Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




INIIBIG KO ANG PASKO – HINANGO MULA KAY
DR. JOHN R. RICE

I LOVE CHRISTMAS – ADAPTED FROM DR. JOHN R. RICE
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-18 ng Disyembre taon 2011

“At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira” (Mateo 2:11).


Si Dr. John R. Rice (1895-1980) ay isang mabuti at matinong Kristiyano. Ngayong gabi ibibigay ko sa iyo ang pangunahing mga punto ng kanyang pangaral na, “Iniibig ko ang Pasko.” Ang pangaral ay pina-iksi at ang ilang bahagi ay ginamitan ng iba kaunting mga salita. Sinabi ni Dr. Rice:

Iniibig ko ang panahon ng Pasko. Nakahahanap ako ng matinding galak sa mga tema ng Pasko ng mga anghel, mga pastol, ang sabsaban, ang birheng pagkapanganak, ang madunong na mga kalalakihan. Mayroon akong matinding galak sa mga Paskong pagkakanta. Mayroong nakatutuwa, masayang nota ng pagsasamba sa aming tahanan, at salamat sa Diyos, sa aking puso, sa loob ng panahon ng Kapaskuhan. Iniibig ko ang pagsasamasama ng aking mga minamahal at pamilya para sa Pasko. Iniibig kong magbigay ng mga regalo, at nagagalak akong matandaan ng aking mga minamahal at mga kaibigan. Iniibig ko ang panahon ng Pasko (Isinalin mula kay Dr. John R. Rice, Iniibig ko ang Pako [I Love Christmas], Sword of the Lord, 1955, pah. 7).

Ngunit itinuturo ni Dr. Rice na ang ilang mga tao ay “nakararamdam ng masama, matigas ang ulo, at puno ng paghahatol patungkol sa Pasko” (isinalin mula sa ibid.). Pinupuna nila iyong mga nagdiriwang ng pagkapanganak ni Kristo.

I. Una, sinasabi nila na ang Pasko ay hindi ang pagkapanganak ni Kristo.

Ito’y totoo na hindi natin alam tiyak ang araw na ipinanganak si Hesus. Hindi sinasabi ng Bibliya sa atin. Ngunit hindi nito ginagawang mali ito na makasalanan na tandaan ang pagkapanganak ni Kristo sa Araw ng Pasko.

Minsan may nakilala si Dr. Rice na isang batang babae na ipinanganak ng 29 ng Pebrero sa taong bisyesto. Dahil ang araw na iyan ay lumalabas lamang kada apat na taon, o taong bisyesto, itinuturo niya na hindi mali ito para sa mga magulang na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa ika-28 ng Pebrero, na hindi ito ang aktwal na araw ng kanyang pagkapanganak.

Ang ika-25 ng Disyembre ay kasing lapit sa kaarawan ni Kristo na ating malalapitan. Iniibig natin ang mahal na Panginoong Hesus, at gusto natin ang lahat na tandaan ang Kanyang pagkapanganak. Gusto nating turuan ang ating mga anak tungkol sa sanggol sa sabsaban, tungkol sa madunong na kalalakihan na nagpunta mula Silangan upang sambahin Siya, tungkol sa anunsyo ng anghel kay Maria at ang koro ng mga anghel na [kumanta] sa mga pastol. At bakit ang ika-25 ng Dsiyembre ay hindi kasing buti ng araw na iyan para diyan gaya ng ibang araw? Sa tingin mo ba mali na tandaan ang pagkapanganak ni Kristo sa araw na sa naiisip natin na pinaka malapit sa kaarawan ni Kristo?

II. Pangalawa, sinasabi nila na ang Pasko ay nangangahulugan lamang na “Kristong Misa,” isang Katolikong pista sa marami.

Sinasabi nila na ang Pasko [Christmas] ay nagmula sa Kristong Misa, na pinasumulan ng mga Katoliko, at kung gayon ang mga Prostestante ay hindi ito inoobserbahan. Ang pagtututol na iyan ay mukhang hangal sa akin.

[Maraming mga pangalan ng mga lungsod at mga bayan sa California ay nangmula sa mga Katoliko. Ang Los Angeles ay orihinal na isang Katolikong pangalan. Ngunit hindi natin iniisip ang mga Katoliko kapag ginagamit natin ang pangalang “Los Angeles.” Hindi natin iniisip ang mga Katoliko kapag sinasabi natin ang “San Diego,” o “San Francisco,” o “Sacramento.”] Ang mga pangalan ay nangangahulugan ng kung anong ibig nilang sabihin, ano man ang pinangalingan nito

.

