Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SI MARTIN LUTHER AT ANG DIABLO

MARTIN LUTHER AND THE DEVIL

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral ng Gabi ng Linggo ng Reporamasyon
sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles, Ika-30 ng Oktubre taon 2011

“Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8).

[Bumaba sa katapusan ng pangaral para sa biyograpikal na iskets ni Luther ng dakilang Bautistang mangangaral na si C. H. Spurgeon].


Patungkol sa tekstong ito, sinabi ni Martin Luther (1483-1546), “Ang masamang espiritu ay hindi natutulog, tuso at malupit…nag-iikot siya na tulad ng isang leon na ginugutom at umuungal na para bang kakainin niya ang lahat” (isinalin mula kay Martin Luther, Th.D., Commentary on Peter and Jude, Kregel Classics, 1990 inilimbag muli, p. 218; kumento sa I Ni Pedro 5:8).

Sinabi ni Dr. Lensko, “Sa panahong ito, sa ilalim ni Nero, ang ungal ng nakatatakot na pag-uusig ay naririnig ng mga naka-aawang mga Kristiyanong mga biktima. Noong Oktubre ng taon 64 [A.D.] ang bagyo ay napawalan. Si Pedro mismo ay naging isang [martir]…Hindi palaga na ang diablo ay umuungal na [tulad nito]…” (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Th.D., The Epistles of St. Peter, St. John and St. Jude, Augsburg Publishing House, 1966, p. 225)

Ang Diablo ay umungal noong unang mga tatlong mga siglo, noong libo-libong mga Kristiyano ay napunit-punit sa pira-piraso ng mga leon sa mga arena ng lumang Roma. Walang duda na iniisip ito ni Pedro noong sinabi niyang,

“Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8).

Ang Diablo ay umungal tulad niyan noong Inhuistiyon noong araw ni Luther, at noong panahon ng Holokost, at noong panahon ng Kultural na Rebolusyon sa Tsina, at sa ilalim ng Muslim na pagkasobra [extremism] sa maraming mga bahagi ng mundo ngayong gabi.

Ngunit ang Diablo ay hindi “umuungal” rito sa Kanlurang mundo. Dito siya ay gumagamit ng isang mas matinding tusong parang ng “[pagsisila]” ng mga tao. Dito ginagamit niya ang materiyalismo (ang pagkakait ng higit sa natural) upang patulugin, at gawin tayong di napapansin ang kanyang presensya. Ngunit ang Diablo ay lihim na napaka aktibo sa Amerika at sa Kanluran. Kahit na kumikilos siya rito sa isang di-nakikitang paraan, ang kanyang layunin ay parehas, “humahanap ng masisila niya.” Sinabi ni Kristo na ang Diablo’y “isang mamamatay-tao buhat pa nang una” (Juan 8:44). Isa sa mga pangalan ng Diablo ay “Abaddon” (Apocalipsis 9:11). Ang salitang “Abaddon” ay nangangahulugang “Manwawasak.” Bukas man o palihim, ang layunin ng Diablo ay ang “mansila,” “pumatay,” “magwasak” ng mga kaluluwa ng tao.

Ang Diablo ay naging napaka matagumpay sa nakatagong gawain na ito na karamihan ng mga Bautistang mga pastor sa Amerika ay minsan lang kung ginagawa man nila ito kailan man ng mga buong mga sermon kay Satanas o mga demonyo. Napaka bulag ng maraming mga mangangaral sa katunayan ng Satanikong gawain, kahit sa sarili nilang mga simbahan!

Anong mga espiritwal na mga hangal naging ang mga Amerikano! Pinayagn natin ang Pagbibigay Pasasalamat, Pasko at Araw ng Muling Pagkabuhay na maipagbawal sa ating mga pampublikong mga paaralan. Gayon halos bawat silid-aralan ay napalamutian ng mga demonyo at mga kalansay at mga mangkukulam at mga bampira na may mga dugo na umaagos sa mga gilid ng kanilang mga bibig upang matitigan ng mga bata tuwing Halloween. Sinasabi ng Bibliya, “Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang” (Mga Taga Roma 1:22), at sinabi ni Shakepeare, “Anong mga hangal ang mga mortal na mga ito.”

