Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG NAKALILIGTAS NG HAWAK

THE SAVING TOUCH

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-4 ng Disyembre taon 2011

“Na pagkarinig niya ng mga bagay tungkol kay Jesus, ay lumapit siya sa karamihan, sa likuran niya, at hinipo ang kaniyang damit. Sapagka't sinasabi niya, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako. At pagdaka'y naampat ang kaniyang agas; at kaniyang naramdaman sa kaniyang katawan na magaling na siya sa salot niya. At si Jesus, sa pagkatalastas niya agad sa kaniyang sarili na may umalis na bisa sa kaniya, ay pagdaka'y pumihit sa karamihan at nagsabi, Sino ang humipo ng aking mga damit? At sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, Nakikita mong sinisiksik ka ng karamihan, at sasabihin mo, Sino ang humipo sa akin?” (Marcos 5:27-31).


Naniniwala ako na kayang pagalingin ng Diyos ang may sakit ngayon. Nakakita na ako ng mga taong napagaling bilang sagot sa isang panalangin. Ngunit ang pangunahing dahilan para sa mga paglalathala ng pagpapagaling na mga ito, tulad nitong sa babaeng ito, ay ang ipakita na jaya tayong espiritwal na pagalingin ni Hesus. Nakakita na tayo ng iba’t-ibang mga klase ng mga espiritwal na mga karamdaman na napapagaling sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagkaugnay kay Hesus. Panalangin ko ito na mayroong isa rito ngayong gabi na tutulak sa karamihan ng mga tao, at aabot sa pananamapalataya, hipuin ang dulo ng balabal ni Kristo at agad-agad maligtas mula sa karamdaman ng kasalanan. Marami tayong matututunan mula sa pagpkagaling ng babaing ito.

I. Una, ang pagkadi-karaniwan ng hipo.

Pansinin na mayroong matinding dami ng tao na sa paligid ni Hesus habang Siya’y naglalakad. Sinasabi sa atin ni Lucas sa Ebanghelyo,

“At sinabi ni Jesus, Sino ang humipo sa akin? At nang tumatanggi ang lahat, ay sinabi ni Pedro, at ng mga kasamahan niya, Guro, iniimpit ka at sinisiksik ka ng karamihan [at sinasabi mong sino ang humipo sa akin?]” (Lucas 8:45) [KJV].

Pinalibutan ng karamihan si Hesus, hinahawakan Siya sa bawat paligid. Ngunit ang babae lamang ang nakahipo sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya – at siya lamang sa pagitan ng malaking dami ng mga tao ang naligtas! Sinabi sa atin ni Hesus na kakaunting mga tao ang maliligtas. Sinabi Niya,

“Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok: Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:13-14).

Sinabi ni Hesus, Kakaunti ang nangakakasumpong noon.” Ang babaeng ito lamang ang nagpunta kay Hesus, at siya lamang ang nag-iisang naligtas sa matinding dami ng mga taong iyon.

Huwag mong ipalagay na ika’y maliligtas kung palagi mong naririnig ang mga pangaral. Huwag mong ipalagay na ika’y maliligtas balang araw. Kinakatakot ko na ika’y mananatiling nawawala. Kinakatakot kong matindi na ika’y magpapatuloy sa isang kondisyon ng kasalanan, hindi kailan man nakararamdam ng pagkakasala, hindi kailan man nagkakaroon ng mga luha ng pagkakasala, hindi kailan man nararamdaman ang iyong pangangailangan para kay Hesus upang patawarin ang iyong kasalanan – hanggang sa wakas, sa isang sandal, ika’y mamatay at bumagsak sa banggin ng Impiyerno,

“Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Marcos 9:48).

“At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi”
       (Apocalipsis 14:11).

