Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




KASAMA NI DR. SUNG SA LIBERAL NA SEMINARYO

(PANGARAL BILANG 2 KAY DR. JOHN SUNG)

WITH DR. SUNG AT THE LIBERAL SEMINARY
(SERMON #2 ON DR. JOHN SUNG)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles,
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-2 ng Oktubre taon 2011

“Na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal” (Mga Taga Efeso 1:6).


Inaaral ko ngayon ang buhay ni Dr. John Sung, ang dakilang Tsinong ebanghelista ng mga taong 1930. Sa pag-aaral ko ng buhay ni Dr. Sung natuklasan ko ang maraming pagkakapareho, at ilang mga pagkakaiba sa kanyang buhay at sa aking buhay na sa palagay ko ay pagkakainteresan mga taga basa ng aking mga sermon.

Naunang Buhay

Maraming pagkakaiba sa buhay ko mula sa buhay ni Dr. Sung. Siya ay ipinanganak sa isang Kristiyanong pamilya. Ako’y ipinanganak sa isang di-Kristiyanong pamilya. Ang ama ko ay isang ahente. Hindi gusto ng ama kong ako’y maging isang ministor. Si Dr. Sung ay isang matalinong mag-aaral mula sa simula pa lang, nakakuha ng Ph.D. sa loob ng 21 na buwan bilang isang binata sa kanyang gitnang mga benteng edad sa isang unibersidad sa Amerika. Ako, sa kabilang dako, ay lumagpak mula mataas na paaralan, naghirap matapos ito sa gabi at nagpatuloy na lumagpak sa paaralan ng Bibliya, ngunit napagbagong loob bago pa lamang umalis ng paaralan. Si Dr. Sung ay lagi nang matalinong estudyante. Nakuha niya ang kanyang Bachelor’s degree Cum Laude. Nakuha niya ang kanyang Masters degree sa kimika sa loob lamang ng 9 na buwan, at isang Ph.D. sa kimika sa loob lang ng 21 na buwan. Ako’y isang napaka hinang estudyante hangang sa pagkatapos ng aking pagbabagong loob. Bumagsak ako ng mataas na paaralan at bumagsak sa unang beses na ako’y nagpunta sa kolehiyo. Siya ay napagbagong loob noong siya ay nasa isang seminaryo, habang ako ay napagbagong loob bago ako pumasok ng kolehiyo ng pangalawang beses. Ako ay napagbagong loob habang ibinibigay ang isang sermon sa kapilya sa Kolehiyo ng Biola [ngayon ay Unibersidad na] ni Dr. Charles J. Woodbridge ika-28 ng Setyembre taon 1961. Si Dr. Sung ay napagbagong loob sa katapusan ng kanyang unang taon sa Unyong Teyolohikal na Seminaryo sa Lungsod ng New York. “Lahat Para Kay Hesus!” Kantahin ang koro na iyon!

Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras;
Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras

