Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PANAHON NG ANI AY NGAYON NA! HARVEST TIME IS NOW! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin” (Juan 4:35). |
Sinabi ni William MacDonald,
Marahil ang mga disipolo ay nagsisipag-usap patungkol sa padating na pag-ani. O marahil ito’y isang karaniwang kasabihan sa mga Hudyo, “May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani.” Sa kahit anong bilis, ang Panginoong Hesu-Kristo muli’y ginamit ang pisikal na katunayan ng pag-aani upang magturo ng isang espiritwal na aral. Hindi dapat isipin ng mga disipolo na ang panahon ng pag-aani ay malayo pa din. [Hindi dapat nila isipin] na ang gawain ng Diyos ay maaring magawa maya-maya. Dapat nilang matanto na ang mga bukid ay puti na para sa pag-aani…Sa pinaka sandali na ang Panginoon ay nagsalita ng mga salitang ito, Siya ay nasa gitna ng isang pag-aaning bukid na naglalaman ng mga kaluluwa ng mga Samaritanong kalalakihan at kababihan. Sinasabi niya sa mga disipolo na isang matinding gawain ng pagtitipon ang nakalatag sa harapan nila, at na dapat ibigay nila ang kanilang sarili rito agad-agad at ng masigasig.
Kaya ngayon, sinasabi sa [atin] ng Panginoon, “Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid.” [Naway] ilagay ng Panginoon sa ating mga puso ang isang pag-aalala para sa mga nawawala sa paligid natin. Gayon ito;y maging na sa atin na ang pagpapasyang humakbang para sa Kanya, naghahangad na magdala ng mga buwig ng mga hinog na mga palay (isinalin mula kay William MacDonald, Believer’s Bible Commentary, Thomas Nelson Publishers, 1995, p. 1487; sulat sa Juan 4:35).
Ngayon ako’y magdadala ng tatlong simpleng mga punto mula sa Juan 4:35 at Mateo 9:37-38.
I. Una, ang panahon upang mag-impok sa pag-aani ay ngayon na.
Pareho ng aking mga lolo ay mga magsasaka. Nagtanim sila ng mga buto ng tagsibol at nag-aani, o nagdadala, ng ani tuwing taglagas. Ang pagdadala ng ani ay tinatawag na “pag-aani.” Ang mga Disipolo ay kay nakasama palang ni Hesus ng maikling panahon. Ngunit siguro’y alam nila ang tungkol sa pagkakamit na ng kaluluwa, dahil sinabi agad sa kanila ni Hesus, noong una Niya silang tinawag, “Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao” (Mateo 4:19). Ngunit ngayon sila’y nagpunta sa lungsod upang bumili ng pagkain. Habang sila’y wala, si Hesus ay kumilos sa pagkakamit ng mga kaluluwa.
“Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, kumain ka. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako'y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman. Ang mga alagad nga ay nangagsangusapan, May tao kayang nagdala sa kaniya ng pagkain? Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa. Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin” (Juan 4:31-35).
Huwag mag-antay ng apat na buwan para sa pag-aani! “Inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin” (Juan 4:35).
Ang ilan sa inyo ay maaring nag-iisip, “Mag-aantay ako para sa taglagas. Iyan ang panahon na tayo’y nakakapagpapasok ng tao.” Mali! Ngayon ay ang panahon ng pag-aani! Natagpuan namin sa pamamagitan ng mahabang kasanayan na ang Linggo pagkatapos ng (Araw ng Pagkalaya ng Amerika) ang ika-apat ng Hulyo ay ang ating sinisimulan ang taglagas na pag-aani! Ang panahon ng pag-aani ay nagyon na!
“Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin” (Juan 4:35).
Ang panahon ng pag-aani ay nagyon na! Sinabi itong mahusay ni Dr. John R. Rice sa isa sa kanyang nakakapagbagbag damdaming mga kanta,
Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.
