Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG SERMON SA TSINONG BAGONG TAON A CHINESE NEW YEAR’S SERMON ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan; Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila. Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan: Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang” (Mga Taga Roma 1:18-23). |
Ang Tsinong Bagong Taon ay ang pinaka mahalagang tradisiyonal na Tsinong okasyon. Ito rin ang pinaka matandang sumusunod na magkasunod na secular na kalendaryo sa kasaysayan ng tao. Ito’y higit sa dalawang taon ang gulang bago ni Kristo, hanggang sa panahon noong ipinakilala ni Emperor Huang Ti ang unang kalendaryo. Tulad ng Kanlurang kalendaryo, ang Tsinong kalendaryo ay taon taon. Ngunit di katulad ng Kanlurang kalendaryo, ang Tsinong kalendaryo ay naka batay sa ikot ng buwan. Dahil sa paraan ng pagpepetsa nito, ang simula ng Tsinong Bagong Taon ay maaring bumagsak kahit saan sa pagitan ng huling Enero at gitnang Pebrero. Ang Tsinong Bagong Taon ay darating bukas sa taong ito. Ngunit ayon sa tradsiyon ang selebrasyon ay nagpapatuloy ng maraming araw. Kaya ito’y ganap na nararapat para sa atin na magkaroon ang bangketang ito sa gabi bago ng Tsinong Bagong Taon.
Ang isang kompletong ikot ng buwan ay nagaganap sa loob ng anim na pung buwan at nabubuo ng limang ikot ng 12 na taon bawat isa. Ang Tsinong na uukol sa buwang kalendaryo ay pinapangalan ang bawat isa ng 12 mga taon pagkatapos ng isang mamal, reptilya o ibon – kasama ang daga, kapong baka, tigre, kunehom dragon, ahas, kabayo, tupa, unggoy, tandang, aso at baboy. Ang taong ito (2012 A.D.) ay ang Taon ng Dragon.
Mga anyo ng kalendaryong ito at Bagong Taon selebrasyon ay ginagamit rin sa mga bansa na naimpluwensyahan ng mga Tsino, kasama sa mga ito ay ang Korea, Hapon (hanggang 1873), Vietnam, Mongolia, Indonesya, Malaysia, ang Pilipinas, Singapore, Taiwan, at mga Tsinong komunidad sa buong mundo. Mukhang naimpluwensiyahan rin ng Tsinong Bagong Taon ang mga pista sa labas ng Silangang Asia, sa mga bansa tulad ng Iran.
Sa loob ng huling apat na libong mga taon ang Tsinong Bagong Taon ay nakakuha ng isang magkasunodsunod na mga alamat at tradisyon, tulad ng “Nien,” isang mabangis na dragon na pinaniniwalaan ng matatandang Tsino na kumakain ng mga tao tuwing Bagong Taon. Si Nien ay tumatayo hanggang sa araw ng ito bilang isang nakatatakot na dragon na matatkot lamang sa pamamagitan ng kulay pula at ng mga paputok na pinapasabog sa araw mg okasyon. Ang paniniwalang ito ay mukhang nanggaling sa isang mas maagang kaalaman kay Satanas ng mga Tsino, na mayroon pa ring malakas na paniniwala sa mga demonyo sa pangunahing lupa ng Tsina. Tinawag ito ng Bibliyang Satanas,
“Ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan”
(Apocalipsis 12:9).
Ngunit si Satanas ay hindi matatakot gamit ng mga paputok at pulang kulay na mga laso! Mukhang ang gamit ng pulang kulay upang matalo ang dragon ay maaring nanggaling sa mga ugat sa mga mas maagang alaala ng madugong sakripisyo – tumuturo sa Dugo ni Kristo. Sinasabi ng Bibliya, “At siya'y [si Satanas] kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero” – Si Hesu-Kristo (Apocalipsis 12:11). Upang malaman kung paano lumago ang Tsinong Bagong Taon sa buong siglo, dapat nating maisip na ang Tsina ay dumaan sa apat na relihiyosong mga yugto.
