Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG SEKRETO NG TAGUMPAY NG TSINA

THE SECRET OF SUCCESS IN CHINA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika 18 ng Setyembre taon 2011

“Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman)…” (Apocalipsis 2:9).


Si Pastor Wang Mingdao ay isa sa mga patanyarka ng Tsinong Kristiyanismo sa ika-dalawam pung isang siglo. Inaresto siya noong 1958 dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo, at gumugol ng 22 taon sa bilanngguan. Sinabi ni Thomas Alan Harvey, ang mananalambuhay ni Wang Mingdao,

Ano man sa mga patakaran ang susundin ng Tsinong gobyerno, ang simbahan sa Tsina ay masidhing naapektuhan ang huhubog sa Kristiyanismo ng malawakan para sa mga henerasyon na darating. Na mayroong [mga] pitom-pung milyong mga kaluluwa at isang paglagong antas ng 7 pursyento taon-taon, ang bilang ng mga Kristiyano sa Tsina ay pinaliliit ang bilang ng mga Kristiyano sa karamihan ng mga bansa sa lupa. Tulad ng mga Kristiyano sa lahat ng mga lumalagong mundo, ang mga Tsinong Kristiyano ay kumakatawan sa pangunang hanay [pangharap na rango] ng simbahan sa ika-dalawam pu’t isang siglo (isinalin mula kay Thomas Alan Harvey, Acquainted With Grief, Brazos Press, 2002, p. 159).

Sinabi ni David Aikman, sa kanyang aklat na si Si Hesus sa Beijing [Jesus in Beijing],

Ito’y mahalagang pinag-iisipan ang posiblidad na hindi lang ang bilang, kundi ang intelektwal na sentro…para sa Kristiyanismo ay maaring lumipat ng tiyak palabas ng Europa at Hilagang Amerika habang ang Kristiyanisasyon ng Tsina ay magpatuloy habang ang Tsina ay maging isang global na lubos na makapangyarihan…Ang proseso ay maaring nagsimula na sa mga pag-asa at gawain ng mga Tsinong simbahang tahanang mga pinuno (isinalin mula kay David Aikman, Jesus in Beijing, Regnery Publishing, 2003, pp. 291, 292).

Ang paglalarawan ni Kristo sa simbahan sa Smyrna ay inilalarawan kung anong nangyayari sa kilusan ng “simbahang tahanan” sa Tsina ngayon,

“Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman)…” (Apocalipsis 2:9).

Patungkol sa simbahan sa Smyrna, sinabi ni Dr. James Combs,

Ang Smyrna, hilaga ng Efesus, isang kongregasyon na pinastor ni Polycarp ng ilang dekada at namatay bilang isang martir noong 155 A.D. sa kanyang edad na mga 90…sila’y nagtiis ng higit-higit na paghihirap at pagkumpisaka ng makamundong mga ari-arihan, ngunit sila’y espiritwal na mayaman (isinalin mula kay James O. Combs, D.Min., Litt.D., Rainbows From Revelation, Tribune Publishers, 1994, p. 33).

Tulad ng simbahan sa Smyrna, ang mga mapagpananampalatayang mga Kristiyano sa mga simbahang tahanan ng Tsina ay nagdusa ng matinding pag-uusig at “tribulasyon” gayon sila’y espiritwal na napaka “yaman” na ang kanilang ebanghelismo ay nagbubunga ng isang paglagong antas ng “7 pursyento taon-taon” (Isinalin mula kay Thomas Alan Harvey, ibid.). Gayon, ang bilang ng mga Kristiyano sa Tsina ay “nagpapaliit sa bilang nga mga Kristiyano sa karamihan ng mga bansa sa lupa.” Iniisip ko na ang karamihan sa mas higit na 70 milyon ng mga Krisityano sa Tsina ay mga tunay na mga napagbagong loob, at na mayroon nang higit sa 70 milyon na mga Kristiyano sa Tsina na mga tunay na mga napagbagong loob, at na mayroon nang higit pang mga Kristiyano sa Tsina kaysa mayroon sa Estados Unidos, Canada, at kalahati ng Mexico. Iyan ay nakamamangha! Dapat nating tanungin ang ating sarili, “Ano ang dahilan para sa kanilang tagumpay? Ano ang sekreto ng kanilang ebanghelismo?” Bakit maaring sabihin patungkol sa kanila,

“Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman)…” (Apocalipsis 2:9).

