Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG NAGGAGALANG HENERASYONG ITO THIS WANDERING GENERATION ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago” (Daniel 12:4). |
Naibigay ko na ang pangaral na ito sa aming simbahan ng maraming beses. Tunuturing ko “Ang Naggagalang Henerasyon” na isa sa pinaka mahahalagang pangaral na aking kailan man ipinangaral, at gusto kong pakinggan ninyo ito ng mabuti ngayon gabi.
Sinasabi ng teksto,
“Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan …”
(Daniel 12:4).
Ang buong kahuluguhan ng bersong ito ay hindi lubusang maiintindihan hanggang sa “panahon ng kawakasan.” Ito’y “[maisasara]” o maitatago hanggang sa panahong ng kawakasan. Pansinin na hindi lubusang naintindihan ni Daniel mismo ang propesiya na inilantad sa kanya:
“At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito? At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan” (Daniel 12:8-9).
Sa ika-dalawampu’t isang siglo lamang na ang propetikong kahulugan ng mga salitang ito ay nagsimulang maging malinaw. Sinabi ni Dr. W. A. Criswell na ang Daniel 12:4 ay nagsasabi sa atin na “isang panahon ng nakamamanghang mabilis na pagkilos at napakadakilang paglago ng kaalaman ay hinuhulaan para sa huling mga araw” (isinalin mula kay Criswell Study Bible, tala sa Daniel 12:4).
“Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago”
(Daniel 12:4).
Ang mga tao ay napaka interesado sa mga propesiya sa Bibliya ngayon dahil sa mga kaganapang nangyayari ngayon sa Gitnang Silangan, at ang terorismo na nakikita natin ngayon sa maraming mga bahagi ng mundo, at ang mga kaganapang nangyayari sa Israel. Ang mga problema ng ekolohiya at labis na populasyon, at ang dakilang sosyal at psikolohikal na mga problemang humaharap sa sangkatauhan ay nagsanhi rin ng maraming mga taong tumingin sa mga propesiya ng Bibliya para sa maraming mga sagot. Madalas tanungin ng mga tao, “Mayroon bang masasabi ang Bibliya sa kahit anong mga pangyayring nababasa ko sa peryodiko?” Aaminin ko na kung hindi ko pinaniniwalaan ang Bibliya ako’y magiging napaka nahihinangang loob at natatakot sa kung anong nangyayari sa mundo. Dapat nating malaman kung anong sinasabi ng Bibliya tungkol sa propesiya – tungkol sa anong mangyayari sa hinaharap. Anong sinasabi ng Bibliya?
I. Una, nagbibigay ang Bibliya ng maraming mga tanda na tayo
na
ngayon ay nabubuhay sa “panahon ng kawakasan,” na
tinutukoy sa Daniel 12:4.
Sinasabi ng ating teksto,
“Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan…”
(Daniel 12:4).
Naniniwala ako na tayo na ngayon ay nasa panahong iyon, ang “panahon ng kawakasan.” Bawat tanda ay mukhang nagpapakita na tayo ay nabubuhay na napakalapit sa katapusan ng sanglibutan gaya ng pagkaalam natin.
Una, mayroong mga ekolohikal na mga tanda na ang kawakasan ay malapit na. Hinulaan ni Hesus
“malalakas na lindol…sa iba't ibang dako, dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot…at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan” (Lucas 21:11, 25-26).
Sinabi ni Hesus na ang mga puso ng mga tao ay hihina kapag makita nila ang nangyayari “sa lupa.” Sinabi Niya na magkakaroon ng matinding takot dahil sa mga ekolohikal na problema na humaharap sa sangkatauhan!
Pangalawa, sinabi ni Kristo na ang labanan ng lahi ay magiging isang tanda na ang kawakasan ay malapit.
“Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa [‘ethnos’ o ‘grupong etniko’], at ang isang kaharian [‘basilean’ o ‘nasyonal na grupo’] laban sa kaharian [nasyonal na grupo]” (Lucas 21:10).
Etnikong grupo laban sa etnikong grupo, nasyonal na grupo laban sa nasyonal na grupo – hindi ba iyan ang nakikita natin ngayon? Sa lahat ng ating makataong karunungan, teknolohiya at siyensya mukhang hindi natin kayang pigilan ang etnikong labanan sa pagitan ng mga lahi at digmaan sa pagitan ng mga bansa!
Pangatlo, sinasabi ng Bibliya sa atin na ang Israel ay magiging matinding problema sa mga bansa sa panahon ng kawakasan. Sinabi ng Diyos:
“Aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan” (Zakarias 12:3).
Mga tunay na mga Kristiyano ay kinakailangang tumayo para sa Israel sa mga araw na ito. Ngunit hinuhulaan ng Bibliya na ang mga bansa ng sanglibutan ay magiging laban sa Israel sa mga panahon ng kawakasan. Ang paglago ng tensyon ng dahil sa Israel ay isang tanda na tayo ay nasa huling mga araw.
Pang-apat, sinasabi ng Bibliya sa atin na isang pagtaas ng pag-uusig laban sa mga Kristiyano ay isang tanda ng kawakasan. Sinabi ni Hesus,
“Huhulihin kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay…sa mga bilangguan” (Lucas 21:12).
