Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
HIGIT NA PAG-IBIG MULA SA MGA NAPATAWAD MUCH LOVE FROM PARDONED SINNERS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral mula sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig” (Lucas 7:47). |
Ito’y isang simpleng kwento. Isang Fariseong nagngangalang Simeon ay inimbita ni Hesus sa kanyang tahanan upang maghapunan. Habang sila’y kumakain isang makasalanang babae ang dumating na lumuluha, hinugasan ang paa ni Hesus sa pamamagitan ng kanyang luha, at pinahiran ang Kanyang paa gamit ng isang balsamo. Inisip ng mga Fariseo ng kung si Hesus ay isang propeta malalaman Niya na ang babaeng ito ay isang makasalanan, at hindi pumayag na hipuin Siya. Alam ni Hesus ang naisip ng mga Fariseo kaya sinabi Niya ang parabola. Sinabi ni Hesus mayroong dalawang nagkautang. Ang isa ay nagkautang ng malaking halaga ng pera, at ang isa ay nagkautang sa kanya ng maliit ng halaga. Pinatawad silang parehang ng kreditor. Tinanong ni Hesus ang mga Fariseo sino sa dalawa ang magmamahal sa kreditor ng mas higit. Sinabi ng Fariseo, “sa tinggin ko ang taong mas higit ang pagpapatawad niya.” Sinabi ni Hesus na tama siya. Tapos sinabi ni Hesus na ang sinusundan ng babae ang Oriental na kagawian ng pagpapahid ng Kanyang paa at Kanyang ulo, na hindi ginawa ng mga Fariseo. Tapos sinabi ni Hesus na ginawa niya iyon dahil siya’y napatawad ng higit. Dinadala tayo nito sa ating teksto,
“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig” (Lucas 7:47).
May isang mapapaliwanag na bagay na dapat kong talakayin muna bago ako magpatuloy. Patungkol ito sa pariralang, “Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki.” Na walang pagpapaliwanag maaring isipin ng iba na siya ay pinatawad dahil umibig siya ng malaki. Ngunit babaligtarin nito ang ibig sabihin ni Kristo! Gagawin nitong ibigin niya ang kalagayan ng napatawad. Kung babasahin mo ang parabola na ibinigay ni Hesus sa mga berso 41-43 makikita mo agad-agad na ang interpretasyon na ito ay ang saktong kabaligtaran ng ibig sabihin ni Hesus. Ang Griyegong salita na isinaling “sapagka’t” dito ay nangangahulugang “kung gayon” sa makabagong Ingles Sinabi ni Dr. William Henriksen na ang Griyegong salitang isinaling “sapagka’t” ay isang “pang-ukol…at gayon din ang ‘kung gayon’” (isinalin mula sa The Gospel of Luke, Baker, 1981 edition, p. 412). Isinalin ito ni Rienecker na “dahil sa” (isinalin mula sa A Linguistic Key to the New Testament, Zondervan, 1980, p. 160). Sinabi rin ni Mathew Henry, “Dapat itong isalin na, ‘kung gayon umibig siyang malaki’…ang pag-ibig ng malaki ay hindi ang sanhi kundi ang epekto” (isinalin mula kay Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible; sulat sa Lucas 7:47). Sinabi ni Dr. Lenski, “Ang pag-ibig ng babae ay hindi ang dahilan o sanhi ng pagpapatawad, kundi ang pagpapakita niya ng pag-ibig na ito ay nagpapatunay sa isang nakikitang paraan na ang kanyang mga kasalanan ay napatawad” (isinalin mula sa The Interpretation of St. Luke’s Gospel, Augsburg, 1961, p. 433). Kung gayon maaring natin itong isalin bilang, “Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; [kung gayon dahil rito] siya ay umibig ng malaki.” Sinasabi ng 1599 Bibliya ng Geneva, “Ang umibig kay Kristo, ay isang tiyak at panghabang-buhay na saksi ng pagpapatawad ng mga kasalanan…kung gayon ang pag-ibig na tinutukoy rito, ay dapat hindi intindihin na sanhi, kundi isang tanda…na ang mga kasalanan niya sa nakaraang buhay ay napatawad” (sulat sa Lucas 7:47).