Kapag ating iisipin ang katunayan na ang ebanghelikal na Krisityanismo ay hindi lumalago sa anomang paraan sa Amerika, at ang katunayan na marami ang nagsasabi na ang ebanghelikal na Kristiyanismo rito ay namamatay, tayo sa Amerika ay dapat mag-isip ng malalim patungkol sa anong wala sila na mayroon tayo, at anong mayroon sila na wala tayo.

I. Una, anong wala sila na mayroon tayo.

Wala silang mga simbahang gusali! Ang mga sinosupurtahan ng Komunistang “Three-Self” na mga simbahan ang mayroong mga gusali. Ngunit ang mga “simabahang tahanan” ang mga lumalago, at mayroong napaka kaunting mga gusaling simbahan. Ang malaking karamihan sa kanila ay walang simbahang gusali tulad natin!

Wala silang pagsang-ayon ng gobyerno. Sila’y inuusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Wala silang kalayaan ng relihiyon na tulad natin!

Wala silang mga seminary upang magturo ng mga pastor tulad natin. Ang pagsasanay na mayroon ang pastpr sa Tsina ay sa loob ng bahay ng isang tao – at ito’y napak-ikli at hindi masyadong masinsinan. Nakukuha nila ang maliit na pagsasanay na kanilang makuha habang ginagawa nila ito. Ang mga batang pastor sa Tsina ay kumukuha ng kanilang pagsasanay mula sa kanilang matatandang pastor, na sa katunayan ay napak-iging paraan upang matuto!

Wala silang Linggong Paaralang mga gusali. Wala silang mga bus o “ministro sa bus.” Wala silang “Kristiyanong telebisyon.” Wala silang “Kristiyanong radyo.” Wala silang Kristiyanong paglilimbag na mga tahanan. Wala silang kagamitan para sa “Power Points.” Wala silang proyektor upang ipakita nag mangangaral sa isang malaking tabing. Wala silang “Kristiyanong rock na banda.” Wala silang mga organ, o madalas wala silang pati mga piyano. Wala silang mga inilimbag na mga material sa Linggong Paaralan. Madalas ay wala silang mga Bibliya para sa lahat, o mga hymnal. Hindi, wala sila ng mga bagay na mayroon tayo! Imbes, mayroong silang pag-uusig at tribulasyon mula sa Komunistang gobyerno. Madalas silang kailangan magpunta sa bilangguan dahil sa simpleng pagiging isang Krisityano. Mayroong lagging pagbabanta niyan para sa kahit sinong maging isang seryosong Kristiyano! Magpunta sa www.persecution.com upang basahin ang tungkol sa pag-uusig ng mga Kristiyano sa Tsina. At gayon man ang mga Kristiyano sa Tsina ay masukal na matagumpay sa pagkakamit ng mga nawawalang kaluluwa. Ang bilang ng mga Kristiyano ay sumasabog sa buong Tsina, sa pinaka dakilang muling pagkabuhay ng makabagong kasaysayan!

“Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman)…” (Apocalipsis 2:9).

Natatakot ako na marami sa ating mga simbahan sa Amerika ay mas mabuting mabuting mailarawan sa kung anong sinabi ni Hesus sa simbahan sa Laodicea,

“Sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad” (Apocalipsis 3:17).

II. Pangalawa, anong mayroong sila na wala tayo.

Narito ang mayroon sila na wala tayo. At dito ay nakasalalay ang sekreto ng kanilang tagumpay – ang dahilan para sa ating pagkabigo!

Mayroon silang pag-hihirap – at gayon natututunan nilang kargahin ang kanilang krus! Karamihan sa mga Amerikanong Kristiyano ay di papayag na pagdaanan ang pagkawala na isang gabi isang lingo upang magpunta at magkamit ng mga kaluluwa. Karamihan sa mga Amerikanong mga Krstiyano ay hindi papaya na mawala ang kadalisayan ng gabi ng Linggo upang magpunta sa simbahan! Maraming mga pastor sa Amerika ang kailangan magpapayat. Kailangan nating pagdaanan ang pagkawala ng ilang kalorya. Ngunit ang mga pastor sa Tsina ay payat. Kung gayon maari silang mangaral ng may lakas. Kailangan nating mabawasan ng timbang, o hindi tayo makapangangaral na may lakas at kapangyarihan. Sa Tsina mayroong silang mga mas mapapayat na mga kalalakihan na puno ng Espiritu kapag sila’y nangagnaral. Hindi pa ako nakakita ng isang Tsinong “simbahang tahanang” mangangaral na lampas lubos ang timbang. Hindi nakapagtataka na ang mga simbahang tahanan sa Tsina ay mayroong dakilang muling pagkabuhay, habang ang Kristiyanismo ay natutuyo at naglalaho rito sa Amerika, at sa buong Kanlurang mundo! Kinakailangan ng isang dami ng paghihirap upang mag-ehersisyo. Kinakailangan ng paghihirap upang mag-diyeta at kumain ng mas kaunti hangang sa ika’y mabawasan ng timbang! Kinakailangan ng paghihirap upang maging ang uri ng tao na gusto ka ng Diyos maging! Ang dakilang Tsinong ebanghelistang si Dr. John Sung ay nagsabi,

