Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG DAKILA AT KAKILAKILABOT NA DIYOS –
PANG-APAT NA BAHAGI

THE GREAT AND TERRIBLE GOD – PART IV

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon Ika-12 ng Pebrero taon 2012

“Dakila at kakilakilabot na Dios” (Nehemiah 1:5).

“Dios na dakila at kakilakilabot” (Daniel 9:4).


Sa tatlong nakaraang sermon ipinakita ko na ang Diyos ng Bibliya ay isang dakila, kakilakilabot at nakakatakot na Diyos. Ang mga mensaheng ito ay hinango mula sa isang sermon ni Dr. John R. Rice na pinamagatang, “O Dakila at Kakilakilabot na Diyos!” (isinalin mula sa John R. Rice, D.D., The Great and Terrible God, Sword of the Lord Publishers, 1977 edisiyon, pp. 7-38).

Sinabi ni Dr. Rice, “Noong sa aklat niyang Ang Makabagong Paggamit ng Bibliya [ The Modern Use of the Bible] sinabi ni Harry Emerson Fosdick na hindi matanggap ng mga makabagong tao ang moral na pamantayang nakaugnay sa Diyos sa Lumang Tipan, inuulit niya lamang ang mga reklamo ng [mga di nananampalataya] na kinamuhian ang Diyos ng maraming taon…nirerepresenta ni Fosdick ang lahat ng mga impidel at mga immoral na mga tao sa lahat ng mga panahon na kinamumuhian ang Diyos ng paghahatol, ang Diyos na nagpaparusa ng kasalanan, ang Diyos na nangangailangan ng pagsisisi” (Isinalin mula sa ibid., p. 9). Dapat tandaan na inilalagay ni Fosdick sa isang asilo ng mga baliw ang dakilang Tsinong ebanghelistang si Dr. John Sung noong siya’y napagbagong loob. Ipinapakita nito kung gaano kinamumuhian ni Fosdick ang Diyos ng Bibliya! (I-klik ito upang basahin ang “Ang Tunay na Pagbabagong Loob ni Dr. John Sung” [“The Real Conversion of Dr. John Sung”].)

Sa loob ng maraming mga taon mga di mananampalatayang tulad ni Fosdick ay sinalakay at kinutya ang Bibliya ng doktrina ng pagbabayad ni Kristo sa Krus, tinatawag itong isang “bahay katayang relihiyon.” Ang ganoong mga mapagrebeldeng mga makasalanan ay kinamumuhian ang ideya na si Kristo ay tunay na namatay para sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Sinabi ni Apostol Pablo, “sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo” (Mga Taga Filipo 3:18). Sumulat siya sa mga simbahan ng Galacias tungkol sa “ang katitisuran sa krus” (Mga Taga Galacias 5:11). Sinabi niya “Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak” (I Mga Taga Corinto 1:18). Kahi ilang mga taong, umaangking sila’y naniniwala sa Bibliya, ay kamakailan lang mga taon ay nagsalita laban sa doktrina ng kaligtasan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo!

Ang krus ay, sa ilang paraan, ang pinaka kakilakilabot na ebidensya ng poot ng Diyos laban sa kasalanan. Noong ibinigay ng Diyos ang Kanyang Anak upang mamatay ng madugo, malupit, at di makatuwirang kamatayan sa krus, ito’y isang kakilakilabot na gawin ng isang nakakatakot, kakilakilabot na Diyos!

Sa loob ng maraming siglo kinailangan ng Diyos na ang kanyang mga tao ay magbuhos ng dugo ng mga hayop, na tumuro sa kamatayan ni Hesus sa krus, kapag Kanyang ibubuhos ang Kanyang Dugo upang magbayad para sa kasalanan ng tao. Sa loob ng 1,500 na mga taon sa pagitan ng Exodo at pagpapako sa krus ni Kristo, isang karaniwang sangkapat ng isang milyong tupa ang pinapatay kada taon. Magigin lampas sa 300 milyong mga tupa ang napatay sa taon-taong Panahon ng Paskwa sa loob ng mga taon. Ngunit hindi kasama ang maraming ibang pag-aalay, ang pang-umaga at pang-gabing mga pag-aalay, ang mga batang toro at batang tupa, ang mga pulang batang baka, mga kalapati na pinatay. O, ilog ng dugo! Ito’y inosenteng dugo, ibinuhos upang ipaalala sa tao na isang banal at kakilakilabot na Diyos ay dapat magparusa ng kasalanan! Ito’y paalala na sa pagbubuhos lamang ng dugo na mayroong pagpapatawad ng kasalanan. Ang ilog ng dugo, na dumadaloy sa mga siglo ay nagpaalala ng mga Israelites ng galit ng Diyos laban sa kasalanan. Tuwing mayroong pag-aalay ng dugong nagagawa, tinutukoy nito ang Diyos na naghahatol ng kasalanan. O dakila at kakilakilabot na Diyos! O dakila at nakakatakot na Diyos!

