Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG NAG-IINIT NG KALULUWANG PANGANGARAL BA’Y IS SOUL-HOT PREACHING A LOST ART? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian; Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita” (II Ni Timoteo 4:1-3). |
Ito ang ang utos ni Apostol Pablo, hindi lamang kay Timoteo, kundi sa bawat mangangaral ng Ebanghelyo.
“Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian” (II Ni Timoteo 4:1).
“Ipinagbibilin ko sa iyo” ibig sabihin “Taimtim kong tinetestigo” (isinalin mula kay Strong). “Inuutos ko sa iyo” (isinalin mula kay McGee). Ang propetikong sulat sa berso tatlo, “darating ang panahon,” ay nilalantad na ang Apostol ay nagsasalita sa lahat ng mangangaral, kasama noong mga sa hinaharap. Anong iniutos ng Apostol na gawin ng lahat ng mga mangangaral?
“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo” (II Ni Timoteo 4:2).
1. “Ipangaral ang salita.” Huwag magpangaral tungkol sa salita. Ngunit ipangaral ang salita mismo. Huwag mo lang ipaliwanag ang Bibliya, kundi isagawa ito doon sa mga nakikinig. Ang salitang naisaling “ipangaral” ay “kērussō” sa Griyego. Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski ibig nitong sabihin ay “isang malakas, na publikong proklamasyon.” Ang salitang itong “ipangaral” ay nasa mapang-utos na disposiyon. Ibig nitong sabihin gawin ito! Ipangaral! Sinabi ni Dr. John Gill na ibig nitong sabihin ay ang magsalita na “pampubliko, at na may malakas na tinig.”
2. “Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan.” “Magpatuloy, manatili rito” (isinalin mula kay Lenski). Magpatuloy mangaral kapag ang mga bagay ay mukhang mainam, at kapag ang mga bagay ay mukhang hindi sa anong paraan mainam. Mangaral makinig man ang mga tao o hindi!
3. “Sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka.” Ibig sabihin nito’y “manghatol, manumbat, magpaalala” (isinalin mula kay Lenksi). “Sumawata ng mga pagkakamali at ng mga tao dahil sa kanilang mga pagkakamali at hidwang paniniwala” (isinalin mula kay Gill). “Hatulan ang kanilang mga pagkakamali” (isinalin mula kay Vincent). “Sumaway o manumbat [pagsabihan] dahil sa kasalanan” (isinalin mula kay Gill). “Ang salita ay nagpapahiwatig ng isang matalim, at masidhing pagsumawata” (isinalin mula kay Vincent). “Mangaral…maalawanan na ang salita’y maibigay” (isinalin mula kay Gill). “Ang mga ministor ng Ebanghelyo ay sa ilang pagkakataon maging…mga anak ng kulog, kaya sa ibang pagkakataon mga anak ng pagbibigay-aliw” (isinalin mula kay Gill). “Na may buong pagpapahinuhod” o pasensya. Huwag sumukong ginagawa ang mga bagay na ito sa iyong pagngangaral.
4. “Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral.” Ang panahon na tinukoy ay ang hinaharap noong isinulat ng Apostol. Ito’y tiyak na tumutukoy sa ating panahon, “walang higit kaysa sa ating panahon” (isinalin mula kay Gill). Naniniwala ako na tumutukoy ito sa partikular na katapusan ng panahong ito, ang panahon na mukhang binubuhay natin ngayon. Ito’y tiyak na isang paglalarawan ng kung anong nangyayari sa marami sa ating mga simbahan.
Ngayon iyan ang iniutos ng Apostol na gawin ng mga mangangaral. Ipangaral ang Ebanghelyo “na may malakas, pampublikong proklamasyon” (Isinalin mula kay Lenski). Patuloy na gawin iyan, kahit na hindi ito popular. Sumawata ng mga pagkakmali. Sumuway ng kasalanan. Paginhawain yoong mga nasa ilalim ng paghahatol ng kasalnan. Iyan ang gawain ng tinay ng mangangaral ng Salita! At bawat mangangaral ay dapat magdasal,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
(“Gawin Akong Isang Daluyan ng Biyaya.” Isinalin mula sa
“Make Me a Channel of Blessing” ni Harper G. Smyth, 1873-1945).