Noong una kong nadamang natawag ng Diyos upang maging misyonaryo sa Tsino, sumapi ako sa Unang Tsinong Bautismong Simbahan, kung saan natanggap ko ang pagsasanay para sa ministro mula kay Dr. Timothy Lin, isang Tsinong eskolar ng Bibliya na dating nagturo ng Semtikong wika at sistematikong teyolihiya sa pagtatapos na paaralan sa Unibersidad ng Bob Jones. Siya ang aking pastor at guro noong mga taon 1960 at maagang 1970. Nagpatuloy siya upang sundan si Dr. James Hudson Taylor III bilang pangulo ng Ebanghelikal na Seminaryo ng Tsina sa Taiwan.
Nakilala ni Dr. David Innes, pastor ng Bautistang Simbahan ng Hamilton sa San Francisco, si Dr. Lin sa Unibersidad ng Bob Jones. Pinaalala sa akin ni Dr. Innes ang balangkas ni Dr. Lin ng Mga Taga Roma 1:18-32. Ang balangkas ni Dr. Lin ay (1) Ang ilaw ay nalantad, Mga Taga Roma 1:18-20; (2) Ang ilaw ay tinanggihan, Mga Taga Roma 1:21-25; (3) Ang ilaw ay inalis, Mga Taga Roma 1:26-32. Sinusundan ko ang balangka ni Dr. Lin, ngunit magdadagdag ako ng pang-apat nap unto sa katapusan.
I. Una, ang Tsina ay minsan isang lupa ng isang Diyos.
Sinabi ni Dr. Lin na ang sinuanang mundo, kasama ang Tsina, ay orihinal na naniwala sa isang Diyos. Sumipi si Dr. Lin mula sa Mga Taga Roma 1:18-20, na binasa ni Dr. Chan ilang sandali lang kanina.
“Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan; Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila. Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan” (Mga Taga Roma 1:18-20).
Iyan ang larawan ng nangyari sa sinaunang mundo. Sa simula “ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita” (Genesis 11:1). Ngunit dahil sa kasalanan, sa Tore ng Babel, “doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa” (Genesis 11:9).
Noong ang mga taong ito ay nagsikalat sa Tore ng Babel, ang ilan sa kanila ay naglakbay ng malayo sa Silangan sa ngayon ay kilala bilang Tsina. Si Dr. James Legge (1815-1897) ay isang tanyag na Sinolohista. Siya ang propesor ng Tsinong Wika at Literatura sa Unibersidad ng Oxford sa loob ng dalawampung taon. Sa kanyang aklat, Ang Mga Relihiyon ng Tsina [The Religions of China] (Charles Scribner’s Sons, 1881), itinuro ni Dr. Legge na ang orihinal na relihiyon ng Tsina ay monoteyismo, ang paniniwala sa isang Diyos, na kanilang tinawag na Shang Ti (Hari ng Langit).
Ipinakita ni Dr. Legge na sa simula sinamba ng mga Tsino ang isang Diyos, dalawang libong taon bago ni Kristo. Ito’y mga 1,500 na mga taon bago ni Confucius (551-479 BC) at Buddha (563-483 BC) ay naipanganak. Ang Buddhismo ay dumating sa Tsina mula sa Indiya, at naging, gayon isang banyagang relihiyon. Ngunit ang mas matandang relihiyon ng pagsasamba ng isang Diyos, si Shang Ti (Hari ng Langit), ay naganap ng mga 1,500 na mga taon bago pa man naipanganak sina Confucius o Buddha. Sa loob ng mga siglo, marami pang ibang mga espiritu ang naidagdag at nasamba, ngunit si Shang Ti (ang Hari ng Langit) ay nanatiling kataas-taasang Diyos ng lumang Tsinong kultura. Ang pananaw ni Dr. Legge ay parehas doon sa pananaw ni Dr. Wilhelm Schmidt (Ang Pinanggalingan at Paglago ng Relihiyon [The Origin and Growth of Religion], Cooper Square Publishers, 1972 edition). Si Shang Ti, ang Hari ng Langit, ay ang tunay na Diyos ng lumang Tsina sa loob ng daan-daang taon! Magsitayo at kantahin ang unang taludtod ng himno bilang 6.
