Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BAKIT PINAGPAPALA NG DIYOS ANG TSINA – WHY GOD IS BLESSING CHINA – BUT JUDGING AMERICA! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27). |
Si David Aikman ay dating kawanihang punong, may-akdan peryodista at banyagang kasangguni ng patakaran ng Time magasin ng Beijing. Gumugol siya ng higit sa dalawang dekada na nag-uulat mula sa higit sa limampung mga bansa, kasama ng maraming taong pag-uulat mula sa Republika ng mga Tao ng Tsina. Si Aikman na nagsulat ng isang aklat na pinamagatang, Si Hesus sa Beijing [Jesus in Beijing] (Mula sa Regnery Publishing, Inc., 2003). Ang aklat na ito ay nagsasabi kung paano binabago ng Kristiyanismo ang Tsina at binabago ang global balance ng kapanyarihan. Ang unang kapitulo ay pinamagatang, “Si Hesus ay Nagpupunta sa Beijing” [“Jesus Comes to Beijing”]. Nagsisimula ito kay Aikman na sumisipi ng isang iskolar mula sa isa sa pinaka pangunahing institusiyon ng pagsasaliksik sa Tsina, ang Tsinong Akademiya ng Sosyal na Siyensa, na matatagpuan sa lungsod ng Beijing.” Ito ang sinabi ng Tsinong propesor, sa Komunistang Tsina, sa isang grupo ng Amerikanong torista noong taon 2002. Ito’y isang nakagugulat na pahayag, dahil ipinapakita nito kung gaano ka bukas ng maraming mga eskolar sa Kristiyanismo sa isang Komunistang bansa. Sinabi ng Tsinong propesor,
Isa sa mga bagay na hiningi sa aming tignan ay kung anong nagsanhi ng tagumpay, sa katunayan, ng kadakilaan ng Kanluran sa buong mundo…Inaral natin ang lahat ng ating maaral mula sa kasaysayan, political, ekonomiko at cultural na pananaw. Sa simula, akala natin, na ito ay dahil sa kayong [nasa Estados Unidos] ay mayroong mas maraming makapangyarihang mga baril kaysa kami. Tapos inisip namin ito’y dahil sa mayroon kayong mas mainam na sistemang politico. Tapos sumentro kami sa inyong sistemang ekonomiko. Ngunit sa lumipas na dalawam pung taon, natanto namin na ang puso ng inyong kultura ay ang inyong relihiyon: Kristiyanismo. Iyan ang dahilan na ang Kanluran ay naging napaka makapangyarihan. Ang Kristyanong moral na pundasyon ng [inyong] sosyal at kultural na buhay ang gumawang posible sa pag-angat ng kapitalismo at tapos ay ang tagumpay ng pagbabago sa demokratikong politico. Wala kaming kahit anong pagdududa tungkol rito (isinalin mula kay David Aikman, Jesus in Beijing, Regnery, 2003, p. 5).
“Natanto namin na ang puso ng inyong [Amerikanong] kultura ay ang inyong relihiyon: Kristiyanismo. Iyan ang dahilan na ang Kanluran ay naging napaka makapangyarihan… Wala kaming kahit anong pagdududa tungkol rito.” Ang pahayag na iyan ay mula sa nangungunang properos sa Sosyal na Siyensa sa Komunistang Tsina. Subukan mong makakuha ng isang kolehiyong propesor sa isang Amerikanong unibersidad na sumang-ayon sa kanya na Krisityanismo ang ugat na sanhi ng ating tagumpay sa Amerika! Ika’y mapipintasan ng halos kahit sinong sekular na sekular na propesor sa Amerika. Gayon man ang Komunistang Tsinong propesor na ito sa isang mananaliksik na institusyon na pinapatakbo ng isang Komunistang bansa ay nakita ang hindi nakikita ng karamihang mga Amerikanong eskolar – na ang Krisityanismo ay naging ang ugat ng ating tagumpay bilang isang bansa.