Nangyayari na iyan ngayon sa Republika ng mga Tao ng Tsina, sa Sudan, sa Indonesia, sa Gitnang Silangan, at marami pang ibang bahagi ng mundo. Pinaniniwalaan ko ang teribleng pag-uusig ng mga Kristiyano, na atin na ngayon nasasaksihan ng malakwan sa mundo, isang tanda na ang kawakasan ay malapit na.
Panlima, mayroong tanda ng relihiyosong apostasiya. Sinasabi ng Bibliya:
“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating [muna] ang pagtaliwakas [ang apostasiya]…”
(II Mga Taga Tesalonica 2:3).
Kahit na daan-daan at libo-libo ang nagsisibuhos sa mga simbahan ng Tsina, Aprika, at ibang mga bahagi ng mundo, mayroong, sa parehong beses, isang matinding pagbagsak, isang matinding apostasiya mula sa tunay na Kristiyanismo, dito sa Kanlurang mundo. Ito rin ay nagpapakita na isang tanda na tayo ay nabubuhay na napaka lapit sa kawakasan ng mundo gaya ng pagkaalam natin nito, at ang Pangalawang Pagdating ni Hesu-Kristo.
Lahat ng mga pangunahing mga tanda ay nasa lugar. Ang mga prediksyon ay nagkatotoo. Iyan ang dahilan na ako’y kumbinsido na tayo na ngayon ay nabubuhay sa “panahon ng kawakasan,” na tinutukoy sa Daniel 12:4.
II. Pangalawa, ang teksto ay nagsasabi sa atin na kaalaman at paglalakbay ay lalago sa panahon ng kawakasan.
“Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago”
(Daniel 12:4).
Ang paglago ng kaalaman ng tao nitong huling 150 taon ay ginawang posible ang isang dakilang paglago ng pagkilos ng tao at paglalakbay. Hindi kailan man naglakbay ang propetang si Daniel ng mas mabilis kaysa sa matatakbo ng isang kabayo, marahil hindi hihigit ng 15 milya kada oras. Ang kanyang karaniwang bilis ay kasing bilis ng malalakad ng isang tao. Sa panahon ni Daniel wala pang nakapaglalakbay ng mas mabilis kaysa 15 o 20 milya kada oras sa pinaka mabilis. Ngunit gamit ng imbensyon ng mga makinang pinaandar ng singaw, at kapangyarihan ng koryente, ang mga tao’y dumaan sa mga kalye at mga ilog sa bilis na 20 hanggang 30 milya kada oras ng unang pagkakataon. Tapos pinatanyag ni Henry Ford ang panloob na makinang kumbusiyon, at bilis ng 25, 35, at pati 70 milya kada oras ay sa wakas naabot. Ngayon mayroong mga awtomobil na makakapaglakbay ng hanggang 600 milya kada oras. Ang mga eroplano ay nakakapaglakbay ng 2,000 milya kada oras, at mga sasakyang pang alangaang ng 24,000 milya kada oras. Ngayon isang eruplanong sagitsit ay makakalipad palibot ng mundo ng mas mababa sa 24 oras. At ang isang tao sa isang sasakyang pangalangaang ay makakapaglakbay ng malinaw palibot ng mundo sa loob ng 80 minuto. At mas mababa sa isang segundo, ang isang mensahe sa radiyo ay makapaglalakbay mula sa isang sulok ng lupa papunta sa kabilang sulok. Sila na ngayon ay nagsasalita tungkol sa posibilidad ng isang tao sa hinaharap ng paglalakbay sa bilis ng ilaw, o 7½ na beses palibot ng mundo ng isang segundo lamang. Maari itong mangyari kung mga kontra sa grabidad na mga aparato ay magawang perpekto. Pag-isipan ito!
Sinabi ito ni W. E. Blackstone, sa kanyang primera klaseng aklat na, Si Hesus ay Darating [Jesus is Coming], noong 1917:
Ngayon ating isipin ang mga ebidensya ng paniniwala na ang Kanyang pagdating ay nalalapit. Mula sa maraming mga dahilan ng paniniwala na ang kawakasan ng sanglibutan ay gaya ng pagkaalam natin ay nalalapit, mula sa mga dahilang iyon magbibigay tayo ng pito tulad ng mga sumusunod. Una, ang paglaganap ng paglalakbay at kaalaman.
Iyan ay naisulat noong 1917. Tapos ay isinipi ni Blackstone ang Daniel 12:4. Tapos ay sinabi niya,
Isang pagpaparis ng mga kamakailan lang na mga taon sa kasalukuyan ay nagpapakita ng isang pinaka kahanga-hangang paglago ng parehong paglalakbay at kaalaman.
Ipinagpatuloy niya,
Isang pangyayari ay sinabi tungkol sa isang babae sa Inglatera na pagkatapos ng mahabang pag-iisip ay nagdesisyong maglakbay. Mga kaibigan ay nagsama-sama upang tulungan siya sa kanyang pag-alis. At naglakad ng isang milya o higit upang magbigay paalam, isang matinding grupo ang nagpulong upang magpaalam sa kanya. Gayon man ang kanyang buong paglalakbay ay limampung milya lamang.
