Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGBABAGONG LOOB NI LIDIA THE CONVERSION OF LYDIA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo” (Mga Gawa 16:14). |
Ang Bibliya ay di tulad ng kahit anong lumang aklat sa maraming paraan. Sa isang bagay, ang mga kababaihan ay mga sentrong tauhan sa buong Bibliya. Si Eba, Sara, Rebeka, Rachel, Lea, Ruth, Ester at marami pang iabng mga kababaihan ay tinukoy sa mga pahina ng Lumang Tipan. Dalawang mga aklat sa Lumang Tipan ay pinangalanan pagkatapos nila – Ruth at Ester. Sa Bagong Tipan ang mga kababaihan rin ay gumanap ng isang mahalagang papel. Paulit-ulit nakababasa tayo ng tungkol sa mga kababaihan na kaugnay sa ministro ni Kristo – ang Kanyang ina isa Maria, Maria Magdalena, Marta at si Maria, ang babaeng nakuha sa pangangalunya, ang babaeng iniyuko ni Satanas, ang babaeng nagkaraoon ng problema sa dugo, ang babae sa balon, ang babaeng humalik sa Kanyang paa – at marami pang iba. Mga kababaihan ang unang nagpunta sa libingan at natagpuan na si Kristo’y bumangon na mula sa pagkamatay. Ang apostol Pablo ay nagbanggit ng isang babaeng nagngangalang Priscila ng limang beses, laging kasama ni Aquila ang kanyang asawa, at laging patungkol sa kanilang ministro para sa Panginoon. Si Priscila ay laging nababanggit bago ng kanyang asawa, na napaka di pangkaraniwan sa unang siglo. Ngunit nariyan ito – sa Bibliya!
Dahil ang mga kababaihan ay napaka bantog sa buong Bibliya hindi dapat tayo magugulat na ang babaeng itong si Lidia ay nakatala bilang ang unang taga-Europang napagbagong loob. Ang sinasabi ng Bibliya sa atin patungkol ng kanyang pagbabagong loob ay magagamit rin sa kahit sinong taong nagiging isang Kristiyano.
I. Una, ang gawain ng kalooban ng Diyos sa kanyang pagbabagong loob.
Ang kalooban ng Diyos ayon kay Dr. Henry C. Thiessen, ay nangangahulugang, “Ang patuloy na gawain ng Diyos kung saan ginagawa Niya ang lahat ng mga kaganapan [na nangyari sa mundo] na maisasagawa ang Kanyang layunin” (isinalin mula kay Henry C. Thiessen, Ph.D., D.D., Introductory Lectures in Systematic Theology, Eerdmans Publishing Company, 1949 edition, p. 177). Isa sa mga dakilang teksto sa kalooban ng Diyos ay ang Mga Taga Roma 8:28,
“At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti… niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa” (Mga Taga Roma 8:28).
Pansinin kung paano ang kalooban ng Diyos ay umepekto sa buhay ni Lidia. Ang Apostol Pablo ay hininto ng Banal na Espiritu mula sa pagpupunta sa Romanong probinsya ng Asia (Mga Gawa 16:6). Siya ay papunta na sa Bithynia ngunit, muli, ang Espiritu ng Diyos ay huminto sa kanya (Mga Gawa 16:7). Tapos ipinadala ng Diyos si Pablo ng isang pangitain sa gabi, tinatawag siya upang magpunta sa Macedonia, sa Griyego (Mga Gawa 16:9).
“At pagkakita niya sa pangitain, pagdaka'y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia, na pinatutunayang kami'y tinawag ng Dios upang sa kanila'y ipangaral ang evangelio” (Mga Gawa 16:10).
“At nang araw ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon.. At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo” (Mga Gawa 16:13-14).
Si Lidia ay hindi mula sa Macedonia. Siya ay mula sa Tiatira, sa Asia. Naglakbay siya mula sa Asia, kung saan nakapunta na si Pablo noon, sa malayong lungsod ng Philippi sa Macedonia. Sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos si Lidia ay nagpunta doon bago pa dumating si Pablo. Ito’y doon, sa di pangkaraniwang lupain na iyon , na kanyang narinig ang Ebanghelyo at napagbagong loob. Naisaayos ito lahat ng Diyos at nangyari ito sa pamamagitan ng Kanyang kalooban.
