Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SILA’Y HINDI NANGAKAPASOK DAHIL SA KAWALAN
NG PANANAMPALATAYA

THEY COULD NOT ENTER IN BECAUSE OF UNBELIEF

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-19 ng Pebrero taon 2012

“Sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway? At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya” (Mga Taga Hebreo 3:18-19).


Ang mga Israelites ay tinawag na lumabas mula sa Egipto upang magpunta sa pinangakong lupain ng Canaan. Ang Egipto ay isang uri o isang larawan ng kasalanan. Ang Canaan ay isang uri ng Langit. Sinabi ni Dr. John Gill (1697-1771) na ang Canaan “ay isang uri ng langit, na namahinga mula sa pagkakayod at pagsisikap, na nananatili para sa mga tao ng Diyos; at kung saan sinasabi na ang henerasyon na ito ay hindi pumasok” (Isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, kabuuan III, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, p. 391; kumento sa Mga Taga Hebreo 3:11).

“Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan” (Mga Taga Hebreo 3:11).

Sinabi ni Mathew Poole (1624-1679) patungkol sa bersing ito, “Hindi sila kailan man magsisipasok sa aking pahinga. Kung sila’y magsisispasok, gayon ako’y di tunay o Diyos. Ang pahinga ay literal na ang lupain ng Canaan, Deuteronomio 12:9; sa katotohanan ng ganyang uri, langit…ito’y pagsasara sa kanila mula sa lahat ng kapayapaan, sa walang hanggang pagdurusa, paghihirap, pagkabalisa, at gulo, at lahat ng ibang kasamaan laban sa pahingang ito” (isinalin mula kay Matthew Poole, A Commentary on the Whole Bible, kabuuan III, The Banner of Truth Trust, 1990 inilimbag muli, p. 821; kumento sa Mga Taga Hebreo 3:11).

Iyan ang ibig sabihin noong sinabi ng Diyos, “Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan” (Mga Taga Hebreo 3:11). Sinabi ng mga matatandang mga rabay, “Ang henerasyon ng kaparangan, ay walang parte sa mundong darating.”

Bakit yong mga nagsisipaggala sa kaparangan pinigilan mula sa pagpasok sa pinangakong lupain ng Canaan? Sinasabi ng ating teksto, “hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya” (Mga Taga Hebreo 3:19). Nagkukumento sa bersong iyan, sinabi ni Spurgeon, “Ang Canaan ay isang uri par asa atin ng isang dakila at mabuting mga bagay ng tipan ng biyaya na pinagmamayari ng mga nananamapalataya; ngunit kung wala tayong pananampalataya, hindi tayo maarng magmayari ng nag-iisang tipang pagpapala…ang di nananampalataya ay dapat magkaroon ng kanilang bahagi sa umaapoy na lawa. O, naway iligtas sila ng Diyos mula sa nakakatakot na kasalanan ng kawalan ng pananampalataya!” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Isang Mapagpunyaging Babala Laban sa Kawalan ng Pananampalataya” [“An Earnest Warning Against Unbelief”], The Metropolitan Tabernacle Pulpit, kabuuan LVI, Pilgrim Publications, 1979 inilimbag muli, p. 470; kumento sa Mga Taga Hebreo 3:18-19).

“Sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway? At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya” (Mga Taga Hebreo 3:18-19).

Bakit ka dapat mag-alala tungkol sa nangyari mahabang panahon ang nakalipas doon sa mga di nananampalatayang mga Israelites sa karapangan? Dahil,

“Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa: at pawang nangasulat sa pagpapaalaala [pagbibilin] sa atin...” (I Mga Taga Corinto 10:11).

Ang kwento ng di nananampalatayang Israel na namamatay sa kaparangan, hindi makapasok sa pahinga ng Canaan, ay ibinigay sa atin para isang halimbawa. Kung umaasa kang makapasok sa kaligtasan at Langit, hindi ka makakapasok kung ika’y mabibigong mananampalataya kay Hesus. Maliban na lang na ika’y magpunta kay Hesus sa pananampalataya, sasabihin sa iyo, “sila’y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalatya” (Mga Taga Hebreo 3:19).

Saam mo ipapaglipas ang walang hanggan?
   Ang tanong na ito’y dumarating sa akin at sa iyo;
Ano ang magiging wakas mong kasagutan,
   Saan mo ipapaglipas ang walang hanggan?
Walang hanggan, walang hanggan,
   Saan mo ipapaglipas ang walang hanggan?
(“Saan Mo Ipapaglipas Ang Walang Hanggan.” Isinalin mula sa
   “Where Will You Spend Eternity?” ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929;
     binago ng Pastor).

