw malapit na sasabihin sa iyo ng Diyos,

“Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa” (Lucas 12:20).

III. Pangatlo, sila’y nag-antala.

Nag-aksaya sila ng panahon at naglaro, at isinantabi ang pagpunta sa kakaunting mga barkong pansagip na naroon. Ang barko ay lumulubog na, ngunit marami pa rin ang nagpatuloy sa pag-inom at pagsasayaw. Ang barko ay palubog na, ngunit si John Jacob Astor at ang kanyang bata asawa ay naglalaro ng isang mekanikal na kabayo sa gimnasyum. Ang barko ay lumulubog na, ngunit ang tagapamahala ay literal na kinailangang magpunta sa mga silid ng mga tao upang gisingin sila mula sa kanilang pagkatulog. Hindi sila makapaniwala na ang di malulubog na barko ay talagang lumulubog na. Alam mo ba kung anong ginawa ng iba? Habang ang barko ay palubog sila’y tumatapyas sila ng mga piraso ng malaking bato ng yelo at naglaro ng pagtatapon ng yelo sa palapag! Ang ilan sa kanila ay kumukuha ng malalaking piraso ng yelo pabalik sa kanilang silid. Noong tinanong kung bakit, sinabi nila, “Gusto naming dalhin ito pabalik sa New York City upang ipakita sa aming mga kaibigan.” Sila’y nag-antala. Isinantabi nila ang kanilang mga takot. Sila’y naglimayon tulad ng mga tao ng Sodom.

“Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay; Datapuwa't nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat” (Lucas 17:28-29).

Nakikita ko sila rito sa kabayanan ng Los Angeles. Nagbubuhos sila rito sa kanilang mga mamahaling mga kotse mula sa mga labas ng bayan. Nagbabayad sila ng daan-daang dolyares kada upuan upang manood ng isa na naming walang kabuluhang laro ng basketbol ng mga Laker. Nanantili sila rito hanggang 11:30 ng gabi nagtitilian at nag-iinuman. Ngunit makukuha mo ba ang mga parehong mga taong magpunta sa kabayanan sa ating simbahan ng umaga ng Linggo? O, hindi! Walang pagkakataon! “Hindi ako makapupunta riyan ng ganyang kalayo sa kabayanan,” ang sabi nila. Gayon agad-agad na marinig nila ang tinig ng Diyos,

“Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa” (Lucas 12:20).

“Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man...”
       (Apocalipsis 14:10-11).

IV. Pang-apat, sila’y nagsihiyaw habang ang barko ay pababa.

Karamihan sa mga pasahero ay nagsisi-inom at nagsisisayaw at nagsisihiyaw, at nagsasalu-salo. Isang grupo ng mga manunugal ay nagpunta sa palapag noong kanilang narinig ang barkong bumangga sa isang malaking batong yelo. Ngunit agad-agad silang nagsibalik sa mesa ng pagsusugal. Sila’y bumaba kasama ng barko noong ito’y lumubog. Kahit pagkatapos nilang bigyang babala, marami ang nagpunta sa kanilang mga kama malakas ang kanilang loob na ang Titanic ay hindi kailan man lulubog. Sila rin ay bumaba kasama ng barko.

Pinagtawanan ng iba ang mga pampreserba ng buhay. Ang ilan ay talagang isinuot ang mga dyaket na pangsagip ng buhay at nagsisayaw sa palibot ng barko, habang ang iba ay nagsitayo at nagtawanan. Ang ilan ay tumangging magsuot ng pampreserba ng buhay dahil ayaw nilang masira ang kanilang mga bestita noong mga “maruruming pansagip ng buhay na mga bolero.” Marami ang hinikayat na sumakay sa mga barkong pansagip. Sinabi nila, “Bakit kami sasakay sa mga barkong pansagip at lumabas sa marumi’t malamig na gabi? Babalik rin naman kami sa ilang minuto.” Sila’y nagtawanan habang ang mga kargador at mga tagapamahala ay nagsabi sa kanilang ang barko ay pababa na.

O, alam ko ang sinasabi ng mundo ngayong umaga. Alam ko na tumatawa sila sa isang matandang mangangaral tulad ko. Alam kong sinasabi nila, “Huwag mong hayaan na takutin ka ng matandang hangal!” Alam ko ang sinasabi nila. “Sige lang at bumuhay ng isang buhay ng kahalayan at kasalanan. Huwag kang maging hangal! Huwagn kang maging isang makitid ang pag-iisip na matandang Bautista. Kumain, uminon at magsaya!” Alam ko ang sinasabi nila! Ngunit alam ko rin ang sinasabi ng Diyos,

“Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan; sa kabiglaanan ay mababasag siya, at walang kagamutan”
       (Mga Kawikain 6:15).

“Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan” (Mga Kawikain 29:1).

Mayroong linyang naguguhit sa pagtanggi sa ating Panginoon,
   Kung saan ang tawag ng Kanyang Espiritu ay nawawala,
At nagmamadali ka kasama ng isang ulol sa ligayang pulong,
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
Nabilang mo na ba ang halaga kung ang iyong kaluluwa ay mawawala,
   Kahit na makamit mo ang buong mundo para sa iyong sarili?
Kahit ngayon ay maaring natawid mo na ang linya,
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?

Ngunit sa katapusan sila’y nagsi-hiyaw habang ang Titanic ay lumubog sa ilalim ng mga alon. Habang ang mga barkong pangpreserba ay nagislayo, yoong mga nagsiakap, nagsikapit na nagsinginig, ay nagsabi kung paano ang banda ay nagbago ng kanilang musika. Ilan minuto ng mas maaga sila’y tumutugtog ng isang magaslw na musika ng araw ng iyon. Ngunit ngayon ang banda ay nagsimulang tumugtog ng isang nakalulungkot na himno.

Masmalapit, sa iyo Diyos, sa Iyo, mas malapit sa Iyo!
   Kahit na isang krus ang bumabangon sa akin,
Ang lahat ng kanta ko pa rin ay, mas malapit sa aking Diyos, sa Iyo.
   Mas malapit, aking Diyos, sa Iyo, Mas Malapit sa Iyo!
(“Mas Malapit, aking Diyos, sa Iyo.” Isinalin mula sa
    “Nearer, my God, to Thee” ni Sarah F. Adams, 1805-1848).

Habang ang barko ay nagsimulang lumubog si Rev. John Harper ay tumagkbo sa bawat tao sa palapag, nagmamakaawa sa kanilang magtiwala kay Kristo. Isang lalake ang tumulak sa mangangaral at nagsabi sa kanyang tumahimik. Ibinigay ni Rev. Harper ang sarili siyang pampareserba ng buhay at nagsabi, “Mas kakailanganin mo ito kaysa sa akin.” Nalunod si Rev. John Harper, ngunit ang lalakeng binigyan niya ng pampreserba ng buhay ay nabuhay. Inilarawa ni Pastor Harper si Hesus, ang Tagapagligtas ng mga makasalanan. Namatay si Hesus upang ika’y mabuhay. O, ngayong umaga, nag-aalay sa iyo si Hesus ng buhay. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Bumangon siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Magtitiwala ka ba kay Hesus ngayong umaga?

“Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan” (I Ni Juan 4:10).

Magtitiwala ka ba kay Hesus at maligtas ngayong umaga?

Mayroong isang kongresiyonal na paglilitis pagkatapos ng paglubog ng Titanic. Mga saksi ay humarap sa mga senador upang magsalita. Sa wakas ang pangatlong opisyales ng Titanic ay tumestigo. Isa sa mga senador ay nagtanong sa kanya ng isang di pangkaraniwang tanong. Hindi ko alam kung bakit niya tinanong ito, ngunit tinanong niya nga. Sinabi niya, “Gg. Pittman, ilarawan mo nga ang mga hiyaw habang ang barko ay bumaba?” Inilubog ni Pittman ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay at nagsimulang umiyak ng walang pagpipigil. Sa wakas, si Gg. Pittman ay nakapagsalita. Sinabi niya, “Ginoo, ito’y isang mahabang tuloy-tuloy na hiyaw.” Ganito ang itsura ng Impiyerno. “Diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 13:42).

Nagmamakaawa ako sa iyo, gaya ng ginawa ni Rev. John Harper sa lalake sa palapag ng Titanic. Nagmamakaawa ako sa iyo, “Magtiwala kay Kristo bago ito maging huli na.”

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 12:16-21.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nabilang Mo na ba ang Halaga.” Isinalin mula sa
“Have You Counted the Cost?” (ni A. J. Hodge, 1923).


ANG BALANGKAS NG

TITANIC

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa”
(Lucas 12:20).

(Mga Awit 60:11)

I.   Una, nagkaroon sila ng isang huwad na kasiguruhan, Lucas 12:19, 20;
Mga Kawikain 11:4.

II.  Pangalawa, sila’y di handa, Lucas 17:26-27; Mateo 24:39;
Apocalipsis 20:15; Mateo 25:46.

III. Pangatlo, sila’y nag-antala, Lucas 17:28-29; Apocalipsis 14:10-11.

IV. Pang-apat, sila’y nagsihiyaw habang ang barko ay pababa,
Mga Kawikain 6:15; 29:1; I Ni Juan 4:10; Mateo 13:42.