Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MAKALUPAING PAGPAPALA PARA SA MGA
NAGKAKAMIT NG KALULUWA

EARTHLY BLESSINGS FOR SOUL WINNERS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-21 ng Agosto taon 2011

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa” (Mga Kawikain 11:30).


Sa pangaral na ito, pina-ikili at isini-ayos ko ang aklat mula sa aklat ni Dr. Rice, Ang Gintong Daanan sa Matagumpay na Personal na Pagkakamit ng Kaluluwa [The Golden Path to Successful Personal Soul Winning] (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Sword of the Lord Publishers, 1961, pp. 275-296).

Ang tunay na Kristiyano na nagkakamit ng mga kaluluwa ay mayroong espesyal na biyaya, na mga sa pangalan lamang na mga Kristiyano, at mga miyembro ng simbahan na hindi mga nangangamit ng mga kaluluwa ay wala nito. Ang miyembro ng simbahan na hindi nangangamit ng kaluluwa ay hindi isang mabuting Kristiyano, walang maraming mga pangako, wala masyadong ligaya, wala masyadong maraming mga panalangin na nasasagot, gaya ng isang ang buhay ay nakasentro sa pagkakamit ng kaluluwa. Ang pagiging isang iskolar ng Bibliya ay hindi kasing igi ng pagiging isang nangangamit ng kaluluwa. Ang maging isang tagapagtanggol ng pananampalataya ay hindi kasing igi ng pagiging isang mangangamit ng kaluluwa. Ang pagiging isang martir, upang magdusa ng pag-uusig at kamatayan para sa iyong pagkakasala, ay hindi kasing buti ng pagiging isang mangangamit ng kaluluwa.

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
       (Mga Kawikain 11:30).

Yoong mga nangangamit ng kaluluwa ay madunong. Makatatanggap sila ng matitinding mga gantimpala sa darating na kaharian. Ngunit sandal! Mayroong marami pa. Ang masigasig na mangangamit ng kaluluwa ay mayroong maraming mga makalupaing biyaya – biyaya ngayon na!

I. Una, ang nangangamit ng kaluluwa ay ang pinaka maiging Kristiyano.

Ang mga nangangamit ng kaluluwa ay di pa rin ganap, mga mahihinang mortal, gaya ng lahat ng mga Kristiyano. Ang ilang mangangamit ng kaluluwa ay mas maiiging mga Kristiyano kaysa sa iba. Ngunit totoo pa rin na ang isang tunay na mangangamit ng kaluluwa ay halos malapit na sa parating mas maiging mga Kristiyano kaysa sa isang miyembro ng simbahan na hindi nangangamit ng mga kaluluwa. Simula noong si Hesus ay dumating upang “hanapin at iligtas ang nawala” (I Ni Timoteo 1:15), gayon yong mga gumagawa ng parehong bagay na ginawa ni Hesus ay nakapatuwa sa Kanya higit pa kaysa doon sa mga hindi nangangamit ng mga kaluluwa. “Ngayon tayo mag-ani.” Kantahin ito!

Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
   Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
   Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
   Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
   Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.
(“Napaka Kaunting Oras.” Isinalin mula sa “So Little Time”
     ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Si Dr. Rice ay nangaral ng isang tanyag na pangaral sa “Pitong Bahaging Kasalanan ng Hindi Pangangamit ng mga Kaluluwa.” Inilista niya muli ang mga kasalanang iyon sa mensaheng ito. Narito ang pitong mga kasalanan na nagagawa noong mga hindi nangangamit ng mga kaluluwa.


(1)  Ang Kasalanan ng Di Pagsunod sa Pangunahing Utos ni Kristo.

“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo..” (Mateo 28:19-20).

Kaya ang bawat bagong tao ay dapat maturuang sundin ang lahat ng bagay na iniutos ni Kristo na gawin ng mga Apostol. Ang mga bagong napagbagong loob, gayon, ay nabigyan ng dakilang komisyon upang magkamit ng mga kaluluwa. Ito ang pangunahing utos para sa bawat tunay na Kristiyano. Ang hindi pagsunod nito ay mabigat na kasalanan.


(2)  Ang Kasalanan ng Pagkakulang ng Pag-ibig para kay Hesu-Kristo.

Sinabi ni Hesus,

“Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos” (Juan 14:15).

“Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin” (Juan 14:21).

