Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGBABAGONG LOOB NI AGAR THE CONVERSION OF HAGAR ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios” (Mga Taga Efeso 2:8). |
Ngayong umaga ako’y magsasalita tungkol sa kwento ni Agar sa Aklat ng Genesis. Ang buhay ni Agar ay nagbibigay ng ganap na halimbawa ng biyaya ng Diyos sa pagbabagong loob ng isang makasalanan. Ito’y isang marumi at malupit na kwento. Ipinapakita nito na lahat ng mga tao sa kanilang natural na kondisyon ay makasalanan. Noong si Adam ay nagsala sa simula ng lahi ng tao, lahat ng kanyang mga sumunod sa kanya ay naging mga mgakasalanan sa kalikasan, “sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao” (Mga Taga Roma 5:12). Simula noong Pagbagsak lahat tayo ay ipinanganak na “patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5).
Hindi ako pupunta sa lahat ng mga teribleng mga kasalanan sa kwento ni Agar. Siya ay isang taga-Ehipto. Siya ay inupahan ni Sarai bilang kanyang katulong. Ang asawa ni Abram si Sarai ay nagkasala sa di paniniwala na bibigyan siya ng Diyos ng anak. Si Sarai ay nagkasala sa pagsasabi kay Abram na magka-anak kay Agar. Tapos si Agar ay nagkasala sa dalagang babaeng ito. Ngunit si Agar mismo ay isang nawawalang makasalanan din. Siya ay isang taga-Ehipto na hindi kilala ang Panginoon.
Sesentro ako sa pagbabagong loob ni Agar, gayun man, at hindi sa nakahihiyang parte ng mga kaganapang ito. At naniniwala ako na ang kwento ng pagbabagong loob ni Agar ay maaring makatulong sa ilan sa inyong di pa napagbabagong loob ngayon umaga.
I. Una, si Agar ay naligtas sa kabila ng masamang saksi ni Abram at Sarai.
Ang ilan sa inyong mga di napagbagong loob na mga kabataan ay pinalaki rito sa simbahan. Nakakita kayo ng maraming masasamang halimbawa noong mga nagdedeklarang mga Kristiyano. Madalas sinasanhi nito ang mga “bata sa simbahan” na mag-isip na “hindi ito maaring totoo. Tignan kung paano kumilos ang mga taong ito.” Ang rebelyon noong mga nilisan ang simbahan ay nagdadala sa iyong isipin na maaring hindi totoo ang Ebanghelyo. Gumagamit ang Diablo ng mg masasamang mga halimbawa upang tuksuhin kang pagdudahan ang katotohanan ng pagbabagong loob. Ginagawa kang pag-isipin ni Satanas, “Paano ito magiging totoo?” Libo libong mga tao sa mga simbahan sa buong mundo ay nawala ang kanilang mga kaluluwa dahil sa masamang halimbawa ng mga miyembro ng simbahan. Ito’y isa sa mga pangunahing gamit ni Satanas upang bitagin ang mga tao at kaladkarin sila pababa sa Impiyerno.
Hindi lamang ito totoo patungkol sa mga bata sa simbahan. Ang mga kabataang kamakailan lang na pumasok sa simbahan ay magkakaroon ng parehong bagay na itatapon sa kanila ng Diablo. Tulad ni Agar, ang dalagang taga-Ehipto na katulong ni Sarai, makikito mo ang pag-iba-iba at maling mga gawain ng ilan na nagsasabi na sila ay mga Kristiyano. Nakita ni Agar ang kasalanan ni Abram at Sarai. Maaring nilito siya nito ng lubos.
Noong ako’y dinala sa Unang Bautismong Simbahan ng Huntington Park, California, bilang isang 13 taon gulang binatilyo, nakita ko ang mga tinawag na mga “Kristiyanong” gumawa ng mga karumaldumal na mga bagay sa isa’t-isa. Ako’y naitapons sa gitna ng teribleng pagbibiyak ng simbahan. Nakita ko ang mga miyembro ng simbahan na magmurahan, at pati magbatuhan ng aklat ng mga himno sa isa’t-isa, sa loob ng isang umaga ng Linggong paglilingkod! Halos lahat ng mga kabataan na aking edad ay huminto sa pagpupunta sa simbahan ng sabay-sabay pagkatapos ng isang panahon. Bakit ako nanatili sa simbahan? Maari ko lang sabihin na nanatili ako dahil sa di matanggihang biyaya ng Dyos! Oo, ang di matanggihang biyaya ng Diyos! Sinasabi ng Bibliya,
“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios” (Mga Taga Efeso 2:8).
