Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG AHAS NA TANSO THE SERPENT OF BRASS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:9). |
Habang ang mga Israelites ay naglakbay sa mga kaparangan sila’y nainip at naging rebelled. Nagsimula silang magsalita laban sa Diyos at kay Moises. Sinabi nila, Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka't walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito” – ang tinapay na ibinigay ng Diyos sa kanila upang kainin (Mga Bilang 21:5). Sinabi ni Mathew Henry, “Kahit na ngayon ay nakamit na nila ang maluwalhating tagumpay laban sa mga Canaanites…gayon may sila’y [nagsalita] pa rin nang lubos na di pagkakontento sa kung anong nagawa ng Diyos para sa kanila at di nagtiwala sa kung anong gagawin Niya…Mayroon silang tinapay na sapat at maipamimigay; at gayon man sila pa rin ay nagreklamo na wala silang tinapay.” Mayroon rin silang tubig, ngunit nagbulong-bulungan pa rin sila laban sa Diyos! (isinalin mula kay Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, kabuuan I, Hendrickson Publishers, 1996 inilimbag muli, p. 519; kumento sa Mga Bilang 21:4-9).
Dahil sa kanilang di pananamapalataya at rebelyon, nagpadala ang Diyos ng mababangis na mga ahas upang kagatin sila at patayin sila. Ang mga ahas ay tinawag ng “mga mababangis na mga ahas” dahil sa kanilang kulay, at dahil ang kanilang kagat ay nagsasanhi ng maapoy na pagkamaga ng katawan, “ginagawa nito agad-agad na magkaroon ng mataas na lagnat” (isinalin mula kay Henry, ibid.).
“At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan” (Mga Bilang 21:7). Tapos sinabihan ng Diyos si Moises na gumawa ng isang ahas ng tanso at ilagay ng mataas sa isang poste. Tapos sinabihan ni Moises ang mga tao na tumingin sa ahas sa poste at sila’y mabubuhay. “At nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:9).
Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Tignan ang puno ng lason, mga nakamamatay na mga ahas dumudulas sa mga damo! Dinala ng Diyos ang Israel palabas ng Egipto na may pagpaapkita ng mga dakilang mga himala na nakita sa lupang ito. At anong pagpapala ang ibinigay ng Diyos upang ipakita ang Kanyang mapagmahal na pabor: tinapay, tubig mula sa bato, pagkaligtas mula sa Amalek. Ngunit tayo ay nagugulat upang makita na walang pagpupuri mula sa mgalabi nitong…karamihang ito. Narito ay kasalanan at ang Tagapagligtas na ipinpakaita sa kaparangan!” (isinalin mula kay John R. Rice., D.D., The Bible Garden, Sword of the Lord Publishers, 1982, p. 212).
Sa kaganapang ito mayroong tatlong araw – ang sanhi ng paghahatol, ang kasukdulan ng paghahatol, at ang gamut sa paghahatol.
I. Una, ang sanhi ng paghahatol.
“Ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang?” (Mga Bilang 21:5). Ang kanilang pagrereklamo ay ang resulta ng di pananamapalataya. Simplseng hindi nila pinanampalatayaan na ang Diyos, o Kanyang tagapaglingod na si Moises!
“At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang? At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway? At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya”
(Mga Taga Hebreo 3:17-19).
“Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas. Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak. Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon” (I Mga Taga Corinto 10:9-11).
Alam ko na mayroong ilang mga makasalanan rito ngayong gabi na nagrereklamo laban sa Diyos. Ang ilan sa inyo ay iniisip na hindi sapat ang nagawa ng Diyos para sa kanila, o kaya na gingawa Niyang masyadong mahirap makamit ang kaligtasan. Sa iyong puso nagbubulong ka at nagrereklamo. “Baki ko kailangang maniwala kay Hesus, na hindi ko nakikita?” ang sinasabi mo. “Bakit ko kailangang magpunta kay Hesus na walang pakiramdam, at walang patunay?” At ang ilan sa inyo ay nagsasabing, “Bakit ko kailangang tumalikod mula sa aking mga lihim na kasalanan upang magtiwala ka Kristo?” Ngunit ang mga pagrereklamong mga ito ay malupit at makasalanan. Nanggagaling ang mga ito mula sa masamang puso ng di paniniwala. Sinabi ni Aspotol Pablo, “Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas” (I Mga Taga Corinto 10:9).
