Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAGKAKAMIT NG KALULUWANG PAGKAHABAG

SOUL WINNING COMPASSION

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-14 ng Agosto taon 2011

“Nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila” (Mateo 9:36).


Ang Griyegong salitang isinalin na “pagkahabag” ay nangangahulugang “upang makaramdam ng simpatiya, o awa, mapakibo na may malambot na pusong awa” (Isinalin mula kay Strong). Sinabi ni Spurgeon na ang Griyegong salitang ito “ay isang napaka nakatatanging isa. Hindi ito nahahanap sa klasikong Griyego. Hindi ito mahahanap sa Septuagint [ang Griyegong pagsasalin ng Lumang Tipan]. Ang katunayan ay, ito’y isang salita na nilikha ng mga ebanghelistang sina [Mateo, Marcos, at Lucas] mismo. Hindi sila nakahanap [ng isang salita] sa buong Griyegong wika na nararapat sa kanilang layunin, at gayon kinailangan nilang gumawa ng isa. Ito’y nagpapahayag ng pinakamalalim na emosyon; isang pamimilit ng [puso] – isang matinding pagnanasa ng pinakapanloob na katutubuan na may awa…ang puso [ni Kristo] ay handa nang sumabog na may awa para sa awa kung saan ang kanyang mga mata ay nakatitig. Siya’y nahabag…para sa nagdurusa para sa kanya…Kung iyong ibubuod ang buong karakter ni Kristo…maari itong maipagsama-sama sa isang pangungusap, ‘Nahabag siya sa kanila’” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Compassion of Jesus,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1979 edisiyon, kabuuan LX, p. 613; teksto, Mateo 9:36).

Sa tinggin ko alam ko ang dahilan na walang salita upang ilarawan ang “pagkahabag” sa Griyegong wika. Ang Greko-Romanong mundo ay hindi kinalangan ang isang uri ng ganoong salita dahil hindi ito naramdaman ang ganoong emsosiyon. Ito’y isang sibilisasyon na sumama na walang pusong kasamaan. Inilarawan ng Apostol Pablo ang mga hetanong mga taong ito bilang “mga walang katutubong paggiliw [di mapagmahal], [mga walang pagpapatawad], mga walang habag” (Mga Taga Roma 1:31). Di mapagmahal, walang pagpapatawad, walang awa, at pagkahabag – ibinubuod niyan ang Greko-Romanong mundo ng unang siglo. Sinabi ni Dr. Charles Hodge, “Madilim katulad ng larawan rito ay naiguhit, hindi ito kasing dilim na gaya ng ipinapakita ng mga pinaka kilalang Griyego at Latinong mga may-akda, ng kanilang sariling mga kababayan [sa unang siglo]. Ang mga taga-kumento ay nakapag-ipon ng isang nakatatakot na pagtatanghal ng mga talata mula sa mga matatandang manunulat, na higit pang sinasang-ayunan ang pagpapaliwanag [sa Mga Taga Roma 1] na ibinigay ng Apostol” (isinalin mula kay Charles Hodge, Ph.D., A Commentary on Romans, The Banner of Truth Trust, 1997 edisiyon, p. 43; sulat sa Mga Taga Roma 1:29-31)

Sa maikling sermon na ito mapaa-alala ko lamang sa inyo ang pagkawalang puso ng mga taga Roma, sa kanilang madugong kalupitan sa mga kolesiyum, kung saan ang mga tao ay nagsigalak sa kanilang lasing na pagdiriwang habang ang mga manlalaban, at kahit mga maliliit na mga bata, ay napupunit ng pira-piraso ng mga mababangis na mga oso at mga leyon. Mapapaalala ko lamang sa iyo na ito’y isang karaniwang kinaugalian para sa mga paganong ito upang “ilantad” ang mga bagong panganak na mga sanggol, iniiwan ang mga libo-libong mga di gustong mga sanggol na mamatay sa mga bukid at kagubatan, magaspang na paraan ng aborsyon.