Binabalik tayo nit okay Martin Luther. Madalas siyang na-aakusa ng mga ika-20 na siglong mga naimpluwensyahan ng liberalismong mga “iskolar” ng masyadong pagdidiin kay Satanas at ng demoniko. Kahit ang isang konserbatibong makabagong Lutheran na tulad ni Ewald M. Plass ay naging kritikal sa pagdidiin ni Luther sa Diablo. Sinabi ni Plass, “Natural na ibinahagi ni Luther ang maraming pamahiin noon ay sa kasalukuhyan. Walang duda na madalas niyang idinadahilan ang mga gawain ng kadiliman na mga dahil sa natural na sanhi.” Ngunit, gayon, prinotektahan ni Plass ang kanyang sarili sa pagsasabi na, “Posible na ang diablo ay mas kapansinpansing aktibo [sa panahon ni Luther] kaysa sa karaniwan, dahil nadama niya kung gaano karami ang nakataya” (isinalin mula kay Ewald M. Plass, What Luther Says, Concordia Publishing House, 1994 edition, pp. 391-392).

Minamaliit rin ni David L. Larsen ang pagdidiin ni Luther kay Satanas at sa demoniko sa pagsasabing, “si Luther ay tunay na medibal…nakita ni Luther ang lahat ng katauhan ‘na nakakulong sa isang malalim na kaguluhan sa pagitan ng Diyos at ng Diablo habang ang Huling Paghahatol ay mabilis na papalapit’” (isinalin mula kay David L. Larsen, M.Div., D.D., The Company of the Preachers, Kregel Publications, 1998, p. 153).

Walang duda na si Larsen ay natutong makahanap ng pagsisis kay Luther sa paksang ito sa Liberal na Teyolohikal na Seminaryo, isang bagong-ebanghelikal na paaralan kung saan si nakamit ni Larsen ang kanyang Masters na diploma. Natagpuan ko na ang mga estudyante ng Fuller ay mabilis na natututunang maging kritikal ng mga nakaraang mga malalaking mga tao ng ating pananampalataya. Iyan ang paraan na ako’y naturuan sa dalawang liberal na mga seminary kung saan ako’y nagtapos. Ngunit nilabanan ko ang impluwensiyang iyan, at hindi ito nilabanan ni Larsen! Sinabi ni Larsen, “Si Luther ay tunay na medibal…nakita ni Luther ang buong katauhan ‘na nakakulong sa isang malalim na pagkakagulo sa pagitan ng Diyos at ng Diablo habang ang Huling Paghahatol ay mabilis na papalapit.’” Anong mali riyan? Bakit nito ginagawa siyang isang “medibal”? Sa matandang edad nagsabi si Luther ng ilang mga medibal na mga bagay tungkol sa mga Hudyo, at ibang mga bagay, na malakas kong tinatanggihan. Ngunit hindi mali si Luther na isipin na ang sangkatauhan ay “nakakulang sa isang malalim na pagkakagulo sa pagitan ng Diyos at ng diablo”! Tama siya roon – dahil iyan ang itinuturo ng Bibliya!

“Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8).

Karamihan sa mga sinabi ni Luther tungkol sa Diablo at mga demonyo ay mula sa Bibliya.

I. Una, tama si Luther noong nagsalita siya sa pinanggalingan ng Diablo at ng mga demonyo.

Sinabi ni Luther,

      [Saan nanggaling ang Diablo?] Ito ang mga siguradong mga katunayan: Ang mga anghel ay bumagsak at ang diablo ay ginawang isang anghel ng kadiliman mula sa anghel ng liwanag…

Sinasabi ng Bibliya na si Luther ay tama,

“Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan. Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay” (Isaias 14:12-15).

