Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PASKO SA IMPIYERNO CHRISTMAS IN HELL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Anak, alalahanin mo” (Lucas 16:25). |
Ang mayamang tao ay namatay at inilibing. Ang kanyang kaluluwa ay kaagad-agad bumaba sa mga apoy ng Impiyerno, “At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata” (Lucas 16:23). Nakita ng mayamang tao si Abraham na “malayo” sa Langit. Nagmakaawa siya para sa kaunting tubig upang “palamigin ang [kanyang] dila; sapagka’t naghihirap [siya] sa alab” (Lucas 16:24). Sinabi ni Abaraham sa kanya,
“Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan. At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin” (Lucas 16:25-26).
Ibinigay ng Panginoong Hesu-Kristo ang paliwanag na ito upang balaan ang mga nawawalang makasalanan tungkol sa mga panganib ng Impiyerno.
Parehong si C. H. Spurgeon at William Booth, nakahanap ng Salvation Army, kung paano ito ng minsan, ay nagbabala noong huling ika-19 siglo na ang pangangaral sa ika-dalawampung siglo ay magpapalimot sa doktrina ng Impiyerno. Noong tinanong si Booth ng isang Amerikanong diaryo kung anong kinikilala niyang mga pangunahing panganib ang hinaharap sa ika-dalawampung siglo, sumagot siya (sa isang bahagi) “langit na walang impiyerno” (isinalin mula sa The War Cry, Enero 1901, p. 7). Ang prediksyon ni Booth ay nagkatotoo. Ngayon ang pangangaral sa Impiyerno ay halos hindi na karaniwan. Ngunit ito’y hindi dapat ganito. Sinabi ni Dr. J. I. Packer, isang tanyag na ebanghelikal na teyolohiyano,
Ang mga Kristiyanong mga ebanghelista ay dapat [magsalita] tungkol sa impiyerno: ito’y bahagi ng kanilang trabaho…ang mga ebanghelista ay nasa isang misyon upang iligtas ang kanilang mga di-nananampalatayang mga kapuwa, at ito’y tama at kinakailangan na, bilang mga tapat na mga tao, dapat nilang tangkaing lantarang ipaliwanag ang peligrong kinalalagyan ng mga taong nakahiwalay mula kay Kristo…Ayon kay Hesus at mga apostol, ang personal na buhay ay nagpapatuloy pagkatapos ng pisikal na kamatayan, at ang maaasahan para doon sa mga wala si Kristo sa mundong darating ay kasing sama at ito’y magiging kasing kakilakilabot ng maaring posible, at ang lahat ay dapat masabihan patungkol nito (isinalin mula kay J. I. Packer, Ph.D., paunang salita sa Ano Kayang Nangyari sa Impiyerno? [Whatever Happened to Hell]? ni John Blanchard, D.D., p. 9).
Ang nag-iisang pagpupuna na mayroon ako patungkol sa salaysay ni Dr. Packer ay mukhang itinatakda niya ang pangangaral sa Impiyerno sa mga “Kristiyanong ebanghelista” lamang. Ngunit sinabi ng Apostol Pablo na dapat gawin din ito ng mga pastor, “gawin mo ang gawa ng evangelista” (II Ni Timoteo 4:5). Ang mga pastor ay dapat ring “[magsalita] tungkol sa impiyerno; ito’y bahagi ng kanilang trabaho” (isinalin mula kay Packer, ibid.).
Abraham said to him, Si Hesus ang ating modelo, “[tayo'y] iniwanan ng halimbawa, upang [tayo'y] mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). Si Hesus ay madalas mangaral patungkol sa Impiyerno, at Siya ang ating halimbawa. Upang maging totoo kay Kristo, ang bawat pastor ay dapat minsan mangaral sa Impiyerno, malinaw at nakatutok, gaya ng ginawa ni Kristo noong nangaral Siya sa “Ang Mayamang Tao at si Lazarus.” Sinabi ni Kristo na ang tao ay namatay at napuntang diretso sa Impiyerno kung saan siya’y pinahirapan sa mga apoy. Hiningan ng tao si Abraham ilang patak ng tubig. Sinabi ni Abraham sa kanya,
“Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan” (Lucas 16:25).
Ako’y hahatak ng dalawang salita lang sa tekstong iyan,
“Anak, alalahanin mo” (Lucas 16:25).
