Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA KALANGITANG GANTIMPALA PARA SA PANGANGAMIT NG MGA KALULUWA

HEAVENLY REWARDS FOR WINNING SOULS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-28 ng Agosto taon 2011

“At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:2-3).


Si Dr. Edward J. Young ay kaibigan ng mahabang panahon kong Tsinong pastor at guro, si Dr. Timothy Lin. Itinuro ni Dr. Lin ang mga Lumang Tipang wika at nag-aaral sa pagtatapos na departamento ng Unibersidad ng Bob Jones bago siya naging aking pastor. Si Dr. Young ay isang Lumang Tipang eskolar. Siya ay Propesor ng Lumang Tipan sa Teyolohikal na Seminaryo ng Westminister sa Philadelphia mula taon 1936 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1968. Nagkumento sa Daniel 12:3,

“At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:3),

Sinabi ni Dr. Young, “Yoong mga kumilos nang maingat at nang madunong na kanilang…naituro ang marami sa daanan ng katuwiran ay matatanggap ang maluwalhating gantimpala para sa kanilang gawain na sila’y kikinang na mapasawalang hanggan parang ningning ng langit at ng mga bituin…ang mga makalangit at walang hangganga gantimpala” (isinalin mula kay Edward J. Young, Ph.D., A Commentary on Daniel, The Banner of Truth Trust, 1977 inilimbag muli, pp. 256-257).

Ang pangaral na ito ay pinaikli at isiniayos mula sa isang kapitulo ng aklat ni Dr. John R. Rice, Ang Gintong Daanan sa Tagumpay sa Personal na Pangangamit ng Kaluluwa [The Golden Path to Successful Personal Soul Winning] (John R. Rice, D.D., Sword of the Lord Publishers, 1961, pp. 297-307).

Ito’y dakila na maging isang mangagnamit ng kaluluwa sa buhay na ito. Ngunit mayroon pang higit riyan! Ang nangangamit ng kaluluwa ay mayroong maraming pagpapala pagkatapos ng kamatayan na hindi maaring magkaroon ang iba.

“At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:3).

I. Una, ang nangagnamit ng kaluluwa ay magkakaroon ng maligayang
pagtatanggap at papuri mula kay Kristo.

Ang Apostol Pablo ay mayroong layunin at ambisyon na namahala sa kanyang buong buhay. Iyan ang dahilan na siya’y nagtrabaho ng umaga at gabi, “sa pagkakayod na higit pang masagana” higit pa sa kahit sinong Apostol. Minimithi ni Pablo ang panahon na siya ay mapupuntang harap harapan kay Hesu-Kristo. Sinabi niya, “Kaya't ang amin namang pinagsisikapan, maging sa tahanan man o di man, ay maging kalugodlugod kami sa kaniya. Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo…” (II Mga Taga Corinto 5:9-10). O, na maging katanggap-tanggap kay Hesus – na magkaroon na si Hesus na nakangiti at maging malugod at salubungin si Pablo ng kalugod-lugod!

Ito’y pagmimithi sa pagsang-ayon ni Kristo na nagsanhi kay Pablo upang kumayod ng araw at gabi na nangangamit ng mga kaluluwa. Pangangamit ng mga kaluluwa ang pangunahing bagay na nagpakilos kay Pablo sa kanyang buong paglilingkod. Patuloy siyang kumakayod upang mangamit ng mga kaluluwa! Tinuruan niya ang ibang mangamit ng mga kaluluwa. Sinabi niya, “sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao, upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan” (I Mga Taga Corinto 9:22).

Anong matagumpay na pagpasok ay nagkaroon si Pablo noong pumasok siya sa Langit at narinig si Hesus na nagsabing, “Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin…Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon” (Mateo 25:21). Ang kagalakang iyan ay magiging kagalakan ng bawat mapagpananampalatayang mangangamit ng kaluluwa kapag sila’y pumasok sa Langit. Sinabi ni Pablo doon sa mga kanyang nakamit sa Tesalonica, “Sapagka't ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang pagparito? Sapagka't kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan” (I Mga Taga Tesalonica 2:19-20).