Purihin ang aking kaluluwa, Hari ng Langit,
Sa Kanyang paa ang iyong parangal ay dinadala;
Pinalaya, pinagaling, isinaayos, pinatawad, Sinong tulad ko,
Kanyang papuri ay dapat kantahin?
Aleluya! Aleluya! Papuri sa walang hanggang Hari!
(“Papuri, Aking Kaluluwa, Hari ng Langit” Isinalin mula sa
“Praise, My Soul, the King of Heaven” ni Henry F. Lyte, 1793-1847).
Iyan si Shang Ti, ang Hari ng Langit! Iyan ang ating Diyos, ang Ama ng Panginoong Hesu-Kristo!
II. Pangalawa, ang Tsina ay naging lupa ng maraming diyos.
Ngunit sa loob ng mga siglo, ang mga Tsino ay nagsimula lumayo sa pagsasamba ng isang Diyos, si Shang Ti (Hari ng Langit) sa pagsasamba ng maraming diyos. Ang talata na binasa kanina ni Dr. Chan bago ng mensaheng ito ay nagpatuloy sa pagsasabing,
“Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang” (Mga Taga Roma 1:21-23).
Ang nangyari sa Tsina ay pareho sa nangyayari sa Amerika. Ang pinakamaagang mga Tsino ay naniwala sa isang Diyos, na kanilang tinawag na Shang Ti, Hari ng Langit. Sa parehong paraan, ang unang mga naninirahan sa Amerika ay naniwala sa Diyos. Sila’y mga manlalakbay. Sila’y mga Kristiyano na nagpunta sa Amerika na naghahanap ng kalayaan ng relihiyon.
Sa unang Pagbibigay Pasasalamat kanilang sinamba ang Diyos; nagbibigay pasasalamat sa Kanya para sa pagproprotekta at paglalaan para sa kanila. Ngunit ngayon, 400 lang na mga taon maya maya, karamihan sa mga Amerikano ay hindi iniisip ang Diyos sa anomang paraan tuwing Pagbibigay Pasasalamat. At ngayon, maraming mga Amerikano ang kasapi sa mga kulto at mga huwad na mga relihiyon. Maraming mga Amerikano ang hindi talaga naniniwala sa Diyos sa anomang paraan. Kaya, ang mga Amerikanong mga ito, sa loob lamang ng 400 na taon, ay naging tulad ng mga sinaunang mga Tsino. Ngayon sinasamba nila ang maraming mga huwad na mga diyos. Maraming mga Amerikano ngayon ay tinatawag ang Pagbibigay Pasasalamat na “Araw ng Pabo.” Imbes na araw upang magbigay pasasalamat sa Diyos, para sa mga Amerikanong mga ito ito’y isa lamang araw upang lumamon ng pabo, uminom ng serbesa at manood ng telebisyon. Kaya ang mga Amerikanong mga ito ay isinuko ang pagsasamba sa isang Diyos, tulad lang nga mga sinaunang mga Tsino.
“Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang”
(Mga Taga Roma 1:22-23).