Matinding paghihirap ay nagdadala ng dakilang muling pagkabuhay…nahahanap ng Diyos ang pinakadakilang gamit para sa mga iyong…nahasa sa pinaka mahirap na mga kondisyon…Mas higit na paghihirap ay nagdadala ng mas higit na benepisyo…Ang mga buhay ng mga disipolo ay tulad ng mga olivo: mas matindi tayong pinipiga, mas maraming langis ang lalabas mula sa loob. Yoon lamang mga dumaan sa paghihirap ang makakapagpakita ng pakikiramay [pag-ibig] at aliw sa iba (isinalin mula kay John Sung, Ph.D., The Journal Once Lost, Genesis Books, 2008, p. 534).

Kantahin ang “Hesus, Aking Krus Aking Kinuha.”

Hesus, aking krus aking kinuha,
   Lahat iiwan at susundan Ka;
Dalita, kinamumuhian, tinalikdan,
   Sa Iyo gayon, ang aking lahat ay maging.
Pawiin ang lahat ng minimithing ambisyon,
   Lahat ng aking hinanap, at inasam at nalalaman;
Gayon man napaka yaman ng aking kondisyon,
   Ang Diyos at langit ay sa akin pa din!
(“Hesus, Aking Krus Aking Kinuha.” Isinalin mula sa
    “Jesus, I My Cross Have Taken” ni Henry F. Lyte, 1793-1847).

Iyan ang paboritong himno ni Dr. John R. Rice. Gawin ang kantang iyan maging katotohanan sa atin! Tapos makikita natin ang Diyos na kumilos sa atin gaya ng pagkilos Niya sa Tsina! Kantahin ito muli!

Hesus, aking krus aking kinuha,
   Lahat iiwan at susundan Ka;
Dalita, kinamumuhian, tinalikdan,
   Sa Iyo gayon, ang aking lahat ay maging.
Pawiin ang lahat ng minimithing ambisyon,
   Lahat ng aking hinanap, at inasam at nalalaman;
Gayon man napaka yaman ng aking kondisyon,
   Ang Diyos at langit ay sa akin pa din!

Sinabi ni Hesus,

“Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24).

Kantahin ito muli!

Hesus, aking krus aking kinuha,
   Lahat iiwan at susundan Ka;
Dalita, kinamumuhian, tinalikdan,
   Sa Iyo gayon, ang aking lahat ay maging.
Pawiin ang lahat ng minimithing ambisyon,
   Lahat ng aking hinanap, at inasam at nalalaman;
Gayon man napaka yaman ng aking kondisyon,
   Ang Diyos at langit ay sa akin pa din!

“Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman)…” (Apocalipsis 2:9).

Mayroon silang paghihirap sa Tsina! Kung gayon mayroon sila ng mga kayamanan ng pagpapala ng Diyos sa muling pagkabuhay! Atin rin dito sa ating simbahan ipagkaila ang ating sarili, at kunin ang ating mga krus upang sundin si Kristo – ano man ang halaga nito!

Tapos, din, mayroon silang mga luha kapag sila’y nagdadasal para sa mga nawawala! Isang kapatid na alam ito, ay nagsabi, “Maraming luha sa Tsina.” Siya’y saktong tama! Sila’y lumuluha kapag sila’y nananalangin para sa mga nawawala. Ang mga nawawalang mga tao sa Tsina ay lumuluha rin kapag sila’y nasa ilalim ng pagkahatol ng kasalanan. Hindi nakapagtataka na mayroong napaka raming pagbabagong loob kay Kristo! Sinasabi ng Bibliya,

“Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan” (Mga Awit 126:5).

Kantahin ang “Ang Halaga ng Muling Pagkabuhay” ni Dr. John R. Rice!