Sa wakas si Hesus ang Anak ng Diyos, ay dumaan sa teribleng sakit at pagdurusa upang matupad yong mga madugong Lumang Tipang tipo. Malulupit na mga tao ang dumura sa mukha ni Hesus. Binatak nila ang Kanyang balbas. Binugbog nila Siyang halos mamatay. Ang Kanyang laman ay nahiwa hanggang sa buto at Dugo ay umagos sa Kanyang likuran hanggang sa sahig. Nagbaon sila ng korona ng tinik sa Kanyang dumudugong ulo. Hinubaran nila Siya at pinuwersa Siyang buhatin ang krus sa lugar ng pagpaapkuan ng krus. Ipinako nila ang Kanyang mga kamay at paasa krus na iyon. Bumitin si Hesus doon, sa matinding paghihirap at sakit. Tinitigan nila ang Kanyang hubad na katawan, nagdurugong katawan. Tinawanan nila at kinutya nila SIya. Doon sa krus ang Kanyang Dugo ay dahan-dahan na umagos mula sa Kanyang pinahirapang katawan. Sa wakas namatay Siya ng isang teribleng kamatayan sa krus. O Diyos, bakit kinailangan ni Hesus na dumaan sa ganoong uri ng pagpapahiya, ganoong uri ng sakit, ganoong uri ng pagpapahirap? Bakit? Bakit?

Katakot-takot na Diyos ang nagplano na mamatay si Hesus na ganoon! Ito’y plinano ng Diyos. Masasamang mga tao ang gumawa nito, ngunit ang Diyos ang nagplano nito. Sinabi ng Apostol Pedro, “Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay” (Mga Gawa 2:23). Ang Kanyang nasugatang mga kamay at paa. Ang Kanyang tinusok na tagiliran, ang sumpa ng pagkabitin sa isang krus – lahat ng iyan ay plinano at ipinagpasiya ng Diyos, at sinabing hinulaan ito sa Lumang Tipan. O, anong nakakikilabot at nakakatakot na Diyos ang nangailangan na si Hesu-Kristo ay dumaan sa ganoong uri ng paghihirap upang magbayad para sa ating mga kasalanan!

Ngnunit hindi lang iyan ang lahat. Noong si Hesu-Kristo ay nakabitin sa krus, ang langit ay naging itim. Dahila gn Diyos Ama ay tumalikod mula sa Kanyang Anak. Si Hesus ay iniwanang mamatay mag-isa sa krus.

Nag-iisa, dinala niya itong lahat na nag-iisa;
   Ibinigay Niya ang Kanyang
Sarili upang iligtas ang Kanyang pagmamay-ari
   Nagdusa Siya, nagdugo at namatay
Mag-isa, mag-isa
   (“Mag-isa.” Isinalin mula sa” “Alone” ni Ben H. Price, 1914).

Ang sigaw no Hesus ay hinulaan sa Mga Awit 22:1, ay sinabi Niya sa kurs, “Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46). Pinabayaan ng Diyos si Hesus. Inilingon papalayo ng Diyos ang Kanyang mukha. Kung hindi tumalikod ang Diyos kay Hesus, hindi posibleng mapalitan Niya ang lugar ng mga pinabayaan na ng Diyos na mga makasalanan.

Mag-isa sa krus Siya nakabitin
   Upang ang iba Kanyang maligtas;
Pinabayaan ng Diyos at ng tao Mag-isa,
   Kanyang buhay Kanyang ibinigay.
Mag-isa, mag-isa Dinala Niya itong lahat mag-isa;
   Ibinigay Niya ang Kanyang sarili
Upang iligtas ang Kanya,
   Nagdusa Siya, nagdugo at namatay
Mag-isa, mag-isa.

Kantahin ang koro,

Mag-isa, mag-isa Dinala Niya itong lahat mag-isa;
   Ibinigay Niya ang Kanyang sarili
Upang iligtas ang Kanya,
   Nagdusa Siya, nagdugo at namatay
Mag-isa, mag-isa.

Matindi siguro ang naramdaman ni Hesus na sakit noong binatak nila ang patse-patse ng Kanyang balbas. Mas higit pa siguro ang sakit na naramdaman Niya noong pinalo nila Siya ng isang pamalo, at noong idiniin nila ang korona sa Kanyang ulo. Alam ko na ang pagpaparusa, noong Kanyang pinunit ang Kanyang likuran ng pira-piraso, ay siguro nagsanhi ng matinding paghihirap. Madalas na namamatay ang mga habang pinaparusahan ng ganoon. Tiyak na ang mga pako na ipinukpok sa Kanyang mga kamay at paa ay nagsanhi sa Kanya ng hindi malarawang dusa. Alam ko na ang nangungutyang masa sa paligid ng krus ay dapat mabiyak ang Kanyang puso.

Tinaksil Siya ni Hudas. Itinanggi Siya ni Pedro. Binabayaan Siya ng lahat ng mga Disipolo at tumakas. Ang mga taong pinagaling Niya at pinakain ngayon ay nangungutya sa Kanya. Yoong mga iniligtas Niya ay pumatay sa Kanya. Ang kanilang kawalan ng pasasalamat ay dapat nagsanhi sa Kanya ng matinding pagdurusa.