Noong ako’y isang binata, marami sa mga Bautistang kilala ko ay ginawa ang halos lahat ng posibleng upang lituhin ako at pigilan akong maging isang Kristiyano! Tumitinggin pabalik, ako’y namamangha na ako’y naligtas! Namamangha ako na ako’y naligtas kailan man, pagkatapos na makakita ng napaka raming mga teribleng mga bagay sa Bautismong simbahan na iyon! “Nakamamnghang Biyaya!” Kantahin ito!
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
(“Nakamamanghang Biyaya,” isinalin mula sa
“Amazing Grace” ni John Newton, 1725-1807).
Katulad ni Agar, ako’y naligtas dahil sa purong biyaya ng Diyos, sa kabila ng masamang saksi at lubos na kasamaan ng maraming mga tinawag na “Kristiyano” sa simbahang iyon!
Mayroon pa akong kailangang sabihin. Ang kaso ni Agar ay hindi pangkaraniwan. Ni ang aking kaso. Bawat tunay na Kristiyano rito ngayong umaga ay dumaan sa parehong karanasan. Bawat tunay na Kristiyano rito ngayong umaga ay naligtas dahil sa di matanggihang biyaya, sa kabila ng masamang saksi at kasalanan ng ibang mga miyembro ng simbahan. Wala ni isa sa mga kilala ko ang naligtas mula sa maapoy na pagsubok ng pagkakakita ng kalupitan ng mga huwad na mga Kristiyano! Ngunit alam ko mula sa karanasan, kung pagdadanan mo ang apoy ay papakinisin ka nito. Ika’y haharap bilang ginto! Sabi ng lumang himno,
Kapag sa pamamagitan ng maapoy na
pagsubok ang daana’y nakalatag,
Ang aking biyaya ay buong sapat ay
magiging iyong panustos;
Hindi ka masasaktan ng apoy;
Akin lamang nilikha;
Ang iyong karumihan upang matupok, at
iyong ginto upang mapakinis.
(“Napaka Tatag na isang Pundasyon.” Isinalin mula sa
“How Firm a Foundation,” may-akda di kilala,
“K” in “Rippon’s Selection of Hymns,” 1787.)
Hindi ka mapipigilan ng mga magulan! Hindi ka mapipigilan ng mga kaibigan! Hindi ka mapipigilan ng mga huwad na mga Kristiyano kapag sila’y umalis ng simbahan. Hindi ka nila mapipigilan! Ang mga ito’y mga maapoy na mga pagsubok, ngunit hindi ka nila mapipigilan. Kung ang di matanggihang biyaya ng Diyos ay nagdadala sa iyo kay Kristo – walang makapipigil sa iyo mula sa pagpupunta sa Kanya! Aleluya, Aleluya! Kung ika’y di matanggihang nadadala, mahahanap mo si Kristo – ano man ang gawin nila sa iyo! “Nakamamanghang Biyaya.” Kantahin ito muli!
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
II. Pangalawa, naranasan ni Agar ang Diyos sa unang pagkakataon.
Si Sarai ngayon ay gumawa ng isang bagay kay Agar na mas terrible pa. Itinaboy ni Agar si Sarai papalayo at, “tumakas mula sa kaniyang harap” (Genesis 16:16). Ngayon si Agar ay nag-iisa, buntis, nasa ilang, sa desiyerto, kung saan siya ay nalalapit nang mamatay ng pagkagutom. Ngunit ang anghel ng Panginoon ay dumating sa kanya, nag-iisa doon sa tuyong desiyertong iyon. Sumasang-ayon ako kay Dr. McGee “na ang Anghel ng Panginoon ay wala nang iba kundi ang naunang nakalamang taong si Kristo. Ito ang katangian Niya: palagi Siyang nagbabantay para sa mga nawawala” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1981, kabuuan I, p. 71).