Ngunit sinabi ng Tsinong iskolar ang mga bagay na iyon mga halos 12 taon ang nakalipas na. Simula noon naranasan na na Amerika ang 9/11, isang mahabang magkakasunod na natural na mga trahedya, at ang pinakamatinding ekonimikong pagbagsak simula noong Matinding Depresiyon. Libo-libong mga Amerikano ang walang trabaho. Ngayon maraming mga Amerikano ang nararamdaman na malalampasan ng Tsina ang Estados Unidos bilang ang pinaka makapangyarihan sa lupa sa susunod na mga kaunting taon. Bakit? Ano ang pangunahing dahilan ng pagguho ng ating lipunan? Ang sagot ay simple – ang Tsina ay umiikot kay Kristo, at ang Amerika ay umiikot sa paganism – iyan ang dahilan!
Iba’t-ibang mga pinagmulan ang nagsasabi sa atin na mayroong 1,200 na pagbabagong loob sa Krisityanismo sa Tsina kada oras. Halos 30,000 ang napagbabagong loob sa Kristiyanismo kada araw, halos 10 milyon kada taon. Mahuhulaan na mayroong 100 milyong mga Kristiyano sa Tsina habang isinusulat ko ang sermon ito, at ang bilang ay tumataas ng lampas sa libo kada oras, dalawampu’t apat na oras kada araw. Ito’y mapaliliwanag lamang bilang isang dakilang pagsabog ng Kristiyanong muling pagkabuhay na nagaganap sa mundo sa oras na ito sa kasaysayan.
Paano tayo makapananagot sa katunayan na ang Tsina ay nasa proseso ng pagbabagong loob sa Krisityanismo, habang tayo sa Amerika, at ang buong Kanlurang mundo ay sinusuko ito? Ang sagot muli ay simple.
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
Ang Amerika at ang Kanluran ay gumuguho. Ang ating lipunan ay puno ng moral at espiritwal na pagkalito. Pansinin ang katunayan na ang Bibliya ay pinapawalang-bahala sa Amerika, at sinasalakay pati. Pansinin ang katunayan na ang ating mga tahanan ay wasak. Ang mga kabataan ay malungkot sa karamihan ng oras, simple dahil karamihan sa kanilang mga tahanan ay nawasak ng malawakang pagtanggi sa isinasagawang Kristiyanismo. Ang mga batang Amerikano ay naputol mula sa kanilang mga pamilya, at naiiwang nag-gagala sa mga kalyeng, nag-iisa – habang ang kanilang sekular na mga kolehiyong mga propesor ay patuloy na sinasalakay ang Kristiyanismo – ang nag-iisang bagay na makaliligtas sa ating bansa mula sa pagkakaguho!
Sa Amerika, ang ating mga simbahan ay nasa kaguluhan. Noong ako’y bata pa lamang, noong mga taon 1950 bawat Bautismong simbahan ay mayroong isang Linggong gabing paglilingkod – kahit mga Amerikanong Bautismo. Ngunit ngayon mahirap nang makahanap ng isang matibay na pundamentalistang simbahan na mayroong panggabing paglilingkod. Isa sa ating mga kababaihan ay tumawag sa isang lalaking nagtratrabaho sa isa sa mga pinakalumang pundamental na paaralan sa Amerika. Tinanong niya siyang ibigay ang pangalan ng isang pundamental na simbahan na mayroong panggabing paglilingkod sa isang tiyak na lungsod. Sinabi niya sa kanya na wala siya alam na isa, kahit na ito’y isang lungsod ng milyon-milyong mga tao na may daan daang mga simbahan!
Hindi lamang na isinara ng ating mga simbahan ang kanilang panggabing paglilingkod, halos wala nang totoong pananalanging pagpupulong. Maaring mayroong silang Awana, Korong pag-sasanay, o isang pag-aaral ng Bibliya tuwing gabi ng Miyerkules, ngunit tunay na pananalanging pagpupulong ay ngayong isang bagay na ng nakaraan sa halos lahat ng ating mga simbahan.
