Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG TEKSTO NI SPURGEON SPURGEON’S TEXT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa” |
Pinamagatan ang pangaral na ito na “Ang Teskto ni Spurgeon” dahil ito ang berso na ipinangaral sa kanya noong siya ay naligtas sa edad na 15. Agad-agad siyang nagturo ng Linggong Paaralan at nangangaral. Anim na taon pagkatapos, noong siya ay 21, nangangaral siya sa libo-libong mga tao, at tinawag siya ng mga diaryong “ang batang lalakeng mangangaral.”
Hindi lamang siya naligtas noong nakadinig siya ng isang pangaral sa ating teksto, kundi sumipi rin siya mula rito ng hindi mabilang na pagkakataon kapag nangangaral sa ibang mga berso. Sa mga 63 kabuuan ng kanyang mga nakolektang pangaral mayroong tatlo kung saan ito ang pangunahing teksto – pinamagtan ayon sa pagkakasunod-sunod nito, “Pagkamakapangyarihan at Kaligtasan;” “Buhay para sa isang Tingin.” Sa “Ang Buhay-Tingin” sinabi ni Spurgeon,
Dalawampu’t anim na taon na nakaraan – dalawampu’t anim na taon sakto noong huling Huwebes – na ako’y tumingin sa Panginoong [Hesus], at nakahanap ng kaligtasan, sa pamamagitan ng tekstong ito. Madalas ninyo akong marinig na sabihin kung paan… naghahanap ng pahinga, at walang nahahanap, hangang sa isang simpleng [di nakapag-aral] na baguhang mangangaral sa gitna ng mga Primitibong Metodista ay tumayo sa pulpit, at nagbigay ng isang sipi bilang kanyang teksto: “Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa.” Wala siyang masyadong nasabi, salamat sa Diyos, dahil iyon ay pumwersa sa kanyang magpatuloy ulitin ang kanyang teksto, at wala nang kinailangan – pa ako, sa kahit anong antas – maliban sa kanyang teksto. Natandaan ko kung paano niya sinabi, “Ito’y si Kristo na nagsasalita. ‘Ako ang hardin [ng Getsemani] nasa isang matinding paghihirap, ibinubuhos ang aking kaluluwa sa kamatayan; Ako’y nasa [krus], namamatay para sa mga makasalanan; tumingin sa akin! Tumingin sa akin!’ Iyan lang lahat ang kailangan mong gawin. Ang isang bata ay makakatingin. Ang isang halos isa nang ungas ay makatitingin. Gaano man kahina, o gaano man kapobre, ang isang tao, makakaya niyang tumingin; at kung siya’y tumingin, ang pangako ay na siya [ay maliligtas].” Tapos, humihinto, tumuro siya kung saan ako nakaupo…at sinabi niya, “Ang binatang iyon doon ay mukhang napaka miserable.” Inasahan ko na ako nga’y ganoon dahil ganoon ang aking naramdaman. Tapos ay sinabi niya, “Walang pag-asa para sa iyo, binata, o kahit anong pagkakataon ng pagkakaalis ng iyong mga kasalanan, kundi sa pamamagitan ng pagtingin kay Hesus,” at siya’y sumigaw, na naisip ko na isang Primitibong Metodista lamang ang makagagawa, “Tumigin! Tumingin binata! Tumingin ngayon!” At tumingin ako…nakahanap ako ng [kaligtasan mula sa kasalanan] sa isang sandal sa pagtingin kay Hesu-Kristo (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Life-Look,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, vol. 50, Pilgrim Publications, 1978 inilimbag muli, p. 37)
Ang lumang kanta na kakakanta lang ni Gg. Griffith ay ginagawa nitong malinaw kung sino ang “Kordero ng Diyos.” Si Hesus ang “Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). “Tumingin sa Kordero ng Diyos.” Kantahin ito!
Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Dahil Siya lamang ang makaliligtas sa iyo,
Tumingin sa Kordero ng Diyos.
(“Tumingin sa Kordero ng Diyos.” Isinalin mula sa
“Look to the Lamb of God” ni H. G. Jackson, 1838-1914).
“Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa” (Isaias 45:22).