Sinabi ni Dr. John R. Rice,

      Ang apoy ng kanilang paghihirap ay nagpapatuloy na tumaas kada araw, magpakailan man. Kung iyan lang ang lahat, ang isang marahil aasa na pagkatapos ang isang kasalanan ay matupok ng mga apoy ng Impiyerno at naglaho, ang apoy ay tataas ng tataas at mas mataas magpakailan man. Ngunit ginagawang malinaw ng natitirang berso na ang mga makasalanan ay nagpapatuloy na magdusa doon magpakailan man, dahil ito’y sinasabi na: “At sila’y walang kapahingahan araw at gabi”! Ang mga makasalanan ay nananatili sa Impiyerno araw kada at gabi kada gabi. Ang gabi ay hindi nagdadala ng pahinga mula sa pagpapahirap ng araw, at ang liwayway ng isang bagong araw pagkatapos ng isang gabi ng katakutan ay nagdadala lamang ng mga pangako ng higit pang pagpapahirap doon sa walang pahingang lugar na iyon, iyong mga tumatanggi kay Kristo at hindi makukuha ang Kanyang awa!
      Ito ang uri ng Impiyerno na tinukoy ni Hesus noong sinabi Niyang, “Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy,” Hindi ko alam ang lahat ng ibig sabihin ng Kasulatang ito. Alam ko na sa kasalukuyang mundo na ang lahat ng kirot at sakit ng katawan ay sanhi ng kasalanan. Ang mga impeksyon ng mga mikrobyo, ang mga sakit ng mga parasitiko na kinukulupon ang katawan ng tao, ang pagkabulok ng kanser – ang lahat ng mga ito ay ang resulta ng kasalanan. Hindi sila maaring nangyari sa isang ganap na Adam sa hardin ng Eden. Maari na isang libong mga di matukoy na mga kasindakan ng paghhihirap ng katawan ay nag-aantay sa Impiyerno lampas sa muling pagkabuhay ng mga di naligtas na mga namatay at ang araw ng huling paghahatol. Noong sinabi ni Hesus, “Hindi namamatay ang kanilang uod, at ang apoy ay hindi namamatay,” tiyak na ibig Niyang sabihin patuloy na paghihirap (isinalin mula kay John R. Rice, John R. Rice, D.D., Hell: What the Bible Says About It, Sword of the Lord Publishers, 1945, page 17).

Magpunta na ngayon kay Kristo bago pa huli ang lahat.

II. Pangalawa, ang taong nahipo.

Ang Panginoong Hesu Kristo ang kanyang nahipo. Hindi ang Diyos Ama. Ito’y ang Banal na Espiritu. Si Hesu-Kristo Mismo ang kanyang hinipo. Sinasabi ko ngayon sa iyo ngayong gabi na kung hihipuin mo lang ang Kanyang damit ika’y maliligtas. Ang pinaka maliit na hipo kay Hesus ay magdadala sa iyo ng agad-agad na kaligtasan. Ano mang kasalanan ang iyong nagawa, pagagalingin ka Niya.

Si Hesus ang Diyos-tao, ang Pangalawang Tao ng Trinidad. Bumaba Siya mula sa Langit upang mabuhay kasama natin, upang magdusa para sa ating mga kasalanan sa Hardin ng Gethsemani, upang mamatay sa Krus upang bayaran ang multa ng ating mga kasalanan, upang ibuhos ang Kanyang banal na Dugo upang ang ating bawat isang kasalanan ay malinisan, upang pagalingin tayo mula sa karumaldumal na mga epekto ng orihinal na kasalanan, upang bigyan tayo ng buhay mula sa pagkamatay!

“Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan” (Juan 3:17).

“Kinailangan ng isang Himala.” Kantahin ito!

Kinailangan ng isang himala upang
   ilagayy ang mga bituin sa lugar,
Kinailangan ng isang himala upang
   isabit ang mundo sa kalawakan;
Ngunit noong Kanyang iniligtas ang aking kaluluwa,
   Nilinis at ginawa akong buo,
Kinailangan ng himala ng pag-ibig at biyaya!
    (“Kinialangan ng isang Himala.” Isinalin mula sa
      “It Took a Miracle” ni John W. Peterson, 1921-2006).

III. Pangatlo, ang paraan na Siya’y hinipo.

Hindi natin mahihipo si Hesus ngayon ng pisikal, dahil Siya na ngayon ay nakapaitaas, nakaupo sa kanang kamay ng Diyos Ama. Ngunit maari mo pa ring hipuin si Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Kapag gagawin mo na ito bibigyan ka Niya ng kabutihan na magpapagaling sa iyong kaluluwa at lilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan. Ang “hipo” na ito ay espiritwal. Kapag hihipuin mo si Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya ika’y ligtas. Si Hesus ay nagsalita sa babae, pagkatapos niyang mapagaling. Sinabi Niya,

“Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo” (Marcos 5:34).

Ang “paghihipo” kay Hesus ay pareho ng pagtingin sa Kanya. Kinailangan ng babaeng tumingin sa Kanya o hindi niya Siya mahihipo. Tiyak na kinailangan ng babaeng magtiwala sa Kanya, o hindi niya Siya hihipuin. Ang kanyang tiwala kay Hesus ay ginawang malinaw noong sinabi niyang,

“Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako” (Marcos 5:28).

Ang “paghihipo” kay Hesus ay pareho ng pagtingin sa Kanya. Tiyak na kinailangan ng babaeng magtiwala sa Kanya, o hindi niya Siya hihipuin.

“Na pagkarinig niya ng mga bagay tungkol kay Jesus, ay lumapit siya sa karamihan, sa likuran niya…” (Marcos 5:27).