Ano ngayon patungkol sa ebanghelismo? Ilang mga simbahan ang mayroong epektibong programa ng ebanghelismo, na aktwal na nakakapagpapunta ng mga di-napagbagong loob na mga tao sa simbahan tuwing Linggo? Napaka kaunti! Sinabi ni Dr. James Dobson na halos lahat ng “simabahng paglago ay resulta ng paglilipat ng pagkakasapi” (Isinalin mula sa peryodiko ng Focus on the Family, Agosto 1998, p. 2). Sa ibang salita, alam lamang ng mga simbahang “magnakaw” ng mga miyem'bro mula sa ibang mga simbahan. Wala silang ideya kung paano magawang maging bahagi ng kanilang simbahan ang mga di-Kristiyano, at magawa silang magpagbagong loob. Iyan ang dahilan na ang mga Amerikanong mga simbahan, sa pinakahigit na bahagi ay namamatay. Sinabi ni Dr. Woodrow Kroll ng “Pabalik sa Bibliya” [“Back to the Bible”], “Ang Naglalahong Ministro” [“The Vanishing Ministry”] ay hindi lamang ang pamagat ng aklat; ito’y isang trahedyang katotohanan” (Isinalin mula kay Woodrow Kroll, Th.D., The Vanishing Ministry, Kregel Publications, 1991, p. 10). Terible man ang tunog nito, karamihan sa mga Amerikanong simbahan ay nanunuyo at nagsisilaho sa harapan natin! Bakit ito nangyayari? Dahil hinahatulan ng Diyos ang Amerika, at
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
Ang Tsina ay tumitingin kay Kristo. Ang Amerika ay tumatalikod papalayo mula kay Kristo. Ngunit kahit na ang kadiliman ng bagong-paganismo ay bumababa sa buong Amerika, ang isang kabataang tulad mo ay hindi kailangang lumakbay sa Tsina upang makahanap ng pag-asa! Hindi! Mahahanap mo si Kristo rito sa sentrong Los Angeles, sa simbahang ito, kung ang biyaya ng Diyos ay nasa iyo! Iyan ang dahilan na sinasabi namin, “Bakit maging nag-iisa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi – kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos!” Magagawa mo iyan dito sa ating simbahan sa Los Angeles! Mahahanap mo ang parehong kapatawaran at kapayapaan sa Diyos na milyon-milyong ang nakadidiskubre sa Tsina – dito sa Baptist Tabernacle! Umuwi – sa simbahan! Umuwi – kay Kristo!
Naiintindihan ko na medyo kakaunti ang makikinig sa mensaheng ito ngayon – kahit na dapat kang makinig. Ang dahilan kung bakit hindi ka makikinig ay simple. Ito’y nasa ating teksto,
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
Pagkatapos ng Kanyang pagkikipag-usap kay Nikodemo sa Jerusalem, si Hesus at Kanyang mga Disipolo ay nagpunta sa kabukiran. Si Hesus ay nangaral, at ang Kanyang mga Disipolo ay nagbibinyag ng mga tao. Si Juan Bautista ay nagbibinyag malapit lang kung saan sila. Sa pakikipagtalo ng mga disipolo ni Juan sa mga Fariseo, natagpuan nila na mga tao sa tumataas na bilang ay binibinyagan ng mga Disipolo ni Hesus. Sumama ang loob ng mga disipolo ni Juan sa katunayan na ang mga Disipolo ni Hesus ay nagbibinyag ng mas maraming mga tao kaysa sa kanila. Sa ating teksto, sinasabi ni Juan sa kanyang mga tagasunod na huwag magreklamo patungkol sa tagumpay ni Hesus. Ang bawat tao ay nabigyan ng iba-ibang mga talento at opotunidad. Sinabi ni Juan,
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
“Langit – ay mula sa Diyos. Ang paggamit nito sa isang karaniwan para sa isang tiyak na katawagan ay nagsasaad ng pagkamababang loob” (isinalin mula kay John Bengel, New Testament Commentary, Kregel, 1981 inilimbag muli, kabuuan I, p. 577).
