Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DAKILANG PUTING LUKLUKANG PAGHAHATOL THE GREAT WHITE THRONE JUDGMENT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Apocalipsis 20:12). “At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:15). |
Noong 1962 nabasa ko ang aklat na kathang siyensa ni George Orwell 1984. Noong panahong iyon 1984 ay mukhang napaka layo. Ngunit ang panahon ay nagpapatuloy. Ang 1984 ay dumating at umalis. Noong mga taong 1960 ang Hong Kong ay nasa ilalim pa rin ng pamumuno ng Britanya. Ang kanilang pamamahala ng Hong Kong ay hindi matatapos hanggang sa taon 1997. Iyan ay mukhang malayo pa para sa akin noon. Ngunit ang Hong Kong ay naibalik sa Tsina labin limang taon na mas maaga. Ang 1997 ay dumating at umalis. Ang panahon ay nagpapatuloy. Noong 1982 ang aking asawa at ako ay binibisita ang Roma, sa isang paglalakbay naming mula sa Israel. Tumayo kami sa Kapilya ng Sistine, tinitignan ang presco ni Michelangelo ng “Huling Paghahatol.” Ang huling paghahatol ng mga di ligtas na mga patay ay mukhang malayo para sa iyo ngayong umaga. Ngunit ang panahon ay nagpapatuloy.
Mas malapit kaysa sa naiisip mo, ang Huling Paghahatol ay darating. Sa araw na iyon ang lahat ng sangkatauhan ay tatayo sa harapan ng Dakilang Puting Trono. Ang mga patay, ang maliliit at malalaki, ay tatayo sa harapan ng Diyos. Ang mga “aklat” ay mabubuksan, at ang mga di ligtas na mga patay ay hahatulan mula sa aklat ng Diyos.
Ang panahon ay nagpapatuloy. Mas malapit kaysa sa naiisip mo, ang Huling Paghahatol ay darating! Sa mataimtim na araw na iyon, dalawang mga bagay ang mangyayari.
I. Una, ang mga di ligtas na mga patay ay hahatulan ayon sa kanilang mga gawain.
Nakita itong parating ng Apostol Juan sa isang pangitain. Sinabi Niya,
“At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa” (Apocalipsis 20:12-13).
Ang mga nawawalang mga tao ay madalas maisip na ito’y magiging isang panahon kung saan titimbangin ng Diyos ang kanilang mabubuting mga gawain at kanilang masasamang mga gawain. Iniisip nila na, kung gagawa sila ng mas maraming kabutihan kaysa masasama, sila’y papayagang makapunta sa Langit. Ngunit wala sa mga iyan ay totoo sa Bibliya, at tiyak na hindi iyan totoo sa talatang ito sa Kasulatan! Sinabi ni Dr. John R. Rice na
Walang awa doon. Walang nasasabi tungkol sa pagpapatawad, tungkol sa biyaya ng Diyos, tungkol sa pagbabayad. Ang lahat ng mga ito ay kinasuklaman [pinagtatawanan at tinatanggihan]; ngayon ang makatuwirang paghahatol na lamang ang umuubra…Ang mga tao ay napupunta sa Impiyerno dahil dapat lang sa kanila. Nararapat sa kanila ang Impiyerno… Sinasabi ng Mga Kawikain 29:1, “Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan.” Ang kasalanan ay dapat mapagbayaran. Yoong mga tinatanggihan ang alay ni Kristo…ay dapat bayaran ang sarili nilang utang magpakailan man, hindi kailan man nagsisisi, hindi kailan man napatawad na kasalanan (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Behold, He Cometh! A Verse-by-Verse Commentary on the Book of Revelation, Sword of the Lord Publishers, 1977, pp. 304-305; kumento sa Apocalipsis 20:12).
Doon sa Kapilya ng San Jorge sa Westminister Abbey sa Inglatera mayroong apat na mga aklat na naglalaman ng mga pangalan ng 60,000 ng mga taong namatay sa pagbobomba ng London noong Pangalawang Makamundong Digmaan. Isa sa mga aklat na iyon ay nakabukas at isang ilaw ay sumisinag rito sa mga pangalan na nakatala sa mga pahina nito. Araw-araw isang pahina ay inililipat.
