Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DAKILA AT KAKILAKILABOT NA DIYOS – THE GREAT AND TERRIBLE GOD – PART I ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Dakila at kakilakilabot na Dios” (Nehemiah 1:5). “Dios na dakila at kakilakilabot” (Daniel 9:4). |
Higit ng sermon ito ay kinuha mula sa “Ang Dakila at Teribelng Diyos” ni Dr. John R. Rice (Isinalin mula sa Sword of the Lord, 1977, pp. 7-38). Ang dalawang mga tekstong ito ay tinatawag ang Diyos na kakilakilabot, nakakatakot na Diyos. Ipinalangin ni Nehemiah, “Oh Panginoon, na Dios ng langit, na dakila at kakilakilabot na Dios.” Muli, sa Nehemiah 4:14, sinabi ni Nehemiah, “Inyong alalahanin ang Panginoon, na dakila at kakilakilabot.” At sa Nehemiah 9:32 sinabi niya, “Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios…” Tinawag ang Diyos na isang “dakilang Dios at kakilakilabot.” sa Deutoronomyo 7:21. Sa Deuteronomy 10:17 Siya ay tinawag na, “Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot…” Itinukoy ni Daniel ang “dakila at kakilakilabot na Dios” (9:4). Ginagamit ng Bibliya ang wikang ito upang ilarawan ang Diyos. Sa Isaias 59:18 sinabi ng Diyos “gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga pulo ay gaganti siya ng kagantihan.” Ganito ang paraan na ang Diyos ay madalas ilarawan sa Bibliya, ibinubuhos ang Kanyang poot laban sa kasalanan.
Yoong mga tumutukoy sa Kanya lamang bilang Diyos ng pag-ibig at awa ay hindi ibinibigay ang buong paglalarawan ng Diyos na inihayag sa Bibliya. Siya rin ay isang Diyos ng paghahatol at pagkaganti. Tayo ay simpleng binalaan sa Bagong Tipan, “Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31). Ang lahat nitong mga makabagong pagtuturo ng biyaya na walang batas, o pananampalataya na walang pagsisisi, ng awa ng Diyos na walang poot, ng Langit na walang Impiyerno ay kabuktutan ng katotohanan tungkol sa Diyos. Ito’y sinungaling na pagtatanghal ng mensahe ng Diyos. Ang Diyos ay kakilakilabot na Diyos, isang nakakatakot na Diyos, isang Diyos ng galit laban sa kasalanan, isang Diyos ng paghihiganti, isang Diyos na dapat katakutan, isang Diyos na dapat makapagngilabot ng mga makasalanan.
Bakit tayo hindi makarinig ng mas higit pang mga sermon sa kakilakilabot na Diyos ng Bibliya? Dahil maraming mga mangangaral ang takot na sabihin ang totoo. Natatakot sila na mga karnal, di napagbagong loob ng mga tao sa kanilang simbahan ay hindi gusting makarinig tungkol sa isang ganoong uri ng Diyos. Bakit? “Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios (Mga Taga Roma 8:7). Ang mga karnal na mga isipan ng mga di napagbagong loob na mga kalalakihan ay natural na mga laban sa dakila at kakilakilabot na Diyos ng Bibliya.
Gayon, kinakailangan na iproklama ang Diyos na ito sa mga di napagbagong loob. Sinabi ni Dr. Martyn-Lloyd Jones,
Ang bagay na naghihiwalay sa ebanghelyo mula sa lahat ng ibang pagtuturo ay na ito ay unang-una isang proklamasyon ng Diyos at ang ating relasyong sa Diyos. Hindi ang ating mga partikular na mga problema, kundi ang parehong problema na dumating sa ating lahat, na tayo ay mga kinondenang mga makasalanan sa harap ng isang banal na Diyos at isang banal na batas (isinalin mula sa (Romans, Exposition of Chapter 1, The Gospel of God, The Banner of Truth Trust, 1985, p. 95).
Hindi mararamdaman ng mga makasalanan na sila’y nawawala hangga’t sila’y dalhing harap-harapan sa isang dakila at kakilakilabot na Diyos ng Bibliya. Kapag kanila lamang maramdaman na sila’y nakondena sa harap ng isang dakila at kakilakilabot na Diyos ng Kasulatan na sila’y makukumbinsi na kailangan nila si Kristo.