Isang babala ngayong gabi, kung tatanggi kang magpunta kay Kristo mamamatay ka sa iyong mga kasalanan. Kung magpapatuloy kang magreklamo at sadyang tinatangihan ang Tagapagligtas, “wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 10:26-27). Ang paghahatol ay babagsak sa iyo. Kung magpapatuloy ka na sa iyong kagustuhan, at sadyang pagtatanggi kay Hesu-Kristo, Siya ay biglang darating, “Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus” (II Mga Taga Tesalonica 1:8). Ika’y “tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan” (II Mga Taga Tesalonica 1:9).
Hindi ba iyan mismo ang nangyari sa mga Israelites na nagrebelde at tumangging maniwala sa kaparangan? Hindi ba sila’y kinagat nga mga mababangis na mga ahas? Hindi ba sila namatay at nagpunta sa Impiyerno? Hindi ba sila ibinigay na mga halimbawa ng kung anong mangyayari sa iyo kung ika’y magpapatuloy sa sadyang pagrerebelda, pagtatangging magpunta kay Kristo?
“Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang. Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na gaya naman nila na nagsipagnasa” (I Mga Taga Corinto 10:5-6).
Ang sanhi ng kanilang paghahatol ay ang kanilang makasalanang di paniniwala at rebelyon laban sa Diyos.
II. Pangalawa, ang kasukduklan ng paghahatol.
Sa isang tiyak na araw, at isang tiyak na oras, ang Diyos ay nagpadala ng mababangis ng mga ahas upang kagatin sila at patayin sila. Sinabi ni Mathew Henry, “Ang kaparangan kung saan ay kanilang dinaanan ay lahat pinamugaran noong mga mababangis na mga ahas, gaya ng pagpapakita, Deuteronomio 8:15, ngunit [bago nito] nakamamanghang pinanatili ng Diyos [sila] mula sa pagkakapinsala ng mga ito, hanggang sa ngayon na sila’y nagsisibulong-bulungan…Ang [mga ahas] na mga ito, na [bago ngayon] ay di pinansin ang kanilang kampo, ngayon ay sinalakay ito. Makatuwiran na yoong mga ginawang maramdaman ang paghahatol ng Diyos na hindi nagpapasalamat para sa kanyang awa. Ang mga ahas na ito [ay ipinamaga] ang katawan, ginagawa ito agad na magroon ng mataas na lagnat, pinapaso ito na may di naampat na uhaw. Sila’y di makatuwirang nagreklamo dahil sa [pagkawala ng tubig (b. 5), upang kastiguhin sila para sa ipinapadala ng Diyos sa kanilang pagka-uhaw, na walang tubig ang makapapawi,” noong sila’y kinagat noong mga mababangis na mga ahas! (Isinalin mula kay Henry, ibid., pp. 519-520).
Ang mga ahas na mga iyon ay dating pinigilang makapasok sa kampo dahil sa kamay ng Diyos. Ngunit ngayon, dahil sa kanilang kasalanan at di pananampalataya, ang mga ahas na mga ito ay nagsisalakay sa kanilang paligid, nagsilundag sa kanila, at nagdala sa kanila ng mga kombulsyon ng sakit, kamatayan, at walang hanggang paghihirap. Ang mga ahas na mga iyon ay nagsilunda sa kanilang biglaan ! At tayo ay binalaan sa Bagong Tipan na “biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam…at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan” (I Mga Taga Tesalonica 5:3). Hindi ba iyan ang kalagayan noong mayamang hangal na tinukoy ni Kristo? Sinabi niya sa kanyang sarili, “magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka” (Lucas 12:19). “Datapuwa't sinabi…ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa” (Lucas 12:20). Siya’y nadididwang, ngunit biglang ang kanyang kaluluwa ay inagaw mula sa kanyang katawan. Sa gabing iyon, sa isang sandal, ang kanyang kaluluwa ay dinukot mula sa kanyang katawan at itinapon sa walang hanggang apoy! Hindi ba iyan ang parehong kinahinatnan ng lalake sa Lucas 16? Bigla siyang namatay, “At sa [impiyerno] na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata” (Lucas 16:23).