“Saan ko ipapaglipas ang walang hanggan?” Kantahin ito!

Walang hanggan, walang hanggan,
   Saan mo ipapaglipas ang walang hanggan?

“Sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya” (Mga Taga Hebreo 3:19).

Hindi makapasok ang mga Israelites sa Canaan. Inilalarawan nito yoong mga hindi makapasok kay Kristo dahhil sa kawalan ng pananampalataya. Gayon ang kawalan ng pananampalataya ng mga Israelites ay humadlang sa kanila mula sa pagpapasok sa kapahingahan sa lupain ng Canaan. Tatlong bagay ang ating matututunan mula doon sa mga di nananampalatayang mga Israelites na magagamit sa iyo kung hindi ka ligtas – kung hindi ka nakapasok kay Kristo dahil sa kawalan ng pananampalataya.

I. Una, kanilang naranasan ang dakilang mga pagpapala, ngunit hindi sila makapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.

Nakita na nila ang Diyos na gumawa ng mga dakilang mga bagay. Ang mga taong ito ay nasa Egipto noong hinatulan ng Diyos ang Paro. Nakita na nila ang tubig na naging dugo. Nakita na nila ang mga baka ng mga taga Egiptong mapeste, at malalaking mga yelo na wumasak sa ani. Sila’y naroon na sa ilaw noong ang mga taga Egipto ay nasa kadiliman na naramdaman. Nakita na nila ang mga peste ng mga baling at mga kuto, at ang ibang mga paghahatol na dinala sa Paro at kanyang mga tao. Kinain nilang lahat ang paskal na tupa at naglagay ng dugo sa kanilang mga pintuan – at naligtas sa gabing pinatay ng Diyos ang mga unang anak ng bawat tahanan mga taga Egipto. Lumabas sila mula sa Egipto, mula sa lupa kung saan sila’y mga alipin, dinala sa kalayaan sa kamay ng Diyos. Ang mga taong ito ay kasama ni Moses noong hinabol sila ng Paro at binuksan ng Diyos ang Pulang Dagat, at sila’y nakdaang ligtas. Nakita nila ang dagat na sumara sa ibabaw ng mga taga Egipto, nilulunod ang hukbo ng Paro. Ang kanilang mga tinig ay kumampana, “Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati: Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat” (Exodo 15:1). At gayon man, “Sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.”

Marami sa inyo rito ngayong umaga na nakakita ng mga dakilang mga pagpapala na pinadala ng Diyos! Alam mo kung paano inligtas ng Diyos ang ating simbahan noong tayo ay sinalakay. Noong ang Diablo ay umugong laban sa atin, nakita mo na ang Diyos na nagligtas sa atin. Nakakita ka na ng maraming mga taon iniligtas sa pamamagitan ng Dugo ng Anak ng Diyos. Ika’y naroon noong sinagot ng Diyos ang ating mga panalangin at pinagpala ang ating kongregasyon. Nakita na ng iyong mga mata ang mga bagay na ito, at narinig mo na ang mga mas matatandang mga miyembro ng simbahang magkwento ng mga kamangha-manghang mga pagpapala ng Diyos. At gayon man ikaw mismo ay hindi makapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya! Ang hustisya ng Diyos ay nangangailangan na ika’y hatulan, gaya ng mga Israelites, dahil nakakita ka na ng mga ganoong uri ng mga pagpapala at gayon man, ikaw mismo ay hindi makapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya!

Muli, ang mga Israelites ay pinakataan ng mga dakilang mga bagay. Hindi pa nagsalita ang Diyos sa kahit sino gaya ng pagkausap Niya sa kanila. Ibinigay ng Diyos sa kanila ang Sampung Utos, isinulat gamit ng sarili Niyang mga kamay. Nanirahan Siya sa Banal na Lugar sa kanilang Tabernakulo. Ang mga pang-araw-araw ng mga pag-aalay ay nagsalita sa kanila ng Dugong pagbabayad ng padating na Kristo. Wala nang ibang mga tao ay nagkaroon ng mga ganoong uri ng paglalantad ng Diyos! Gayon man tumanggi silang makinig, at tumanggi silang sumuko. At gayon man hindi sila nananampalataya. “At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya” (Mga Taga Hebreo 3:19).

Ikaw rin ay nakatanggap ng isang malinaw na paglalantad. Sa katunayan narinig mo na ang Ebanghelyo ng mas higit na mas simple kaysa kanila. Mayroon ka nang Bagong Tipan, na nagbibigay ng mas higit na paglalantad kaysa sa kanila. Ito ba’y magiging ganoon sa iyo tulad noong sa kanila? Ang kanilang mga katawan ay nabulok sa kaparangan. “Sila’y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.” Iyan ba’y magiging totoo sa iyo rin?

