Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PANANAMPALATAYA KAY HESU-KRISTO FAITH IN JESUS CHRIST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Datapuwa't hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka't sinasabi ni Isaias, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni [Diyos]” (Mga Taga Roma 10:16-17). |
Kagabi si Dr. Chan ay nangaral ng isang pangaral na pinamagatang, “Tinuyo ng Espiritu ng Diyos.” Ang teksto ng pangaral na iyon ay, “Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo” (Isaias 40:7). Sinabi ni Dr. Chan,
Iyan ay dapat mangyari sa iyong puso. Ang Espiritu ng Diyos ay dapat magpahina sa iyo, magtuyo sa iyo, ang iyong mga huwad na mga pag-asa at ang pagkabilib mo sa iyong sarili. Dapat paliitin, patuyuin, ng Espiritu ng Diyos ang iyong pagkabilib sa iyong sarili, hanggang sa ang iyong puso ay malanta na paran isang namamatay na bulaklak – hanggang sa ika’y “magulo,” mailto, at “mahiya” sa iyong sariling masamang kalikasan at makasalanang puso. Katulad ng sinabi noong dalaga bago siya napagbagong loob, “Nadama kong napakanandiri sa aking sarili.” Iyan ang nanunuyong gawain ng Banal na Espiritu, hindi na siya’y “di natutuwa” sa kanyang sarili, kundi na siya’y “nandiri” sa kanyang sarili. Iyan ang nangyayari sa isang tunay na paghahatol ng kasalanan.
Gaya ng paglagay nito ni Iain H. Murray, karamihan ng mga tao ay hindi magpupunta kay Hesus hangga’t kanilang maranasan ang isang “ganap at radikal na paghahatol ng kasalanan” (isinalin mula kay Iain H. Murray, Ang Lumang Ebanghelikalismo, [The Old Evangelicalism] The Banner of Truth Trust, 2005, p. 7). Si John Newton (1725-1807), ang may-akda ng “Nakamamanghang Biyaya” [“Amazing Grace”], ay nagsabing,
Hiniling ko ang Panginoon na ako naway lumago
Sa pananampalataya at pag-ibi at bawat biyaya,
Naway malamang higit pa ang kanyang kaligtasan,
At hanapin pang mas matindi ang kanyang mukha.
Ikaw ang nagturo sa aking magdasal,
At siyang, aking pinagkakatiwalaan ang sumagot ng aking dasal;
Ngunit ito’y naging sa isang paraan,
Na halos nagdala sa akin sa kalungkutan.
Hangad ko na balang araw,
Kanyang agad-agad na sasagutin ang aking hiling,
At sa pamamagitan ng kanyang nakapipigil
Tatalunin ang aking mga kasalanan, at bigyan ako ng pahinga.
Imbes ay, kanyang pinadama
Ang nakatagong mga kasamaan ng aking puso;
At hayaan ang mga galit na mga kapangyarihan ng impiyernong
Lusubin ang aking kaluluwa sa bawat bahagi.
(“Hiniling Ko sa Aking Panginoon na Ako’y Lumago.”
Isinalin mula sa “I Asked the Lord That I Might Grow”
ni John Newton, 1725-1807; kinanta sa tono ng “Bilang Ako Lamang”).
Naway mong maranasang sapat ang nanunuyong gawain ng paghahatol ng kasalanan upang gawin kang Makita mo ang iyong pangangailangan kay Hesu-Kristo Mismo, upang dalhin ka kay Hesus para sa kapatawaran at paglilinis ng Kanyang Dugo. Dahil kung hindi ka mapupunta kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya ang poot ng Diyos ay mananatiling nakabitin sa iyo. Ika’y patay habang nabubuhay – na wala ang Diyos, na wala si Kristo, na walang pag-asa. Sinabi ni Spurgeon,
Naaawa sa iyo ang aking kaluluwa – hindi mo ba kaaawaan ang iyong sarili? Mandidinig lamang: walang pananampalataya, walang biyaya, wala si Kristo! Namatay si Kristo, ngunit wala kang bahagi sa kanyang kamatayan. Ang Kanyang dugo ay naglilinis mula sa kasalanan, ngunit ang iyong kasalanan ay nananatili sa iyo…O, malumbay na kaluluwa! O sirang kaluluwa! walang pabor sa Diyos, laban sa walang hanggang pag-ibig, nangangailangan ng walang hanggang buhay…A, tandaan, kahit na ang iyong kasalukuyang buhay at terible, ito’y hindi talaga. Ika’y nalalapit nang mamamatay, at ika’y mamamatay na walang pananampalataya. Tandaan ang salitang iyon ni Kristo, ito ang pinaka teribleng nalalaman ko. “malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.” Na mamatay sa isang sangkahan [o] na mamatay sa isang bilangguan…wala sa atin ang magkakagusto nito; ngunit ang mamatay sa iyong kasalanan! O Diyos, ito’y isang impiyerno, ito’y walang hanggang pagkasumpa…ang mamatay ng magpakailan man ay magiging iyong bahagi…maliban na lang na ika’y mananampalataya kay Hesus [agad-agad], dahil nalalapit na ika’y magiging hindi na naabot na makadirinig. Wala nang mga sermon, wala nang mga imbitasyon ng biyaya. O anong, ibibigay mo upang [makarinig ng isang ebanghelyong sermon sa impiyerno]. Wala nang tinig ng mangangaral na nagsasabing, “Umikot, umikot, bakit ka mamamatay!” …sa paligid mo ay madilim, at mahirap, at ang nag-iisang mensahe sa iyo ay ito – “ang marumi, ay magpakarumi pa.”