Gayon ang magsalita tungkol sa isang nakakatakot, isang kakilakilabot at nakasisindak na Diyos, isang Diyos ng galit at tumutupok na apoy, ay gumugulat at nakapang-iinis ng maraming mga tao sa simbahan ngayon. Ngunit sila’y mali upang magulat.
Sinabi ni Dr. Rice, “Dapat nating katakutan ang nakakatakot, kakilakikabot na Diyos! Sa buong Bibliya ang takot sa Diyos ay itinatayong isa sa mga pinakadakilang katangian sa lahat. Ito ang pundasyon ng Kristiyanong katauhan at kabanalan. Ito ay kinakailangan para sa tunay na pagsisisi at totoong pagbabagong loob” (Isinalin mula sa ibid.).
Naglilista ang Oxford Tuusan ng mga salita ng labin limang mga talata mula sa Kasulatan kung saan tayo ay binibigyang utos na ibigin ang Panginoon, o na ang pag-ibig ng Diyos ay binanggit bilang isang katangian. Ngunit ang parehong tuusan ng mga salita ay naglilista ng apat-na-pung mga talata sa Bibliya kung saan ang takot sa Panginoon ay binabanggit or nililista bilang isang katangian!
Tatlong natatanging mga berso sa Bibliya ay nagsasabi sa ain “Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan” (Mga Awit 111:10; Mga Kawikain 1:7: Mga Kawikain 9:10). Tayo ay sinasabihan na ang takot sa Panginoon ay nagpapatagal ng ating mga buhay (Mga Kawikain 10:27; 19:23; 14:27). Tayo ay sinasabihan na ang takot sa Panginoon ay ang daan sa tagumpay at karamihan (Mga Kawikain 15:16). Sa sa buong Bibliya ang mga makadiyos na mga kalalakihan at kababaihan ay nabanggit bilang yong mga natatakot sa Diyos. Si Solomon, ang pinaka madunong na tao sa lupa ay nagsabi, “ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao).
Ngunit sinasabi ng Bibliya na mga nawawalang mga makasalanan ay hindi natatakot sa Diyos. Sa kakilakilabot na listahan ng mga kasalaan ng sangkatauhan sa Mga Taga Roma 3:9-18, ang huli at wakas na kasukdulan, na nagpapakita ng kasamaan ng natural na puso ng tao, ay ibinigay sa mga salitang ito, “Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata” (Mga Taga Roma 3:18).
Hindi katagalan lang mayroong nagsabi sa akin, “Hindi ako takot sa Diyos.” Sinabi niya ito na para bang siya’y isang espesyal na tao. Hindi sa anomang paraan! Iyan ang kondisyon ng bawat isang nawawalang tao! “Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.” Sa kanyang dakilang kantang “Nakamamanghang Biyaya,” sinabi ni John Newton, “‘Biyaya ang nagturo sa aking pusong matakot.” Walang makasalanan ang makararamdam ng takot sa Diyo hangga’t bibigyan siya ng Espiritu ng Diyos ng espesyal na biyaya. Ang isang hindi natatakot sa Diyos ay nabubuhay sa kasalanan. Hindi niya iniisip ang mga babala ng Diyos at hindi nag-iisip ng malalim tungkol sa poot ng Diyos at paghahatol. Ngynit ang Diyos ay isang kakilakilabot na Diyos, isang nakakatakot na Diyos, isang Diyos na dapat katakutan.