Sa Parabula ng Dakilang Hapunan, sa Lucas 14:16-24, ito’y mahalaga na ang alipin na inilarawan ni Kristo ay isang nangangamit ng kaluluwa – ang isang naghikayat ng mga nawawalang kaluluwa na magpunta sa dakilang pista sa Langit. Anong ligaya ang magkakaroon si Kristo at Kanyang mga mangangamit ng kaluluwa kapag Makita nila young mga kanilang nakamit sa lupa sa makalangit na pista ng kasal! “Ngayon tayo’y mag-aani.” Kantahin ang koro!

Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
   Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
   Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
   Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
   Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.
(“Napaka Kaunting Oras.” Isinalin mula sa “So Little Time”
     ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

“At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:3).

II. Pangalawa, ang nangangamit ng kaluluwa ay matatanggap ang pinaka dakilang mga gantimpala sa Paghahatol sa Bema.

Ang I Mga Taga Corinto 3:10-15 ay nagsasalita tungkol sa paghahatol ng mga Kristiyano sa Langit, pagkatapos ng pagdadagit, sa Paghahatol ng Bema, sa paghahatol na luklukan ni Kristo. Hindi ito ang Huling Paghahatol ng mga Di-ligtas na mga Patay. Hindi, ito ang paghahatol ng mga tunay na Kristiyano.

“Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami; Ang gawa ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't ang araw ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon. Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan. Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y tulad sa pamamagitan ng apoy” (I Mga Taga Corinto 3:12-15).

Ang gawain ng bawat Kristiyano ay susubukin. Iyon na permanente – ginto, pilak, at mga mahahalagang bato – ay tatanggap ng isang gantimpala. Iyong panandalian lamang – kahoy, tuyong dayami – ay masusunog at masisira. Ito’y di tumutukoy sa kaligtasan. Tumutukoy ito sa mga gantimpala na makukuha ng ilang mga ligtas na mga tao, at na ang ibang mga tao ay hindi makukuha.

Ang ilang mga tao ay nagtayo ng magagandang at mamahaling mga gusali ng simbahan. Ngunit hindi ito magkakaroon ng walang hanggang halaga kung hindi ito ginamit upang mangamit ng mga kaluluwa. Maliban nalang kung itataas nito ang bilang ng mga kaluluwang nakamit, ang pera, ang oras, at ang lakas na iginugugol rito ay hindi magkakaroon ng halaga sa paghahatol na luklukan ni Kristo. Sunugin ito! Sunugin ito! Sunugin ito!

Ang iba ay nagtayo ng isang paaralan. Sila’y para sa edukasyon, kultura, sining, at siyensiya. Ngunit maliban nalang kung ang mga paaralan ay maghahasa ng mga tao upang mangamit ng mga kaluluwa, hindi ito magkakaroon ng kalaga sa paghahatol na luklukan ni Kristo. Sunugin ito! Sunugin ito! Sunugin ito!

Lahat ng mga organisasyon, lahat ng pamamahalang gawain ng isang pastor, at Linggong Paaralang mga manggagawa at mga sekretarya, ay walang halaga hangga’t ito’y makarating sa mga pagkaligtas ng mga nawawalang mga kaluluwa. Kung hindi ito’y kahoy, tuyong dayami. Sunugin ito! Sunugin ito! Sunugin ito!

Isang Linggong Paaralan, isang simbahan, ang pagkakanta ng mga kanta, ang gawain ng isang denominasyon, pati pagtuturo ng Bibliya sa mga Kristiyano – lahat ng mga ito ay panandalian lamang, ang di pakakaroon ng bunga at di pagkakaroon ng gantimpala paghahatol na luklukan ni Kristo hangga’t ito’y magbunga na mga nawawalang mga kaluluwa ay maligtas. Sunugin ito! Sunugin ito! Sunugin ito!

Sinasabi ng I Mga Taga Corinto3:15, “Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y tulad sa pamamagitan ng apoy.” Kung hahayaan mo ang mga minamahal mong magpunta sa Impiyerno na hindi sila malakas na hinihikayat na magpunta sa Tagpaglitas, sila pa rin ay nasa Impiyerno. Ang lahat ng iyong pagluluha at hindi magbabago niyan. Maari kang patawarin ni Kristo, ngunit hindi nito babaguhin ang katunayan na ang mga minamahal ay nasa Impiyerno at wala sa Langit. Kaya ang kaligayahan ng mga Kristiyano at gantimpala at ang paghahatol na luklukan ni Kristo ay pangunahing nakasalalay sa pangangamit ng kaluluwa. Ang iisa at nag-iisang dahilan na si Hesus ay namatay sa Krus ay ang magligtas ng mga kaluluwa: Yoong mga tumutulong kay Hesus na gawin iyang iisang pangunahing bagay ay magagantimpalaan ng higit pa doon sa mga hindi nagliligtas ng mga kaluluwa. Pakinggan ang “Ang Halaga ng Muling Pagkabuhay” ni Dr. Rice.