Ang paghahatol ay maaring dahan-dahan ang pagdating, ngunit kapag ito nga ay darating, ito’y darating ng biglaan! Gaya ng pagdating na biglaan ng mga ahas, pagkatapos nilang matagal na tinanggihan ang Diyos, kaya ang iyong paghahatol ay darating na biglaan, at ika’y di makakatakas!
Pansinin na ang mga mababangi na mga ahas na ito ay mga uri ng, mga larawan ni Satanas at kanyang mga demonyo. Maari kang protektahan ngDiyos nang maraming taon mula sa nakamamatay na pagsalakay ng “matandang ahas na iyon, na tinatawag na Diablo, at Satanas” (Apocalipsis 12:9). Ngunit biglaan, sa isang tiyak na araw (dahil kanyang “nagtangi siya ng isang araw” – Mga Taga Hebreo 4:7), sa “tiyak na araw” pakakawalan ng Diyos ang Kanyang Ahas ang Diablo sa iyo ng buong galit – kung magpapatuloy ka sa pagrerebelde laban sa Panginoong Hesu Christo. Iyan ang nangyayari kapag si Satanas at kanyang mga demonyo ay magsisihampas ng mga makasalanang hindi nagsisisi at nagpupunta kay Kristo!
“Datapuwa't ang karumaldumal na espiritu, kung siya'y lumabas sa tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong. Kung magkagayo'y sinasabi niya, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at pagdating niya, ay nasusumpungan niyang walang laman, walis na, at nagagayakan. Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kay sa kaniya, at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una. Gayon din ang mangyayari sa masamang lahing ito” (Mateo 12:43-45).
O, nakita ko na iyan na nangyari ng di mabilang na pagkakataon! Isang tao ay magpupunta sa simbahan, lilinisin ang kanyang buhay, ngunit tatanggihan si Kristo at Kanyang awa. Sa isang tiyak na araw, at sa isang tiyak na oras, ang mga di malilinis na mga espiritu ay darating at kakagatin siya sa kamatayan, “at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una” (Mateo 12:45). Makapagbibigay ako ng isang kwento kada kwento niyan na nangyayari sa mga taong nagrebelde at tumangging magpunta sa Panginoong Hesu-Kristo!
Ang mga ito ay tunay na mga kwento. Sinabi niya, “Ako’y mabuti.” Ngunit tumingin ako sa kanyang kabaong at nakita ang kalahit ng kanyang mukhang napasabog gamit ng isang shotgun. Sinabi niya, “Ako’y mabuti.” Ngunit sumisid siya sa tubig. Ito’y mas mababaw kaysa kanyang iniisip. Nauntog niya ang kanyang ulo sa ilalim ng malakas ang pwersa. Nabali ang kanyang leeg, at naparalisa hanggang siya’y namatay. Sinab niya, “Ako’y mabuti.” Nagpunta siya sa ilalim ng isang puno at sinalakay ng isang magnanakaw. Narinig nila siyang sumisigaw. Bago pa sila nakarating doon nagdugo na siya sa kamatayan – sumisigaw ng napakalakas! Sinabi niya, “Ako’y mabuti.” Ngunit biglaan siyang tinamaan at biglaang nasakal sa kamatayan sa sarili niyang suka. Sinabi niya, “Ako’y mabuti.” Ngunit ang kanyang sasakyan ay bumaling paalis ng daan, papunta sa isang kanal. Buhay pa siya noong nagpunta siya sa kanya, ngunit ang kanyang mga laman loob ay nagrolyo sa kanyang mga kamay, habang siya’y naghingalong upang makahinga, naghirap ng ilang sandal, bago ang kanyang kaluluwa ay lumubog sa walang hanggang apoy. Noong nakita ko siya nang ilang minuto mayamaya ang kanyang mukha ay puti at ang kanyang mga kamay ay nanginginig. Sinabi niya nang paulit-ulit, “hindi ko siya maligtas. Hindi ko siya maligtas. Hindi ko siya maligtas.” Ito’y mga tunay na mga kwento. Alam ng Diyos na hindi ko ipinalalabis kahit ng kaunti ang mga ito! Sinabi ni Nehemiah,
“Oh Panginoon, na Dios ng langit, na dakila at kakilakilabot na Dios”! (Nehemias 1:5).