Sinabi ni Kristo kay Agar bumalik kay Sarai “at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay” (Genesis 16:9). Paki lipat sa Genesis 16:13-14. Magsitayo at basahin ang dalawang mga bersong iyon ng malakas.
“At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin? Kaya't nginalanan ang balong yaon Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered” (Genesis 16:13-14).
Maari nang magsi-upo. Pinangalanan ni Agar ang balon na iyon kung saan siya na “Beerlahairoi.” Ang Hebreo na nangangahulugang, “Ang balon niyong Siya na nabubuhay at nakikita ako.” At sinabi ni Agar, “Ikaw na Dios na nakakakita [sa akin].” Sinabi niya, ngayon ay nakita ko na ang nakakikita sa akin.
Nakita na ni Agar si Abram na magdasan ng mga ritwal na mga panalangin at alay sa Diyos. Narinig na niya si Abram at Sarai na magdasal sa Diyos. Ngunit hindi pa nila naranasan ang Diyos mismo. Ngayon sa unang beses ang Diyos ay naging totoong tao sa kanya. Siya ay ang “[Siyang] nakakakita [sa akin].”
Si Dr. Cagan, ang aming diakono, ay naging isang ateyistiko ng kanyang buong buhay. Sinabi niya, “hindi ako naniwala sa pagkabuhay ng Diyos. Kahit na hindi ko pa nababasa ang Bibliya ako’y matatag na kumbinsido na puno ito ng mga pagkakamali. Naisip ko na ang Kristiyanismo ay para sa mga ignoranteng mga tao na nangangailangan ng isang bagay na paniwalaan. Noong ako’y dalawampung-isang taong gulang naktagpo ko ang ilang mga ebanghelikal. Sila’y mabait sa akin, ngunit tumanggi akong maniwala kay Hesus. Mayroon akong sariling mga plano. Hindi ko gustong humadlang Siya sa aking hinaharap. Ngunit ako na ngayon ay nag-iisip patungkol sa mga espiritwal na mga bagay. Sa panahong ito sinabi ko sa isang kaibigan, ‘Kung mayroong isang Diyos, dapat Siya ang pinaka mahalagang bagay sa mundo’…Tapos noong taglagas ng taong 1974 nagkaroon ako ng direkta at biglaang karanasan sa Diyos…Ang sandali ng malaking pagbabago ay dumating ng 4:00 ng umaga isang gabi noong ako’y humiyaw ng, ‘Diyos, patawarin mo ako.’ Iyan ang unang beses na ako’y kailan man nanalangin sa aking buhay…alam ko agad-agad malalim sa loob ko, ang Diyos ay totoo…Ngunit hindi pa ako isang Kristiyano. Ang karanasan na nagkaroon ako kasama ang Diyos ay napakatunay sa sa akin, ngunit hindi ako handing maniwala kay Hesu-Kristo. Hindi ako malugod na pumapayag na sumuko sa Kanya. Nakipaglaban ako sa loob sa mga pag-iisip tungkol kay Kristo sa loob ng higit sa dalawang taon pa” (isinalin mula kay C. L. Cagan, Ph.D., From Darwin to Design, Whitaker House, 2006, p. 17).
Ako mismo ay naalala ang sandal noong ang Diyos ay naging nakakikilabot na totoo sa akin sa unang pagkakataon. Naniwala ako sa Diyos noon, ngunit naalala ko ang oras noong ako’y tinakot ng banal na Diyos ng Kasulatan. Ako’y labin limang taong gulang. Bumagsaka ako sa lupa na may mga luha at ang Diyos ay bumaba sa akin tulad ng isang karga sa akin, pinupukpok ako’t pinupukpok para sa aking kasalanan. Naroon ako, malayo sa ilalim ng ilang mga puno, ng ilang mga oras. Ngunit, tulad ni Dr. Cagan, hindi ako naging isang Kristiyano hanggang sa ilang taon pagkatapos. Sa loob ng mga taon na iyon, ako’y nasa ilalim ng mabigat na kumbiksyon ng kasalanan sa karamihan ng oras, ngunit hindi ako ligtas.