Sinabi ni Luther,

      [Mayroong mga mabubuti at masasamang mga anghel [ngunit] nilikha silang lahat ng Diyos na mabuti. Dahil diyan kinakailangan ng sumunod na ang mga masasamang mga anghel ay bumagsak at hindi tumayong matatag sa katotohanan…napaka posible na sila’y bumagsok sa kabulastugan, dahil sila’y kinamuhian…ng Anak ng Diyos, at ginustong dakilain ang kanilang mga sarili higit sa Kanya (Isinalin mula kay Plass, ibid. p. 391).

Sinasabi ng Bibliya na si Luther ay tama. Parehong sinasabi ng Bibliya at ni Luther ang sinasabi sa atin ng Ezekiel 28:13-17,

“Ikaw [Satanas] ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda. Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga [bato ng apoy. Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo. Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya't inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga [bato ng apoy]. Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka” (Ezekiel 28:13-17).

At patungkol sa mga bumagsak na mga anghel na naging mga demonyo, sinasabi ng sulat ni Hudas,

“Ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw” (Hudas 6).

Ang ilan sa mga bumagsak na mga anghel na mga ito ay nakagapos sa Impiyerno. Ngunit karamihan sa kanila ay mga demonyo na ating nakahaharap sa mundo ngayon. Sinasabi ni Luther, “At kahit na ang mundong ito, na puno ng mga diablo.” “Mga diablo” ay lumang salita para sa mga “demonyo.” Kantahin ito!

At kahit na ang mundong ito, na puno ng mga diablo,
   Ay magbantaang ipahamak tayo,
Hindi tayo matatakot, dahil ginusto ng Diyos
   Na ang katotohanan Niya’y magtagumpay sa pamamagitan natin.
(“Isang Makapangyarihang Harang.” Isinalin mula sa
   “A Mighty Fortress Is Our God” ni Martin Luther, taludtod tatlo.)

II. Pangalawa, tama si Luther noong sinabi niya na ang Diablo ay ang may-akda ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa.

Sinabi ni Luther,

      [Lahat ng kalungkutan ay sa diablo, dahil siya ang panginoon ng kamatayan. Kung gayon ang kalungkutan sa ating pagkakaunay sa Diyos ay tiyak na gawain ng diablo (Isinalin mula kay Plass, ibid., p. 398).

      [       [Madalas tawagin ng Taga-reporma ang diablo na espiritu ng kalungkutan; kinamumuhian ni Satanas ang ilaw, buhay, at tawanan; dahil siya ang espiritu ng kadiliman at kawalan ng pag-asa, at gusto niyang kaladkarin ang tao sa kadiliman at kawalan ng pag-asa, kinakatawan ang kondisyon ng makasalanan bilang isang walang-pag-asa (isinalin mula kay Luther, Plass, ibid., pp. 397-398).

Sinabi ni Luther,

“Pumapana ng mga teribleng mga kaisipan [ang Diablo] sa puso: kamuhian ng Diyos, kalapastangan ng Diyos, at kawalan ng pag-asa. Ito ang mga ‘nangagniningas na suligi ng masama’ Mga Taga Efeso 6:16” (Isinalin mula kay Plass, ibid., p. 399).

Ang mga ito’y mga tunay na mga bagay na aktwal na nangyayari ngayon, sa mga tao kilala nating personal. Isa sa ating mga diakono ay nakausap ang isang binata sa silid ng pag-sisiyasat. Sinabi ni binata, “hindi ako mahal ng Diyos. Hindi ako mahal ni Hesus.” Gaya ng sinabi ni Luther, ang mga ito ay malinaw na mga pag-iisip na nanggaling mula kay Satanas, “kalapastangan ng Diyos at kawalan ng pag-asa.” Tapos binasa ng diakono sa kanya, mula sa Bibliya,

“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).

Noong tinanong ng diakono kung pinaniniwalaan niya nag bersong iyon, tumanggi siyang sumagot. Ang Diablo mismo ang pumigil sa kanyang sumagot! Sinusubukang pigilan tayo ng Diablo mula sa pakikinig ng Bibliya, at mula sa pagtatanggap nito kapag atin itong naririnig. Sinabi ni Luther, “Lahat ng katusuan ng diablo ay isinasagawa sa pagsubok na hatakin tayo papalayo mula sa Salita [ng Diyos]” (isinalin mula kay Plass, ibid., p. 396).