(“Napaka Kaunting Oras.” Isinalin mula sa “So Little Time”
ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
Ngayon tayo ay mag-ani – o makakaligtaan natin ang ating gintong pag-aani! Nagtatagpuan natin na mas higit na mas mahirap pagkatapos ng Pagbibigay pasasalamat. At halos imposible tuwing panahon ng Pasko sa secular na lungsod ng Los Angeles. Enero at Pebrero ay malamig at umuulan – at maraming mga kabataan ay nasa taglamig na mga sesyon sa mga kolehiyo. Mas mahirap pa noon. Tuwing taglamig at tagsibol maraming mga pinagkakaabalahan. Ang mga tao ay nasisialis kada mayroong tatlong araw na katapusan ng lingo. Mayroong tatlong araw na bakasyon para sa Martin Luther King. Mayroong tatlong araw na bakasyon para sa Araw ng Presidente. Mayroong mga pagitang-pagsusulit. Mayroong Araw ng mga Ina. Mayroong Araw ng Pag-aalala. Mayroong pangwakas na pagsusulit. Mayroong Araw ng mga Ama. Lahat ng mga ito ay humahadlang sa ating ebanghelismo dito sa matindi at malupit lungsod na ito. Ngunit, pagkatapos ng Ikapat ng Hulyo, ang taglagas na pag-aani ay nagsisimula. Ngayon, ika-7 ng Agosto, tayo ay nasa gitna ng ating dakilang taglagas na pag-aani!
“Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin” (Juan 4:35).
“Ngayon tayo’y mag-aani.” Kantahin ito!
Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.
Ang panahon upang mag-impok sa taglagas na pag-aani ng kaluluwa ay ngayon!
II. Pangalawa, maraming mga nawawalang kaluluwa ang dapat maani.
Paki lipat sa Mateo 9:36-37. Paki basa ang dalawang mga berso ng malakas.
“Datapuwa't nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila, sapagka't pawang nangahahapis at nangangalat, na gaya ng mga tupa na walang pastor. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa” (Mateo 9:36-37).
Nakita ni Hesus ang nawawalang karamihan. Siya ay nahabag para sa kanila. Nakita Niya na sila’y nawawalang “mga tupa na walang pastor.” Sinabi Niya, “Katotohana’y ang aanihin ay marami.”
Iyan ay totoo ngayon rin! Ang aanihin ay tunay na marami. Huwag mag-antay na magdala ng mga minamahal sa mga Pagbibigay Pasasalamat na Salo-Salo! O hindi! Dalhin na sila ngayon – sa susunod na Linggo! Maririnig nila ang Ebanghelyong simpleng ipinangangaral. Hindi sila maabala ng mga bagay na nagsisimulang mangyari pagkatapos ng Pagbibigay Pasasalamat. Kung dadalhin mo sila sa simbahan upang marinig ang Ebanghelyo ngayon, ito’y mas posible na makukuha mo silang bumalik sa susunod na Linggo rin. Sinabi ni Dr. Rice,
O, dalhin ang iyong mga minamahal,
Dalhin sila kay Hesus!
Dalhin ang bawat kapatid sa Kanya!
Kapag ang mga tagapag-ani ay magsidating,
Magsi-uwi mula sa pag-aani,
Naway ang lahat ng ating mga minamahal ay
Ligtas na nakapulong sa loob!
(“O Dalhin ang Iyong mga Minamahal.” Isinalin mula sa
“Oh, Bring Your Loved Ones” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
Hindi mo makakamit ang iyong mga magulang, o mga kapatid, sa pananalangin lamang para sa kanila. Ang ilan sa inyo ay nagsisipagdalangin, ngunit ang iyong mga minamahal ay nawawala pa rin. Kailangan mong tunay na ibigin ito. Kailangang “pilitin mo silang magsipasok” (Lucas 14:23). Noong nakasalubong ni Andres si Hesus, sinasabi ng Bibliya na, “Una niyang nasumpungan ang kaniyang sariling kapatid na si Simon [Pedro], at sa kaniya'y sinabi, Nasumpungan namin ang Mesias (na kung liliwanagin, ay ang Cristo). Siya'y kaniyang dinala kay Jesus…” (Juan 1:41-42). Hindi higit ang alam ni Andres. Ngunit alam niya na si Hesus ang Mesias, at “Siya’y kaniyang dinala kay Hesus.” Hindi lamang nanalangin si Andres para kay Pedro upang magpunta kay Hesus! Hindi! “Siya’y kaniyang dinala kay Hesus.” Ang ilan sa inyo’y nagdadasal para sa ilang kamag-anak ng mahabang panahon, ngunit mukhang walang nakakapagpakilos sa kanila. Kung alam nilang nabiyak ang iyong puso na sila’y nawawala pa rin, kung mararamdaman nila ang malalim na kagustuhan sa iyong boses, isang pamimilit sa iyong tono, maaring sila’y magpunta sa simbahan at marinig ang Ebanghelyo, at maligtas.
“Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” (Mga Taga Roma 10:14).
Sinabi ni Dr. Rice,
Oras na para sa pagbabala, oras na para sa pagmamakaawa,
Oras na upang lumuha,upang kumapit sa krus,
Masyado nang huli sa Langit,
Upang makamit ang iyong mga minamahal;
Masyado nang huli upang magdasal,
Upang lumuha para sa mga nawawala.
O, dalhin ang iyong mga minamahal,
Dalhin sila kay Hesus!
Dalhin ang bawat kapatid sa Kanya!
Kapag ang mga tagapag-ani ay magsidating,
Magsi-uwi mula sa pag-aani,
Naway ang lahat ng ating mga minamahal ay
Ligtas na nakapulong sa loob!
(Isinalin mula kay Dr. John R. Rice, ibid.).
Maaring mayroong magsasasbing, “Dr. Hymers, sinubukan ko nang lubos, ngunit hindi sila nakikinig.” Alam ko kung ano ang pakiramdam na iyan. Huwag sumuko! “Sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod” (Mga Taga Galacias 6:9). Ika’y nag-iisip ngayon ng isang kamag-anak o kakilala na alam mong dapat mong dalhin sa susunod na Linggo. Mapunta rito sa harap ng pulpito at lumuhod, at kami’y mananalangin na bigyan ka ng Diyos ng sigasig at pananampalatya upang magpunta at “pilitin silang pagsipasok.” (panalangin). Kantahin ang koro muli, habang kayo’y pabalik sa inyong mga upuan.
O, dalhin ang iyong mga minamahal,
Dalhin sila kay Hesus!
Dalhin ang bawat kapatid sa Kanya!
Kapag ang mga tagapag-ani ay magsidating,
Magsi-uwi mula sa pag-aani,
Naway ang lahat ng ating mga minamahal ay
Ligtas na nakapulong sa loob!
III. Pangatlo, ang mga manggagawa ay kakaunti.
“Datapuwa't nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila, sapagka't pawang nangahahapis at nangangalat, na gaya ng mga tupa na walang pastor. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa; Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin” (Mateo 9:36-38).
Mayroong isa pang kaisipan rito. “Nang Makita niya ang karamihan.” Magkakaroon tayo ng maraming mga kabataan na magpupunta sa ating simbahan sa pamamagitan ng ating regular na ebanghelismo sa susunod na ilang mga lingo. Ngunit anong mahahanap nila kapag sila’y nagpunta rito? Mahahanap ba nila na ika’y mapagmahal at mapagkaibigan sa kanila? Mahahanap ba nilang ika’y nagsisikap na makaibigan sila at magawa silang maramdaman na sila’y kumportable? O mararamdaman ba nila wala kang paki-alam sa kanila? Alam mo, nararamdaman iyan ng mga tao.
Matatandaan mo ba ito sa susunod na Linggo? Iyan ay mahabang panahon! Nitong huling Sabado ng gabi nangaral ako ng isang pangaral sa sigasig kay Kristo. Isa sa mga punto ay, “Dapat tayong maging masigasig sa ating pagkakanta.” Ang puntong ito ay tinanggap ng maraming sigasig noong Sabado ng gabi. Ngunit labin dalawang oras lang maya-maya, ng umaga ng Linggo, tayo’y nagkaroon ng pinaka malubhang pagkanta na nagkaroon tayo sa loob ng ilang buwan. Bakit? Dahil sa mga espirituwal na mga bagay ang tao ay napaka mahina at tamad sa pinaka mainam nang kalagayan. Kahit pagkatapos na tayo ay napagbagong loob tayo ay malakas paring natutuksong maging tamad. Ganoon ang epekto ng Pagbagsak! Kaya, ang ipinangaral noong gabi ng Sabado ay nalimutan na sa sunod na umaga ng maraming mga tao sa ating simbahan.
Ganoon rin sa sermon ito. Sinabi ni Hesus, “katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa.” Iyan ay totoo sa atin. Makakakita tayo ng mas higit pang mga naidadagdag sa ating simbahan kung mayroon tayong mas marami pang mga manggagawa.