Paano ito magagamit sa iyo? Gusto ko ang lahat sa inyong narito ngayon na napagbagong loob na pag-isipan kung paano sila nagpunta sa simbahan ng unang beses. Halos lahat ng miyembro ng ating kongregasyon ay napagbagong loob rito sa ating simbahan. Si Dr. Cagan at Gg. Kunz lamang ang mga eksepsyon na kilala ko. Gusto kong isipin ninyo kung paano kayo dumating rito sa unang pagkakataon. Ano man ang nangyari ay kalooban ng Diyos. Hindi ka nagpunta ritong aksidente. Nagpunta ka rito sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos. Ginawa ng Diyos na ang Kanyang layunin ay umepekto sa iyong buhay sa pagdadala sa iyong mapunta at marinig ang Ebanghelyo at maligtas. Wala ni isa sa inyo na nagpunta sa inyo rito sa pagkakataon lamang.
Ilan sa inyo ang nagpunta dahil mayroong nag-imbita sa inyo sa isang kampus o isang lugar kung saan man? Magsitayo. Iyan ang dahilan na ika’y narito ngayong umaga. Gayon, nakita natin ang gawain ng kalooban ng Diyos sa pagbabagong loob ni Lidia.
II. Pangalawa, ang gawain ni Lidia mismo sa kanyang pagbabagong loob.
Sinasabi ng teksto,
“At isang babaing nagngangalang Lidiaa, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin...” (Mga Gawa 16:14).
Si Lidia ay isang Hentil na napagbagong loob sa Hudyonismo. Siya ay nasa tabing ilog sa pananalangin kasama ng ilang ibang mga Hudyong kababaihan. Mukhang wala silang isang sinagoga, kaya sila’y nagpunta sa lugar na ito sa tabing ilog upang magdasal sa Sabat na araw na iyon. Si Pablo at ang kanyang mga kasamahan, ay dumating at nangaral sa grupo ng mga kababaihang ito. At sinasabi ng teksto na si Lidia ay “nakinig sa amin.”
Ilang mga di napagbagong loob na mga tao ay nagsasabi, “Wala akong magagawa upang maligtas.” Ngunit mali ka. Kay among makinig sa amin! Kay among magdesisyon na magpunta uli rito sa umaga ng Linggo at gabi ng Linggo upang marinig ang mga sermon! Kaya mong magdesisyong makinig sa amin, gaya ng napagdesisyonan ni Lidiang makinig kay Pablo at Lucas. Kahit na hindi mo maililigtas ang iyon sarili, o buksan ang sarili mong puso, maari sa pinakamaliit na bagay mong gawin ang ginawa ni Lidia. Kaya mong makipagsama kasama ng mga tao ng Diyos kada lingo at pakinggan kami!
Mayroong ilan na nagpupunta kada lingo at umuupo sa iyong upuan, at nagkukunwaring nakikinig, ngunit ang iyong isipan ay malayo, nag-iisip tungkol sa ibang mga bagay. Hindi mo kami naririnig! Sinabi ni Kristo,
“Magpilit kayong magsipasok...” (Lucas 13:24).
Ang Griyegong salitang isinalin ay “magpilit” “makipaglaban.” Upang mapagbagong loob dapat kang maghirap at makipaglabang makinig na may punong atensyon sa pangangaral. Maari mong sabihin, “Babasahin ko ang sermon mamaya.” Maaring may gawon iyang kaunting kabutihan. Ngunit ito’y sa pamamagitan ng pakikinig na karamihang mga tao ay naliligtas Sinasabi ng Bibliya,
“Paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” (Mga Taga Roma 10:14).
Makipaglaban at magpilit na makinig sa mga sermon. Iyan ang pinaka dakilang paraan ng biyaya kung saan ang mga nagpipilit na mga makasalanan ay napagbabagong loob. Si Lidia ay nakinig ng maiigi. Iyan ang bahagi niya sa kanyang pagbabagong loob.