Sinabi ng isang dalaga sa parehong diakono, “Hindi ako napatawad, at hindi ko alam kung bakit.” Maaring hindi niya alam kung bakit, ngunit alam ko kung bakit. Hindi siya napatawad dahil patuloy niyang pinaniniwalaan ang mga kaisipan na inilalagay ni Satanas sa kanyang isipan, kay sa paniniwala ng mga pangako ng Bibliya. Tinatanggihan niya ang mga salita ni Kristo, “ang lumalapit sa akin […] ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37) – KJV. Sinabi ni Luther na “pumapana ng mga teribleng mga kaisipan [ang Diablo] sa puso, ng [mga kaisipan ng] kawalan ng pag-asa.” Sinabi niya, “Lahat ng katusuan ng diablo ay isinasagawa sa pagsubok na hatakin tayo papalayo mula sa Salita [ng Diyos].”

III. Pangatlo, tama si Luther noong ipinakita niya ang kalungkutan at kawalan ng pag-asa ay hindi kaparehas ng paghahatol ng kasalanan.

Sinabi ni Luther na ang kalungkutan at kawalan ng pag-asa ay nanggagaling mula sa Diablo. Ngunit itinuro niya na ang paghahatol ng kasalanan ay mula sa Diyos. Ginagawa ng Bibliya ang parehong pagkakaiba,

“Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay”
       (II Mga Taga Corinto 7:10).

Si Luther ay nagsalita tungkol sa paghahatol ng kasalanan na dumarating bago ng pagbabagong loob. Sinabi ni Luther,

      [Kinakailangan kung ika’y mapagbabagong loob, na ika’y maging natatakot, iyan ay, na magkaroon ka ng naa-alarmang konsensya. Tapos, pagkatapos na ang kondisyong ito nalikha, dapat mong makuha ang konsolasyon na dumarating na nanggagaling hindi mula sa kahit anong gawain ng iyong sarili kundi mula sa gawain ng Diyos. Ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Hesu-Kristo sa mundo upang iproklama sa mga natatakot na mga makasalanan ang awa ng Diyos. Ito ang paraan na pagbabagong loob ay nangyayari; ang ibang paraan ay maling paraan (isinlain mula kay Plass, ibid., p. 343).

Sinabi ni Luther,

      [Sa pamamagitan ng pagpapatunay ang ibig naming sabihin ay tayo ay napapatawad mula sa kasalanan, kamatayan, at ng diablo at ginagawang kasalo sa walang hanggang buhay, hindi sa ating sarili, kundi sa pamamagitan ng tulong mula sa labas, sa pamamagitan ng nag-iisang Anak ng Diyos, si Hesu-Kristo (isinalin mula kay Plass, ibid., p. 343).

Sinabi ni Luther,

      [Wala nang ibang kinakailangan para sa pagpapatunay kundi ang marinig si Hesu-Kristo at ang mananamapaltaya sa Kanya… (isinlain mula kay Plass, ibid., p. 707).

Sa mga puntong ito ang mga Biblikal na mga Protestante at mga klasikal na mga Bautismo ay sumasang-ayon sa Dakilang Taga-repormang, si Luther. Sinabi ng Apostol Pablo mismo, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Wala ng higit pa ang kailangan! Tayo ay naliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo lamang! Paki lipat sa himno bilang tatlo sa inyong kantahang papel. Kantahin ito!

Isang mapakapangyarihang harang ang ating Diyos,
   Isang depensa na hindi bumabagsak,
Ating katulong Siya, sa gitna ng baha
   Ng mortal na pinsala ay nananaig.
Dahil ang ating lumang kaaway
   Ay naghahanap upang gawin tayong mapinsala;
Ang kanyang kaglingan at kapangyarihan ay matindi,
   At, armado ng malupit na kasuklaman,
Sa lupa ay hindi kanyang kapantay.

