Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAGLILINIS NI NAAMAN

THE CLEANSING OF NAAMAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon Ika-4 ng Marso taon 2012

“Si Eliseo ay nagsugo ng sugo sa kaniya, na nagsasabi, ikaw ay yumaon, at maligo sa Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis” (II Mga Hari 5:10).


Si Naaman ay ang komandante ng hukbo ng hari ng Syria. Siya ay isang dakilang lalake. Siya ay isang magiting na sundalo. Pinarangalan siya ng kanyang hari dahil sa mga tagumpay na kanyang nakamit. Ngunit siya ay isang leproso. Kinakain ng ketong ang kanyang laman at pinapatay siya.

Ngayon ang asawa ni Naaman ay mayroong maliit na Hebreong katulong na nadakip mula sa lupain ng Israel. Sinabi niya sa asawa ni Naaman na mayroong isang propeta sa Israel na makakapagpagaling kay Naaman mula sa kanyang ketong. Noong narinig ng hari ng Syria ang tungkol rito nagpadala siya ng isang sulat sa hari ng Israel, na nagsasabing ipinapadala niya si Naaman upang mapagaling. Nagulong lubos dahil rito ang hari ng Israel. Pinunit niya ang kanyang mga damit at nagsabi, “Ako ba'y Dios upang pumatay at bumuhay, na ang lalaking ito ay nagsugo sa akin upang pagalingin ito sa kaniyang ketong?... tingnan mo kung paanong siya'y humahanap ng dahilan laban sa akin” (II Mga Hari 5:7). Noong nadinig ito ng propeta Elisha sinabi niya sa haring ipadala sa kanya sa Naaman, “at kaniyang malalaman na may isang propeta sa Israel” (II Mga Hari 5:8).

Kaya si Naaman ay dumating kasama ng kanyang mga kabayo at kanyang kalesa sa pintuan ng tahanan ni Elisha. Ngunit ang propeta ay hindi lumabas upang makipag-usap sa kanya. Imbes ay nagpadala siya ng isang taga dala ng mensahe upang sabihin kay Naaman, “maligo sa Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis” (II Mga Hari 5:10).

Ngunit nagalit si Naaman at umalis. Sinabi niya, “Narito, aking inakalang, walang pagsalang lalabasin niya ako, at tatayo, at tatawag sa pangalan ng Panginoon niyang Dios, at pagagalawgalawin ang kaniyang kamay sa kinaroroonan, at mapapawi ang ketong.” Tapos sinabi ni Naaman sa kanya dalawa sa mga ilog sa kanyang sariling bansa ay “ay mainam kay sa lahat ng tubig sa Israel.” “Hindi ba ako makapaliligo sa mga yaon, at maging malinis? Sa gayo'y pumihit siya at umalis sa paginit.”

Tapos sinabi ng tagapaglinggkod ni Naaman, “kung ipinagawa sa iyo ng propeta ang anomang mahirap na bagay, hindi mo ba gagawin? gaano nga kung sabihin niya sa iyo, Ikaw ay maligo, at maging malinis?” Tapos si Naaman ay nagpunta at inilubog ang kanyang sarili ng pitong beses sa ilog ng Jordan, gaya ng sinabi ng propeta sa kanya, “at ang kaniyang laman ay nagsauling gaya ng laman ng isang munting bata, at siya'y naging malinis.”

At si Naaman ay bumalik kay propeta Elisha at nagsabing, “Narito ngayon, aking talastas na walang Dios sa buong lupa, kundi sa Israel.”

Maraming mga matitinding mga sermon ang naipangaral sa pasaheng ito ng Kasulatan. Tiyak na ang mga mangangaral na iyon ay tama upang sabihin na ang pagkakagaling ng keton ni Naaman ay naglalarawan ng pagkakagaling ng kasalanan ng Dugo ni Hesus! Kung hindi ka ligtas, panalangin ko ngayong gabi ng ika’y magpunta kay Hesus at maghugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo! Pansinin ang tatalong mga bagay tungkol sa paglilinis ni Naaman na makakatulong sa iyo upang malinisan rin.

I. Una, siya ay isang leproso.

“Siya rin nama'y malakas na lalake na may tapang, nguni't may ketong” (II Mgs Hari 5:1).

Sinabi ni Dr. McGee, “Ang Ketong sa mga Kasulatan ay isang uri ng kasalanan. Isang dahilan ay hindi ito mapagagaling sa pamamagitan ng makataong paraan…maraming mga maiinam na katangian si Naaman, ngunit siya isang makasalanan. Sinubukan niyang takpan ang kanyang ketong, ngunit hindi makahanap ng gamot nito…si Kristo lamang ang makagagawa niyan” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1982, kabuuan II, p. 311; sulat sa II Mga Hari 5:1).

Inilalarawan ng ketong ang lubos na pagkamasama ng tao sa kasalanan. Noong si Adam ay nagrebelda laban sa Diyos, dinala niya ang ketong ng kasalanan sa bawat isa ng miyembro ng sankatauhan. Sinabi ng Apostol Pablo,

“Sa pamamagitan ng isang tao [si Adam] ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao…” (Mga Taga Roma 5:12).