Tandaan rin na nagpakita ang Diyos ng matinding pasensya sa kanila. “Ng inyong mga magulang…apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa” (Mga Taga Hebreo 3:9). Anong mahabang paghihirap na pasensya ang ipinakita ng Diyos sa kanila sa loob ng apat na pung taon! Anong kalumanay at kapasensya ng Diyos ang ipinakita Niya sa kanila! Binigayan Niya sila ng mga dekada upang magsisi, apat na pung mahahabang taon! Ngunit hindi sila makapasok dahil sa kawalan ng pananmpalataya!

Magiging parehas ba ito sa iyo na nakarinig ng Ebanghelyo ng ilang buwan na hindi pumapasok sa Kanyang pahinga kay Kristo? Anong mangyayari sa iyo kung ang pasensya ng Diyos ay mauubos? Mayroong malinaw na babala sa Bibliya. Sinasabi ng Diyos, “Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man” (Genesis 6:3). Natatakot ako na hindi magtatagal na sasabihin sa iyo, “sila’y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.” Oo, ang mga Israelites ay pinagpalang lubos, ngunit hindi sila makapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya. Iyan ba’y maging totoo sa iyo rin?

II. Pangalawa, ang nag-iisang bagay na nanatili sa kanila sa labas ay kawalan ng pananampalataya.

“Sila’y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.” Hindi kanilang mga kasalanan ang nagpanatili sa kanilang nasa labas. Handa ang Diyos na patawarin sila ng bawat isa ng kanilang kasalanan maliban ang kawalan ng pananampalataya. Sinabi ni Hesus, “Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad” (Mateo 12:31). Hindi ito kanilang mga kasalanan at kapusungan ang nagpanatili sa kanila mula sa pagpasok sa pahinga kay Kristo. Ito’y kanilang kapusungan laban sa Banal na Espiritu, ang kanilang pagtanggi sa Kanyang gawain sa kanilang mga puso, ang humadlang sa kanila mula sa nakaliligtas na pananampalataya, “At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.” Ang pinaka matinding kasalanan ay hindi hahadalang sa isa sa pagpasok sa Langit. Kawalan ng pananampalataya lamang ay pipigil sa iyo mula sa pagpasok “sa kanyang pahinga.”

Muli, hindi mga paghihirap ang nagpanatili sa kanila sa labas. Noong sila’y nagpunta sa Canaan mayroong mga lungsod na napaligiran ng mga pader at mga higanteng humadlang sa kanila. Oo, ngunit ang mga bagay na iyon ay hindi makapipigil sa Diyos mula sa pagdadala sa kanila sa lupa ng pangako. Gagawin ng Diyos na maguho ang mga pader ng Jericho. Magpapadala ang Diyos ng mga putakti upang patabuyin ang mga higante. Ang lahat na kailangan nilang gawin ay pumasok at angkinin ang lupa. Gayon “sila’y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.” Kawalan ng pananampalataya mag-isa ang pumigil sa kanilang pumasok sa pahinga!

Mananampalataya lamang at ika’y papasok sa pahinga kay Kristo! Magtiwala kay Kristo at lahat mga imposible ay mawawala, at lahat mga hirap at mawawala. Walang makapipigil sa iyo maliban nalang sa iyong kawalan ng pananamalataya. At kung hindi ka magpupunta kay Hesus at mananampalataya sa Kanya hindi ka kailan man makapapasok sa Kanyang pahinga! Sinabi ni Hesus, “malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan” (Juan 8:24). Iyan ang nakamamatay ng kaluluwang kasalanan ng kawalan ng pananampalataya! Panalangin ko na ang Espiritu ng Diyos ay mangungumbinsi sa iyong nagkasala, “Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin” (Juan 16:9). Kung hindi ka mananampalataya kay Hesus, ika’y patay! Sasabihin sa iyo, “sila’y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.” Sabi ni Spurgeon, “Hindi ang mga anak ni Anak ang nagpanatili sa kanilang nasa labas; hindi ang umuungol na kagubatan; ito’y walang iba kundi ang sarili nilang kawalan ng pananampalataya” (isinalin mula sa ibid., p. 480).