Ito rin ang naging kaso ni Agar. Masasabi na niya ngayon sa kanyang puso, “Ikaw ay Dios na nakakakita [sa akin].” Ang Diyos ngayon ay naging tunay sa kanya sa unang beses sa kanyang buhay, ngunit hindi pa rin siya naligtas. “Nakamamanghang Biyaya.” Kantahin ito!
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
Karamihan sa mga tao ay dumadaan sa simbahan na walang tunay na paniniwala sa Diyos. Lahat ng kanilang nakikita ay ang mga tao. Hindi nila kailan man nararamdaman na nakikita sila ng Diyos.
Naramdaman mo na ba ang teribleng presensiya ng Diyos? Alam mo ban a nakikita ka Niya? Napaka kaunting mga tao ang tumatalon mula sa tunay na Kristiyanismo hangga’t kanilang malaman muna sa kanilang mga puso na mayroong isang Diyos na mukhang nakakakita sa kanila, at hinahatulan ang kanilang mga kasalanan, na alam Niya ang lahat ng patungkol sa kanila – sa detalye – na nakatala sa Kanyang Aklat ng Paghahatol. Naramdaman mo na ba kailan man ang presensiya ng Banal ng Diyos, na alam ang iyong mga kasalanan, at ipapahamak ka sa Impiyerno dahil sa mga ito?
Sa puntong ito, nararamdaman ng isang tao na ang Diyos ay nariyan. At alam nila na nakikita sila ng Diyos – nakikita sila kapag sila’y nagkakasala, nakikita ang kasalanan sa kanilang mga puso, nakikita ang kanilang makasalanang mga pag-iisip at malulupit na mga puso, nakikita ang kanilang nagsisinungaling, at pandaraya, at rebelyon, at kabulukan, at kasakiman. Isang babae ang nagsabi, “Ako’y nandiri sa aking sarili.” Mararamdaman mo ang ilan sa mga iyan kapag iyong matatanto, “Ikaw ay Dios na nakakakita [sa akin].” Nakakahiya kapag nakikita ng Diyos ang bawat kasalanan na iyong nagawa! Gayon man, hanggang sa iyong maramdaman ang bigat ng iyong kasalanan sa paningin ng isang banal na Diyos, hindi mo kailan man mararamdaman ang iyong pangangailangan kay Hesu-Kristo. Hindi mo kailan man mararamdaman ang iyong pangangailangan para sa nakalilinis na Dugo ni Hesus hanggang sa iyong maramdaman, “Ikaw ay Dios na nakakakita [sa akin].” “Ito’y biyaya na nagturo sa aking pusong matakot.” Kantahin ito!
Ito’y biyaya na nagturo sa aking pusong matakot,
At biyaya ang nagpatigil ng takot;
Anong kamahalan na ang biyaya ay nagpakita
Sa oras na ako’y unang naniwala!
III. Pangatlo, ang mga mata ni Agar ay nabuksan at uminom siya mula sa balon.
Paki lipat sa Genesis 21. Tumingala. Nang pangalawang beses itinaboy ni Sarah si Agar sa ilang. Ngayon ang pagkain at ang tubig ay wala na lahat. Si Agar ay nagdasal sa Diyos upang iligtas ang kanyang anak. Siya’y nasa malalim na kawalan ng pag-asa. Ngunit si Kristo ay nagpunta muli sa kanya. Basahin ang mga berso 15-19 ng malakas.
“At naubos ang tubig sa bangang balat, at kaniyang inilapag ang bata sa ilalim ng isa sa mabababang punong kahoy. At yumaon at naupo sa tapat niya, na ang layo ay isang hilagpos ng pana; sapagka't sinabi niya, Huwag kong makita ang kamatayan ng bata. At naupo sa tapat, at naghihiyaw at umiyak. At narinig ng Dios ang tinig ng bata; at tinawag ng anghel ng Dios si Agar, mula sa langit, at sa kaniya'y sinabi, Naano ka Agar? Huwag kang matakot; sapagka't narinig ng Dios ang tinig ng bata sa kinalalagyan. Magtindig ka, iyong itayo ang bata, at alalayan mo siya ng iyong kamay; sapagka't siya'y gagawin kong isang bansang malaki. At idinilat ng Dios ang kaniyang mga mata, at siya'y nakakita ng isang balon ng tubig: at naparoon at pinuno ng tubig ang bangang balat, at pinainom ang bata” (Genesis 21:15-19).