Ngunit walang sakit na tulad ng katunayan na ang Diyos Ama ay tumalikod mula sa Kanya at iniwanan Siyang mag-isa sa krus. O nakakatakot Diyos! Napaka dakila ng Iyong galit sa pagpaparusa ng Iyong sariling Anak sa aming lugar! O kakilakilabot na Diyos, na nangailangan ng ganoong kabayaran para sa kasalanan!

Hindi nakakapagtaka na ang lupa ay nanginig at nakalog sa ganoong sakit, sa ganoong paghihirap, teribleng kabayaran para sa kasalanan. Hindi nakakapagtaka na ganoong pagdurusa ay bumiyak sa puso ng kalikasan mismo noong si Hesus ay namatay sa krus. O nakakatakot teribleng Diyos! Napaka kinamumuhian ng Diyos ang kasalanan!

Ngunit sandal! Kapag aking tinitignana ang makapangyarihang Diyos, nakikita ko Siya lumuluha. Nakikita ko ang Diyos na biyak ang puso. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahama…” (Juan 3:16). Tinalakay ko kung paano nagdusa si Hesus. Ngunit ang Diyos Ama ay nagdusa rin. Ang bawat sakit na narasan ng Anak ay nagpasakit sa puso ng Diyos din. Naniniwala ako na ang pagpapako sa krus ay naglalarawan sa isang nabiyak na pusong Diyos na nagdadala na isang malupit na lahi ng mga maksalanan na dapat nagpunta sa Impiyerno! O, ang galit ng Diyos sa kasalanan ay nakakatakot at nakakikilabot, ngunit ang Kanyang mercy ay matindi rin!

Totoo na tinawag ni Nehemias ang Diyos na “kakilakilabot.” Totoo rin na tinawag ni Daniel ang Diyos na “nakakatkot.” Ngunit pareho nilang sinabi na “kaawaan sa nagsisiibig sa kaniya, at nangagiingat ng kaniyang mga utos.” Sa kamatayan ni Hesu-Kristo nakikita natin hindi lamang ang paghahatol ng Diyos, kundi ang pag-ibig at awa Niya sa mga masasamang makasalanan. Mahal ng Diyos ang mga makasalanan tulad mo ng higit na ipinadala Niya ang Kanyang Anak upang mamatay sa iyong lugar, upang bayaran ang multa ng kasalanan sa teribleng krus na iyon! O mapagmakaawang Diyos!

Hindi ako magsasabi ng isang salita upang pagaangin ang mga nakakatakot na mga bagay na nasabi ko tungkol sa poot ng Diyos laban sa kasalanan. Ang Kanyang poot laban sa kasalanan. Iyan ay sa pamamagitan ng pagpupunta kay Hesu-Kristo para sa kapatawaran. Kung ika’y magsisisi at tumingin kay Hesus, magmamakaawa ang Diyos sa iyo! Ang poot ng Diyos ay kukunin palayo sa iyo at ika’y maliligtas sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang Anak para sa iyong kasalanan. Sinasabi ng Bibliya, “Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios” (Juan 3:18). Sa sandaling magtiwala ka kay Kristo, at magpunta sa Kanya sa pananampalataya, ika’y hindi na hahatulan! Ngunit Ngunit kung tatangihan mo si Kristo ika’y “nahatulan na.”

Si Hesus ang Tagapagligtas ng mga makasalanan tulad mo! Binayaran Niya ang utang ng iyong kasalanan sa krus! Sa sandaling ika’y magpunta kay Hesus, sa sandaling iyon ika’y makakaroon ng kapayapaan sa Diyos. Sa sandaling ika’y magpunta kay Hesus ika’y makakatakas mula sa paghahatol ng dakila at kakilakilabot na Diyos!

Isa sa mga kanta ng himnal ni Dr. Asahel Nettelton ay mayroong mga salita upang makatulong sa iyo. Kinanta ito ni Gg. Griffith bago ko ipinangarl sang sermon ito. Gusto kong kantahin niya ito muli. Pakinggang maiigi ang mga salita!

Halina napakumbabang makasalanan, kaninong dibdib,
   Isang libong kaisipan ay umiikot;
Halina, kasama ng iyong sala at takot na pinaghihirapan
   At gawin itong huling lunas:

“Mapupunta ako kay Hesus, kahit na ang aking kasalanan
   “Ay tulad ng isang bundok na tumaas;
“Alam ko na Kanyang mga hardin, akong papasukin,
   “Anomang hahadlang.

“Nakatirapa akong nakahira sa harap ng Kanyang trono,
   “At doon aking sala, ikukumpisal,
“Sasabihin ko sa Kanya ako’y wasak at giba
   “Na wala ang Kanyang makapangyarihang biyaya

“Maari akong mamatay kung ako’y aalis;
   “Ako’y disidido upang sumubok
“Dahil kung ako’y mananatiling malayo,
   “Alam kong tiyak ako’y mamamatay.”
(“Disidido” Isinalin mula sa “Resolve” ni Edmund Jones, 1722-1765.)

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 27:26-35.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Disidido.” Isinalin mula sa “Resolve” (ni Edmund Jones, 1722-1765).