Kinailangan niyang magpunta sa Kanya upang mahawakan Siya. Hahawakan mo ba si Hesus ngayong gabi? Titingin ka ba kay Hesus ngayong gabi? Pagkakatiwalaan mo ba si Hesus ngayong gabi? Magpupunta ka ba kay Hesus ngayong gabi?

Natandaan ko ang nakamamanghang araw noong iniligtas ako ni Hesus. Biglaan, sa isang sandal, hinipo Niya ako, nagtiwala ako sa Kanya, nagpunta ako sa Kanya. Tumingin ako sa Kanya. Nangyari ito sa isang sandal. Si Hesus ay naroon para sa akin. Tumingin ako sa Kanya, nagtiwala ako sa Kanya, hinipo ko Siya, at nagpunta ako sa Kanya sa pananampalataya. Sa sandaling iyon ang himala ng pagbabagong loob ay naganap, at ako’y naligtas! “Kinailangan ng isang Himala.” Kantahin ito!

Kinailangan ng isang himala upang
   ilagayy ang mga bituin sa lugar,
Kinailangan ng isang himala upang
   isabit ang mundo sa kalawakan;
Ngunit noong Kanyang iniligtas ang aking kaluluwa,
   Nilinis at ginawa akong buo,
Kinailangan ng himala ng pag-ibig at biyaya!

Noong hinipo ng babae si Hesus, sinabi Niya,

“May humipo sa akin, sapagka't naramdaman ko na may umalis na bisa sa akin” (Lucas 8:46).

Ang Griyegong salitang “kabutihan” ay “dunamis.” Nakukuha natin ang Ingles na salitang “dinamita” mula sa Griyegong salitang iyan. Ang ibig sabihin nito’y “kapangyarihan” at “lakas” (Isinalin mula kay Strong). Ang kapangyarihan at lakas ng Diyos ay lumabas mula kay Hesus, at ipinag-ugnay siya sa Kanya sa oras na kanyang hinipo ang Kanyang damit. Sinabi ni Spurgeon,

Hindi mo ba nakita na noong nahipo ng mga daliri ng babae ang damit ni Kristo mayroon agad-agad naitatag na pagka-ugnay sa pagitan ng dalawa, kasama ng banal na kabuhtihan na kumisap? Hindi ko ito ilalarawan sa pamamagitan ng kuryente, dahil ang ganoong uri [ng paglalarawan] ay ipahihiwatig ang sarili nito sa iyo; ngunit ang katunayan na ang pananampalatayang iyon ay nag-aayos ng isang koneksyon sa pagitan ng makasalanan at ni Kristo, at sa pamaamgitan nito ang pagpapagaling na kabutihan na napupunta sa atin (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Touch,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1973 reprint, volume 28, p. 45).

Kapag ilalagay mo ang iyong sarili sa mga kamay ni Kristo ililigtas ka Niya mula sa kasalanan. Sinabi ni Luther, “Wala ako gagawin upang iligtas ang aking sarili. Si Hesu-Kristo ang Tagapagligtas: iniiwan ko ang aking kaluluwa sa Kanyang buong-buong mga kamay.” Kapag magpupunta ka kay Hesus, at magtitiwala sa Kanya, at magsalalay sa Kanya, ika’y maliligtas mula sa kasalanan sa isang sandali ng panahon!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Marcos 5:24-34.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kinailangan ng isang Himala.” Isinalin mula sa
“It Took a Miracle” (ni John W. Peterson, 1921-2006).


ANG BALANGKAS NG

THE SAVING TOUCH

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Na pagkarinig niya ng mga bagay tungkol kay Jesus, ay lumapit siya sa karamihan, sa likuran niya, at hinipo ang kaniyang damit. Sapagka't sinasabi niya, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako. At pagdaka'y naampat ang kaniyang agas; at kaniyang naramdaman sa kaniyang katawan na magaling na siya sa salot niya. At si Jesus, sa pagkatalastas niya agad sa kaniyang sarili na may umalis na bisa sa kaniya, ay pagdaka'y pumihit sa karamihan at nagsabi, Sino ang humipo ng aking mga damit? At sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, Nakikita mong sinisiksik ka ng karamihan, at sasabihin mo, Sino ang humipo sa akin?” (Marcos 5:27-31).

I.   Una, ang pagkadi-karaniwan ng hipo, Lucas 8:45; Mateo 7:13-14;
Marcos 9:48; Apocalipsis 14:11.

II.  Pangalawa, ang taong nahipo, Juan 3:17.

III. Pangatlo, ang paraan na Siya’y hinipo, Marcos 5:34, 28; 27,
Lucas 8:46.