Sinabi ni Daniel,
“Oh Panginoon, Dios na dakila at kakilakilabot”! (Daniel 9:4).
“At ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay” (Mga Bilang 21:6).
Habang mga mababangis na mga ahas ay lumason doon sa mga makasalanang mga iyon, gayon din na ang paghahatol ay darating nang biglaan sa iyo – hangga’t ika’y magsisi at tumingin kay Krisot bago pa ito huli na magpakailan man!
Nakita na namin ang sanhi ng kanilang paghahatol, at ang kasukdulan ng kanilang paghahatol, ngunit tayo na ngayon ay napupunta sa huling punto.
III. Pangatlo, ang gamot para sa paghahatol.
“At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon. At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:7-9).
Ang Diyos ay nagbigay ng daan upang ang mga makasalanang ito ay maligtas. “Na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:9).
Hindi tayo magbibigay ng espesyal na atensyon sa kaganapang ito kung hindi ito ginamit ni Hesus na isang paglalarawan noong kinausap Niya si Nikodemo, gaya ng pagkatala sa pangatlong kapitulo ng Juan. Si Nikodemo ang pangunahing guro ng Israel, ngunti hindi siya naipanganak muli. Sinabi sa kanya ni Hesus ang kwento ni Moises at ang ahas ng tanso. Bilang isang iskolar ng Bibliya, alam ni Nikodemo ang kwento sa Mga Bilang 21 nang mabuti. Sinabi sa kanya ni Hesus,
“At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao; Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:14-15).
Upang ika’y maligtas mula sa paghahatol, walang kinakailangan kundi tumingin sa pananampalataya kay Hesus, na nakataas sa Krus, gaya ng ahas ng tanso na naitaas. “Na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:9). Sinabi ni Hesus,
“At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao; Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:14-15).
Kinausap ko ang isang dalaga pagkatapos ng paglilingkod nitong umaga. Sinabi niya, “Sa tinggin ko ako’y ligtas na dahil naniniwala ako na Hindi ako itataboy ni Hesus.” Tinutukoy niya ang Juan 6:37, “ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy.” Sinabi ko sa kanya, “Hindi iyan maari. Pinaniwalaan mo ang isang berso ng Bibliya, Juan 6:37. Ngunit ang paniniwala sa isang berso ng Bibliya ay hindi makaliligtas sa iyo. Dapat kang maniwala kay Hesu-Kristo Mismo!” Sinabi ni Hesus,
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).
Oo, sinasabi ng Bibliya na hindi ka itataboy ni Hesus kung magpupunta ka sa Kanya. Ngunit ang paniniwala sa isang berso ng Bibliya ay hindi liligtas sa iyo. Dapat kang maniwala kay Hesu-Kristo Mismo! Dapat kang maniwala kay Hesus. Dapat kang magpunta sa Kanya. Dapat kang tumingin sa Kanya, hindi sa isang berso ng Bibliya!
