Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGBABAGONG LOOB NI RUTH THE CONVERSION OF RUTH ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios” (Ruth 1:16). |
Ang kwento ay simple. Mayroong tag-gutom sa lupain ng Judea sa panahon ng mga Hukom. Dinala ng isang lalake at ang kanyang asawang si Naomi, ang kanilang dalawang anak at iniwan ang Bethlehem at nagpunta sa paganong bansa ng Moab. Ang dalawang mga anak ay nagsi-asawa ng mga paganong babae. Ang asawa ni Naomi ay namatay. Tapos ang kanyang dalawang mga anak ay namatay. Si Naomi ay naiwan kasama ng kanyang dalawang manugang, sina Opra at Ruth. Ngunit ni isa sa kanila ay nagkaroon ng anak.
Noong narinig ni Naomi na ang tag-gutom ay natapos na sa Judea, nagpasya siyang bumalik sa Bethlehem. Sinabihan ni Naomi ang dalawang dalaga na bumalik sa kanilang mga ina, at siya ay babalik sa Judea mag-isa. Parehong mga babae ay nagsabing, “Kami ay babalik na kasama mo sa iyong bayan” (Ruth 1:10). Ngunit hinimok sila ni Naomi na mas higit pa na bumalik sa sarili nilang mga tao. Pareho nilang sinabi na mahal nila si Naomi. Pareho silang umiyak. Ngunit hinalikan ni Opra si Naomi, at “bumalik na sa kaniyang bayan” (Ruth 1:15). Gayon man si Ruth ay tumangging iwanan siya, kahit na pagkatapos na hinimok siya ni Naomi na muling umuwi.
“At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios” (Ruth 1:16).
Narito mayroong tayo ng pagbabagong loob na karanasan ni Ruth. Ipagpuputol-putol ko ang teksto sa apat na mga simpleng mga punto..
I. Una, si Ruth ay naimpluwensyahan ng kanyang makadiyos na biyenan.
Mayroong matinding impluwensya si Naomi kay Ruth dahil minahal siya ni Ruth. Si Ruth ay nagmula sa isang paganong pinanggalingan. Ngunit ang kanyang pag-mamahal kay Naomi ay nakatulong na wasakin ang kanyang mga relihiyosong pagkiling.
Halos lahat na nagpupunta sa simbahan mula sa panlabas na mundo ay napagbabagong loob sa pamamagitan ng pagmamahal at pag-aaruga ng mga Kristiyano. Napakakaunti ng kanilang nalalaman sa katotohanan. Ngunit nararamadaman nila ang pagmamahal ng mga Kristiyanong mga tao sa simbahan. Noong huling Linggo isang binata na unang beses na bisita ay nagsabi sa akin na hindi siya interesado sa pagiging isang Kristiyano, ngunit siya ay napaka mapagkaibigan at nagsabi sa akin kung gaano kabait ng taong nagmaneho para sa kanya sa simbahan, at kung paanong napaka mapagkaibigan ng ating mga tao sa kanya. Bumalik man siya o hindi, sa loob ng maraming mga taong darating matatandaan niya na nagkaroon siya ng masayang oras sa isang Bautistang simbahan.
Mas madalas young mga tulad ni Ruth, na nanggagaling mula sa isang di-simbahang pinanggalingan, ay nagiging interesado sa ating pananampalataya dahil ang mga Kristiyano ay naging magpagkaibigan sa kanila, at nagsisimula nilang magustuhang magpunta sa simbahan, gaya ng pag-mamahal ni Ruth kay Naomi.
Walang mali riyan. Noong ako’y labin tatlong taong gulang dinala ako nina Dr. at Gng. Henry McGowan, kasama ng kanilang mga anak sa isang Bautistang simbahan. Hindi ako mangangaral rito ngayong umaga, 57 taong na ang nakaraan, kung hindi sila naging mabuti at mapagkaibigan sa akin noong ako’y nawawala at nag-iisang binata. Ako’y nasa kanilang tahanan maraming gabi kada lingo. Madalas akong pakainin ni Gng. McGowan ng hapunan. Pinagkakautang ko ang aking kaluluwa sa mga mahal na mga taong iyon!