Buhay sa Seminaryo

Noong si Dr. Sung ay nagpupunta sa liberal na Unyong Seminaryo na maraming magkakagaya ang nangyari na gumawa sa aming mga buhay na magkapareho. Ako’y tinawag sa ministro, bago ng aking pagbabagong loob, sa Unang Bautismong Simbahan ng Huntington Park, sa California. Tulad ni Dr. Sung, ako’y naging napaka interesado sa loob ng panahon na ito sa pag-eebanghelismo ng mga Tsino. Pagkatapos kong basahin ang aklat sa buhay ni James Hudson Taylor, at ang Pag-uulat ng buhay ni John Wesley, nadama ko na tinatawag ako ng Diyos na mangaral bilang isang misyonaryo sa Taiwan o Hong Kong. Nagsimula kong mag-aral ng Tsino sa mga unang taon ng 1960, ngunit pinutol ang pag-aaral ng Tsino noong nag-umpisa akong mag-aral sa Kolehiyo ng Lungsod ng Los Angeles. Noong Enero ng 1961 sumali ako sa Unang Tsinong Bautismong Simbahan ng Los Angeles [First Chinese Baptist Church of Los Angeles]. Nagkaroon ako ng mabigat na listahan ng mga gawain araw araw noong mga taon na iyon ng pag-aaral, nagpupunta sa kolehiyo tuwing gabi, habang nagtuturo ng Linggong Paaralan, nangangaral bawat Linggo sa mga bata sa Simbahan para sa mga Kabataan. Ako’y nagtratrabaho sa araw, at nagpupunta sa kolehiyo ng gabi. Sa lahat ng gawain ko sa simbahan tuwing katapusan ng linggo totoong ito’y napaka hirap. Nakabasa ako ng isang aklat na inirekomenda ng pampangulong kandidatong si Richard Nixon, na pinamagatang Ang Kapangyarihan ng Positibong Pag-iisip [The Power of Positive Thinking] ni Dr. Norman Vincent Peale. Hindi ko alam sa oras na iyon na si Dr. Peale ay isang liberal. Ngunit mayroong isang kapitulo sa kanyang aklat na nagkaroon ng positibong impresyon sa akin. Sa kapitulong iyon sinabi niyang memoryahin ang Mga Taga Filipo 4:13 at angkinin ang pangakong nito,

“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa [kay Kristo na] nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipo 4:13) – [KJV].

Ang pag-aangkin ng pangakong iyan ng berso ay isang punto ng pag-ikot sa buhay ko. Aking pinagnilayan ang Mga Taga Filipo 4:13 bawat araw, at ang pangakong iyan ay naging katotohanan sa akin, habang binigyan ako ni Kristo ng lakas upang sa wakas ay pag-igihan ang kolehiyo, habang nagtratrabaho sa Dibisyon ng Korporasyon ng Bansa ng California sa silid ng sulat, at ng papeles; habang nagbubuhat ng punong bigat ng mga kurso sa gabi, ngunit ginagawa ang lahat noong gawain sa Unang Tsinong Bautismong Simbahan ng katapusan ng linggo. Nagtapos ako mula sa Cal State L.A. noong tagsibol ng 1970. “Lahat Para Kay Hesus.” Kantahin ang koro muli!

Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras;
Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras

Ang Unang Tsinong Bautismong Simbahan ay kakapit ng Timog Bautsimong Kombensyon [Southern Baptist Convention]. Ako’y sinabihan ng mga Timog Bautismo na ako’y dapat magpunta sa seminaryo upang ma-ordina. Kahit na ako’y nabigyan ng lisensyang mangaral sa Unang Timog na Bautismong Simbahan ng Huntington Park, sa California noong Setyembre 1960, at nakumpleto ang Bachelor’s degree ng taon 1970, hindi ako oordinahin ng mga Timog Baustimo hanga’t ako’y kumupleto ng tatlong taong Master ng Divinity degree sa Seminaryo. Wala akong sapat na perang naipon upang magpunta sa mas konserbatibong Talbot Paaralan ng Teyolohiya [Talbot School of Theology] sa Biola, kaya nadama ko na nag-iisang maaring gawin ay magpunta sa Golden Gate Bautismong Teyolohikal na Seminaryo [Golden Gate Baptist Theological Seminary], matatagpuan sa Mill Valley, sa Marin County, malapit sa San Francisco. Alam ko na ang paaralan ay liberal ngunit ang mga pinuno ng Unang Tsinong Bautismong Simbahan ay nagsabi na hindi ako sasaktan nito dahil ang aking pastor, si Dr. Timothy Lin (na nagturo sa Unibersidad ng Bob Jones sa departamento ng pagtatapos [graduate department]) ay binigyan ako ng isang maingat na pagsasanay sa konserbatibong teyolohiya at ang Bibliya sa loob ng mga taon na nag-aral ako sa ilalim niya sa Tsinong simbahan.