Gawin natin magtiwala sa ating sariling lakas,
   Ang ating pagpipilit ay matatalo,
Hindi ba ang tamang Tao sa ating panig,
   Ang Tao ng sarili pagpipili ng Diyos.
Tatanungin mo kung sino ito?
   Si Hesu-Kristo, Siya nga;
Panginoon ng Sabaoth ang Kanyang ngalan,
   Sa lahat ng panahon ay pareho,
At dapat niyang tagumpayan ang laban.

At kahit na ang mundong ito, na puno ng mga diablo,
   Ay magbantaang ipahamak tayo,
Hindi tayo matatakot, dahil ginusto ng Diyos
   Na ang katotohanan Niya’y magtagumpay sa pamamagitan natin.
Ang prinsipe ng kadiliman ay malupit –
   Hindi tayo kinikilabutan dahil sa kanya;
Ang kanyang galit ating matitiis, Dahil o!
   Kanyang katapusan ay tiyak,
Isang maliit na salita ay magpapabagsak sa kanya.

Ang salitang iyan higit sa lahat ng lupaing kapangyarihan –
   Walang pasasalamat sa kanila – mamalagi;
Ang Espiritu at ang aguinaldo ay sa atin
   Sa pamamagitan Niya sa atin ay pumapanig.
Hayaan na mga ari-arihan at mga kamag-anak ay mawala,
   Ang mortal na buhay ring ito;
Ang katawan maari nilang patayin:
   Ang katotohanan ng Diyos ay namamalagi pa rin,
Ang Kanyang kaharian ay magpakailan man.
    (“Isang Makapangyarihang Harang” Isinalin mula sa
      “A Mighty Fortress Is Our God” ni Martin Luther, 1483-1546;
       isinalin ni Frederick H. Hedge, 1805-1890.)

ANG BALANGKAS NG BUHAY NI LUTHER

SPURGEON’S SKETCH OF LUTHER’S LIFE

“Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya”
(Mga Taga Roma 1:17).

Sinabi ni Spurgeon,

      Aking ibubuod at ilalarawan ang pagtuturo na ito sa pagbabanggit ng mga tiyak na mga kaganapan ng buhay ni Luther. Sa dakilang Taga-reporma liwanag ng ebanghelyo ay napakawalan ng dahan-dahang bilis. Ito’y sa monasteryo na, sa paglilipat-lipat niya ng Bibliya na nakakadena sa isang poste, na kanyang nakaharap ang siping ito – “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Ang makalangit na pangungusap na ito ay nanatili sa kanya: ngunit hindi niya halos maintindihan ang lahat ng kinalalaman nito. Hindi siya gayon man makahanap ng kapayapaan sa kanyang relihiyosong propesyon at monastikong kagawian. Na hindi nakaalam ng mas maigi, nanatili siya sa pagpepenitentsiya na napakarami, at pagpaparusa na napakahirap, na minsan ay nahahanap siyang hinihimatay sa pagkapagod. Dinala niya ang kanyang sarili sa pintuan ng kamatayan. Kailangan niyang maglakbay sa patungo sa Roma, dahil sa Roma mayroong isang sariwang simbahan sa bawat araw, at tiyak kang makakakamit ng kapatawaran ng mga kasalanan at lahat ng uri ng mga benediksyon sa mga banal na mga altar na mga ito. Pinangarap niyang makapasok ng [Roma] isang lungsod ng kabanalan; ngunit natagpuan niya itong isang pugaran ng mga hipokrito at isang lungga ng kasamaan. Sa kanyang takot narinig niya ang mga kalalakihan na nagsabi na kung mayroon isang impiyerno ang Roma ay itinayo sa ibabaw nito, dahil ito ang pinakamalapit pakaka-alam nito na matatagpuan sa mundong ito; ngunit naniwala pa rin siya sa Papa nito at nagpatuloy siya sa kanyang penitensya, naghahanap ng pahinga, ngunit hindi makahanap na kahit ano…[maya-maya] yinari siya ng Panginoon ng buong pagkalaya mula sa pamanhiin, at nakita na hindi sa pamamagitan ng pari, o kagalingan ng pari, o penitensya, o kahit anong kanyang magagawa, na siya ay mabubuhay, kundi na dapat siyang mabuhay sa kanyang pananampalataya [kay Kristo]. Ang ating teksto ngayong [umaga] ay nagpalaya sa [Katolikong] monghe na ito sa kalayaan, at pinaapoy ang kanyang kaluluwa.