Sinabi ni Hesus, “Pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23). Ang mga tao ay napipilit pumasok sa simbahan sa pamamagitan ng matamis na pagmamahal at kabutihan ng mga tao sa simbahan. Tanyag na sinasabi ni Moody, “Mahalin silang papasok.” Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang sundin ang kanyang sinabi!
Bawat Linggo isang bata ng mga edad 10 o 12 ay naglakad ng maraming bloke papunta sa simbahan ni Moody sa Chicago. Bawat Linggo nadaraanan niya ang isang simbahan, kung saan isang matanda ang nakatayo sa may pintuan na binabati ang mga taong magpunta doon. Napansin niya ang batang dumaan, papunta sa simbahan ni Moody. Isang umaga ng Linggo ang tinanong ng matandang iyon ang batang lalake, “Bakit ka nagpupunta ng napakalayo papunta sa simbahan ni Moody? Bakit hindi ka magpunta rito?” Sinabi ng bata, “Salamat. Magpupunta ako sa simbahan ni Moody. Alam nilang magmahal ng isang tao doon.”
Ang mga tao ay napilit na pumasok sa kabutihan ng mga Kristiyano sa simbahan. Tanyag na sinabi ni Moody, “Mahalin sila papasok.” Gawin natin ang lahat nga ating makakaya upang sundin ang sinabi niya!
II. Pangalawa, si Ruth ay nasubok.
Sinabi ni Naomi, “Narito, ang iyong hipag ay bumalik na sa kaniyang bayan, at sa kaniyang dios; bumalik kang sumunod sa iyong hipag” (Ruth 1:15). Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Si Opra ay gumawa ng desisyon na bumalik. Ang kanyang desisyon para sa Diyos ay hindi naging totoo, kita mo. Bumabalik siya sa idolatrya [at] hindi na tayo nakarinig ng pautungkol sa kanya muli (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1982, kabuuan II, p. 93).
Sinabi ni Dr. McGee na hinimok ni Naomi si Ruth upang bumalik sa kaniyang mga idolo “upang subukan siya kung siya’y tunay o hindi” (ibid.).
At ang bawat isa sa inyo ngayong umaga ay masusubok din. Makakikita kayo ng isang taong aalis ng simabahan tulad ng pagkakita ni Ruth kay Opra na umalis. Iisipin mo, “Akala ko sila’y taos-puso, ngunit nilisan nila ang simbahan.” Hindi ba iyan mismo ang paraan na si Ruth ay nasubok? Parehong si Opra at Ruth ay nagsabi kay Naomi, “Kami ay babalik na kasama mo sa iyong bayan” (Ruth 1:10). Gayon, tulad ni Judas, hinalikan ni Opra si Naomi, at tapos ay iniwanan siya at bumalik sa mundo. Nakita ni Ruth ang kanyang masamang halimbawa, at tiyak nitong sinubok siya.
Ang bawat taong napagbagong loob ay nagkaroon ng parehong karanasan. Bawat isa sa atin ay nakakita ng ilan sa ating mga kaibigan na umalis ng simbahan at bumalik sa kasalanan sa mundo. Nakita ni Pedro si Hudas na umalis. Nakita ni Pablo ang kanyang malapit na kaibigang si Demas na umalis. Sinabi ni Pablo, “Ako'y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito” (II Ni Timoteo 4:10). At kung nangyari ang mga ito kina Pedro at Pablo, hindi mo ba naisip na kakailanganin mo ring dumaan sa ganitong pagsubok, gaya ni Ruth? Sinabi ng Apostol Pablo, “Sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22). Ang Griyegong salitang “kapighatian” ay “thlipsis.” Ibig nitong sabihin ay “mga puwersa, mga hirap, mga kaguluhan, pagdurusa.” “Sa pamamagitan ng [mga puwersa, mga hirap, mga kaguluhan, pagdurusa] ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.” Kahit pagkatapos nating naging mga Kristiyano ng maraming mga taon dapat tayong dumaan sa maraming puwersa at pagdurusa ng pagkakakita ng mga minamahal na mga kaibigan at pati mga minamahal na inawanan ang simbahan dahil “iniibig niya ang sanglibutang ito” (II Ni Timoteo 4:10).