“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig” (Lucas 7:47).
Ito’y tiyak na isang mahalagang punto. Tunay na pag-ibig para kay Kristo ay nanggagaling mula sa pagkakapatawad. Kung hindi natin maranasan ang pagpapatawad ng kasalanan, hindi natin iibigin si Kristo. Pinapaliwanag nito ang dalawang mga bagay.
I. Una, pinapaliwanag nito kung bakit mayroon napakakaunting pag-ibig kay Hesus sa mga masasamang mga araw na ito.
Sa Kanyang propesiya ng mga panahon ng katapusan, sinabi ni Hesus,
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
Sa ating panahon maraming mga Kristiyano ay nagkukulang ng pag-ibig dahil sumasagana ang katampalasanan. Sinabi ni Mathew Henry, “Kapag katampalasanan ay sumasagana, inaakit ang masama, inuusig ang kasamaan, ang biyayang ito ng [pag-ibig] ay karaniwang lumalamig. Ang mga Kristiyano ay nagsisimulang maging balisa at mapagduda sa isa’t-isa, ang pagsinta ay napuputol, at mga pagitan ay nabubuo…kaya ang pag-ibig ay napupunta sa wala…na para bang ang impiyerno ay napakawalan sa mga kalapastangan laban sa Diyos, kapootan sa mga santo…Nagbibigay ito ng isang mapanglaw na inaasahang mga panahon, na magkakaroon ng ganoong uri ng pagkabulok ng pag-ibig.”
Sinong makasasabi na hindi tayo nabubuhay sa isang panahon na tulad nito? Naniniwala ako na ang Mateo 24:12 ay isang propetiko ng mga masasamang mga araw na ating binubuhay ngayon. Anoman ang pinaniniwalaan ng isa tungkol sa propesiya sa Bibliya, sinong makasasabi na hindi ito tumutukoy sa ating panahon?
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
Noong ako’y binata, ang simbahan na ako ay minsan naging isang miyembro, bago ko sinapian ang Unang Tsinong Bautistang Simbahan, ay dumaan sa isang teribleng paghihiwalay. Ang mga miyembro ng simbahan iyon ay nag-akusa ng isa’t-isa, nagsisiraang puro ng isa’t-isa. Natandaan kong iniisip, “Ang Kristiyanismo ay hindi maaring maging totoo. Tignan ang poot na mayroon sa isa’t-isa ng mga Kristiyanong mga ito.” Maya maya nalang pagkatapos kong maligtas, na aking natanto na ang mga taong ito ay hindi pa kailan man napagbagong loob, na hindi sila talaga mga Kristiyano. Ang pagkakulang nila ng pag-ibig ay nagpapatunay lamang na hindi sila kailan man napatawad sa tunay na pagbabagong loob. “sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig.” Yoong mga galit na iniiwan ang kanilang mga simbahan sa kapaitan at pagkakulang ng pag-ibig ay hindi kailan man nakaranas ng pagpapatawad ng pag-ibig kay Kristo. Sinabi ni Isaac Watts itong mahusay,
Panginoon, kapag katampalasanan ay sasagana,
At kalapastangan ay mas maging agresibo,
Kapag ang pananampalataya ay mahirap mahanap,
At pag-ibig ay lalagong malamig,
Hindi ba na ang Iyong pagdating ay nagmamadali na?
Hindi Mo ba ibinigay ang tanda?
Naway hindi kami magtiwala at mabuhay batay sa
Isang pangakong napaka banal?
(“Panginoon, Kapag Katampalasan ay Sasagana.” Isinalin mula sa
“Lord, When Iniquities Abound” si Dr. Isaac Watts, 1674-1748).