[“Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:17).]

Noong sa wakas ay naintindihan ni Luther ang teksto nagtiwala siya kay Kristo lamang. Nagsulat siya sa kanyang ina, “Naramdaman ko ang aking sariling naipanganak muli at nakadaan sa bukas na mga pintuan papunta sa paraiso.” Sinabi ni Spurgeon,

      Hindi nagtagal noong kanyang pinanampalatayaan ito nagsimula siyang mabuhay ng aktibo. Isang [pari], na nagngangalang Tetzel, ay nag-iikot sa buong Almenya na nagtitinda ng kapatawaran para sa lahat ng kasalanan para sa napakaraming pera. Anomang kasalanan, agad-agad na mahawakan ng iyong pera ang ilalim ng kahon ng [koleksyon] ang iyong mga kasalanan ay wala na. Narinig ni Luther ito, naging galit, at sumigaw na, “Gagawa ako ng butas sa kanyang tambol,” na tiyak din ay kanya ngang ginawa, at sa maraming pang ibang mga tambol. Ang pagpapako ng kanyang sanaysay sa pintuan ng simbahan ay isang tiyak na paraan ng pagpapatahimik ng musika ng indulehensiya. Iprinoklama ni Luther ang kapatawaran ng kasalanan sa pananampalataya kay Kristo na walang pera at walang halaga, at ang indulehensiya ng Papa ay mga bagay ng panunudyo. Si Luther ay nabuhay sa kanyang pananampalataya, at kung gayon siya na kung hindi ay naging tahimik sana, ay kinondena ang pagkakamali na galit na galit na tulad ng isang leon na umuungal sa kanyang biktima. Ang pananampalataya na nasa kanya ay pumuno sa kanya ng matinding buhay, at siya’y sumisid sa digmaan kasama ng kaaway. Pagkatapos ng ilang panahon, tinawag nila siya sa Augsburg, at nagpunta siya sa Augburg, kahit na pinayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na huwag magpunta. Tinawag nila siya bilang isang heretiko, upang sumagot para sa kanyang sarili sa Diet [Impiyeral na Konsel] ng Worms, at lahat ay [nagsabi sa kanya na] lumayo, dahil tiyak na siya’y masusunog [sa poste]; ngunti naramdaman niyang ito’y kinakailangan na ang testimono ay dapat maidala, at kaya sa isang karo siya ay nagpunta sa bawat barrio, at bawat barangay, nangangaral habang siya’y nagpupunta, ang mahihirap na mga tao nagsisilabasan makamayan ang taong tumatayo para kay Kristo at ang ebanghelyo na tinataya ang kanyang buhay. Matatandaan mo kung paano siya tumaya sa haarap noong agostong pagtitipon [sa Worms], at kahit na alam niya na sa maaabot ng kapangyarihan ng tao na ang kanyang depensa ay magkakahalaga ng kanyang buhay, dahil maari siyang, [masunog sa poste] tulad ni John Huss, gayon siya’y [kumilos na tulad ng] isang lalake para sa Panginoon kanyang Diyos. Sa araw na iyon sa German Diet [na Korte] si Luther ay gumawa ng isang gawain na mga sampung libong ulit na mga ina ng mga anak ang nagbasbas ng kanyang pangalan, at binasbasan pa ng higit pa ang ngalan ng Panginoon kanyang Diyos (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “A Luther Sermon at the Tabernacle,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1973 inilimbag muli, Kabuuan XXIX, pp. 622-623).

“Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:17).