III. Pangatlo, ang gawain ni Pablo sa kanyang pagbabagong loob.
Sinasabi ng teksto na “[napansin niya] ang mga bagay na sinalita ni Pablo” (Mga Gawa 16:14). Ang Griyegong salita na isinaling “napansin” ay nangangahulugang “magbigay atensyon” (Isinalin mula kay Strong). Nagbigay siya ng atensyon sa “mga bagay na sinalita ni Pablo.” Ang bahagi ni Pablo sa pagbabagong loob ni Lidia ay ang mangaral sa kanya. Ano ang ipinangaral niya? Ang ipinangaral niya ay ang Ebanghelyo ni Kristo, siyempre! Sa berso 10 ng siping ito si Lucas, ang taga pagkwento, ay nagsabi, “kami'y tinawag ng Dios upang sa kanila'y ipangaral ang evangelio” (Mga Gawa 16:10). Si Pablo ay nagsalita tungkol sa maraming mga bagay, ngunit ang pangunahing paksa niya ay palaging ang Ebanghelyo ni Kristo. Sa I Mga Taga Corinto sinabi ni Pablo,
“Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan; Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan. Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:1-4).
Sa ibang lugar sinabi ni Pablo, “Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23). Sa katunayan sinabi ni Pablo minsan, “Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2).
O, hangad ko na ang ating mga mangangaral ay bumalik sa pangunahing paksa, at mangaral ng mga mabubuting sermon sa pakikipagpalit na kamatayan at pisikal na pagkabuhay muli ni Kristo. Si Kristong napako sa krus at bumangong muli ay walang duda na ang ipinangaral ng dakilang Apostol kay Lidia. Ang mga nawawalang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng tinatawag na “ebanghelyo ng prosperidad” o sa pamamagitan ng “paano gawin” na mga paksa na napakarami ang nangangaral patungkol ngayon. At hindi ito maari na babanggitin lamang ang Ebanghelyo ng mabilis sa katapusan ng pangaral na nakatutok sa mga Kristiyano. Kailangan marinig ng mga makasalanan ng mga buong mga pangaral sa Ebanghelyo ni Kristo. “Ngunit paano ang mga Kristiyano?” maaring sabihin ng isa. Hayaan mo silang marinig nila ang Ebanghelyo tuwing umaga ng Linggo. Gaya ng paglagay nito ng lumang kanta, “Iniibig kong sabihin ang kwento, doon sa mga alam ito ng higit mukhang nagugutom at nauuhaw upang madinig ito tulad ng iba.” Kung gusto ng mga Kristiyanong makarinig ng higit pa, hayaan silang magpunta sa panggabing paglilingkod upang marinig ang mga sermon na nakadirekta ng higit pa sa kanila. At kung wala kang panggabing paglilingkod, mahiya ka sa sarili mo! Ika’y napunta sa parehong landas ng mga liberal! Magsimula ng panggabing pangangaral, kahit na kaunting mga tao ang unang magpupunta. Dapat tayong mangaral tulad ng pagpangaral ni Pablo kung gusto nating makakita ng mga kaluluwang maligtas at maidagdag sa ating mga simbahan. Si Spurgeon, ang prinsipe ng mga mangangaral, ay nagsabi tungkol kay Pablo,
Mayroon siyang isang paksa, at iyan ay si Kristo…ang Kristong nakapagliligtas pa rin; ang Kristong nagdugo sa krus, upang dalhin ang mga tao sa Diyos, at linisan sila sa kanyang dugo; ang Kristo sa langit, namamagitan para sa mga makasalanan…hindi tatapusin ni Pablo ang kanyang pagsasalita na hindi sinasabi, “Magtiwala sa kanya: magtiwala sa kanya. Siyang nananampalataya sa kanya ay mayroong walang hanggang buhay” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Lydia, the First European Convert,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1973 inilimbag muli, kabuuan 37, p. 488).
Iyan ang kailangan mong marinig – namatay si Kristo sa lugar mo, upang iligtas ka mula sa poot ng Diyos, at linisin ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Bumangon Siyang laman at buto mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Siya na ngayon ay nasa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Magpunta kay Kristo! Mahugasang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Iyan ang ipinangaral ni Pablo kay Lidia, at iyan ang ipangangaral ko sa iyo ngayong umaga! Sinabi ng Apostol Pablo, “Malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Galacias 6:14). Hayaan na ang ating pangunahing paksa ay palaging ang krus ni Kristo! Namatay si Kristo sa ating lugar, upang magbayad para sa ating mga kasalanan. Magpunta kay Kristo gaya ng ginawa ni Lidia noong ipinangaral ni Pablo ang Ebanghelyo sa kanya! Iyan ang bahagi ni Pablo sa kanyang pagbabagong loob. Sinabihan niya siyang magpunta sa Panginoong Hesu-Kristo.