Ngunit noong si Kristo ay dumating ang Kanyang mga tagapasunod ay nagligtas ng maraming nabuhay sa kasamaang kanilang naranasan sa mga arena. Ito’y karaniwan para sa mga naunang mga Kristiyanong iyon upang magpunta sa mga bukid at mga kagubatan upang magligtas ng mga nagsisiiyakang mga sanggol, na naiwan doon upang mamatay. Ang pagkahabag ng mga naunang mga Kristiyanong ito ay isang bagong bagay sa Greko-Romanong mundo ng unang siglo. At ito’y isa sa mga pinaka dakilang katangian ng bagong relihyon na nagdala sa libo-libong mga tao sa mga simbahan. Ang mga naunang mga Kristiyanong iyon ay natutong magkaroon ng pagkahabag mula kay Kristo Mismo! Ngayon ako’y magdadala sa iyo ng dalawang punto sa pagkakamit ng kaluluwa mula sa ating teksto,

“Nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila” (Mateo 9:36).

I. Una, upang maging nangangamit ng kaluluwa dapat mong maramdaman ang naramdaman ni Hesus.

Sabi ng isa, “eh, si Hesus iyon. Hindi ako si Hesus.” Alam ko hindi ikaw si Hesus. Ngunit alam ko rin na kung tunay kang napagbagong loob, kailangan mo Siyang maging halimbawa, dahil dumating siya, “na [tayo'y] iniwanan ng halimbawa, upang [tayo'y] mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). Si Kristo ang ating halimbawa. Dapat nating subukang sundin si Kristo bilang ating modelo. Dapat tayong magkaroon pati ng parehong ugali gaya ni Kristo. Sinabi ng Apostol Pablo, “Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman” (Mga Taga Filipo 2:5). Dapat tayong magsikap na mag-isip at makadama tulad ng naramdaman ni Hesus,

“Nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila” (Mateo 9:36).

Paulit-ulit sa mga sinoptikong mga Ebanghelyo mababasa natin ang tungkol sa pagkahabag ni Hesus, ang Kanyang simpatiya at awa sa mga nawawala.

“At siya'y lumabas, at nakita ang isang malaking karamihan, at nahabag siya sa kanila...” (Mateo 14:14).

“At pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, Nahahabag ako sa karamihan...” (Mateo 15:32).

“Si Hesus ay [nahabag sa kanila]…” (Mateo 20:34).

“Sa pagkaawa […] niya” (Marcos 1:41).

“At lumabas siya at nakita ang lubhang maraming tao, at nahabag siya sa kanila...” (Marcos 6:34).

“Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nangatira sa akin, at walang mangakain” (Marcos 8:2).

“At pagkakita sa kaniya ng Panginoon, siya'y kinahabagan niya, at sinabi sa kaniya, Huwag kang tumangis” (Lucas 7:13).

Noong ako’y labin tatlong taong gulang mga kaganapan ay gumawa nitong imposible upang ako’y manirahan kasama ng aking mahal na ina. Na nag-aatubili pinayagan ako ng aking tiyo na manirahan kasama nila sa kanyang bahay. Ngunit hindi ko naramdamang malugod akong tinanggap doon. Ang tahanan rin ay puno ng pag-aaway at pagtatalo. Kaya pagkatapos ng eskwela, sa mga kinahapunan na, lumalabas ako sa likurang pinto, at naglalakad sa likod ng bahay, inaakyat ang bakod at nakikipaglaro sa anak ni Dr. at Gng. McGowan, ang mga tao sa kabilang bahay. Habang ang araw ay pababa na si Mike at ako ay nagpupunta sa loob ng kanilang bahay upang manood ng telebisyon. Madalas sasabihin sa akin si Gng. McGowan, “Robert bakit hindi ka maghapunan kasama namin?” Napakaraming beses na ako’y kumain ng hapunan kasama nila sa kanilang kusina. Isang hapon sinabi sa akin ni Gng. McGowan, “Robert gusto mo bang sumama sa amin sa isang muling pagkabuhay na pagpupulong ngayong gabi?” Sinabi ko, “Oo naman,” at nagpunta kasama nila nang gabing iyon sa Unang Bautismong Simbahan ng Huntington Park, ng California. Pagkatapos noon sumama na ako sa kanila kada Linggo. Hindi ako ligtas ng maraming taon, ngunit patuloy akong nagpunta sa simbahan kasama nila.