Mabuti ang intension nila sa pagpapadala nila sa akin sa Seminaryo ng Golden Gate, ngunit hindi ito ang pinaka magaling na pagpayo. Napakalapit ko sa pag-alis mula sa ministro bilang resulta ng pag-aaral sa seminaryong iyon, na sukdulang liberal sa panahon na iyon (ngunit mas konserbatibo na ito ngayon). Ngunit noong ako’y nagpunta sa Golden Gate literal itong mainit na kama ng sukdulang liberalismo, napaka-pareho sa Unyong Teyolohikal na Seminaryo sa New York, noong si Dr. Sung ay nagpunta roon noong taglagas ng taon 1926. Ang Unyong Seminaryo ay nagturo mula sa parehong liberal na paningin gaya ng Golden Gate. Ang manunulat ng buhay ni Dr. John Sung ay nagsabi tungkol sa Unyong Seminaryo,

Agad na natuklasan [ni John Sung] na ang pagtalakay sa Bibliya at sa Kristiyanong pananampalataya ay higit na pilosopikal. Bawat problema ay pinag-usapan sa pananaw ng makataong pagdadahilan. Ang kahit ano sa Bibliya na hindi napatunayang siyentipiko, ay tinanggihan bilang di-nararapat ng paniniwala. Ang Genesis ay pinanghawakang di-ayon-sa kasaysayan at ang paniniwala sa milagro ay di-siyentipiko. Ang makasaysayang si Hesus ay inilantad bilang isang ideyal na gayahin, habang ang pagkikipagpalit na halaga ng Kanyang kamatayan at Kanyang pisikal na muling pagkabuhay ay ipinag-kait. Ang pananalangin ay itinanggi bilang sa kahigitan [walang halaga]. Ang di pagsang-ayon mula sa ganoong pananaw ay pagiging isang bagay na kinaaawaan at pangungutya (isinalin mula sa isinulat ni Leslie T. Lyall, A Biography of John Sung: Flame of God in the Far East, Overseas Missionary Fellowship 1965 edition, pp. 29-30).

Ito mismo ang naituro sa akin sa loob ng tatlong-taon ng Master ng Divinity na kurso sa Seminaryo ng Golden Gate.

Sa seminaryo, nawala ni Dr. John Sung ang pananampalatayang kabataang itinuro sa kanya ng kanyang ama, na isang pastor. Siya’y nagsimulang mag-aral ng Buddhismo at Taoismo, at nagtaka kung ang pagtuturo ni Lao-Tze ay magdadala sa kanya ng kapayapaan na kanyang hinahanap. Isinalin niya ang Tao The Ching ni Lao-Tze, at nagbasa ng isang papel tungkol sa Tsinong pilosopo sa isa sa kanyang mga klase. Nagsimula pa siyang magbigkas ng mga Buddhistong kasulatan mag-isa sa kanyang silid sa dormitoryo, “umaasa na sa pamamagitan ng pagkakait sa sarili mahanap niya ang kaligtasan ng sinasabi ni Buddha…Ngunit ang sarili niyang puso ay nanatili sa kadiliman” (isinalin mula kay Lyall, ibid., p. 31).

Sinabi niya ‘Ang aking kaluluwa,’ isinulat niya, ‘ay gumala sa isang kawalan. Hindi ako makatulog o makakain…Ang puso ko’y puno ng mga pinaka malalim na kalungkutan’” (isinalin mula kay Lyall, p. 31). I-klik ito para sa pinaka-magaling na kwento ng buhay ni Dr. Sung, “Natatandaan Ko Si John Sung,” [“I Remember John Sung”] ni Rev. William E. Schubert, o magpunta sa www.strategicpress.org.

Marami sa mga emosyon at karanasan ni Dr. John Sung sa liberal na seminaryo, akin ring nadama sa loob ng pangatlong taon ko sa Golden Gate Bautismong Teyolohikal na Seminaryo. Pagdating ng pangatlong taon ako’y lubusang nag-iisa, lubusang malumbay, seryosong pinag-iisipang umalis sa ministro ng permanente. Sa lahat ng ito, ang aking pakiramdam at sa puntong iyon ay napaka-pareho doon kay John Sung.