I. Una, kailangan mong tumingin kay Hesus, ang Pangalawang Tauhan ng Trinidad.
Sinasabi ng teksto, “Magsitingin sa akin, at kayo’y mangaligtas…” “Magsitingin” ay nangangahulugang parehas ng “magpunta.” Huwag ka dapat tumingin sa Diyos ang Ama, o magpunta sa Kanya, sa iyong makasalanang kalagayan. Bakit hindi? Dahil “Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay isang apoy na mamumugnaw, mapanibughuing Dios nga” (Deuteronomo 4:24. Parehas ang sinasabi ng Bagong Tipan, “Sapagka't ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw” (Mga Taga Hebreo 12:29). Kung ika’y magpupunta sa Diyos sa isang di ligtas na kalagayan ika’y lalamunin ng apoy ng Kanyang poot. Anong nangyari kay Nadab at Abihu ay mangyayari sa iyo!
“Sa harap ng Panginoon ay may lumabas na apoy, at sinupok sila; at namatay sila sa harap ng Panginoon” (Levitico 10:2).
Huwag dapat titignan ang Banal na Espiritu, o magpunta sa Kanya, dahil wala Siyang dugo upang hugasan ang iyong mga kasalanan! Ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang hatulan ka ng kasalanan ng hindi paniniwala kay Hesus. Sinabi ni Hesus ito tungkol sa Banal na Espiritu,
“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan,... Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin” (Juan 16:8-9).
Huwag, huwag – huwag tuminggin sa Banal na Espiritu! Dapat kang tuminggin, at magpunta sa pinakong Tagapagligtas, ngayon ay nakapaitaas at nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa Kalangitang lugar! Tuminggin kay Hesus, ang Kordero ng Diyos. Siya lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa kasalanan! Magpunta sa Kanya! Tuminggin sa Kanya! Hindi ka naman talaga makapupunta sa isang tao na hindi muna siya tinitignana, hindi ba?
Ibaling ang iyong mata kay Hesus,
Tuminggin ng buo sa Kanyang nakamamanghang mukha,
At ang mga bagay ng lupa ay lalagong nakapagtatakang madilim
Sa ilaw ng Kanyang luwalhati at biyaya.
(“Ibaling Ang Iyong Mata Kay Hesus.” Isinalin mula sa
“Turn Your Eyes Upon Jesus” ni Helen Howard Lemmel, 1863-1961).
Tumingin at mabuhay, aking kapatid, mabuhay!
Tumingin kay Hesus ngayon at mabuhay;
Ito’y nakatala sa Kanyang Salita, Aleluya!
Na ika’y tumingin lamang at mabuhay.
(“Tumingin at Mabuhay.” Isinalin mula sa
“Look and Live” ni William A. Ogden, 1841-1897).
Kantahin ito muli!
Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Dahil Siya lamang ang makaliligtas sa iyo,
Tumingin sa Kordero ng Diyos.
(“Tumingin sa Kordero ng Diyos.” Isinalin mula sa
“Look to the Lamb of God” ni H. G. Jackson, 1838-1914).
Mayroon pang isang lugar na huwag mo dapat tignan. Huwag ka dapat tuminggin sa loob ng iyong sarili. Iyan ang pumigil kay Spurgeon bago ng araw ng kanyang pagbabagong loob. Patuloy niyang sinubukang magkaroon ng tamang “pakiramdam” – kaysa pagtingin, at pagpunta, kay Kristo Mismo. Patuloy niyang binabasa ang aklat ni Doddridge na “Pag-angat at Progreso ng Relihiyon sa Kaluluwa” [“Rise and Progress of Religion in the Soul”] at aklat ni Baxter na “Tumawag sa Di Napagbagong Loob” [“Call to the Unconverted”]. Sinabi ni Spurgeon, “hindi ako naghahanap ng mali sa [kanilang] mga aklat; punupuri ko sila, ngunit nakahahanap ako ng mali sa aking sarili dahil sa paggamit ng napakasama ng [kanilang] mga aklat.” Sinabi ni Spurgeon, “Noong nakabasa na ako ng napakarami, at sinubukang maramdaman ang mga sinabi ng mga mabubuti kalalakihang iyon, doon ako naiipit,” (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid., p. 41). Ang binatang Spurgeon ay “sinubukang maramdaman” ang naramdaman nina Doddridge at Baxter. Wala itong pakinabang. Si Hesus ay hindi nahahanap sa ating mga pakiramdam at emosyon.