Walang gawain ng kapatawaran ang pumapasa,
Sa malamig na libingan kung saan tayo ay nagmamadali;
Ngunit kadiliman, kamatayan, at mahabang kawalan ng pag-asa,
Ay naghahari sa walang hanggang katahimikan doon.
A! tapos [sa impiyerno ay hindi nito padadaliin] ang iyong paghihirap na minsan mong narinig ang ebanghelyo. Ang [iyong] konsensya ay iiyak ng malakas – “Narinig ko ang ebanghelyo ng biyaya, at…Aking tinanggihan ito” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “How Can I Obtain Faith?”, The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1984 inilimbag muli, kabuuan 18, p. 48).
“Datapuwa't hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka't sinasabi ni Isaias, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni [Diyos]” (Mga Taga Roma 10:16-17).
Mayroon lamang isang paraan upang matakasan ang kasalanan at Impiyerno – at iyan ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo Mismo! Paano nabubuo ang pananampalataya kay Kristo? Ang sagot ay simple – “ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni [Diyos].”
I. Una, ang bagay ng pananampalataya ay si Hesus.
Mayroong di pangkaraniwang paraan ng paglalarawan sa pananampalataya kay Hesus. Hindi ko pa ito kailan man naririnig hanggang sa mga dalawampu’t limang taon noon. Karaniwang sinasabi ng mga mangangaral noong, “Magpunta kay Hesus sa pamamagitan ng pananamapaltaya.” Ngunit ngayon ay iyan ay madalas nang nababago sa di pangkaraniwang pariralang ito, “Magpunta sa pananamapalataya kay Hesus.” Para sa akin ito’y teribleng nakalilito. Ang mga makasalanan na ngayon ay sinasabihang magpunta sa pananamapalataya! Paano ka “makapupunta sa pananampalataya”? Hindi! Hindi! Hindi makatutulong na “magpunta sa pananampalataya.” Ito’y pagkakalito na lumalabas mula sa “desisiyonismo.” Ang mga makasalanan ay dapat masabihan na magpunta kay Hesus! Si Kristo Mismo ay dapat maging bagay ng ating pananampalataya! Pananampalataya mismo ay hindi ang layunin. Sinasabi ng Bibliya, “Ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig” (Santiago 2:19).s Ang mga demonyo ay nagkaroon ng kaalaman. Alam nila kung sino si Hesus. “sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na Anak ng Dios?” (Mateo 8:29(. Mayroon silang mas higit na “pananampalataya” kaysa mga Fariseo! Gayon ito’y simpleng kaalaman lamang sa isipan. Mayroong silang “pananampalataya” na Siya ay ang Anak ng Diyos. Ngunit wala silang pananampalataya kay Hesu-Kristo Mismo. Hindi! Hindi! “Ang pagpupunta sa pananampalataya” ay hindi liligtas sa iyo. Dapat kang magpunta kay Hesus, o ika’y maitatapon sa mga apoy ng Impiyerno kasama ni Satanas at kanyang mga demonyo. Ang pananampalataya na simpleng kaalaman lamang sa isipan ay di kailan man makaliligtas ng kahit kanino. Dapat kang magkaroon ng pananampalataya kay Hesus. Pananampalataya kay Hesus ay kaparehas ng paniniwala kay Hesus. Pananampalataya kay Hesus ay kaparehas ng pagtitiwala kay Hesus. Pananampalataya kay Hesus ay kaparehas ng pagtitingin kay Hesus. Pananampalataya kay Hesus ay kaparehas ng pagpupunta kay Hesus. Sinasabi ko sa iyo ngayong umaga, “Magkaroon ng pananampalataya kay Hesus.” Maniwala kay Hesus! Magtiwala kay Hesus. Tumingin kay Hesus. Magpunta kay Hesus! Gaya ng sinabi ni Joseph Hart (1712-1768), “Wala kundi si Hesus, wala kundi si Hesus, ang makagagawa ng mabuti sa mga walang pag-asang makasalanan!”
“Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni [Diyos]”
(Mga Taga Roma 10:17).
II. Pangalawa, mga paraan na pananampalataya kay Hesus ay di dumarating.
Ang pananamapalataya kay Hesus ay hindi dumarating sa pagiging naipanganak sa isang Kristiyanong tahanan. Narinig ko ng maraming beses ang kasabihang ito, “Walang mga apo ang Diyos.” Iyan ay napakatunay na kasabihan. Kung ika’y bago sa ating simbahan, huwag mong isipin na lahat ng mga bata mula sa Kristiyanong tahanan ay mga napagbagong loob. Ngunit ang ilan sa kanilan ay hindi napagbagong loob. Maari mong isipin, “Paano sila maaring nanggaling mula sa Kristiyanong tahanan, na naririnig ang Ebanghelyo kada Linggo, at hindi maging mga Kristiyano?” Sinasabi ng Bibliya sila’y “Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:7). Sila’y nagpupunta sa simbahan dahil dinadala sila ng kanilang mga magulang, o sila’y nagpupunta dahil nakagisnan na nila ito. Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin sila naidadala sa ilalalim ng paghahatol ng kasalanan. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nagpupunta kay Hesus. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nai-uugnay kay Kristo sa pananampalataya. Hanggang ngayon hindi pa rin sila mga Kristiyano.
Tapos rin, ang pananampalataya kay Hesus ay hindi dumarating sa pamaamgitan ng simpleng paghingi sa Kanyang iligtas ka. Maari kang tumayong malayo mula kay Hesus at hingin sa Kanyang iligtas ka Niya – at gayon man hindi pa rin magpunta sa Kanya, at gayun man hindi magtiwala sa Kanya, at gayon man hindi makaugnay sa Kanya. Hindi, hindi ito makabubuti na hingin sa Kanyang patawarin ka kung tatanggihan mo Siya. Sinabi ni Hesus, “At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40). Muli, pananampalataya kay Hesus ay hindi dumarating sa pamamagitan ng pakiramdam at mga emosyon. Marami ang mayroong ganoong uri ng mga pakiramdam, ngunit hindi sila nagtatagal. Mga pakiramdam ay nagbabago na kasing bilis ng pagbabago ng panahon. Isang araw ay mainit, ngunit ang sunid ay malamig. Mga pakiramdam at kondisyon ng isipan ay katulad ng pagbabago ng panahon. Sinabi ni Edward Mote, “Hindi ko nangangahas na pagkatiwalaan ang pinakamatamis na kuwadro, ngunit sumandal ng lubusan sa ngalan ni Hesus.” Sa “kuwadro” ay ibig niyang sabihin ay sa “pakiramdam.” “Hindi ko nangangahas na pagkatiwalaan ang pinakamatamis na pakiramdam.” “Ang aking pag-asa ay nakatayo sa wala nang ibang mas mumunti kay sa Dugo ni Hesus at katuwiran.” Kantahin ito!
Ang aking pag-asa ay nakatayo sa wala nang ibang
mas mumunti kay sa Dugo ni Hesus at katuwiran.
Hindi ko nangangahas na pagkatiwalaan ang pinakamatamis
na kuwadro, ngunit sumandal ng lubusan sa ngalan ni Hesus.
Kay Kristo ang matatag na Bato ako ay nakatayo,
Lahat ng ibang lupain ay lumulubog na buhangin;
Ang lahat ng ibang lupain ay lumulubog na buhangin.
(“Ang Matatag na Bato.” Isinalin mula sa “The Solid Rock”
ni Edward Mote, 1797-1874).
Gayon man muli, ang pananampalataya kay Hesus ay hindi dumarating sa pamamagitan ng paglalarawan sa isipan. Sa “paglalarawan sa isipan” ibig kong sabihin ay ang paglilikha ng imahen ni Hesus sa iyong isipan at pagpupunta sa imaheng iyan. Wala na itong iba kundi idolatriya. Ika’y gumagawa ng isang idolo sa iyong isipan at nagpupunta rito. Ngunig hindi ito si Hesu-Kristo Mismo. Sinabi ni Spurgeon, “Tunay na pananampalataya ay mayroong mas matatag na basehan kay sa lumalampas na imahinasyon ng isipan” (isinalin mula sa ibid., p. 40).