Ipinapaalala ako nito ng mga “aklat” ng Diyos na bubuksan sa Huling Paghahatol. Kapag ang mga aklat ay bubuksan, ang mga pangalan ng bawat nawawalang mga makasalanan ay magpapakita, kasama ng isang listahan ng bawat kasalanan na kanilang nakamit. Sinasabi ng Bibliya,
“Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay...” (Ecclesiastes 12:14).
At sinabi ni Hesus,
“Na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom” (Mateo 12:36).
Ang bawat “kubling bagay” na ginawa ng mga nawawalang mga tao ay nakatala sa mga aklat ng iyon ng paghahatol. Bawat “salitang walang kabuluhan” na kanilang sinabi ay nakatala, at sila’y “ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.” Sinabi ni Hesus,
“Walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag: at natatago, na hindi malalaman” (Lucas 12:2).
Ang bawat nawawalang tao ay haharapan ng kanilang mga kasalanan ng kanyang buhay sa Huling Paghahatol kapag “hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao” (Mga Taga Roma 2:16).
“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa”
(Apocalipsis 20:12).
Sinabi ni Dr. Rice,
Ang mga kalalakihan ay hahatulan ayon sa kanilang mga gawain. Ang ibig sabihin nito gayon, na ang paghahatol ay mas matindi para sa ilan kaysa sa iba. Ang Impiyerno ay mas katiis-tiis para sa ilan kaysa para sa iba, batay sa kanilang mga gawain. Lahat ng mga tumatanggi kay Kristo ay mapupunta sa Impiyerno, ngunit ang Impiyerno ay hindi magiging parehas para sa lahat (isinalin mula kay Rice, ibid., p. 305).
Sinabi ni Hesus,
“Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, Bethsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo, malaon na dising nangagsisi na may mga damit na magaspang at abo Nguni't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom, kay sa inyo. At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka baga hanggang sa langit? ibababa ka hanggang sa Hades: sapagka't kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo'y ginawa, ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito. Datapuwa't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw ng paghuhukom, kay sa iyo” (Mateo 11:21-24).
Nakikita natin sa mga bersong ito na mayroong tatlong antas ng pagpaparusa sa Impiyerno. Ang taong naririnig ang Ebanghelyo Linggo Linggo, ngunit di kailan man nagpupunta kay Kristo, ay magkakaroon ng mas masaklap na lugar sa Impiyerno kaysa doon sa mga nasa Sodom. “Datapuwa't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw ng paghuhukom, kay sa iyo” (Apocalipsis 20:13). “At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:15).
Sinabi ng propetang si Daniel doon sa mga hindi ligtas “ay mangagigising… sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak” (Daniel 12:2). Anong teribleng kaisipan! Mamamatay ka, ngunit hindi iyan ang katapusan – hindi kailan man! Pagkatapos mong mamatay ika’y “mangagigising… sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.” Sinabi ni Dr. John Blanchard, isang Taga Britanyang may-akda,
Anong sinasabi ng mga salita ni Daniel tungkol sa mga emosyon ng mga makasalanan sa impiyerno? Walang instrumentong kilala sa tao ang makasusukat sa sakit na sanhi ng sala; at walang makataong isipan ang makalalarawan ng paghihirap na sanhi ng impiyerno ng isang nang-aakusang konsensya na mayroong lubos na pag-aalala at imposibleng mapatahimik…Sa pamamagitan ng kanilang makasalanan, nakasentro sa sariling mga buhay nagsabi sila ng mga kasinungalingan tungkol sa Diyos, siniraang puri at nilibelo ang kanilang Tagapaglikha. Sa impiyerno, matatanto nila ang buong ibig sabihin at laki ng kanilang krimen. Di sa pinakakaunti, sila’y mapupuwersang aminin na kahit na binigyan sila ng Diyos ng “buhay at hininga at lahat ng iba pang bagay”… kanilang inaksaya ang kaniyang kabutihan sa pamamagitan ng pamumuhay para sa kanilang sarili. Hindi nakakapagtaka na sinasabi ni Daniel na kanilang mararanasan ang kahihiyan.