Ito ay panahon ng Pasko. Ang ating simbahan ay napaka gandang pinalamutian. Nagsisikanta tayo ng mga dakilang matatandang mga kantang Pampasko. Magkakaroon tayo ng magandang salu-salo sa sunod ng gabi ng Linggo. Magkakaroon rin tayo rito ng Pampaskong hapunan sa simbahan, ng 7:30 ng gabi sa Sabado, bisperas ng Pasko. Ngunit sa loob nitong mga magaganda at makabuluhang pagdiriwang ng pagkapanganak ni Kristo, huwag nating kalimutan ang tungkol sa Impiyerno. Impiyerno ang resulta ng kasalanan. Si Hesus ay ipinanganak upang mamatay sa Krus upang iligtas ang mga makasalanan mula sa teribleng mga apoy. Sinabi ng Apostol Pablo,
“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).
Sinabi ng anghel ng Panginoon kay Jose,
“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan”
(Mateo 1:21).
Kung gayon hindi ba iyan mismo ang tunay na kahulugan ng Pasko? Hindi ba na ang tunay na mensahe ng Pasko ay ang katunayan na si Hesus ay bumaba mula sa Langit upang mamatay sa Krus, upang magbayad para sa kasalanan ng tao, upang itago ang mga makasalanan mula sa Impiyerno?
Ngunit paano kung mamatay ka bago ng Pasko? Maaring mayroong narito ngayong gabi na mamamatay sa susunod na ilang araw. Kung iyan ay mangyayari sa iyo, sa ika-25 ng Disyembre ipapagpalipas mo ang iyong unang Pasko sa Impiyerno. At sasabihin sa iyo, gaya nito sa mayamang tao,
“Anak, alalahanin mo” (Lucas 16:25).
Kung magpapatuloy ka kung paano ka, maaring hindi sa Paskong ito, kundi balang araw, marahil mas nalalapit na kaysa sa iniisip mo, ipapagpalipas mo ang Pasko sa lugar na iyon ng maapoy na paghihirap. Anong matatandaan mo kapag iyong ipapagpalipas ang iyong unang Pasko sa Impiyerno?
I. Una, matatandaan mo ang mga sermong iyong kinalimutan.
Matatandaan mo kung paano mo natutunang isara ang iyong isipan, at huwag bigyan ng atensyon ang mga sermon. Matatandaan mo na kinailangan ng pag-eensayo upang magawa iyan. Sa simula ay nagulo ka ng mga sermon at nagawa kang mag-isip tungkol sa mga walang hanggang mga bagay. Ngunit, habang ito’y nagpatuloy, ito’y naging mas madali upang “[agawin]” ng Diablo ang mga sermon mula sa iyong puso (tignan ang Mateo 13:19)
“Kung magkagayo'y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas” (Lucas 8:12).
Sa simula mahirap para kay Satanas na gawin ito. Ngunit habang nagsilipas ang mga buwan ika’y naging napaka nasanay na sa Satanikong paglilinlang na ito at wala nang nakagugulo sa iyo, at nagsimula ka nang matulog ang tulog ng kamatayan habang bawat isang sermon. Sa wakas ang iyong konsensya ay naging lubos na napaso, at ang iyong puso ay malipak na, gaya ng sinabi ni Kristo sa Kanyang mga kaaway
“Hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita”
(Juan 8:43).
Naniniwala ako na maari kang maging lubos na nayayamot na sa pagdidinig na maaring masabi sa iyo, “ibinigay [siya] ng Dios sa isang mahalay na pagiisip” (Mga Taga Roma 1:28).
“ Anak, alalahanin mo” (Lucas 16:25).
Anak, alalahanin mo! Sa Impiyerno ay matatandaan mo ang maraming mga sermon. Kapag iyong ipapagpalipas ang iyong unang Pasko sa nasusunog na yungib iyong walang dudang matatandaan ang sermong ito mismo! Sa Impiyerno iyong matatandaan ang mga sermong iyong kinalimutan.
II. Pangalawa, matatandaan mo ang Espiritu ng Diyos na iyong tinanggihan.
Sa iyong unang Pasko sa Impiyerno, iyong walang dudang matatandaan ang ilang mga panahon na hinatulan ka ng Banal na Espiritu ng iyong kasalanan. Sinabi ni Hesus,
“Pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).
Ang ilan sa inyo kapag pinaglilipas na ninyo ang inyong unang Pasko sa Impiyerno, ay matatandaan noong pinalambot ng Espiritu ng Diyos ang iyong puso. Matatandaan mo noong ginawa kang matakot ng Kanyang Espiritu. Matatandaan mo kung paanong mga luha ay napunta sa iyong mga mata. Ngunit matatandaan mo rin kung paano mo nilabanan ang Kanyang paghahatol, kung paano ka lumaban hanggang sa ang Banal na Espiritu ay lumayo sa inyo
“[Si] Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya”
(Hosea 4:17).