Ang mga Ikapitong Araw na mga Adventista ay minsan gumagawa ng malaking kaguluhan sa katunayan na nagsasamba tayo tuwing Linggo, at Linggo ay nanggagaling mula sa pagsasamba ng Araw. Ang tugon ko ay ang Sabado ay pinangalanan pagkatapos ng pagsasamba ng hetanong diyos na si Saturn! Ngunit walang nag-iisip ng pagsasamba ng Araw kapag ginagamit nila ang salitang “Linggo” ngayon. Ito’y hanggal na gumawa ng isang huwad na pagtatangi kung walang nabubuhay na pagtatangi sa isipan at puso ng mga tao na nag-oobserba ng Pasko. Ang Enero ay ipinangalan para sa Romanong diyos na si Janus. Ang mga Kristiyano gayon ba ay nagkakasala kapag tinatawag nilang buwan na iyon sa pangalang iyon [January]? Sa bawat matinong tao, ang Pasko ay nangangahulugang simpleng Pasko. Hindi nito nangangahulugan ang ibang uri ng Misa. Maaring obserbahan ng mga Katoliko ito gamit ng isang Misa, ngunit hindi ang mga Protestante.

III. Pangatlo, sinasabi nila na ang Pasko ay isang dating hetanong pista.

Iniisip ko na ang Pasko ay isang dating hetanong pista. Ang pagtatalong ito ay hindi mahalaga. Ang mga hetanong mga tao ay gumawa ng isang bagay araw araw. Nagkaroon sila ng mga seremonya tungkol sa paghahasik at pag-aani, tungkol sa mga kalayuan ng araw, at mga bagong buwan. Kaya kung ang mga hetanong tao ay gumamit ng ika-dalawumpu’t limang araw ng Disyembre para sa idolatriya, bakit hindi ito gamitin ngayon ng mga Kristiyano upang parangalan si Hesu-Kristo at ang Kanyang pagkapanganak? Ano mang araw ang ginamit natin upang tandaan ang pagakapangank ni Kristo, ito’y isang araw na ginamit ng ibang tao para sa masamang mga dahilan. Ngunit, salamat sa Diyos, ang lahat ng mga araw ay pinagmamay-ari ni Hesu-Kristo ngayon, at walang araw ang pinagmamay-ari ng mga hetanong mga diyos, kasama ang ika-25 ng Disyembre! Ang ika-25 ng Disyembre ay dapat gamitin upang parangalan Siya, rin, sa isang araw o sa isa pa.

IV. Pang-apat, sinasabi nila na ang mga Pampaskong mga puno at mga dekorasyon ay mga abominasyon.

Ang ilang mga tao ay nagsasabi na ipinagbabawal ng Bibliya ang mga Pampaskong mga puno sa Jeremias 10:3-1. Ngunit hindi nagsasalita ang mga Kasulatan patungkol sa mga Pampaskong mga puno. Tumutukoy ito patungkol sa isang idolo gawa sa kahoy, natakpan ng isang pilak at ginto. At ang natira sa Kasulatan ay nagsasabi sa atin kung gaano ka inam at kamahal na gawa ang idolo ng pilak at ginto, at nadamitan ng lila. [Sulat ni Dr. Hymers: ang pasaheng ito ay hindi maaring tumutukoy sa Pampaskong mga puno dahil sa dalawang dahilan (1) walang Pasko at walang mga Pampaskong mga puno sa araw ni Jeremias (2) wala ngayon ang nagsasamba sa isang Pampaskong puno]. Wala, hindi ipinagbabawal ng Bibliya ang mga Pampaskong puno. [Hindi sila mas higit na makasalanan kaysa sa palumpon ng mga bulaklak na maraming mga tao ay mayroon sa kanilang mga tahanan at mga simbahan tuwing panahon ng Pasko].

