Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PINABAYAAN NG DIYOS NA TAGA-PAGLIGTAS

THE GOD-FORSAKEN SAVIOUR

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-1 ng Abril taon 2012

“At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).


Pagkatapos bumangon mula sa pananalangin sa kadiliman ng Hardin ng Gethsemani, si Hesus ay hinarap ng isang “pulutong ng mga kawal, at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo.” Nagsidating sila “na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata” (Juan 18:3). Ginapos nila si Hesus at dinala Siya sa punong saserdote, “na doo'y nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda” (Mateo 26:57). Inakusa nila si Hesus ng paglapastangan sa Diyos. Tapos dumura sila sa Kanyang mukha, sinuntok Siya gamit ng kanilang mga kamao, sinampal Siya gamit ng mga palad ng kanilang mga kamay, at pumunit ng mga piraso ng buhok ng Kanyang balbas (Isaias 50:6).

Sa sunod na umaga ang punong saserdote at mga matatanda ay nagpasyang ipapatay si Hesus. Ginapos nila Siya muli at dinala Siya kay Pontiu Pilato, ang Romanong gobernador. Pinagtatanong Siya ni Pilato. Tapos sinabi ni Pilato sa karamihan, “Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo?” Isinigaw ng mga tao, “Mapako siya sa krus” (Mateo 27:22). Hinugasan ni Pilato ang kanyang mga kamay at nagsabi, “Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao” (Mateo 27:24). Tapos ipinapalo ni Pilato si Hesus at ipinadala Siya upang maipako sa krus. Naglagay ang mga Romanong mga kaal ng isang pulang balabal sa dumurugong katawan ni Hesus. Gumawa sila ng isang korona ng tinik at idiniin ito sa Kanyang ulo. Naglagay sila ng isang tungkod sa Kanyang kanang kamay, “nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!” (Mateo 27:29). Dumura sila sa Kanyang mukha at kinuha ang tungkod at pinalo Siya sa ulo gamit nito. At pagkatapos nila SIyang kutyain inalis nila ang Kanyang balabal, isinuot sa Kanyang ang sarili Niyang damit, at ipinadala Siya upang mapakos sa krus.

Walang korona para sa Kanya na pilak o ginto,
   Walang dyadema para sa Kanyang hawakan;
Ngunit pinamalamutian ng dugo ang Kanyang noo at mapagmalaki
   Niyang dinala ang mga mantas nito,
At ibinigay ng mga makasalanan sa Kanyang
   Ang koronang Kanyang isinuot.
Magaspang na krus ang Kanyang naging trono,
   Ang Kanyang kaharian ay nasa mga puso lamang;
Isinulat Niya ang Kanyang pag-ibig sa pula,
   At isinuot ang mga tinik sa Kanyang ulo.
(“Isang Korona ng Tinik.” Isinalin mula sa
     “A Crown of Thorns” ni Ira F. Stanphill, 1914-1993).

Si Hesus ay lumabas na buhat buhat ang Kanyang krus. Bumagsak Siya muli’t muli sa ilalim ng bigat nito. Sa wakas nakumbinsi ng mga kawal ang isang lalakeng nagngangalang Simon ng Cyrene upang buhatin ang krus. Noong dumating sila ng Golgotha hinandogan nila siya ng isang inumin ng maasim na alak, na Kanayang tinanggihan. Ipinako ng mga kawal ang Kanyang mga kamay at paa sa krus, itinaas ito sa isang nakatindig na posisyon, “At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon” (Mateo 27:36).

Naglagay sila ng isang karatula sa ibabaw ng Kanyang ulo, ipinako ito sa krus, na nagsasabing, ITO'Y SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO. Dalawang mga magnanakaw ang naipako kasama Niya, isa sa Kanyang kanan at isa sa Kanyang kaliwa. Yoong mga dumaan sa krus ay sumigaw ng mga insult sa Kanya, nagsasabing, “kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus” (Mateo 27:40). Kinutya rin Siya ng mga punong saserdote nagsasabi sa Kanya, “Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya” (Mateo 27:42).

Hindi Siya naghari sa isang trono ng garing,
   Namatay Siya sa krus ng Kalbaryo;
Para sa mga makasalanan doon biniliang Niya ang lahat ng
   Kanyang inaari ngunit nawawala,
At Kanyang pinagmasdan ang Kanyang kaharian mula sa isang krus.
   Isang magaspang na krus ang naging Kanyang trono,
Ang Kanyang kaharian ay nasa mga puso lamang;
   Isinulat Niya ang Kanyang pag-ipig sa pulo,
At isinuot ang mga tinik sa Kanyang ulo.

