Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAGBAGSAK AT ANG BAGONG PAGKAPANGANAK

THE FALL OF MAN AND THE NEW BIRTH

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-28 ng Nobiyembre taon 2004

“Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7).


Noong huling Linggo inaral natin ang paksang ito, at gusto kong bumalik tayo rito ngayong gabi. Mag-uumpisa tayo sa mga salita ni Kristo,

“Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7).

Si Hesus ay hindi nagsasalita sa isang tao noong sinabi niya ito. Iyan ay ginawang malinaw sa berso tatlo,

“Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.” (Juan 3:3).

“Ang tao’y” tumutukoy sa kahit sinong tao, sa pangkalahatan, pangkaraniwan. Malinaw mula sa bersong ito, gayon din ang buong talata, na si Hesus ay nagsasalita sa lahat ng tao noong sinabi Niyang, “Kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli.” Ipinapakita nito na ang mga tao’y mayroong pangangailangan na matutugunan lamang ng isang bagong pagkapanganak. Anong nagsanhi sa taong mangailangan ng bagong pagkapanganak? Ano ang kalagayan ng tao na wala ang bagong pagkapanganak? Ano ang gamot para sa kalagayang ito? Gagawin ko ang lahat upang sagutin ang tatlong mga simpleng paraan ngayong gabi.

I. Una, anong nagsanhi upang kailanganin ng tao ang bagong pagkapanganak?

Lumipat sa sa Genesis 1:27. Magsitayo tayo at basahin ang bersong ito ng malakas.

“At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae” (Genesis 1:27).

Maari nang magsi-upo. Ang unang bagay na mapapansin ay na ang tao ay “nilalang.” Ang sangkatauhan ay hindi lumago mula sa mga mas mababang anyo ng buhay. Hindi, siya ay nilalang sa pamamagitan ng isang natatanging paggawa ng Diyos. Ang pangalawang bagay na mapapansin ay na ang tao ay nilalang “ayon sa larawan ng Diyos.” Ipinahihiwatig nito na ang tao ay nilalang sa isang natural at espirituwal na pagkatulad sa Diyos.

Ang ibig naming sabihin na sa pamamagitan ng natural na pagkatulad, ay na ang tao ay mayroong pang-unawa, upang siya’y makapag-isip na tulad ng pag-isip Diyos. Mayroon siyang mga emosyon, upang siya’y makadama tulad ng pagdama Diyos. Mayroon siyang kagustuhan, upang siya’y makapagpasiya gaya ng pagpasiya ng Diyos. Ngunit kahit mga hayop ay mayroon ng mga kakayahang ito. Ang aking maliit na asong si Pixie ay nakakapag-isip. Nakadarama siya. Nakakapagpasiya siya. Kung kilala mo siya, tiyak akong sasang-ayon kayo sa akin. Isang tao ang nagsabi, “Mas matalino pa siya kaysa sa ilang mga taong aking nakilala!” Ngunit ang tao ay mayroong isang bagay na wala ang mga hayop. Ang tao ay nilikha sa isang moral at espirituwal na larawan ng Diyos (Isinalin mula sa ipinagsama-sama sa The Ryrie Study Bible, tala sa Genesis 1:26). Walang hayop ang mayroong espirituwal na “larawan.” Iyan ang bagay na gumagawa sa taong lubusang pambihira. Ang tao lamang ang may kakayahang makilala ang Diyos at makipag-usap sa Kanya.

Lumipat sa Genesis 2:7. Dito ay mababasa natin,

“At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay”
       (Genesis 2:7).

Ang pariralang “hininga ng buhay” ay ang Ingles na pagsasalin ng Hebreong salitang “neshamah.” At ang “neshamah” na ito ang lubusang pambihira sa sangkatauhan. Walang hayop ang mayroong “neshamah.” Ang tao lamang ay mayroong katangiang ito, na gumagawa sa kanyang maaring makakilala ang Diyos at makipag-usap sa Kanya. Gaya ng mababasa natin sa Job 32:8,

“May espiritu sa tao, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa” (Job 32:8).