Naipasa ni Ruth ang pagsubok na iyan noong ang kanyang kaibigan at hipag ay umalis at bumalik sa paganong idolatrya. Maipapasa mo kaya ang pagsubok na iyan at magpatuloy na mabuhay para kay Kristo kapag ang mga malapit na mga kaibigan ay iiwanan ang ating simbahan? Panalangin ko na iyan ay gawin mo. Sa loob ng maraming taon, simula noong ako’y nasa isang Tsinong simbahan, iniibig ko ang lumang kantang kinanta kanina ni Gg. Griffith ilang sandali lamang.
Tinawag tayo ng Panginoon:
Ang daan ay maaring maging mapanglaw,
Mga panganib at mga pagdurrusa ay nakakalat sa daanan;
Ngunit ang Banal na Espiritu ng Diyos ay
Makakapagpaginhawa ng pagod;
Susundan natin ang Tagapagligtas at
Hindi makabalik muli.
(“Ang Panginoon ay Dumating” Isinalin mula sa
“The Master Hath Come” ni Sarah Doudney, 1841-1926;
sa tono ng “Ash Grove.”)
Ano mang paghihirap ang ating pagdaanan. Ano mang pagdurusa ang ating pagdaanan, at sino man ang aalis ng simbahan, ang mga napili ng Diyos ay magsasabing, “Susundan natin ang Tagapagligtas at hindi makabalik muli.” Paano ka makababalik muli kung ikaw mabisang tinawag? Ito’y impoisble para sa isang tunay na napagbagong loob na bumalik! Amen at Amen!
III. Pangatlo, nagtiwala si Ruth sa Diyos.
“At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios” (Ruth 1:16)
Hindi ito isang mabilis na “desisyon.” Pinag-isipan niya ito ng masinsinana ng maraming mga taon. Gusto talaga ni Ruth na ang Diyos ni Naomi ay maging kanyang Diyos. Nadinig niya ang tungkol sa Diyos, ngunit ngayon naniniwala siya sa Diyos Mismo.
Sa isang punto dapat kang mapuntang makaharap ang nabubuhay na Diyos. Hindi lang maaring laging kasiyahan at laro, nagpupunta sa simbahan dahil gusto mong makasama ang mga tao. Sa isang punto ang Diyos Mismo ay dapat maging mahalagang sapat para sa iyo upang mapalitan ang buong direksyon ng iyong buhay – ano man ang sabihin o gawin ng kahit sino!
Ang buhay ni Ruth ay magpakailan mang nabago sa pamamagitan ng pagkakaharap sa Diyos Mismo. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Mahahanap mo si [Ruth] na nabanggit sa pinaka unang kapitulo ng Bagong Tipan [Mateo 1:5]. Siya ay nasa pinagangkanan na nagdala kay Kristo” (isinalin mula sa ibid.). Naniniwala ako na si Ruth ay tunay na napagbagong loob sa sandaling ito, noong sinabi niya,
“Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios” (Ruth 1:16).
Ang isang tunay na pagbabagong loob ay nagbabago sa paraan ng iyong pamumuhay, at binabago nito ang buong direksyon ng iyong buhay. Ngunit, tandaan, dapat kang magpunta sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Anak, ang Panginoong Hesu-Kristo. Sinabi ni Kristo, “Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6). Bakit? Dahil sinabi ng Apostol Pablo,
“May isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5).