At silang lahat ay nagdatingan upang magpaalam sa kanya, dahil alam nila na hindi na nila siya makikitang muli! Siya’y lilipat ng limampung milya ang layo! Gayon man ngayon, kung ang krontra grabidad ay madidiskubre, ang tao a maglalakbay sa bilis ng ilaw – o 7½ na beses palibot ng mundo sa isang segundo!
At pagkatapos sinabi ito ni Blackstone:
Ngayon ang imbensyon ay nagdugtong ng mga makakapangyarihang puwersa ng singaw at koryente sa malapalasiyong mga karwahe sa lupa at dagat, upang ang isa ay makakapalibot ng mundo ng may ginhawa at kadalian sa loob ng 60 na mga araw.
Iyan ay mukhang nakamamangha kay Blackstone noong 1917. Ilang taon lang bago niyan, isinulat ni Jules Verne sa kanyang tanyag na siyensyang kathambuhay na nobelang, Palibot ng Mundo sa loob ng Walompung mga Araw [Around the World in Eighty Days]. Ito’y ginawang isang pelikula na maari mo pa ring makita sa telebisyon, na pinangungunahan ni David Niven. At noong isinulat ni Jules Verne iyan, ang mga tao ay nagsitawa sa kaisipan ng paglilibot ng mundo sa loob ng 80 mga araw sa isang lobo. Ngayon, ito’y tumutunog na parang napaka-lumang istilo at makaluma na pag-usapan ang palilibot ng mundo sa loob ng 80 araw, dahil ngayon karaniwan na para sa mga taong maglakbay palibot ng mundo sa loob ng 20 oras. At ang isang tao sa isang sasakyang pangalangaang ay makalilibot ng mas mabilis pa riyan!
Sinasabi ng ating teksto,
“Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago”
(Daniel 12:4).
Ito’y nangyari noong ika-20 na siglo, sa panahon ng buhay ng aking mga magulang at lolo at lola. Noong ang aking lola ay ipinanganak walang mga awtomobil. Hindi pa naimbento ng tao ang eroplano. Natandaan ng aking lola ang unang dalawang taong nagpalipad ng isang eroplano – ang Magkapatid na Wright. Gayon man nabuhay siya upang makita ang isang taong malibot ang mundo sa isang satelayt. Iyan ay isang buhay! Ang lahat ng iyan ay lumago sa siyentipikong kaalaman, at bilis, at paglalakbay ay isang tanda na tayo ay papalapit sa kawakasan ng mundo gaya ng pagkaalam natin nito.
Sinabi ito ni Dr. M. R. DeHaan sa kanyang aklat na, Ang mga Tanda ng Panahon [The Signs of the Times],
Si Daniel ay nagbibigay ng dalawang tanda ng kawakasan ng panahon. Ito ang mga ito: (1) Marami ang tatakbo ng paroo’t parito, at (2) ang kaalaman ay lalago. Tinatawag ko ang dalawang ito na mga tanda ng paglalakbay at tanda ng edukasyon. Ang panahon ng kawakasan ay mailalarawan ng isang di pangkaraniwang paglago sa paglalakbay at hanggang ngayon di kapanipaniwalang pag-unlad ng kaalaman, edukasyon, pagkatuklas ng siyensya. Sinasabi ni Daniel, “Marami ang tatakbo ng paroo’t parito.” Hinulaan niya na ito’y magiging isang panahon ng di pangkaraniwang paglalakbay. Ito’y nakakikilabot na basahin ang ganoong mga salitang isinulat ng lampas pa ng 2,500 na taon ang nakalipas sa mga salita ng propetang Daniel. Gayon man lubos na inilalarawan nito ang ating makabagong panahon ngayon. Ang mundo ay lumiit. Ito’y isang panahon ng bilis at paglalakbay. Una ay dumating ang singaw at pagkatapos ay koryente. Una ay dumating ang tren, tapos ay ang mga disel. Ang mga awtomobil. Mabibilis na mga sasakyang dagat. Ang mga eroplano. At ngayon mga eruplanong sagitsit na sinundan ng mga satelayt. Ang isang tao ay di simpleng di makapapansin ng kahulugan ng mga salitang ito, “Marami ang tatakbo ng paroo’t parito.”
Ngunit tayo’y mas pumailalim pa sa propesiyang ito ni Daniel at ang pagkakatupad nito, na ating nakikita ngayon sa mundo.
III. Pangatlo, sinasabi sa atin ng teksto ang tungkol sa kabalisaan ng sangkatauhan sa panahon ng kawakasan.
“Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago”
(Daniel 12:4).
Tanungin ang iyong sarili, Bakit tumatakbo ang mga tao ng paroo’t parito? Bakit mayroong higit-higit na paglalakbay ngayon? Sa palagay ko’y isang dahilan ay na ang tao ay determinado, mayroong isang bagay sa kanilang puso na tumutulak sa kanila sa parating paglilipat at pagbabago.