Ang una kong pagkatagpo kay Luther ay sa isang Bautismong simbahan, mahabang panahon na ang nakalipas, noong mga maagang bahagi ng mga taong 1950. Isang gabi ng Linggo ipinakita nila ang isang itim-at-putting pelikula tungkol sa kanya. Mukhang siyang isang di pangkaraniwang tauhan mula sa nakaraan, na walang masasabi na makaiinteresado sa akin. Mukhang nakayayamot ang pelikula at mahaba, at nagkataka ako kung bakit nag-abala pa ang aking pastor, si Dr. Walter A. Pegg, na ipakita ito. Dapat kong idag-dag na ngayon mayroon na akong lubos na ibang pananaw ng pelikulang ito. Iniibig kong panoorin na ito ngayon! I-klik ito upang makakita ng isang eksena mula sa pelikulang ito.

Ang aking pangalawang pagkatagpo kay Luther ay dumating ng maya-maya, pagkatapos kong mapagbagong loob. Nabasa ko ang pagbabagong loob na karanasan ni John Wesley, kung saan sinabi ni Wesley,

Noong gabi ako’y nagpunta ng lubos na di ko kagustuhan sa isang lipunan sa Aldersgate Street, kung saan may isang nagbabasa ng paunang salita ni Luther sa Sulat sa mga Taga-Roma. Mga sangkapat bago ng alas nuwebe, habang inilalarawan niya ang pagbabago na ginagawa ng Diyos sa puso sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, naramdaman ko ang aking pusong di pangkaraniwang mainit. Naramdaman ko na nagtiwala ako kay Kristo, si Kristo lamang para sa kaligtasan; at isang kasiguraduhan ang ibinigay sa akin, na kanyang kiniuha ang aking mga kasalanan, kahit ang aking kasalanan, at iniligtas ako mula sa batas ng kasalanan at kamatayan (isinalin mula kay John Wesley, The Works of John Wesley, third edition, Baker Book House, 1979 inilimbag muli, kabuuan I, p. 103).

Ito’y lumikha ng impresyon sa akin, dahil alam ko na si Wesley ay nagpatuloy na maging isa sa mga pinaka makapangyarihang mangangaral sa loob ng Unang Dakilang Pagkagising. Si Wesley ay napagbagong loob habang nakikinig sa mga salita ni Luther sa pagpapatunay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo.

Maya-maya pa rin, natutunan ko na si John Bunyan, ang ating Bautistang ninuno, ay nabasa si Luther noong siya ay pambihirang napagbagong loob, “Pinalalawak ang kanyang pag-aaral ng Kasulatan gamit ng mga pagsusulat ni Martin Luther” (isinalin mula sa Pilgrim's Progress, Thomas Nelson, 1999 inilimbag muli, publisher's panimula, p. xii). Si Bunyan ay nagpatuloy na maging isa sa mas malawakang binabasang Bautistang may-akda ng buong panahon!

Si John Wesley, ang Metodista, ay napagbagong loob sa pamamagitan ng pakikinig ng mga salita ni Luther. Si John Bunyan, ang Bautista, ay natulungan sa kanyang pagkikipaglaban para sa pagbabagong loob sa pamamagitan ng pagbabasa ng isinulat ni Luther. Naisip ko na mayroon sigurong matinding kabutihan sa pagbabasa ni Luther sa kabila ng lahat.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Isaias 14:12-15.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kristiyano, Nakikita Mo Ba Sila.” Isinalin mula sa
“Christian, Dost Thou See Them?” (ni Andrew of Crete,
660-732; isinalin mula kay John M. Neale, 1818-1866;
sa tono ng “Onward, Christian Soldiers”).


ANG BALANGKAS NG

SI MARTIN LUTHER AT ANG DIABLO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8).

(Juan 8:44; Apocalipsis 9:11; Mga Taga Roma 1:22)

I.   Una, tama si Luther noong nagsalita siya sa pinanggalingan ng Diablo
at ng mga demonyo, Isaias 14:12-15; Ezekiel 28:13-17; Hudas 6.

II.  Pangalawa, tama si Luther noong sinabi niya na ang Diablo ay ang
may-akda ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa, Juan 3:16; 6:37.

III. Pangatlo, tama si Luther noong ipinakita niya ang kalungkutan at
kawalan ng pag-asa ay hindi kaparehas ng paghahatol ng kasalanan,
II Mga Taga Corinto 7:10; Mga Gawa 16:31.