Gaya ng paglagay nito ni Dr. Rice,
Tapos napaka lungkot na pagharap ng paghahatol,
Matatandaan mo na walang awa
Na ika’y naghintay at nagpatagal hanggang sa
ang Espiritu’y umalis na,
Anong pagsisisi at pagluluksa, kung mahanap ka ng
kamatayang walang pag-asa,
Ika’y naghintay at nagpatagal at naghintay ng
masyadong matagal!
(“Kung Maghihintay Ka ng Masyadong Matagal.”
Isinalin mula sa “If You Linger Too Long” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
“Anak, alalahanin mo” (Lucas 16:25).
Kapag ipapagpalipas mo ang iyong unang Pasko sa Impiyerno iyong matatandaan kung paano mo nilabanan ang paghahatol ng Espiritu ng Diyos, kung paano ka “naghintay at nagpatagal hanggang sa ang Espiritu’y umalis na” (Isinalin mula sa Rice, ibid.).
“Anak, alalahanin mo” (Lucas 16:25).
Anak, alalahanin mo! Kapag ang mga kurtina ay bababa, at ang mga ilaw ay mamamatay, at ang iyong kaluluwa ay lulublob sa mga apoy – Anak, alalahanin mo! Matatandaan mo ang mga sermong iyong kinalimutan. Matatandaan mo ang Espiritu ng Diyos na iyong tinanggihan.
III. Pangatlo, matatandaan mo ang Tagapagligtas na iyong nilapastangan.
Hindi! Huwag mong sabihin sa akin na nirerespeto mo si Kristo! Huwag kang magsinungaling tungkol rito! Wala kang respeto sa Kanya! Walang anuman! Ito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa iyo,
“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).
Kung mayroon kang respeto kay Kristo hahanapin mo Siya. Kung mayroon kang respeto para kay Kristo ika’y “[magpipilit] [sa lahat ng iyong lakas na] magsipasok” sa Kanya (Lucas 13:24). Anong pagpipilit ang iyong nagawa na? Nagdasal ka na ba bawat oras tulad ni Luther? Nag-ayuno ka na ba ng maraming mga linggo tulad ni Whitefield? Pinilit mo na ba ang iyong sarili tulad ni Wesley? Lumusob ka na ba sa isang bagyong niyebe tulad ni Spurgeon? Sinasabi kong hindi ka pa nagpipilit sa anomang paraan! At balang araw, kapag ika’y nasa Impiyerno, matatandaan mo na ika’y napaka matamlay at tamad na ika’y di kailan man nagpilit mahanap si Kristo!
“Anak, alalahanin mo” (Lucas 16:25).
Anak, alalahanin mo! Maaalala mo iyan sa Impiyerno! Maaalala mo na mayroon kang napaka kaunting respeto para kay Hesu-Kristo na hindi mo Siya masugid na hinahanap, Siyang nagsabing,
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Anak, alalahanin mo! Maaalala mo sa walang hanggang mga apoy, kung paano mo nilapastangan si Hesus, kung paano mo tinanggihan ang Kanyang handog ng kaligtasan.
Ika’y walang galang na naghintay,
tinanggihan Siyang napaka dali,
Nagsala kang napakatagal at napakasama,
ang iyong puso ay napaka mali;
O, kung ang Diyos ay mawalan ng pasensya,
ang matamis na Espiritu’y magagalit;
Kung hindi Ka na Niya tinatawag, parusa
ang sa iyo kapag Siya’y wala na.
Tapos napaka lungkot na pagharap ng paghahatol,
Matatandaan mo na walang awa
Na ika’y naghintay at nagpatagal hanggang sa
ang Espiritu’y umalis na,
Anong pagsisisi at pagluluksa, kung mahanap ka ng
kamatayang walang pag-asa,
Ika’y naghintay at nagpatagal at naghintay ng
masyadong matagal!
(“Kung Maghihintay Ka ng Masyadong Matagal.”
Isinalin mula sa “If You Linger Too Long” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
Kung magpupunta ka sa silid ng pag-sisiyasat, ayaw kong magsabi ka ng isang salita patungkol sa Impiyerno kay Dr. Cagan. Gusto ko lang na magsalita ka ng patungkol sa iyong kasalanan, at tungkol kay Hesus. Si Hesus lamang ang makapapatawad ng iyong kasalanan. Si Hesus lamang ang makahuhugas ng iyong kasalanan gamit ng Kanyang mahal na Dugo. Magpunta kay Hesus at maligtas sa pamamagitan Niya mula sa lahat ng kasalanan.