Hindi nakakapag taka na ang mga anak ni Eli ay hindi natakot sa Diyos. “Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga [anak ni Belial]; hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12). “Hindi nila nakilala ang Panginoon.” Hindi nakakapagtaga hindi nila ikinakatakot ang Diyos. Hindi pa nga nila kilala ang dakila at kakilakilabot na Diyos. Ang nakakatakot na Diyos ng Bibliya ay di kilala sa kanila. Ang mga anak ni Eli ay walang personal na karanasan sa Diyos. Hindi sila kailan man nagisip ng masinsinan tungkol sa Diyos. Walang lugar para sa Diyos sa kanilang mga isipan. “Hindi nila nakikilala ang Panginoon” – at hindi pa nga sila interesado sa pagkakakilala sa Panginoon! Sila’y makasalanan, at sila’y walang diyos, at hindi sila makikinig sa pangangaral. Sinabi ng mangangaral, “Kung sinomang tao ang makasala laban sa Panginoon, sinong [mamamagitan] para sa kanya?” Ngunit tumanggi silang maituwid niya. “Gayon ma'y hindi nila dininig ang tinig…sapagka't […] patayin sila ng Panginoon” (I Samuel 2:25) [KJV]. Tapos isang propeta ang dumating at nagbabala sa kanila na pareho silang “sila'y kapuwa mamamatay” (I Samuel 2:34). Ngunit sila’y nagpatuloy sa kanilang kasalanan. Ang babala ng kamatayan ay hindi gumawa ng impresyon sa kanila. Tapos muli, inilantad ng Diyos sa batang si Samuel na ang mga anak ni Eli ay mamamatay at hahatulan dahil sa kanilang mga kasalanan, “At ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel” (I Samuel 4:1). Gayon ang mga anak ni Eli ay hindi nakinig sa babalang iyon.
Ngayon sa isang tiyak na araw, ang Israel ay napunta sa digmaan sa mga Filisteo. Ang mga bagay ay hindi bumubuti, kaya ang mga tao ay sumama sa mga anak ni Eli, at kinuha ang Kaban ng Tipan palabas ng Tabernakulo, sa gitna ng digmaan. Akala nila “mala-salamangka” nilang makuhang basbasan sila ng Diyos. Ngunit mali sila – maling-mali! Hindi mo makukuha ang biyaya ng Diyos kung hindi mo Siya kinatatakutan! “At ang kaban ng Dios ay kinuha; at ang dalawang anak ni Eli, si Ophni at Phinees ay piñata” (I Samuel 4:11). Gayon hindi talaga ang mga Filisteo ang pumatay sa kanila sa digmaan. Ang Diyos talaga ang nasa likuran nito. Ang Diyos talaga ang bumitay sa kanila, “papatayin sila ng Panginoon” (I Samuel 2:25). Ang dakila at nakakatakot na Diyos talaga ang pumatay sa kanila at nagpadala sa kanila sa Impiyerno, “Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Marcos 9:48).
Natatandaan ko ang isang propesor na tinatanggihan ang Bibliya sa Katimugang Bautistang seminary na aking pinuntahan. Nagtapos ako na may isang Master na antas. Isang taon mayamya bumalik ako at nag-aplay upang pumasok sa programang pan-Doktor ng Ministro. Tinignana ako ng lalaking ito na may pagkasuklam, at tinanggihan ang aking aplikasyon dahil tumayo akong matibay sa depensa ng Bibliya. Ngunit sa loob ng ilang buwan ang parehong lalake ang naglagay ng baril sa kanyang bibig at pinatay ang kanyang sarili. Isa na naming lalake ang nagsinungaling at sinalakay ako na may malisya sa telebisyon. Namatay siya mula sa isang di pangkaraniwang gulo sa loob ng kaunti pa sa tatlom pu’t anim na buwan. Isang pangatlong lalake ang sumalakay sa akin dahil sa masigasig kong pagtayo laban sa aborsyon. Siya ay bata at malakas – ngunit siya’y napatumba sa loob ng hindi rarami ng dalawam pu’t apat na buwan. Hindi kinakailangan na mangyari ito sa kanila dahil sinalakay nila ako. Ang mga kakilakilabot na mga paghahatol na ito ay dumating sa kanila dahil “hindi nila nakikilala” ang dakila at kakilakilabot na Diyos ng Bibliya!