Mayroon bang kahit anong pinsala sa pagpapalamuti ng tahanan gamit ng isang pulang halaman, o isang misteltu, o ibang berdeng halaman? Hindi na mas higit sa pagpapalamuti ng tahanan gamit ng mga kalabasa at tangkay ng mais tuwing panahon ng Pagbibigay-pasasalamat ! Hindi mas higit sa pagpapalamuti ng mga libingan tuwing araw ng Pag-aalala! Tiyak hindi nito pinasasama ang loob ng Diyos kung bibigyan natin ng pantin ang ilan sa Kanyang mga natural na kagandahan.

[Sulat ni Dr. Hymers: sinasabi na ang Paskong puno ay nanggaling mula sa Protestanteng Tagarepormang si Martin Luther nakakita ng mga bituwin na numiningning sa gitna ng mga dahon ng isang puno ng pino, na kanyang iniuwi sa kanyang tahanan at pinapalamutian ito ng mga kandila, upang paalalahanan siya ng mga bituwin na numinning noong si Hesus ay ipinanganak. Kung ang alamat na iyan ay totoo, gayon ang Paskong puno ay isang Protestanteng pinagmulan.]

Iniibig ko ang Pasko at Paskong mga palamuti, at hindi ko iniisip na mali ang mga ito. Ang mga ito ay pagpapakita laman ng galak na nasa aking puso kapag iniisip ko kung paano ang Diyos ay naging tao, kung paano na ang Tagapaglikha ay naging isang sanggol, kung paano na “bagaman siya'y mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo” (II Mga Taga Corinto 8:9).

V. Panlima, tumututol sila sa Pasko dahil sa pagkamakamundo at di kristiyanong maingay at magulong pagsasaya na nagaganap sa loob ng pagpipista.

Ito’y totoo na maraming mga tao ay di pinararangalan si Hesu-Kristo turing Pasko. Sa tingin ko sila’y nagkakasalang lubos. Minsan nagsasabi ang mga tao ng hangal na kasinungalingan tungkol kay Santa Klaws at niloloko ang mga bata gamit ng isang hetanong alamat, na dapat magsabi sila patungkol sa mahal na Panginoong Hesus. Sa tinggin ko iyan ay malupt. Ang isang kasinungalingan ay laging mali at laging kamuhi-muhi sa Diyos. Panloloko ay ang pinaka kahabag-habag na posibleng paraan upang parangalan ang pagkapanganak ni Hesus. Tiyak upang lokohin ang maliliit na mga bata gamit ng kasinungalingan patungkol kay Santa Klaws ay isang kasalanan. Walang Kristiyano ang dapat magpatawad rito. Oo, madalas ang mga tao ay di pinararangalan ang Diyos tuwing Pasko. Nalulungkot ako na ginagawa nila ito. Umaasa ako na walang Kristiyano na nakaririnig ng pangaral na ito ay mapahapis ang Diyos dahil sa ganoong mga kasalanan.

Ngunit hindi tayo dapat natin ibigay ang Pasko sa Satanas at mga masasamang mga tao dahil ang ilang mga tao ay nagkakasala tuwing Pasko. Dapat ba nating isuko ang Linggo dahil ito’y madalas maling ginagamit? Mayroong mas higit na paglalasing tuwing Linggo kaysa ibang araw ng linggo. Mas maraming maingay at magulong pagdiriwang. Ang mga Kristiyano ba kung gayon ay dapat isuko ang Linggo at bilangin ito bilang araw Diablo? Tiyak hindi! Mayroong dakilang karamihan ng mga tao na nagtuturo na ang pagbibinyag ay mahalaga sa kaligtasan. Nagbibigay sila ng mashigit na parangal sa tubig kaysa sa Dugo ni Kristo. Iyan ay mali. Ngunit dapat ba gayon natin, di sundin si Hesu-Kristo tungkol sa pagbibinyag dahil ang iba ay nagpapalaki rito at humahawak ng huwad na doktrina tungkol rito? Tiyak a hindi!

Ang pangalawang pagdating ni Kristo ay higit na inaabuso at binabaluktot na doktrina na marami. Ang mga huwad na mga kulto ay higit na binaluktot ang doktrina ng pagdatin ni Kristo. Ang mga tao ay nagtatakda ng mga petsa. Ang natitira sa atin ba gayon, ay pabayaan ang malinaw na doktrina ng Bibliya ng napipintong pangalawang pagdating dahil sa ang doktrina ay naabuso? Tiyak na hindi!