Itinuro ni Mathew Henry na ang bersong ito ay kumakatawan sa isang “karaniwang katotohanan…mayroon tayo ng, bilang pangangailangan at patuloy na pagsalalay sa biyaya ng Diyos sa lahat ng pagkilos at paggalaw ng espiritwal na buhay” (isinalin mula kay Matthew Henry, Commentary on the Whole Bible, Hendrickson, 1991 inilimbag muli, kabuuan 5, p. 720).
Ginagamit ko ang “karaniwang katotohanan na ito” sa pagbabagong loob. Sa tingin ko ipinapaliwanag nito ang dahilan na napakaraming mga tao sa Tsina ay tumitingin kay Kristo, habang ang Amerika ay tumatakbong ulo muna sa espiritwal na kadiliman.
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
Ang mga katotohanan ng pagbabagong loob ay hindi dumarating sa pamamagitan ng “Power Point” multi-mediya pagtatanghal, tinutulak ng layuning paglago ng simbahang mga gimik, o kahit anong magagarang salamangka na madalas kumikiling na gamitin. Wala sa mga salamangkang ito ang nakatulong sa mga Amerikanong mga simbahan sa kahit anong kongkretong diwa. Gayon ang mga Tsinong “bahay simabahan,” na may kakaunting mga hymnal at mga punit-punit na mga Bibliya, ay nakararanas ng 1,200 na mga pagbabagong loob kada oras! Nakarinig ako ng mga Amerikanong mabuti ang intension na nagsabi na umaasa sila na ang mga Komunista lumuwag, para ang mga Amerikano ay makapunta sa Tsina at “turuan” ang mga Kristiyanong mga pinuno doon. Ngunit nagdadasal ako para sa kabaligtaran lamang na mangyari. Nagdarasal ako na pananaitilin ng Diyos na labas ang mga Amerikano! Wala silang anomang kailangan na maituturo natin sa kanila! Kailangan natin ang mayroon sila! Tiyak na hindi nila kailangan ang anomang mayroon tayo!
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
“Isang tao” – iya’y kahit sino. Walang makatatanggap ng kaligtasan maliban na lang na ibibigay ito ng Diyos sa kanya. Makatatanggap siya ng “wala” – na tiyak kasama ang kaligtasan ng kanyang kaluluwa – “malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit.” Bakit ganito ito?
I. Una, dahil mayroong Diablo na pumipigil sa iyong maligtas.
Batid ng mga Kristiyano sa Tsina ang Diablo at ang kanyang mga demonyo, habang ang mga Amerikanong mga Kristiyano ay hindi halos sila naiisip. Kung ang isang tao ay hindi kailan man iniisip ang kanyang mga kalaban, siya’y madadaig ng madali.
Kung hangad mong maligtas, dapat mong matanto na ika’y
“hindi makatatanggap ng anoman […], malibang ito'y ipinagkaloob sa [iyo] mula sa langit,”
dahil sa matinding kapangyarihan ng Diablo at kanyang mga demonyo. Sinabi ni Hesus,
“At ang mga sa tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo'y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas” (Lucas 8:12).