Ang Pagbabago

Ngunit mayroong isang pangunahing pagkakaiba. Si John Sung ay hindi pa napagbabagong loob. Naranasan ko na ang tunay na pagbabagong loob noon pang Setyembre 1961. Ako’y lumapit kay Kristo sa isang saktong paraan, ako’y nahugasan sa Kanyang Dugo, at naipanganak muli sa araw na iyon sa Kolehiyo ng Biola, maraming taon bago pa noon.

Sa isang parehong kalagayan ng malalim na pagkalumbay, si Dr. Sung ay tumingin kay Kristo at nagpagbagong loob. Kilala ko na si Kristo, ngunit ako’y lubos na pagod at nasubok ng Diablo na nadama ko na hindi na ako makakapagpatuloy sa ministro.

Pagkatapos isang gabi noong ako ay nagising mga alas dos na may berso ng Kasulatan na nagpapatuloy sa aking isipan,

“Na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal”
       (Mga Taga Efeso 1:6).

Bumangon ako mula sa kama at tinignan ang berso sa isang túusan ng mga salitâ ng Bibliya [concordance]. Mukhang sinasabi ng Diyos sa akin “Ito’y para sa iyo. Ika’y ‘ipinagkaloob na masagana sa Minamahal.’ Ika’y ipinagkaloob dahil ika’y ‘nasa’ aking minamahal na Anak, si Hesus. Wala ng ibang magkakaloob sa iyo, kundi Ako. Ika’y ipinagkakaloob ko dahil ika’y ‘nasa’ aking minamahal na Anak.” Tumalon ako mula sa kama, isinuot ang aking mga damit at tumakbo sa kagabihan – hangang sa isang maliit na patag-na-tuktok na bundok sa likuran ng seminaryo. Nagpupunta ako sa lugar na iyon tuwing ako’y nasa San Francisco. Sa kalayuan, nakikita ko ang mga ilaw ng Tulay ng Golden Gate sa Timog Silangan, at Bundok Tamalpais sa Kanluran. Ang nag-yeyelong hangin ay umihip sa aking buhok, at mukhang nagsalita ang Diyos sa akin muli. Sinabi niya, “Ngayon ika’y mangangaral hindi upang pasayahin ang tao. Ngayon ika’y mangangaral upang paligayahin ako. Ngayon ika’y aking mangangaral.” Sinabi rin sa akin ng Diyos na hindi ko gagawin ang aking pangunahing gawin hangang ako’y matanda na. Ako’y bumalik sa kama, nilalamig hangang sa buto, nalalaman kong tinawag ako ng Diyos na mangaral ng pangalawang beses. “Lahat Para Kay Hesus.” Kantahin ito muli!

Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras;
Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras

Hindi ako kailan man magiging ebanghelista tulad ni Dr. John Sung, o kahit isang banyagang misyonaryo, gaya ng aking plinano. Sa edad na 70 masyado na akong matanda. Ngunit panalangin ko na ang ibang mga nasa malalayong lupain ng Timog Silangang Asya, at ng mundo, ay kukunin ang aking mga ebanghelistikong sermong teksto at ipangaral ang mga ito, tumatayo sa aking lugar, ipinangangaral ang aking mga sermon mula sa internet, ginagawa ang aking inadhikang gawin noong ako’y dalawampung taong gulang, noon taong 1961.

