Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG DAKILA AT KAKILAKILABOT NA DIYOS –
PANGALAWANG BAHAGI

THE GREAT AND TERRIBLE GOD – PART II

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-5 ng Pebrero taon 2012

“Dakila at kakilakilabot na Dios” (Nehemiah 1:5).

“Dios na dakila at kakilakilabot” (Daniel 9:4).


Muli, ang pangaral na ito ay kinuha mula sa “Ang Dakila at Kakilakilabot na Diyos” ni Dr. John R. Rice (Sword of the Lord, 1977, pp. 7-38).

Tinatawag ng mga bersong ito ang Diyos na isang dakilan, kakilakilabot at nakakatakot na Diyos. Maari hindi iyan ang iyong diyos. Ngunit iyan ang Diyos na inilantad sa Bibliya. Paniwalaan mo man ito o hindi, ang ating Diyos ay isang “dakila at kakilakilabot na Diyos.” Ang ating Diyos ay “ang dakila at kakilakilabot na Diyos.” Ang Diyos na inilantad sa mga Kasulatan ay nagawa ang mga taong manginig sa takot.

Pagkatapos niyang magkasala laban sa Diyos, sinabi ni Adam, “Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago” (Genesis 3:10). Noong ipinagpatibay ng Diyos ang Kanyang tipan kay Abram, isang gabi, “isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya” (Genesis 15:12). Sinabi ni Job,

“Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan, papayapain ng aking unan ang aking karamdaman; Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip, at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain” (Job 7:13-14).

Pagkatapos siyang bigyang babala ng Diyos patungkol sa padating na Baha, si Noe ay na “dala ng banal na takot” (Mga Taga Hebreo 11:7). Noong ipinakita ng Diyos ang kanyang sarili kay Jacob sa Bethel, sinasabi ng Bibliya, “siya'y natakot” (Genesis 28:17). Sinabi ng Salmista, “Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan” (Mga Awit 119:120). Noong ginawang kilala ng Diyos ang Kanyang kagustuhan kay Daniel, sinabi ng propeta, “ako'y natakot at napasubasob” (Daniel 8:17). Sinabi ni Habakkuk, “Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot” (Habakkuk 3:2). Nagsalita ang Diyos kay Cornelio sa pamamagitan ng isang anghel, “siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya” (Mga Gawa 10:4). At noong tayo ay sinabihan na si Cornelio ay isang “matatakutin sa Dios” (Mga Gawa 10:22). At noong ang Apotol na si Pedro ay nagsalita sa sambahayan ni Cornelio sinabi niya, “Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao: Kundi sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya” (Mga Gawa 10:34-35). Ang Diyos na inilantad sa Bibliya ay gumawa sa mga taong manginig sa takot.

Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Dapat nating katakutan ang kakilakilabot na Diyos. Ang takot sa Diyos ay idinidiin sa buong Bibliya, bilang isa sa mga pinaka dakilang katangian sa lahat. Ito ang pundasyon ng Kristiyanong karakter at pagkasanto. Ito’y kinakailangang kasapi sa kahit anong tunay na pagsisisi” (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., “O Dakila at Kakilakilabot na Diyos,” isinalin mula sa “O Great and Terrible God,” sa The Great and Terrible God, Sword of the Lord Foundation, 1977 edisiyon, p. 14).

Ang Diyos ay “ang dakila at kakilakilabot na Diyos (Daniel 9:4). Ang Diyos ang “dakila at kakilakilabot na Diyos” (Nehemiah 1:5). Ang pakikipagtungo ng Diyos sa buong sangkatauhan ay nagpapakita na Siya ay isang dakila kakilakilabot, at nakakatakot na Diyos.

