Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG PROPETIKONG LARAWAN NG PAGBABAGONG LOOB A PROPHETIC PICTURE OF CONVERSIONS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay” (Zakarias 12:10). |
Sa taon ng 1864 si Spurgeon ay nangaral ng dalawang propetikong pangaral sa hinaharap ng pagbabagong loob ng mga Hudyo. Ang una ay pinamagatang, “Ang Muling Pagkatatag at Pagbabagong Loob ng mga Hudyo” kung saan sinabi niya na “Magkakaroon ng isang political na muling pagkakatatag ng mga Hudyo…Ang sampung mga tribo ng Israel ay maibabalik muli sa kanilang sariling lupain” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Ika-16 ng Hunyo taon 1864).
Walumpu’t apat na taon pagkatapos noong 1948, ang Israel ay naging isang bansa. Libo-libo ng mga Hudyo mula sa palibot ng mundo ay nagsimulang bumalik sa kanilang ibinigay ng Diyos na lupain sa Israel – gaya ng pagkahula ni Spurgeon sa kanyang sermon sa Ezekiel 37:1-10.
Tatlong araw na mas maaga, noong 1864, si Spurgeon ay nangaral ng isa pang pangaral na pinamagatang, “Ang Naturok na Isa ay Tumuturok sa Puso,” sa Zakarias 12:10, na ating teksto ngayong umaga. Sa pangaral na ito tamang sinabi ni Spurgeon, “Ang propesiyang ito, ay una sa lahat, tumutukoy sa mga Hudyo…Alam nating [tiyak], dahil sinabi ito ng Diyos, na ang mga Hudyo ay maipanunumbalik sa sarili nilang lupain.” Sinabi rin niya na ang mga Hudyo ay mapagbabagong loob kay Hesus sa hinaharap.
Nagpatuloy si Spurgeon na magsabi na ang Zakarias 12:10 ay hindi lamang isang propesiya ng padating na pagbabagong loob, kundi isang ring larawan ng bawat pagbabagong loob ng bawat isa.
“At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay” (Zakarias 12:10).
Hahatak ako ng tatlo punto mula sa tekstong ito.
I. Una, ang mga pagbabagong loob ay dumarating sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos lamang.
Sa ating teksto sinabi ng Diyos, “Aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya...” (Zakarias 12:10a). Ang Bagong Tipan ay nagsasabi, “Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios” (Mga Taga Efeso 2:8). Ngunit ano ang ibig sabihin ng salitang “biyaya? Ang Hebreong salitang isinalin na “biyaya” sa Zakarias 12:10 ay nangangahulugang “kabutihan, kabaitan” (Isinalin mula kay Strong). Ang Griyegong salitang “biyaya” sa Mga Taga Efeso 2:8 ay nangangahulugang “kabaitan, kapatawaran, pagliligtas” (Isinalin mula kay Strong). Ang Hebreong salita at ang Griyegong salita ay nagpapakita na ang mga pagbabagong loob ay hindi gawain ng tao. Ang mga pagbabagong loob ay nanggagalin mula sa Diyos lamang, sa pamamagitan ng Kanyang kabutihan at kapangyarihan inililigtas Niya tayo mula o sa kasalanan at Impiyerno. Hindi tayo naliligtas ng kahit anong ating ginagawa, kundi ang Kaniyang ginagawa sa atin at para sa atin. “Nakamamanghang Biyaya! Napakatamis ng Tinig.” Kantahin ito!
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
(“Nakamamanghang Biyaya.” Isinalin mula sa “Amazing Grace”
ni John Newton, 1725-1807).
Ang Biyaya ay tumutukoy sa kabutihan ng Diyos sa pagliligtas noong Kanyang napiling iligtas. Kahit na ang salitang “biyaya” ay wala roon, tatlong mga berso sa Tito ang naglalarawan sa ating kasalanan at ang ganap na biyaya ng Diyos.
“Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan. Nguni't nang mahayag na ang kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao, Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo...” (Tito 3:3-5).
Gayon din ito sa Israel sa hinaharap, gayon din ito ngayon sa bawat Hudyo at bawat Hentil na hindi napagbagong loob. Ang lahat na o mga napagbagong loob ay napagbagong loob sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos lamang! Tayo ay mga monerhista. Ang ibig sabihin niyan ay tayo ay naniniwala na tayo ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos lamang. Ang mga “desisyonista” ay mga sinerhisto. Naniniwala sila na ang tao ay sumasangayon sa Diyos sa kaligtasan. Ang Romanong Katolikong Simbahan at ibang mga “desisyonista” ay nagtuturo ng sinerhismo. Tinatanggihan natin ito at nagsasabi na ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos lamang.
Isipin kung paano ang biyaya ng Diyos ay kumilos sa iyong buhay. Bakit ka narito ngayong umaga? Ito’y dahil sa Diyos, sa Kanyang kabutihan, ay dinala kanila rito. Kung ika’y ipinanganak sa mga magulang sa ating simbahan, biyaya ito ng Diyos na ito’y nangyari, upang ika’y naririto tuwing Linggo upang madinig ang Ebanghelyo na maipangaral. Hindi ko trinatratong magaan ang biyaya ng Diyos. Ika’y narito dahil ang Diyos ay mabuti sa iyo, at nagtiwala sa pamamagitan ng Kanyang kalooban na ika’y narito upang marinig ang Ebanghelyo!