Si Hesus ay naipako sa krus ng alas nuwebe ng umaga. Noong alas dose ng hapon isang kadiliman ang bumagsak sa lupa hanggang alas tres ng hapon. At mga bandang alas tres ng hapon si Hesus ay sumigaw ng may malakas na tinig, “Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46). “Magaspang na krus ang Kanyang naging krus.” Kantahin ito!

Magaspang na krus ang Kanyang naging trono,
   Ang Kanyang kaharian ay nasa mga puso lamang;
Isinulat Niya ang Kanyang pag-ibig sa pula,
   At isinuot ang mga tinik sa Kanyang ulo.

Si Hesus ay sumigaw, “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?” Ang Kanyang sigaw mula sa krus ay nagpapakita ng tatlong mga bagay.

I. Una, ang sigaw ni Hesus mula sa krus ay natupag sa Lumang Tipang propesiya.

Sa Mga Awit 22:1 sinabi ni David,

“Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?”
      (Mga Awit 22:1).

Sadyang tinupad ni Hesus ang berso ng Kasulatang ito. Ang Mga Awit 22 ay nagbibigay ng 15 mga punto na natupad noong si Hesus ay nasa krus. Nagdala ito sa maraming mga manunulat noong naunang mga simbahan na tawagin ang Mga Awit 22, na ang, “panlimang ebanghelyo.” Sinasabi ng Mga Awit 22:18, “Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.” Iyan mismo ang ginawa ng mga kawal sa mga damit ni Kristo sa paanan ng krus. Sinasabi ng Mga Awit 22:16, “binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.” Ang Hebreong salita ay nangangahulugang “upang humukay, tumusok, o gawing hukab” (Isinalin mula kay John Gill). Sinasabi ni Zakarias 12:10, “sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan.” Ang Hebreong salita doon ay nangangahulugang “upang sumaksak, tumusok, tarakan” (Isinalin mula kay Strong). Sinasabi ng Pag-aaral na Bibliya ng Scofield,

Ang Mga Awit 22 ay isang mapaglarawang larawan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Ang mga buto (ng mga kamay, braso, balikat, at baywang) labas sa kasukasuhan (b. 14); ang matinding pagpawis na sanhi ng matinding paghihirap (b. 14); ang kilos ng pusong naapektuhan (b. 14); lakas ay naibuhos lahat, at ang lubosang pagka-uhaw (b. 15); ang mga kamay at paa ay natusok (b. 16); halos hubad na may pagkasakit ng kabinian (b. 17), at lahat kaugnay sa ganoong paraan ng pagkamatay. Ang mga kasamang mga pangyayari ay tiyak na mga iyong natupad sa pagpapako sa krus ni Kristo. Ang ulilang sigaw ng berso 1 (Mateo 27:46); ang mga panahon ng liwanag at kadiliman sa berso 2 (Mateo 27:45)…ang paghahagis ng marmi ng berso 18 (Mateo 27:35), lahat ay literal na natupas. Kapag ito’y natatandaan na ang pagpapako sa krus ay isang Romano, at hindi Hudyong, paraan ng pagbibitay, ang pruweba ng inspirasyon ay hindi maiiwasan (isinalin mula sa The Scofield Study Bible, p. 608; sulat sa Mga Awit 22).

Sinabi ni Dr. Henry M. Morris,

Mga Awit 22 ay isang nakamamanghang propetikong paglalarawan ng hinaharap na pagpapako sa krus ng Anak ng Diyos. Ang salmon ito ay isinulat 1000 ng mga taon bago ng katuparan nito at inilalarawan ito sa grapikong detalye ang mga pagdurusa ni Kristo, bago ng paraan ng pagpapako sa krus ay nakilala… (isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., The Defender’s Study Bible, World Publishers, 1995 edisiyon, p. 608; sulat sa Mga Awit 22:1).

Si Dr. John R. Rice ay naglista ng isang Lumang Tipang propesiya pagkatapos ng isa na natupad noong si Hesus ay napako sa krus. Sinabi niya, “Imposible na ang mga pagkakatupad na mga ito ay aksidental. Gayon mayroong tayong napaka laking pruweba ng inspirasyon ng Kasulatan at ng pagkadiyos ni Kristo (Lucas 24:25-27). Isang hangal lamang ang hindi maniniwala. Dahil nagbigay ng espesyal na pagdidiin ang Diyos sa propesiyang natupad sa ating teksto…makikita natin na ito ang puso ng plano ng Diyos” (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Bible Garden, Sword of the Lord Publishers, 1982, p. 31).

