Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG DAKILA AT KAKILAKILABOT NA DIYOS –
PANGATLONG BAHAGI

THE GREAT AND TERRIBLE GOD – PART III

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-12 ng Pebrero taon 2012

“Dakila at kakilakilabot na Dios” (Nehemiah 1:5)..

“Dios na dakila at kakilakilabot” (Daniel 9:4).


Muli ang pangaral na ito ay malubay na hinango mula sa “Ang Dakila at Kakilakilabot na Diyos” ni Dr. John R. Rice (Sword of the Lord, 1977, pp. 7-38).

Ang mga tekstong ito sa Nehemiah at Daniel ay nagsasabi sa atin na ang Diyos ay isang dakila, kakilakilabot at nakakatakot na Diyos. Nakita natin na ang Diyos ay tinutukoy sa buong Bibliya ay isang kakilakilabot at nakakatkot na Diyos. Ang mga tumutukoy sa Kanya bilang isa lamang Diyos ng pag-ibig ay hindi naayon sa sinasabi ng Bibliya ang kanilang sinasabi. Siya rin ang Diyos ng paghahatol at paghihiganti. Karamihan sa mga mangangaral ngayon ay bihira kung mangaral man sila, na “Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31). Ngunit ang ganoong uri ng pangangaral ay maling pangangatawan ng Diyos. Ito’y hindi tapat na presentasyon ng Diyos. Hindi ito isang bagay nab ago. Sa panahon ni Jeremias sinabi ng Diyos,

“Ang bayang ito ay may magulo at mapanghimagsik na puso; sila'y nanghimagsik at nagsiyaon. Hindi man nila sinasabi sa sarili, Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios”
      
(Jeremias 5:23-24).

At mali ang pangangatawan ng mga mangangaral ng araw na iyon na nagsabi kay Jeremias,

“Mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan... na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan”
       (Jeremias 6:13-14).

“narito, kanilang itinakuwil ang salita ng Panginoon: at anong uri ng karunungan ang nasa kanila?... mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan... na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan” (Jeremias 8:9-11).

“Aking lubos na lilipulin sila, sabi ng Panginoon... at ang mga bagay na aking naibigay sa kanila ay mapapawi sa kanila”
       (Jeremias 8:13).

“Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan, at hindi ko sila sinugo, na gayon ma'y nagsasabi sila, Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito: Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon At ang bayan na kanilang pinanghuhulaan ay ihahagis sa mga lansangan... sapagka't aking ibubuhos sa kanila ang kanilang kasamaan” (Jeremias 14:15-16).

Nasaan natin maririnig ang mga ganoong mga salita mula sa ating mga pulpita sa masasamang mga araw na ito? Nasaan ang mga mangangaral na nagsasabi sa atin na palapit nang parating na paghahatol mula sa dakila, at kakilakilabot na Diyos ni Jeremias? Gayo pa man, ipangaral man nila ito o hindi, Siya pa rin ay isang banal, makatuwiran, dakila, kakilakilabot at nakakatakot na Diyos.

“Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magpaparating ng kasamaan sa dakong ito, na sinomang makarinig ay magpapanting ang mga pakinig” (Jeremias 19:3).

Ako’y nasa jacuzzi sa aking gimnasyo noong isang gabi. Isang mama na naroon ay tinanong ako kung anong naisip ko kung bakit ang Amerika ay nasa loob ng napakaraming gulo. Nang walang pag-aalinlangan, sinabi ko, “Dahil pinatay natin ang limampu’t apat na milyong mga bata. Iyan ang dahilan na tayo ay nasa gulo. Ang Diyos ay galit sa Amerika dahil sa pagkakatay ng isang buong henerasyon ng mga inosenteng mga sanggol. At ang Diyos ay galit sa ating mga mangangaral dahil wala silang ginagawa upang pahintuin ang holokos na ito.” Ang mukha niya’y pumutla. Tapos sinabi niya, “Sasang-ayon ang nanay ko sa iyo.” Sinabi ko, “Sasang-ayon ka sa akin kapag ibubuhos na ng Diyos ang Kanyang bangis at poot sa ating bansa.” Sinabi ni Jeremias,

“Huwag kayong magsigawa ng pangdadahas... sa ulila... o mangagbubo man ng walang salang dugo sa dakong ito”
       (Jeremias 22:3).

“Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang mga salitang ito, ako'y susumpa sa aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang bahay na ito ay masisira... tunay na gagawin kitang isang ilang, at mga bayang hindi tinatahanan” (Jeremias 22:5-6).

“At ako'y magpaparating ng walang hanggang kakutyaan sa inyo, at walang hanggang kahihiyan, na hindi malilimutan”
      (Jeremias 23:40).

Iyan ang sinasabi ng kakilakilabot, nakakatakot na Diyos ni Jeremias sa Amerika sa oras na ito!

Iyan ang dakila, kakilakilabot at nakakatakot na Diyos ni Noe, na nagdala ng paghahatol sa buong sangkatauhan. Iyan ang dakila, kakilakilabot at nakakatakot na Diyos ni Abraham, na maya’t maya ay pinarusahan ang buong bansa ng Israel dahil sa kasalanan nito. At oo, iyan ang nakakatakot at kakilakilabot na Diyos ni Jeremias, na hinulaan ang pagkahuli ng Babylonia ng Israel!

Ginagawang malinaw ito ng Bibliya na ang mga Hudyo ay mga pinili mga tao ng Diyos. Ang mga Hudyo ay minamahal ng Diyos. Sila ang mga piniling mga tao ng Diyos sa lupa (Genesis 12:1-3). Ibinigay ng Diyos ang lupa ng Canaan sa kanila para sa walang hanggang pagkaka-ari. Sinabi ng Diyos sa kanila, “inibig kita ng walang hanggang pagibig” (Jeremias 31:3). Kahit sa kanilang pagtalikod sa kanilang pananampalataya, sinabi ng Diyos sa kanila, “sapagka't ako'y asawa ninyo” (Jeremias 31:14; cf. Hosea 2:19-20 [KJV]).

Gayon man ang parusa ng Diyos sa Israel dahil sa kaniyang mga kasalanan ay madalas napaka mabangis na dapat nito tayong manginigin! Sa Kadesh Barnes, sa kagubatan, pinagdudahan ng Israel ang Diyos. Nakinig sila sa mga di nananamapalatayang mga espya at natakot na magpunta sa pinangakong lupa. Tapos sinabi ng Diyos na Kanyang pananatilihin sila sa kagubatan hangang sa ang mga rebelled ay mamatay at ang kanilang mga katawan ay mabulok sa desyerto. Dadalhin niya ang kanilang mga anak sa lupain pagkatapos lamang na ang mga di nananampalatayang henerasyon ay mamatay. Ang direktang kaparusahan ng Diyos sa Kanyang mga minamahal na mga tao ay isang taimtim na pagbabala na walang magsasala at makalulusot!

Pagkatapos magsisayaw na nakahubad ng mga anak ng Israel sa paligid ng gintong bisiro, tumawag ang Diyos para sa pagpatay ng 3,000 nila sa paghahatol. Sa kagubatan, nagreklamo sila laban sa Diyos, “At ang bayan ay naging parang mapag-upasala na nagsalita ng masasama sa pakinig ng Panginoon: at nang marinig ng Panginoon ay nagningas ang kaniyang galit; at ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila, at sinupok ang kahulihulihang bahagi ng kampamento” (Mga Bilang 11:1). Noong nagreklamo sila dahil wala na silang ibang makain kundi mana, at gusting kumain ng laman, nagalit ang Diyos sa kanilang pagrereklamo, at pinadalhan sila ng mga pugo na higit sa kaya nilang kainin. “Samantalang ang karne ay nasa kanilang mga ngipin pa, na hindi pa nila nangunguya ay nagningas laban sa bayan ang galit ng Panginoon at sinaktan ng Panginoon ang bayan ng isang salot na di kawasa” (Mga Bilang 11:33). O, ang galit at ang paghahatol nitong katakot-takot, kakilakilabot na Diyos!