Salamat sa Diyos at mayroon tayong ilang mga manggagawa. Ngunit maraming mga tao, kahit sa ating simbahan, ay walang sapat na sigasig upang makapagkamit ng nawawalang kaluluwa. Ang ating mga diakono at mga pinuno ay nagdadala ng marami, “datapuwa’t kakaunti ang mga manggagawa,” kaya karamihan sa kanila ay lumalayo ay hindi bumabalik. O kung ang ating mga kabataan ay gumising lamang, anong pag-aani ang magkakaroon tayo! Ngunit marami ay hindi gigising. Sila’y babalik sa ginawa nila noong huling Linggo sa sunod na Linggo. Salamat sa Diyos na ngayon mayroon na tayong ilang mga manggagawa! Ngunit sinabi ni Hesus,
“Kakaunti ang mga manggagawa; Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin” (Mateo 9:37-38).
Dapat tayong manalangin para sa mas marami pang mga manggagawa tulad ni Soriya, Sheila, Anthony, Jack at Tina – mga taong tulad nila, na nakaaalalang gumawa sa pag-aani; mga taong gumagawa na may sigasig, imbes na naiiwang nakasabit, sa isang inaantok na paraan, hindi interesado sa pagtutulong sa mga nawawalang mga kaluluwang magsipasok sa simbahan.
Ang pag-aani ay hindi napaka haba kada Linggo. Ito’y kalahating oras ang haba lamang, pagkatapos nating kumain ng hapunang sabay-sabay. Ano mang nangyayari sa kalahating oras na iyon ay ang magsasbi kung tayo’y nag-ani o hindi. Ang mga inaantok ay tumatambay sa banyo, nagpupuntang hindi lubos nilang kagustuhan sa samahan. Wala silang pamimilit, o sigasig para doon sa mga nawawala. Sila’y magiging parehas sa sunod na Linggo gaya nila noong huling Linggo. Sila’y hindi gigising hangga’t magkaroong ng makapangyarihang paggalaw ng Diyos.
“Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa; Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin” (Mateo 9:37-38).
“Napaka Kaunting Oras.” Kantahin ito!
Napaka kaunting oras! Ang pag-aani ay matatapos na,
Ang ating pag-aani ay tapos na,
Tayo’y mga mang-aani ay dinadala sa Uwian,
Iniulat ang ating gawa kay Hesus,
Panginoon ng pag-aani,
At umaasa na Siya’y ngingiti at sasabihin
Niyang, “Mabuting gawa!”
Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.
(Isinalin mula kay Dr. Rice, ibid.).
Sinabi ng propetang Jeremias, “Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay lipas na, at tayo'y hindi ligtas” (Jeremias 8:20). Ngayon ay ika-pito na ng Agosto. Maryoon na lamang tatlo pang Linggo at ang tag-init ay tapos na hanggang sa susunod na taon. Ika’y dumaan sa tagsibol na ito at tag-init na ito, at “ang taginit ay lipas na, at [ika’y] hindi ligtas.” Alam mo na si Kristo ay namatay para magbayad para sa iyong mga kasalanan. Alam mo na Siya’y bumangon mula sa pagkamatay – at ngayon ay nasa Langit na, kasunod ng Ama. Alam mo na kayang linisin ni Kristo ang iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang Dugo kung ika’y magpupunta sa Kanya. Naranig mo na akong nagsabi ng mga bagay na ito ng napakaraming beses at gayon man ika’y “hindi ligtas.” Nagkakaroon ng napakaraming pagkakataon, bakit ka nagpipigil? Bakit ka tumangging magpunta sa Kanya? Magsisi at magpunta kay Kristo!
Sa natitira sa inyo sasabihin ko, “Ngayon tayo mag-ani” – tumayo at kantahin ang koro ng kanta ni Dr. Rice muli.
Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
Ang ating gintong ani!
Ngayon ay ibinibigay sa atin
Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
Mula sa pagkasunog,
Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 9:35-38.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Napaka Kaunting Oras.” Isinalin mula sa
“So Little Time” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKS NG ANG PANAHON NG ANI AY NGAYON NA! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin” (Juan 4:35). I. Una, ang panahon upang mag-impok sa pag-aani ay ngayon na, II. Pangalawa, maraming mga nawawalang kaluluwa ang dapat maani, III. Pangatlo, ang mga manggagawa ay kakaunti, Mateo 9:36-38; |