Lumingon papalayo mula sa iyong sarili! Lumingon mula sa iyong sariling mga pag-iisip at pakiramdam at pagdududa! Lumingon at tumingin kay Hesus at ika’y maliligtas! Sinabi Niya, “Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin” (Isaias 45:22). Itigil na ang iyong pagrerebelde at di paniniwala – at tumingin kay Hesus sa Krus, sa kanang kamay ng Diyos, na nananalangin sa iyo! Tumingin kay Hesus at maniwala sa Kanya. Gaya ng pagtingin ng mga Israelites sa tansong ahas at naligtas, kaya ako nagmamaka-awa sa iyong tumingin kay Hesus at maligtas ngayong gabi! Kinanta kanina ni Gg. Griffith ang isang lumang kanta bago ng sermon ito, “Tumingin at Mabuhay.” Natagpuan ko na ang mga ika-dalawam pu’t isang siglong mga “desisyonista” ay binago ang “tumingin at mabuhay, O makasalanan, mabuhay” sa “tumingin at mabuhay, aking kapatid, mabuhay.” Ngunit kung hindi ka pa tumitingin kay Hesus, hindi kita kapatid! Ika’y isang nawawalang makasalanan na papunta sa Impiyerno. Kung gayon kakantahin natin ito sa mga orihinal nitong mga salita, “Tumingin at mabuhay, O makasalanan, mabuhay.” Pakinggan ito muli. Tumingin kay Hesus. Maniwala sa Kanya na itinaas sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Tumingin sa Kanya at maligtas mula sa kagat ng ahas at mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Tumingin kay Hesus at mabuhay!
Mayroong akong mensahe mula sa Panginoon, Aleluya!
Ang mensahe sa iyo aking ibibigay;
Ito’y nakatala sa Kanyang Salita, Aleluya!
Na ikaw lamang ay “tumingin at mabuhay.”
Tumingin at mabuhay, O makasalanan, mabuhay,
Tumingin kay Hesus ngayon at mabuhay;
Ito’y nakatala sa Kanyang Salita, Aleluya!
Na ikaw lamang ay “tumingin at mabuhay.”
Ang buhay ay inaalay sa iyo, Aleluya!
Walang hanggang buhay ang makakamit ng iyong kaluluwa,
Kung titingin ka lamang sa Kanya, Aleluya!
Tumingin kay Hesus na Siya lamang ang nakaliligtas.
Tumingin at mabuhay, O makasalanan, mabuhay,
Tumigin kay Hesus ngayon at mabuhay;
Ito’y nakatala sa Kanyang Salita, Aleluya!
Na ikaw lamang ay “tumingin at mabuhay.”
Sasabihin ko sa iyo kung paano ako nagpunta, Aleluya!
Kay Hesus, noong ginawa Niya akong buo;
Ito’y sa paniniwala sa Kanyang Ngalan, Aleluya!
Nagtiwala ako at iniligtas Niya ang aking kaluluwa.
Tumingin at mabuhay, O makasalanan, mabuhay,
Tumingin kay Hesus ngayon at mabuhay;
Ito’y nakatala sa Kanyang Salita, Aleluya!
Na ikaw lamang ay “tumingin at mabuhay.”
(“Tumingin at Mabuhay” isinalin mula sa “Look and Live”
ni William A. Ogden, 1841-1897;
orihinal na mga salita, 1887).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Bilang 21:4-9.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tumingin at Mabuhay Isinalin mula sa
“Look and Live” (ni William A. Ogden, 1841-1897;
orihinal na bersyon, 1887).
ANG BALANGKAS NG ANG AHAS NA TANSO by Dr. R. L. Hymers, Jr. “At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:9). (Mga Bilang 21:5, 7) I. Una, ang sanhi ng paghahatol, Mga Bilang 21:5; II. Pangalawa, ang kasukduklan ng paghahatol, I Mga Taga Tesalonica 5:3; III. Pangatlo, ang gamot para sa paghahatol, Mga Bilang 21:7-9; |