Tapos si Korah, Dathan at Abiram ay nagrebelde laban kay Moses at Aaron. Sinabi ng Diyos kay Moses na paghiwalayin ang kanyang mga tao mula sa masasamang mga tao. At ang lupa ay bumukas sa ilalim nila at nilunok sila, at lahat ng mga taong kasama nila. “ay nababang buhay sa [butas]: at sila'y pinagtikuman ng lupa, at sila'y nalipol sa gitna ng kapisanan” (Mga Bilang 16:33). Ang iba pa rin ay nagreklamo at nagrebelde dahil sa paghahatol na ito, at nagpadala ang Diyos ng isang peste at pumatay ng 14,700 pa nila! O nakakatakot, nakakakilabot na Diyos, ang Diyos na galit sa kasalanan, ang mabangis na Diyos na nagpadala ng paghahatol para sa kanilang kasalanan at rebelyon!

Muli ang mga Israelites ay nagreklamo na wala na silang ibang makakain kundi mana. “At ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay” (Mga Bilang 21:6).

Maya-maya ang mga tao ay natuksong gumawa ng kaputahan sa anak ni Moab. Ang paghahatol ng Diyos ay bumagsak sa kanila at 24,000 ng mga Israelites ay namatay dahil sa peste sa harap ng Panginoon!

Basahin ang Aklat ng mga Hukom. Tignan kung paano pinarusahan ng Diyos ang Israel dahil sa kanilang kasalanan muli’t muli sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila sa kanilang mga kaaway. O, napaka totoo niyan “Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).

Maya maya nalimutan ng mga tao ang Diyos muli at nagsamba ng mga idolo, gumawa ng lahat ng uri ng mga kasalanan. Pagkatapos ng paulit-ulit na mga pagbabala, ang hilagang kaharian ng Israel ay bumagsak. Tapos ang timog na kaharian ng Juda ay hinatulan at nadakip ng Babylonia. Ang Jerusalem ay nasira. Ang mga pader ay gumuho. Ang mga tarangkahan ng mga palasyo ay nasunog. Kahit ang templo ng Diyos ay nawasak! Isang dami ng mga tao na naiwan ay naitangay sa pagka-alipin sa Babylonia ng pitompung mga taon. O, Israel, napakabigat ng paghahatol ng Diyos sa iyo! Hindi nakapagtataka na si Daniel ay nanalangin doon sa malayong lupain sa “Dios na dakila at kakilakilabot” (Daniel 9:4).

Sa awa ibinalik ng Diyos ang natitira ng Israel pabalik sa kanilang lupain sa mga araw ni Nehemiah at Ezra. Ang templo ay muling naitayo. Si Hesus ay ipinanganak. Maraming mga tao sa Israel ang nanamapalatay sa Kanya at naligtas. Ngunit ang mga punong saserdote, ang mga Fariseo at iba ay tinanggihan Siya.

Noong taon 70 A.D. winasak ng mga taga Roma, sa ilalim ni Tito, ay ang Jerusalem. Nasakop ang lungsod na may nakakatakot na pagpatay. Ang Hudyong si Joesphus ay nagsabi na 1, 100,000 na mga Hudyo ay napatay. Isa na naming 50,000 ay isinanlang mga alipin. Ang templo ay nasunog. Ang mga tao ng Diyos ay naikalat sa bawat bansa sa lupa hanggnag sa ang Diyos, sa Kanyang awa, ay nagsimulang ipagpulong muli sila noong 1948. O Diyos! O dakila, nakakatakot, nakakikilabot na Diyos! O Diyos, na hindi pababayaan ang kasalanang makalusot na hindi napaparusahan! Ito ang Diyos na simpleng nagbabalang, “Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios” (Mga Awit 9:17). O dakila at kakilakilabot na Diyos! O Panginoon, ang dakila at nakakatakot na Diyos!