Iyan ba’y nangyayari sa karamihan ng mga pulpito, sa ating mga simbahan, ngayon? O ang sunod na berso ba’y ang nakikita natin sa maraming mga simbahan?
“Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita” (II Ni Timoteo 4:3).
Ang “sapagka’t” ay ipinapakita na ang “aral” na tinukoy ay ang nababasa natin sa berso dalawa. Sinabi ni Dr. Marvin R. Vincent “sapagka’t” ay ang “batayan para sa…hinaharap na mga oposisyon sa magaling na pagtuturo” (isinalin mula kay Marvin R. Vincent, Ph.D., Word Studies of the New Testament, kabuuan IV, p. 320). Mayroong propetikong pagdidiin rito, pinapakita na ito’y higit pang magagamit sa “mga huling araw” (II Ni Timoteo 3:1; cf. I Ni Timoteo 4:1). “Na hindi nila titiisin ang magaling na aral” ibig sabihin nito hindi nila matitiis ang magaling na aral na sumasawata, sumasaway at nangangaral (isinalin mula sa b. 2). Imbes sila’y “magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita” (II Ni Timoteo 4:3). Sa huling mga raw gusto lamang nila ng mahinhing pagtuturo, hindi matapang na pangangaral, hindi magaling na pangangaral! Ibinigay ni Dr. Vincent itong kumentong ito,
Inilarawan ni Clement ng Alexandria ang ilang mga guro na “kinakamot at kinikiliti…ang mga tainga noong mga naghahangad na makamot…Sa mga panahon ng di mapakaling panatag na pananampalataya…ang mga guro ng lahat ng uri ay nagkukumpulan na tulad ng mga bangaw ng Egipto. Ang pangangailangan ay lumilikha ng tustusan. Hinuhubog ng mga tagapandinig ang sarili nilang mga [guro]. Kung hinahangad ng mga tao ang isang bisiro upang sambahin, ang isang pang-ministrong taga-gawa ng bisiro ay mahaling mahahanap (isinalin mula sa ibid., pp. 320-321).
Sinabi ko sa isang tao na ibibigay ko ang sermon ito. Sinabi ng taong iyon, “Kanino ka nagsasalita?” Sinabi ko, “Nagsasalita ako sa tatlong magkakaibang grupo.” Una, kinakausap ko ang ating mga tao. Kinakilangan nilang malaman kung bakit ganito ako mangangaral. Kapag sila’y nagbabakasyon at bumibisita ng ibang Bautistang simbahan madalas nilang madinig ang pastor na nagsasalita na tulad ng isang malambot na Episkopaliyang pari, o isang umuugong ng patuloy-tuloy na may isang berso-kada-bersong “pag-aaral ng Bibliya” at tinatawag itong isang “sermon.” Kaya kailangan kong ipaliwanag kung bakit ako nagsasalita ng tulad ng isang lumang panahong Bautistang mangangaral. Pangalawa, nagsasalita ako sa libo-libong mga pastor na manonood ng videyong ito. Kailangan ko silang sabihan na huwag maging mga karbong kopya ng ibang tao. Bakit dapat ang bawat mangangaral tumunog na tulad ng lalakeng naririnig nila sa radyo? Harapin natin ito, karamihan sa ating mga pastor ay nakakaantok. Kung hindi tayo natutuwa sa kung anong sinasabi naming wala nang ibang matutuwa! Oo, naniniwala ako na ang pangangaral ay dapat maging nakatutuwa! Si John Wesley, ang nakahanap ng Metodistang Simbahan kung paano ito minsan, ay nagsabing, “Sindihin ang iyong sarili at ang mga tao ay magsisidating upang panoorin kang umapoy.” Sumasang-ayon ako sa kanya! Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Ang pangangaral ay teyolohiya na nanggagaling mula sa isang taong umaapoy.” Sumasang-ayon ako sa kanya! Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang isang taong nakakapagsalita tungkol sa mga bagay na ito [sa Ebanghelyo] na walang emosyon ay walang karapatan ng anuman na mapunta sa pulpito; at dapat hindi kailan man mapayagang makapasok ng isa.” Sumasang-ayon ako sa kanya! (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Preaching and Preachers, Zondervan Publishing House, 1971, p. 97). Pangatlo, nagsasalita ako sa ilang mga nawawalang mga tao rito ngayong umaga. Magsasalita ako sa inyo sa katapusan ng pangaral na ito.