“Desisyonismo” ang pangunahing sanhi ng pagtatalikod sa dating pananampalataya ngayon. Simula ng panahon ni Finney at yoong mga sumunod sa kanyang mga paraan, ang atind mga simbahan ay tumanggap ng milyon-milyong mga di ligtas na mga tao bilang mga miyembro. Ang lahat ng kinailangang gawin ng mga taong ito ay itaas ang kanilang kamay, at magpunta “sa harap,” o sabihin ang “panalangin ng makasalanan” at sila’y tinanggap bilang mga miyembro na walang tinatanong na katanungan. Dahil hindi nila kailan man naranasan ang Makakasulatang kombiksyon ng kasalanan kasunod ng isnag tunay na pagbabagong loob, nagkaroon sila ng kakaunting pag-ibig para kay Hesus, at ang mga simbahan ay napuno ng mga di ligtas na mga miyembro. Dahil rito, dinulot nito ang mga tunay na mga Kristiyano sa mga simbahan upang maging lubos na nalito at humina ang loob.
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
Hinulaan ng Apostol Pablo ang isang panahon kapag mga tinawag na mga Kristiyano ay “magiging maibigin sa kanilang sarili,” kaysa maibigin kay Kristo (II Ni Timoteo 3:2). Tayo ay nabubuhay sa panahong iyan ngayon bilang isang direktang resulta ng “desisiyonismo.”
Habang ang apostasiya ay lumubha, at kasalanan ay sumasagana sa mga simbahan, hayaan na mga tunay na napagbagong loob maging mas malapit kay Kristo, at ibigin Siya ng mas higit pa dahil sa pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan at pagliligtas ng kanilang mga kaluluwa mula sa Impiyerno!
Mas Higit na pag-ibig sa Iyo, O Kristo,
Mas Higit na pag-ibig sa Iyo!
Pakinggan Mo ang panalangin na aking gawin
Na nakaluhod;
Ito ang masugid kong pakiusap:
Mas Higit na pag-ibig, O Kristo, sa Iyo,
Mas Higit na pag-ibig sa Iyo, Mas Higit na pag-ibig sa Iyo!
Kantahin ang Korong iyan para sa akin!
Ito ang masugid kong pakiusap:
Mas Higit na pag-ibig, O Kristo, sa Iyo,
Mas Higit na pag-ibig sa Iyo, Mas Higit na pag-ibig sa Iyo!
(“Mas Higit na Pag-ibig sa Iyo” Isinalin mula sa
“More Love to Thee” ni Elizabeth P. Prentiss, 1818-1878).
“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig” (Lucas 7:47).
II. Pangalawa, ipinapakita nito na ang kombiksyon ng kasalanan ay nagpapakilos sa ating ibigin si Hesus kapag pinapatawad Niya tayo.
The passage tells us, O, oo, ang babaeng ito ay lubhang nakumbinsi ng kasalanan.
“Ang isang babaing makasalanan na nasa bayan... nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis”
(Lucas 7:37, 38).
Mabuti para sa mga Kristiyanong tandaan noong sila’y naligtas. Kung iyong naranasan ang tunay na pagbabagong loob iyong walng dudang matatandaan kung gaano ka-terible ang iyong naramdaman noong ika’y napatawad ni Hesus at niligtas ang iyong kaluluwa. Iyan ang dahilan na mabuti para sa bawat Kristiyanong bumalik at tandaan kung gaano ito ka terible bago sila napagbagong loob, at kung gaanong kamangha-mangha ito na si Hesus ay nagligtas ng isang sawing palad na makasalanan tulad mo! Kapag ang iyong pagsisikap ay nagiging malamig, at iyong mga panalangin at ebanghelismo ay nagiging maaligamgam, tandaan kung paano ka iniligtas ni Hesus mula sa kasalanan at binigyan ka ng isang buhay ng pag-asa! Ang pagtatanda ng awa na mayroon si Hesus para sa iyo ay magdadala sa iyo sa mas higit na pag-ibig para sa Kanya. Tapos iyong sasabihin,
Ito ang masugid kong pakiusap:
Mas Higit na pag-ibig, O Kristo, sa Iyo,
Mas Higit na pag-ibig sa Iyo, Mas Higit na pag-ibig sa Iyo!