At hindi natin dapat di pansinin ang doktrina ng Bibliya ng kapunuan ng Espiritu dahil maraming mga tao ay umuugnay rito gamit ng pagsasalita sa dila at pagkawalang kasalanang perpeksyon.

Sa parehong paraan, dapat tayong maging napaka hanngal kung ibinigay natin ang Pasko kay Satanas at makamundong mga tao. Kung ang mundo ay mayroong Pasko ng magulong mga parti, gawin nating itong isang araw ng Kristiyanong pagmamahal at samahan, at isang araw na nagpaparangal kay Kristo!

Ang ibang mga tao ba ay gumagawa sa pagbibigay ng mga regalong isang simpleng anyo? Hindi ito kailangang ganito para sa mga Kristiyano. Ang mga Kristiyano ay maaring mamigay ng mga regalo na tunay na nagpapahayag ng pag-ibig.

Mali ba na magkaroon ng isang araw ng pagpupuri? Mali ban a magkaroong ng isang Paskong hapunan at magpadala ng ilang bahagi sa iba? Hindi siyempre! Noong ang mga natira ng Israel ay bumalik sa lupain ng Babyloniyang pagkadakip, sa ilalim ni Nehemia, ang batas ay binasa at ipinaliwanag, at ang mga tao ay lumuha. Ngunit oras na upang magpuri kaysa lumuha, kaya sinabi ni Nehemia:

“Ang araw na ito ay banal sa Panginoon ninyong Dios; huwag kayong magsitaghoy, ni magsiiyak man. Sapagka't ang buong bayan ay umiyak, nang kanilang marinig ang mga salita ng kautusan. Nang magkagayo'y kaniyang sinabi sa kanila, Magsilakad kayo ng inyong lakad, magsikain kayo ng taba, at magsiinom kayo ng matamis; at mangagpadala kayo ng mga bahagi roon sa walang naihanda: sapagka't ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon: huwag din kayong mangamanglaw; sapagka't ang kagalakan sa Panginoon ay inyong kalakasan” (Nehemias 8:9-10).

Tapos sinasabi ng berso 12:

“At ang buong bayan ay yumaon ng kanilang lakad na nagsikain at nagsiinom at nangagpadala ng mga bahagi, at nangagsayang mainam sapagka't kanilang nabatid ang mga salita na ipinahayag sa kanila” (Nehemias 8:12).

Dahil iyong mga tao ng Isreal ay pinarangalan ang Diyos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang araw ng pagsasaya at pagpipista at pagpapadala ng ilang bahagi sa iba dahil ang pagsasamba sa Diyos ay ipinanumbalik, gayon ang mga Kristiyano ngayon ay tama upang magkaroon ng isang araw ng pagpupuri para sa pagkapangank ng ating Tagapagligtas na si Hesu-Kristo!

Oo, iniibig ko ang Pasko! Nararamdaman kong malapit sa Diyos sa panahon ng Pasko. Iniibig ko ang Salita ng Diyos tuwing Pasko. Hinihimuk ko ang mga makasalanang tanggapin ang pinaka dakilang regalo ng Diyos na si Hesus sa panahong ng Pasko.

Magkaroon tayo gayon ng isang masayang Pasko, at gawin si Kristong suprema sa araw na ito na tinatandaan nating parangalan ang Kanyang pagkapanganak!


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 2:1-12.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
     “Hesus, Sanggol na si Hesus.” Isinalin mula sa “Jesus, Baby Jesus” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

INIIBIG KO ANG PASKO – HINANGO MULA KAY
DR. JOHN R. RICE

I LOVE CHRISTMAS – ADAPTED FROM DR. JOHN R. RICE

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira” (Mateo 2:11).

I.   Una, sinasabi nila na ang Pasko ay hindi ang pagkapanganak ni Kristo.

II.  Pangalawa, sinasabi nila na ang Pasko ay nangangahulugan lamang na “Kristong Misa,” isang Katolikong pista sa marami.

III. Pangatlo, sinasabi nila na ang Pasko ay isang dating hetanong pista.

IV. Pang-apat, sinasabi nila na ang mga Pampaskong mga puno at mga
dekorasyon ay mga abominasyon, Mga Taga II Corinto 8:9.

V.  Panlima, tumututol sila sa Pasko dahil sa pagkamakamundo at di
kristiyanong maingay at magulong pagsasaya na nagaganap sa loob
ng pagpipista, Nehemias 8:9-10,12.