Minsan ay ang unang lalake at babae ay nabuhay sa isang paraiso ng kagandahan na walang sakit, walang karamdaman, walang kirot, walang pagkabalisa, na ang bawat pangangailangan ay ibinibigay sa kanila. Walang masasamang mga halimaw na makapnsala. Walang karamdaman. Walang mga tinik o mga matitinik na mga palumpong. At ang Diyos Mismo ay naglakad sa hardin na iyon at mayroong ganap na pakikisama sa tao na Kanyang nilikha sa Kanyang sariling imahen. Ngunit si Adam ay nagrebelde at nakamit ang unang kasalanan laban sa Diyos. At di nagtagal pinalayas ng Diyos ang lalake at babae mula sa Hardin ng Eden sa Kanyang galit. Ipinahayag ng Diyos ang kamatayan sa sangkatauhan. Si Adam at Eba ay namatay na sa espiritwal, at ngayon dapat silang mapagbagong loob o sila’y mapupunta sa Impiyerno magpakailan man, palayo mula sa mukha ng Diyos.

Dahil sa kanilang kasalanan, nagsimula na silang tumanda. Ang kamatayan ay gumagana na sa kanilang mga katawan. Nagsimula na silang maging pagod. Hindi nagtagal ay putting buhok ay nagsimulang tumubo sa kanilang mga ulo. Ang kanilang mga kasukasuan ay nagsimula manigas. Ang kamatayan ay dumaan sa buong sangkatauhan. Nagkaanak si Eba, ngunit sa sakit at dusa siyang nanganak sa kanyang unang anak. At ang anak ay isang malupit na makasalanan, at naging mamamatay tao at isang palaboy.

Ngayon hindi na sila medaling makapitas ng prutas mula sa mga puno. Kinalangan na ngayong kumayod ni Adam na may pawis sa kanyang mukha, sumusubok ng magpatubo ng kaunting pagkain sa tuyong lupa. Ang mga hayop ngayon ay mga kalaban ng tao. Mayroong mga tinik na kakalmot sa kanila at mga insektong kakagat sa kanila. Ngayon mayroon ng mga bagyo at mga baha, na may nakakapasong init sa ilang panahon, at napakalamig isa ibang panahon. Ngayon ay mayroong nang napakaraming mga karamdaman, mga kirot at kamatayan. Harapin natin ang katotohanan na ang mundong ito ay isang sumpa! Ang dakila at kakilakilabot na Diyos tumingin na may galit na mukha sa mundo at sa sangkatauhan!

Noong unang nakita ni Adam si Eba sa Hardin inibig niya siya. Siya’y dumating na sariwa mula sa kamay ng Diyos. Mayroong ngiti at isang nakamamanghang pagkadalisay at tamis sa kanyang mukha. Ngunit ngayon nagluluksa siyang makita ang kanyang mukha nagiging kulubot sa dusa, sakit at gulo. Di nagtagal pareho silang nagulat at nangilabot sa pagkapatay ng kanilang anak, si Abel. Di nagtagal ang kanilang puso ay nabiyak sa kasalanan at rebelyong ng kanilang anak na si Kain.

At kasing tiyak na ang Bibliya ay totoo, ang Diyos Mismo ay dapat maging responsible sa pagpapadala ng mga sumpang ito, ang mga luhang ito, ang katandaan at sakit at kamatayan na dumating bilang di mapigilang bunga ng kasalanan. Kinamumuhian ng Diyos ang kasalanan! Ang Kanyang galit ay nabubuhos sa mga di nagsisising mga makasalanan! Totoo na ang mga buto ng kamatayan ay sa kasalanan, ngunit ang Diyos ang nagpaparusa ng kasalanan. Ang Diyos ang naghahatol, tinitiyak na ang mga makasalanan ay maparusahan. O, anong dakila at kakilakilabot na Diyos ang nagpalayas kay Adam at Eba palabas ng Hardin, at inilagay ang espada ng Kanyang poot laban sa kanila dahil sa pagkakamit ng kasalanan! O, ang dakila at kakilakilabot na Diyos, ang nakakatakot na Diyos, na nagpadala ng kamatyaan sa buong sangkatauhan dahil sa kasalanan!