Kantahin ito muli!
Ito ang masugid kong pakiusap:
Mas Higit na pag-ibig, O Kristo, sa Iyo,
Mas Higit na pag-ibig sa Iyo, Mas Higit na pag-ibig sa Iyo!s
Aking binabasa ang isang aklat na tinatawag na, “Apoy Mula sa Langit” ni Paul Cook (Evangelical Press, 2009). Sinabi ni Rev. Cook na isa sa mga bagay na nangyayari sa isang tunay na pagbabagong loob ay ang tao ay napupunta sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan. Sinabi niya, “Ang mga tao ay hindi kailan man natural na nakukumbinsi ng kanilang kasalana; likas na tayo ay mapagpatunay ng ating sarili. Isang tiyak na gawain ng Espiritu ay kinakailangan. At kapag ang Espiritu ay kikilos, ang kasalanan ay nagiging kasuklam-suklam, nagdadala sa isang taong kamhian ito at iwananan ito…Higit na pangangaral ngayon ay nag-aalis ng doktrina ng kasalanan at pag-sisisi” (ibid., p.18). Nagpatuloy siya sa pagsasabi na ang isang pag-hiyaw sa Diyos para sa awa sa pamamagitan ni Hesus ay karaniwang kinakailangan. Sinabi niya, “Nawala na natin ang nota itong sa ating mga simbahan. Ang mga tao ay nauudyok na gumawa ng isang pangako kay Kristo ngunit bihirang nauudyok na tumawag sa Diyos para sa awa…ang pagtatawag sa Diyos na ito para sa awa ay isang mahalagang element ng pagsisisi” (ibid.). Ang makasalanang publikano, “dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan” (Lucas 18:13). Sinabi ni Rev. Cook,
Narito ay isang tao na nabuhay na walang tunay na diwa ng Diyos o ng kaseryosohan ng kasalanan, at isang araw [ay darating] kapag siya ay magkakalam ng Diyos. Kanyang nararanasan ang malalim na kombiksyon ng kasalanan at nagsisimulang hanapin ang Diyos, madalas na may isang pakiramdam ng desperasyon. Ginagawa niya ito hanggang sa siya’y nadadala sa pag-sisisi at tumitingin papalayo patungo sa Panginoong Hesu-Kristo para sa kapatawaran at kaligtasan. Tapos siya ay binibigyan ng kasiguraduhan ng awa ng Diyos at kapatawaran ng kanyang mga kasalanan. At kasunod nito ng isang matinding kasiyahan at pagkatuwa (Isinalin mula sa ibid., page 119).
“Isang pagsigaw sa Diyos para sa awa sa pamamagitan ni Hesu-Kristo” ay madalas nakikita sa mga tao na nakararanas ng tunay na pagbabagong loob.
Ibinigay ni Rev. Cook ang mga salaysay ng maraming mga pagbabagong loob na nangyari sa Pangalawang Matinding Pagkagising (1800-1830). Nagsalita siya patungkol sa pagbabagong loob ni William Carvisso na nagsabi, “Nagkaroon ako ng isang uri ng paningin na nakamamatay na kalikasan ng kasalanan, at ng kung anong nagawa ko laban sa Diyos, na natakot ako na ang lupa ay bumukas at lalamunin ako.” Ang kanyang espiritwal na pagkakagulo ay nagtagal ng ilang mga araw, hanggang sa si “Kristo ay nagpakita…at pinatawad ng Diyos ang lahat ng aking mga kasalanan, at pinalaya ang kaluluwa ko…Ito’y mga alas nuwebe ng gabi ika-7 ng Mayo taon 1771…at hindi ko kailan man malilimutan ang masiyang oras na iyon” (isinalin mula sa (ibid., pp. 74, 75). Si Gg. Carvosso ay matinding ginamit ng Diyos sa Pangalawang Dakilang Pagkagising.