Malinaw gayon, na ang isang taong hindi sumusunod sa dakilang utos ni Kristong magkamit ng mga kaluluwa ay gumawa ng mga bagong disipolo, ay nagkukulang ng pag-ibig para kay Kristo. Yoong mga hindi nangangamit ng kaluluwa ay maaring magsabi na iniibig nila si Hesus, ngunit ang kanilang di kusang loob na pagkamit ng kaluluwa ay patunay na sinasabi lamang nila ang mga salita, na hindi nila Siya tunay na iniibig talaga.


(3)  Ang Kasalanan ng Hindi Pagsunod kay Hesus.

      Sa Mateo 4:19 sinabi ni Hesus, “Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.” Sa Marcos 1:17, sinabi ni Hesus, “Magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.” Gayon ito’y malinaw – Yoong mga sumusunod kay Hesus ay magiging mga mangangamit ng kaluluwa. Yoong mga hindi nangangamit ng kaluluwa ay hindi sumusunod kay Hesus sa diwa noong mga Kasulatan.


(4)  Ang Kasalanan ng Hindi Pagsunod kay Kristo.

      Sinabi ni Hesus sa Juan 15:5, “…Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.” Si Hesus ay hindi nagsasalita patungkol sa “bunga ng Espiritu” rito. Ang tinutukoy Niya ay ang bunga ng isang Kristiyano, iyan ay gumagawa ng mas marami pang Kristiyano sa pamamagitan ng pagkakamit ng kaluluwa. Mga milokoton, mansanas at mga dalandan ay mga bunga ng puno. Ang bunga ng isang Kristiyano ay isa pang Kristiyano. Ang mga puno ng dalandan ay nagbubunga ng dalandan. Ang mga puno ng mansanas ay nagbubunga ng mansanas. Ang mga tunay na mga Kristiyano ay nagbubunga ng iba pang mga tunay na mga Kristiyano sa pamamagitan ng pangangamit sa kanila. Sa Aklat ng Genesis ating mababasa, “nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri” (Genesis 1:25). Gayon din sa mga bagong mga tunay na napagbagong loob. Nagbubunga sila ibang mga tunay na mga napagbagong loob, “ayon sa kaniyang uri.” Kapag ang isang huwad o sa ngalan lang nagpupunta sa simbahan ay susubukang mangamit ng kaluluwa hindi niya ito nagagawa. Magugulo lang niya sila, at gawin silang na-aayon sa laman, “ayon sa kaniyang uri.” Tulad ng mga Fariseo, ang isang relihiyoso ngunit nawawalang miyembro ng simabahan ay “nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa [kanyang] makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay [kanyang] ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa [kanyang] sarili (Mateo 23:15). Ang batas ng uri “ayon sa kaniyang uri” ay magagamit rito. Ang mga nawawalang mga tao ay makapagbubunga lamang ng mga nawawalang mga tao, gaya ng nakita natin sa sarili nating simbahan at sa ibang mga simbahan. “Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa” (Juan 15:5).


(5)  Ang Kasalanan Panlilinlang.

      Yong mga nakaririnig ng Ebanghelyo, ngunit walang ginagawa upang makakamit ng iba ay nanlilinlang at mandaraya. Hindi sila nagbabayad ng tapat na utang. Sa lingcod na nagtago ng perang ibinigay sa kanya upang ipamuhunan, sinabi ng panginoon, “Ikaw na aliping masama at tamad” (Mateo 25:26). Ang kumuha at hindi magbigay ay mapaglinlang. Kaya, gayon, ang isang miyembro ng simbahan na hindi nagkakamit ng kaluluwa ay mapaglinlang at mandaraya.


(6)  Ang Kasalanan ng isang Walang Pagbabahala sa Kinabukasang Hangal.

      “Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa” (Mga Kawikain 11:30). “At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:3). Ang nangangamit ng kaluluwa ay pantas – naglalagay siya ng mga kayamanan sa Langit, at pagpapalain na mga walang hanggang gantimpala. Ngunit ang walang pagbabahalang miyembro ng simbahan na hindi nanganganmit ng mga kaluluwa ay hindi pantas, kundi isang hangal, sinasabi ng Diyos.


(7)  Ang Kasalanan ng Pagpatay ng Kaluluwa.

   Pakinggan ang pagbabala na ito na ibinigay ng propeta Ezekiel,

“Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin. Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay” (Ezekiel 3:17-18).