Kung hindi ka napagbagong loob, bigyang pansin ito! Hindi ito kalokohan! Maaring kang makarinig ng daan-daang mga sermon at manatiling di napagbagong loob – dahil “inaalis [ng Diablo] ang salita” mula sa iyong puso. Sinasabi ng Lucas 8:12 na ang Diablo ay may kapangyarihang gawin iyan. Isang Linggo pinapayuhan ko ang isang tao pagkatapos ng sermon, na nalito sa Ama at Anak – pagkatapos ng ilang oras ng pangangaral at pagpapayo sa mahalagang paksang ito. Ang pagkalito sa Ama at Anak ay susumpa sa kaluluwa. At gayon man, pagkatapos ng ilang oras ng pangagnaral at pagpapayo sa paksang ito, ang taong ito ay nagkamit ng nakamamatay na pagkakamaling ito. Tiyak ako na siya’y tulog sa katunayan na inalis ng Diablo ang salita mula sa kanyang puso agad-agad pagkatapos niya itong marinig. Iyan ang unang dahilan
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
Ang Diablo ay napaka makapangyarihan at matalino na inaalis niya ang bawat sermon, bawat Kasulatang berso, bawat salita ng pagpapayo – “upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas” (Lucas 8:12). Ang pinakadakilang biyaya ng Diyos lamang ang makadadaig sa lakas at kapangyarihan at katusuan ni Satanas – sa pagbabagong loob ng kaluluwa ng tao.
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
“Nakamamanghang Biyaya.” Kantahin ito!
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
(“Nakamamanghang Biyaya.” Isinalin mula sa
“Amazing Grace” ni John Newton, 1725-1807).
II. Pangalawa, dahil ang kasamaan ng iyong patay na puso ay pipigil sa iyo mula sa pagkakaligtas.
Na wala ang biyaya ng Diyos, ang iyong lubos na masamang puso ay hindi kailan man makukuha ang ebanghelyo at magkapupunta kay Kristo. Ito’y imposible para sa isang nabulok na bangkay na makalakad. At ito’y imposible para sa isang patay na makasalanan na tulad mo upang makapunta kay Kristo sa sarili mo lamang.
Pakilipat sa Juan 6:44. Magsitayo tayo at basahin ang bersong ito ng malakas.
“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw” (Juan 6:44).
Maari nang magsi-upo. “Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang…sa kaniya’y magdala sa akin.” Iyan ay malinaw na matindi at simpleng lubos sa bersong ito. Ika’y “patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Wala kang mas higit na kakayahan na magpunta kay Kristo kaysa isang patay na taong makagapang palabas ng isang kabaon!
Madalas sinabi ni Whitefield na kailangang Makita ng tao ang sarili nilang kasamaan bago nila maranasan ang tunay na pagbabagong loob. Dapat mong makita na ika’y nawawala. Ibig nitong sabihin na walang panalangin ang masasabi mo ang makatutulong sa iyo. Wala kang matututunan na makatutulong sa iyo. Walang “desisyon” na iyong gagawin ang makabubuti sa iyo. Ika’y nawawala – patay sa kasalanan – “walang taong makalalapit [kay Kristo] maliban nangn ang Amang…sa kaniya’y magdala [sa Kanya].” Kung iiwan ka ng Diyos sa iyong kasalukuyang kalagayan, ika’y tiyak na mapapahamak. Hindi mo maliligtas ang iyong sarili – o makagagawa ng kahit ano upang makaabuloy sa iyong sariling kaligtasan.
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
“Nakamamanghang Biyaya.” Kantahin ito!
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
III. Pangatlo, dahil ang iyong patay na puso ay mananatiling di kumbinsido ng kasalanan.
Hiwalay mula sa biyaya ng Diyos, ang iyong patay na puso ay hindi kailan man makukumbinsi nitong lubos na pagkamakasalanan sa paningin ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na ang isang patay na makataong puso ang magagawang makita at kamuhian ang teribleng pagkamakasalanan.
Nagsalita si Hesus patungkol sa lubos na pangangailangan ng pangungubinsi ng Banal na Espiritu isang batong-patay na nawawalang tao ng kasalanan. Sinabi ni Hesus,
“At siya, pagparito niya [ang Banal na Espiritu], ay kaniyang susumbatan [kukumbinsihin] ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).