IV. Pang-apat, ang gawain ng Diyos sa kanyang pagbabagon loob.
Sinabi ng teksto natin patungkol kay Lidia, “na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso” (Mga Gawa 16:14). Si Lidia at Pablo ay dinala ng Diyos sa isa’t isa sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos. Si Lidia ay nakinig ng mabuti sa pangangaral ni Pablo. Ipinangaral ni Pablo ang Ebanghelyo sa kanya. Ngunit ngayon nakikita natin na ang kanyang puso ay nabuksan ng Diyos Mismo.
Ang puso ni Lidia ay binuksan ng Diyos, kaya naunawaan niya ang Ebanghelyo. Madalas akong namamangha na napakaraming mga tao ang hindi nauunawaan ang mga pinaka simpleng bagay patungkol sa Ebanghelyo. Mayroon tiyak na madilim at Satanikong bagay patungkol sa kanilang kabulagan. Si Pablo mismo ang nagsabi na ito’y totoo,
“At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito [si Satanas] ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios” (II Mga Taga Corinto 4:3-4).
Si Satanas ay ang “dios ng sanglibutan.” Binulag niya ang inyong mga isipan. Gayon man isang bagong tao ang darating at agad-agad nauunawaan na si Hesus ay namatay para sa kanyang mga kasalanan – at agad-agad nagigising. Masasabi lamang natin, “Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata” (Mga Awit 118:23). Sinabi ni Pablo,
“Yamang ang Dios, ang nagsabi, Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo” (II Mga Taga Corinto 4:6).
Ngunit higit pa sa pag-unawa ng Ebanghelyo, ang puso ni Lidia ay nabuksan kay Kristo Mismo. Dapat niyang naisip, “Ngayon na nauunawaan ko na na si Kristo ay namatay para sa aking mga kasalanan, at ibinuhos ang Kanyang Dugo upang linisan ako mula sa kasalanan, ako’y magpupunta sa Kanya. Gusto ko si Kristo at gusto ko Siya ngayon.” Sa pinaka sandaling iyon siya’y nagpunta kay Hesus at naligtas. Nanalangin ako na mayroong isa rito ngayong umaga na magpupunta kay Hesus sa simpleng pananampalataya. “Ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya ngayon!” Amen. Magsitayo at kantahin ang himno bilang apat.
Halina bawat kaluluwa, sa kasalanan ay nahihirapan,
Mayroong awa sa Panginoon,
At tiyak na bibigyan ka Niya ng pahinga
Sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanyang salita.
Magtiwala lamang sa Kanya, Magtiwala lamang sa Kanya,
Magtiwala lamang sa Kanya ngayon,
Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya ngayon.
Dahil ibinuhos ni Hesus ang Kanyang mahal na dugo,
Mayaman sa mga biyaya upang ipagkaloob;
Sumisid ngayon sa pulang baha
Na naghuhugas na kasing puti ng niyebe.
Magtiwala lamang sa Kanya, Magtiwala lamang sa Kanya,
Magtiwala lamang sa Kanya ngayon,
Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya ngayon.
Oo, si Hesus ang Katotohanan, ang Daan,
Na magdadala sa iyo sa pahinga:
Mananampalataya sa Kanya na walang pag-aantala,
At ika’y lubos na mabibiyayaan.
Magtiwala lamang sa Kanya, Magtiwala lamang sa Kanya,
Magtiwala lamang sa Kanya ngayon,
Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya ngayon.
(“Magtiwala Lamang sa Kanya.” Isinalin mula sa
“Only Trust Him” ni John H. Stockton, 1813-1877).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 16:6-15.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Anong Bukal!” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
(ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGBABAGONG LOOB NI LIDIA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo” (Mga Gawa 16:14). I. Una, ang gawain ng kalooban ng Diyos sa kanyang pagbabagong
loob, II. Pangalawa, ang gawain ni Lidia mismo sa kanyang pagbabagong
loob, III. Pangatlo, ang gawain ni Pablo sa kanyang pagbabagong loob,
IV. Pang-apat, ang gawain ng Diyos sa kanyang pagbabagon loob,
|