Tandaan ang sinabi ni Cain sa aklat ng Genesis:
“Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa. Ako'y magiging palaboy at hampaslupa” (Genesis 4:14).
Nagkamit si Cain ng isang kasalanan. Pinatay niya ang kanyang kapatid. Bilang resulta ng kasalanan siya ay itinaboy na gaya ng isang palaboy sa lupa, at parating naglalakbay, di kailan man nakokontento sa pananatili sa isang lugar.
Ako’y kumbinsido na ang pangunahing dahilan na ang mga tao ay masyadong nagpapalipat-lipat ngayon ay dahil sa sila’y itinutulak ng kasalanan. Ang pangunahing dahilan na ang mga tao ay nagpupunta sa Amerika ay dahil sa kasalanan, ang kasalanan ng kayamuan, upang kumita ng salapi. Iyan ang dahilan na tunay na imposibleng makuha ang mga Tsinong ipinagpalit na mga estudyante na maging mga tunay na mga Kristiyano. Sa Tsina ang pinaka dakilang muling pagkabuhay ng Kristiyanismo sa makabagong kasaysayan ay nagaganap. Ngunit kapag ang mga Tsinong mga estudyanteng iyon ay magpupunta rito sila’y interesado lamang sa pagkikita ng mas maraming salapi. Gusto nilang tumakbo sa Las Vegas ng katapusan ng lingo – upang magsugal para sa pera. Pera ang nagiging diyos nila – gaya ng pagiging diyos nito ng mga Amerikano.
Ang mga may wikang Espanyol na mga tao ay parating nagpapalipat-lipat, parating nagbabago. Sinisira nito ang kanilang mga anak at sinisira sila nito. Manatili sa isang lugar! Manatili rito kasama namin!
Nagsalita si A. W. Tozer tungkol sa mga tunay na mga Kristiyano na minsan mayroon tayo rito sa Amerika:
Ang matatag na matandang diakono na naggugol ng kanyang buong buhay sa parehong probinsya kung saan siya ay ipinanganak ay lumipas na at wala na magpakailan man. Siya’y nabuhay bago ng mga araw ng makabagong taong layas…Ang kanyang simpleng pagkakamali ay na… kinailangan niya ng pagbabago at isang pahinga… ngunit ng dahil sa di pagkakarinig ng mga kamangha-manghang mga tulong sa kalusugan at kahabaan ng buhay, nagpatuloy siyang kumayod, nagpalaki ng sampung malulusog na mga anak, kinayod ang sarili niyang bukid, at nagawang makabasa ng isa o dalawang ma-iiging aklat kada buwan… Kaya pa rin niyang bumaril ng isang ardilya mula sa isang puno ng kastanyas at isang daang yarda na walang salamin at batakin pataas ang kanyang sarili ng maraming beses sa isang rehas na nakabitin ng pahalang ng patuloy noong siya ay walom pu’t pito. Noong sa wakas siya’y namatay siya’y pinagluksaang lubos ng kanyang pamilya at ng isang grupo ng mga tunay na mga kapit bahay na natutunang hangaan ang kanyang purong kahalagahan sa pamumuhay katabi niya ng isang haba ng buhay. Paanong masasabi ng kahit sino na ang kanyang apo, na nagpapalipat-lipat ng apartment kada dalawang taon ay naggugugol ng kanyang panahon ng tag-init na dumadagundong sa mga tanawin sa loob ng isang ulap ng usok, ay kanyang kapantay sa makataong karakter, ay di matatarok (isinalin mula kay A. W. Tozer, “Midsummer Madness,” God Tells the Man Who Cares, Christian Publications, 1970 edisiyon, p. 127).
Bakit ang mga tao sa buong Amerika’y masyadong nagpapalipat-lipat? Bakit nila nililisan ang kanilang mga simbahan at lumilipat sa kabilang panig ng bansa? Ito’y halos laging dahil sa sila’y matakaw para sa mas marami at mas marami pang pera. Hindi ako sumasang-ayon kay Billy Graham sa maraming mga bagay, ngunit lubos akong sumasang-ayon sa kanya noong sinabi niya na ang pinaka matinding kasalanan ng Amerika ay ang kasalanan ng kayamuan, katakawan para sa mas marami at mas maraming pang pera.
Kabataan, ang lahat nitong patuloy na pagpapalipat-lipat at pagpapalit, at paghangad sa mas marami pang pera ay puminsala sa iyong henerasyon. Pinupunit kayo ng iyong mga magulang, palabas ng iyong paaralan, at hinahatak ka palayo mula sa iyong mga kaibigan, at ika’y nag-iisa bilang resulta. Ito’y isang matinding trahediya. Karamihan ng mga kabataan sa Amerika ay teribleng nag-iisa. Hindi ka maaring magkaroon ng matatag na tahanan at tunay na mga kaibigan kung ika’y patuloy na nagpapalipat-lipat.