Noong huling Linggo dalawang Katolikong babae na nagpupunta na sa ating simbahan ang nagsabi sa ating diakonong si Dr. Cagan, na akala nila sila’y ligtas na dahil nakaramdam sila ng pagluluksa at umiyak sila. Sila’y tumitingin sa kanilang sariling pakiramdam ng pagluluksa. Binanggit nila si Hesus, ngunit hindi si Hesus ang pangunahing bagay na kanilang pinag-usapan. Ang pangunahing bagay na kanilang tinitignan at pinag-uusapan ay ang kanilang sariling pagluluksa. Sinasabi ko sa iyo ngayong umaga na simpleng mga pakiramdam ng pagluluksa ay hindi kailan man makaliligtas sa iyo! Hindi kailan man! Hindi kailan man! Sinabi ng naunang nagkatawang taong Kristo,s
“Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas...”
(Isaias 45:22).
Magpunta kay Hesu-Kristo Mismo! Huwag mong pagkatiwalaan ang iyong mga pakiramdam at emosyon! Tumingin kay Hesus! Magtiwala kay Hesus! Magpunta kay Hesus! Talikuran ang iyong mga pakiramdam at tumingin sa bumangong Tagapagligtas! Sinabi ni Hesus,
“Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas...”
(Isaias 45:22).
“Tumingin sa Kordero ng Diyos.” Kantahin ito muli!
Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Dahil Siya lamang ang makaliligtas sa iyo,
Tumingin sa Kordero ng Diyos.
II. Pangalawa, dapat mong gustuhin na iligtas ka ni Jesus mula sa kasalanan.
Sinabi ni Hesus, “hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan” (Juan 12:47). Muli, sinabi ni Hesus, “Ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala” (Lucas 19:10). At ang naunang nagkatawang taong si Hesus ay nagsabi,
“Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas...”
(Isaias 45:22).
Sinabi ng Apostol Pablo, “Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15). Si Hesus ay namatay sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan! Si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay upang palayain ka mula sa kasalanan! Ibinuhos ni Hesus ang Kanyang Dugo upang linisin ka mula sa iyong kasalanan! Kasalanan. Kasalanan. Kasalanan. ““Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas” – mula sa kasalanan?! Kung hinid mo iniisip ang iyong kasalanan, gayon walang maibibigay si Hesus sa iyo. Si Hesus ay dumating, at namatay, at bumangon upang iligtas ka mula sa kasalanan. Kung hindi ka nag-aalala tungkol sa iyong kasalanan, hindi ka titingin kay Hesus at maligtas.
Isa na naming dalaga ang nakipag-usap kay Dr. Cagan noong huling Linggo. Sinabi niya akala niya na siya’y ligtas dahil “isang mabigat na kahigpitan” ay naalis sa kanyang dibdib. Aking dalagita, hindi namatay si Hesus sa Krus upang alisin ang “isang mabigat na kahigpitan” mula sa iyong dibdib! Lubos na walang kabuluhan! Sinasabi ko iyan dahil nag-aalala ako para sa iyong kaluluwa!
Ilang minuto pagkatapos, ang parehong dalagang ito ay nagsabi kay Dr. Cagan na siya ay naligtas dahil “nakakita siya ng isang ilaw at alam niyang ito’y si Hesus.” Ano ito kundi panlilinlang sa sarili? Paano niya nalaman na “ang ilaw” ay si Hesus? Sinasabi ng Bibliya, “si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan” (II Mga Taga Corinto 11:14). Paano niya nalaman na ito’y si Hesus? Paano niya nalalaman na hindi ito si Satanas? May idadagdag pa ako, “isang kahigpitan na naalis mula sa iyong dibdib” at pagkakakita ng “isang ilaw” ay wala kinalaman sa kasalanan! Wala kahit anong koneksyon sa kamatayan ni Kristo upang magbayad para sa iyong kasalanan. Walang kahit anomang koneksyon sa Dugo ni Kristong , ibinuhos upang linisin ka mula sa lahat ng kasalanan. Si Hesus ay hindi ang sentro sa kanya. Hindi mahalaga si Hesus sa kanya.
Kapag aming naririnig ang kahit sinong nagsasabing sila’y ligtas, gusto naming malaman kung ang kanilang kasalanan ba’y napatawad. Gusto naming malaman kung ang Dugo ni Kristo ay naroon upang maglinis mula sa kasalanan. Ang bawat isang tinawag na “testimono” ay simpleng kahangalan! Sinabi ni Hesus,
“Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas...”
(Isaias 45:22)
“Tumingin sa Kordero ng Diyos.” Kantahin ito muli!
Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Dahil Siya lamang ang makaliligtas sa iyo,
Tumingin sa Kordero ng Diyos.
III. Pangatlo, dapat mong maramdaman na wala nang iba kundi si Hesus ang makaliligtas sa iyo mula sa kasalanan.
Dapat mong maramdaman ang naramdaman ni Joseph Hart noong sinabi niyang,
Wala, kundi si Hesus, wala kundi si Hesus,
Ang makagagawa ng mabuti sa makasalanan.
(“Halina, Kayong Mga Makasalanan.” Isinalin mulasa
“Come, Ye Sinners” ni Joseph Hart, 1712-1768).
Wala, kundi si Hesus, wala kundi si Hesus,– ang makagagawa ng mabuti sa makasalanan
“Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa” (Isaias 45:22).
Ang bersong ito ay hindi nagtuturo ng unibersalismo, na ang bawat tao ay maliligtas sa katapusan. Mala mula rito! Ang ibig sabihin nito ay na ang nahirang ng Diyos, sa lahat ng mga bansa, ay titingin kay Hesus, ang Pangalawang Tauhan ng Trinidad, at maligtas, dahil ang teksto ay nagtatapos sa mgasalitang ito, “sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.”
Madalas isipi ni Spurgeon ang Marcos 16:16. Nangaral siya ng isang buong sermon sa bersong ito noong gabi ng Linggo, ika-13 ng Oktubre taon 1889 (mula sa MTP, Bilang 2,339). Ang Marcos 16:16 ay nagtatapos sa mga salitang, “ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.” Kung tatanggi kang tuminggin kay Hesus, at magpunta kay Hesus at mananampalataya kay Hesus, ika’y maparurusahan magpakailan man sa Impiyerno. Inuudyok kita, ngayong umaga, na tumingin kay Hesus, magpunta kay Hesus, magtiwala kay Hesus, mananampalataya sa kay Hesus. “Wala, kundi si Hesus, wala kundi si Hesus, Ang makagagawa ng mabuti sa makasalanan.” Wala nang iba kundi si Hesus ang makaliligtas sa iyo mula sa walang hanggang kaparusahan para sa iyong kasalanan. “Tumingin sa Kordero ng Diyos.” Kantahi ito muli!
Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Dahil Siya lamang ang makaliligtas sa iyo,
Tumingin sa Kordero ng Diyos.
“Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas”
(Isaias 45:22)
“Wala, kundi si Hesus, wala kundi si Hesus, Ang makagagawa ng mabuti sa makasalanan.” Paki lipat sa himno bilang 7 sa inyong papel. Magsitayo tayo at kantahin ito.
Magsiparito, kayong mga makasalanan, mahirap at wasak,
Mahina at nasugatan, may sakit at bugbog;
Si Hesus ay handing nakatayo upang iligtas ka,
Puno ng awa sinamahan ng kapangyarihan;
Kayang Niyang gawin, kaya Niyang gawin, maluwag sa
Kanyang kalooban; huwag nang magduda!
Kayang Niyang gawin, kaya Niyang gawin, maluwag sa
Kanyang kalooban; huwag nang magduda!
Tignan! Ang nagalamang taong Diyos, pumaitaas,
Nagmamakaawa sa halaga ng Kanyang dugo;
Makipagsapalaran sa Kanya, makapagsapalarang buo,
Huwag hayaang kahit anong pagtitiwala ang maghimasok;
Wala nang iba kundi si Hesus, wala nang iba kundi si Hesus, ang makagagawa
Ng mabuti sa mga walang pag-asang mga makasalanan
Wala nang iba kundi si Hesus, wala nang iba kundi si Hesus, ang makagagawa
Ng mabuti sa mga walang pag-asang mga makasalanan
(“Masiparito, Kayong Mga Makasalanan.” Isinalin mula sa
“Come, Ye Sinners” ni Joseph Hart, 1712-1768).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Isaias 45:21-24.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tumingin sa Kordero ng Diyos.” Isinalin mula sa
“Look to the Lamb of God” (ni H. G. Jackson, 1838-1914).
ANG BALANGKAS NG ANG TEKSTO NI SPURGEON ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa” (Juan 1:29) I. Una, kailangan mong tumingin kay Hesus, ang Pangalawang
Tauhan II. Pangalawa, dapat mong gustuhin na iligtas ka ni Hesus mula sa
III. Pangatlo, dapat mong maramdaman na wala nang iba kundi si
Hesus |