Hindi ko talaga gusto gamitin si Joel Osteen na isang halimbawa ng isang kumikiliti-ng-taingang “pangangaral.” Mas gusto ko pang sumentro sa Ebanghelyo. Ngunit napakarami ang naliligaw ng batang lalakeng ito na nararamdaman kong kailangan kong banggitin ang kanyang pangalan. Mas gusto kong huwag nalang, ngunit nararamadaman kong kailangan kong gawin ito.
Si Joel Osteen ay nasa Washington, D.C. noong huling buwan upang magkaroon ng isang malaking pagpupulong. Ikinapayam siya ni Wolf Blitzer sa CNN. Nadinig ko sa sarili kong mga tainga, na sabihan ni Joel Osteen ang peryodistang ito na ang parehong mga pampangulong mga kandidato ay mga Kristiyano. Sinabi niya, “Pareho nilang sinasabi na sila’y mga Kristiyano, at sino ba ako para pagdudahan sila?” – sa salita sa ganoong epekto. Ngumiti si Wolf Blitzer at pinuri si Joel Osteen. Tiyak ako na milyon-milyong mga Amerikano ang nag-isip, “Napaka buting lalake.” Ngunit mayrong isang problema – ni isa sa mga pampangulong mga kandidato ang nagbigay ng kahit anong dahilan para sa kanya upang sabihin niya na sila’y mga tunay na Kristiyano. Huwag ninyo ako mapagkakamali. Iboboto ko ang isa sa mga kalalakihang ito sa Nobiyembre, ang mas kaunting masama sa dalawa. Ngunit lubos na huwad na propesiya ang magsabi na ang mga kalalakihang ito ay mga Kristiyano sa kahit anong makabuluhang diwa ng salita. Ang salaysay ni Gg. Osteen ay isang huwad na propesiya, tiyak ako na ito’y teribleng nakalilito sa maraming mga tao.
Sa sunod na araw nagsalita si Joel Osteen sa isang istadyum na puno ng mga libo-libong mga tao sa Washington. Habang pinanood ko siyang magsalita para bang ako’y nasusuka. Hindi niya binanggit ang Ebanghelyo (I Mga Taga Corinto 15:1-4) ni isang beses sa kanyang pagsasalita. Ito’y lahat popular na psikolohiya. Tapos ibinigay niya ang “imbitasyon.” Sinabihan niya ang mga taong magsitayo at bibiyayaan sila ng Diyos. Walang pagbabanggit ng kamatayan ni Kristo upang ibagbayad ang kanilang mga kasalanan, walang pagbanggit ng Dugo ni Kristo, walang pagbanggit ng muling pagkabuhay ni Kristo para sa ating pagpaptunay. Sa ibang salita walang pagbanggit ng anuman ng Ebanghelyo! Sa katapusan ng kanyang pagsasalita tinanong niya yoong mga gusting maligtas na tumayo. Tapos sinabi niya na lahat noong mga tumayo ay ngayon mga Kristiyano na. Iyon lang! Lubos itong nakasentro sa taong “imbitasyon,” na hindi man lang nagbibigay ng pagtutukoy sa Ebanghelyo ni Kristo!
Nakita ko na ito noon. Kamakailan lang narinig ko ang isang tanyag na ebanghelista na mangaral ng isang pangaral laban sa Islam. Ang sinabi niya tungkol sa Muslim na relihiyon ay totoo, ngunit hindi niya binanggit ang Ebanghelyo. Tapos nagbigay siya ng imbitasyon para sa mga taong magpunta sa harapan na hindi nagsasabi ni isang salita tungkol kay Hesus. Ang koro ay kumanta ng isang himno, na walang pagbanggit ng Ebanghelyo, habang ang mga tao’y nagpunta sa harap. Tapos sinabihan sila ng tagapagsalita na sila’y ligtas na! Sila’y “ligtas” na hindi nakaririnig ng isang salita tungkol kay Hesus! Ito ang uri ng walang Kristong pangangaral na napakadalas nating marinig ngayon. Ito’y pangangaral na hindi prinoproklama ang Ebanghelyo “na may isang malakas na tinig.” Ang pangangaral na walang at susuwata at pagsusuway ng kasalanan. Pangagaral na walang pagngaral ng mga taong maniwala sa Ebanghelyo at pagtitiwala kay Kristo. Sa ibang salita, ito ang tiyak na uri ng pangangaral na binalaan tayo ni Apostol Pablo, laban sa noong sinabi niyang,
“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo. Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo” (II Ni Timoteo 4:2-3).