Ngayon, isang salita lamang sa ating mga kabataan ngayong gabi: Sa panimula sa kamakailan lang na nalimbag na Mga Hango mula sa Talaan ni John Sung, [Extracts from the Diary of John Sung,] Genesis, 2008, sinabi ni Rev. Hwa Young ng Malaysia,

Sa loob ng mga lumipas na apat na pung taon ng aking katandaang buhay, nakita ko ang mga simbahan sa Asyang lumago sa mga bilang at tapang. Lumalalang, nadadama ko na tinatawag tayo ng Diyos na gumanap sa isang importanteng tauhan sa misyon ng pagproproklama kay Kristo [sa buong mundo]. Ngunit kung ang mga Asyanong simbahan ay magiging mapagpananampalataya sa misyong ito, kailangan ng maraming isasapuso ang sinabi ni James Denny at sinabi ni John Sung napaka malinaw na maintindihan… Ang dapat na umahon ay isang bagong henerasyon ng mga Asyanong mga Kristiyano, lalo na sa mga kabataan ngayon, na malinaw na alam “na sa kasalukuyang masamang mundo dapat magkaroon ng dakilang pagtitiwalag [pagkakait sa sarili]. Kung magkakaroon ng mga dakilang Kristiyanong propesyon,” at mangangahas na mabuhay umaayon… lalo na sa mga mas batang henersyon! Naway ito’y maging isang kilusan noong mga alam ang ibig sabihin ng dakilang [pagkakait sa sarili], alin ay magdadala sa maraming mga dakilang mga Kristiyanong propesyon para sa pagprogreso ng kaharian ni Kristo at sa kaluwalhatian ng Diyos (isinalin mula sa isinulat ni Rev. Hwa Young, The Journal Once Lost: Extracts from the Diary of John Sung, Genesis, 2008, pp. xiv-xv).

“Lahat Para Kay Hesus!” Kantahin ito muli.

Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras;
Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras

Ang pagtitiwalag sa sarili at pagkakait sa sarili ay nagsisimula sa pagbabagong loob. Kailangan mong ikumpisal ang iyong mga kasalanan at iwaksi ang mga ito upang mapagbagong loob. Si John Sung ay isang dakilang Kristiyano dahil nagkaroon siya ng dakilang pagbabagong loob. Nagkaroon siya ng dakilang pagbabagong loob dahil nagkaroon siya ng dakilang pagkakait sa sarili. Itinapon niya ang kanyang mga medalyang eskolar, at gintong samahang susi sa dagat. Kahit na nagkaroon siya ng Ph.D. sa kimika, tinalikuran niya ang akademiya at nagpatuloy mangaral ng Ebanghelyo sa mahihirap at sa mga itinapong mga tao ng Tsina at ng Timog Silangang Asya. Ipinagkait ni John Sung ang katuwaan ng buhay na maari niyang makamit. Ilang gabi bago siya napagbagong loob, sinabi ng Diyos kay John Sung,

“Ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang [kaluluwa]?”
       (Mark 8:36) – KJV.

Isuko ang anomang kasalanan na pumipigil sa iyo. Ikumpisal ng nakadetalya ang iyong mga kasalanan sa Diyos. Naway hatulan kang lubusan ng Banal ng Espiritu ng iyong kasalanan. Iwaksi ang sanglibutan! Isuko ito! Ibigay kay Hesus ang unang lugar sa iyong buhay. Pumunta kay Hesu-Kristo at mahugasang malinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Pagkatapos mabuhay para kay Kristo ng iyong buong puso at kaluluwa at buhay! I-klik ito upang mabasa ang “Ang Tunay na Pagbabagong Loob ni Dr. John Sung” [“The Real Conversion of Dr. John Sung].”

Magsitayo at kantahin ang himno bilang 3 sa inyong kantahang papel, “Lahat Para Kay Hesus.”

Lahat para kay Hesus, lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking katauhan kong natubos na mga kapangyarihan:
Lahat ng aking kaisipan at mga salita at mga gawain,
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras.
Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras;
Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras. v (“Lahat Para Kay Hesus.” Isinalin mula sa “All For Jesus”
     ni Mary D. James, 1810-1883).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Efeso 1:3-7.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Biyayang Mas Dakila Kaysa Ating Kasalanan.” Isinalin mula sa
“Grace Greater Than Our Sin” (ni Julia H. Johnston, 1849-1919).