III. Pangatlo, mayroong kaunti na nanampalataya, at pumasok nga.

Ngunit doon sa mga umalis ng Egipto para sa Canaan, mayroong kaunti. Tunay ngang sila’y kaunti! Si Joshua at Caleb ang dalawa lamang na orihinal na mga manlalakbay na pumasok, kahit na si Moses ay pumasok maya-maya sa Bundok ng Pagpapalit-Anyo. Sinabi ng Diyos,

“Tunay na hindi makikita ng isa man nitong mga taong masamang lahi ang mabuting lupain na aking isinumpang ibigay sa inyong mga magulang, Liban si Caleb na anak ni Jephone at siya ang makakakita; at... Si Josue na anak ni Nun, na nakatayo sa harap mo, ay siyang papasok doon...”
       (Deuteronomio 1:35, 36, 38).

Dalawa lamang sa libo-libong na umalis ng Egipto ang pumasok sa Pinangakong Lupa ng Canaan! Anong ipinapakita nito? Ipinapakita nito na “marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 22:14; cf. Mateo 20:16). Ipinapakita nito na “makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:14). Palagi ito na kakaunti lamang. Sa panahon ni Noe, “walong kaluluwa, ang nangaligtas” (I Ni Pedro 3:20). Sa panahon ni Elijah sinabi ng Diyos, “iiwan ko'y pitong libo sa Israel” mula sa di mabilang na libo-libo na mga naroon (I Mga Hari 19:18; Mga Taga Roma 11:4). Noong panahon ni Pablo mayroong “isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya” (Mga Taga Roma 11:5). At sinabi ni Hesus, “Huwag kayong mangatakot, munting kawan (Lucas 12:32). Gayon, hindi tayo dapat magulat na malaman, ang tungkol sa libo-libong mga umalis ng Egipto, si Caleb at Joshua lamang ang pumasok sa Pinangakong Lupa. “Makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:14).

Ikaw ba’y magiging isa sa napaka kaunti na naligtas? Huwag kang magbakasakali na ikaw nga! Sa loob ng halos 54 na taon ng paglilingkod nakakilala na ako ng daan-daang na nagbakasakali na sila’y maliligtas. Gayon man karamihan sa kanila ay “hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.” Ang ilan sa kanilang mga katawan ay nabubulok na sa kaparangan!

Si Caleb at Joshua ay hindi “pumasok sa kanyang pahinga” dahil mas mabuti sila kaysa sa ibang bumagsak sa kaparangan. O hindi! Pumasok sila dahil mayroong silang pananampalataya, na “ito'y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:8-9). Si Caleb at Joshua ay pumasok dahil sila’y nananampalataya. Ang iba ay hindi makapasok, sinabi ng Diyos, dahil “hindi kayo sumampalataya sa Panginoon ninyong Dios” (Deuteronomio 1:32).

“Sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway? At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya” (Mga Taga Hebreo 3:18-19).

Isipin muli si Caleb, na kasama ni Joshua, ay isa sa dalawang pumasok. Si Caleb ay mayroong “kapatid” na hindi nanamapalataya. Sinabi nila. “Hindi tayo makaaakyat laban sa bayan” ng Canan (Mga Bilang 13:31). Ngunit hindi sila sinundan ni Caleb sa kanilang kawalang pananampalataya. Maya-maya sinabi ni Caleb,

“Pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko [sa Canaan] ang puso ng bayan: nguni't ako'y lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios” (Joshua 14:8).

Hindi hinayan ni Caleb ang kanyang mga kapatid na pigilan siya mula sa pagpasok! Anong aral iyan para sa iyo! Huwag mong hayaan ang mga di nananampalatayang mga magulang o mga kamag-anak mula sa pagpigil sa iyo mula sa pagpasok! Huwag mo silang hayaan na “ipaglumo” nila ang iyong puso ng mga pagdududa at mga takot! Sinabi ni Kristo, “Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin” (Mateo 10:37). At huwag hayaan ang mga di nananampalatayang nagpupunta sa simbahan na pigilan ka mula sa pagpasok!

Si Joshua ang isa pa, kasama ni Caleb, na pumasok. Habang siya’y bata pa naglingkod siya kasama ni Moses. Noong ang ibang mga Israelites ay gumawa ng isang gintong bisiro at sumayaw sa paligid nito, ininulat ni Joshua ang kanilang mga kasalanan kay Moses (Exodo 32:17). Habang ang iba ay nagsisamba sa kanilang mga tolda, ang batang lalakeng ito “ay hindi umaalis sa [tabernakulo]” (Exodo 33:11). Nanatili siya roong mag-isa kasama ng Diyos. Pansinin na si Joshua ay tumayo kasama ni Moses laban sa mga kasalanan ng mga tao. Pansisnin na si Joshua ay nanatiling malapit sa Diyos sa Tabernakulo. Iyan ang uri ng kabataan na magkakaroon ng pananampalataya upang “makapsok sa kanyang kapahingahan” (Mga Taga Hebreo 3:18). Yoong mga kabataan na kumakampi sa mga pinuno ng simbahan laban sa mga karnal na mga “batang simbahan” ay papasok. Yoong mga naghahanap sa Diyos kapag sila’y nag-iisa ay papasok. Ngunit, ang karnal na walang pag-iiisip na kabataan ay hindi papasok! “Sila’y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.” Hayaang sabihin ng bawat binata at dalaga, na gusting “pumasok” kasama ni Caleb at Joshua, na sabihin nila sa kanilang mga puso,