O Diyos, tulungan kaming hindi mangaral na tulad niyan! Tulungan kaming kumikiliti-ng-taingang mangangaral!
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
Ibinigay ni Dr. J. Vernon McGee ang aplikasyon na ito sa ating teksto,
Gusto nila ng relihiyosong pag-aaliw mula sa mga Kristiyanong manananghal na kumikilit ng kanilang mga tainga. Mayroon tayong pagmamahal para sa mga bagong bagay sa mga simbahan ngayon: emosyonal na mga pelikula, mga pagtatanghal, [kahina-hinalang] musika, makukulay na mga ilaw. Ang taong binubuksan ang Bibliya ay tinatanggihan habang ang mababaw na relihiyosong manananghal ay nagiging isang tanyag na tao…habang ang mga tao ay tumatalikod mula sa katotohanan at naniniwala sa mga gawa ng taong mga pabula (isinalin mula sa Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, p. 476; sulat sa II Ni Timoteo 4:3).
Muli, sinabi ni Dr. McGee, “…ang makabagong pulpit ay isang tumutunog na table na sinasabi lamang pabalik ang gusting marinig ng mga tao” (isinalin mula sa ibid., p. 475). Iyan tiyak ang narinig ko sa “pangaral” ni Joel Osteen sa kapital ng bansa. Wala na itong iba kundi isang motibasiyonal na talumpati, na nakabatay sa isang popular na psikolohiya, na hindi makaligtas ng kahit sino. Sinabi ni Dr. Michael Horton, “ang buong mensahe ni Osteen ay kumakatawan sa isang pangangambala mula kay Kristo. Sinong mangangailangan kay Kristo kung ito ang ebanghelyo?” (isinalin mula sa Christless Christianity, Baker Books, 2008, p. 92).
Kailangan kong sabihin ang isa pang bagay. Higit sa berso-kada-bersong “pagtuturo” sa Bibliya na pumapasa para sa isang pangangaral ay hindi mas nakahihigit. Hindi dahil ang Bibliya ay itinuturi na ito’y nagiging isang pangangaral. Isang kumentaryo sa mga berso sa Bibliya, kasunod ng isang imbitasyon, ay hindi isang pangangaral ng Ebanghelyo “na may malakas na tinig,” gaya ng paglagay nito ng ating Bautistang ninunong si John Gill. Ang ganoong “pagtuturo” ay hindi “sumusuwata, nagsusuway, [at] nangangaral,” gaya iniutos sa ating gawin ng Apostol!
Huwag tayo dapat matakot sa mga taong ating pinangangaralan. Ang sinabi ni Luther (1483-1546) ay totoo pa rin ngayon, “Ito’y isang sagabal sa isang mangangaral kung titingin siya sa paligid at mag-aalala sa kung anong gusto at hindi gustong marinig ng mga tao, o anong maaring gumawa sa kanyang din a popular o magdala ng panganib sa kanyang sarili…dapat siyang magsalita ng malaya at huwag matakot sa kahit sino, kahit na nakakikita siya ng maraming uri ng mga tao at mga mukha…Ngunit dapat niyang buksang ang kanyang bibig na may sigla at na may lakas ng loob, upang ipangaral ang katotohanan” (isinalin mula sa What Luther Says, Concordia Publishing House, 1994 edisiyon, p. 1112; kumento sa Mateo 5:1-2).