Napaka kaunting pag-iisip ang iyong gagawin patungkol sa iyong mga kasalanan hanggang sa gagawin ng Diyos sa iyong maisip mo ang mga ito. Mararanasan mo ang napaka kaunting panloob na sakit ng konsensya dahil sa iyong mga kasalanan hanggang sa dadalhin ng Diyos ito ng matalim sa harapan mo. Ito ang pangunahing dahilan na ika’y hindi pa ligtas. Wala kang pagkamalay ng matitinding kasalanan na iyong nagawa, ang matitinding mga kasalanan na nasa talaan ng Diyos, ang matitinding mga kasalanan na susumpa sa iyo sa walang hanggang kaparusahan. Ngunit ang iyong mga kasalanan ay mukhang napaka di importante sa iyo, at napaka labo at di tunay – maliban nalang na kukumbinsihin ka ng Diyos ng iyong kasalanan. Hindi, hindi mo magagawa ang iyong sariling mapunta sa ilalim ng pagkakumbinsing ng pagkakasala ng kasalanan. Ang Diyos lamang ang makagagawa niyan.
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
“Nakamamanghang Biyaya.” Kantahin ito!
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
IV. Pang-apat, dahil ang iyong patay na puso ay natural na tumatanggi kay Hesu-Kristo.
Wala kang magagawa upang maligtasa ang iyong sarili – dahil ang iyong patay na puso ay natural na tumatanggi kay Hesus, ang Tagapagligtas. Hindi mo maipaghahalo ang gasolina at tubig. Ang dalawa ay kusang mananatiling hiwalay. At hindi mo mapaghahalo ang iyong patay na puso at si Hesu-Kristo. Anomang sabihin mo o gawin mo, ang iyong patay na puso ay hindi tatanggapin si Hesus, o “makipaghahalo” kay Hesus. Ito’y kusang mananatiling hiwalay mula sa Kanya. Hindi ito natural na ang kabagligtaran nito.
Paki-lipat sa I Mga Taga Corinto 2:14. Magsitayo at basahin nating sabay-sabay ang bersong ito ng malakas.
“Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu”
(I Mga Taga Corinto 2:14).
Maari nang magsi-upo.
“Ang taong ayon sa laman” – iyan ay ikaw, ito ang iyong natural na kalagayan. Na walang higit sa natural na gawain ng Diyos sa loob mo, ika’y mananatiling mangmang kay Kristo at ang tunay na kaligtasan. Ang higit sa natural na gawain ng Diyos ay kinakailangan sa iyong kaluluwa, o ika’y di kailan man makapupunta kay Hesu-Kristo Mismo. Hindi ka kailan man mahuhugasan mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo kung ika’y iiwanan sa iyong sarili. Ang Diyos lamang ang makadadala sa iyo kay Hesus. Hindi ka makapupunta kay Hesus sa iyong sarili. Ika’y mananatiling nasa kasalanan, at mamamatay sa kasalanan, at mapupunta sa Impiyerno ng walang hanggan dahil sa kasalanan – maliban nalang kung ang Diyos ay mamamagitan at dadalhin ka kay Hesus ang Tagapagligtas.
“Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27).
O, panalangin namin na maawa sa iyo ang Diyos, at dalhin ka kay Hesus, para sa paglilinis mula sa kasalanan sa Kanyang mahal na Dugo! Amen. “Nakamamanghang Biyaya.” Kantahin ito!
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog."
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Juan 3:22-30.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Biyaya! Ito’y isang Kaakit-akit na Tunog.” Isinalin mula sa
“Grace! ‘Tis a Charming Sound” (ni Philip Doddridge, 1702-1751).
ANG BALANGKAS NG BAKIT PINAGPAPALA NG DIYOS ANG TSINA – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit” (Juan 3:27). I. Una, dahil mayroong Diablo na pumipigil sa iyong maligtas, II. Pangalawa, dahil ang kasamaan ng iyong patay na puso III. Pangatlo, dahil ang iyong patay na puso ay mananatiling di kumbinsido IV. Pang-apat, dahil ang iyong patay na puso ay natural na tumatanggi kay |