Ang mga kayamanan ng lupa, napaka walang saysay at panandalian,
   Naglalaho silang parang ulap at nalalantang tulad ng mga dahon;
Ngunit mga kaluluwang nakakamit sa pamamagitan
   Ng ating mga luha at pagmamakawa
Ay mananatili para sa ating pag-aani sa itaas.
   Pag-aani, makalangit na pag-aani!
Para sa mga kaluluwang nakamit dito sa ibaba.

Ang magpunta sa pag-aaning iyan, na may kahoy at tuyong dayami,
   Napakalungkot na humarap sa luklukan ng paghahatol ng Panginoon,
Na walang ating nakamit upang magtiwala kay Hesus ating Tagapaglitas
   Na ihaharap sa pag-aani sa itaas.
Pag-aani, makalangit na pag-aani!
   Para sa mga kaluluwa dito sa ibaba.
(“Ang Halaga ng Muling Pagkabuhay.” Isinalin mula sa
      “The Price of Revival” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

III. Pangatlo, ang nangangamit ng kaluluwa ay niningning na parang mga bituin magpakailan man.

“At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:2-3).

Sa Langit ay magkakaroon ng matinding paglilipat-lipat ng makataong pagpapahalaga. Marami sa mga una ay magiging huli, at ang huli ay una sa araw na iyon. Ang taong pumapayag na gawin ang pangunahing bagay, ang pangangamit ng kaluluwa, ngayon para kay Hesus ay mahahanap na siya ay tanyag sa Langit. Maraming mga di-kilalang kalalakihan o kababaihan sa araw na ito ay “sisilang na parang ningning ng langit.” Ang mga nangangamit ng mga kaluluwang nagdadala sa marami sa katuwiran ay sisilang na “parang mga bituin magpakailan man,” ayon sa banal na Salita ng Diyos!

Dapat nating baguhin ang ating pag-iisip tungkol sa ano talaga ang mahalaga sa walang hanggan. Dapat nating ilagay ang ating mga puso sa mga bagay na hindi lumilipas, at mga lubos na mahalaga sa walang hanggan.

Mas gugustuhin ko pang maging isang payak na nangangamit ng mga kaluluwa at magningning gaya ng mga bituin magkailan man sa walang hanggan, kaysa maging pinaka mayamang tao, o pinaka pinararangalang tao sa mundong ito ngayon! Ang mga dakilang mga kalalakihan sa walang hanggan ay hindi ang mga Kennedy, ang mga Bush, ang mga Clinton o ang mga Obama. Ang mga dakilang mga kalalakihan sa walang hanggan ay sina Whitefield, Wesley, ang mga Spurgeon, ang mga Lloyd Jones, at mga John R. Rice, at ang mga lubos na mga sumukong nangangamit ng mga kaluluwa!

Napaka hangal na aksayahin ang ating panahon at lakas sa mga bagay na malapit ngn mawala, na walang permanenteng gantimpala. Ang taong naghahangad na mawalan ng laman ang Impiyerno ng mga potensyal nitong mga maninirahan ay ang isang magiging dakila sa mundong darating!

Ang nangangamit ng kaluluwang, gumugugol ng kanyang panahon at lakas at pera at panalangin upang pigilan ang mga makasalanang magpunta sa Impiyerno, ay madunong! Napaka pinagpala ang kanyang gantimpala! Siya ay sisilang na parang ningning ng langit. “Silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay [sisilang na] parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:3). Walang duda na sa bersong ito ang Diyos ay gumagawa ng isang pangako sa mga nangangamit ng mga kaluluwa na hindi ginagawa sa ibang mga Kristiyano na hindi nangangamit ng mga kaluluwa. “Silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay [sisilang na] parang mga bituin magpakailan man.”

O, napaka pinagpala ng mga nangangamit ng mga kaluluwa, at napaka walang hangganan ang kanilang mga gantimpala! Napaka hanggal na ang kahit sino sa atin ay makaliligtaan ang mga biyayang iyan na espesyal na ibinibigay ng Diyos sa Kanyang mga mangangamit ng kaluluwa. “Ngayon tayo’y Mag-aani.” Kantahin ito!

Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
   Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
   Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
   Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
   Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.

Kung hindi ka pa napagbabagong loob, nagpunta ka rito ngayong gabi dahil ang isang mangangamit ng kaluluwa ay nagdala sa iyo upang marinig ang Ebanghelyo. Kumayod sila, nanalangin, at hinikayat kang magpunta. Kaya hindi ko dapat isasara ang pangaral na ito na hindi sinasabi sa iyo na si Hesus ay ipinako sa Krus upang bayaran ang buong multa para sa iyong kasalanan. At dapat kong sabihin sa iyo na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay at pumaitaas pabalik sa Langit, kung saan Siya na ngayon ay nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos ang Ama. At dapat kong sabihin sa iyo na mahal ka ni Hesus. Si Kristo-Hesus ay nagpunta sa mundo upang magligtas ng mga makasalanan, ayon sa Bibliya. Ililigtas ka ni Hesus kapag ika’y magpupunta sa Kanya. At dapat kong sabihin sa iyong talikuran ang iyong mga kasalanan at magpuntang direkta kay Hesus. Kapag ika’y magpupunta kay Hesus, at ibibigay ang sarili sa Kanya, sa sandaling iyon, ika’y maliligtas Niya sa buong panahon, at sa buong walang hanggan. Amen. Magsitayo at kantahin ang huling kant sa inyong papel, ni Dr. John R. Rice.

Ang halaga ng muling pagkabuhay, ang halaga ng pangangmit ng kaluluwa,
   Ang mahabang mga oras ng pananalangin, ang bigat, ang mga luha;
Ang pagmamakawa sa mga makasalanan kahit na nag-iisa, isang dayuhan,
   Ay nababayarang muli sa pag-aani doon sa itaas.
Pag-aani, makalangit na pag-aani!
   Para sa mga kaluluwang nakakamit dito sa ibaba.

Ang mga kayamanan ng lupa, napaka walang saysay at panandalian,
   Naglalaho silang parang ulap at nalalantang tulad ng mga dahon;
Ngunit mga kaluluwang nakakamit sa pamamagitan
   Ng ating mga luha at pagmamakawa
Ay mananatili para sa ating pag-aani sa itaas.
   Pag-aani, makalangit na pag-aani!
Para sa mga kaluluwang nakamit dito sa ibaba.

Ang magpunta sa pag-aaning iyan, na may kahoy at tuyong dayami,
   Napakalungkot na humarap sa luklukan ng paghahatol ng Panginoon,
Na walang ating nakamit upang magtiwala kay Hesus ating Tagapaglitas
   Na ihaharap sa pag-aani sa itaas.
Pag-aani, makalangit na pag-aani!
   Para sa mga kaluluwa dito sa ibaba.

Ang mga madunong, ay sisilang na tulad ng langit na luwalhati
   Kapag kabayarang araw ay darating para sa mangangamit ng mga kaluluwa!
Tapos yoong mga marami ang naligtas sa kwento ng kaligtasan
   Tulad ng mga bituwn, ay pagpapalaing magpakialan man, ay sisilang.
Pag-aani, makalangit na pag-aani!
   Para sa mga kaluluwang naligtas dito sa ibaba.
(“Ang Halaga ng Muling Pagkabuhay.” Isinalin mula sa “The Price of Revival”
     ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Daniel 12:1-3.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pangangalala sa Langit.” Isinalin mula sa
“Remembering in Heaven” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

MGA KALANGITANG GANTIMPALA PARA SA PANGANGAMIT NG MGA KALULUWA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:2-3).

I.   Una, ang nangagnamit ng kaluluwa ay magkakaroon ng maligayang
pagtatanggap at papuri mula kay Kristo, II Mga Taga Corinto 5:9-10;
I Mga Taga Corinto 9:22; Mateo 25:21;
I Mga Taga Tesalonica 2:19-20.

II.  Pangalawa, ang nangangamit ng kaluluwa ay matatanggap ang pinaka
dakilang mga gantimpala sa Paghahatol sa Bema,
I Mga Taga Corinto 3:12-15.

III. Pangatlo, ang nangangamit ng kaluluwa ay niningning na parang mga
bituin magpakailan man, Daniel 12:2-3.