Kung mayroong nag-imbita sa iyong magpunta rito ngayong umaga, ika’y narito sa pamamagitan ng biyaya ng kabutihan ng Diyos. Maraming mga iba ay naimbitang magpunta, ngunit tinanggihan nila ang imbitasyon. Bakit ka nagpunta? Hindi dahil ika’y mas mabuti kaysa sa iba. O hindi! Ito’y ang kabutihan at biyaya ng Diyos na ika’y nadala rito. At panalangin namin na ang Kanyang biyaya ay magdala sa iyo sa iyong pagbabagong loob, sa iyong kaligtasan! Tapos ay makakanta mo ang himnong iyan bilang iyong sariling kanta. “Nakamamanghang Biyaya! Napakatamis ng Tinig.” Kantahin ito muli!
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
“Aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya...”
(Zakarias 12:10a).
II. Pangalawa, ang pagbabagong loob ay karaniwang nangyayari na may kasamang pagluluksa.
Sinasabi ng teksto,
“At kanilang tatangisan siya...” (Zakarias 12:10).
Ilang mga Reporamadong mga tao ay di gusto ang kaisipan ng kahit anong paghahanda ng isang maksalanan dahil gusto nilang idiin ang pagkamakapangyarihan ng Diyos. Sinasabi nila na kayang iligtas ng Diyos ang isang makasalanan mula sa Impiyerno kahit anong oras, kahit bago pa man ang sanggol ay naipapanganak. Tama silang sabihin na ang Diyos ay makapangyarihang lubos. Ngunit sa tinggin ko sila’y mali upang sabihin na hindi hinahanda ng Diyos ang karamihan ng mga tao bago sila mapagbagong loob sa Kanya. Tatawagin nila akong “preparasyonista.” Ngunit naniniwala ako na inihahanda tayo ng Diyos upang maligtas. Isa sa mga paraan na hinahanda tayo ng Diyos ay sa pamamagitan ng pagpapakita sa atin kung gaano ka ikli ng buhay. Sa panahon ni Jonathan Edwards (1703-1758), ang mga kabataan sa kanyang simbahan ay nadala sa pagkagising, at tapos ay muling pagkabuhay, sa pamamagitan ng biglaang pagkamatay ng isang kabataan na kilala nilang lahat.
Isa pang paraan na inihahanda ng Diyos ang tao para sa kaligtasan ay sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng kanilang kasalanan – at ang Paghahatol na darating. Ilang mga tao ay nag-iisip na maling bigyang babala ang mga tao tungkol sa Impiyerno. Ngunit mali sila. Dahil ang Impiyerno ay totoo dapat nating bigyang babala ang mga tao tungkol rito. Wala nang mas mabuti pa kay Hesus. At binigyang babala Niya tayo tungkol sa Impiyerno ng paulit ulit. Sinabi ni Hesus, “Paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?” (Mateo 23:33). Sinabi Niya, “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).
Ngunit ang bagay na ginagamit ng Diyos ng higit sa pagbabagong loob ng mga nawawalang kaluluwa ay ang ipakita sa kanila ang kasalanan. Sinabi ni Hesus ang Espiritu ng Diyos ay “susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8). Noong si David ay napunta sa ilalim ng pagkahatol ng kanyang kasalanan, sinabi niya, “Ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko” (Mga Awit 51:3). Ang mga pagbabagong loob ay dumarating kapag pinaparamdam sa iyo ng Diyos ang iyong pangangailangan kay Hesus upang patawarin ka ng iyong mga kasalanan at linisin ang mga ito sa Kanyang Dugong Kanyang ibinuhos sa Krus. Hindi ka magpupunta kay Hesus hangga’t iyong maramdaman ang iyong pangangailangan sa Kanya! Gaya ng paglagay nito ni Joseph Hart, “Lahat ng kaangkupan na kanyang hinihingi ay iyong maramdaman ang iyong pangangalingan sa Kanya.” Ang pagkakahatol ng kasalanan ay nagdadala sa iyo kay Kristo para sa pagpapatawad at paglilinis. ““Ito’y biyaya na nagturo sa aking pusong matakot.” Kantahin ito!
Ito’y biyaya na nagturo sa aking pusong matakot,
At biyaya ang nagpatigil ng takot;
Anong kamahalan na ang biyaya ay nagpakita
Sa oras na ako’y unang naniniwala!
III. Pangatlo, ang pagbabagong loob ay nangyayari kapag ang mga nawawalang mga makasalanan ay tumitingin kay Hesus.
Sa teksto, sinasabi ni Kristo, “Sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan” (Zakarias 12:10). Sa Isaias 45:22 ang pangunang nagkalamang loob na Kristo ay nagsabi,
“Magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas” (Isaias 45:22).