Iyan ang dahilan na sinasabi sa atin ng Bibliya na lahat ng mga di ligtas ng mga tao ay “patay dahil sa a[kanilang] mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Sinasabi ni Haring David,

“Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina” (Mga Awit 51:5).

Inilalagay ni Dr. Watts ang kaisipang iyan sa isang himno,

Panignoon, ako’y napakasama, ipinagbuntis sa kasalanan,
   Ipinanganak na di banal at di malinis;
Lumitaw mula sa taong ang kanyang sala ay bumagsak
   Nagpapasama sa lahi, at minamantsahan tayong lahat.

Narito, ako’y bumagsak sa harapan ng Iyong mukha,
   Ang aking pagkakubli ay Iyong biyaya;
Walang panlabas na mga anyo ang makakapaglinis sa akin;
   Ang ketong ay namamalaging sa pinakalooban.
(Isinalin mula kay Dr. Isaac Watts, 1674-1748).

A, anong larawan ng himnong iyan ng iyong kalagayan kung ika’y di ligtas! Ipinagbuntis sa kasalanan! Ipinanganak na di banal at di malinis! Walang panlabas ng anyo (mga desisyon o mga panalangin) ang makakapaglinis sa iyo! Ang ketong ay namamalagi sa pinakalooban! Hangad ko na kakantahin ng ating mga sinabahan ang kantang iyan ni Isaac Watts muli! Inilalarawan ka niyan ngayong gabi! “Ang ketong ay namamalagi sa pinakalooban.” Sinabi itong mahusay ni Jeremias.

“Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama” (Jeremias 17:9).

Ang tanyag na ebanghelistang ng Unang Dakilang Pagkagising, si George Whitefield, ay madalas na nagsabi na ang tao ay hindi napagbabagong loob hangang kanilang maramdaman ang lubos na pagkasama ng kanilang sariling makasalanang mga puso. Libo-libo ang naidala sa ilalim ng kumbiksyon noong kanilang natanto na tama siya – na ang kanilang sariling mga puso ay narumihan ng di mapagaling ng taong ketong ng kasalanan. “Ang ketong ay namamalagi sa pinakalooban.”

Hindi ba iyan totoo tungkol sa iyo? Sinabi ni Hesus,

“Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan” (Marcos 7:21-22).

Hindi pa iyan larawan ng iyong puso, puno ng masamang mga kaisipan? Ngayon, paano mapagagaling ang iyong masamang puso ng kasalanan? Paano na ang ketong ng kasalanan na namamalagi sa pinakakalooban mo ay malilinis? Tulad mo, si Naaman ay “may ketong.” Paano siya nalinisan at napagaling? Dinadala tayo nito sa susunod na punto.

II. Pangalawa, ang paraan ng pagkakalinis na ito ay iniatas.

“Si Eliseo ay nagsugo ng sugo sa kaniya, na nagsasabi, ikaw ay yumaon, at maligo sa Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis” (II Mga Hari 5:10).

Magpunta at maghugas sa Ilog ng Jordan ng pitong beses. Iyon lang! Iyon lang ang lahat na kinailangan niyang gawin! Umasa si Naaman ng isang dramatikong paraan ng pagpapagaling. Sinabi niya, “Aking inakala.” O, kinakatakot ko, ika’y nasa parehong kondisyon! “Aking inakala.” Akala mo alam mo ang kailangan mo upang maligtas. “Aking inakala.” Huwag isipin ang iyong sariling mga kaisipan! Alisin sila sa iyong mga isipan ngayong gabi, at gawin ang sinasabi ng Diyos! Sinabi ni D. L. Moody,

Si Naaman ay mayroong dalawang karamdaman – pagkamapagmalaki at ketong. Ang unang kinailangan na paglilinis na kasing kinailangan ng pangalawa. Kinailangang bumaba ni Naaman mula sa kanyang kalesa ng pagkamalaki; pagkatapos, ay maghugasan ayon sa pagka-atas na paraan (isinalin mula kay D. L. Moody, Notes From My Bible, pahina 58).

At iyan ang kailangan mong gawin ngayon gabi, kung umaasa kang maligtas. Isantabi ang iyong iniisip. Isantabi ang iyong pagmamalaki at sarili mong mga pag-iisip tungkol sa kung paano maligtas at “mahugasan ayon sa iniatas na paraan.” At ang iniatas na paraan ay sa pamamagitan ng pagpupunta kay Hesus! Sinabi ni Hesus, “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28). Magpunta kay Hesus. Lilinisin Niya ang iyong kasalanan gamit ng sarili Niyang Dugo at bibigyan ka ng pahinga! Ang “dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

III. Pangatlo, siya’y hinkayat na sumunod.

“At ang kaniyang mga lingkod ay nagsilapit, at nagsipagsalita sa kaniya, at nagsabi, Ama ko, kung ipinagawa sa iyo ng propeta ang anomang mahirap na bagay, hindi mo ba gagawin? gaano nga kung sabihin niya sa iyo, Ikaw ay maligo, at maging malinis?” (II Mga Hari 5:13).