Ang pamagat ng sermon ito, “Ang Nag-iinit ng Kaluluwang Pangangaral Ba’y Isa Nang Nawawalang Sining?” Ay nanggagaling mula sa isang kapitulo sa tanyag na aklat ni Leonard Ravenhill (1907-1994), Bakit Nahuhuling Dumating ang Muling Pagkabuhay [ Why Revival Tarries] (Bethany Fellowship, 1963 edisiyon, p. 53). Si Leonard Ravenhill ay isang taga-Britanyang mangangaral. Isinipi ni Ravenhill ang ika-labing anim na siglong Suwisong Tagarepormang si Oecolampadius (1482-1531) na nagsabing, “Mas marami pa ang epekto sa ministro ng ilang kaunti at maalab na mga kalalakihan kay sa isang dami ng mga maaligamgam na ilan.” Isinipi niya ang ika-labin siyam na siglong mangangaral na si Dr. Joseph Parker na nagsabing, “Ang tunay na pangangaral ay ang pagpapawis ng dugo.” Isinipi niya ang ika-labin pitong siglong mangangaral na si Richard Baxter na nagsabing, “nangaral ako na para bang tiyak na hindi na kailan man mangangaral muli, at gaya ng isang namamatay na tao sa namamatay na mga tao.” Tapos tinanong ni Ravenhill, “Ang matinding pangangaral ba’y namatay na? Ang Nag-iinit ng Kaluluwang Pangangaral Ba’y Isa Nang Nawawalang Sining?” (isinalin mula sa ibid., p. 54). Kung ang mga tanong na iyan ay naitanong noong 1959, noong ang kanyang aklat ay unang nailimbag, gaano pa ka higit silang dapat maitanong ngayon? Sa pambungad sa aklat ni Ravenhill, sinabi ni Dr. A. W. Tozer,
Patungkol kay Leonard Ravenhill imposibleng maging maging walang kinikilingan. Ang kanyang mga kasamahan ay nahati ng maayos sa dalawang uri, yoong mga nagmamahal sa kanya at yoong mga humhanga sa kanya…at yoong mga namumuhi sa kanya na may isang ganap na pagkasuklam. Ang totoo patungkol sa taong ito ay tiyak na totoo sa kanyang mga aklat, ng aklat na ito. Isasara ng mambabasa ang mga pahina upang hanapin ang lugar ng pananalangin o ito’y kanyang itatapon dahil sa galit, ang kanyang puso ay nagsara sa mga pagbabala at apila nito. Hindi lahat ng mga aklat, hindi pati ang mabubuting mga aklat ay dumarating na isang tinig mula sa itaas, ngunit nararamadaman ko na ito ay nagmumula sa itaas.
Ako’y sinalakay para sa pagtatanggol kay Hesus noon “Ang Huling Tukso ni Kristo,” ang maruming pelikulang iyon na nagpasama sa Tagapagligtas ay lumabas. Wala kundi si Leonard Ravenhill ang kumausap sa akin sa telepono, at nagdasal para paginhawain ako ng Diyos. Hindi ko siya kailan man malilimutan habang ako’y nabubuhay. Si Ravenhill ang nagsabi,
O! Diyos, padalhan kami ng propetikong pangangaral na sumusuri at pumpaso! Padalhan kami ng isang lahi ng mga martir-na-mangangaral – mga taong nabibigatan, nakayuko, nakatungo at sira sa ilalim ng paningin ng padating na paghahatol at ang sumpa ng walang katapusang impiyerno ng ayaw magsisi! (Isinalin mula sa ibid., p. 101).