Halos lahat ay tumitingin sa kanilang mga sarili – sa kanilang sariling pakiramdam at pag-iisip. Ang biyaya lamang ng Diyos ang makagagawa sa ating tumigin papalayo mula sa ating mga kasalanan kay Hesus, at maligtas sa pamamagitan Niya. Tinawag ito ni Spurgeon na “isang nananalig-na-tingin sa naturok na Anak ng Diyos.” “Tumigin sa Kanya” ay parehas ng “magpunta sa Kanya.” “Magpunta sa Kanya” ay parehas ng “pananampalataya sa Kanya.”
Hinihingi ko sa iyo ngayong umaga magpunta kay Hesus, at mananampalataya sa Kanya, tumingin sa Kanya. Sinabi ni Joseph Hart, “Wala nang iba kundi si Hesus, wala nang iba kundi si Hesus, ang makagagawa ng mabuti sa mga walang pag-asang mga makasalanan.”
“At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay” (Zakarias 12:10).
Naway ang Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, ay dalhin ka ng mabilis papasok sa simbahan – kada umaga ng Linggo at kada gabi ng Linggo para sa pagsasamba, pangangaral, at pakikisama. Maaring mayroong magsabi, “Walang sinomang nawawalang tao ang magpupunta kada umaga ng Linggo at kada gabi ng Linggo.” Ngunit ika’y mali. Maraming mga tao ang gumagawa nito – sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos!
Naniniwala ako na ang biyaya ng Diyos ay napaka makapangyarihan, napaka di matanggihan, na ang lahat ng mga nahirang ay madadala sa simbahan – sa tunay na pagbabagong loob. Magsitayo at kantahin ang himno bilang 7 sa inyong kanatahing papel, “Magsiparito, Kayong mga Makasalanan,” ni Joseph Hart (1712-1768).
Magsiparito, kayong mga makasalanan, mahirap at wasak,
Mahina at nasugatan, may sakit at bugbog;
Si Hesus ay handing nakatayo upang iligtas ka,
Puno ng awa sinamahan ng kapangyarihan;
Kayang Niyang gawin, kaya Niyang gawin, maluwag sa
Kanyang kalooban; huwag nang magduda!
Kayang Niyang gawin, kaya Niyang gawin, maluwag sa
Kanyang kalooban; huwag nang magduda!
Magsiparito, kayong mga pagod, at nabibigatan sa karga,
Nabugbog at nabalian dahil sa pagbagsak;
Kung maghihintay ka hanggang sa ika’y maging mabuti,
Hindi ka kailan man magpupunta sa anomang paraan
Hindi ang mga makatuwiran, hindi ang mga makatuwiran;
Na mga Makasalanan dumating sa Hesus upang tawagin!
Hindi ang mga makatuwiran, hindi ang mga makatuwiran;
Na mga Makasalanan dumating sa Hesus upang tawagin!
Tignan Siyang nakatirapa sa hardin; sa lupa ang iyong
Manggagawa ay nakahiga;
Tapos sa puno ng Kalbaryo tignan Siya,
Pakinggan Siyang humiyaw, bago Siya mamatay,
“Tapos na!” “Tapos na!” Makasalanan, hindi ba ito sapat?
“Tapos na!” “Tapos na!” Makasalanan, hindi ba ito sapat?
Huwag hayaan ang konsensya gawin kang nagtatagal,
O ng kaangkupan gawin kang umiibig na managinip;
Lahat ng kaangkupan na Kanyang hinihingi
Ay na iyong maramdaman ang pangangailangan mo sa Kanya.
Ito’y ibinibigay Niya sa iyo, ito’y ibinibigay niya sa iyo,
Ito ay ang tumataas na sinag ng Espiritu!
Ito’y ibinibigay Niya sa iyo, ito’y ibinibigay niya sa iyo,
Ito ay ang tumataas na sinag ng Espiritu!
Tignan! Ang nagalamang taong Diyos, pumaitaas,
Nagmamakaawa sa halaga ng Kanyang dugo;
Makipagsapalaran sa Kanya, makapagsapalarang buo,
Huwag hayaang kahit anong pagtitiwala ang maghimasok;
Wala nang iba kundi si Hesus, wala nang iba kundi si Hesus, ang makagagawa
Ng mabuti sa mga walang pag-asang mga makasalanan
Wala nang iba kundi si Hesus, wala nang iba kundi si Hesus, ang makagagawa
Ng mabuti sa mga walang pag-asang mga makasalanan
(“Masiparito, Kayong Mga Makasalanan.” Isinalin mula sa “Come, Ye Sinners”
ni Joseph Hart, 1712-1768).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Zakarias 12:10-14.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Magsiparito, Kayong Maksalanan.” Isinalin mula sa
“Come, Ye Sinners” (ni Joseph Hart, 1712-1768).
ANG BALANGKAS NG ISANG PROPETIKONG LARAWAN NG PAGBABAGONG LOOB ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay” (Zakarias 12:10). I. Una, ang mga pagbabagong loob ay dumarating sa pamamagitan ng
II. Pangalawa, ang pagbabagong loob ay karaniwang nangyayari na may III. Pangatlo, ang pagbabagong loob ay nangyayari kapag ang mga |