Huwag tayong mangahas na magisip na mayroong mga puwersa sa mundo na hindi mapipigilan ng Diyos. Wala ang mga ito rito. Huwag tayong mangahas na mayroong mga pangyayari na hindi mapipigilan ng Diyos. Hindi ito totoo. Tapos maari nating tignan ang mga nakakikilabot na mga digmaan ng kasaysayan at sabihin na pinapatunayan ng mga ito ang poot ng Diyos na makatuwirang napaggalit ng kasalanan at dinadala ang kaparusahan ng kasalanan. Lahat ng pagbuhos ng dugo, lahat ng mga luha, lahat ng mga pagtangis, lahat ng mga sakit, lahat ng mga kamatayan sa mundo ay nagpapatunay na mayroong kakilakilabot, nakakatakot na Diyos, at na ang Kanyang poot ay nabuhos sa kasalanan. O nakakatakot na Diyos! O dakila at kakilakilabot na Diyos!

Sa sunod na linggo makikita natin kung gaano kakakatakot at kakilakilabot ng Diyos sa pagpaparusa ng kasalanan ng Israel. Ngayon tatapusin natin ang gabi sa pag-iisip tungkol sa kakilakilabot at katakot-takot na Impiyerno. Ang Diyos ay madalas kinamumuhian dahil sa doktrina ng Impiyerno higit pa sa kahit anong iba pang dahilan. Mga ateyistikong sina, Voltaire, Thomas, Paine, H. G. Wells, at Robert Ingersoll ay kinamuhian ang ideya ng Impiyerno at sinisi ang Diyos para sa Impiyerno. Ngunit hindi lang mga ateyistiko at namumuhi sa Impiyerno. Bawat isa ng mga makabagong mga kulto ay tinatanggihan ang walang hanggang Impiyerno na tinutukoy sa Bibliya. Isipin ito! Bawat makabagong kulto – ang mga Mormon, mga Saksi ni Jehovah, Kristiyanong Siyentipiko, Bagong Panahon, lahat sila, walang eksepsyon, ay kinamumuhian ang ideya ng Impiyerno at ang Diyos na nagpapadala ng mga tao doon!

Maasahan natin ang mga ateyistiko at mga miyembro ng kultong kamuhian at di tanggapin ang Impiyerno. Ngunit maraming mga huwad na mga Kristiyano ngayon na di tanggap ang walang hanggang Impiyerno at ang Diyos na nagpapadala ng mga makasalanan doon. Napakahirap na makuha ang mga miyembro ng simbahan na maniwala na maraming mga ebanghelikal na mga seminary ang di tanggap ang walang hanggang Impiyerno. Nagtapos ako mula sa Katimugang Bautistang seminary at mula sa isang Presbyterianong seminary kung saan ang dakila at kakilakilabot na Diyos ng Bibliya ay di tinatanggap, at kung saan ang walang hanggang apoy ng Impiyerno ay kinukutya at di tinatanggap. Tinatawag ni Rob Bell ang kanyang sariling isang ebanghelikal, ngunit nagsulat siya ng maraming mga aklat na sumasalakay sa walang hanggang kaparusahan sa Impiyerno, at ang dakila at kakilakilabot na Diyos na nagpapadala ng mga nawawalang mga makasalanan doon. Natutunan ni Rob Bell na huwag tanggapin ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa Impiyerno sa Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller, na nasa Pasadena, California. Noong ako’y nagpupunta sa Bautistang Teyolohikal na Seminaryo ng Golden Gate sa maagang taon ng 1970, sinabihan kami ng mga propesor na aralin ang Bibliya ng mga Interpretor [Interpreter’s Bible]. Si George A. Buttrick ay ang editor ng kumentaryo na sumsalakay ng mga dakila at kakilakilabot na Diyos ng Bibliya. Sinabi niya, “Ang ganoong Diyos, aming mamumungkahi, ay nakuha ang paghahatol ng Pranses na iskeptikong si [Voltaire]: ‘Ang iyong Diyos ay aking Diablo.” Gayon ang liberal na, na di tumatanggap ng Bibliyang kumentor na ito ay nangahas na tawagin ang dakila at kakilakilabot na Diyos ng Bibliya na Diablo! Si Dr. G. Bromely Oxnam, ang liberal na Metodistang obispo ng Washington, D. C., ay tumawag sa dakila at kakilakilabot na Diyos ng Bibliya na “isang maton.” Nakarinig na ako ng mga di ligtas na mga liberal na nagsabi ng mga bagay na tulad nito ng paulit-ulit sa mga di tumatanggap sa Bibliyang mga Katimugang mga Bautistang seminaryong pinagtapusan ko. Sa simula akala ko ang mga propesor na mga ito ay mga nalilito at maaring makakapagdahilanan at mapapanalunan sa isang pananaw ng Bibliya. Ngunit sa wakas aking napagmalay ang katotohanan na hindi pa sila kailan man naipanganak muli. Si Satanas, ang diyos ng mundong ito, ay “binulag ng…ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya” (II Mga Taga Corinto 4:4).