Muli, ang pananampalataya kay Hesus ay hindi dumarating sa dami ng “paglalanta” na iyong naranasan. Ang ilang mga tao ay gumagawa ng mga idolo mula sa pagkakahatol ng kasalanan. Iniisip nila na ang paghahatol ng kasalanan ay makaliligtas sa kanila. Gayon, gumawa sila ng isang idolo mula sa paghahatol ng kasalanan. Ang tao sa kasalanan ay gagawin ang halos lahat upang manatiling malayo kay Hesus Mismo. Sinabi ng propeta, “Gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3). O nagmamakawa ako sa iyo, magpunta kay Hesus Mismo sa pananampalataya. Huwag mong itago ang iyong mukha mula sa Kanya. Magpunta sa Kanya. Magkaroon ng pananampalataya sa Kanya. Magtiwala sa Kanya. Ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya, ililigtas na Niya ngayon!
III. Pangatlo, ang paraan na ang pananampalataya kay Hesus ay nagaganap.
“Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni [Diyos]”
(Mga Taga Roma 10:17).
Pakinggan ang Ebanghelyong ipinangaral. Maghirap na makinig. Maghirap na matandaan ang naririnig mong sermon. Maghirap na magpilit na sundin ang Ebanghelyo at magpunta kay Hesus. Tayo ay sinabihan sa unang berso ng ating teksto,
“Datapuwa't hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita…” (Mga Taga Roma 10:16).
Anong ibig nitong sabihin na “[makinig ng masayang balita]”? Ang ibig nitong sabihin ay ang maniwala kay Hesus, magkaroon ng pananampalataya kay Hesus, magpunta kay Hesus. Pakinggan ang Ebanghelyo ngayon. Magpunta kay Hesus Mismo at Kanyang lilinisan ang iyong kasalanan at bigyan ka ng buhay. Amen. Tignan ang himno bilang 19 sa iyong papel. Tumayo at kantahin ito.
Bilang ako lamang, na walang isang pakiusap,
Ngunit iyang Iyong dugo ay ibinuhos para sa akin,
At na ako’y Iyong tinatawag na magpunta sa Iyo,
O Kordero ng Diyos, Ako’y magpupunta! Ako’y magpupunta!!
Bilang ako lamang, at di naghihintay
Upang maalisan ang aking kaluluwa ng isang maitim na mantsa,
Sa Iyo na kung kanino’y ang dugo’y makalilinis ng bawat mantsa,
O Kordero ng Diyos, Ako’y pupunta! Ako’y pupunta!
Bilang ako lamang, kahit na naibabato-bato
Na maraming mga gusot, maraming pag-aalinlangan,
Mga pakikipaglaban at mga takot sa loob, at labas
O Kordero ng Diyos, Ako’y pupunta! Ako’y pupunta!
Bilang ako lamang, mahirap, sira, bulag;
Ang paningin, mga kayamanan, pagpapagaling ng isipan,
Oo, lahat ng kailangan ko sa Iyo aking nahahanap,
O Kordero ng Diyos, pupunta ako! Pupunta ako!
Bilang ako lamang, Iyong tatanggapin,
Ay masayang sasalubungin, papatawarin, lilinisin, at pahuhupain;
Dahil ang Iyong pangako aking pinaniniwalaan,
O Kordero ng Diyos, Ako’y pupunta! Ako’y pupunta!
(“Bilang Ako Lamang.” Isinalin mula sa “Just As I Am”
ni Charlotte Elliott, 1789-1871).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga 10:9-17.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hinigi Ko sa Panginoon na Ako Sana’y Lumago.” Isinalin mula sa
“I Asked the Lord That I Might Grow” (ni John Newton, 1725-1807;
kinanta sa tono ng “Just As I Am”).
ANG BALANGKAS NG PANANAMPALATAYA KAY HESU-KRISTO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Datapuwa't hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka't sinasabi ni Isaias, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni [Diyos]” (Mga Taga Roma 10:16-17). (Isaias 40:7) I. Una, ang bagay ng pananampalataya ay si Hesus, Santiago 2:19;
II. Pangalawa, mga paraan na pananampalataya kay Hesus ay di
III. Pangatlo, ang paraan na ang pananampalataya kay Hesus ay
|