Huwag magkakamali rito! Sinasabi ng Bibliya “Dios na may galit [sa masama] araw-araw” (Mga Awit 7:11). Kung ang iyong mga kasalanan ay hindi kailan man napapatawad, at hindi ka pa kailan man napapatawad, ang Diyos ay galit sa iyo ngayong umaga. Mayroon lamang isang paraan para sa iyong maligtas. Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak, ang Panginoong Hesu-Kristo, pababa sa lupa upang bayaran ang multa para sa ating kasalanan sa Krus. Noong natanto kong namatay Siya para iligtas ako, alam ko na pinatay ko siya, kasing tiyak na para bang ipinako ko ang mga pako sa Kanyang mga kamay at paa; kasing tiyak na para bang tinusok ko ang sibat sa Kanyang tagiliran! Ang ating mga kasalanan ang nagpako kay Hesus sa Krus!

Ito’y ikaw aking mga kasalanan, aking malulupit na mga kasalanan
   Ang Kanyang punong mga tagapagpahirap ay;
Bawat isa ng aking mga krimen ay naging isang pako,
   At di pananampalataya ang sibat.

Huwag mong tratuhin ang pagpapako sa krus ni Kristong magaan lang! Si Hesus ay namatay sa Krus upang mapawi ang poot ng Diyos at upang makipagpatawad para sa iyong kasalanan. Iyan and dahilan na “aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23). Dapat kang tumalikod mula sa iyong mga kasalanan at magtiwala kay Hesu-Kristo. Sa gayon lamang na ang Kanyang mahal na Dugo ay makalilinis sa iyo mula sa “lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Ang naipako sa krus at bumangong Kristo lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa poot at paghahatol ng dakila at nakakikilabot na Diyos ni Nehemiah at Daniel, Moses at Pablo. Kung hindi ka magpupunta kay Hesus, na pinarusahan sa lugar mo, para sa iyong mga kasalanan, gayon ang dakila at nakakikilabot na Diyos ay magpaparusa sa iyo. Walang iba kundi si Hesus ang makaliligtas sa iyo mula sa poot ng Diyos. Tumakas kay Hesus kaagad!

Isinulat ni William Cowper (1731-1800), “Mayroong isang bukal na puno ng Dugo, nakuha mula sa mga ugat ng Emanuel, at mga makasalanan ay sumisisid sa ilalim ng bahang iyon at nawawala ang lahat ng kanilang salang mantas.” Isinulat rin ni William Cowper ang himno na kinanta kanina ni Gg. Griffith bago ko ipinangaral ang sermon na ito.

Ang aking dating mga pag-asa ay nagsilayo,
   Ang aking pagkakilabot ngayon ay nagsisimula;
Nadarama ko sa wakas! na ako’y patay
   Sa paglabag sa batas at kasalanan.

A, saan ako [makakatakas]?
   Nadidinig ko ang lindol na umuungol;
Ang batas ay nagdedeklara ng pagkasirang malapit na,
   At paghihiganti sa pinto.

Kapag aking sinusuri ang aking mga gawain,
   Kinatatakot ko ang parating na pagkamatay;
Ngunit tiyak, isang mapagkaibigang bulong ang magsasabi,
   “Tumakas mula sa poot na parating.”
(“Sa Ilalim ng Kumbiksyon.” Isinalin mula sa “Under Conviction”
     ni William Cowper, 1731-1800).

Ikaw ba’y nasa ilalim ng kumbiksyon? Nagugulo ka ban g mga kasalanan mo tuwing gabi, kapag ika’y nag-iisa? Kinatatakot mo ba ang poot ng isang galit na Diyos? Nararamdaman mo ba ang pangangailangan mo para kay Hesus na patawarin ang iyong mga kasalanan at nilisin ang mga ito gamit ng Kanyang Dugo? Tatakas ka ba kay Hesus mula sa poot ng dakila at kakilakilabot na Diyos?

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Jeremias 22:1-6.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Ilalim ng Kumbiksyon.” Isinalin mula sa
“Under Conviction” (ni William Cowper, 1731-1800).