Ngayon, tatanungin kita, mayroon ka bang takot sa Diyos? Iniisip mo ba ang dakila at kakilakilabot na Diyos kapag mag-isa ka? Tandaan, takot sa Diyos ang kailangan mong maramdaman. Iyan ang dapat mong pag-isipan at ipagdasal kapag ika’y mag-isa. Tandaan, ang mahalaga lamang ay ang kapag ika’y mag-isa. Si Jacob ay mag-isa noong sinabi niyang, “Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman” (Genesis 28:16-17). Hating gabi na noong “naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway” (Genesis 32:24). Iyan ay noong siya ay napagbagong loob, nakikipagbuno ng buong gabi sa naunang naglamang taong Kristo! Si Abraham ay nag-iisa noong gabi noong ang Diyos ay bumaba at itinatag ang Abarahamanikong Tipan. “At nang lulubog na ang araw, ay nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya” (Genesis 15:12). Sindak at matinding kadiliman ang bumagsak kay Abram noong dumating ang Diyos sa kanya noong gabing iyon. Iyan ang minsan tinawag ng mga dakilang mga Kristiyano ng nakaraan na “ang madilim na gabi ng kalulwa.” Ito ang naramdaman nina Luther, at Bunyan, at Wesley at Whitefield, at Judson, at Spurgeon. Bago ng kanilang pagbabagong loob kanilang naranasan ang nakakatakot at kakilakilabot na Diyos ng Bibliya.
Naiisip mo ba kailan man ang dakila at kakilakilabot na Diyos na ito kapag ika’y nag-iisa? Nararamdaman mo ba kailan man na nagkakasala kapag ika’y nag-iisa – nalalaman na ang Diyos ni Abraham ay nakakita ng iyong mga kasalanan, kahit ang mga kasalanan ng iyong isipan at puso? Kahit ang mga kasalanan na walang ibang nakakaalam – kundi ikaw at ang Diyos? Ang “isang kasindaksindak na malaking kadiliman” ba kailan man ay bumagsak sa iyo ng gabi, gaya ng nangyari kay Abraham? (Genesis 15:12).
O, panalangin naming na iyong maramdaman ang ganoong uri ng kumbiksyon at pagkasindak kapag ika’y mag-isa kasama ng Diyos sa gabi! Ang mga anak ni Eli ay di kailan man naramdaman ang ganoong uri ng kumbiksyon at pagkasindak, “sapagka’t […] [papatayin] sila ng Panginoon.” Kapag ang Diyos ay darating sa iyo, at maramdaman mo ang Kanyang matinding kapangyarihan at poot laban sa kasalanan, gayon ika’y maaring madalang tumakas kay Hesus, para sa paglilinis mula sa kasalanan sa Kanyang mahal na Dugo! Panalangin naming na ito’y iyong maranasan!
Si Samuel Davies(1723-1761) ay isang makapangyarihang mangangaral noong Unang Dakilang Pagkagising sa Bagong Inglatera. Mga muling pagkabuhay ay dumating ng maraming beses sa loob ng kanyang paglilingkod. Noon 1758 siya ay piniling sundan si Jonathan Edwards bilang pangulo ng Unibersidad ng Princeton. Namatay siya tatlong taon mayamya sa edad na tatlom pu’t pito. Kilala ni Samuel Davies ang dakila at kakilakilabot na Diyos ng Bibliya. Pakinggan ang mga salita ng kanyang himno, na kinanta ni Gg. Griffith bago ng pangaral na ito.
Napaka dakila, napaka kakilakilabot ng Diyos,
Na yumayanig sa sansinukob gamit ng Kanyang pagtungo!
Sumimangot Siya: ang lupa, dapat, at lahat ng kalikasan ay magsasama-sama
Lulubog sa isang panlahatang apoy.
Saan, makahahanap ang mga makasalanan
Ng sisilungan sa malawakang pagkawasak!
Mga bumabagsak na mga bato sa ibabaw nila’y dapat maitapon?
Tignan mga bato na tulad ng niyebe na natutunaw.
Walang saysay nagyon sila’y umiiyak;
Sa mga lawa ng likidong apoy sila’y nakalapag;
Doon sa umaapoy na pagunggol itinapon,
Magpakailan man – o magpakailan mang nawawala!
(“Ang Pagkawasak ng Kalikasan.” Isinalin mula sa
“The Wreck of Nature” ni Samuel Davies, 1723-1761).
Nananalangin kami na masimulan mong maramdaman ang katotohanan ng nakakatakot na Diyos na it. Panalangin naming na iyong maramdaman ang pagkakasala ng iyong kasalanan, at na ika’y makumbinsi na ang Dugo lamang ni Hesus ang makalilinis sa iyo sa paningin ng dakila at kakilakilabot na Diyos!
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: II Mga Taga Tesalonica 1:7-9.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Pagkawasak ng Kalikasan.” Isinalin mula sa
“The Wreck of Nature” (ni Samuel Davies, 1723-1761).