Namatay si Kristo sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan, at upang ibuhos ang Kanyang Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng iyong kasalanan. Dapat kang magpunta kay Hesus upang makahanap ng kapayapaan sa Diyos. Ngunit mayroong isang huling punto na lumalabas mula sa ating teksto.
IV. Pang-apat, sumali si Ruth sa mga tao ng Diyos.
Sinabi niya kay Naomi, “Ang iyong bayan ay magiging aking bayan” (Ruth 1:16). Matapang niyang ipinutol ang kanyang sarili mula sa mga Moabites at naging isang Hudyo. Iyang ang kinailangan niyang gawin upang maligtas sa dispensasyong iyan. Si Ruth ay tunay na napagbagong loob! Sinabi ng Apostol Pablo,
“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin, At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat” (II Mga Taga Corinto 6:17-18).
Magsialis mula sa makasalanang mundo. Pumasok ng buong buo sa simbahan. Maraming mga tao ang sumasabit ng kalahati papasok sa simbahan, at kalahati sa mundo – at nagtataka sila kung bakit hindi nila nararamdaman ang tunay na pagbabagong loob! Pumasok ng buo tuwing Sabado ng gabi, tuwing Linggo ng umaga, at tuwing Linggo ng gabi. Pumasok ng buo – kay Kristo, at sa lokal na simbahan. Sabihin, kasama ni Ruth, “ang iyong bayan ay magiging aking bayan.” Amen! At amen! Magsitayo at kantahin ang himno bilang 7, “Ang Panginoon ay Dumating.” Kantahin ito!
Tinawag tayo ng Panginoon:
Ang daan ay maaring maging mapanglaw,
Mga panganib at mga pagdurrusa ay nakakalat sa daanan;
Ngunit ang Banal na Espiritu ng Diyos ay
Makakapagpaginhawa ng pagod;
Susundan natin ang Tagapagligtas at Hindi makabalik muli;
Tinawag tayo ng Panginoon: kahit pagdududa at tukso
Ay magpapalibot sa ating paglalakbay, ating masiglang kantahin:
“Itulak papaharap, tumingin paitaas,”
Sa pamamagitan ng higit na paghihirap;
Ang mga anak ng Zion ay dapat sumunod sa kanilang Hari.
Tinawag tayo ng Panginoon, sa maagang umaga ng buhay,
Na may mga espiritu na kasing sariwa ng hamog sa damuhan:
Tumatalikod tayo mula sa mundo, kasama ng mga ngiti nito’t
Pagkasuklam; upang itapon sa ating kapalaran sa mga tao ng Diyos:
Tinawag tayo ng Panginoon, Ang Kanyang mga anak
Na lalake at mga anak na babae,
Nagmamakawa tayo para sa Kanyang pagpapala at
Nagtitiwala sa Kanyang pag-ibig;
At sa kanyang berdeng bukiran, katabi ng payapang mga tubig;
Dinadala Niya tayo sa wakas sa Kanyang kaharian sa itaas.
(“Ang Panginoon ay Dumating.” Isinalin mula sa “The Master Hath Come”
ni Sarah Doudney, 1841-1926; sa tono ng “Ash Grove..”)
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
(설교 끝)
여러분은 Dr. Hymers의 설교를 매주 인터넷 www.realconversion.com
에서 보실수 있습니다. “Sermon Manuscripts” 에 클릭 하시기 바랍니다.
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Ruth 1:8-16.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Panginoon ay Dumating.” Isinalin mula sa
“The Master Hath Come” (ni Sarah Doudney, 1841-1926).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGBABAGONG LOOB NI RUTH ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios” (Ruth 1:16). (Ruth 1:10; 15) I. Una, si Ruth ay naimpluwensyahan ng kanyang makadiyos na
II. Pangalawa, si Ruth ay nasubok, Ruth 1:15, 10; II Ni Timoteo 4:10;
III. Pangatlo, nagtiwala si Ruth sa Diyos, Juan 14:6; I Ni Timoteo 2:5. IV. Pang-apat, sumali si Ruth sa mga tao ng Diyos,
|