sNgunit tinutukoy rin niya ang “pagkapahamak,” na naisasalin sa Hebreong salitang deraon. Ang isa pang gamit nito sa Kasulatan ay kung saan sinasabi ni Isaias na yoong mga nakondena sa Impiyerno ay [“magiging kayamutan sa lahat ng mga tao”]. Ang mga makasalanan sa impiyerno ay walang makakasama at walang simpatiya. Ang lahat ng mga naroon ay [kayayamutan] di magugustuhan ng lahat, na dadagdag sa pareho nilang pagkabalisa at kanilang hiya. Ang mga naninirahan sa impiyerno ay madadakip sa isang [uliuli] ng akusasyon at sala, rekriminasyon at paghihinayang, kahihiyan at kayayamutan…
Tayo ay sinasabihan ng [sila’y] [“pahihirapan ng apoy at asupre”] at na [“ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man”], Apocalipsis 14:10-11. Sa isang anyo o iba pa man ang salitang “hirap” ay nagpapakita ng labin limang beses pa sa Bagong Tipan. Minsan ito’y tumutukoy sa matinding pagkabalisa na sanhi ng pagkakasakit o karamdaman, at kahit isang beses sa pagkaka pahirap, ngunit na walang eksepsyon ang salita ay nagdadala kasama nito ng kahulugan ng matindi, makamamalay na paghihirap. Sa kalagayan ng paghihirap sa impiyerno ang paghihirap na ito ay magapapatuloy magpakailan man. Lumlampas na 1,500 na mga taon noon sinabi ni John Chrysostom, “Ang mga sinumpa ay maghihirap ng katapusan na walang katapusan, isang kamatayan na walang kamatayan, isang pagkabulok na walang pagkabulok…magkakaroon sila ng kaparusahan na walang awa, paghihirap na walang awa, pagdurusa na walang saklolo, pag-iyak na walang pampalubag loob, at paghihirap na walang kariwasaan” (isinalin mula kay John Blanchard, D.D., Whatever Happened to Hell? Evangelical Press, 2005 edisiyon, pp. 145-146, 154).
“At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Apocalipsis 20:12).
“At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:15).
II. Pangalawa, yoong mga nahanap sa Aklat ng Buhay ay makatatakas mula sa paghahatol na ito.
“At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy”
(Apocalipsis 20:15).
Ang propetang si Daniel ay tumukoy sa “aklat ng buhay” noong sinabi niyang, “at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat” (Daniel 12:1). Sinabi ni Hesus, “Ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit” (Lucas 10:20). At ang Apostol Pablo ay nagsalita tungkol sa kanyang mga kapwa manggagawa sa Filipo, “na ang kanilang pangalan ay nangasa aklat ng buhay” (Mga Taga Filipo 4:3).
Ang “aklat ng buhay” ay naglalaman ng mga pangalan noong mga napili ng Diyos na iligtas. Yoong lahat na mga mayroong walang hanggang buhay ay nakatala ang kanilang mga ngalan sa “aklat ng buhay.” Kung ika’y napagbagong loob ang iyong pangalan ay nasa “aklat ng buhay.” Kung di ka napagbagong loob sa oras ng iyong kamatayan ang iyong pangalan at iyong mga kasalanan ay nakatala sa “mga aklat.” Ang pangalan mo ba’y nasa “aklat ng buhay,” o ito ba’y nasa “mga aklat”? Kung ang iyong pangalan ay nasa “mga aklat” ika’y ipadadala sa lawa ng apoy. Sinabi ni Dr. John F. Walyoord, “Ang pagkabigong maisulat ang pangalan sa Aklat ng Buhay ay isang basehan para sa pagkakatapon sa lawa ng apoy, dahil ang mga kasalanan ng taong iyon ay hindi pa napapatawad at siya ay hindi pa pumapasok sa pahinga ng Diyos” (Isinalin mula kay John F. Walvoord, Th.D., Major Bible Prophecies, Zondervan Publishing House, 1991, p. 411).
Kung ang iyong pangalan ay nasa “aklat ng buhay” makakasama mo si Kristo sa Langit sa buong walang hanggang. Ang kantang kinanta ni Gg. Griffith bago ng pangaral na ito ay sinasabi ang lahat,
Panginoon, wala akong paki sa lahat ng yaman,
Pilak man o ginto;
Paniniguraduhan ko ang Langit,
Papasukin ko ang pulong.