Nagpagbalik-balik na naglalakad si Richard Trewavas sa palapag ng kanyang barko sa gitna ng isang bagyo, nagluluksa sa kanyang mga kasalanan, at napunta sa pagkakaita na “na walang interes sa grasya ng Tagapagligtas dapat akong walang hanggang wasak, at ito’y makakamit lamang sa pamamagitan ni Kristo.” Pagkatapos ng anim na mga buwan ng espiritwal na paglalaban nakahanap kami ng kapayapaan kay Kristo (isinalin mula sa ibid.).
Si Solomon Burall ay naglaga ng ilang mga araw sa mga minahan sa Tukingmill sa espiritwal na pagkabalisa, hanggang sa ang kanyang mga hiyaw sa Diyos ay magdala sa isang pulong ng mga minerong tumakbo patungo sa kanya upang tulungan siya iniisip na siya’y pisikal na nasasaktan (isinalin ibid.).
Si William Cavosso, ang unang lalake na itinukoy ko, ay nangaral pagkatapos niyang maligtas. Sa isang pagpupulong sinabi niya,
…daan-daan ang sumisigaw para sa awa ng sabay-sabay. Ang ilan ay nanatili sa matinding pagkabalisa ng kaluluwa ng isang oras, ang ilan ng dalawa, ang ilan anim ang ilan siyam, labin dalawa at ilan ng labin limang oras bago nagsalita ang Panginoon ng kapayapaan sa kanilang kaluluwa – tapos sila’y babangon, iaabot ang kanilang mga kamay, at iproproklama ang mga nakamamanghang mga gawain ng Diyos, ng may ganoon na lamang na enerhiya, na mga nasa tabi tabi ay matatamaan sa isang sandal, at babagsak sa lupa at sisigaw dahil sa [gulong nasa] kanilang mga puso (isinalin mula sa ibid., pahina 80).
Sinabi ni Rev. Cook, “Hindi dapat tayo masorpresa nito, o dapat maalarma nito. Ang dapat nating alalahanin ay na nangyayari itong napaka madalang” ngayon (isinalin mula sa ibid., p.83). Sinabi ni William Carvosso, s
Nagtsaa ako isang gabi sa tahanan ng Kapatid kong si Smith: bago lang kami nagsama sa panalangin isang dayuhan sa akin ay pumasok sa silid: Bago ko pa man nabuksan ang aking bibig sa panalangin, siya’y lubhang nagising, at umungol dahil sa [gulong nasa] kanyang kaluluwa. Hindi pa ako nakakakita ng isang tao sa aking buhay na ang hapis ng kanyang kaluluwa ay mas higit…Pagkatapos ng isang matinding pakikipaglaban nakamit niya ang awa, at nagalak na tumestigo na pinatawad [ni Kristo] ang lahat ng kanyang mga kasalanan (isinalin ibid., p. 85).
Sinabi ni William Carvosso,
Ako’y nagmadali papunta sa direksyon na iyon, at nahanap ang ilan sa mga nababalisang mga kaluluwa sa kapilya, na naroon na ng maraming araw at gabi nagsisikap sa panalangin, at umiiyak para sa awa…Ang Espiritu ng kombiksyon ay umiiral ng napaka makapangyarihan, na marami na naging mga hangal ay nagsisibagsak sa kanilang mga tuhod upang magdasal sa gitna ng kanilang trabaho. Tunay, sa loob ng maraming mga araw wala nang ibang ginawa kundi puntahan iyong mga lubhang naghihirap kasama ng Diyos para sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa…Naway maging mahinay ang Diyos sa kanila at pakitaan sila ng awa sa walang hanggang buhay. Amen at amen (isinalin mula sa sibid., pp. 87, 88).