O, ang biyaya ng Diyos ang nagdala sa kanya, sa kabila ng teribleng saksi nina Abram at Sarai. Ang biyaya ng Diyos ang nagbigay diwa na “Ikaw ay Dio na nakakakita [sa akin].” At ngayon ang biyaya ng Diyos ang nagdala sa kanya palabas ng ilang na mag-isa, “At naubos ang tubig sa bangang balat…At naupo siya…at humiyaw at umiyak” (Genesis 21:15-16). Mayroon bang ilan sa inyong nasa ganoong kondisyon ngayon umaga? Ang tubig ba’y naubos sa iyong bangang balat? Ang mga pag-asa mo ba ng kaligtasan natuyo na? Nararamdaman mo bang nag-iisa sa ilang ng mundong ito? Humiyaw ka na ba at umiyak dahil sa iyong mga kasalanan, at sa iyong walang pag-asang sitwasyon? Umiyak ka na ba hanggang saw ala nang mga luhang natira? Mayroon bang mga luha sa iyong puso ngayon umaga dahil sa iyong nawawalang kondisyon? Naramdaman mo na ba ang kahit ano sa mga iyan? Kung ang kahit ano sa mga iyan ay totoo, gayon maaring mayroon pang pag-asa para sa iyo!
Si Kristo ay nagpunta kay Agar sa kanyang kawalang ng pag-asa, habang siya’y umiiyak. “At idinilat ng Dios ang kaniyang mga mata, at siya'y nakakita ng isang balon ng tubig: at naparoon at pinuno ng tubig ang bangang balat…” (Genesis 21:19). Uminom ang bata, at si Agar ay uminom – at nabuhay sila!
Si Kristo ang tubig ng buhay. Sinabi ni Kristo, “Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom” (Juan 7:37). O, magpunta kay Hesus at “kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay” (Apocalipsis 22:17). Nangangaral sa pagkauhaw ni Agar, sinabi ni Spurgeon,
Alam mo na ang tubig ng buhay ay kinagugustuhan; alam mo ang higit pa riyan; [nauuhaw] ka na may panloob na kagustuhan upang uminom nito. Ang iyong kaluluwa ngayon ay nasa isang kalagayan na kung hindi mo mahanap si Hesus, hindi ka kailan man magiging maligaya na wala siya…ang iyong palaging hiyaw ay “Ibigay sa akin si Kristo! Ibigay sa akin si Kristo, o ako’y mamamatay!” …
Umaasa ako na may [ilan] sa inyo na nasa bingit ng kaligtasan na hindi ito nalalaman. Mayroon nang higit na paghahandang gawain sa iyo, dahil ika’y dinala sa upang hangarin [ang] Tagapagligtas, na iyong [hinahangad] upang maligtas niya. Nariyan siya, kunin mo siya! Kunin mo siya! Ang tasa ng tubig ay inilagay sa harap mo! Inumin ito! …Inumin ito agad-agad. Magpunta kay Hesus bilang ikaw. (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Agar: Eyes Opened,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, March 18, 1866, mula sa Sermons on Women of the Bible, Hendrickson Publishers, n.d., pp. 32, 37).
Bakit hindi nakita ni Agar ang balon ng tubig ng mas maaga? Sinabi ni Dr. John Gill (1697-1771) na maaring ang kanyang mga mata ay namamagang lubos dahil sa pag-iiyak. Kinailangan ng Diyos na buksan ang mga ito upang Makita niya ang balon na nasa harapan niya! Iyan ba’y maaring ang kondisyon mo? Maari kaya na ika’y lumuha ng napakatagal na ang mga mata ng iyong puso ay sumara dahil sa pamamaga? Ano man ang dahilan, sinasabi ng talata sa atin, “idinilat ng Dios ang kaniyang mga mata, at siya'y nakakita ng isang balon ng tubig” (Genesis 21:19). O, naway ang mahal na Banal na Espiritu ay magbubukas ng iyong mga mata upang Makita si Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya ngayong umaga. Sinabi ni Kristo, “Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom” (Juan 7:37).