Halimbawa ang di pangkaraniwang kalagayan ni Daniel P. Fuller. Ang kanyang ama ay ang kilalang ebanghelistang si Charles E. Fuller. Ngunit ang kanyang ama ay isang “desisyonisata.” Ang sarili niyang anak ay nagtaas ng kanyang kamay, nagsabi ng isang dasal at bininyagan ng maagang edad, na di tunay na napagbabagong loob. Noong nagsimula ang Seminaryo ng Fuller, minahal ni Charles Fuller ang kanyang anak ng mas higit kay sa sa Salita ng Diyos. Si Fuller ay bumalik, sinapian ang kagawaran ng seminrayo ng kanyang amal at binuksan ang daan upang ito’y maging liberal. At sa Seminaryo ng Fuller na natutunan ni Rob Bell na huwag tanggapin ang walang hanggang kaparusahan ng Impiyerno (tignan ang Harold Lindsell, Ph.D., “The Strange Case of Fuller Theological Seminary,” The Battle for the Bible, Zondervan Publishing House, 1976, pp. 106-121).

“Isang makasalanan ay sumisira ng maraming mabuti”
       (Ecclesiastes 9:18).

Ang liberalismo ng Seminaryo ng Fuller ay umuugat mula sa nabulag na isipan ni Daniel P. Fuller. Isang taong hindi pa napagkumbaba ng pagkakasala at tunay na pagkakabagong loob ng Diyos ay medaling madadala sa liberalism, isnag pagtanggi ng pagkawalang mali ng Kasulatan, at isang abersyon tungo sa dakila at kakilakilabot ng Diyos na nagpapadala ng mga makasalanan sa Lawa ng Impiyerno. Kung gayon huwag nating dapag hayaan ang mga kabataan sa ating simbahan, “ipasang” bilang mga napagbagong loob hangga’t sila’y napakumbaba ng Diyos, nagawang nagkasala ng kasalanan, at nabago ng Banal na Espiritu sa isang nabubuhay na pananampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo!

Ang dakila at kakilakilabot na Diyos ay nagpapadala ng mga di napagbagong loob na mga makasalanan sa walang hanggang mga apoy ng Impiyenro. Ngunit ang Impiyenro ay napakaterible na dapat nitong magawa ang kahit sinong nag-iisip na taong manginig sa takot. Ang Impiyerno ay isang tanda ng poot ng isang terible, at nakakatakot na Diyos na kinamumuhian ang kasalanan at dapat parusahan ito.