III. Pangatlo, ang Tsina ay naging isang lupa na walang Diyos.
Noong ika-1 ng Oktubre taon 1949 si Mao Tse Tung at kanyang mga Komunistang puwersa ay sinakop ang Tsina. Tinawag ni Mao ang mga Kristiyanong mga misyonaryo na mga “espiritwal na mananalakay.” Sa loob ng sumunod na sampung taon lahat ng mga banyagang mga misyonaryo ay tumakas mula sa Tsina o kaya piñata ng mga Komunista. Pagkatapos ng na nawala ng mga banyagang mga misyonaryo ang mga Komunista ay nagsimulang usigin ang mga katutubong mga Tsinong Kristiyano. Marami ang napatay. Ang iba ay tumakas sa Taiwan. Libo-libong mga Tsinong Kristiyano ay dinakip at pinadala sa bilangguan.
Ilan ay himalang nakaligtas at napalaya pagkatapos ng higit sa dalawampung taon sa bilangguan. Sa huling mga taon ng 1950 isinara ni Mao Tse Tung ang pintuan ng Tsina sa mundo. Ang Tsina ay nanatiling sarado mula sa mundo hanggang sa binuksan ito ni Pangulong Nixon noong Pebrero taon 1972. Ang ginawa ni Nixon ay isa sa pinakadakilang mahahalagang sandal sa kasaysayan. Isang henerasyon sa hinaharap ang susuring muli kay Pangu;ong Nixon, hindi lamang dahil sa pagbubukas ng Tsina, kundi dahil sa marami pang ibang dahilan, tulad ng pagtatapos ng pangangalap at paghahalo ng mga paaralan sa Amerika. Siya rin ang unang Pangulo na bumisita sa Uniyon ng Sobiyet, gayon pinapatag ang daan para gawain ni Pangulong Reagan na dismantilin ang “Masamang Imperyo.” Si Nixon ay isang naging Pangulong gumawa ng pagbabago sa mundo. Kung wala siya maaring wala tayong pagkakasundo sa Tsina ngayon! Kung ika’y isang pinagpalit na estudyante, hindi ka makaparirito kung wala si Pangulong Nixon! Hindi ka mabibisita ng Tsina kung wala si Pangulong Nixon!
Na lahat ng mga Kristiyanong mga misyonaryong wala na, ang mga Kristiyanong Tsino ay pinaghahanap at ibinilanggo, maraming mga tao ang nagtaka kung ang Kristiyanismo ay mabubuhay sa Tsina (isinalin mula sa pinagkuhanan, China: The Blood-Stained Trail, Riley K. Smith, The Voice of the Martyrs, 2008, pp. 62-63).
Ngunit nalimutan ng ateyistikong mga Komunista ang sinabi ng Bibliya tungkol sa kanila,
“Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios”
(Mga Awit 14:1).
Ang mga laban sa Diyos na mga Komunistang mga ito ay tinawag na mga “mangmang” sa Bibliya. Bakit? Dahil wala tao ang makapapatay sa Diyos! Tinatawag siya ng Bibliyang “Ang walang hanggang Dios” (Deuteronomyo 33:27). Dinadala tayo nito sa pang-apat nap unto.
IV. Pang-apat, ang Tsina ngayon ay bumabalik sa isang tunay na Diyos.
Ang propetang Jeremias ay gumawa ng isang nakagugulat na prediksyon noong sinabi niyang,
“Oh Panginoon... sa iyo paroroon ang mga [Gentil] ng mga bansa na mula sa mga hangganan ng lupa” (Jeremias 16:19).
Gayon, ginawa itong malinaw ni Jeremias na mga Gentil na mga bansa ay magpupunta sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Anak, ang Panginoong Hesu-Kristo. Isa pang propetang nagngangalang Isaias ay nagsabi na ang mga Tsino ay magiging isa sa mga mapupunta kay Kristo sa katapusan ng mga panahon,
“Narito, ang mga ito'y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim (Isaias 49:12).