Noong huling gabi ng Linggo sinabi ko ang kwentong iyan. Pagkatapos sinabi ko kay Gg. Griffith na hindi ako magiging pastor ngayon, 57 taon ang nakalipas, kung hindi ako pinakain ni Gng. McGowan ng hapunan at sinabihan, “Robert gusto mo bang sumama sa amin sa isang muling pagkabuhay na pagpupulong ngayong gabi?” Sinabi gayon ni Gg. Griffith, “Wala rin ako rito kung hindi niya ginawa iyon.” Tapos sinabi ko it okay Gg. Ceron, “Walang iba sa ating simbahan ang narito kung hindi niya ginawa iyon!” Ang pagkahabag na nagkaroon si Dr. at Gng. McGowan sa isang nag-iisang, nawawalang labin tatlong taong gulang na bata ay nagresulta pagkasimula ng dalawang simbahan, maraming mga taong naligtas, at ang mga sermon na ito ay lumalabas sa libo-libo palibot ng mundo sa 14 na mga wika sa Internet.

“Nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila” (Mateo 9:36).

“Gawin Akong isang Biyaya.” Kantahin ito!

Gawin akong isang biyaya, Gawin akong isang biyaya,
    Palabas mula sa aking buhay naway si Hesus ay kuminang;
 Gawin akong isang biyaya, O Tagapagligtas, panalangin ko,
    Gawin akong biyaya sa isang tao ngayon.
 (“Gawin Akong isang Biyaya.” Isinalin mula sa
     “Make Me a Blessing” ni Ira B. Wilson, 1880-1950).

Nararamdaman ng mga nangangamit ng kaluluwa ang naramdaman ni Hesus. Kung wala kang nararamdamang pagkahabag, walang simpatiya o awa para sa isang nawawalang tao, mayroong maliit na pagkakataon na makakamit mo siya.

II. Pangalawa, upang maging nangangamit ng kaluluwa dapat mong gawin ang ginawa ni Hesus.

Hindi lamang naramdaman ni Hesus ang pagkahabag sa mga nawawala – Mayroon Siyang ginawa tungkol rito! Iniwan ng mga Disipolo si Hesus sa may balon sa Samaria habang sila’y nagpunta upang bumili ng pagkain. Noong sila’y bumalik si Hesus ay pinaligiran ng mga Samaritano na ipinagbabagong loob. Sinubukang pigilan ng mga Disipolo si Hesus at kumain. Sinabi Niya mayroon na Siyang pagkain,

“Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa. Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin” (Juan 4:34-35).

Noong ako’y 17 tinawag ako ng Diyos upang mangaral ng Ebanghelyo. Nilesensiyahan nila akong mangaral sa simbahan sa Huntington Park. Nagsimula akong mangaral agad-agad, ngunit nawawala pa rin ako. Nangaral ako ng isang namemoryang Ebanghelyo, ngunit hindi ko kilala si Kristo. Tinawag ako ng Diyos na mangaral bago pa ako naligtas! Bumalik akong nanirahan kasama ng aking ina sa sakop ng Echo Park sa Los Angeles.