Sinabi ni Dr. Rice, “Terible na ang Impiyerno ay isang lugar ng apoy. Nakabasa ako ng isang aksidente sa eroplano. Isang piloto ay naipit sa isang bumagsak na eroplano na nasunog. Unti-unti inihaw ng apoy ang piloto na sumigaw at umiyak…at nagmaka-awa na barilin siya ng mga taohanggang sa wakas isang [pulis] ang bumaril sa kanya sa ulo upang tapusin ang paghihirap ng taong hindi nila maligtas, hindi nila maligtas! Ako’y nangilabot ng lubos sa pag-iisp ng pagpapahirap ng taong iyon na ito’y nanatili sa akin ng ilang araw. Ngunit dakila at kakilakilabot na Diyos, anong naroon sa Impiyerno kung saan mayroong lawa ng apoy at asupreng nasusunog magpakailan man!...Ang paghihirap ay magpapatuloy! Ang apoy ay magpapatuloy na masunog! Natatandaan pa rin ng mga tao ang kanilan mga natalong mga pagkakataon, ang kanilang mga pagtanggi kay Kristo, ang kanilang garapal na kasalanan! At ang usok ng kanilang paghihirap ay tataas magpakailan man [Apocalipsis 14:11]. Wala silang pahinga sa buong araw. Ang gabi ay hindi nagdadala ng kapayapaan at ang walang katapusang sikolo ng paghihirap ay magpapatuloy. Walang pag-asa para sa pagkikisama sa Diyos, walang hinaharap na pagkakataon para sa pagsisisi. Tunay nga, wala pa ngang inklinsayon patungo sa pagsisisi…sa Impiyerno. Anong nakakatakot na DIyos na gumagawa ng ganoong uri ng kaparusahan para sa di nagsisising mga makasalanan!” (Isinalin mula kay Rice, ibid., p. 27).

At ito ang Diyos na hindi mo pa naiisip ng masinsinan. Sa katunayan, hindi mo pa nga Siya naiisip kapag ika’y mag-isa tuwing gabi. Sinusubukan ba kitang tukutin? Oo, siyempre! Dahil kung hinid ka kailan man matatakot sa Diyos ni Jacob at Moses at Pablo, walang pag-asa para sa iyo. Sinsaabi ng Bibliya, “matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan” (Mga Kawikain 3:7). Ang takot ko sa Diyos ay ang mapakilos kang hanapin “kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:24-25). Hangga’t mahanap mo si Kristo, ang iyong mga kasalanan ay hindi malilinis ng Kanyang Dugo, at haharapin mo ang mukha ng poot at galit ng ating dakila at kakilakilabot na Diyos. Gaya ng paglagay nito ng lumang himno noong Pangalawang Dakilang Pagkagising,

Isang galit na Diyos – isang Manghahatol na matindi --
   Napaka makatarungan, napaka banal na Panginoon!
Habang mga Kristiyano ay umasa na may mapagkumbabang takot,
   Hayaan na mga makasalanan ay manginig sa Kanyang Salita.

Ang Kanyang batas ay nagkokondena ng mga malupit ngayon,
   At [paghahatol] ang sumeselyo ng kanilang teribleng pagkamatay
Ngunit poot, kahit na rito ay hindi nakikita, at mabagal,
   Ay sasabog, at susunog lampas pa ng libingan.
(“Ang Diyos Galit sa Malupit” Isinalin mula sa “God Angry With the Wicked”
     ni L. M. Lee, walang petsa; mula sa Village Hymns for Social Worship,
       ipinagsama ni Dr. Asahel Nettleton, 1997 inilimbag muli, International Outreach,
           P. O. Box 1286, Ames, Iowa 50014).

Magsitayo at kantahin ang himno bilang 4, “Inilagay sa Kanya ng Panginoon” [“The Lord Hath Laid on Him”], sa tono ng “Amazing Grace.”

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Apocalipsis14:9-12.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Diyos Galit sa Malupit.” Isinalin mula sa “God Angry
with the Wicked” (ni L. M. Lee, walang petsa).