Isang babae na nagpunta sa simbahan ng tatlumpung taon ay nanatiling di napagbagong loob, pormal lang na relihiyoso. Siya ay binalaan ng panganib ng pananatiling kontento na hindi natatanggap ng Anak ng Diyos, at ang pagka-imposible ng pagpupunta sa Langit na hindi naipapanganak muli. Natusok sa kanyang puso, bumagsak siyang napaluhod sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan, at nagsimulang sumigaw sa Diyos para sa awa. “Panginoon, iligtas ako mula sa pagbagsak sa Impiyerno,” ang kanyang sigaw. Ang kanyang mga sigaw ay naging mas malakas at mas maalab, at di nagtagal ang Panginoon ay maawain na binisita ng Panginoon ang kanyang kaluluwa at binigyan siya ng “pagkaalam ng kaligtasan… sa pamamagitan ng pagpapatwad ng mga kasalanan, at siya’y sumigaw ng mga papuri sa Diyos.” Bilang resulta ng paggamit ng Diyos sa kanyang saksi isang magkakasunod na mga pagpupulong ang naganap. “Ang nakakukumbinsing gawain ng Espiritu ng Diyos ay napakatindi na sa mga pagkakataon ang mga sigaw ng mga tao na tumatawag sa Diyos para sa awa sa loob ng kanilang mga tahanan ay naririnig ng mga taong dumadaan sa mga kalye” (isinalin mula sa ibid., p. 90).
Inilarawan ni William Carvosso ang pagbabagong loob ng isang tao sa mga salitang ito,
Noong nadinig siyang magsimulang magdasal, hiniling akong bisitahin siya. Matagal ko na siyang di [nakakausap] bago pa man siya mas malubhang nagising, at nagsimulang humiyaw ng malakas para sa awa. Pagkatapos kong magdasal kasama niya iniwanan ko siya. Noong gabi tinawag ko muli siya; at habang itinuturo ko siya sa Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng mund, inilantad sa kanya ng Diyos ang Kanyang awa sa kanyang kaluluwa, at siya’y sumigaw, “Ang aking pasan ay wala na, napatawad na ng Panginoon ang lahat ng aking mga kasalanan: luwalhati, luwalhati sa Kanyng pangalan!” Binisita ko siya ng maraming beses pagkatapos at natagpuan ko ang kanyang pananalig na hindi natitinag (isinalin mula sa ibid., p.90).
Sinabi ni Rev. Cook na hindi nila dinala ang mga nawawalang tao sa isang “panalangin ng makasalanan.” Sinabi niya, “Ipinangaral nila ang ebanghelyo at ipinatupad ito ng madalas na paghihikayat, ngunit sa paggawa nito iniwanan nila ang naghahanap sa kamay ng Diyos.” Naniwala sila na ang kaligtasan ay hindi sa unang-una ang makasalanan na nagpupunta kay Kristo, ngunit bilang si Kristong nagpupunta sa makasalanan sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. At hindi nila pinaniniwalaan na magagawa si Kristong dumating sa pamamagitan ng isang makataong “desisiyon.” “Dahil rito iniwanan nila yoong mga nakumbinsi ng kanilang mga kasalanan na sumisigaw para sa awa, at hinikayat silang sumigaw ng sumigaw hanggang ang Diyos ay magdala ng saksi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na sila’y naging Kanyang mg anak…