Huwag mo silang hayaan na sibihan kang lumipat kung saan upang magpunta sa kolehiyo! Mayroong labin lima o dalawam’pung mga kolehiyo at unibersidad na maimamaneho ang distansya mula sa simbahang ito. Manatili rito at magpunta sa paaralan! Manatili rito sa simbahang ito at makipagkaibigan rito! Bakit maging nag-iisa? Umuwi – sa simbahan! Ang pinaka mahalagang bagay para sa iyong gawin ay ang maging isang tunay na Krisityano – at manatili rito sa Bautismong simbahan na ito at tulungan kaming gumawa ng isang positibing epekto sa Los Angeles! Huwag pumalayo. Gagawin ka lamang nitong mag-isang – muli. Bakit maging nag-iisa? Umuwi – sa simbahan – at manatili rito!
Kung iiwan mo ang iyong simbahan, iiwanan mo ang iyong mga ugat. Iiwanan mo ang lahat na tunay na mahalaga sa buhay. Iyan ang ginawa ni Cain. At sinira nito ang kanyang buhay, at ang buhay ng kanyang mga anak. Sila’y naging mga pagano – ang unang mga pagano sa mundo – dahil si Cain ay lumayo mula sa piling ng Panginoon upang mabuhay sa lupa ng Nod. Nagpatuloy si Dr. DeHaan sa pag-sasabing :
Ang lupain ng Nod ay literal na nangangahulugang “ang lupa ng naggagalang.” Iyan ang ibig sabihin ng Hebreong salita, ang lupa ng naggagalang. Ipinahihiwatig nito ang paglalakbay mula sa isang lugar patungo sa isa. Sinasabi ng tradisyon na si Cain ay nagpunta sa Indiya at Tsina at ibang mga malalayong lupain… Ang karaniwang interpretasyon ay na si Cain ay naglakbay ng ilang distansya mula sa kanyang tahanan. Nagpapahiwatig ito ng pagkabalisa, pagkabagabag.
Lipat, ng lipat, ng lipat. Iyan ang ginawa ng mga tao sa panahon ni Cain, sa mga araw bago ng Matinding Baha. At sinabi sa atin ni Kristo na ang mga kilos ng mga anak ni Cain bago ng Baha ay makapaglalarawan ng mga tao sa mga huling mga araw. Sinabi Niya,
“Kung paano ang mga araw ni Noe [Noah], gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).
At ganyan lang nga kung papaano ito ngayon. Mga taong patuloy na nagsisilipat, gaya nila noong mga araw bago ng Baha. Iyan mismo ang ginagawa ng mga tao ngayon.
“Marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago” (Daniel 12:4).
Bakit naglilipat masyado ang mga tao? Nasabi ko na na karamihan nito ay nagmumula sa kasakiman, mula sa kayamuan para sa mas marami’t marami pang pera. Sinasabi ng Bibliya:
“Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi…”
(II Ni Timoteo 3:1-2).
Ang mga tao sa huling mga araw ay literal na mga “mapagmahal ng pera” at “mapagmahal ng sarili” – iyan ang literal ng Griyego. At nasabi ko na na ang patuloy na paghangad na lumipat ay karaniwang naka base sa kasakiman ng isang uri o iba. Sinasabi ng tao, “maari akong magkatrabaho at manatili rito sa simbahang ito, ngunit magkakapera ko ng mas higit kaunti kung lilipat ako doon.” Sinasabi nila, “Pwede akong magpunta sa paaralang ito – ito’y maigi. Ngunit makakapagkita ako ng mas maraming salapi sa hinaharap kung ako’y nagpunta sa paaralang iyan – malayo roon.” Kaya mayroon ka nitong patuloy na paggagalang at pagpapalipat-lipat ng isang materyalisitikong, sakim, makasariling henerasyon.
Ngayon si Hesus ay mayroong masasabi tungkol rito. Sinabi ni Hesus:
“Hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” (Mateo 6:33).
Iyan ang ginawa ni Gg. Mencia. Iyan ang ginawa ni Gg. Griffith. Iyan ang ginawa ni Dr. Chan. Iyan ang ginawa ni Dr. Cagan. Iyan ang ginawa ni Gng. Salazar at Dr. Judith Cagan. Iyan ang ginawa ng aking asawa. Inilagay ng lahat ng mga pinuno ng ating simbahan ang kaharian ng Diyos muna. Tignan kung gaano kasaya at ka-normal ng kanilang mga pamilya! At iyan ang gusto mong gawin. Huwag tatakbo papunta kung saan. Manatili rito at hanapin muna ang kaharian ng Diyos. Gaya ng kinanta ni Gg. Griffith ilang sandali lang ang nakalipas:
Isang pusong kontento,
isang isipang malugod,
Ito ang mga kayamanang
hindi mabibili ng pera.
Kung mayroon ka si Hesus, mayroong
mas higit na kayamanan sa iyong kaluluwa
Kaysa hektarya ng mga diamante at
mga bundok ng ginto.
