Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG SIKAP NI HESUS – ANG ATING DAKILANG HALIMBAWA!

THE ZEAL OF JESUS – OUR GREAT EXAMPLE!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado ng Gabi Ika-30 ng Hulyo taon 2011

“Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay” (Juan 2:17).


Noong si Hesus ay dumating sa Jerusalem ang lungsod ay napuno ng mga tao. Nagsidating sila upang ipagdiwang ang paskua. Nagpunta Siya sa templo at nakita ang mga negosyante at mga tagapagpalit ng pera. Sila’y nagbebenta ng mga baka, tupa at mga kalapati upang gamitin bilang alay. Nakita Niya ang mga tagapagpalit ng pera na nagnenegosyo at kumikita ng tubo sa loob ng hardin ng templo. Gumawa Siya ng isang latigo itinaboy sila,

“At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay-kalakal” (Juan 2:16).

Tapos natandaan ng mga Disipolo ang propesiya sa Mga Awit 69:9, “Kakainin ako ng sikap ng iyong bahay” (Juan2:17). Maari itong masalin na, “Ang sikap ng Iyong bahay ay lumamon sa akin.” Ang Griyegong salitang isinalin na “sikap” ay nangangahulugang “kaalaban.” Ito’y nagmula sa isang ugat na salita na nangangahulugang “maging mainit, mapagpunyagi, maalab.”

Sinasabi ng Bibliya na iniwanan tayo ni Kristo ng “halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). Si Hesus ay masikap, mapagpunyagi, mainit at maalab para sa karangalan ng bahay ng Diyos. Dapat nating sundan ang Kanyang halimbawa. Dapat tayong maging masikap, mapagpunyagi, mainit at maalab para “sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay” (I Timoteo 3:15). Dapat tayong maging “masikap sa mabubuting gawa” (Titus 2:14) sa “iglesia ng Dios na buhay.”

I. Una, ang pangangaral ay dapat maging masikap.

Nakukuha natin ang ideya na si Hesus ay nangaral na may napaka hinang boses mula sa mga pelikula sa Hollywood. Ngunit mumunting pag-iisip ay nagpapakita na hindi ito maaring totoo. Nangaral Siya sa libo-libong mga tao sa panahong iyon. Paano Siya maaring nakapangaral sa napakarami na hindi itinataas ang Kanyang tinig? Sa Juan 7:37 mababasa natin,

“Si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom” (Juan 7:37).

“Sumigaw” Siya. Ang Griyegong salita ay nangangahulugang “sumigaw, namamaos, o na agad-agad” (isinalin mula kay George Ricker Berry); “upang sumigaw, upang tumawag ng malakas, tumili, humiyaw” (isinalin mula kay Strong). Sinabi ng Puritanong si William Perkins (1558-1602), “Sa pagpapaliwanag ng doktrinang ito sa isang pangaral dapat tayong maging mas mahinhin, ngunit sa sermon dapat tayong maging mas maalab at maapoy” (isinalin mula kay William Perkins, The Art of Prophesying, The Banner of Truth Trust, 2002 inilimbag muli, p. 75). Sinabi ni Dr. John R. Rice,

Ang pinakamatinding problema ng mga simbahan ay ang problema ng mangangaral..nagkukulang ang mga Mangangaral ng banal na apoy, ang tulad-ni-Kristong kaalaban, ang katapangang Juan Bautista, ang pagka-agaran ni Pauline, ang paglalagay ng Banal na Espiritu ng kapangyarihan na magpapaapoy ng mga simbahan ng Diyos…Ang kailangan natin at dapat tayong magkaroon kung ating pakaluluguran ang Diyos at gawin ang Kanyang gawain ng epektibo ay ang apoy mula sa langit, ang apoy sa ating mga buto na mayroon si Jeremiah…Kailangan natin ang Salita ng Diyos upang umalab sa loob ng ating mga puso, tulad ng isang apoy sa ating mga buto, upang tayo’y hindi makapanatili (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Soul Winner’s Fire, Sword of the Lord Publishers, 1969, pp. 53-54).

Amen! At amen!

Madalas naalala si Dr. Martyn Lloyd-Jones para sa papaliwanag na pangangaral. Ito ay dahil sa karamihan sa kanyang mga aklat ay nanggagaling sa kanyang umagang pangangaral, na nakaturo sa mga Krisitiyano. Kakaunti lamang sa kanyang mga gabi ng Linggong ebanghelistikong pangangaral ang nakalimbag. Ngunit kung pakikinggan mo ang mga teyp ng kanyang mga gabing Linggong pangaral madidinig ninyo ang maiging halimbawa ng kung ano dapat ang pangangaral. Mas maraming mga tao ay nagsisidayo upang pakinggan siyang mangaral ng gabi ng Linggo kaysa umaga ng Linggo. Nagsasalita tungkol sa hindi binigyan ng pangalang mangangaral sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Walang sikap, o pagpupunyagi…Ang kanyang buong ugali ay mukhang putol at maka-akademika at pormal…Ang pangangaral ay teyolohiya na nanggagaling mula sa isang taong nag-aalab” (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Preaching and Preachers, Zondervan Publishing House, 1981, pp. 88, 90, 97). Amen! At amen!