Nabasa ko ang isang maliit na aklat tungkol kay Hudson Taylor, isang dakilang tagapagbunsod na misiayonaryo sa Tsina. Naramdaman ko na dapat akong maging isang misyonaryo sa mga Tsino. Sumapi ako sa Unang Tsinong Bautismong Simbahan ng Los Angeles noong Enero ng 1961. Ako noo’y 19 na taong gulang. Hindi ko natanto ito, hindi pa ako napagbabagong loob. Mayroong napaka kaunting mga kabataan sa aking edad sa simbahan sa panahon na iyon. Ito’y napaka liit na simbahan noon, bago naging si Dr. Timothy Lin ang pastor. Ngunit si Murphy at Lorna Lum, isang batang mag-asawa sa simbahan ay malugod akong tinanggap doon. Inilabas nila ako upang kumain pagkatapos ng panggabing paglilingkod, kasama ni Gg. Gene Wilkerson. Dinala nila ako sa kanilang tahanan. Noong taglagas nagpunta ako sa Kolehiyo ng Biola (ngayon ay Unibersidad na). Si Murphy ay kumukuha ng mga korso sa Seminaryo ng Talbot, na konektado sa Biola. Ako’y naka-upo sa tabi ni Murphy noong umaga na ako’y naligtas, noong ika-28 ng Setyembre taon 1961.

Habang ako’y tumitingin pabalik ng halos kalahating siglo, hindi ako magiging isang Kristiyano ngayon kung hindi dahil sa pagkahabag nina Dr. at Gng. McGowan at Dr. at Gng. Lum. Sila’y nag-alalang sapat para sa aking kaluluwa upang tulungan ako hangang ako’y malakas nang sapat kay Kristo upang tumayong mag-isa. Masasabi ko nang may matinding pagkakumbinsi na ang apat na taong iyon ay nakamit ang aking kaluluwa para kay Kristo. Hindi lang nila ako nagawang magsabi ng isang madaliang “panalangin ng makasalanan,” at tapos ay binitiwan ako. Hindi, higit pa riyan ang ginawa nila! Nag-alala sila para sa aking kaluluwa! Nakamit nila ang aking kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang pagkahabag para sa isang nag-iisa, at nawawalang binata. Hindi iyan “istilo-ng-buhay” na ebanghelismo. Hindi! Iyan ay tulad-ni-Kristong ebanghelismo! Sila’y mabubuti sa akin at tinulungan nila akong manatili sa simbahan upang marinig ang Ebanghelyong maipangaral kada Linggo. Umaasa ako na iyan rin ay gagawin mo sa mga nawawalang kabataan na nagpupunta sa ating simbahan.

“Nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila” (Mateo 9:36).

Gawin akong isang biyaya, Gawin akong isang biyaya,
    Palabas mula sa aking buhay naway si Hesus ay kuminang;
 Gawin akong isang biyaya, O Tagapagligtas, panalangin ko,
    Gawin akong biyaya sa isang tao ngayon.