Ang batang si George Whitefield (1714-1770) ay sinubukan ang lahat upang maligtas. Sa wakas ang kawawang itinapon ng kawawang si Whitefield ang kanyang sarili mula sa kanyang kama at umiyak, “Nauuhaw ako! Nauuhaw ako!” Halos kaagad-agad si Hesus ay dumating sa kanya at pinawi ang kanyang nauuhaw ng kaluluwa, at naligtas! Paki lipat sa himno bilang pito sa inyong kantahang papel. Kantahin ito!
O! lahat na nauuhaw sa kaluluwa,
O! lahat ng nag-aalala at nalulungkot,
Magpunta sa bukal, mayroong kapunuan kay Hesus,
Lahat ng iyong hinahangad, magpunta at maging natutuwa.
Magbubuhos ako ng tubig doon sa mga nauuhaw,
Magbubuhos ako ng mga baha sa tuyong lupain;
Buksan ang iyong puso para sa aguinaldong aking dinadala,
Habang [ika’y] naghahanap Ako’y, mahahanap.
Anak ng mundo, ikaw ba’y pagod na sa pagkabilanggo?
Nag-aalala sa mga ligaya ng lupa, na napaka huwad, napaka di tunay;
Nauuhaw para [kay Kristo], at ang Kanyang kabuuan ng biyaya?
Nakalista sa pangako – isang mensahe para sa iyo.
Magbubuhos ako ng tubig doon sa mga nauuhaw,
Magbubuhos ako ng mga baha sa tuyong lupain;
Buksan ang iyong puso para sa aguinaldong aking dinadala,
Habang [ika’y] naghahanap Ako’y, mahahanap.
(“O! Ang Bawat Isang Nauuhaw.” Isinalin mula sa
“Ho! Every One That is Thirsty” ni Lucy J. Rider, 1849-1922;
binago ng Pastor).
Sinabi ni Hesus, “Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom” (Juan 7:37). O, magpunta sa simpleng pananampalataya kay Hesus at “[kunin] walang bayad ng tubig ng buhay” (Apocalipsis 22:17). Si Hesus ay namatay sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay at pumaitaas pabalik sa langit. Naroon siya upang iligtas ka. Sinabi niya, “Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom.” Magpupunta ka ba sa Kanya? Panalangin ko na ibibigay sa iyo ng Diyos ang biyaya upang magawa ito ngayong umaga. “Anak ng Mundo.” Kantahin ito muli!
Anak ng mundo, ikaw ba’y pagod na sa pagkabilanggo?
Nag-aalala sa mga ligaya ng lupa, na napaka huwad, napaka di tunay;
Nauuhaw para [kay Kristo], at ang Kanyang kabuuan ng biyaya?
Nakalista sa pangako – isang mensahe para sa iyo.
Magbubuhos ako ng tubig doon sa mga nauuhaw,
Magbubuhos ako ng mga baha sa tuyong lupain;
Buksan ang iyong puso para sa aguinaldong aking dinadala,
Habang [ika’y] naghahanap Ako’y, mahahanap.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Genesis 21:15-19.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O! Ang Bawat Isang Nauuhaw.” Isinalin mula sa
“Ho! Every One that is Thirsty” (ni Lucy J. Rider, 1849-1922).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGBABAGONG LOOB NI AGAR ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios” (Mga Taga Efeso 2:8). (Mga Taga Roma 5:12; Mga Taga Efeso 2:5) I. Una, si Agar ay naligtas sa kabila ng masamang saksi ni Abram II. Pangalawa, naranasan ni Agar ang Diyos sa unang pagkakataon, III. Pangatlo, ang mga mata ni Agar ay nabuksan at uminom siya |