Napaka terible na hindi ka nag-iisip tungkol kay Hesus kapag ika’y nagpupunta sa silid ng pagsisiyasat. Kung babanggitin ko ang kalooban ng Diyos sa aking sermon, pag-uusapan mo ang kalooban ng Diyos sa silid ng pagsisiyasat. Kung babangitin ko ang pagkakahirang sa aking sermon, pag-uusapan mo ang tungkol sa pagkakahirang sa silig ng pagsisiyasat. Kung babangitin ko si Satanas sa aking sermon, pag-uusapan mo ang tungkol kay Satanas sa silid ng pagsisiyasat. Kung babangitin ko ang orihinal na kasalanan o mabungang pagtatawag, iyon ang mga bagay na iyong pag-uusapan sa silid ng pagsisiyasat. Kung mangaral ako tungkol sa Impiyerno, iyan ang pag-uusapan!
Kahit na ang aking mga sermon ay laging naka sentro kay Hesus, sa makataong pananalita hindi ka namin kayang magsalita tungkol kay Kristo Mismo. Hindi ka namin kayang mapag-isip tungkol kay Hesus. Siya'y hinamak at itinakuwil mo (Isaias 53:3). Gayon man wala nang ibang paksa o tao ang makaliligtas sa iyo mula sa kasalanan. “Wala kundi si Hesus, wala kundi si Hesus, ang makagagawa ng mabuti sa kawawang makasalanan” (Isinalin mula sa “Mapunta, Kayong mga Makasalanan” ni Joseph Hart, 1712-1768).
Ang iyong mga kasalanan ay inilagay kay Hesus sa Hardin ng Getsemani. Siya’y pinipi sa ilalim ng bigat ng iyong kasalanan sa Hardin, hanggang sa Siya’y bumagsak sa lupa at isang madugong pawis ang dumaloy mula sa mga butas Kanyang balat ng Kanyang katawan. Dinakip nila Siya at binugbog ang Kanyang mukha, at bumunot ng mga pats eng Kanyang bigote. Pinabugbog ni Pilato ang Kanyang likuran hanggang sa ang Kanyang balat ay nagsisabit piraraso mula sa Kanyang tadyang. Ipinako nila ang Kanyang mga kamay at Kanyang mga paa sa isang krus. Isang sundalo ay tumusok ng Kanyang tagiliran gamit ng isang sibat, “at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig” (Juan 19:34). Si Hesus ay dumaan sa lahat ng kasindakang iyon, sakit at paghihirap upang pagbayaran ang multa ng iyong kasalanan, upang linisan ka mula sa kasalanan gamit ng Kanyang Banal na Dugo! Sinasabi ng Bibliya, “si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan” (I Mga Taga Corinto 15:3).
O, isipin ang iyong mga kasalanan! O, isipin si Hesus, na nagdusa, nagdugo at namatay upang iligtas ka mula sa iyong kasalanan. Isipin si Hesus, na Siya lamang ang makapapatawad at makalilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan! Isipin ang iyong mga kasalanan! Isipin si Hesus, na Siya lamang na makaliligtas sa iyo! Magpunta kay Hesus. Magpunta sa Kanya ngayon. “Wala kundi si Hesus, wala kundi si Hesus, ang makagagawa ng mabuti sa kawawang makasalanan.”
Maari kayang ang aking pagsisikap ay hindi maka-alam ng pahinga,
Maari kayang ang aking mga luha’y magpakilan man umagos,
Lahat dahil sa kasalanan hindi mapapatawad;
Ika’y dapat magligtas, at Ikaw lamang.
(“Bato ng mga Panahon, Mabugbot Para sa Akin.” Isinalin mula sa
“Rock of Ages, Cleft For Me” ni Augustus Toplady, 1740-1778).
“Wala kundi si Hesus, wala kundi si Hesus, ang makagagawa ng mabuti sa kawawang makasalanan.” Magpunta sa Kanya ngayong gabi sa simpleng pananampalataya!
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. R. L. Hymers, Jr.: Lucas 16:19-25.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kung Patatagalin mo ng Napakatagal.” Isinalin mula sa
“If You Linger Too Long” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG PASKO SA IMPIYERNO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Anak, alalahanin mo” (Lucas 16:25). (Lucas 16:23, 24, 25-26; II Ni Timoteo 4:5; I Ni Pedro 1:21; I. Una, matatandaan mo ang mga sermong iyong kinalimutan,
II. Pangalawa, matatandaan mo ang Espiritu ng Diyos na iyong
III. Pangatlo, matatandaan mo ang Tagapagligtas na iyong
|