Inudyok nila ang mga lalake at babaeng maniwala sa ebanghelyo; ngunit lumampas pa sila rito, at inudyok ang mga makasalanan na hanapin ang Panginoon at tumawag sa Kanya para sa awa. Alam nila na sa ilalim ng tunay na kombiksyon, at bilang ebidensya ng tunay na pag-sisisi, ang mga makasalanan ay magiging masikap at masinsinang gagawin ito at na maririnig ng Diyos ang kanilang sigaw. Hindi [nila] kinuha ang awa ng Diyos ng ganoon na lamang; kinailangan itong mahanap…Kinalangan ng Diyos na tumugon sa naghahanap na makasalanan, at kapag Siya nga ay tumugon Siya’y magsasalita ng kapayapaan deretso sa kanilang kaluluwa. Ang tao ay nakita bilang isang lubos na sumasalalay sa Diyos para sa kaligtasan…Ang sa kanila ay isang mas tunay na biblikal na pagdidiin kaysa sa na nahahanap na ngayon sa mga simbahan…Naniwala sila na hangga’t ang Diyos ay kumilos wala silang kapangyarihan upang makamit ang kahit ano sa Kanyang ngalan. Ipinapaliwanag nito kung bakit sila nanalangin ng higit at ng may ganoon na lamang na pagsisikap” (Isinalin mula sa ibid., pp. 104, 105). Sinabi ni Hesus,
“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig. At sinabi niya sa babae, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan” (Lucas 7:47-48).
Walang kabutihan ang magagawa nito upang paniwalaan ang isang doktrina o isang berso ng Bibliya. Hindi ka maliligtas sa ganitong paraan. Dapat kang magising. Dapat kang magulo ng mga Diyos para sa iyong mga kasalanan. Dapat ipakita ng Diyos sa iyo ang panganib na ikaw’y naroon, at ang paghahatol na naghihintay sa iyo. Dapat kang dalhin ng Diyos kay Hesus para sa iyong mga kasalanan upang mapatawad. Ang mga bagay na ito ay wala sa iyong kapangyarihan. Ang lahat na iyong magagawa ay ang sumigaw na tulad ng isang makasalanang publikano, na humampas sa kanyang dibdib at nananalangin, “Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan” (Lucas 18:13). Pakilipat sa himno 7 sa iyong papel, “Mahabag ka sa Akin.” Magsitayo at kantahin ito. Ito’y isang “nalimutang” himno mula sa lumang Bautistang himnal.
Na may sirang puso at nagsasalang buntong-hininga,
Isang nanginginig na makasalanan, Panginoon ang aking sigaw;
Ang iyong nagpapatawad na biyaya ay mayaman at malaya;
O Diyos! Mahabag ka sa akin!
Aking hinahampas ang aking naguguluhang dibdib,
Na may sala mula sa aking kasalanan ay napahirapan:
Si Kristo at Kanyang Dugo ang aking nag-iisang pakiusap;
O Diyos! Mahabag ka sa akin!
Malayo akong nakatayo na may luhaang mga mata,
Hindi ako nangangahas na itaas ang mga ito sa langit;
Ngunit Iyong nakikita ang lahat ng aking paghihirap:
O Diyos! Mahabag ka sa akin!
Na may sirang puso at nagsasalang buntong-hininga,
Isang nanginginig na makasalanan, Panginoon ang aking sigaw;
Ang iyong nagpapatawad na biyaya ay mayaman at malaya;
O Diyos! Mahabag ka sa akin!
(“Mahabag ka sa Akin.” Isinalin mula sa “Be Merciful to Me”
ni Cornelius Elven, 1797-1873; binago ng Pastor;
sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 7:36-48.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mas Higit Na Pag-ibig sa Iyo.” Isinalin mula sa
“More Love to Thee” (ni Elizabeth P. Prentiss, 1818-1878).
ANG BALANGKAS NG HIGIT NA PAG-IBIG MULA SA MGA NAPATAWAD ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig” (Lucas 7:47). I. Una, pinapaliwanag nito kung bakit mayroon napakakaunting II. Pangalawa, ipinapakita nito na ang kombiksyon ng kasalanan |