II. Pangalawa, ang sigaw ni Hesus mula sa krus ay sa ilang antas ay naglalarawan sa isang makasalanan sa Impiyerno.

“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?”
       (Mateo 27:46).

Paki tala na hindi ako naniniwala na si Hesus ay nagpunta sa Impiyerno, gaya ng maling intinuturo ni Dr. Frederick K. Price. Walang Kasulatan na nagsasabing si Hessus “ay nagdusa para sa ating mga kasalanan sa Impiyerno,” gaya ng sinabi ni Dr. Price.

Ngunit sumasang-ayon ako kay Dr. John R. Rice na ang naghihirap na iyak ni Hesus na “Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan,” ay isang larawan ng paghihirap ng mga makasalanan sa Impiyerno. Sinabi ni Dr. Rice,

Naniniwala kami na ang mga paghihirap ni Kristo sa krus sa ilang antas ay larawan ng pahihirap sa Impiyerno. Sa krus si Hesus ay sumigaw ng, “Nauuhaw ako,” gaya ng pagka-uhaw ng mayamang lalake sa Impiyerno (Lucas 16:24). Hindi mo ba mailarawan ang mayamang lalakeng sumisigaw ng, “Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” Ang Impiyerno ay totoo. Ang kasalanan ay dapat mapahirapan, tunay na pisikal na paghihirap…paghihiwalay mula sa Diyos. Ang mga makasalanan sa Impiyerno ay mabubulag pa rin, ay malupit pa rin, magtatanong pa rin, “Bakit?” (I Mga Taga Corinto 2:14). Si Hudas sa kanyang pinahirapang isipan, ay alam na kanyang pinagtaksilan ang inosenteng dugo (Mateo 27:4), ngunit hindi tumalikod mula sa kanyang mga kasalanan (isinalin mula kay Rice, ibid., pp. 31, 32).

Kaya, ang sigaw ni Hesus mula sa krus sa ilang diwa ay naglalarawan sa sigaw ng isang makasalanan sa Impiyerno,

“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).

Walang pag-asa para kahit sinong magpupunta sa Impiyerno. Sinabi ni Hesus ang mangyayari sa mga di ligtas na mga tao kapag sila’y mamatay. Sasabihin Niya sa kanila,

“Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa”
       (Mateo 25:41).

“Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Marcos 9:44).

“At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata” (Lucas 16:23).

Ang mga paghihirap na pinagdaanan ni Hesus sa krus ay magpapatuloy magpakailan man, doon sa mga tatanging magtiwala kay Kristo. Sila’y patuloy na magdurusa sa “apoy na walang hanggan” (Mateo 25:41). Mukhang sila’y magsisisigaw ng walang katapusan, “Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” Oo, naniniwala kami na ang paghihirap ni Kristo sa krus sa ilang antas ay inilalarawan ang mga paghihirap ng mga nawawalang mga makasalanan sa Impiyerno. Iyan ang dahilan na kami’y nagmamaka-awa sa iyo na magtiwala kay Kristo at maligtas mula sa mga kasalanan ngayon, bago pa ito walang hanggang huli na.

III. Pangatlo, ang sigaw ni Hesus mula sa krus ay nagpapakita na namatay Siya upang bayaran ang kasalanan ng tao.

“Sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateos 27:46).

Maraming patungkol sa Kanyang sigawa na mahirap maintindihan. Natatandaan kong nakabasa saanman na si Luther ay umupo sa kanyang silid aralan ng ilang mga araw, na hindi kumakain o gumagalaw, sinusubukang maintindihan ang sigaw ng Tagapagligtas. Sa wakas natanto niya na hindi niya makataong maintindihan kung paano na ang Ama at ang Anak ay hiwalay. Paano na ang Unang Tauhan ng Trinidad ay pinabayaan ang Pangalawang Tao? Sa wakas sumuko na siya sa pagsusubok, at lumabas mula sa kanyang silid at kumain ng hapunan kasama ng kanyang asawa at mga anak. Ang matinding misteryo ng sigaw ng Tagapagligtas ay itinukoy ng mga Puritanong mangungumentong si John Trapp (1601-1669), na nagsabing, “Bilang tao, sumisigaw Siya ‘Dios ko, Dios ko [bakit mo ako pinabayaan],’ na bilang Diyos, nagbigay Siya ng paraiso sa nagsisising magnanakaw” (isinalin mula kay Trapp, A Commentary on the Old and New Testaments, Transki Publications, 1997 inilimbag muli, kabuuan V, p. 276; sulat sa Mateo 27:46).

Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski (1864-1936), “Na sa kanyang namamatay na mga kapangyarihan sumisigaw siya sa Diyos at hindi na niya nakikita sa kanya ang Ama, dahil isang pader ng paghihiwalay ang bumangon sa pagitan ng Ama at ng Anak, iyan aya ang kasalanan ng mundo at ang sumpa nito habang ito na ngayon ay nakalatag sa Anak. Nauuhaw si Hesus para sa Diyos, ngunit inalis ng Diyos ang kanyang sarili. Hindi ang Anak ang lumisan mula sa Ama, kundi ang Ama ang Anak. Ang Anak ay sumisigaw para sa Diyos, at ang Diyos ay hindi sumagot sa kanya…Ang pinakamalapit na nais nating mararating sa misteryong ito ay ang maisip si Hesus na natatakpan ng kasalanan ng mundo at sumpa at na, noong nakita ng Diyos si Hesus gayon, tumalikod siya mula sa kanya. Ang Anak ng Diyos ay nagbuhat ng ating mga kasalanan at ang mga sumpa nito…Iyan ang dahilan na si Hesus ay sumigaw ng ‘Dios ko’ at hindi ‘Ama ko.’ Ngunit ang pag-aaring [‘ko’] ay mahalaga. Kahit na tumalikod ang Diyos mula sa kanya at iniwan siya, sumigaw siya sa kanya at kumakapit sa kanya bilang kanyang Diyos. Dito nagpapakita ang banal na kaganapan ni Hesus. Siya ang Kordero na walang bahid kahit na siya ay ginawang kasalanan at isang sumpa sa oras ng pag-aalay” (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Ph.D., The Interpretation of St. Matthew’s Gospel, Augsburg Publishing House, 1964 edition, pp. 1119-1120).

Sinabi ni Dr. Rice, “Sa isang nakamamanghang paraan gayon, dinala ni Hesu-Kristo ang mga kasalanan ng mundo at nagdusa bilang isang makasalanan” (isinalin mula kay Rice, ibid., p. 31). Sinabi ng Apostol Pablo,

“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).

Sinabi ng Apostol Pedro,

“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo”(I Ni Pedro 2:24).

Namatay si Hesus sa ating lugar, upang magbayad para sa multa ng ating mga kasalanan, “naging sumpa sa ganang atin” (Mga Taga Galacias 3:13).

Minamahal tayo ni Hesus ng lubos ng namatay Siya sa krus upang iligtas tayo mula sa kasalanan at Impiyerno. Ang ganoong pag-ibig ay nangangailangan ng pananampalataya at pagmamahal sa Kanya. Sinabi ni Dr. Watts, “Pag-ibig na nakamamangha, napaka banal, Kinakailangan ang aking kaluluwa, aking buhay, aking lahat.” Tumingin kay Hesus at magtiwala sa Kanya. Ililigtas ka Niya mula sa multa ng kasalanan.

Hindi Siya naghari sa isang trono ng garing,
   Namatay Siya sa krus ng Kalbaryo;
Para sa mga makasalanan doon biniliang Niya ang lahat ng
   Kanyang inaari ngunit nawawala,
At Kanyang pinagmasdan ang Kanyang kaharian mula sa isang krus.
   Isang magaspang na krus ang naging Kanyang trono,
Ang Kanyang kaharian ay nasa mga puso lamang;
   Isinulat Niya ang Kanyang pag-ipig sa pulo,
At isinuot ang mga tinik sa Kanyang ulo

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Marcos 15:24-34.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Korona ng Tinik.” Isinalin mula sa
“A Crown of Thorns” (ni Ira F. Stanphill, 1914-1993).


ANG BALANGKAS NG

ANG PINABAYAAN NG DIYOS NA TAGA-PAGLIGTAS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).

(Juan 18:3; Mateo 26:57; Isaias 50:6;
Mateo 27:22, 24, 29, 36, 40, 42)

I.   Una, ang sigaw ni Hesus mula sa krus ay natupag sa
Lumang Tipang propesiya, Mga Awit 22:1, 18, 16;
Zakarias 12:10.

II.  Pangalawa, ang sigaw ni Hesus mula sa krus ay sa ilang
antas ay naglalarawan sa isang makasalanan sa
Impiyerno, Lucas 16:24; I Mga Taga Corinto 2:14;
Mateo 27:4; 25:41; Marcos 9:44; Lucas 16:23.

III.   Pangatlo, ang sigaw ni Hesus mula sa krus ay nagpapakita
na namatay Siya upang bayaran ang kasalanan ng tao,
I Mga Taga Corinto 15:3; I Ni Pedro 2:24;
Mga Taga Galacias 3:13.