Sa aklat ng Iyong kaharian,
Na ang mga pahina nitong napakainam,
Sabihin mo sa akin Hesus, aking Tagapagligtas,
Ang pangalan ko ba’y nakasulat roon?
Ang pangalan ko ba’y nakasulat doon,
Sa pahinang maputi at mainam?
Sa aklat ng Iyong kaharian,
Ang pangalan ko ba’y nakasulat doon?
(“Ang Pangalan Ko Ba’y Nakasulat Doon?” Isinalin mula sa
“Is My Name Written There?” ni Mary A. Kidder, 1820-1905).
Gaya ng sinabi ko, kung ang iyong pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ika’y nasumpa sa walang hanggang paghihirap.
“At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy”
(Apocalipsis 20:15).
Ang iyong pangalan ba’y nakasulat sa aklat ng buhay? Mayroong isang paraan lamang upang tiyakin na ang iyong pangalan ay naroon. Sinabi ni Hesus,
“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan”
(Juan 6:47).
“Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan...” (Juan 3:17-18).
Magsisis – tumalikod mula sa iyong mga makasalanang paraan ng buhay, at mananampalataya sa Tagapagligtas. Huwag lang maniwala sa mga bagay tungkol kay Hesus. Maniwala “kay” Hesus. Ang Griyegong salitang isinalin na “kay” ay “eis.” Ang ibig nitong sabihin ay “nasa” (Mula kay George Ricker Berry). Ang makabagong pagsasalin ay nagsasabing “naniniwala sa kanya.” Ngunit itinatago nito ang ibig sabihin. Ang mabuti’t lumang Haring Santiagong Bersyon ay nagsasabing “kay.” Iyang ay mas maigi. Ipinapakita nito na dapat kang magpunta kay Hesus, at pumasok sa Kanya, at magpahinga sa Kanya. “Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan” (Juan 3:18). Dapat kang maniwala kay Hesus, at maging nasa Kanya!
Ang simpleng pag-iisip na iyan ay di kailan man makukuta ng natural na tao. Susubukan niya itong intindihin, ngunit mabibigo bawat beses. Yoon lamang na ang mga pangalan nila’y nasa aklat ng buhay ay magagawang makapunta kay Hesus Mismo. Sila lamang ang maniniwala “sa kanya.” Sinabi ni Hesus, “Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw” (Juan 6:44).
Si Hesus ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng kasalanan ng tao. Ibinuhos ni Hesus ang Kanyang Dugo upang ang makasalanang tao ay mahugasang malinis mula sa lahat ng kasamaan. Panalangin ko na ika’y tatalikod mula sa iyong makasariling buhay at magpunta kay Hesu-Kristo Mismo.
Ang pangalan ko ba’y nakasulat doon,
Sa pahinang maputi at mainam?
Sa aklat ng Iyong kaharian,
Ang pangalan ko ba’y nakasulat doon?s
Balang araw iyan ang magiging nag-iisang bagay na makabuluhan! Ang iyong ngalan ba’y nasa aklat ng buhay? Tandaan,
“At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy”
(Apocalipsis 20:15).
Ang iyong ngalan ba’y nakasulat sa aklat ng buhay? Ito’y nakasulat kung ika’y magpupunta kay Hesus! Sinabi ni Hesus,
“Ang lumalapit sa akin sa […] ay hindi ko itataboy”
(Juan 6:37) [KJV].
Magpunta sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya sa pinaka umagang ito at ika’y maliligtas mula sa lahat ng iyong mga kasalanan sa lahat ng panahon, at sa buong walang hanggan! Amen at amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Apocalipsis 20:11-15.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Panagalan Ko Ba’y Nakasulat Doon?” Isinalin mula sa
“Is My Name Written There?” (ni Mary A. Kidder, 1820-1905).
ANG BALANGKAS NG ANG DAKILANG PUTING LUKLUKANG PAGHAHATOL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Apocalipsis 20:12). “At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:15). I. Una, ang mga di ligtas na mga patay ay hahatulan ayon sa kanilang mga II. Pangalawa, yoong mga nahanap sa Aklat ng Buhay ay makatatakas |