Ako’y narito na sa gitna ng lungsod ng Los Angeles ng higit sa anim na pung taon. Halos ang buong paglilingkod ko ng apat na pu’t limang taon ay nasa gitnang lungsod ng Los Angeles, una sa isang puting simbahan, at tapos sa isang Tsinong simbahan, at tapos dito sa simbahang ito. Madalas kong ginustong iwanan ang Los Angeles. Ngunit gusto ng Diyos na ako’y manatili. Mayroong maraming beses noon na ito’y lubos na mahirap na manatili rito, dahil madalas sa pinansyal na kahirapan at emosyonal na kahirapan. Ngunit natagpuan ko na ito’y mas mahalaga na maging nasa kagustuhan ng Diyos kaysa maging nasa “mas mabuting” lugar. Si C. T. Studd, isang dakilang misiyonaryo sa Tsina at Aprika, ay nagsabing, “Ang pinaka ligtas na lugar na maging ay sa gitna ng kagustahan ng Diyos.” At sumasang-ayon ako sa kanya!
Ngayon lahat ng mga iyong nakasama ko sa paaralan ay lumisan mula sa lungsod na ito. Ang aking pamilya ay namatay man o lumisan. Bawat isa sa kanila ay wala na sa Los Angeles. Napakarami noon nila rito. Ngayon, maliban sa aking dalawang anak na lalake at aking asawa, ako na lang ang nag-iisang taong nagngangalang Hymers na natira rito sa Los Angeles. Ako lang ang isang tao ng aking henerasyon na naiwan rito sa lungsod na ito kung saan noo’y napaka rami nila. Ngunit yoong mga lumipat at yoong mga lumisan ay hindi nagkaroon ng mas mabuting buhay at hindi nahanap ang kanilang hinahanap. At ngayon ay mayroon na akong mas buo at mas mayaman at mas mabuting buhay kaysa kahit sino sa kanilang tumakas at iniwanan ang lungsod. Manatili sa lungsod. At iniisip ko na iyan ay isang mensahe na dapat ipangaral ng mga pastor mula sa isang sulok ng Amerika hanggang sa ibang mga dakilang mga lungsod. Manatili sa lungsod na ito! Manatili sa lokal na simbahan! Walang kahit anong bagay roon!
Ang ilang mga mangangaral ay mayroong pag-uwi sa tahanang araw, kung saan ang lahat ng umalis ng simbahan ay nagsisibalikan. Nakadinig ako ng maraming mga simbahan, kung saan mayroon silang pag-uwi sa tahanang araw kung saan ang lahat ay nagsisibalikan sa simbahan. Sa tingin ko’y di dapat sila magkaroon niyan. Hindi ako magkakaroon ng pag-uwi sa tahanang araw para doon sa mga umalis mula sa gitna lungsod at umalis mula sa kanilang simbahan. Ang dapat nilang gawin ay ang magkaroon ng “manatili sa tahanang” araw para doon sa mga nanatili. Magkaroon ng “manatili sa tahanang” araw at huwag kailan man ipararangal yoong mga umaalis. Di kailan man. Huwag kailan man kahit banggitin sila maliban nalang bilang mga tampalasan.
Ano sa tinggin mo ang nangyari sa ating mga simbahan? Anong nangyari sa Amerika? Ang mga puti ay nilisan ang mga lungsod. Iniwanan nila ang kanilang mga simbahan. Dapat tayong mangaral laban riyan. Halos pinatay nito ang Amerika. Wala nang nakasira ng ating mga bansa ng mas higit pa kaysa sa paglilisan ng mga puti mula sa mga lungsod, iniiwan ang kanilang mga simbahan, tumatakbo. Tinatawag itong “puting pag-lisan.” At sinira nito ang Amerika! Huminto sa pagtatakbo! Manatili sa lungsod! Iyan ang dapat nating ipangaral. Hindi ito isang mensahe na gugustuhin ng mga tao, ngunit siguro’y mayroong magkakagusto nito. Ano bang dapat nating gawin, ipangaral lamang ang gusto ng tao? Dapat nating ipangaral ang kailangang marinig ng mga tao!
Ngayon ako na lang ang nag-iisang natitira, ngunit mayroon akong mas buo at mas mayaman at mas maiging buhay kaysa doon sa mga tumakbo at umalis ng lungsod. At hinihikayat ko kayong gawin ang parehong bagay. Sumalungat laban sa alon. Ibaba ang mga ugat at manatili kung na saan ka man.
At pakatapos isa pang dahilan, maliban sa materyalismo, ay pagkakulang ng pamimigil ng sarili. “Marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.” Sinasabi ng Bibliya na ang henerasyon ito ay magiging “walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili” (II Ni Timoteo 3:3). Ang salitang “walang pagpipigil” ay nangangahulugang hindi nila mapigil ang kanilang mga sarili. Maraming mga tao ang patuloy na nagpapalipatlipat dahil hindi lang nila mapigil ang kanilang sarili, lalo na sa pagitan ng ating mga Espanyol. Hindi sila posibleng makapanatili sa parehong lugar. Kailangan nilang lumipat kada tatlo o apat na mga buwan. Hindi iyan ang paraang mabuhay!