“Sinim” (binibigkas itong see-neem) ay tumutukoy sa Tsina ayon sa Strong’s Exhaustive Concordance; nina Brown, Driver at Briggs; Gesenius; Dr. John Gill; Keil at Delitzsch, at Dr. James Hudson Taylor, ang nakahanap ng .China Inland Mission
Ang Isaias 49:12 ay isang importanteng propesiya, na humuhula sa pagbalik ng Tsina sa tunay na Diyos sa huling mga araw. Ang dakilang muling pagkabuhay na nagaganap sa Repulika ng mga Tao ng Tsina ngayon ay ang pinakadakilang pagsasama-sama ng mga bagong mga Kristiyano sa makabagong kasaysayan. Matatantyang mga 1,000 na mga tao ang nagiging Kristiyano kada oras sa Tsina kada oras araw at gabi! Isipin ito! Halos 24,000 ng mga tao ang nagiging mga Kristiyano araw-araw sa Tsina sa ating panahon. Mayroon na ngayong, mas maraming mga tao sa simbahan tuwing Linggo ng umaga sa Tsina kaysa mayroon sa Estados Unidos, Canada at Europa na pinagsama-sama. Atin na ngayong nasasaksihan ang milyon milyong mga tao sa Tsinan a nagpupunta sa Diyos sa pamamgitan ng Panginoong Hesu-Kristo.
Si Kristo ay dumating upang dahilan ang sangkatauhan pabalik sa orihinal na Diyos, na minsang sinamba ng ating mga sinaunang mga ninuno sa lahat ng mga bansa. Si Kristo ay dumating upang ibalik tayo sa Diyos. Si Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng ating kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan tayo ng bagong pagkapanganak at walang hanggang buhay. Panalangin naming na ika’y magpupunta kay Hesus, ang Anak ng Diyos, ang mapagbagong loob! Magsitayo at kantahin ang unang taludtod ng himno bilang anim.
Purihin ang aking kaluluwa, Hari ng Langit,
Sa Kanyang paa ang iyong parangal ay dinadala;
Pinalaya, pinagaling, isinaayos, pinatawad, Sinong tulad ko,
Kanyang papuri ay dapat kantahin?
Aleluya! Aleluya! Papuri sa walang hanggang Hari!
Mayroong kanta na ginagawa itong napakalinaw. Ang pagkakakilala kay Hesu-Kristo bilang iyong personal na Tagapagligtas at Panginoon ay mas higit pa kaysa sa pagkakaroon ng lahat ng mga kayamanan ng mundong ito.
Hektarya ng mga diyamante, bundok ng ginto,
Ilog ng pilak, mga hiyas na di mabilang
Ang lahat ng mga itong mga magkakasama,
Ay hindi makabibili sa iyo o sa akin
Kapayapaan kapag tayo’y natutulog o isang
Konsensya na malaya.
Isang pusong nalulugod, isang nasisiyahang isipan,
Ito ang mga kayamanan na hindi mabibili ng pera;
Kung mayroon ka si Hesus, mas higit ang kayamanan
Sa iyong kaluluwa,
Kaysa hektarya ng mga diyamante, at bundok ng ginto.
(“Mga Hektarya ng mga Diyamante.” Isinalin mula sa
“Acres of Diamonds” ni Arthur Smith, 1959).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan Mga Taga Roma 1:18-23.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mas Gusto Ko Pang Magkaroon si Hesus.” Isinalin mula sa
“I’d Rather Have Jesus” (mga salita mula kay Rhea F. Miller, 1922;
musika inilikha ni George Beverly Shea, 1909-).
ANG BALANGKAS NG ISANG SERMON SA TSINONG BAGONG TAON ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan; Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila. Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan: Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang” (Mga Taga Roma 1:18-23). (Apocalipsis 12:9, 11) I. Una, ang Tsina ay minsan isang lupa ng isang Diyos,
II. Pangalawa, ang Tsina ay naging lupa ng maraming diyos,
III. Pangatlo, ang Tsina ay naging isang lupa na walang Diyos,
IV. Pang-apat, ang Tsina ngayon ay bumabalik sa isang tunay na Diyos, |