Ang halaga ng muling pagkabuhay,
   Ang halaga ng pangangmit ng kaluluwa,
Ang mahabang mga oras ng pananalangin,
   Ang bigat, ang mga luha;
Ang pagmamakawa sa mga makasalanan
   Kahit na nag-iisa, isang dayuhan,
Ay nababayarang muli sa pag-aani doon sa itaas.
   Pag-aani, makalangit na pag-aani!
Para sa mga kaluluwang nakakamit dito sa ibaba.
    (“Ang Halaga ng Muling Pagkabuhay.” Isinalin mula sa
      “The Price of Revival” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Magdasal na bigyan ka ng Diyos ng isang biyak na puso para sa mga nawawalang kaluluwa! (lahat magdasal). “Ang Halaga ng Muling Pagkabuhay.” Kantahin ito muli!

Ang halaga ng muling pagkabuhay,
   Ang halaga ng pangangmit ng kaluluwa,
Ang mahabang mga oras ng pananalangin,
   Ang bigat, ang mga luha;
Ang pagmamakawa sa mga makasalanan
   Kahit na nag-iisa, isang dayuhan,
Ay nababayarang muli sa pag-aani doon sa itaas.
   Pag-aani, makalangit na pag-aani!
Para sa mga kaluluwang nakakamit dito sa ibaba.

Gayon din, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang magdala ng mga nawawalang mga kaluluwa sa kanilang “simbahang tahanan.” Sinabi ni D. L. Moody, “Mahalin sila papasok.” Ganyan sila nakakukuha ng mga taong pumasok sa kanilang simbahang tahanan sa Tsina – at iyan dapat ang ating gawin! “Mahalin sila papasok.” Ang pagkakamit ng kaluluwa ay unang-una ang pagmamahal sa mga tao patungo kay Kristo – at sa lokal na simbahan. “Mahalin sila papasok.” Hindi iyan liberalismo! Hindi iyan “istilo ng buhay” na ebanghelismo! Iyan ay si D. L. Moody! Sa tingin ko siya ay saktong tama. Ito’y epektibo sa Tsina – at ito’y magiging epektibo rin rito! “Mahalin sila papasok.”

Kung tayo’y magmamadali mula sa mga paglilingkod hindi natin makakamit ang mga nawawalang mga kaluluwa na nagpupunta sa ating simbahan. Yoon lamang mga nagtatagal ang makakamit ng kaluluwa. Yoon lamang mapagkaibigan sa mga nawawala bago at pagkatapos ng paglilingkod ang makakakamit ng mga kaluluwa. Wala nang iba pang paraan ang makadadagdag ng mga nawawalang mga kaluluwa sa isang simbahan! Dapat natin silang “mahalin papasok” – tulad ng ginagawa nila sa Tsina! Kantahin ang “Gawin Akong Isang Daluyan ng Biyaya”!

Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
   Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
    Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
(“Gawin Akong Isang Daluyan ng Biyaya.” Isinalin mula sa
    “Make Me a Channel of Blessing” ni Harper G. Smyth, 1873-1945).

Dapat kong hindi isarado ang paglilingkod na ito na hindi nagsasabi ng ilang salita sa iyo na hindi pa napagbabagong loob. Ang pagpupunta sa simbahan ay hindi nangangahulugan na ika’y napagbagong loob. Ang simpleng pag-aaral ng Bibliya ay hindi makapagbabagong loob sa iyo. Dapat kang mapunta sa ilalim ng pangungumbinsi na nagkasala ng kasalanan. Dapat kang magsisi para sa iyong kasalanan. Dapat kang tumingin kay Kristo Hesus ang magpunta sa Kanya. Si Hesus ay namatay sa kahirapan at Dugo sa Krus upang iligtas ang iyong kaluluwa mula sa kasalanan at paghahatol. Dapat kang mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Magpunta kay Hesus at maligtas mula sa kasalanan, kamatayan at Impiyerno. Dapat kang maipanganak muli. Ito’y aming panalangin na ito’y iyong maranasan. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Apocalipsis 2:8-11.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Napaka Kaunting Oras.” Isinalin mula sa
“So Little Time” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

ANG SEKRETO NG TAGUMPAY NG TSINA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman)…” (Apocalipsis 2:9).

I.   Una, anong wala sila na mayroon tayo, Apocalipsis 3:17.

II.  Pangalawa, anong mayroong sila na wala tayo, Mateo 16:24;
Mga Awit 126:5.