      Habang si Ezekiel ay dapat magbigay ng isang panagot, at maging nagkakasala ng kanyang pagpapabaya at hayaan ang mga taong mamatay sa kanilang kasalanan, kaya bawat tunay na Kristiyano ay may pananagutan. Ang Kristiyanong hinahayaan ang isang minamahal at kaibigan na mamatay na di nabibigyang babala ay mayroong dugo sa kanyang mga kamay at haharapin ang Panginoon upang magbigay ng panagot sa paghahatol na luklukan ni Kristo! “Ngayon tayo’y mag-ani.” Kantahin ito!

Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
   Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
   Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
   Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
   Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
       (Mga Kawikain 11:30).

II. Pangalawa, ang nangangamit ng kaluluwa ay mayroong espesyal na pagkalapit at pakikisama kay Kristo.

Ang nangangamit ng kaluluwa, rito sa lupa, ay mayroong antas ng kaligayahan, at kapayapaan, at ginhawa, na mga sa pangalan lang na mga Kristiyano ay hindi maaring magkaroon.

Sa katapusan ng Dakilang Komisyon ibinigay ni Hesus ang pangakong ito sa mga nangangamit ng kaluluwa,

“Ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan” (Mateo 28:20).

Yoon lamang nangangamit ng mga kaluluwa ay mayroong pangako. Matalik na pakikisama, nababatid na pagkalapit, proteksyon, at tagumpay ay ipinapangako lamang doon sa mga nangangamit ng kaluluwa. Kaya ang nangangamit ng kaluluwa ay mayroong matalik na pakikisama kay Hesus, na ibinigay Niya, espesyal na minamahal Niya, espesyal na kapayapaan ang ibinibigay ng Panginoong Hesus. “Ngayon tayo’y mag-ani.” Kantahin ito muli!

Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
   Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
   Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
   Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
   Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.

III. Pangatlo, ang nangangamit ng kaluluwa ay mayroong puspusang pagpapala ng Banal na Espiritu, na ibinibigay lamang sa mga nangangamit ng kaluluwa.

Siyempre alam natin na bawat tunay na napagbagong loob na Kristiyano ay naki-isa sa ilang ministro ng Banal na Espiritu. Siya ay nakumbinsing nagkasala ng Banal na Espiritu (Juan 16:7-11). Ang bawat tunay na Kristiyano ay “ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga” (Juan 3:6). Ang bawat tunay na Kristiyano ay mayroon ang Banal na Espiritu bilang tagapaginhawa, guro, at katulong sa pagdadasal. Ang Banal na Espiritu ay nabubuhay sa bawat tunay na Kristiyano (I Mga Taga Corinto 6:19-20; Mga Taga Roma 8:9).

Gayon man ito’y malinaw na mayroong isang espesyal na kakayahan ng Banal na Espiritu para sa pangangamit ng kaluluwa. Noong araw na dumating ang Pentekostes, “Silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 2:4) para sa pangangamit ng kaluluwa at sila’y sumaksi ng may dakilang kapangyarihan, at nakita ang tatlong libong mga taong naligtas. Ngunit pagkatapos sila’y napuno ng Banal na Espiritu muli, “at nangapuspos silang lahat ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 4:31) at sila’y, muli, nagkamit ng maraming mga kaluluwa. Tayo ay sinabihan ni Barnabas, “Siya'y lalaking mabuti, at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya: at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon” (Mga Gawa 11:24). Napaka linaw mula sa mga ito at marami pang ibang mga Kasulatan na ang kapuspusan ng Espiritu ay para lamang sa mga pangangamit ng kaluluwa, at dumarating lamang doon sa mga dedikada sa pangangamit ng kaluluwa.

Ang kapuspusan ng Espiritu ay ibinibigay para sa pangangamit ng kaluluwang kapanyarihan, ayon sa malinaw na salaysay ng mga Kasulatan. Ito’y isang pagpapala na wala ang mga Kristiyanong sa pangalan lamang. “Ngayon tayo’y mag-ani.” Kantahin ito!

Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
   Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
   Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
   Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
   Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.

IV. Pang-apat, ang nangangamit ng kaluluwa ay mayroong kaligayahan na higit pa sa ibang kaligayahan ng Lupa.

Ibig sabihin ba nito na ako’y nagbabansag na matinding bahagi para sa nangangamit ng kaluluwa? Tiyak nga na ako nga. Sinasabi ng Mga Awit 126:5 at 6,

“Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan. Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas” (Mga Awit 126:5-6).

Ang pangangamit ng kaluluwa, at pagpipigil para sa taong iyon mula sa Impiyerno, ay mas maigi pa kaysa sa pagtanggap ng isang tseke na limang libong dolyares! Ang isang nangangamit na Krisityano ay mayroong kaligayahan na higit pa sa kaligayahan ng ibang mga tao.