Sinabi ni Dr. John R. Rice,

     Ang mensahe ng Ebanghelyo ay natural na nangangailangan ng pagkabahag para sa nawawala…ang lubos na alay ng Panginoong Hesu-Kristo, ang Kanyang nakamamatay na pag-ibig, dapat ay makapagpatunay sa ating mga puso. Ang kwento na kung paano ang iniwan ng Tagapagligtas ang Langit, ang Kanyang kahirapan, ang Kanyang pagkakumbaba, ang Kanyang pagkatakwil, ang Kanyang madugong pawis sa Gethsemani, ang Kanyang nakamamatay na paghihirap sa krus, ay mga ganoong uri ng mga temang hindi mapag-uusapan ng nararapat maliban na lang na may malalim na pagpapakilos ng kaluluwa. Anong pagbabaha ng pag-ibig, ng pasasalamat, ng banal na pagsusuko, ng natutuwa paglilingkod ang kanilang nagigising sa isang tunay na nananampalataya!
     Madalas natin itong nariring na sinasabi ng mga nawawalang makasalanan, “Napakaraming mga epokrita sa simbahan.” Nalulungkot akong sabihin na ikinatatakot ko na sila’y tama. Walang duda na maraming mga epokrita sa simbahan. Isa sa mga labin dalawang mga Apostol ay isang epokrita…Alam mo ba ang isang bagay na higit na gumagawa sa isang Kristiyanong magmukhang epokrita?...Naniniwala ako na ang mga di ligtas na mga tao ay nadarama ang hindi nila lubos na maintindihan o mailagay sa mga salita, na kung ang mga Kristiyano ay dapat maging kung ano dapat sila…hindi maaring malamig ang kanilang loob tungkol sa mga banal na mga bagay gaya ng kaligtasan ng mga kaluluwa. Sa palagay ko ang mga nawawalang mga makasalanan sa lahat ng lugar ay alam na kung mayroong Langit na makakamtam at isang Impiyerno na iiwasan; kung ang kamatayan at walang hanggan at kaligtasan at pagkakondena ay mga tema na may ganoong uri ng kalakhan gaya ng itinuturo ng Ebanghelyo ni Kristo, gayon bawat mga muling ipinanganak muling anak ng Diyos ay dapat…magbayad ng kahit anong halaga upang mapigilan ang isang nakaaawang, nakondenang kaluluwa mula sa pagpupunta sa Impiyerno! (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Golden Path of Successful Personal Soul Winning, Sword of the Lord Publishers, 1961, pp. 123, 124, 125).

Pagwawalang bahala sa mapaghabag na pangangamit ng kaluluwa ay tumatatak sa mga miyembro ng simbahan bilang mga epokrita sa mga mata ng mundo. Nararamdaman ng mga tao, “Kung ang mga tao ng simbahang ito ay tunay na pinaniniwalaan ang sinasabi nila, gagawa sila ng mashigit pa upang matulungan ang ibang maging mga Kristiyano.” Alam mo na iniisip nila iyan! Alisin natin ang kahihiyang ito sa pagmamahal at pag-aalaga ng mga nawawalng mga karamihan na nagpupunta sa ating simbahan kada Linggo!

Kung gusto mong ihandog muli ang iyong sarili sa banal na gawain ito magpunta at lumuhod rito sa harapan ng pulpit. Mananalangin kami para ibigay sa iyo ng Diyos ang pagkahabag para sa nawawalang mga kabataan na dinadala natin sa simbahan. (panalangin). “Gawin Akong isang Biyaya.” Kantahin ito habang ika’y pabalik sa iyong upuan.

Gawin akong isang biyaya, Gawin akong isang biyaya,
    Palabas mula sa aking buhay naway si Hesus ay kuminang;
 Gawin akong isang biyaya, O Tagapagligtas, panalangin ko,
    Gawin akong biyaya sa isang tao ngayon.

Hindi ko dapat isara ang paglilingkod na ito na hindi nagsasabi ng ilang salita doon sa mga nawawala pa rin. Sinasabi ng Bibliya, “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak [upang mamatay sa Krus], upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16). Panalangin namin na ika’y tatalikod mula sa kasalanan at magpunta ng direkta kay Hesu-Kristo. Siya na ngayon ay naka-upo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Magpunta sa Kanya sa pananampalataya! Lilinisin ka Niya mula sa iyong kasalanan gamit ng Kanyang mahal ng Dugo, at bibigyan ka ng walang hanggang buhay. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 9:35-38.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
““Narito Ako.” Isinalin mula sa
“Here Am I” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKS NG

PAGKAKAMIT NG KALULUWANG PAGKAHABAG

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila” (Mateo 9:36).

I.   Una, upang maging nangangamit ng kaluluwa dapat mong maramdaman ang naramdaman ni Hesus, I Ni Pedro 2:21; Mga Taga Filipo 2:5;
Mateo 14:14; 15:32; 20:34; Marcos 1:41; 6:34; 8:2; Lucas 7:13.

II.  Pangalawa, upang maging nangangamit ng kaluluwa dapat mong gawin ang ginawa ni Hesus, Juan 4:34-35; 3:16.