Ang “hininga ng buhay” o “neshamah” ang nagbibigay sa tao ng kakayahan ng pagkakaalam at pagkakaintindi ng mga espiritwal na mga bagay.

Ngunit ang espiritwal na katangian ng tao ay ngayon patay na dahil sa Pagbagsak. Paki lipat sa Genesis 2:17. Ito ang sinabi ng Diyos kay Adam. Magsitayo tayo at basahin ang bersong ito ng malakas.

“Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:17).

Maari nang magsi-upo. Ito’y di tumutukoy sa pisikal na pagkamatay lamang. Si Adam ay pisikal na nabuhay ng maraming mga taon pagkatapos niyang kumain mula sa kahoy. Ngunit sinabi ng Diyos, “sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:17). Sa katunayan, si Adam ay espirituwal na namatay sa sakdal na araw na kumain siya mula sa kahoy ng karunungan ng kabutihan at kasamaan. Ang kanyang kasalanan ay hindi lamang dumungis sa larawan ng Diyos sa kanya, kundi pinatay rin ang “hininga ng buhay,” ang “neshamah.” Ito ang sanhi ng pangangailangan ng tao ng bagong pagkapanganak.

II. Pangalawa, ano ang kalagayan ng tao na walang bagong pagkapanganak?

Gaya ng sinabi ko, ang larawan ng Diyos ay nadungisan ni Adam. Sinabi ni Dr. Ryrie,

Ang tao ay nilalang sa isang natural at moral na pagkatulad sa Diyos. Noong siya’y nagkasala, nawala niya ang moral na pagkatulad…ngunit ang natural na pagkatulad ng karunungan, emosyon, at kagustuhan ay nananatili pa rin (isinalin mula sa The Ryrie Study Bible, tala sa Genesis 1:26).

Ang tao ay nakakapag-isip, at nakakapagkilos – ngunit hindi na siya maaring magkaroon ng pagkakasama sa Diyos.

Hindi lamang na ang larawan ng Diyos ay nadungisan, kundi ang “hininga ng buhay” o “neshamah” ay napatay. Ginagamit ko rito ang salitang “patay” na may pag-iingat. Ginagamit ko ito sa diwa ng paggamit nito ng Bibliya sa Genesis 2:17,

“Sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:17).

Si Adam ay namatay ng espirituwal sa araw na iyon. Ang “neshamah” ay namatay sa kanya.

Bakit iyan mahalaga sa iyo? Bakit ka dapat mag-alala tungkol sa isang bagay na nangyari kay Adam sa simula ng kasaysayan? Sasabihin ko sa iyo kung bakit.

“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan” (Mga Taga Roma 5:12).

“Kay Adam ang lahat ay nangamamatay”
       (I Mga Taga Corinto 15:22).

Anong ibig sabihin ng Bibliya kapag sinasabi nitong, “Kay Adam ang lahat ay nangamamatay”? Ibig sabihin nito na ang lahat ng sangkatauhan na nanggagaling mula kay Adam ay nagkasala sa kanya at bumagsak sa kanya sa unang pagsalangsang iyon. At ang lahat ay namatay na espirituwal kay Adam.

“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan” (Mga Taga Roma 5:12).

Simula ng araw na si Adam ay nagkasala lahat ng tao ay mga makasalanan na sa likas na pagkatao. Tayong lahat ay ipinapanganak na makasalanan sa likas na pagkatao, na ating namana mula sa ating unang mga magulang. Lahat ng mga tao ay ipinanganak na patay sa kasalanan.

“Kay Adam ang lahat ay nangamamatay”
       (I Mga Taga Corinto 15:22).

Ang larawan ng Diyos ay nadungisan at nasira sa bawat anak ni Adam, sa lahat ng sangkatauhan. Ang “neshamah” ay patay sa loob ng puso ng lahat ng katauhan.

Ito’y ginawang malinaw sa Mga Taga Efeso 4:18. Lumipat sa bersong iyan sa inyong Bibliya at tumayo habang babasahin natin ito ng malakas.

“Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso” (Mga Taga Efeso 4:18).

Ang layunin ng espirituwal na kaintindihan ay patay. Nangahiwalay mula sa buhay ng Diyos, ang puso ng tao ay bulag. Ito ang ibig sabihin ng Bibliya kapag sinasabi nitong

“patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5).

Ito ang ibig sabihin ng Bibliya kapag sinasabi nitong,

“Kay Adam ang lahat ay nangamamatay”
      (I Mga Taga Corinto 15:22).

Maari nang magsi-upo.

Hangga’t hindi mo nararamdaman ito kakaunti ang ating magagawa upang matulungan ka. Sumasang-ayon akong lubos sa dakilang ebanghelistang si George Whitefield noong paulit-ulit niyang ipinangangaral na walang tunay na napagbagong loob hanggang kanyang lubos na maramdaman ang kanyang sariling kasamaan, hanggang kanyang maramdaman sa kanyang sarili ang kanyang sariling pagkamatay tungo sa Diyos.

Noong nagkasala si Adam, gumawa siya ng isang tapis ng mga dahon ng igos upang takpan ang kanyang sarili (Genesis 3:7).

“At nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios” (Genesis 3:8).

Hindi ba iyan ang ginagawa ng lahat ng mga tao? Nagtatahi silang dugtong-dugtong ng mga dahon ng igos at gumagawa para sa sarili nila ng mga tapis, at nagtatago sa harapan ng Diyos. Anong dahon ng igos ang ginagamit mo upang takpan ang iyong sarili? Paano ka nagtatago mula sa “harapan ng Panginoon”?

Walang kabutihan ang nagagawa nito upang matutunan ang mga berso ng Bibliya at makinig sa mga pangaral hangga’t ika’y nananatiling nagtatago mula sa harapan ng Diyos.

“Kay Adam ang lahat ay nangamamatay”
        (I Mga Taga Corinto 15:22).

“Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso” (Mga Taga Efeso 4:18).

“Patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5).

Iyan ang dahilan na sinabi ni Hesus,

“Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7).

III. Pangatlo, ano ang gamot sa kalagayang ito?

Ang gamot para sa kalagayang ito ay hindi maaring manggaling mula sa kahit anong makataong gawain. Ang lahat ng magagawa ng isang tao ay ang magtahi ng dugtong-dugtong ng mga dahon ng igos at magtago. Iyan ang dahilan kung bakit ang makabagong “desisiyonismo” ay mali. Ginagawa nito na ang bagong pagkapanganak na isang bagay na gagawin ng tao para sa kanyang sarili – hindi sumasalalay sa Diyos. Gayon ang “desisyonismo” ay kumokopya sa pagkakamali ng medyebal na Katolisismo at, sa katunayan, tinatanggihan ang dakilang katotohanan na nabawi sa Repormasyon. Si Finney at kanyang mga disipolo ay nagturo na ang pagpaparatang ng kasalanan ni Adama sa kanyang angkan ay isang “teyolohikal na kathangbuhay.” Itinuro niya na hindi ka patay sa kasalanan, na maari kang “gumawa sa iyong sarili ng isang bagong puso.” Ngunit si Finney at kanyang mga disipolo ang nagturo ng teyolohikal na kathambuhay! Walang taong patay sa kanyang kasalanan ang makakapagpabangon ng kanyang sarili! Ang pagpupunta sa simbahan, pagkakaalam ng mga berso sa Bibliya, ang pagpupunta sa “harap,” ang pagsasabi ng “panalangin ng makasalanan,” ang pagkakabinyag, ang pagsasabi ng “plano ng kaligtasan” – lahat ng mga ito ay mga dahon ng igos na ginagamit ng mga anak ni Adam upang magtago mula sa harapan ng Panginoon! Ang “pagtatalaga” at “muling pagtatalaga” – ang “panunumbalik ng iyong pangako” – lahat ng Katolikong kalokohan, ay lahat “desisiyonistang” sariling-pagliligtas, lahat ay mga dahon ng igos, na ginagamit upang magtago mula sa tinig ng Diyos! Paghiling kay Hesus na iligtas ka? Ano ito kundi kaligtasan sa pamamagitan ng panananlangin? Gayon pa ma’y mga desisyonistang mga dahon ng igos! Ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananalangin ay medyebal na Katoliko at makabagong Finney na desisyonismo, malinaw at payak na kabayaran!