Sa kasamaang palad, kahit na siya ay isang nakamamanghang tao sa maraming ibang paraan, ang ama ng aking ina ay tulad niyan, ang aking lolo. Mayroon siyang pitong mga anak, bawat isa sa kanila ay ipinanganak sa ibang estado ng Unyon. Siya’y patuloy na naglilipat. Ang aking ina ay ipinanganak sa Oklahoma. Isang kapatid na lalake sa Nevada. Dalawa sa kanila ipinanganak sa Kanlurang Canada. Lipat, ng lipat, ng lipat. Di nakapagtataka na wala siyang kahit ano sa katapusan ng kanyang buhay. Di iyan ang paraang mabuhay! Pinanood ko ang nangyari sa pamilya ng aking ina at ang pamilya ng aking ama kasama ng lahat ng kanilang pagpapalipat-lipat at aking napagpasiya na hindi ko iipapagpalit-palit ang aking mga anak tulad niyan. Isang gabi binilang ko silang lahat kasama ng aking asawa bago lang kami natulog at binilang ko ang mga paaralan. Nagpunta ako sa 28 iba’t ibang mga paaralan bago ako nakapagtapos mula sa hay skul. At tumira ako sa maraming iba’t ibang mga tahanan noong ako’y bata. At napagpasiyahan ko na kapag ako’y lumake na ibababa ko ang aking mga ugat at mananatili sa isang lugar. Dahil hindi ko nakikita na ang mga tao’y napauuna sa lahat ng paglipat na iyon. Kung lumipat ka rito, gayon gawin itong ang iyong huling paglipat. Ibaba mo ang iyong mga paa at sabihin, “Iyan na. Ito na ang huling beses na ako’y lilipat.”
Sinasabi na si Aldous Huxley ay papunta sa isang pagpupulong ng Britanyang Asosasyon sa Dubilin, Ireland. Ngunit dumating siya sa estasyong huli na. Nagmamadali siya’y sumakay sa isang taksing kinakaladkad ng dalawang mga kabayo. Sinabi niya sa kutsero, “Imaneho mo ang mga kabayong mabilis.” Pinalo ng kutsero ang mga kabayo. At gayon nalang ang kanilang pagharururot sa taksi, kinakalog ang bawat kalye. Pagkatapos ng isang sandali si Huxley ay sumigaw sa kutsero, “Alam mo ba kung saan ka papunta?” Sumagot ang kutsero, “Hindi, hindi ko alam kung saan ako papunta, ngunit ako’y nagmamaneho ng napakabilis.” Iyan ang paraan ng makabagong tao. “Hindi ko alam kung saan ako papunta, ngunit ako’y nagmamaneho ng napakabilis.”
Isa sa mga tagamartsa sa hukbo ni Coxe habang ito’y papunta sa Washington ay sinubukang ipaliwanag ang kanyang misyon sa pagsasabing, “Hindi natin alam ang gusto natin, ngunit gusto natin itong lubos, at gusto natin itong higit na mabilis.” At iyan ay kung papaano ang maraming mga kabataan ngayon. “Hindi ko alam kung anong gusto ko, ngunit gusto ko itong makuha ng kasing bilis ng aking makakaya.” Siya nga pala, saan ka papunta sa iyong buhay? Ika’y kumikilos ng kasing bilis ng iyong makakaya, ngunit saan ka pupunta? Binubuhay mo ang iyong buhay sa mabilis na landas. Ngunit saan ka dinadala ng iyong buhay? Nasaan ka dalawam pu’t limang taon mula ngayon? Nasaan ka limampung taon mula ngayon? Ika’y kumikilos ng kasing bilis ng iyong makakaya ngunit saan ka pupunta? Nasaan ka isang daang taon mula ngayon? Saan mo ipapagpalipas ang kawalang hanggan? Ika’y kumikilos ng kasing bilis ng iyong makakaya ngunit saan ka pupunta? Anong gusto mo sa iyong buhay? Alam mo, ang mga dakilang pilosopikal na mg katanungan ay ang mga ito: Sino ako? Bakit ako narito? at Saan ako papunta? At kung hindi mo nasagot ang mga tanong na iyan, wala akong pakialam kung ano mang edukasyon sa kolehiyo ang makuha mo, hindi ito makabibigay ng kahit anong kabutihan. Sino ka? Bakit ka narito? Saan ka papunta? Saan mo ipagpapalipas ang kawalang hanggan?
Kinausap ko ang isang tao isang araw. Sinabi niya sa akin, “Bago ako dumating sa simbahang ito hindi ko alam kung bakit ako narito.” Sinabi niya, “nagpunta ako sa trabaho at umuwi. Natulog ako at gumising. Nagpunta ako sa trabaho. Umuwi. Natulog. Gumising. At tatanungin ko ang aking sarili, ‘Anong layunin nito?’” Bakit ako narito? Saan ako papunta? At sinabi niya, “Hanggang sa nagpunta ako sa simbahang ito at nahanap ko ang layunin ng aking buhay at natagpuan ko kung bakit ako narito sa lupa.” Iyan ang kailangan mo. Bakit maging mag-isa at maging walang layunin? Umuwi – sa simbahan!