Sinabi ni Dr. Rice, “Ako’y mahirap sa mga kagamitan ng mundong ito. Nangangaral ako ng napaka simple laban sa kasalanan, modernism [liberalism] at di paniniwala ng ilang mga tao na kinasusuklaman ako at marami sa kanila ang nag-iisip na ito’y pagpapala sa bansa kung ako’y patay. Ako’y siniraan ng puri at nalapastangan, gayon man ang aking puso ay naitataas ng higit-higit sa pamamagitan ng pag-ibig at tiwala at pagbibigay utang-na-loob ng libo-libong nagpunta kay Kristo sa ilalim ng aking paglilingkod. Alam ko na ang kaligayahan ng isang nangangamit ng kaluluwa ay lampas sa mga kaligayahan na mayroong ang tao. Ang Diyos ang aking saksi, mas gugustuhin ko pang magkaroong ng karunungan ng libo-libong nanampalataya kay Kristo sa pamamagitan ng aking paglilingkod kaysa magkaroong ng milyong dolyares! O, kahanga-hangang maging isang tagapagkamit ng kaluluwa!” “Ngayon tayo’y mag-ani!” Kantahin ito!

Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
   Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
   Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
   Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
   Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
       (Mga Kawikain 11:30).

Ako’y nangaral sa mga tunay na mga Kristiyano sa ating simbahan, hinihikayat silang maging abala sa pagtutulong ng mga kaluluwang mahanap si Kristo. Ngunit hindi ka pa napagbabagong loob. Hindi ka pa kailan man nagsisi sa iyong kasalanan, at hindi pa kailan man nagkaroon ng isang pagtatagpo kay Hesu-Kristo. O, gaanong panalangin namin na ika’y pumasok sa pamilya ng aming simbahan, at magpunta sa kahanga-hangang Tagapagligtas, na si Hesus. Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay. Siya na ngayon ay nasa pangatlong Langit, nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos ang Ama.

Kami’y naging mabuti at mapagkaibigan sa inyo mga bagong tao. Kami’y naging mabait sa inyo, at nanalangin para sa inyo. Ito’y aming pinakamatinding panalangin na ika’y tumalikod mula sa kasalanan at magpunta kay Hesus. Naway gawin mo ito ang aming paki-usap at petisyon sa Diyos. Amen. Magsitayo at kantahin ang huling kanta sa inyong papel.

Napaka kaunting oras! Ang pag-aani ay matatapos na,
   Ang ating pag-aani ay tapos na,
Tayo’y mga mang-aani ay dinadala sa Uwian,
   Iniulat ang ating gawa kay Hesus,
Panginoon ng pag-aani,
   At umaasa na Siya’y ngingiti at sasabihin
Niyang, “Mabuting gawa!”
   Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
Ang ating gintong ani!
   Ngayon ay ibinibigay sa atin
Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
   O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
Mula sa pagkasunog,
   Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.
(“Napaka Kaunting Oras.” Isinalin mula sa “So Little Time”
   ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Kawikain 11:28-31.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Halaga ng Muling Pagkabuhay.” Isinalin mula sa
“The Price of Revival” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

MAKALUPAING PAGPAPALA PARA SA MGA
NAGKAKAMIT NG KALULUWA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang antas ay humihikayat ng mga kaluluwa” (Mga Kawikain 11:30).

I.   Una, ang nangangamit ng kaluluwa ay ang pinaka maiging Kristiyano,
Lucas 19:10; I Kay Timoteo 1:15; Mateo 28:19-20; Juan 14:15, 21;
Mateo 4:19; Marcos 1:17; Juan 15:5; Genesis 1:25; Mateo 23:15;
25:26; Daniel 12:3; Ezekiel 3:17-18.

II.  Pangalawa, ang nangangamit ng kaluluwa ay mayroong
espesyal na pagkalapit at pakikisama kay Kristo, Mateo 28:20.

III. Pangatlo, ang nangangamit ng kaluluwa ay mayroong puspusang
pagpapala ng Banal na Espiritu, na ibinibigay lamang sa mga
nangangamit ng kaluluwa, Juan 16:7-11; 3:6;
I Mga Taga Corinto 6:19-20; Mga Taga Roma 8:9;
Mga Gawa 2:4; 4:31; 11:24.

IV. Pang-apat, ang nangangamit ng kaluluwa ay mayroong
kaligayahan na higit pa sa ibang kaligayahan ng Lupa,
Mga Awit 126:5-6.