Kahit walang sumama sa akin, ako pa rin ay susunod,
   Kahit walang sumama sa akin, ako pa rin ay susunod.
Kahit walang sumama sa akin, ako pa rin ay susunod,
   Hindi babalik, hindi babalik!

Ang kantang iyan ay nakaugnay sa isang binata sa Indiya na naging isang Kristiyano. Ang tono ay isang himig mula sa Indiya (pinagkunan: John R. Rice, D.D., Soul-Stirring Songs and Hymns, Sword of the Lord Publishers, 1972, bilang 316). “Ang mga salita ay batay sa mga huling salita ng isang lalake sa Assam, hilagang-silangang Indiya, na kasama ng kanyang pamilya ay napagbagong loob sa Kristiyanismo sa gitna ng ika-19 na siglo sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng isang Welsh na misiyonaryo. Tinawag upang [isuko] ang kanyang pananampalataya ng hepe ng nayonm idineklara ng napagbagong loob, ‘Napagpasiya ko nang sundan si Hesus.’ Sa pagtugon sa mga banta [sa] kanyang pamilya, nagpatuloy siya, ‘Kahit walang sumunod sa akin, ako pa rin ay susunod.’ Ang kanyang asawa ay pinatay, at siya ay binitay habang kumakanta, ‘Ang krus sa harap ko, ang mundo sa likod ko.’ Ang pagpapakita ng pananampalatayang ito…ay nagdala sa pagbabagong loob ng hepe at ibang mga tao sa nayon” (Pinagkunan: Wikipedia). Kantahin ito!

Ang krus sa harap ko, ang mundo sa likod ko,
   Ang krus sa harap ko, ang mundo sa likod ko,
Ang krus sa harap ko, ang mundo sa likod ko –
   Hindi babalik, hindi babalik!

“Sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.” Papasok ka ba? Mapagkakatiwalaan mo ba si Hesus nang sapat upang makapunta sa Kanya? Ang Kanyang Dugo ay lilinis ng iyong kasalanan at ika’y papasok at maliligtas! Papasok ka ba kay Kristo sa pagmamagitan ng simpleng pananampalataya? Kantahin ito muli!

Kahit walang sumama sa akin, ako pa rin ay susunod,
   Kahit walang sumama sa akin, ako pa rin ay susunod.
Kahit walang sumama sa akin, ako pa rin ay susunod,
   Hindi babalik, hindi babalik!

Ang krus sa harap ko, ang mundo sa likod ko,
   Ang krus sa harap ko, ang mundo sa likod ko,
Ang krus sa harap ko, ang mundo sa likod ko –
   Hindi babalik, hindi babalik!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Hebreo 3:8-19.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
      “Nakapanghihinayang, Nakapanghihinayan, Ako’y Naging Napaka Bulag.”
Isinalin mula sa “Alas, Alas, How Blind I’ve Been”
(ni Nathan Strong, 1748-1816).


ANG BALANGKAS NG

SILA’Y HINDI NANGAKAPASOK DAHIL SA KAWALAN
NG PANANAMPALATAYA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway? At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya” (Mga Taga Hebreo 3:18-19).

(Mga Taga Hebreo 3:11; I Mga Taga Corinto 10:11)

I.   Una, kanilang naranasan ang dakilang mga pagpapala, ngunit hindi sila
makapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya , Exodo 15:1;
Mga Taga Hebreo 3:9; Genesis 6:3.

II. Pangalawa, ang nag-iisang bagay na nanatili sa kanila sa labas ay
kawalan ng pananampalataya, Mateo 12:31; Juan 8:24; 16:9.

III. Pangatlo, mayroong kaunti na nanampalataya, at pumasok nga,
Deuteronomio 1:35, 36, 38; Mateo 22:14; 20:16; 7:14;
I Ni Pedro 3:20; I Mga Hari 19:18; Mga Taga Roma 11:4, 5;
Lucas 12:32; Mga Taga Efeso 2:8-9; Deuteronomio 1:32;
Mga Bilang 13:31; Joshua 14:8; Mateo 10:37; Exodo 32:17; 33:11.