“Maligo at maging malinis.” Iyan ang sinasabi ko sa iyo ngayong gabi! Maligo at maging malinis!

Ang mga tubig ng Ilog ng Jordan ay mga uri lamang, mga larawan lamang ng Dugo ni Hesus. Nakarinig na ako ng mga tao ngayon, kapag sila’y nasa Israel, ay nagpapabinyag sila “muli” sa Ilog ng Jordan, iniisip na mayroon itong magagawa para sa kanila. Ito’y mukhang kahangalan para sa akin! Kahit ang unang beses na ika’y mabinyagan ay walang “magagawa” para sa iyo! Ito lamang ay isang larawan ng iyong naunang pagkamatay at muling pagkabuhay kay Kristo, kapag ika’y maligtas. Tandaan na ang paglilinis ni Naaman ay nangyari sa Lumang Tipang panahon, Ngayon, sa dispensasyong ito, tayo ay nalilinis sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus,

“Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo...”
       (Mga Taga Roma 3:25).

Dapat kang magkaroon ng pananampalataya sa Dugo ni Hesus! Sinasabi ng Bibliya,

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

Lahat ng kasalanan! Lahat ng kasalanan – mga kasalanan man ng iyong puso, o mga kasalanan na iyong nagagawa – lahat ng kasalanan ay dapat mahusagan ng Dugo ni Hesus – at sa pamamagitan lamang ng Dugo ni Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos! Gaya ng pagkalagay nito ng lumang kanta,

Anong makalilnis ng aking kasalanan?
   Wala kundi ang dugo ni Hesus;
Anong makakagawa sa aking buo muli?
   Wala kundi ang dugo ni Hesus;
O! mahal ang agos
   Na gumagawa sa aking kasing puti ng niyebe,
Wala na kong ibang bukal na alam,
   Wala kundi ang dugo ni Hesus;
(“Wala kundi ang dugo ni Hesus.” Isinalin mula sa
      “Nothing but the Blood” ni Robert Lowry, 1826-1899).

Alam ko na mayroong ilan ngayon na ibinababa ang Dugo ng Tagapagligtas. Naway maawa ang Diyos sa kanila dahil sa kasalanang ito! Wala nang ibang paraan para sa isang may ketong na makasalanan na malinisan! “Wala na kong ibang bukal na alam, Wala kundi ang dugo ni Hesus.” Sa Langit ating itataas ang ating mga tinig

“Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5).

“Anong makahuhugas ng aking kasalanan? Wala kundi ang dugo ni Hesus”!

Namatay si Hesus sa isang malupit na krus upang bayarang buo ang multa ng iyong mga kasalanan. Si Hesus ang nag-iisang Anak ng Diyos, ay nagbuhos ng Kanyang Dugo sa krus na iyon upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Buhay Siya ngayong gabi, sa Langit, sa kanang kamay ng Ama. Magpunta kay Hesus ngayon at lahat ng iyong mga kasalanan ay malilinis; ang iyong mga kasalanan ay mahuhugasan ng magpakailan man sa pamamagitan ng Kanyang sariling Dugo! Sinabi ng propeta kay Naaman, “Maligo at maging malinis.” At sinasabi ko sa iyo ngayong gabi, “Maligo at maging malinis” sa Dugo ni Hesus! Gg. Griffith, halika at kantahin ang “Oo, Alam ko!” muli.

Mapunta, mga makasalanan,
   Nawawala at walang pag-asa,
Magagawang malaya ka ng dugo ni Hesus;
   Dahil iniligtas Niya ang
Pinakamasahol sa inyong lahat,
   Noong iniligtas Niya ang
Isang wasak na tulad ko.
   At alam ko, oo, alam ko,
Ang dugo ni Hesus ay makalilinis ng
   Pinakamasamang makasalanan.
At, alam ko, oo, alam ko,
   Ang dugo ni Hesus ay makalilinis ng
Pinakamasamang makasalanan
     (Oo, Alam ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!”
     ni Anna W. Waterman, 1920).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: II Mga Hari 5:1-15.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!”
(ni Anna W. Waterman, 1920).


ANG BALANGKAS NG

ANG PAGLILINIS NI NAAMAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Si Eliseo ay nagsugo ng sugo sa kaniya, na nagsasabi, ikaw ay yumaon, at maligo sa Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis” (II Mga Hari 5:10).

(II Mga Hari 5:7, 8)

I.   Una, siya ay isang leproso, II Mga Hari 5:1; Mga Taga Roma 5:12;
Mga Taga Efeso 2:5; Mga Awit 51:5; Jeremias 17:9; Marcos 7:21-22.

II.  Pangalawa, ang paraan ng pagkakalinis na ito ay iniatas,
II Mga Hari 5:11; Mateo 11:28; I Ni Juan 1:7.

III. Pangatlo, siya’y hinkayat na sumunod, II Mga Hari 5:13;
Mga Taga Roma 3:25; I Ni Juan 1:7; Apocalipsis 1:5.