“Pinagkublihan [natin na para bang ito’y ating mga] mukha [mula sa kaniya]” (Isaias 53:3) – [KJV].

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan” (Isaias 53:6).

Paano mo itatago ang iyong mukha mula sa Kanya? Anong paraan ang gagamitin mo upang tumungo sa iyong “sariling daan”?

Walang paraan na iyong gagamitin, at wala kang matututunan o magagawa, ang makatutulong sa iyo upang mabawi ang nadungisang larawan ng Diyos o mapanumbalik ang buhay sa iyong patay na puso!

“Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli”
       (Juan 3:7).

Anong pagtuturo ang babibigay ko sa iyo? Paano kita matutulungan? Magagawa ko lamang ang sinabi ng Diyos na gawin ni propeta Ezekiel,

“Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon” (Ezekiel 37:4).

“Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli”
      (Juan 3:7).

Dapat mong maisip na ika’y patay kay Adam. Dapat kang madalang mababa sa kaisipan ng iyong sariling kawalang-magawa upang maligtas ang iyong sarili. Dapat kang masaktang lubos sa kaisipan ng iyong sariling pagkakasala at kasalanan. Dapat mong isuko ang lahat ng pag-asa ng pagbabagong-buhay ng iyong sarili.

Kapag nagsisimulang maramdaman ng tao ang kanyang sariling kasamaan maaring masabi na siya ay nagising. Maaring masabi na ang “tinig ng Panginoon” ay tumatawag sa taong iyon, gaya ng pagtawag Niya kay Adam (isinalin mula sa pinagsama-sama sa Genesis 3:8-9).

Tinatawag ka ba ng Diyos? Nararamdaman mo ba ang kirot ng konsensya at panloob na pagkakasala? Kung mayroong ganoong uri ng pagkakagulo sa iyong kaluluwa, ito’y mula sa Diyos. Palabas ng kadiliman ng isang walang diyos na buhay, tinatawag Ka niya kay Hesu-Kristo.

Isasara ko ang pangaral na ito sa pamamagitan ng pagsisipi ng pangalawang bahagi ng isang berso na ibinigay ko ng maraming beses ngayon gabi:

“Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin”
     (I Mga Taga Corinto 15:22).

“Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo”
     (Mga Taga Roma 5:15).

“Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay. Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid… Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin” (Mga Taga Roma 5:18-19, 21).

Kinakalag ni Hesu-Kristo ang mga kadena ng kamatayan! Ipinanunumbalik ni Hesu-Kristo ang nadungisang larawan! Muling binubuhay ni Hesu-Kristo ang patay na puso!

“Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin”
     (I Mga Taga Corinto 15:22).

“Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Roma 5:12-21.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Dapat Kang Maipanganak Muli.” Isinalin mula sa
“Ye Must Be Born Again” (ni William T. Sleeper, 1819-1904).


ANG BALANGKAS NG

ANG PAGBAGSAK AT ANG BAGONG PAGKAPANGANAK

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7).

(Juan 3:3)

I.   Una, anong nagsanhi upang kailanganin ng tao ang bagong
pagkapanganak? Genesis 1:27; Genesis 2:7; Job 32:8;
Genesis 2:17.

II.  Pangalawa, ano ang kalagayan ng tao na walang bagong
pagkapanganak? Mga Taga Roma 5:12;
I Mga Taga Corinto 15:22a; Mga Taga Efeso 4:18;
Mga Taga Efeso 2:5; Genesis 3:8.

III. Pangatlo, ano ang gamot sa kalagayang ito? Isaias 53:3, 6;
Ezekiel 37:4; I Mga Taga Corinto 15:22b;
Mga Taga Roma 5:15, 18-19, 21.