Ako na ngayon ay pitum pong taong gulang na. Kailangan kong maglakad ng kalahating oras, at lumangoy ng isa pang kalahating oras bawat araw, at hindi kumain ng pulang karne ng higit sa ilang beses kada taon – upang manatiling malusog upang mangaral. Dapat akong gumugol ng mahahabang oras sa aking silid aralan, sa pananalangin at pagbabasa – upang manatiling malusog upang mangaral. Hindi mo ito masabi sa pagbabasa ng mga sermon ito, ngunit kapag ang mga ito’y ipinangangaral, ipinangangaral ito na may matinding sikap. Ipinangangaral ang mga ito ng pangungusap kada pangungusap, na may dalawang tagapagsalin. Nagbibigay ako ng pangungusap sa Ingles, tapos si Gg. Song ay magsasalin sa Tsinong Madarin, tapos si Gg. Mencia ay nagsasalin sa Espanyol – tapos pabalik sa akin. Ang mga sermong ito, na may dalawang pagsasalin, ay tumatagal ng mga limampung minuto. Magiging nakayayamot ang mga ito maliban nalang kung lahat kaming tatlo ay magbubuhos ng aming puso na may ebanghelistikong sikap, kahit nangangaral ng “umaapoy” sa ilang pagkakataon – gaya ng ipinayo ni William Perkins!

Kagabi ang aking asawa, anak at isa sa mga binata sa aming simbahan ay nanood ng isang videyo ni Dr. W. A. Criswell na nagbibigay ng isang pangaral sa Unang Bautismong Simbahan ng Dallas, Texas sa Ika-9 ng Hunyo taon 1985. Si Dr. Charles Stanley ay nasa plataporma bilang pangulo ng Timog Bautismong Kumbensyon, Si Dr. Paige Patterson, ngayon pangulo ng Timog-kanlurang Bautismong Teyolohikal na Seminaryo, ang nagbigay ng mga anunsyo. Ang dakilang koro ay kumanta at mga panalangin ay inialay.

Ito’y hindi karismatiko o “umuusbong na simbahang” paglilingkod. Ito’y isang lumang istilong Bautismong simbahang paglilingkod. Ngunit mayroon doong isang bagay na nagkukulang sa marami sa ating mga simbahan ngayon. Ito’y naka tutuwa! Ang mga tao sa Unang Bautismo ay nagsisipalakpak ng apat na beses bago nangaral si Dr. Criswell sa “Ang Di-nakakamaling Salita ng Diyos.” Pumalakpak sila ng tatlong beses sa loob ng pangangaral, iniistorbo si Dr. Criswell na may malalakas na amen din. Ang pangangaral ay nakatutuwa at makapagbag-bag damdamin at puno ng sikap. Habang pinanonood ko ito naisip ko, “Huwag tayo kailan man mahiyang palakpakan ang katotohanan! Huwag tayong mahiyang ipakita ang ating sikap para sa Diyos!” Oo, pumapalakpak ang mga tao sa aking mga sermon. Bakit hindi? Kung mabuting sapat ito para kay Dr. Criswell ito’y mabuting sapat rin sa akin! Ngunit gaano man tayo kasikap mangaral, o gaano man tayo kasigasig, hindi ito magkakaroon ng tumatagal na epekto sa nawawala hangga’t ang Diyos ay mamagitan at gagamitin ang mga pangaral.

“Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay” (Juan 2:17).

Na nagdadala sa atin sa susuunod na punto.

II. Pangalawa, ang mga panalangin ay dapat masikap.

Napaka masikap ng mga naunang mga Kristiyanong manalangin! Halimbawa, mababasa natin sa Mga Gawa 4:24,

“Nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios”
       (Mga Gawa 4:24).

Pansinin na “[itinaas] nila ang kanilang tinig.” Ang Griyegong salita ay nangangahulugan na kanilang itinaas ang kanilang mga tinig, at nagdasal ng malakas. Tapos pansinin na sinasabi nito, “Nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig.” Karamihan sa mga taga-kumento ay hindi alam kung anong ipagkakahulugan nito! Si Charles John Ellicott lamang ang mukhang nakahula ng ibig nitong sabihin. Para sa akin mukhang posibleng isa sa kanila ay “[nagtaas]” ng kaniyang tinig ng malakas, at ang iba ay sumali sa pagsasabi ng “amen” sa kanya. Pansinin na ang iisang bagay na kanilang ipinagdasal ay “ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan” (Mga Gawa 4:29). Iyan lamang kanilang hiling sa panalangin. Marahil, rin, kapag ang isa ay nanguna sa panalanging iyan, silang lahat ay nanalangin ng malakas ng sabay sabay na may parehong hiling. Iyan ay mukhang ipinahihiwatig sa berso 24, “[nangagkaisa].” Ito’y minsan nangyayari sa mga panahon ng muling pagkabuhay, gaya ng matinding Koreyanong muling pagkabuhay ng taon 1910. Nasaksihan ko ito sa isang malakawakang muling pakabahuay kung saan ako’y naroon, sa isang Tsinong Bautismong simbahan. Dapat tayong lahat ay manalangin ng may sikap na gamitin ng Diyos ang pangangaral upang ipagbagong loob ang nawawala! Naway tayo’y manalangin nang may matinding pagsisikap, gaya ni Hesus sa Hardin ng Gethsemani,

“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas” (Lucas 22:44).

“Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay” (Juan 2:17).

III. Pangatlo, ang pagkakanta ay dapat masikap.

Sinasabi ng Mga Awit 81:1, “Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan: mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob.” Kung ang pagkakanta ay hindi gagawin na may pagsisikap, gayon ang mga puso ng nawawala ay hindi mapakikilos. Kung ang pagkakanta ay mekanikal at mahina, hindi ko iniiisp na ang Diyos ay matutuwa. Naniniwala ako na ang nag-iisang mabuting pagkanta ay malakas, at masikap na pagkanta! “Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan: mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob” (Mga Awit 81:1). Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Nakalulungkot na walang puno ng Espiritu at umaabot sa pusong musika ang ating mga simbahan, kaya karaniwang kakaunti ang natutulong sa pagkakamit ng kaluluwa” (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Why Our Churches Do Not Win Souls, Sword of the Lord Publishers, 1966, p. 126).

Tayo’y kumanta ng malakas, sa tuktok ng ating mga baga, ang bawat himno – sa bawat paglilingkod, par asa kaluwalhatian ng Diyos. “Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan: mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob”!!!

IV. Pang-apat, dapat magkaroon ng matinding sikap sa pag-aaruga ng mga nawawala kapag sila’y dinadala sa ating mga paglilingkod.

Nakalulungkot, na madalas nating mahanap ang sinabi ni David sa sarili nating mga simbahan,

“Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo: sapagka't walang tao na nakakakilala sa akin: kanlungan ay kulang ako; walang taong lumilingap sa aking kaluluwa” (Mga Awit 142:4).

Ang isang nawawalang tao ay maaring magpunta sa isang simbahan at mahanap na ang mga miyembro ay interesado lamang sa kanilang mga sarili. Maryoon silang mga espesyal na mga lugar na uupuan. Hindi nila kailan man natutunang maging mapagmahal at mapagkaibigan sa mga bagong tao. Maari silang makipagkamay sa kanila at magsabi ng ilang salita, ngunit sinasabi nila sa kanilang pagkilos na wala talaga silang paki-alam. “Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.” O, tayo’y maging masikap, mapagpunyagi, at maapoy sa pag-aaruga ng mga nawawala kapag sila’y nagpupunta sa ating mga paglilingkod! Kalimutan natin ang ating mga sarili at isipin lamang ang pag-aaruga para sa kanila, at tulungan silang maramdamang tahanan ang ating simbahan! Tayo’y maging tulad ni Hesus, na palaging laging nag-aaruga ng mga makasalanan. “Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala” (Lucas 19:10). Naway masabi sa atin, na gaya nang nasabi sa Kanya,

“Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay” (Juan 2:17).

Magsitayo at kantahin ang himno numero 6 sa inyong papel.

Iligtas ang mga nasasawi, Alagaan ang mga namamtay,
   Hablutin sila sa awa mula sa kasalanan at libingan;
Lumuha para sa nagkakamaling isa, itaas ang bumagsak,
   Sabihin sa kanila ang tungkol kay Hesus ang makapangyarihan na magliligtas.
Iligtas ang mga nasasawi, Alagaan ang mga namamatay,
   Si Hesus ay mapag-awa, si Hesus ay magliligtas.
(“Iligtas ang Nasasawi.” Isinalin mula sa “Rescue the Perishing”
   ni Fanny J. Crosby, 1820-1915)

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.


ANG BALANGKAS NG

ANG SIKAP NI HESUS – ANG ATING DAKILANG HALIMBAWA!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay” (Juan 2:17)

(Juan 2:16; Mga Awit 69:9; I Ni Pedro 2:21;
I Kay Timoteo 3:15; Kay Tito 2:14)

I.   Una, ang pangangaral ay dapat maging masikap, Juan 7:37.

II.  Pangalawa, ang mga panalangin ay dapat masikap,
Mga Awit 4:24, 29; Lucas 22:44.

III. Pangatlo, ang pagkakanta ay dapat masikap, Mga Awit 81:1.

IV. Pang-apat, dapat magkaroon ng matinding sikap sa pag-aaruga
ng mga nawawala kapag sila’y dinadala sa ating mga
paglilingkod, Mga Awit 142:4; Lucas 19:10.