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
Si Leonard Ravenhill ang nagsabi, “Isang mahusay na sermon sa isang walang pagkakamaling Inlges at walang sirang interpretasyon ay maaring magkawalang lasa gaya ng isang bibig na puno ng buhangin” (Isinalin mula sa ibid., p. 102). Sa kanyang aklat, Ang Amerika ay Masyadong Bata upang Mamatay, [America is Too Young to Die,] sinabi ni Ravenhill,
Ilang araw lamang isang mainam na mangangaral na kapatid ang nagsabi sa akin, “Wala na tayong magagaling na mga mangangaral sa bansa ngayon.” Sa tinggin ko alam ko ang ibig niyang sabihin : wala nang nakamamanghang lalake na may isang “ganoon ang sabi ng Panginoon,” isang tao terible sa pagbigkas sa ilalim ng pagbabasbas ng Espiritu. Mayroong tayongmga nabigyan ng talentong mga mangangaral, ngunit nasaan, O nasaan ang mga mangangaral na gumugulat sa bansa ng isang propetikong pagbibigkas? Mayroong pagkagutom para sa dakilang mga mangangaral…isang pagkagutom ng naka gugulo ng konsensyang pangangaral, isang pagkagutom ng nakabibiyak na pangangaral, isang pagkagutom ng nakapupunit ng kaluluwang pangangaral, isang pagkagutom ng pangangral na tulad noong alam ng ating mga ama na nagpanatiling gising ng buong gabi sa takot na sila’y bumagsak sa impiyerno. Inuulit ko, “Mayroon pagkagutom ng mahusay na ebanghelyong pangangaral (isinalin mula kay Leonard Ravenhill, America is Too Young to Die, Bethany House, 1979, pp. 79-80).
Naway magbangon ang Diyos ng isang bagong henerasyon ng mga kalalakihan na hindi takot mangaral sa kasalanan, paghahatol, at kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo lamang!s
“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo. Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita” (II Ni Timoteo 4:2-3).
Kantahin ang koro muli!
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
Paano ko tatapusin ang isang sermon na tulad nito? Kung di ka ligtas dapat kitang sawatahin, suwayin at pangaralan. Dapat kitang suwayin dahil sa iyong huwad na mga ideya tungkol sa kaligtasan. Hindi, hindi ka ligtas! Hindi, hindi ka isang Kristiyano! Dapat kitang suwayin ng matalim dahil sa iyog kasalnana, lalo na dahil sa iyong kasalanan ng pagtatanggi kay Hesus. Dapat kitang pangaralan na magtiwala kay Hesus. Walang pumipigil sa iyo mula sa pagtitiwala sa Kanya kundi di paniniwala. Si Hesus ay namatay sa Krus at nagbuhos ng Kanyang Dugo upang ipag-bayad ang iyong mga kasalanan. Si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Pinangangaralan kitang magsisi at magtiwala sa Kanya. Ililigtas ka ni Hesus mula sa lahat ng mga kasalanan at Impiyerno. “Magtiwala Lamang sa Kanya, magtiwala lamang sa Kanya, magtiwala lamang sa Kanya ngayon. Ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya ngayon.”
Tapos rin, gusto kong bigyan ng pagkakataon ang lahat sa inyong muling iaalay ang iyong buhay bilang mga tagapagwagi ng mga kaluluwa. Alam ko na dumadaan kayo sa parehong mga paghihirap na pinagdadaanan ng mga mangangaral. Minsan natatakot kaming mangaral sa paran na gusto ng Diyos. At minsan ika’y natatakot magsalita sa nawawala sa paraan na dapat mong gawin. Kung nararamadaman mong mayroong kahit anong pangangailangan upang muling ialay ang iyong buhay upang maging mas matapang sa pagwawagi ng mga kaluluwa, magpunta sa harapn at mananalangin si Gg. Prudhomme para sa iyo. Magpunta habang aming kinakanta ang kantang iyon muli.
Ang iyong buhay ba’y isang daluyan ng biyaya?
Ang pag-ibig ba ng Diyos ay dumadaloy sa iyo?
Nagdadala ka ban g mga nawawalang mga tao kay Hesus?
Handa mo na bang gawin ang kanyang paglilingkod?
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon..
Ang iyong buhay ba’y isang daluyan ng biyaya?
Nabibigatan ka ba para doon sa mga nawawala?
Tinutulungan mo ba iyong mga makasalanan
Mahanap si Hesus na namatay sa Krus?
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
(“Gawin Akong Isang Daluyan ng Biyaya.” Isinalin mula sa
“Make Me a Channel of Blessing” ni Harper G. Smyth, 1873-1945;
binago ng Pastor).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: II Ni Timoteo 4:1-5.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffit:
“Gawin Akong Isang Daluyan ng Biyaya.” Isinalin mula sa
“Make Me a Channel of Blessing” (ni Harper G. Smyth, 1873-1945).