Isang matandang Kristiyano ay isang araw umupo kasama ng isang binata. Ang binatang ito ay nag-akalang siya’y nakapupunta sa iba’t ibang lugar. Siya ay kumikita ng pera. Sinabi ng matanda sa kanya, “Anong balak mong gawin sa iyong buhay?” Sinabi ng binata, “Ako’y magsisikap ng lubos.” Tinignan siya ng matanda at nagsabi, “Tapos ano?” Sinabi niya, “Ako’y magkakaroon ng maraming pera.” Tinignan siya ng matanda at nagsabing, “Tapos ano?” Sinabi niya, “Siguro’y magpapakasal.” Sinabi ng matanda, “Tapos ano?” “Siguro’y magretiro at ilibang ang aking sarili at ikasiya ang nagawa ko sa aking buhay.” “Tapos ano?” “Siguro’y tapos mamatay.” “Tapos ano?” At ang tanong ay gumulo sa kanya. At hindi niya ito maialis sa kanyang isipan.
At iyan ang kailangan mong gawin. Tinatanong mo ang iyong sarili, “Ano talagang ibig sabihin ng aking buhay? Saan papunta ang aking buhay? Ako’y tumatakbo ng paroo’t parito, ngunit saan papunta ang aking buhay?”
At kaya iyan ang dahilan na gusto kong bumalik ka rito sa simbahang ito sa sunod na Linggo. Gusto kong makipagkaibigan kang matatag rito sa simbahang ito. Ganyan ang paraan upang magamot ang iyong kalungkutan. Ang simbahan ay hindi isang perpektong lugar, dahil mga tao ang nasa loob nito, at ang tao ay hindi perpekto. Ngunit ang simbahan ay ang “pinaka masayang lugar sa lupa.” Sinasabi nila iyan tungkol sa Disneyland, ngunit mali sila. Ang lokal na simbahan ang pinaka masayang lugar sa lupa!
Ngunit dapat mong ipagtiwala ang iyong sarili sa lokal na simbahan. Hindi nito magagamot ang iyong kalungkutan kung magpupunta ka lamang ng panandalian lang, at tapos aalis rin. Dapat kang sumapi kasama ng simbahan, at magpatuloy na magpunta, bawat lingo, ano mang mangyari. Ang uri ng pagtitiwalang iyan ay kinakailangan upang magkaroon ng matatag na buhay mag-asawa – at kinakailangan ito upang maging bahagi ng isang simbahang pamilya! Ang mga tao’y nag-iisa dahil masyado silang makasarili at matakaw upang ipagtiwala ang kanilang sarili sa iba. Sila’y nagiging tulad ni Scrooge, sa Isang Paskong Awit [A Christmas Carol] ni Dickens. Sila’y napakamakasarili at matakaw na sila’y nagiging sa huli’y lubos na nag-iisa – nakabitag sa isang pagpahingahang bahay, lubos lubos na putol mula sa makabuluhang mga pakikipag-ugnay. At nagsisimula ito ngayon, habang ika’y bata pa. Ilagay ito bilang isa sa iyong mga aksyom ng buhay: kung hindi mo ipagtitiwala ang iyong sarili sa isang matatag na grupo ng mga tao, ika’y palaging magiging nag-iisa. At wala nang mas nakalulungkot pang lugar kaysa sa Impiyerno. Ang mayamang tao sa Impiyerno ay lubhang nag-iisa na nagmakaawa siya sa isang manlilimos na bigyan siya ng tubig na maiinom. Dapat kang magpunta sa lokal na simbahang ito at manatili rito kung gusto mong madaig ang kalungkutan.
At pagkatapos, dapat kang magpunta kay Hesu Kristo ng lubos, ang Anak ng Diyos. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mgakasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang mahal na Dugo upang ang iyong mga kasalanan ay mahugasan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay at ngayon ay naka-upo sa kanang kamay ng Diyos, sa Langit. Ngunit dapat kang tumingin papalayo mula sa iyong makasariling, paganong buhay, at dapat kang magpunta sa simbahan bawat isang Linggo, na di kailan man naliliban. Iyan ay totoong pagsisisi! Iyan ang ibig sabihin nito! At dapat ka gayong magpunta ng lubos kay Kristo, at mahugasang malinis sa Kanyang Dugo! Iyan ang tunay na kaligtasan! Iyan ang Bagong Tipang Kristiyanismo! Iyan ang sagot sa mga dakilang tanong ng buhay! Iyan ang paraan upang mabuhay ng magpakailan man! Lumabas mula sa naggagalang henerasyong ito! Iwanan ito! Pumasok sa lokal, na Bagong Tipang Bautismong simbahan na ito! Pumasok ng lubos kay Kristo! Gawin ito! Gawin ito! Gawin ito! At pagpalain ka ng Diyos magpakailan man!
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Daniel 12:1-4, 8-10.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hektarya ng Diamante.” Isinalin mula sa
“Acres of Diamonds” (ni Arthur Smith, 1959).
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
ANG BALANGKAS NG ANG NAGGAGALANG HENERASYONG ITO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago” (Daniel 12:4). (Daniel 12:8-9) I. Una, nagbibigay ang Bibliya ng maraming mga tanda na tayo II. Pangalawa, ang teksto ay nagsasabi sa atin na kaalaman at III. Pangatlo, sinasabi sa atin ng teksto ang tungkol sa kabalisaan ng |